Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Umibig sa Anghel
Umibig sa Anghel
Umibig sa Anghel
Ebook110 pages1 hour

Umibig sa Anghel

Rating: 3 out of 5 stars

3/5

()

Read preview

About this ebook

Isang anghel na maituturing si Angelita nang tumulong kay Adrien, isang kaluluwang naliligaw. Saan patungo ang pag-iibigan nila?

Katulad ng araw at gabi ang mga mundong ginagalawan nina Angelita at Adrien. Hindi sana kailanman magkukurus ang mga landas nila pero naglaro ang tadhana. Isang gabing madilim, mistulang isang bulalakaw na nahulog sa kalawakan ang pagdating ni Adrien sa buhay ni Angelita.

Si Adrien ay nakakulong sa isang pribadong impiyerno at si Angelita ay isang anghel na handang lumusong sa apoy para iligtas siya. Marunong din kayang magmahal ang kanyang anghel?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateJul 1, 2018
ISBN9780463979532
Umibig sa Anghel
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Umibig sa Anghel

Related ebooks

Reviews for Umibig sa Anghel

Rating: 3 out of 5 stars
3/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Umibig sa Anghel - Romantique

    CHAPTER ONE:

    NAKATINGALA sa langit si Angelita, pero mas malayo pa doon ang nararating ng isipan niya. Ang nasa loob ng kanyang imahinasyon ay ang buong kalawakan. Paano'y gustung-gusto na niyang umalis sa maliit na mundong kinalalagyan.

    Angelita, pabili nga ng--aba't nakatulala na naman ang batang ire. Teka nga... Hoy, Angelita! Isang malakas na tapik sa balikat ng dalaga ang pumutol sa paglalayag ng utak.

    A-ay! Aling Tacing, kayo pala. Dali-daling inipon ni Angelita ang watak-watak na wisyo. A-ano po ang bibilhin n'yo? tanong niya nang mapagtanto ang kinaroroonan. Naka-tao nga pala siya sa munting tindahang ipinamana ng nasirang ina.

    Dalawang taon nang yumao si Aling Angge Magkakalamay, kaya dalawang taon na rin siyang nagtataguyod sa payak na hanapbuhay ng kaisa-isang magulang na nakilala. Kaisa-isa dahil isang disgrasyada si Aling Angge. Kailanman ay hindi nabanggit ang pangalan ng ama ni Angelita kaya hindi na niya nakilala.

    Ang lihim na iyon ay nag-iwan ng malaking guwang sa kahapon ni Angelita. Mababa na nga ang pagkatao niya dahil naging anak sa pagkakasala...

    Bigyan mo ako ng dalawang hiwa ng putong puti, Angelita. Damihan mo ng niyog, ha? Bago ba 'yan?

    Opo. Mainit-init pa nga po. Gamit ang plastic spatula, maliksing naglipat ng dalawang hiwa ng malambot na puto sa isang piraso ng dahon ng saging. Nilagyan niya ng dalawang kutsarang kinayod na niyog ang ibabaw bago ibinalot at isinilid sa supot na plastik.

    Heto'ng bayad. Nagpalitan ng mga palad ang isang sasampuing salaping papel. Ipapaalala ko lang, kukunin ko ang in-order na isang bilaong kalamay sapin-sapin bukas ng umagang-umaga, ha?

    Tumango si Angelita. Alas sais po bukas, sang-ayon niya.

    Mabuti. Ang akala ko'y nakalimutan mo na. Malimit kitang nahuhuling nakatunganga.

    Bahagyang namula ang mga pisngi at nag-init ang mga teynga ni Angelita, pero hindi na siya nagsalita para magpaliwanag. Tutal, wala namang halaga ang anumang opinyon niya sa mga kababaryo. Ang tingin sa kanya ng mga ito ay mababang uri dahil putok sa buho.

    O, wala na ba akong sukli?

    Umiling si Angelita. Limang piso na po ang bawat hiwa, Aling Tacing, paliwanag niya. Nung isang linggo pa po. Nagtaas na po kasi ang lahat ng-- Hindi na siya pinatapos ng kausap.

    O, siya, siya! Minamahalan mo na ako porke suki mo ako, ha? pagbubusa nito habang tumatalikod.

    Napailing na lang si Angelita nang muling mapag-isa. Kailan kaya siya makakatikim ng respeto mula sa kapwa? tanong niya sa sarili. Ganito rin ang trato sa nasirang Angge Magkakalamay. Pero bakit pati sa kanya? Wala naman siyang kasalanan, a? Hiniling ba niyang maging anak ng isang disgrasyada?

    Muling tumanaw sa mga ulap si Angelita. Paano ka ba nadisgrasya, Inay? Ano'ng klaseng lalaki ba ang Itay ko? Bakit iniwanan tayong mag-isa?

    Ang mga tanong na iyon ay umalingawngaw buhat sa nakaraan. Bata pa siya, nag-uusisa na siya. Ngunit nanatiling sarado ang bibig ni Angge dela Cruz hanggang kamatayan.

    Hinapit muna ni Angelita ang suot na maluwang na daster sa balingkinitang katawan bago niyapos ang sarili. Lumungkot lalo ang ekspresyon niya dahil naalala pang isang masakit na gunita.

    Dalagita pa lang siya noon pero pansinin na ng mga kalalakihan. Isang binatilyong kababata ang naging sikretong nobyo niya. Ngunit dahil napakaliit ng kanilang baryo, madaling nabunyag ang lihim nila ni Bobby. Sumugod sa bahay nina Angelita ang ina ng kasintahan at tumalak nang tumalak.

    Natural lang na ipagtanggol ni Angge ang sariling anak. 'Yang anak mo ang pagsabihan mo, Lita! Ke bata-bata pa, paligaw-ligaw na! 'Ala pa namang ipapalamon, pwe!

    Ababa, 'yang anak mo ang garutay! Ang kiri-kiri! Pumatol agad sa palipad-hangin! Atsaka, hoy! Hinding-hindi ko matatanggap na manugang 'yang anak mo kahit na me ipalalamon na 'tong anak ko! Putok sa buho 'yan! 'Alang kuwenta, pwe!

    Nagkapikunan, muntik nang magpang-abot ang dalawang ina kundi inawat ng mga miron.

    Bitiwan n'yo ako! Nagwawala na si Angge. Kakalbuhin ko 'yang Lita na 'yan! Masyadong mapagmalinis! Alam kong may kati ka rin! Gumagarutay kapag wala ang asawa!

    Aba't--hoy! 'Wag kang maghanap ng damay. Ikaw ang makati! Nagka-anak pero walang asawa!

    Hah! Mas malaking kasalanan kung ipinalaglag ko siya para hindi maging dalagang-ina! Hindi ko ikinahihiya ang aking si Angelita! Mabait, maganda at masipag!

    Tse! Garutay 'yang anak mo! Inakit itong anak ko!

    Binalingan ng ina si Angelita. Inakit mo ba ang anak niya? pang-uusig nito.

    Sunud-sunod ang pag-iling ni Angelita kahit na hindi pa naiintindihan ang kahulugan ng salitang 'inakit'.

    Si Bobby ang nagsalita. "N-niligawan ko po si Angelita, Inay. Tama na po ang panggugulo n'yo sa kanila. Ako po ang nangulit kay

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1