You are on page 1of 33

IKAW bilang isang mamamayang Pilipino, mula pagsilang mo hanggang sa ikaw ay bawian ng buhay ay nasa ilalim ka ng criminal justice

system ng Pilipinas.

Bakit? Itatanong mo.


1. 2. Hindi ka naman isang kriminal. Wala kang pagkakasala. Isa kang tahimik na mamamayan. Hindi ka lumalabag sa ating mga batas. Sa halip ay para kang tupang sumusunod sa lahat ng itinatadhana ng batas. Nagbabayad ka ng tamang buwis, di tulad ng malalaking negosyante riyang sinusuwitik ang pamahalaan sa pagbabayad nila ng buwis. Hindi ka nanunuhol at nagpapasuhol tulad ng ilang pulis diyan at mga ahente ng immigrasyon at iba pang alagad ng batas na nagsasabing alipin sila ng serbisyo publiko.

3.

4.

5.

Malayo sa isip mo ang gumawa ng graft and corruption, di gaya ng ilang matataas sa pamahalaan. Nakakahiya, wika mo.

6. Ni hindi mo lubos na maiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng katagang tong di kagaya ng ilang Tongressmen at Senatong diyan.
7. Nang makatagpo ka na ng isang bayong na namumuwalan ng isang milyong dolyar sa taksing sinakyan mo ay pinaghirapan mo pang hinanap ang may-ari at isinauli mo ang perang iyon.Na walang kulang ni kusing. Kung gayon, bakit pa kailangang sumailalim ka sa criminal justice system ng bansang Pilipinas?

8.

Lahat tayo ay nasa ilalim ng criminal justice system na ito. Ano ba ang sistemang ito?
Ito ang sistema o mekanismong ginagamit ng lipunang Filipino sa pagpigil at pagsugpo sa lahat ng uri ng krimen o karahasan sa ating lipunan.

Kung wala ang sistemang ito, maghahari ang mga kriminal at magkandarapa sa takot ang mga tahimik at payapang mamamayang katulad mo. Saklaw nito ang lahat, mayaman o mahirap. Lalaki at babae. Pati bakla at tomboy. Kasama ang mga bata at matatanda. Wala itong kininkilingan maliban kung ang nagpapatupad ay may diniodiyos o dinedemonyo.

May limang bahagi ang sistemang ito na itinatag ng mga batas. Magkakahiwalay sila ngunit magkakaugnay sa pagpapatupad sa kanilang tungkulin ayon sa mga batas. 1. 2. 3. 4. 5. Law Enforcement- Pagpapatupad ng Batas The Prosecution- Taga-usig The Courts- Mga Hukuman The Corrections- Pagbabagong-buhay The Community-Ang Komunidad

Papaano kumikilos ang makinaryang ito ng hustisya? Ano ang ginagawa?


1. 2. 3. 4. 5.
6.

Pinipigilan nito ng mangyari ang isang krimen; Pinoprotektehan ang buhay, ang karapatang pantao, at ang mga ari-arian; Ipinatutupad ang batas; Inaalis sa pamayanan o komunidad ang mga mararahas na tao; Gumagawa ng mga paraan upang huwag malulong ang tao sa mga gawain ng kriminalidad;
Inuusig, hinuhuli, nililitis at hinahatulan ang mga taong hindi mapigilang lumabag sa mga alituntunin ng lipunan; Binibigyan ng pagkakataon magbagong-buhay ang mga lumalabag upang makabalik sila sa lipunan bilang mabubuting mga mamamayan.

mga

7.

Isa-isahin natin ang limang components na iyan ng criminal justice system ng ating bansa. Kung tawagin ang mga iyan ay haligi limang haligi (o pillars) sa pagpapatupad ng mga batas laban sa mga kriminal.

1.

Ito ang pagpapatupad sa lahat ng batas upang mapigilan at masugpo ang masasamang gawain, mapanatili ang kapanatagan at kapayapaan ng lipunan, maprotektahan ang buhay, mga ari-arian at kalayaan ng bawat mamamayan. May ilang ahensiya ng pamahalaan na tagapagpatupad ng batas. Ibat-ibang uri ng batas ang kanilang pinatutupad batay sa kanikanyang tungkulin at ayon sa mga gawain ng pamahalaan. Nangunguna sa law enforcement sa ilalim ng criminal justice system ang PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) na nakabase sa Camp Crame, at ang NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) na may sariling opisina sa Taft Avenue, Manila. Ang PNP ay pinamamahalaan ng National Police Commission. Ito ay ahensyang nasa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG). Sa kabilang dako, ang NBI ay nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Justice (DOJ).

2.

3.

Upang maunawaang mabuti ng mga mamamayan, narito ang ilang sa mahahalagang tungkulin ng pulisya para mapanatili ang kapanatagan ng mamamayan at kapayapaan ng pamayanan. 1. Enforce all laws and ordinances relative to the protection of lives and properties.
Ang pulisya ang tagapangalaga ng lahat ng batas at ordinansang may kaugnayan sa pagtatanggol sa buhay ng tao at mga ari-arian nila. 2. Maintain peace and order and take all necessary steps to ensure public safety. Ang pulisya ang tagapangalaga sa kapayapaan at kaayusan. Tungkulin nilang ipatupad ang kaligtasan ng publiko. Investigate and prevent crimes, effect the arest of criminal offenders, bring offenders to justice and assist in their prosecution. Sila ang mag-iimbestiga at susugpo sa mga karahasan. Tungkulin nilang arestuhin o hulihin ang mga gumawa ng krimen. At kailangang iharap nila sa hustisya ang mga ito, at tumulong sila sa pag-uusig.

3.

4.

Exercise the general powers to make arrest, search and seizure in accordance with the Constitution and pertinent laws.
Tungkulin nilang arestuhin ang isang nagkasala. Maari silang maghalughog at magsamsam ayon sa mga batas at sa ilalim ng Saligang Batas (Konstitusyon)

5.

Detain an arrested person for a period not beyond what is prescribed by law, informing the person so detained of all his rights under the Constitution.
Kung naaresto ka, hindi ka dapat pigilan ng lampas sa ipinahihintulot ng batas. Kailangang ipagbigay-alam sa iyo ang lahat ng mga karapatan mo sa ilalim ng Saligang Batas.

6.

Issue licenses for the possession of firearms and explosives in accordance with law.
Maari ka nilang bigyan ng lisensiyang nagmay-ari ng sandata (baril) at mga eksplosibo ayon sa ipinatutupad na batas.

7.

Supervised and control the training and operations of security agencies and issue licenses to operate security agencies, and to security guards and private detectives for the practice of their profession. Ang pulisya ang namamahala at nagbibigay ng lisensiya sa mga security agencies. Pulisya din ang namamahala sa pagsasanay ng mga sikyu at mga pribadong sekreta (detective) at sa pagpapatupad sa kanilang mga propesyon. Sikyu ang karaniwang tawag ngayon sa mga security guards. Performs such other duties and exercise all other functions as may provided by law. Anumang bagong tungkulin na iatang ng batas sa kanilang balikat ay gagampanan ng mga pulis. Ngunit hindi iniatang ng batas sa kanila ang maging escort sa libing ng mga mamamayan.

8.

Iba ang tungkulin ng NBI sa pulisya. It focuses on syndicate activities and other special investigations that may be assigned to them. Ang mga kagawad ng National Bureau of Investigation ay nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Justice (DOJ).

Iba din ang tungkulin ng PRESIDENTIAL ANTI-CRIME COMMISSION (PACC) na itinatag sa ilalim ng Executive Order No. 3, at kumikilos sa pamamahala ng Office of the President.

Subalit ang ahensyang ito ay nabuwag na at sa halip ay isinunog namang ang bagong PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE (PAOCTF), sa pamamahala din ng Office of the President.

Ang iba pang mga ahensiya ng pamahalaang nagpapatupad ng mga special laws ng bansa ay ang mga sumusunod:

Sa ilalim ng Department of Finance. Ito ay tagakolekta ng buwis.

Sa ilalim ng Department of Finance. Tagapamahala sa aduwana (daungan ng mga sasakyang pandagat at panghimpapawid).

Sa ilalim ng Department of Justice, na namamahala sa mga banyagang pumapasok at naninirahan dito sa bansa.

Sa ilalim ng Department of Health, na namamahala sa mga pagkain at gamot.

Sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources, na tagapangalaga sa kabundukan.

Sa ilalim ng Department of Trade and Industry, na namamahala sa ating mga produkto upang mapanatili ang kalidad ng mga ito.

Sa ilalim ng Department of Agriculture, na tagapamahala sa ating tubigan at pangisdaan.

Sa ilalim ng Department of Transportation and Communications, na tagapamahala sa mga sasakyang panlupa.

Sa ilalim ng Department of Transportation and Communications, na namamahala sa mga telekomunikasyon.

Sa ilalim ng Department of Finance, na taga-usig sa mga paglabag sa ating ekonomiya.

Ang prosecution arm, o taga-usig ng gobyerno ay ang National Prosecution Service.


Ang NPS ay nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Justice. The NPS runs a nationwide organization of state prosecutors, regional prosecutors, provincial prosecutors and city/municipal prosecutors tasked to undertake the investigation and prosecution of cases involving violation of penal and special laws. Taga-usig. Sa Hukuman, sila ang uusig sa sinumang nasasakdal. Katunggali sila ng mga abogado ng sinumang nasasakdal. May taga-usig sa lahat ng antas ng pamahalaan sa rehiyon, sa lalawigan, sa lungsod at bayan.

1.

Investigates, resolves or recommends disciplinary action on all Administrative cases filed against state prosecutors and regional, provincial, city and municipal prosecutors, including the support staff of the NPS.

2. Render opinions or queries from prosecutors regarding violations of the Revise Penal Code and other penal laws, and the proper interpretation thereof. 3. Act as Vice Chairman of the board of Canvassers of the Commission on Elections.

4.

Act as Law Officer of the provincial/city government in the absence of a legal officer, and as Legal Adviser of all political instrumentalities and their officials (RA 7160, The Local Government Code of 1991). Act as Registrar of Deeds in the absence of the Registrar of Deeds and his deputy. Represents the office of the Solicitor General, and acts as deputized Special Prosecutor of the Ombudsman and of the Commission on the Elections when so deputized.

5.

6.

May iba, pang taga-usig na naatasang humawak sa mga espesyal na kasong hindi sakop ng mga nabanggit na taga-usig.

Ito ang may sakop sa preliminary investigation and prosecution of all cases cognizable by the Sandiganbayan and to file information therefore and to direct and control prosecution of violations of RA 3019 (na laong kilala bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act), and RA 1379.

Hahawakan din ng Ombudsman ang mga paglabag ng mga opisyal at empleyado publiko, pati na ang mga empleyado sa government owned and controlled corporations kaugnay ng kanilang trabaho.

Ang General Courts Martial ang uusig at lilitis sa mga militar (sundalo) at lahat ng mga taong nasa ilalim ng mga batas militar, ayon sa Article 2 of the Articles of War, para sa mga paglabag nila.

The Commission on Elections, through its duly authorized legal officers, have the exclusively power to conduct preliminary investigations of all election offenses and to prosecute the same. Anumang mga paglabag kaugnay ng eleksyong politikal ay nasa ilalim ng pag-uusig ng nasabing Komisyon.

Ang mga ito ay espesyal na abogado o taga-usig na aatasan ng Secretary of Justice batay sa PD 1275 at Section 31 ng Local Government Code of 1991.

May dalawang papel ang mga hukuman kaugnay ng criminal justice system ng bansa. Bilang participant at bilang supervisor Sa una, bilang participant sa criminal justice system, didinggin ng hukuman sa pamamagitan ng hukom (judge) ang isang kaso upang mapagpasiyahan kung may kasalanan o walang kasalanan ang nasasakdal. Sa pangalawa, bilang supervisor, tatayo ang hukuman sa pamamagitan ng hukom bilang tagapangalaga sa mga karapatang pantao.

Tinatawag ito kung minsan na the Court of Last Resort. Ang Korte Suprema ang nagbibigay ng final judgements on constitutional and other important issues and questions of law. Halimbawa, ang kasong pagpatay na hinatulan ng bitay ng mas mababang hukuman ay agad na inuusisa ng Korte Suprema.

Ang iba pang mabibigat na kasong isinasampa sa Court of Appeals ay puwede pang isampa sa Korte Suprema kung may reklamo ang nahatulan.

Dito isinasampa ang mga hatol ng mga mas mababang hukuman na hindi awtomatikong iniaakyat sa Korte Suprema.

Ang mga hukumang ito sa mga rehiyon ang ekslusibong may sakop sa mga civil cases na sinasabi sa Section 19 sa Chapter 11 ng Batas Pambansa 19 (o Judiciary Reorganization Act of 1980), and in criminal cases not within the exclusive jurisdiction of any court, tribunal or body, except those falling under the exclusive and concurrent jurisdiction of the Sandiganbayan.

Ang Metropolitan Trial Court ang didinig at hahatol sa mga kasong naganap sa loob ng metropolitan area na nilikha sa pamamagitan ng batas. Ang Municipal Circuit Trial Court ang lilitis sa mga kasong nasasakupan ng isang municipal circuit na binubuo ng dalawa o higit pang bayan at/ o lungsod. Ang Municipal Trial Court ang lilitis sa mga kaso sa isang bayang hindi nasasakupan ng isang metropolitan area o ng isang municipal circuit.
Ang mga hukumang nabanggit ay may exclusive jurisdiction, among others, over all violations of city or municipal ordinances committed within their respective territorial jurisdiction. Kasama rito ang lahat ng offenses punishable with imprisonment of not to exceed four (4) years and two (2) months, or a fine of not more than four thousand (P4,000), o both fine and imprisonment regardless of other imposable accessory or other penalties.

Katumbas ng hukumang ito ang mga Regional Trial Courts, ngunit itoy naglilitis lamang sa ilang lalawigan sa Mindanao kung saan ipinatupad ang tinatawag na Muslim Code at Personal Laws para sa mga naninirahan doon.

Ito ay isang espesyal na hukumang may jurisdiction over criminal and civil cases involving graft and corrupt practices and other offenses committed by public officers and employees sa kanilang pinaglilingkurang opisina.

Ang haliging ito ng criminal justice system ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga nagkasala na magbagong-buhay upang matanggap silang muli sa lipunan. May mga programa ang pamahalaan para dito, isa ang sa loob ng bilangguan (institutional program), at isa sa labas ng bilanggo (community-based program). Ang mga pangunahing ahensiya ng gobyerno para dito ay ang mga sumusunod:
A. BUREAU OF CORRECTIONS na nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Justice. Ito ang namamahala sa pagbabagong-buhay ng mga national prisoners who are serving sentence of more than three (3) years.

May limang (5) correctional facilities sa buong bansa na pinamamahalaan ng Bureau of Corrections.
1. Ang NATIONAL PENITENTIARY na kilala ngayong bilang New Bilibid Prison sa Metro Manila. Tatlo ang security compound nito, at ito ang Maximum Security Camp, Medium Security Camp at Minimum Security Camp. Ang Correctional Institute for Women na narito din sa Metro Manila. Ito ang tanging institusyon na namamahala sa pagbabagong-buhay ng mga babaing nakagawa ng krimen. Ang Limang Prison & Penal Farms na matatagpuan sa ibat ibang probinsiya sa labas ng Metro Manila, at pinamamahalaan ng mga Penal Superintendents. a. Iwahig Prison & Penal Farm sa Iwahig, Palawan. b. Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte. c. Sablayan Prison & Penal Farm sa Sablayan, Misamis Occidental. d. San Ramon Prison & Penal Farm sa Davao del Norte e. Davao Prison & Penal Farm sa Davao del Norte

2.

3.

4.

Ang mga Provincial Jails, o mga bilangguang panlalawigan, na pinamamahalaan ng kanya-kanyang provincial government. Dito ibinibilanggo ang mga nagkasalang may sentensiya ng mula anim (6) na buwan at isang (1) araw hanggang tatlong (3) taon. Ang mga Municipal at City Jails, na pinamamamahalaan ng Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) sa ilalim ng DILG. Ang mga bilanggo dito ay may sestensiyang hindi lalagpas sa anim (6) na buwang pagkabilanggo

5.

Anu-ano ang mga non-institutional corrections na nagbibigay ng pagkakataon sa mga bilanggo upang magbagong-buhay? Ang tawag sa mga ito ay community based correction programs, katulad ng a. Adult Probation na ipnatutupad, sa ilalim ng Adult Probation Law, ng Probation and Parole Administration ng Department of Justice.

b.

Parole and Conditional Pardon. Ang mga bilanggong hindi na kailangang manatili sa loob ng bilangguan ay pinalalaya upang makihalubilo sa lipunan at tuluyan nang magbagong-buhay. Binibigyan siya ng Presidente ng Republika ng Pilipinas ng tinatawag na conditional pardon sa rekomendasyon ng Bureau of Pardon and Parole. Ang ahensyang ito ay may kapangyarihan ding magbigay ng parole.
Probation for Youth Offenders. Batay sa batas ukol sa child and youth welfare, The court shall suspend all further proceedings and shall commit the minor to the custody of the Department of Social Welfare and Development (DSWD), or to any training institution operated by the government, until he/she shall have reached twentyone years of age. Ang isang kabataan o minor de edad ay hindi tinutuluyang usigin at litisin sa kanyang nagawang kasalanan, kundi ipinagkatiwala siya sa gabay ng DSWD hanggang sa tumuntong siya sa beinte uno anyos.

c.

Ang tinutukoy ditong komunidad ay ang mga mamamayan, mga lider at mga samahan ng mga mamamayang masigasig na tumutulong sa mga awtoridad upang matugunan ang mga suliranin sa kaayusan at kapayapaan ng mga mamamayan.

Ito ang ikalimang haligi ng criminal justice system sa ating bansa. Ang Komunidad ay kabalikat ng mga pulis at mga opisyal ng pamahalaan sa pagsugpo sa paglaganap ng krimen. Tumutulong sila upang mapabuti ang serbisyo ng pulis, lalo sa pagtuklas at pag-uusig sa mga krimen. At kabalikat at katuwang sila sa pagbabagong-buhay ng mga bilanggo at mga ibang nalilihis ng landas, upang matanggap muli ang mga ito sa lipunan. Sa maikling salita, ang Komunidad ay kaagapay ng pamahalaan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programa at proyekto laban sa kriminalidad. Ito ay maliwanag na nagaganap at nakikita sa mga barangay sa buong bansa. May barangay court sa bawat isa sa mga 44,000 barangay sa Pilipinas.

Dito pinag-uusapan ng mahinusay ang mga di pagkakaunawaan ang magkabilang-panig upang lutasin na ang kanilang hidwaan. Tao sa tao ito. Harapan ang pag-uusapan. Mas mabilis na malutas ang anumang di pagkakaunawaan. Hindi gaanong magastos sa panahon at sa salapi.

Ang Komunidad ay may sariling kinatawan sa tinatawag na PEOPLES LAW ENFORCEMNT BOARD (PLEB). Ang hunta na ito ay nilikha sa ilalim ng batas sa bawat lungsod o bayan upang siyang mamagitan at lumutas sa reklamo ng mga mamamayan laban sa mga abusado at nagkasalang mga opisyal at mga kagawad ng Philippine National Police. Kasama din sa Konunidad na ito ang mga Non-Government Organizations (NGO), mga People Organization (PO), at mga civic, business at professional associations. Tumutulong sila pagpapatupad ng mga proyektong naglalayong mapabuti ang serbisyo ng pulisya. Nariyan ang limang bahagi ng criminal justice sa Pilipinas. May pang-anim na haligi kung maituturing nga itong haligi sa criminal justice system. At ito ang WITNESS PROTECTION PROGRAM na noong Abril 24, 1991 lamang naging batas at sinimulang ipatupad.

6.