Sie sind auf Seite 1von 9

Grado 7 Markahan 3 Modyul 2 Gawain

Mga Sanggunian

Bilang ng Oras

Mga Saksi ng Kasaysayang Pilipino Kilusan para sa Kasarinlan sa Harap ng Imperyalismong Amerikano Pananakop ng Hapon at ang Kapanganakan ng Bagong Republika 1. Paglalarawan ng okupasyong Hapon 2. Ang pamumuhay noong digmaan 3. Ang bagong republika, 1946 AP Grade VII Curriculum Guide, Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap, Daloy ng Kasaysayang Pilipino, Google and Yahoo! image search, Project EASE Araling Panlipunan I Modyul 14 and 15 8
MODYUL SA PAGKATUTO

Pangkalahatang Ideya Ang minimithing kalayaan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Amerikano bunga ng pangako ng Saligang Batas 1935 at ng Pamahalaang Komonwelt ay mababalam sanhi ng isang pangyayaring yumanig sa buong mundo ang pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa mga labanang naganap sa Pasipiko, isa ang Pilipinas sa mga bansang lubhang naapektuhan ng digmaan dahil sa pagkaipit nito sa dalawang malakas na pwersa ng mga bansang Estados Unidos at Hapon. Subalit sa pagtatapos ng digmaan at sa pagsuko ng mga Hapon, muling sisilay ang pag-asa sa Pilipinas na makapagsarili at ipanganak ang isang bagong republika. Sa modyul na ito, tatalakayin ang mga alaala ng okupasyong Hapon ng ilang karaniwang Pilipino, pamumuhay at pera sa panahon ng digmaan, pagtatatag ng republika matapos ang digmaan, mga kondisyon ng kasarinlan base sa Bell Trade Act at kasunduang Base Militar, at ang mga epekto ng mga kondisyong ito sa soberanya ng bagong republika. Gamit ang mga primaryang sanggunian sa kanyang orihinal na konteksto, susuriin ang mga mga pagbabagong dulot ng pananakop ng Hapon at ang simula ng isang bagong pamahalaan. Gawain 1. Paglalarawan ng okupasyong Hapon 1. Sa nakaraang modyul, mapagbabalik-aralan na maraming batas ang ipinatupad at mga misyong pangkalayaan na isinakatuparan upang tuluyang lumaya ang Pilipinas sa mga Amerikano. Ang isang malinaw na batas na nangako ng kalayaan ng Pilipinas ay ang Batas Tydings-McDuffie. Sa pamamagitan ng misyong pangkalayaan noong 1933 sa pamumuno ni Manuel L.Quezon, sumulat ang Amerikanong senador na Millard Tydings at Kinatawan John McDuffie ng batas na naglalaan ng proseso kung paano makakamit ng mga Pilipino ang kalayaan. Basahin ang ilang bahagi ng batas na ito ayon sa orihinal na konteksto.
The Philippine Independence Act (Tydings-McDuffie Law) Public Law 73-127 24 March 1934 An act to provide for the complete independence of the Philippine Islands, to provide for the adoption of a constitution and a form of government for the islands, and for other purposes. Recognition of Philippine Independence and Withdrawal of American Sovereignty Section 10. (a) On the 4th, day of July immediately following the expiration of a period of ten years from the date of the inauguration of the new government under the constitution provided for in this Act the President of the United States shall by proclamation withdraw and surrender all right of possession, supervision, jurisdiction, control, or sovereignty then existing and exercised by the United States in and over the territory and people of the Philippine Islands, including all military and other reservations of the Government of the United States in the Philippines (except such naval reservations and fuelling stations as are reserved under section 5), and, on behalf of the United States, shall recognize the independence of the Philippine Islands as a separate and self-governing nation and acknowledge the authority and control over the same of the government instituted by the people thereof, under the constitution then in force. (b) The President of the United States is hereby authorized and empowered to enter into negotiations with the Government of the Philippine Islands, not later than two years after his proclamation recognizing the independence of the Philippine Islands, for the adjustment and settlement of all questions relating to naval reservations and fuelling stations of the United States in the Philippine Islands, and pending such adjustment and settlement the matter of naval reservations and fuelling stations shall remain in its present status.
Excerpt from http://www.philippine-history.org/tydings-mcduffie-law.htm

PGMNHS Inset 2012 Grade 7 Output. Arthur Robert P. Limongco, Teacher-III Grade 7 Araling Panlipunan 3GM3-p1/9

2.

Matapos basahin at suriin ang isang bahagi ng Batas Tydings-McDuffie, sagutin ang mga tanong sa ibaba.

PAGKUHA NG IMPORMASYON Sinong Pilipino ang dahilan ng pagkakaroon ng batas na ito? Kailan ipinatupad ang batas na ito? Sino-sinong mambabatas ang may-akda ng Philippine Independence Act? Kailan ipagkakaloob ang kalayaan ng Pilipinas batay sa binasa? PAGHINUHA NG IMPORMASYON Mabuti ba para sa kapakanan ng mga Pilipino ang batas na ito? Bakit?

Sa iyong palagay, bakit hindi aalisin ng mga Amerikano ang base ng hukbong pandagat nila sa Pilipinas at fuelling station? Masasabi mo bang tuluyang malaya na ang Pilipinas sa kabila ng pagkakaroon pa rin ng presensya ng mga Amerikano sa bansa matapos ipagkaloob ang kalayaan?

3. Ang pangako ng batas na ito ang nagbigay ng malaking pag-asa sa mga Pilipino na lumaya sa mga Amerikano. Subalit mababalam ang kalayaan dahil sa pagputok ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Magsisimula ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas sa pamamagitan ng pangyayaring magaganap sa base militar ng mga Amerikano sa Pearl Harbor, Hawaii. Basahin ang nga detalye ng pangyayari ang punan ang History Frame sa ibaba. Pagbagsak ng Pearl Harbor Sa kabila ng nagaganap na usapang pangkapayapaan sa Estados Unidos sa pagitan ng mga kinatawan ng Japan at Amerika, pataksil na sinalakay at binomba ng mga pilotong Hapon ang base militar ng mga Amerikano sa Pearl Harbor, Hawaii. Ginawa nila ito upang mapahina ng mga Hapon ang sandatang lakas ng mga Amerikano sa rehiyong Pasipiko. Disyembre 7, 1941, araw ng Linggo, sa ganap na 7:44 ng umaga (Disyembre 8 a Pilipinas) binomba at winasak ng mgaHapon ang pinakamalaking basing pandagat ng America sa Hawaii. Una nilang sinira ang mga gusaling pangkomunikasyon. Pinalubog din ang mga barkong nakadaong kung saan maraming sundalong Hapon at mga sibilyan ang nalunod at namatay. Maging ang mga ospital ay kanila ding binomba. Pagkaraan ngapat na oras, sumalakay na ang mga Hapon sa Pilipinas.

PANGYAYARI:

PAGBAGSAK NG PEARL HARBOR

MGA TAUHAN:

DAHILAN: SAAN: KAILAN:

BUOD/MAHAHALAGANG PANGYAYARI:

RESULTA:

HALAGA o ARAL:

PGMNHS Inset 2012 Grade 7 Output. Arthur Robert P. Limongco, Teacher-III Grade 7 Araling Panlipunan 3GM3-p2/9

4. Basahin ang mga pangyayari sa kahon. Sa mga kaganapang ito tuluyang napasakamay ng Japan ang Pilipinas. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Pagbagsak ng Bataan at Corregidor Sa pag-alis ni Hen. Douglas MacArthur sa Pilipinas, nangako siya na muling babalik. Nagtalaga siya ng mga pinuno upang ipagtanggol ang nalalabing pwersa sa Pilipinas ang Bataan at Corregidor. Noong Abril 9, 1942, dahilan sa kakulangan sa sandata, pagkain, gamot at iba pang pangangailangan, ipinasiya ng United States Armed Forces in the Far East o USAFFE, pinagsanib na pwersa ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo, sa Bataan sa pamumuno ni Heneral Edward P. King na sumuko na sa kamay ng mga Hapones upang maiwasan ang pagkamatay pa ng mga kawal Pilipino at Amerikano. May 36,000 sundalong Pilipino 1942 at Amerikano ang pinaglakad ng mga Hapones mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga sa kabila ng kanilang kalagayang sakit na malaria, gutom, uhaw at sugat na tinamo sa pakikipaglaban. Ito ang kasumpa-sumpang Martsa ng Kamatayan o Death March. Daan-daan sa kanila ang pinalo o binaril lamang sa nalupasay sila sa daan, umiinom sa poso o nahuhuli sa paglalakad. Sa awa ng mga nadaraang mga kababayan, hinihila sila at itinatago o kaya ay hinahagisan ng pagkain. Mula sa San Fernando, Pampanga, isinakay sila sa tren at dinala sa kulungang kampo sa Capas, Tarlac. Noong ika-6 ng Mayo ng kaparehong taon, katulad ng sitwasyon sa Bataan, sumuko din ang 11,000 pinagsanib na pwersang Pilipino at Amerikano sa Corregidor sa pamumuno ni Heneral Jonathan Wainwright sa parehong dahilan. Sa lakas at dalas ng pagsalakay ng mga Hapones dito, nasabi tuloy na wala ni isang mang dahon ng damong naiwang nakatayo. a. Ano ang dahilan kung bakit sumuko ang pinagsanib na pwersang Pilipino at Amerikano sa mga Hapones? b. Bakit tinawag na Martsa ng Kamatayan ang pangyayaring iyon? c. Ilarawan ang pagdurusa na dinanas ng mga sundalo sa Martsa ng Kamatayan. d. Anong ibig sabihin ng linyang walang ni isa mang dahon ng damong naiwang nakatayo sa isla ng Corregidor? e. Kung isa ka sa mga pinuno ng hukbong USAFFE, susuko ka din ba? Bakit?

5. Sa pananakop ng Japan sa rehiyong Pasipiko, sila ay nagkaroon ng ibat ibang layunin. Masusuri sa organizer sa ibaba na ang pananakop nila ang may kaugnayan sa ekonomiya at pagpapalakas ng kanilang pwersa.
magkaroon ng mapagdadalhan ng kanilang produkto

mapalawak ang teritoryo at makilalang lider ng Asya

Layunin ng Japan sa Pananakop


pairalin ang paniniwalang Ang Asya para sa Asyano

bagong kaayusan na tinawag na Greater East Asia Co-Prosperity Sphere

Gawain 2. Ang Pamumuhay Noong Digmaan 1. Sinakop ng Japan ang Pilipinas mula 1942 hanggang 1945. Sa pagitan ng mga taong ito, makararanas ang Pilipinas paghihirap sa mga bagong mananakop. Tunghayan ang isang artikulong lumabas sa dyaryong Philippine Daily Inquirer tungkol sa pamumuhay noong panahon ng Hapon.
PGMNHS Inset 2012 Grade 7 Output. Arthur Robert P. Limongco, Teacher-III Grade 7 Araling Panlipunan 3GM3-p3/9

We World War II kids can still remember By Minyong Ordoez Philippine Daily Inquirer Sunday, December 4th, 2011

Were the World War II kids. A unique breed. The war years (1941-1945) brought us face-to-face with terror, violence, death and hunger as a way of life. On Dec. 8, 1941, Japanese fighter planes treacherously bombed Pearl Harbor and Clark Field. I was 5 years old. December is war nostalgia month. Ive been leafing through the diary of my late uncle Felix Gozo, and I was transported back to life during the Japanese rule in my hometown, Majayjay, Laguna. Tio Felixs wartime diary contained memorable words which captured the look and feel of that horrible Japanese rule. These unforgettable words brought back tragic memories. Bakwet (Tagalog for evacuate)the panic word that started the exodus. The entire population of Majayjay made bakwet deep into the woods to ramshackle huts, hidden nooks and caves where the Japanese could not find them. Everybody lugged something needed for survival. I carried a coffee pot in one hand and herded our pet goat with the other. Bakwet was triggered by rumors that the Japanese were coming to massacre people, rape women, and burn houses. They just did in Pagsanjan and Lucban. Zona (mass incarceration of the male populace)All men in town were herded and locked up in school buildings and churches. Packed like sardines with no food, no water, no toilet, no sleep, and no talking, they were bullied and beaten in order to extract information about guerilla identities and whereabouts. Lolo Elo, my grandmothers brother, suffered a heart attack and died inside the zona. My mother took me to the wake. The next day, only women and children buried Lolo Elo. All the men were in prison. Horror of horrors Pinugutan (beheaded) The horror of all horrors. Aunt Natys husband, Ka Pelis Solisa, the town mayor of Majayjay, was suspected as a guerilla and abducted by the Japanese. It was rumored that Ka Pelis was pinugutan ng ulo somewhere in the forest of Liliw. His body could not be found. Aunt Naty grieved everyday until she died of a heart attack. I saw my mother cry a bucket of tears during Aunt Natys funeral. She was my mothers best friend. Tinubig (water torture)A farmer from barrio Pook, another guerilla suspect, was picked up and brought to the municipio, and made to lie on his back stripped naked. His captors forced water through his mouth until his stomach was full and bloated, then they pummeled his stomach with a palo-palo until he vomited water. The water torture is repeated many times until the victim passes out. Kinulata (beaten with a rifle butt)After a truckload of them were ambushed by the guerillas, the Japanese rounded off all the men in our neighborhood and kinulata sila. They were beaten with rifle butts hard on the chests, waists, butts and legs, leaving them maimed and crippled for several months. Binilad (sunburnt and dehydrated)For failure to bow before Japanese sentries, failure to understand garbled Japanese orders, the offender was forced to stand motionless under the hot sun for hours until he collapsed due to heatstroke or dehydration. Pinagsasampal (slapped repeatedly on the face)When a Japanese guard accosted or interrogated a person, he talked fast, harsh and boorish, punctuating his blabbermouth tirades with slaps on the face. Expletives and curses were spoken in Nippongo. For forgetting to bow before a Japanese sentry, our neighbor, Mang Leocadio, was pinagsasampal. Was his face red! Bloody red! Buslo (mystery man)This bizarre creation of the Japanese was a Filipino traitor who appeared on the scene with his head fully covered by a buslo (a pandan-woven shopping bag) with two holes to serve as his eyes. When the Japanese assembled the men in town, Buslo would point a finger at the guerilla on the lineup, true or not. Makapili (collaborator) This shadowy individual was a Filipino who rendered service to the Japanese government. He acted as the mouthpiece for Japanese policies, persuading people to cooperate with Japanese efforts in managing political affairs and governance. After the war, the Makapilis were tried by the Philippine government for treason.

PGMNHS Inset 2012 Grade 7 Output. Arthur Robert P. Limongco, Teacher-III Grade 7 Araling Panlipunan 3GM3-p4/9

Forgive Its been 70 years since then. Have we forgiven the brutal and masochistic Japanese regime? The destruction and mayhem theyve caused? Can we, World War II kids, forgive? We did. It must be our Christian culture, plus a lot of help from the power of consumerism. By the 60s, we had welcomed the return of the Japanese, wittingly or unwittingly. We bought Sony transistor ra dios, Akai tape recorders, Casio calculators, National electric fans and refrigerators. In the 70s, my first car was a Toyota Crown sedan. My teenage daughters went crazy over Sanrio characters. In 2002, our family toured Japan. We marveled at Japanese art, costumes, cuisine and the colorful festivals. Japanese politeness and social graces are admirable. Their cleanliness, superb. My current vehicle is a Toyota Fortuner. Im wearing a Seiko watch. But we have not forgotten the sufferings. In fact, some anger still lingers in the hearts of Filipino comfort women. Now in their 90s, comfort women were young, innocent girls in the early 1940s who were forcibly taken by the Japanese army to be used as their sex slaves (20 to 30 soldiers raped them daily.) They surfaced in 1993 to seek justice and retribution from the Japanese government. Us World War II kids are aging and dwindling fast. In a few years well all be gone. Will our children and grandchildren ever remember our tragic past? Methinks not. They are creatures of Steve Jobs, wired and immersed in data overload, knowledge clutter, and a short attention span. World War IIs tumult was destined only for us. We alone can mull the details, relish the dangers and adventures. We World War II kids are a unique breed. We are not afraid of the unknown.

2. Punan ang 3-2-1 Chart batay sa mga impomasyong nakapaloob sa binasang artikulo.

3 2
1

Anu-anong ng mga

pagpapahirap sundalong

ang 1.

dinanas ng mga Pilipino sa kamay Hapon? 2. Magbigay ng tatlo at ipaliwanag. 3. Batay natin sa ang binasa, Japan sa paano 1. mga 2.

mapatutunayan na napatawad na masasamang ginawa nila sa atin?

Kung isa ka sa mga nakaranas ng mga pagpapahirap noong panahon ng Hapon, makukuha mo din bang magpatawad? Sa paanong paraan mo mabibigyang halaga ng ang mga pagsasakripisyo

kababayan natin noong panahon ng Hapon? Sumulat ng maikling sanaysay.

PGMNHS Inset 2012 Grade 7 Output. Arthur Robert P. Limongco, Teacher-III Grade 7 Araling Panlipunan 3GM3-p5/9

3.

Sa panahon ng pananakop ng Japan, maraming pagbabago ang naganap sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay ang sumsunod:

Mga Pagbabagong Pangkabuhayan Ang salaping ginamit noong panahon ng Hapon ay ang kanilang yen, na tinatawag ng mga Pilipinong mickey mouse money. Malalaking papel at maliit ang balyu at isinisilid na lamang sa bayong sapagkat wala namang ganoong mabibili sa mga palengke. Ito ay sa dahilang ang mga Hapon ang namahala sa mga lupain, industriya, transportasyon at kabuhayan ng Pilipinas. Ang mga pagkain, bigas at alagang hayop ay sinamsam ng mga sundalong Hapon. Nabuhay ang mga tao sa lamang dagat, lamang lupa at mga halaman. Marami ang nagkasakit ng beri-beri dahil sa kakulangan ng mga protina at bitamina sa katawan. Ang mga maysakit ay namamatay na lamang sapagkat kulang ang mga ospital at serbisyong panggagamot. Mga Pagbabagong Panlipunan Tunay na pasista ang mga Hapon. Walang kalayaan at pribilehiyo ang mga Pilipino. Bawal ang pagpapalimbag ng babasahing Ingles at ipinaturo sa mga paaralang bayan ang Niponggo, ang wika ng Mga Mickey Mouse , pera noong panahon ng Hapon Yahoo! At Google Image search Hapon. Walang laya sa paggalaw at pagkilos ang mga tao, maging sa pagbibiyahe. May curfew sa mga lansangan. Ang paglabas sa mga tahanan sa hindi tamang oras ay ipinagbawal at ang mga lumabag ay ikinukulong o binabaril. Sinikap din naman ni Pangulong Laurel na maging makabuluhan ang Republika ngunit lahat ng kanyang pagsisikap ay nawalan ng saysay. Ang mga Hapones ay hindi naging matapat sa kanilang pangakong bibigyan ng kalayaan ang bansa. Ang mga mamamayan ay inalisan ng maraming karapatan. Maraming kababaihan ang nilapastangan at ginawang libangan ng mga Hapon. Ang mga kalalakihang napaparatangan ng pagiging gerilya ay inilalayo sa kanilang mga pamilya, at ikinukulong sa mga garrison, at pinahihirapan hanggang sa mamatay. Lumikha ang mga Hapon n hukbo ng makapili, mga espiyang natatakpan ng bayong ang mukha. Dinadala ang mga makapili sa mga lugar na may mga pinaghihinalaang gerilya o kalaban ng Hapon. Suot ang kanilang bayong, ituturo ang mga pinaghihinalaan at darakpin ito ng mga Hapon. Kapag hindi nakatakas mula sa garison, ang mga napaghinalaan ay maaaring hindi na makakabalik ng buhay sa Pangulong Jose P. Laurel ng kanilang pamilya dahil sa pagpapahirap gamit ang ibat ibang malupit na Republikang Papet http://farm5.static.flickr.com/4109/5013488969 paraan. Ang pagmamalupit sa mga Pilipino ay nagpatuloy. Ang panahong _c4c063f79c.jpg ito ay tinawag na Panahon ng Kadiliman dahil walang seguridad at katiyakan ang buhay ng mga mamamayan sa araw-araw. Sila ay nagtatago pag may dumarating na mga Hapon o dili kayay nagsisinungaling upang hindi maparusahan. Ang masakit dito, natuto ang ibang ipagkanulo ang kanilang kababayan upang humaba ang sariling buhay. (Project EASE Modyul 15 Pananakop ng Hapon at Reaksyon ng mga Pilipino) Anu-ano ang epekto ng okupasyong Hapon sa mga Pilipino? Magbigay ng mga halimbawa.

Pangkabuhayan

Panlipunan

4.

Dahilan sa pagmamalupit at pang-aabuso ng mga sundalong Hapon, maraming pagkilos ang ginawa ng mga Pilipino upang lumaban. Ang Kilusang Gerilya ay nagpatuloy sa pagdami ng miyembro. Nagsimula sila sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na hindi sumuko o nadakip sa pagbagsak ng Bataan at Corregidor. Dumami ang kanilang kasapi mga makabayang Pilipino na naghahangad ng kalayaan.

PGMNHS Inset 2012 Grade 7 Output. Arthur Robert P. Limongco, Teacher-III Grade 7 Araling Panlipunan 3GM3-p6/9

5.

Maraming sibilyan din ang gumawa ng pagkilos katulad na ang pagtatatag ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap na pinamunuan nina Luis Taruc, Jesus Lava, at Jose Banal. Sila ay binubuo ng mga magsasakang kinamkam ng mga Hapon ang lupang pansakahan. Sinasabing mas kinatakutan ng mga sundalong Hapon ang Hukbalahap kaysa sa Kilusang Gerilya. Ang mga Pilipino ay hindi naghintay lamang sa pagbabalik ng mga Amerikano upang sila ay iligtas sa kuko ng mga Hapon. Hindi nila hinayaang mayurakan ang kanilang dangal nang walang kalaban-laban. Sa maliit na paraan, at kahit kulang sa sandata at kagamitan, isinulong nila ang kanilang karapatan. Nang bumalik si Hen. Douglas MacArthur sa Pilipinas kasama ang mga hukbong Amerikanong lulupig sa mga Hapon noong Enero 9, 1944, ang mga Pilipinoy hindi nanood lamang. Nagbigay ng dobleng lakas at tapang ang pagdating ng mga tropang Amerikano upang ang mga Pilipino ay makilahok sa kanilang liberasyon sa kamay ng mga Hapon. Habang sumusugod ang mga Amerikano sa mga pampang at himpapawid, mula sa loob ng bansa ay itinataboy naman ng mga gerilya at ng mga HUK ang mga Hapon sa labas ng mga lalawigan at bayan-bayan.
(Project EASE Modyul 15 Araling Panlipunan I)

6.

7. Pangkatin ang klase sa sampu. Upang higit na mapalawig ang mga karanasan ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng Hapon sa lokal na lebel, makipanayam sa mga matatanda ng lugar na nakaabot sa panahong ito. Igawa ng profile ng kinapanayam tulad ng personal na impormasyon. Maghanda ng mga katanungan bago ang pakikipanayam. Iulat sa harap ng klase ang output. Mamarkahan ang output gamit ang rubric sa pakikipanayam. Gawain 3. Ang Bagong Republika, 1946 1. Sa pagbabalik ni Heneral Douglas MacArthur kasama ang malakas na pwersa ng mga Amerikano at pagbagsak ng mga bomba atomika sa Japan, napilitang sumuko ang mga Hapon sa mga Amerikano at opisyal na nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Rehiyong Pasipiko. Tinupad ng mga Amerikano ang kanilang pangakong kalayaan sa mga Pilipino na kanilang ibinigay noong Hulyo 4, 1946. Dito magsisimula ang panibagong yugto ng kasaysayan Ang simula ng ikatlong Republika. Isang malaking hamon ang kakaharapin ng mga pangulo kabilang na ang pagbangon mula sa abo ng digmaan at mga problemang internal tulad ng pagdami ng mga rebelde at pagpapalakas ng ekonomiya. 2. Sa kabila ng pagbitaw sa atin ng mga Amerikano, patuloy pa ring naging malakas ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos. Isang halimbawa nito ang Bell Trade Act na sinulat ng isang Amerikanong Kinatawan na si Jasper Bell, na nagtadhana ng malayang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa. Sa batas na ito isinasaad nasa loob ng 28 taon[1946-1974],magkakaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Ang mga Amerikano ay malayang makakapagpasok ng kalakal sa Pilipinas nang walang limitasyon. Sa unang walong taong itinakda ng kasunduan,hindi papatawan ng anumang buwis ang mga produktong Amerikanong dadalhin sa bansa. Subalit sa kabilang banda,ang mga produktong Pilipino na dadalhin sa Amerika ay papatawan pa rin ng kota. Bagamat hindi ito patas sa mga Pilipino,pumayag na rin ang pamahalaan sa suporta na rin ng mga mamamayan upang maipatupad ang Rehabilitation Act na ipinatupad ng Estados Unidos. Ayon sa Rehabilitation Act, babayaran ng Estados Unidos ang Pilipinas para sa mga pinsalang natamo nito noong digmaan.Nilinaw ng Amerika na ito ay tulong at hindi kabayaran. (wikianswers) Suriin ang ilang bahagi ng Batas Bell na kilala din bilang Commonwealth Act. No. 733 at sagutin ang mga katanungan matapos nito.
COMMONWEALTH ACT NO. 733 "AN ACT TO PROVIDE FOR THE TRADE RELATIONS BETWEEN THE UNITED STATES AND THE PHILIPPINES, AND FOR OTHER PURPOSES" WHEREAS, pursuant to Title IV of Public Law 371 79th Congress, approved on April thirty, nineteen hundred forty-six, entitled "An Act to Provide for the Trade Relations Between the United States and the Philippines, and for other purposes," the President of the United States and the President of the Philippines have agreed to enter into an executive agreement which reads as follows: "AGREEMENT BETWEEN THE UNITED STATES OF AMERICA AND THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES CONCERNING TRADE AND RELATED MATTERS DURING A TRANSITIONAL PERIOD FOLLOWING THE INSTITUTIONAL PERIOD FOLLOWING THE INSTITUTION OF PHILIPPINE INDEPENDENCE. "The President of the United States of America and the President of the Philippines, recalling the close economic ties between the people of the United States and the people of the Philippines during many years of intimate political relations, mindful of the great physical destruction and social disturbances suffered by the Philippines as a result of their valiant support of the cause of the United Nations in the war against Japan, and desiring to enter into an Agreement accepting on the part of each country the provisions of Title II and Title III (except Part 1) of the Philippine Trade Act of 1946 of the United States of America, have agreed ..
http://www.chanrobles.com/commonwealthacts/commonwealthactno733.html#.UKsfcYcvmUI

PGMNHS Inset 2012 Grade 7 Output. Arthur Robert P. Limongco, Teacher-III Grade 7 Araling Panlipunan 3GM3-p7/9

PAGKUHA NG IMPORMASYON Ilang taon ang itatagal ng malayang kalakalang ito? Sa anong batas kinilala bin ang Bell Trade Act? Sino ang sumulat nito? Sinu-sinong pinuno ang nagkasundo sa kasunduang ito? PAGHINUHA NG IMPORMASYON Bakit sinasabing hindi patas ang kalakalang ito?

Kung hindi patas, bakit pumayag ang pamahalaan ng Pilipinas dito?

Sa iyong palagay, hindi kaya kabayaran ang Rehabilitation Act sa mga naging pinsala ng mga Amerikano sa Pilipinas sa naganap na digmaan? Bakit?

3. Bukod sa Bell Trade Act, isa pa ring malinaw na basehan na hindi nagwakas ang ugnayan ng mga Amerikano at Pilipino ay ang Kasunduang Base Militar ng 1947 na nagkabisanoong ika-14 ng Marso 1947. Binigyangpahintulot nito ang paggamit ng ilang lugar sa bansa bilang base-militar ng mga Amerikano sa loob ng 99 na taon. Ang mga ito ay ang Clark Air field sa Angeles, Pampanga; Subic Naval Base sa Olongapo, Zambales; Poro Point sa San Fernando, La Union; Sangley Point sa Cavite; at Camp John Hay sa Baguio. Noong ika-16 ng Setyembre 1966, itinakda ng Kasunduang Rusk-Ramos ang pagtatapos ng bases agreement sa taong 1991. 4. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng pangalan ng pangulo ng ikatlong republika na kanilang gagawan ng isang mock Facebook account sa isang cartolina o manila paper. Nararapat na laman ay ang maikling talambuhay at mahahalagang nagawa. Tingnan ang halimbawa sa susunod na pahina. (Maaari ring sa Facebook mismo gumawa ang mga mag-aaral sa matataas na antas) Ipakita sa klase ang output ng bawat pangkat sa pamamagitan ng gallery walk. Maaring gamitin ang pangkalahatang rubrik sa pagtatanghal sa ibaba. Panukatan Pagtatanghal Pinakamahusay (4) Nagpamalas ng pagkamalikhain, kahandaan, kooperasyon at kalinawan sa presentasyon May tuwirang kaugnayan sa pananaw batay sa pamantayan tulad ng orihinal, pagkakabuo, pagkakaugnay ng ideya at makatotohanan. Higit na Mahusay (3) Mahusay (2) Nagpamalas ng 3 sa 4 na kahusayan sa pagtatanghal Nagpamalas ng 2 lamang sa 4 na kahusayan ng pagtatanghal Di Mahusay (1) Isa lamang ang naipamalas na kahusayan sa pagtatanghal

Nilalaman

Naipamalas ang 3 sa Naipamalas ang 2 Isa lamang sa 4 sa 4 na na pamantayan 4 na pamantayan pamantayan ang naipamalas

Pangkalahatang Impak

Sa kabuuan ng presentayon, Tatlo sa apat na nag-iwan tumpak na mensahe, pamantayan ang nakahikayat ng manonood, naisagawa positibong pagtanggap at maayos na reaksyon ng manonood.

Dalawa sa apat na Isa lamang sa 4 pamantayan ang na pamantayan naipamalas ang naipamalas

PGMNHS Inset 2012 Grade 7 Output. Arthur Robert P. Limongco, Teacher-III Grade 7 Araling Panlipunan 3GM3-p8/9

Madodownload ang template sa Google Image Search

Keyword: Facebook blank template

PGMNHS Inset 2012 Grade 7 Output. Arthur Robert P. Limongco, Teacher-III Grade 7 Araling Panlipunan 3GM3-p9/9

Das könnte Ihnen auch gefallen