Sie sind auf Seite 1von 3

Ipinakita ng klinikal na pananaliksik nila Diepvens at iba pa (2006) na ang pagkain ng agahan na mayroong capsaicin ay nagsanhi ng pagtaas (23%)

ng paggugol ng enerhiya na hinihimok ng diyeta matapos kumain sa mga lalaking Hapones. Ang pagtaas na ito ay dulot ng -adrenergic na pampasigla yamang ang -adrenergic blockade ang pumawi sa pagtaas na ito. Sa 13 Haponesang ginamit sa pananaliksik, ang pagdadagdag ng sili sa kanilang pinageksperimentuhang pagkain ay nagpataas ng paggugol ng postprandial na enerhiya at pati na rin ang lipid oxidation. Ang sili na na ihinalo sa pamantayang pagkain ay napag-alamang nagpapababa ng pagkagutom at pagkain bago ang ad libitum na pagkain. Kapag nag-aalok ng isang isocaloric na pampagana, na naglalaman ng sauce na may o walang pulang paminta, isang makabuluhang pagbaba sa paggamit ng enerhiya ang na-obserbahan pagkatapos ang pulang paminta na sauce. Bilang karagdagan, nagkaroon ng makabuluhang negatibong ugnayan sa pagitan ng paggamit ng enerhiya at ang pagbabago sa mababang frequency / mataas na frequency na heart interval ratio. Ang kaugnayang ito ay kasundo ng datos na nakuha sa mga hayop na nagpapahiwatig na ang capsaicin ay maaaring magpataas ng sympatho-adrenal system. Pagsisiyasat ng mga posibleng pinabuting pagpapanatili ng timbang pagkatapos ng 6.6% pagbaba ng timbang sa 91 na medyo sobra sa timbang na subjects na ginamitan ng capsaicin ay nagsiwalat ng mas napapanatiling fat oxidation, na iba sa mga pag-aaral ng hayop. Gayunpaman, ito ay hindi nagpapahiwatig ng mas mahusay na pagpapanatili ng timbang, marahil dahil sa kakulangan ng buong pagsunod ng mga subjects. Ito ang mga subjects na iniulat na kumonsumo lamang ng kalahati ng iniresetang dosis. Samakatuwid, nagkaroon ng ilang epekto, ngunit ito ay hindi sapat na malakas upang makapagbigay ng pagpapanatili sa timbang pagkatapos ng pagbaba sa timbang. Ang pang-matagalang paggamit ng capsaicin ay maaaring limitado dahil sa malakas na sangsang nito. Ang isang posibleng solusyon para dito ay maaaring gamitin ang mga CH-19 Sweet. Ang CH-19 Sweet ay ang bunga ng non-pungent cultivar ng paminta. Sa pag-aaral ng katawan ng tao, pinataas ng CH-19 Sweet ang pagkonsumo ng oxygen at temperatura ng katawan. Ang mga epekto na ito ay maaaring sanhi ng capsiate, na may istraktura katulad sa capsaicin ngunit walang sangsang.

Napag-alaman din sa pag-aaral na isinagawa nina Smeets at Lejeune (2005) na mas malaki ang naibabawas sa energy intake ng paghahalo ng capsaicin sa inumin kumpara sa pagpasok sa katawan ng capsaicin sa pamamamagitan ng kapsula. Sa mga kalagayan kung saan ang capsaicin ay tinunaw sa inumin, ang pagbawas sa energy intake ay may kaugnayan

sa kapansin-pansing kaanghangan ng capsaicin at pati na rin ang antas ng pagkabusog ay tumaas. Kapag naman ang capsaicin ay ipinasok sa katawan sa paraang pa-kapsula, ang mga kaugnayan na napansin noong una ay hindi makabuluhan.

Sa eksperimentasyong isinagawa naman nina Yoshoika, Matsuo, Lim, Tremblay, at Suzuki (2000), kung saan mayroong dalawang pangkat ng mga daga; isang pangkat na may capsaicin ang pagkain at ang isa ay wala (control group), nagpakita ito ng makabuluhang epekto sa pagbaba ng timbang sa katawan. Ang epekto ng pagpapakain ng capsaicin kasabay ng high fat diet sa pagkaipon ng taba sa tiyan ay naiulat na ang timbang ng perirenal adipose tissue ay nabawasan noong itinaas ang dami ng capsaicin sa kanilang diyeta. Sinasabi ang pagbaba ng timbang ng taba sa tiyan ay hindi dahil sa pagbaba ng gastrointestinal absorption kundi dahil sa pagtaas ng metabolismo ng enerhiya.

Gayundin, ang capsaicin na siyang pangunahing materyal na nakapagbibigay din ng anghang sa sili, ay napag-alaman base sa pag-aaral ng ilang mga hayop at tao na nakapagaanyayang tumunaw ng pagkain, nagpapataas ng energy intake at ng ganang kumain (Lejeune, Kovacs, & Westerterp-Plantenga, 2003; Lim, Suh, & Lee, 1999; Lim et al., 1997; Srinivasan, 2005; Westerterp-Plantenga, Smeets, & Lejeune, 2005; Yoshioka et al., 1995; Yoshioka, StPierre, Suzuki, & Tremblay, 1998; Yoshioka et al., 1999). Maraming kumikilala sa magandang epekto sa kalusugan ng sili na may posibillidad na maging pampapayat sa kanluraning lugar kung saan lumalaganap na ang labis na katabaan. Upang matantiya ang kahalagahan ng sili sa pagpuksa ng labis na katabaan, kinakailangang imbestigahan ang nutrisyonal at sensory properties ng capsaicin sa totoong mga pagkain. Ang mga resulta mula sa pag-aaral ng mga tao ay nagpapatotoo na ang capsaicin ay humahadlang sa mga pabugso-bugsong nararamdaman. (Lawless, Rozin, & Shenker, 1985; Prescott et al., 1993; Prescott & Stevenson, 1995; Simons, OMahony, & Carstens, 2002). Ngunit ang isinaad na epekto sa panlasa ay nagiiba-iba batay sa general concensus, ang capsaicin ay nagpapababa ng matamis na panlasa (Simons et al., 2002). Bukod pa rito natuklasan nina Prescott and Stevenson (1995) na ang anghang ng Capsaicin ay bumabago sa tagal ng paglasa ng matamis na siyang nakadepende sa konsentrasyon, sa mga pagkakataong binigay ang ng nakahalo ang Capsaicin na mayroong katamtaman at mataas na antas ng kaanghangan. Ang iritasyon sa bibig ng Capsaicin ay napag-alaman ding humahadlang sa olfactory sensations (Lawless et al., 1985), subalit hindi pa malinaw kung paano

naiimpluwensiyahan ng Capsaicin ang ibang kumplikadong mga lasa (Lawless et al., 1985; Prescott & Stevenson, 1995).

Kapansin-pansing marami ang mga nakalap na kaugnay na literatura at pag-aaral ng mga mananaliksik tungkol sa capsaicin na malaki ang naitulong upang mapatunayan at maisagawa ang pag-aaral na ito. Ito ay patunay lamang na ang paksa ng pananaliksik na ito ay makatotohanan, makabuluhan at tinatangkilik ng karamihan sa mga mananaliksik.

Das könnte Ihnen auch gefallen