Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Pabili ng Aliw
Pabili ng Aliw
Pabili ng Aliw
Ebook177 pages2 hours

Pabili ng Aliw

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Si Gracie ay isinilang na mayroong magandang mukha at perpektong katawan. Masisisi ba siya kung gamitin niya ang mga katangian para maiahon sa hirap ang pamilya?

Si Alain naman ay mayaman, guwapo, at presko ngunit sinikal sa mga babae. Binili ni Alain si Gracie bilang libangan na mauuwi sa kasalan...

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateJul 4, 2018
ISBN9780463646632
Pabili ng Aliw
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Pabili ng Aliw

Related ebooks

Reviews for Pabili ng Aliw

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Pabili ng Aliw - Romantique

    CHAPTER ONE:

    Naalimpungatan si Gracie nang may humintong sasakyan sa di-kalayuan.

    Nasa pangalawang pinto sila ng isang seven-door apartment compound.

    Bagong lipat pa lang sila doon. Bale isang linggo pa lang. Kaya hindi pa siya sanay gaano sa mga ingay sa palibot.

    But then, she had never been able to get accustomed to their lifestyle. Her childhood had been a series of constant changes of neighbors and schools...

    Si Mommy na kaya iyon? tanong niya sa sarili habang bumabangon.

    Marahan siyang dumausdos patungo sa gilid ng kama. Ayaw niyang magising ang dalawang kapatid na dalagita, sina Morena at Anamarie.

    Tatlo silang magkakapatid pero iba-iba ang ama.

    Malimit kasing mabigo sa pag-ibig ang kanilang ina...

    Bumuntonghininga si Gracie. Alam niyang hindi pag-ibig ang naging dahilan ng paglitaw nilang magkakapatid sa mundo.

    They were the results of her mother's indiscretion and foolishness.

    Sila ang ibinunga ng tatlong beses na pagtitiwala ni Merlina Decena sa matamis na dila ng mga lalaki.

    Bumuntonghininga uli siya habang bumabangon.

    She padded towards the window on barefoot. Hinawi niya nang bahagya ang manipis na kurtina para makasilip sa labas.

    Isang lumang modelo ng Nissan ang nakahinto sa kabilang panig ng kalsada.

    Papaibis ang isang babaeng parang dalaga pa tingnan. Sa suot na maikling bestida na hapit sa katawan na medyo may korte pa naman--at sa maputing balat, hindi pa gaanong halata ang tunay na edad nitong treinta'y otso.

    Lalupa't ang kasama nito ay isang lalaking halatang may edad na.

    Her mother's profession was the oldest one since man discovered civilization. She was highly-paid and much-sought after prostitute.

    Ngunit mabilis na kumupas ang kinang ng tagumpay ni Merlina--nang dahil na rin sa sunud-sunod na pagkabigo sa pag-ibig.

    Mula sa pagiging star stripdancer ng isang sikat na nightclub, naging floor manager na lang ito sa isang semi-class night spot.

    At sa wari niya, siya ang susunod sa mga yapak ng ina...

    Gracie stopped short with the unpalatable thought. Ayaw niyang tumulad sa kanyang ina ngunit--Pumiksi siya. Para mawaksi ang mga negatibong pangitain.

    She continued thinking positively.

    Paminsan-minsan naman, nakakatisod pa rin ng matabang isda si Merlina Decena.

    Katulad nga ngayon.

    Nasa isang disenteng apartment na naman sila. Tanging ang Diyos lang ang nakakaalam kung gaano katagal silang mananatili doon bago sila kailangang lumipat uli.

    Marami na namang pangako ang kanilang ina. Kung anu-ano.

    Ililipat daw sa ibang eskuwelahan ang mga kapatid. At siya naman ay makakapag-aral na uli.

    Ngunit hindi naniniwala si Gracie na magkakatutoo ang lahat ng mga pangarap na hinahabi ng kanilang ina.

    Bagama't gustung-gusto niya.

    Nais niyang magkaroon ng ibang kapalaran ang mga kapatid. Nais niyang mabago ang takbo ng buhay nilang lahat.

    Ngunit paano? tanong niya sa sarili.

    Ang kariktan at ang kabataan, para sa isang katulad niyang anak ng isang kalapating mababa ang lipad--ay hindi maituturing na mga biyaya.

    Ang mga ito pa ang magiging susi ng pagkapariwara niya.

    Youth and beauty, in her case, were not blessings. They were her passport to the hellish life of being a prostitute.

    Or a mistress. Someday, she would be a mere plaything to appease a rich man's boredom.

    Nangilid ang luha sa mga mata ni Gracie. Tumatanggi ang puso't isipan niya na tanggapin ang anumang ihahatid ng kapalaran sa kanya. Ngunit...

    Kinagat niya ang mga labi upang hindi makahulagpos ang mga hikbing pasinghap habang pinapanood ang pakikipaghalikan ng ina sa may pagpasok ng tarangkahan.

    She forced herself to watch the lewd scene. Baka balang araw, ganito na rin ang eksena niya...

    A, sana ay hindi na lang siya napag-aral ng ina! bulalas niya sa sarili. Para hindi na niya nalaman na mali ang gayong asal...

    Tinalikuran niya ang eskandalosong eksena sa ibaba.

    Nagtungo siya sa banyo upang uminom ng tubig. Naghilamos din siya bago minasdan ang sarili sa salamin.

    Alam mo na kung ano ang magiging palad mo, hindi ba, Gracie? tanong niya sa sarili habang nakatitig sa hugis-pusong mukha.

    Tinitigan niya nang maigi ang sarili.

    Maganda nga siyang talaga.

    Her skin was flawless. Her lips were bow-shaped and velvety soft, like a red rose petal.

    Her eyes were arresting with their almond shape and sparkling blackness.

    Her nose, brows, chin, cheeks, and jaws were all delicately-shaped.

    Just like her firmly-rounded breasts and trim waist and hips.

    She was already perfect for the waiting job for her...

    Kumbaga sa prutas, hinog na siya para pitasin.

    Isa-isang hinubad ng dalaga ang mga saplot.

    Ineksamin niyang maigi ang kanyang kabuuan.

    Her palms cupped her naked nipples protectively. Her nudity embarrassed her.

    Paano ba niya magagawang magsayaw sa harap ng maraming tao?

    Malapit ka nang mag-disiotso, Gracie, pero wala ka pa ring silbi! pang-uusig niya sa sarili.

    Isipin mo na lang ang buong pamilya mo, bulong ng utak niya. You're being selfish. A damned hypocrite. Isa kang duwag na nagtatago sa kung anu-anong katwiran!

    She lashed out at herself with cold and vicious words.

    Wala kang silbi! panunumbat niya sa sarili. Hindi niya namalayan na nasabi na niya nang malakas ang iniisip.

    Umalingawngaw ang matatalas na kataga sa lahat ng sulok ng maliit na banyo.

    Pati sa lahat ng sulok ng makitid na isipan niya.

    A, sana ay hindi na lang siya nakapag-aral! ulit niya sa sarili.

    Having an education had just turned her into a bigot and narrow-minded extremist.

    Naging panatiko lang siya sa kung alin ang tama at ang mali. Nagkaroon lang siya ng obsesyon sa kadisentehan.

    But what was the real meaning decency? Did it ensure respectability?

    Kapag disente ba ang trabaho, siguradong respektable na ang isang tao?

    Paano ang mga opisyales na corrupt? O ang mga lalaking mukhang disente nga pero nagbababad naman sa mga bahay-aliwan.

    Kung tutuusin, ang mga babaeng nagiging prostitute ang talagang biktima. Hindi naman sila magbebenta ng aliw kung walang bibili, hindi ba?

    Gracie swallowed a bubble of histerical laughter.

    Ano na ba ang mga naiisip niya? Binibigyan pa niya ngayon ng katwiran ang mga maling gawain ng mga babaeng kauri ng kanyang ina!

    Magiging katulad na rin siya ng mga babaeng iyon!

    She would join their immoral status--soon.

    Sinapo ng mga palad na nanginginig ang mga pisnging nanlalamig bago inamin ang isang mapait na desisyon.

    Panahon na para magpunta siya sa lugar na dapat paglagyan.

    Bukas na bukas--maghahanap na siya ng mapapasukan...

    Gracie had been accepted at once.

    Isang first-class and very expensive na pleasure spot ang napili niya. Malakas ang kanyang loob dahil alam niyang may hitsura at katawan siya.

    Idagdag pa ang sariwang kabataan niya.

    Natatandaan pa niya ang araw ng pag-a-apply niya.

    Ilang taon ka na, iha? The manager, who had a very thin moustache, peered at her carefully.

    Sinusukat sa tingin ang kanyang tunay na edad.

    Eighteen, tugon niya, sabay hugot ng xeroxed copy ng birth certificate sa kanyang walle

    Hmm. Tumatangu-tango ang manager matapos sipatin ang manipis na papel. Buweno, tanggap ka na. Pumunta ka sa sekretarya ko, siya na ang bahala sa 'yo.

    Gracie had been giddy with the quickness of the successful interview.

    Na madali ring nawala nang makaharap na niya ang empleyadang mukhang ibon pero parang kambing dahil sa kangunguya.

    Bago ka pa lang, ano?

    Hindi pa siya nakakasagot, may karugtong na ang tanong.

    May bra ka pa, e, puna nito. Inikut-ikutan siya nito habang sinisipat ang lahat ng anggulo ng kanyang katawan.

    Maghubad ka nga, utos nito.

    Nagdalawang-isip siya bago tumalima.

    Ang sekretarya na mismo ang nagbaba ng zipper sa likod niya. Ito na rin ang nagkalas ng hook ng suot niyang cotton bra.

    Wow! 'Yan ang wang-kata! palatak nito habang pinaghihimas ang mga palad. Tiyak na jackpot ang unang makakakuha sa 'yo--pero siguradong jackpot ka rin dahil tiyak na paldo ang lalaking makaka-afford sa ipi-presyo sa 'yo ni Boss Pearl, dugtong pa habang ngingisi-ngisi.

    Hindi inaasahan ni Gracie ang sumunod na ginawa nito. Pinisil nito ang isang dibdib niya.

    Napaigtad siya sanhi ng pagkabigla.

    Tumawa nang malakas ang babaeng isa palang tomboy. Tila lalong natuwa. Wowow! bulalas nito. Lumapad pa nang husto ang ngisi. Inosente pa! Tiyak na matutuwa si Mr. Patriaca!

    Magtatanong sana siya kung sino ang 'Mr. Patriaca' na nabanggit ngunit biglang sumungaw ang ulo ni Boss Pearl sa pinto.

    Agad na hinila ni Gracie ang bestida papaitaas para isuot uli.

    Sinasabi ko na nga ba't sumusuway ka na naman, Orlanda. The tall man looked instantly irritated. Magbihis ka na, Gracie. Bumalik ka dito sa kuwarto ko. Ako na lang ang magsasabi sa 'yo kung ano ang mga tungkulin mo bilang G.R.O.

    Boss Pearl, sorry ho. Biglang naging maamong tupa si Orlanda.

    Isang matalim na tingin ang ipinukol ng manedyer sa tauhan. Basta't lubayan mo siya. Huling pagkakataon mo na ngayon.

    Naramdaman ni Gracie na hindi siya ang unang pinagtangkaan ni Orlanda.

    Kaya hindi niya kinalimutan ang insidenteng iyon. Palagi siyang maingat kapag nasa paligid na si Orlanda.

    Kaya nang lapitan siya nito matapos ang isang buwan na pag-iwas sa kanya, kinabahan agad siya.

    Tawag ka ni Boss Pearl. Napasimangot ito nang makitang agad siyang umiwas na mapalapit ito nang husto. Kayo rin, Venus, Janus, Erotica, at Strawberry.

    Saka lang siya napalagay nang marinig na may mga kasama pala siya.

    Inirapan nito si Gracie bago tinalikuran.

    Ang init ng dugo n'un sa 'yo, ha, Gracie? puna ni Venus.

    Hindi siguro naka-iskor kay Gracie, wika ni Erotica.

    Tena kayo, girls. Baka mainip si Boss Pearl. Alam n'yo namang mas mataray pa 'yon sa atin, paalala naman ni Janus.

    'Gracie' ba talaga ang pangalan mo? usisa naman ng malambing na boses ni Strawberry.

    Ito ang pinakamalapit sa kanya. Palibhasa, pareho silang baguhan. Nauna lang siya rito ng isang linggo.

    Oo, tugon niya habang bahagyang nakangiti.

    Ano kaya ang sasabihin ni Boss, ano? Venus mused aloud.

    Tungkol 'yon sigurado sa gaganapin na 'Beauty Auction' next week.

    Beauty auction? ang halos sabay na tanong nina Gracie at Strawberry.

    Isang garbong okasyon iyon na dadaluhan ng maraming mayayamang tao. Mga very rich men lang, ha? paliwanag ni Erotica.

    Ay, hindi pa nga pala kayo nakakaranas ng gan'on, ano? salo ni Janus.

    Aba, ang suwerte pala ng dalawang neneng na ito, dagdag ni Venus. Isinama kayo ni Boss dito, e, kabagu-bago n'yo pa lang. Malaki ang kikitain natin dito, mga girls, dugtong pa.

    Nanlaki ang mga mata ni Strawberry. Talaga? E, ano ba ang gagawin natin d'on sa auction? May karanasan na sa gayong trabaho ang babae ngunit medyo mahina nga lang ang utak kaya parang ignorante pa.

    Tumikhim muna si Erotica bago tumugon. Magpapalabas tayo ng magandang-maganda. Magpapabongga nang husto. Kailangang maduling ang mga kustomer, mga 'day. Para ganahan silang maglabas ng datung, tugon nito sa tonong nambibitin.

    Ipapakita natin ang lahat-lahat, girls, dugtong ni Janus. Wala ng kiyeme-kiyeme ngayon. She was looking at Gracie pointedly.

    Alam n'yo bang posible tayong kumita ng isang milyon? patuloy ni Venus.

    Milyon? bulalas ni Strawberry. Talaga? Walang istiran?

    Nanatiling walang imik si Gracie. Hindi siya makapaniwala...

    Nagbibigay daw kasi sa charity ng ilang porsiyento mula sa kikitain kaya napipilitang maglabas ng malaki ang mga parukyano, ang pahapyaw na paliwanag ni Janus.

    At kailangan siyempre, all-the-way na ang labanan, dugtong ni Erotica.

    CHAPTER TWO:

    ALL-the-way? Hindi na napigil ni Gracie ang tunay na reaksiyon. Napabulalas siya.

    "Pero hindi

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1