Sie sind auf Seite 1von 13

Session 2: Socio-economic impact of arms proliferation John Abletis Amnesty International Philippines-PUP Group Coordinator Objectives: At the end

of the session, participants will: 1. Be able to link arms trade with socio-economic issues at a personal, community and national level. 2. Be more sensitive about the global and local effects of unregulated arms on socio-cultural issues, poverty, security and violence 3. Be able to explain how poverty and other socio-cultural issues are worsened by violence Running time: 1 hour Activity: Newspaper clippings on a Matrix Objectives: 1. Be able to link arms trade with socio-economic issues at a personal, community and national level. 2. Be more sensitive about the global and local effects of unregulated arms on socio-cultural issues, poverty, security and violence Procedure: 1. Divide the participants into 3 groups. Provide the materials listed below and instruct them to make a matrix similar to the one presented below. 2. Instruct the participants to cut articles and pictures from newspapers/magazines relating to the use of guns (e.g. violence involving guns). They will paste the pictures on the matrix depending on whether its good or bad (rows) and degree of extensiveness (columns). Allow a maximum of 2 articles/ pictures per cell. 3. After classifying the articles and pasting them on their respective cells, instruct the participants to indicate the kind(s) of rights made relevant by each article/picture by sticking colored papers at the bottom of it. A minimum of one colored paper and a maximum of three colored papers per article are allowed. Blue paper - civil and political rights Green paper - social and cultural rights Red paper - economic rights

4. After the activity, ask each group to choose a person who will present their work in the plenary. To the facilitor, be sure to take note of emerging social, cultural, political, and economic themes that may arise as the presentation goes on. 5. After each group has presented, the facilitator, with the help of the presenters, will collate news articles of several groups into a single matrix before asking the participants the following guide questions. Guide questions: 1. Was it difficult to look for gun-related articles and photos? Why? 2. What is your impression of the collated matrix? 3. Why do you think certain cells are more filled with clippings than others? (After processing their answers, you may also state the fact that the impression formed from the matrix based on the newspapers is only on the surface [indicative] of the grave consequences of unregulated manufacturing and trade of arms in the world) 4. How come guns are present in the personal and community/neighborhood levels of our society? What possible implications and risks do this kind of condition brings to us? 5. Do you think international and national level gun-related violence (e.g. wars, political squabbles, dictatorship, military aggression, arms trade, arms race, mafia, piracy) have repercussions to how we live our daily lives, freely and securely? How? 6. Does gun-related violence affect economic rights? Social and cultural rights? 7. What social strata and groups of people are likely to be affected by arms-related violence? Why? (Social strata may include the following categories of people: poor, middle-class, and rich; majority vs. minority; religiously dominant groups vs. rival religious groups, denominations, sects and cults; government vs. activists, insurgents, terrorists, and secessationist groups; citizens vs. criminal elements; educated vs. the uneducated; authoritative personnel vs. ordinary personnel; first world countries vs. second world countries and third world countries; groups formed among intra and inter-state alliances among other possibilities) 8. What possible solutions would you propose to the prevalence of gun-related violence, at the local and international level? Input: Arms trade, human rights and socio-economic impact of arms proliferation Running time: 30 45 Minutes Key concepts: 1. Intersectionality (interrelatedness) of rights 2. Intersectionality of violence, especially those relative to misuse of firearms

3. Need for effective local and international fire-arm regulation 5. Violence breeds poverty, insecurity, and further violence, which in turn breeds violence (vicious cycle). Hence solution does not end in regulating the trade and supply of arms to actors that are most likely to violate human rights and international humanitarian laws. To be sure, political, economic and social reforms are necessary for long-ranging change and improvement of human condition, but a bullet-proof Arms Trade Treaty is a necessary, urgent, and primary component for any serious change to take effect. Materials: 1. 2 broadsheet and 2 tabloid newspapers for each group 2. 2 scissors and 2 adhesive tapes 3. 10 red, blue, and green coin-sized paper chips for each group 4. 1 whole manila paper for each group 5. 1 marker for each group
Personal Family Community/ Neighborhood /Parks/Malls School Church place of work regional national international

Good

Bad

Talakayan: Sosyo-ekonomikong Pagsipat para sa Pangangailangan ng Mundo ng isang Arms Trade Treaty Sa exercise sa itaas, nahinuha natin na ang problema sa kawalan ng kontrol sa paggawa, paggamit, at distribusyon ng baril at iba pang mga armas ay hindi lang pang lokal na lebel kundi pandaigdigan din. Sa makatuwid, hindi lang mga lokal na opisyal, tauhan ng gobyerno at mga ordinaryong mamamayan ng iisang bansa ang namomroblema sa mga karahasang naidudulot ng maling paggamit ng baril at mga armas pandigma. Pinoproblema ito ng lahat ng mga bansa. Ang problemang ito ay nag-ugat sa hindi pagkakapantay-pantay ng kapangyarihan, kapasidad at kayamaman ng mga bansa at mga mamamayan nila, ng hindi pagkakasundo-sundo bunga ng magkakaibang nasyunalidad (nationality), etnisidad (ethnicity), lahi (race), relihiyon, at

ideolohiyang (ideology) pinaniniwalaan, at magkakalabang mga alyansang nabuo matapos ang pangalawang digmaang pandaigdig. Sa ganitong pandaigdigang konteksto naging laganap ang mga karumaldumal na pangaabuso sa karapatang pantao gaya ng mga gyera, massacre, extrajudicial killings, pambobomba, terorismo, hamletting at pangaagaw sa ikinabubuhay ng mga ordinaryong mamamayan. Sa magulo at masalimoot na kontekstong ito nagamit ng husto ng mga estado at iba pang mga grupo (non-state actors gaya ng mga rebelde, kriminal, at mga sibilyan) ang mga baril at mga armas pangyera galing sa mga bansang gumagawa nito. Sa kabuuan, anim na bansa lamang ang nagsu-supply ng 74% ng lahat ng mga armas sa buong mundo: 34.8% ng mga armas ay gawa sa Estados Unidos, 14.8% naman ang galing sa Russia, 7.4% ang galing sa Germany, 6.5% ang galing sa United Kingdom, 6.2% ang galing sa China, at 4.0% ang galing sa France.i Marami sa mga armas na ito, dumaan man o hindi sa lehitimong proseso ng pakikipagkalakalan o pagbibigayan ng mga armas, ay nagagamit ng ibat-ibang entidad (political entities) sa paglabag sa karapatang tao. Nakapagsiga (fuel) na ito ng mga digmaan at nakapagpalala sa mga tensyong pulitikal (political tensions) sa loob at labas ng maraming bansa, gaya nang makikita sa ibaba:

Sa itaasii makikita kung saan ang pinanggalingan ng mga armas ng mga magkalabang partidong nabuo matapos ang ikalawang-digmaang pandaigdig.

Sa itaas naman makikita ang daloy ng mga armas sa lokal na antas.iii Dito mapapansin na maski ang mga armas na lehitimong nakuha ng estado ay may posibilidad na mapasakamay ng mga kriminal, armadong rebelde, at mga sibilyan. Ang malawakang kalakalan ng mga armas sa buong mundo ay nagpalala sa mga digmaan na bukod sa kumitil ng libo-libong buhay sa mahabang panahon ng labanan ay nagpalikas (hal. displacmeent at hamletting) sa libo-libong mga natitirang buhay. Ayon sa United Nations High Commission for Refugees (UNHCR), nuong 2008, 26 milyong tao sa buong daigdig ang lumikas bunga ng armadong labanan, isang bilang na tumaas pa nitong nagdaang dekada. Ang mga paglikas ay madalas na nakaambag upang lalo pang maipagkait ang mga karapatang pang-sibil, pulitikal, pang-ekonomiya, pang-lipunan, at pang-kultura. Sa armadong labanan, ang sapilitang paglikas ay salungat sa internasyunal na batas liban na lang kung ang mga kadahilanan ay mahalaga sa militar o sangkot ang seguridad ng mga sibilyan.iv Dagdag pa, marami sa tinatayang 15.2 milyong refugees ang tumakas mula sa pag-uusig sa kanilang bansa dahil sa armadong karahasan. Habang ang katayuan ng mga ito ay batay sa pang-uusig sa kanilang lahi, relihiyon, pampulitiakng pananaw, nasyunalidad, o grupong panglipunan, marami sa pang-uusig na ito ay nangyayari sa konteksto ng armadong labanan o kaya ay ipinakikita sa pamamagitan ng armadong karahasan. Lumilitaw na ang nangungunang anim (6) na bansang pinagmulan ng mga refugees noong 2008 ay lugar din ng armadong hidwaan: Iraq, Somalia, Colombia, Democratic Republic of Congo at Afghanistan. Ang UNHCR ay may pagtantya na ang Afghanistan ay kasalukuyang pinagmulan ng isang-kapat (quarter) ng lahat ng mga takas mula sa pag-uusig sa buong daigdig.v Hindi natin maitatangi na nakapagpapalala ng kahirapan ang mga armadong tunggalian. Ito ang pangunahing dahilan ng pagpapalipat-lipat ng tirahan ng maraming tao (displacement hal. gaya ng mga mamamayan sa Mindanao na nandayuhan sa ibat-ibang isla ng Visayas at Luzon makaiwas lang sa kaguluhan), kawalan ng seguridad sa pagkain (bunga ng hindi matamnan na mga sakahan at hindi masuyod na kagubatan na kadalasang tagpuan ng mga naglalabang

partido, at kakulangan ng supply sa pagkain gawa ng kawalan ng interes ng mga negosyante na magdala ng mga kalakal sa mga lugar na batbat ng armadong tungalian kung hindi man dahil sa kapiligrosohan at pagkasira ng mga daan), pagkaudlot kung hindi man kawalan ng access sa mga serbisyong panlipunan, at pagkabaling ng atensyon, pagsisikap, pondo at iba pang resources sa armadong tunggalian imbis na ilaan ang mga ito sa iba pang mga serbisyong kinakailangan ng lipunan. Ayon sa United Nations, napagiiwanan ang mga bansang batbat ng armadong karahasan sa pagabot sa mga Millennium Development Goals (MDGs). vi Hinahadlangan ng armadong karahasan ang pagunlad ng ekonomiya. Ayon na rin sa World Bank, ang kawalan ng seguridad (armed insecurity) sa isang lugar ay napakalaking salik para mawalan ng interes ang mga namumuhunan na magnegosyo sa nasabing lugar.vii Sa (sapilitang) paglikas, napagkakaitan ang mga bata, mga babae at mga lalake ng tahimik at maayos na buhay habang nagagamit naman sila ng mga pulitiko at makakapangyarihang angkan lalo na sa panahon ng eleksyon sa pag-asang giginhawa ang kanilang buhay at magdadala nang kapayapaan ang kanilang patron kung saka-sakaling maupo ito sa pwesto.viii Ganoon pa man, hindi natin maitatanggi na ang walang patumanggang paggawa, pakikipagkalakalan at pagbibigayan ng armas ng mga bansa, grupo at mga indibidwal na tao sa buong mundo ay nakapagpalala kung hindi man naging sanhi ng di mabilang na paglabag sa karapatang pantao. Dahil sa maling paggamit ng armas ng ilang militar, mga rebelde, terorista, pirata, mga armadong myembro ng gang, kriminal at iba pang masasamang loob tumataas ang bilang ng mga homicide cases, murder, nagagahasa, natro-trauma, hindi makatwirang pang-aaresto at pagkakait ng mga kalayaan sa paggalaw (transportasyon), edukasyon, kalusugan at paninirahan,ix tino-torture, kini-kidnap, mga kabataang sapilitang nire-recruit na sumali sa mga armadong grupo,x pagkawala ng kalayaang magpahayag ng saloobin, at kawalan ng kabuhayan at kaayusang panlipunan. Sa mga vulnerable sectors ng lipunan, tinatayang 300,000 kabataan sa buong mundo ang sapilitang ni-recruit para maging batang sundalo (child soldier) kahit karamihan sa kanila ay hindi kayang humawak ng armas. Sa Rwanda, hindi bababa sa 15,700 kababaihan ang naiulat na nagahasa samantalang 25,000 naman ang sa Bosnia at Croatia: lahat ng ito ay naganap kamakailan lamang sa konteksto ng armadong labanan na naranasan ng mga nasabing bansa.xi Bukod dito, marami na ring mga katutubo (indigenous people) sa buong mundo ang napalayas sa kanilang mga katutubong lupain (ancestral domains) dahil sa paggamit ng dahas ng mga mananakop at mga makakapangyarihang tao. Hindi naging kaiba ang kwento ng daan-daang mga magsasaka na nawalan ng lupa dahil sa panggigipit ng mga haciendero at mga lokal na pulitiko, idagdag pa ang kabi-kabilang mga demolisyon sa buong mundo ng mga mahihirap na kumunidad sa mga kalungsuran gamit ang pwersa ng estado kung saan madalas sa hindi ay ginagamitan ng mga armas na nabili galing sa buwis ng mga tao. Sa taong 2020, tinatayang mahihigitan na ang bilang ng mga namatay dahil sa malaria at measles nang bilang ng mga namatay at napinsala dahil sa gyera at armadong karahasan.xii Sa katunayan, bawat minuto isang tao ang namamatay dahil sa karahasang may kaugnayan sa armas.xiii

Malaki ang pananagutan ng estado (partikular ang pamahalaan) na pangalagaan at protektahan ang kanyang mamamayan sa ilalim ng pagiral ng batas. Ang estado kasi ang gumagawa ng desisyon sa pagbibigay ng lisensya sa mga kumpanya, mangangalakal at brokers na sangkot sa kalakalan ng mga armas. Dahil dito, kailangang siguraduhin ng estado na mapupunta sa tamang mga kamay ang mga baril na inaangkat at kinakalakal nito at hindi ito makapagpapalala sa mga nagaganap na armadong tunggalian at paglabag sa mga international humanitarian laws at karapatang pantaoxiv (balikan ang daloy ng mga armas sa lokal na antas sa itaas). Pero sa katotohanan, ang kapabayaan at kawalan ng interes ng mga estado na bigyang prayoridad ang mga mas mahahalagang pangangailangan ng mundo ay makikita sa malayong agwat ng salaping ginugugol para sa negosyo, gyera at pagkain: Wall Street rescue plan = $ 700 Billion Iraq war to date = $ 600 Billion European Union stimulus plan = 200 Billion *x 1.4 US $+ Feed every hungry school child for a year = $ 3 Billionxv Sa Sudan, Burma, Eritrea, Pakistan, Syria, Oman at Burundi higit ang paggastos ng estado sa pagaarmas kaysa sa serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon at kalusugan. Noong 1999, gumastos ang South Africa ng US $ 6 Bilyon para sa armas kasama na ang mga submarino, eroplano, helicopters, at mga barkong pandigma: malaking halaga na pwede sanang magamit para gamutin ang lahat ng 5 M South Africans na may AIDS nang dalawang taon.xvi Sa Pilipinas, inulan naman ng protesta ng ibat-ibang organisasyon ang inaprubahang budget ng gobyerno para sa taong 2012. Sa kabila kasi ng mas mabigat na pangangailangan ng mga Pilipino sa maayos at sapat na serbisyong medikal at serbisyong may kinalaman sa paggawa (labor), kinaltasan ng kasalukuyang pamahalaan ang budget ng Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health) ng P 224 Milyon ($ 5.1 M) at Kagawaran ng Paggawa (Department of Labor and Employment) ng P 91 Milyon ($ 2 M) habang nakaranas naman ang mga malalaking unibersidad gaya ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Philippine Normal University (PNU) ng milyon-milyong budget cut. Ang mga naranasang budget-cut para sa mga pangunahing serbisyong panlipunan ay taliwas sa pagkadagdag ng budget ng mga institusyong pangsandatahan gaya ng Department of National Defense (P 30 Milyon o $ 687 thousand), Armed Forces of the Philippines at Philippine Military Academy (P 25 Milyon o $ 572, 715).xvii Hindi lang sa budget makikita ang kakulang ng mga estado sa paggarantiya ng kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga mamamayan. Sapagkat hindi lahat ng mga karahasang may kinalaman sa baril at iba pang armas ang matatagpuan sa konteksto ng mga armadong labanan (armed conflict gaya ng gyera), magiging indikasyon din ng pambansang seguridad at kahandaan ng pamahalaan ang taas ng crime rate sa teritoryo nito, partikular yung mga ginamitan ng baril (small arms) gaya ng homicide.xviii Sa katunayan, *bawat taon,+ tinatayang aabot sa 490,000 pagpaslang na walang kinalaman sa mga armadong labanan ang naganap sa buong daigdig [sa mga nakalipas na] panahon kung

saan karaniwan ay 60 [% dito]maaring 300,00 kada taon ang tinatayang ginamitan ng mga [maliiit at magagaan na] armas.xix Sa ibaba, makikita natin ang ibat-ibang uri o practices ng karahasan na ginagamitan ng armas.xx Mapapansin sa table na karamihan sa mga nabanggit na uri ng karahasan na ginagamitan ng armas ay nasa labas ng konteksto ng armadong tunggalian (armed conflict gaya ng gyera).

Bukod sa pagsipat sa crime rate at uri ng mga karahasang ginagamitan ng armas, makakukuha rin tayo ng hinuha sa antas ng seguridad na meroon ang isang bansa base sa dami ng mga baril na nakakalat sa mga mamamayan nito. Sa Pilipinas, ang tinatayang kabuuang bilang ng mga baril na hawak ng mga sibilyan ay 3, 900,000. Sa mga ito, 0.86 lamang kada 100 baril ang rehistrado [ibig sabihin nito 33, 540 lamang sa halos 4 milyong baril na nabanggit sa itaas ang rehistrado]. Sa bawat 100 na mga Pilipino, 4.7 o lima (5) sa mga ito ang mayroong baril. Gayon pa man, sa mga ito, 0.45 lamang o wala pang isa (1) ang lisensyadong magmay-ari ng baril. Ayon din sa report, sa mga baril na nasa sirkulasyon sa Pilipinas, karamihan sa mga ito ay home-made at galing sa mga ini-smuggle na mga armas sa bansa.xxi Kung ganon, lumalabas na sa Pilipinas, karamihan sa mga may hawak ng baril ay hindi lisensyado para humawak nito at karamihan sa mga baril na nasa sirkulasyon ay hindi rehistrado. Isa itong indikasyon ng kawalan ng seguridad sa lipunang Pilipino at kakulangan ng gobyerno para protektahan ang kanyang mga mamamayan: mga baril na kadalasan ay nagagamit sa panghohold-up, pagnanakaw, pagpatay, pangingidnap, panggagahasa at kalakalan ng illigal na droga, mga temang araw-araw na sumasambulat sa mga pahayagan at programang pang-telebisyon at radyo nating mga Pilipino. Sino ang makalilimot sa Maguindanao Masaccre na gumimbal sa atin at sa buong mundo? Ang kakilakilabot na Maguindanao massacre na nangyare noong umaga ng 23 Nobyembre 2009 sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao ay isang indikasyon ng kakulangan ng seguridad sa Pilipinas na tamasahin ang kalayaan sa pamamahayag at patas na opportunidad upang maglingkod sa publiko, pag-iral ng tradisyunal na politika (clan-based), patron-client (clientelism) na mga relasyon sa sosyalidad, kultura, pulitika at ekonomiya, kawalan ng mekanismo ng gobyerno na makontrol ang serkulasyon ng mga armas, laganap na private armies, kawalan ng transparency at korupsyon sa lokal at nasyunal na antas ng gobyerno sa bansa. Sa naturang massacre, 57 kataoxxii na sumama sa convoy ng mga Magundadatu sa pagpa-file ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-gobernador ni Esmael Toto Magundadatu na noon ay vice mayor ng Buluan ang walang-awang pinaslang at binaon sa madamo at maburol na bahagi ng bayan ng Ampatuan ng kampo nila Andal Ampatuan, Jr. na noon ay mayor ng Datu Unsay at Andal Ampatuan, Sr. na noon ay gobernador ng Maguindanao. Sa mahigit singkwenta kataong sumama sa convoy, 34xxiii sa mga ito ay mga mamamahayag. Ito ang nagbunsod para tagurian ang pangyayari na deadliest single attack against journalists xxiv sa kasaysayan ng pamamahayag sa Pilipinas at naglagay sa bansa sa ikalawang pwesto sa listahan ng mga pinakanakamamatay (deadliest) na bansa pagdating sa pamamahayag mula 1992 hanggang 2012 ng Committee to Protect Journalists (CPJ).xxv Lahat ng mga babaeng biktima ay nakaranas ng genital mutilation, apat na mga mamamahayag sa mga ito ang hinihinalang ginahasa, samantalang marami sa mga ito ang pinugutan ng ulo.xxvi

Kung uusisain ng maigi, mapag-aalamang ang mga armas na ginamit sa Maguindanao Masaccre ay gawa sa Estados Unidos, South Korea at Israel taglay ang stamp na Department of Defense Arsenal.xxvii Bagamat masama ang record ng Pilipinas sa mga paglabag sa karapatang pantao at laganap na mga private armies, pinahihintulutan parin ng ilang mga bansa na padalhan at bentahan ang Pilipinas ng mga armas. Ayon sa mga deklarasyon ng paglalabas ng kalakal (export declarations) ng mga bansa, nangunguna ang Estados Unidos bilang pinanggalingan ng mga armas sa Pilipinas ($ 39.6 Milyon kabuuang halaga), sinundan ito ng South Korea ($ 33.2 M), Brazil ($ 9.4 M), Italya ($ 9.1 M), Turkey ($ 2.9 M), Czech Republic ($ 1.9 M), Tsina (kasama ang Hong Kong, $ 1.9 M), Argentina ($ 1.2 M) at Germany ($1.2 M),xxviii hindi pa kasama rito ang halaga ng mga illegal at hindi deklaradong armas na ipinupuslit o ginagawa sa bansa. Ito ang mga milyon na kung tutuusin ay nagamit sana sa pagpapakain sa mga mahihirap, pagpapatayo at pagme-maintain ng mga pampublikong paaralan at ospital, pagpapasemento ng mga kalsada at pagpapagawa ng mga tulay, pagpapaunlad at pagbuo ng mga pambansang industriya na magbibigay ng libolibong trabaho at bubusog sa mga kumakalam ang sikmura, paglinang sa mga likas na yaman ng bansa na mga Pilipino ang makikinabang, at pagpapa-angat sa estado ng pamumuhay ng bawat Pilipino. Sa Pilipinas, lalo na sa kanayunan at sa Mindanao, laganap ang mga paramilitary entities gaya ng mga Civilian Armed Force Geographical Units (CAFGUs), Special CAFGU Active Auxilliary (SCCA), Community Volunteer Organizations (CVOs), vigilante groups, at private armies na kadalasang nakakasangkapan ng mga militar at maiimpluwensyang pamilya para bigyang seguridad ang kani-kanilang mga interes.xxix Kadalasan, ang kahirapan at kawalan ng mas maiging oportunidad sa kabuhayan, kurakot na sistemang-pulitikal, armadong tunggalian at iligal na kalakalan (underground economy gaya ng kalakalan ng iligal na armas, smuggling ng mga produkto, bentahan at produksyon ng iligal na droga, iligal na pagmimina, at human trafficking) ang mga pangunahing sanhi kung bakit marami sa mga Pilipino sa mga rehiyong laganap ito ang sumasali sa mga paramilitary groups.xxx Bukod pa ito sa mga nagkalat na kidnapfor-ransom groups, transnational organized syndicates, mga tetorista gaya ng Abu Sayaf, mga rebelde gaya ng NPA at MILF at mga sibilyang ginagamit ang tangan-tangang baril para maghiganti, mang-trip, magnakaw at mang-abuso ng karapatan ng ibang tao. Bagamat laganap ang mga paramilitary groups sa bansa, hindi rin natin maitatangi ang pangaabuso ng ilang mga militar, mayayaman at mga pulitiko na gumagamit ng dahas at kinakasangkapan ang estado maprotektahan lamang ang kani-kanilang mga ari-arian at interes. Kadalasang napapa-ikot-ikot kung hindi man nalulusutan ang batas ng mga maiimpluwensyang myembro ng lipunan, habang nawawalan naman ng pag-asa ang marami sa makinarya ng gobyerno. Nagbubunsod ito sa di mabilang na panga-abuso sa karapatang pantao ng nakararami na nagpapanatili naman ng kultura ng impyunidad (impunity), patriyarkalismo (patriarchy), pyudalismo (feudalism), kurapsyon, klayantelismo (clientelism), pulitika batay sa angkan (clan-based politics), pagkakahati-hati at kahirapan. Sa paggamit ng dahas para maisulong ang mga pinangangalagaang interes at para takutin ang mga kaaway, na kadalasang ginagamitan ng makinarya ng mga maiimpluwensyang koneksyon

sa gobyerno, militar at negosyo, bukod pa sa pagiging tuso sa batas, gumagamit ang mga salarin ng mga armas galing sa walang kontrol na produksyon, kalakalan at palitan ng mga armas sa pagitan ng mga bansa: mga armas na kung tutuusin ay kayang kontrolin at maiwasang mapasakamay ng mga masasamang loob kung hihigpitan lamang ng mga kasapi ng Nagkakaisang mga Bansa (United Nations) ang produksyon at kalakalan nito sa buong mundo. Kada taon, nagpo-produce ang mundo ng sapat na bala (bullet) para patayin ang bawat isa sa atin ng dalawang beses. Walong milyong (8 M) baril ang ginagawa taon-taon para paputukin sila, at hindi bababa sa 1,500 katao ang namamatay dahil sa armadong tunggalian at karahasan kada araw. Ang kalakalan sa armas (Arms Trade) ay isang nakamamatay ngunit masiglang negosyo. Bawat taon, tinatayang umaabot sa 45 hanggang 60 bilyong dolyar halaga ng baril ang naipagbibili. Kadalasan, ang mga baril na ito ay napapasakamay ng mga masasamang loob para gamitin sa pagpatay, terorismo o pagsikil sa karapatan ng kanilang mga mamamayan. Sa pagsuri sa mga nakalipas na armadong tunggalian at karahasan, 80% sa mga naapektuhan ay mga sibilyan. Ang kalakalan sa armas (Arms Trade) ang isa sa pinaka-corrupt na kalakalan sa mundo na nagpapalala ng karahasan (atrocities), hindi pagkakasundo-sundo (conflict), at kahirapan (poverty) Bagamat importante, walang tratado (treaty) na kumukontrol sa kalakalan ng mga baril at bala sa mundo, hindi gaya ng ibat-ibang produkto gaya ng mga saging at buto ng dinosaur.xxxi Sa ganitong konteksto, nangangailangan tayo ng isang tratado na maghihigpit sa paggawa, kalakalan, serkulasyon, at paglilipat ng mga armas sa loob at labas ng lahat ng bansa sa buong mundo nang may espesyal na pagkiling sa pagtatanggol at pangangalaga sa karapatang pantao (Golden Rule).xxxii Kailangang kontrolin ang galaw at produksyon ng mga armas sa buong mundo para hindi na ito makadagdag sa karahasansan at pangaabusong nararanasan ng milyong-milyong tao sa buong mundo. Ito ang layunin ng isinusulong na Arms Trade Treaty (ATT) ng Amnesty International (AI), International Action Network on Small Arms (IANSA), ControlArms.org at ng iba pang mga grupo na dapat pagusapan ng mga myembro ng Nagkakaisang mga Bansa (United Nations) sa Hulyo taong 2012 (mas palalawigin pa ang diskusyon sa Arms Trade Treaty sa mga susunod na module). Matindi ang panawagan ng Amnesy International sa mga kasaping bansa ng United Nations: Ang Golden Rule sa Karapatang Pantao: Hindi dapat payagan ang pagbebenta o paglilipat ng mga armas sa isang bansa (political actor) kung mayroong malaking banta na ito ay magagamit o makapaga-ambag sa malalang (serious) paglabag sa karapatang pantao o hindi-makatarungang armadong karahasan.xxxiii Ang karahasan, na kadalasan ay dulot ng maling pag-gamit ng armas, ay nanganganak ng kahirapan, kawalan ng seguridad at ng ilan pang karahasan, na nanganganak naman ng mas marami pang karahasan (vicious cycle). Samakatuwid, ang solusyon ay hindi natatapos sa pagkontrol ng kalakalan at supply ng mga armas sa mga grupong sikat sa paglabag sa mga karapatang pantao at international humanitarian laws. Kinakailangan natin ng malawakan at pangmatagalang reporma sa pulitika, ekonomiya at pakikipagugnayan (social) para mabago at

iangat ang kundisyong panlipunan ng nakararami, pero ang isang bullet-proof Arms Trade Treaty ay mahigpit na kinakailangan at importanteng parte ng kahit anong pagsusumikap para maisakatuparan ang mas seryoso at makataong pagbabagong panlipunan.
Galing sa Whos Arming the World? Just Six Countries Export 74% of the Worlds Weapons ng Amnesty International sa https://www.facebook.com/photo.php?fbid=406226389390239&set=a.155782354434645.33609.11165812 8847068&type=1&theater ii Galing sa Arms Control and Human Rights ppt. presentation ni Wilnor Papa ng Amnesty International Philippines iii Ibid iv Amnesty International (2010, May). Nakamamatay na Katotohanan: Ang epekto ng iresponsableng kalakalan ng armas sa buhay, karapatan at kabuhayanI, ACT 30/005/2010, p. 5 v Ibid vi Mula sa Small Arms ng United Nations Office of Disarmament Affairs sa http://www.un.org/disarmament/convarms/SALW/ vii Ibid viii Eto ang temang lumalabas sa The Institute of Bangsamoro Studies and the Center for Humanitarian
i

Dialogue (2011, July). Armed Violence in Mindanao: Militia and Private Armies, Geneva, Switzerland: Centre for Humanitarian Dialogue
Amnesty International (2010, May). Nakamamatay na Katotohanan: Ang epekto ng iresponsableng kalakalan ng armas sa buhay, karapatan at kabuhayanI, ACT 30/005/2010, p. 5 x Mula sa Small Arms ng United Nations Office of Disarmament Affairs sa http://www.un.org/disarmament/convarms/SALW/ xi Galing sa Arms Control and Human Rights ppt. presentation ni Wilnor Papa ng Amnesty International Philippines xii Mula sa video ng ArmsTrade.org sa http://www.youtube.com/watch?v=dIlFYh5k4yg&feature=results_video&playnext=1&list=PLB5C5E6D1313 555A5 xiii Mula sa No exemptions, No Loopholes, No excuses.. We need a bullet-proof Arms Trade Treaty na postcard ng Control Arms Movement at Amnesty International Philippines xiv Mula sa About the Arms Trade ng United Nations Office of Disarmament Affairs sa http://www.un.org/disarmament/convarms/ArmsTrade/ xv Mula sa video ng World Fodd Program noon 2009 sa http://www.youtube.com/watch?v=nnwxvDnjyDc xvi Galing sa Arms Control and Human Rights ppt. presentation ni Wilnor Papa ng Amnesty International Philippines xvii Umil, A. M. D. (2011, December 2). Approved 2012 budget skewed vs peoples needs. Retrieved May 3, 2012 sa http://bulatlat.com/main/2011/12/02/approved-2012-budget-skewed-vs-peoples%E2%80%99-needs/ xviii Amnesty International & International Action Network on Small Arms. (2011). How an Arms Trade Treaty can help prevent Armed Violence, London: Amnesty International and IANSA, p. 19 xix Amnesty International (2010, May). Nakamamatay na Katotohanan: Ang epekto ng iresponsableng kalakalan ng armas sa buhay, karapatan at kabuhayanI, ACT 30/005/2010, p. 4 xx Amnesty International & International Action Network on Small Arms. (2011). How an Arms Trade Treaty can help prevent Armed Violence, London: Amnesty International and IANSA, p. 6 xxi Mula sa GunsPolicy.org. (2012, February. 9). PhilippinesGun Facts, Figures, and Law. Retrieved March 25, 2012 sa www.gunpolicy.org/firearms/region/philippines xxii Unson, J. (2012, April 23). Another Maguindanao massacre suspect nabbed. Retrieved May 11, 2012 sa http://www.philstar.com/nation/article.aspx?publicationsubcategoryid=200&articleid=799940 xxiii Zonio, A. (2009, November 24). Inquirer man recounts harrowing tales of survival. Retrieved May 11, 2012 sa http://technology.inquirer.net/infotech/infotech/view/20091124-238100/Inquirer-man-recountsharrowing-tales-of-survival xxiv Dominski, M. (2011, November 23). The International Day to End Impunity: A global call for Justice. Retrieved May 5, 2012 sa http://www.freedomhouse.org/blog/international-day-end-impunity-global-calljustice
ix

Committee to Protect Journalists (n.d.). 912 Journalists Killed since 1992.Retrieved May 11, 2012 sa http://www.cpj.org/killed/ xxvi Dominski, M. (2011, November 23). The International Day to End Impunity: A global call for Justice. Retrieved May 5, 2012 sa http://www.freedomhouse.org/blog/international-day-end-impunity-global-calljustice xxvii Amnesty International & International Action Network on Small Arms. (2011). How an Arms Trade Treaty can help prevent Armed Violence, London: Amnesty International and IANSA, p. 22 xxviii Ibid, p. 23
xxv xxix

The Institute of Bangsamoro Studies and the Center for Humanitarian Dialogue (2011, July). Armed Violence in Mindanao: Militia and Private Armies, Geneva, Switzerland: Centre for Humanitarian Dialogue pp. 13-24
Ibid, p. 14 Isinalin sa Filipino ang mensahe ng Support a Bullet Proof Arms Trade Treaty video galing sa http://www.youtube.com/watch?v=Y-vbtaNBe6w ng Amnesty International. xxxii Amnesyt International (2008, September). Blood at the Crossroads: Making Case for a Global Arms Trade Treaty, ACT 30/013/2008, pp. 6-7 xxxiii No Arms for Atrocities or Abuses: Human Rights and the Arms Trade Treaty, Index ACT 30/014/2012
xxx xxxi

Das könnte Ihnen auch gefallen