Sie sind auf Seite 1von 14

Aralin 1

Ang pagkakabuo ng mga pamayanan at lipunan sa Asya

1. Panahon paleolitiko (panahon ng lumang bato) tinatanag umiral mula dalawang milyong taon hanggang 10,000 taon na ang nakalipas 2. Panahong Neolitiko (panahon ng bagong bato) tinatayang umiral 10,000 taon na ang nakalipas 3. Panahon ng Metal tinatanyag nagsimula noong 3000 BCE; sa panahong ito nagsimula ang paggamit ng mga kagamitang metal 4. Panahon ng Bakal bahagi ng panahon ng Metal na pinaniniwalaan nagsimula noong 1000 BCE sa paggamit ng mga Hittite ng metal na ito 5. Panahon ng Bronse bahagi ng anahon ng Metal na tinatanyag nangyari noong 3000 hanggang 2500 BCE

Likas sa tao ang makisalamuha sa kanyang kapwa. Matingkad ang katangian ito maging noong unang panahon. Dulot ng pakikipagkapwa, napahalagahan ang diwa ng pagtutulungan at saysay ng kolektibong pagpupunyagi. Sa umpisa, mga kasapi ng isang angkan o magkakapamilya lamang ang magkakasama. Nang lumaon, nakipag-ugnayan na ang mga magkakapamilya sa ibang pamilya. Ang pagsasamahang ito ang nagbibigay-daan sa pagsibol ng pamayanan. Ang mga pamayanang nabuo ay sama-samang nandayuhan sa paghahanap ng mapagkukunan ng pagkain at magandang tirahan. Nang lumaon, namirmihan sila sa isang pook kung saan nakakukuha sila ng pantugon sa kanilang mga pangangailangan tulad ng sapat na pagkain, tubig,as tiraha. Sa pagkakabuo ng

Gayunman, ang pagkakabuo ng mga pamayanan ay hindi naganap nang madalian. Sa ibat ibang panahon sa kasaysayan ng mga sinaunag tao, isaisang naganap ang pagkakahubog ng pamayanan at ng kabihasan. Anu-ano ang mga panahong ito? Ayon sa mga pag aaral ng mga arkeologo at siyentista, ang panahon ng mga sinaunang tao a Panahon ng Bato at sa Panahon ng Metal. Sa bawat bahagi ng mga panahon ito ay unti-unting nabuo ang pamayanan at ang kabihasnan.

Panahon ng Bato
Ang panahon ng Bato ay nahahati sa dalawang panahon: ang Panahon ng Lumang Bato o Panahon Paleolitiko 2 milyon hanggang 10 000 taon na ang nakalilipas.Sa panahon ito, nabuhay ang mga tao sa pamamagitan ng pangangaso at pagkuha ng mga prutas at iba pang halamang pagkain sa kapaligiran. Nakatira sila sa mga yungib, sa mga tolda na yar sa balat ng hayop, o sa mga puno.

Tinatayang nagsimula ang Panahong Paleolitiko 2 milyon hanggang 10 000 taon na ang nakalilipas. Sa panahong ito, nabuha ang mga tao sa pamamagitan ng pangangaso at pagkuha ng mga prutas at iba pang halaman pagkain sa kapaligiran. Nakatira sila sa mga yungib, sa mga tolda na yari sa balat ng hayop, o sa mga puno. Mga nomad o lagalag ang mga tao noong panahong paleolitiko;sila ay palipat-lipa ng tirahan. Naging lagalag ang mga taong ito upang makahanap ng pantugo sa kanilang pangagailangan sa pagkain. Madalas nilang sinusundan ang mga kawan o pangkat ng mga hayop tulad ng mga baka,rhinoceros, baboy, at usa. Namamalagi sila sa lugar kung saan may makukuhang pagkain. Madalas,pinipili nila ang mga tabi ng ilog o dagat o kaya ay mga talampas at kapatagan. Hindi nila pinipili ang mga tuktok ng bundok dahil mas malamig sa mga lugar na iyon kung ihahambing sa mga baybayin at kapatagan. Sa kanilang pandarayuhan, kasama ng mga sinaunang tao ang kani-kanilang pamilya. Mahalaga ang pagkakaroon ng maraming kasama sa pangangaso upang higit na mapangalagaan ang kanilang mga sarili mula sa mababangis na hayop at sa mga kaaway.

Panahong Paleolitiko

Pangunahing imbensyon sa panahong ito ang paggawa ng mga kasangkapang bato. Gumamit ang mga sinaunag tao ng magagaspang na kagamitang yari sa bato. Gumamit din sila ng uri ng baton a tinatawag na flint at chert at obsidian na mga uri ng volcanic glass. Pinakamahalagang natuklasan sa panahong ito ang apoy. Bukod sa gamit nito sa pagluluto at pagbibigay ng init, natutuhan ng mga sinaunang tao ang gamit ng apoy upang mapangalagaan ang mga sarili mula sa banta ng mababangis na hayop. Dulot nito,natutuhan nilang

Tinatayang nagsimula ang panahong neolitiko 10 000 taon na ang nakalilipas. Nakilala ang panahong ito dahil bagamat gumagamit pa rin ang mga sinaunang tao ng kagamitang bato,gumagamit na sila ng mga double-faced chopper o pamutol. Naisagawa ang mga kagamitang ito sa pamamagitan ng pagkaskas sa bato sa halip ng paghampas nito. Sa Panahong Neolitiko rin nagsimula ang mga permanenteng pamayanan. Natuto ang mga tao na magtanim ng halamang-pagkain at mag alaga ng hayop para sa kanilang kapakikinabang. Kadalasan, pinipili nilang tumira sa mga lupain na nasa bunganga ng ilog o dagat dahil pinaggagalingan ito ng tubig para sa irigasyon at nagsisilbi ring mga daan para sa transportasyon. Sa Asya, ang mga pook na may sinaunang pamayanan ay nasa delta at tabi ng ilog, tulad ng Huang He China, Tigris at Euphrates sa Mesopotamia, at Indus sa India at Pakistan. Sa Panahong Neolitiko rin nalinang an kakayahan ng mga tao sa paggaw ng palayok at paghahabi. Ito rin ang panahon na unang

Panahong Neolitiko

Panahon ng Metal

Katulad sa panahon ng Bato, ang pagkakahati ng Panahon Metal ay naaayon din sa mga kagamitan ng mga tao sa bawat yugto: ang Panahon ng Tanso, ang Panahon ng Bronse, at ang Panahon ng Bakal. Sa kabuuhan ng Panahon ng Metal nagpatuloy ang pagkabuo ng mga lipunan at pamayanan na mayroon nang magkakatulad na kultura at paniniwala

Panahon ng Tanso

Ang tanso (copper) ay ang unang metal na natuklasan ng tao. Ang pagkakatuklas na ito ay nagyari ng hindi sinasadya nang ang batong may copper oxide ay napainit nang matindi at nalusaw ang laman nitong tanso. Sa pagkakatuklas ng tanso, nakagawa ang mga sinaunag tao ng mga kagamitang yari rito tulad ng mga armas at palamuti (alahas).

Panahon ng Bronse

Napansin ng mga sinaunang tao na ang mga kagamitan tanso ay madaling pumurol at mayupi. Kaya sa paggawa nila ng kanilang mga kagamitan, dinagdagan nila ito ng isa pang uri ng metal-ang bronse na tulad ng tin o lata-upang maging higit na matigas ang tanso. Ang bronse ay ginagamit sa paggawa ng espada, kutsilyo, talim ng araro, at pati na sa mga lalagyan metal na ginagamit sa mga seremonya (tulad ng pang-alay sa mga diyos at

Panahon ng Bakal

Noong 1000 BCE, natuklasan ng mga Hittite ng Kanlurang Asya na may masmatigas at mas matibay pang metal kaysa sa bronse. Ito ay ang bakal. Dahil dito< nakagawa sila ng mga kagamitan bakal para sa kanilang pang-araw-araw na buhay, lalung-lalo na sa kanilang pakikidigma. Ang paggamit ng bakal sa paggawa ng mga armas at iba pang kagamitan ay ginawang lihim ng mga Hittite kaya laging nanalo sa labanan ang hukbo nilang armado na may mga armas na yari sa bakal. Gayunman, kahit inilihim nila ang paggawa ng mga armas at kagamitan sa bakal,kumalat parin ang kaalamang ito sa Kanlurang Asya at sa iba pang bahagi ng daigdig.

Sa kabuhayan, ang mahalagang katangian ng Panahon ng Metal ay ang paglaki ng mga pamayanan. Dito rin nagsimula ang pag-usbong ng mga masalimuot na sistema ng pamamahala. Ang isa sa mga uri nito ay ang pamahalaang pinamumunuan ng isang hari na may kapangyarihan bilang lider ng mamamayan. Kadalasan, siya rin ang pinunong panrelihiyon. Nananiniwala ang kanyan mga tagasunod na siya ay may kapangyarihang mamagitang sa daigdig na pisikal at sa daigdig na spiritual (kasama sa mga espiritu ang kaluluwa ng kanilang mg ninuno). Matingkad na katangian ito sa naging kapangyarihang pulitikal ng mga sinaunang hari ng China, Mesopotamia,at Egypt.

Maraming Salamat sa Pakikinig!! Inulat ni : Carl M. Nofies

Das könnte Ihnen auch gefallen