Beruflich Dokumente
Kultur Dokumente
Lingguhang Paksa :
Flores de Maria
Ang buwan ng Mayo ay buwan ng pag-aalay kay Maria ng mga bulaklak, buwan na
kung saan mas maraming bulaklak ang namumukadkad. Kalakip ng mga alay na
bulaklak, ang ating pagsamo na tayo’y samahan niya sa ating pananalangin sa kanyang
anak na si Hesus.
Sina Jose at Maria ang mga unang guro ni Hesus. Sa kanilang pagiging tapat at
pagiging masunurin sa kalooban ng Diyos, nahubog nila ang batang Hesus upang
laging maging tapat at masunurin sa Kalooban ng Ama.
Sapamamagitan ni Maria, hilingin natin na sana ang mga batang dumadalo sa Flores
de Maria ay maging tapat at masurin din sa Kalooban ng Diyos.
Espesyal ang Flores de Maria sa Taon ni San Pablo Apostol. Si San Pablo ay larawan
ng masigasig na taga-pagpahayag ng Mabuting Balita. Tulad ni Maria na walang
sinayang na panahon upang ibahagi sa kanyang kamag-anak na si Elisabet ang
Mabuting Balita na si Hesus, wala ring sinayang na panahon si San Pablo Apostol sa
pagbabahagi kay Hesus.
Ipanalangin nating ang mga Katekista upang tulad nina Maria at San Pablo, buong
sigasig din nilang ipakilala si Hesus sa mga batang dumadalo sa Flores de Maria.
Para Kanino
Mark_Luke71@yahoo.com
862 1746
Mayo 4, 2009, Lunes
Unang Linggo : Panalangin
Ika-1 Paksa : Ang Tanda ng Krus
Pambungad na Panalangin:
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. . .
Sitwasyon ng Buhay:
Oo gaya nung bago tayo magsimula ng ating klase. Bago at pagkatapos nating
manalangin tayo ay nagantanda ng krus.
Alam niyo nuong panahon ni Hesus ang bayang Israel ay sinasakop ng mga Romano.
Ang krus ay kinatatakutang bagay. Dahil ito ang ginagamit nilang pamamaraan ng
pagpaparusa’t pagpatay sa mga kriminal na hindi mamamayang Romano. Itong
kinamumuhian at kintatakutang bagay na ito’y nabigyan ng kakaibang kahulugan
pagkatapos gamiting pamamaraan sa pagpatay kay Hesus. O alamin natin ngayon
kung paano naganap ang malaking pagbabagong ito.
Salita ng Diyos :
Mateo 27: 11-26 ang pagharap ni Hesus kay Pontio Pilato (mas magandang isadula
o ikuwento na lang ang pangyayari)
Mateo 28: 19 ang atas ni Hesus na bautismuhan ang lahat ng bansa sa ngalan ng
Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo
Marahil napakapamilyar sa inyo ang tagpong ating isinalaysay ano? Ngayon ating
unawain ito mas mabuti.
T. Ano ngayon ang naging pasiya ni Pontio Pilato sa udyok ng mga kaaway ni
Hesus?
S. Ipako si Hesus sa krus
Pahayag ng Pananampalataya
Iisa lamang ang Diyos sa tatlong persona: Ang Ama, ang Anak at ang Espiritu
Santo. Nag-aantanda tayo ng krus: Sa ngalan ng Ama - ang Ama bilang utak ng lahat.
Ang may lalang sa atin. Ang nagbalak at nagpapatupad. Kaya sinisimulan natin ang
pagantanda sa noo, sa ulo ng lahat; Ng Anak -sinusundan natin ito sa tiyan, ang
pinanggalingan ng nagkatawan-taong Diyos. At ng Espiritu Santo - kung saan
dinadampian natin ang ating mga balikat. Una ang kaliwa patungong kanan.
Kaya marapat lang na tayo manalangin madalas sa kaniya. Ibigin ang Diyos ng higit
sa lahat. Walang ibang angkop na pamamaraan ng pagpapadama tayong magagawa
kundi ang pagiging magalang tuwing tayo ay makikipagusap sa Kaniya. Ang
paglalagay natin ng ating sarili sa presensiya Niya sa pamamagitan ng pag-aantanda
ng krus sa simula ng ating pagdarasal.
Tugon ng Pananampalataya
Ating isaulo at gawin ng wasto’t may paggalang ang pag-aantanda ng krus. Kung
saan babanggitin natin ng malinaw at mahinahon ang mga salitang: “Sa Ngalan ng
Ama, at ng Anak, at ng Espiritu santo. Amen.”
Panghuling Panalangin:
Gary Mendoza
Diocese of Cubao
Mayo 5, 2009, Martes
Unang Linggo : Panalangin
Ika-2 Paksa : Ama Namin
Sitwasyon ng Buhay :
T. Kayo ba ay nananalangin?
S. Opo
Tama ang mga sagot ninyo, pero may ibabahagi ako sa inyo na makapag-
bibigay ng magandang halimbawa ng makabuluhang pananalangin.
T. Sino ba si Bro?
S. Siya po si Hesus na tinatawag niyang “ Bro”
Basahin natin ang Salita ng Diyos at alamin kung ano ang sinasabi ni Hesus
tungkol sa panalangin.
Salita ng Diyos:
- Ano ang ginawa ni Hesus bago niya pinuntahan ang mga naghihintay sa
Kanyia? – pumunta sa isang pook upang manalangin
- Ano ang sinabi ng isa sa mga alagad Niya pagdating Niya? – “ Panginoon,
turuan mo kaming manalangin
Pahayag ng pananampalataya:
Pagsamba
- Ang Ama Namin ay dinadasal natin sa banal na misa, rosaryo, mga novena, at
sa mga sakranentong binyag, kumpil at iba pa. (KIK 2776; KPK 2109)
- Ang pag-awit o pagdarasal ng Ama Namin sa Banal na Misa ay dinidiin na lahat
tayo ay magkakapatid sa mata ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus. Hinihingi
natin ang ating pangangailangang material at pangespiritual sa Eukaristiya na
tinatanggap natin bilang pagkain ng buhay na walang hanggan. ( KPK 2110 )
( maaring ipakita sa visual aid ang larawan ng pagawit ng Ama Namin sa banal
na misa )
Katotohanan
A. Ang PAGBATI
- Ang ibig sabihin ng Ama ayon sa Bibliya ay, “ Ama-Manlilikha”. Siya ang
pinakamataas na may kapangyarihan at Panginoon. ( KPK 2133 )
- Ang Diyos ay banal kaya kahit ngalan Niya ay sinasamba natin. ( KPK 2140 )
- Nais ng ating Ama na ang lahat ng tao ay mailigtas at matamo ang kaharian ng
katotohanan ( 1 Tim 2:3-4 ). Siya ay “ may pagtingin sa iyo, ast hindi Niya nais na
mapahamak ng sino man. ( 2 Pedro 3:9 ) Ang utos Niya ay magmahalan kayo: kung
papaano ko kayo minahal, ganoon din kayo magmahalan.( Jn 13: 34 ; Lc 10:25-27 )
- Ang utos na ito ay buod ng lahat ng mga utos, at naka-paloob dito ang buo
Niyang kalooban. ( Jn 3:4)
Amen.
Pinagdiriwang natin sa taong ito ang Taon ni San Pablo. Katulad ni Santino, si
“Bro” ay nagpakita rin kay San Pablo upang gawin siyang alagad Niya sa pagkalat ng
Mabuting Balita ng Kaligtasan. Kapwa sila naging tapat sa mag pinagbibilin ni Hesus at
naging huwaran ng tunay na kabanalan, pananalangin, at tiwala sa Diyos.
Tugon ng Pananampalataya
Paniniwala:
Pagkilos:
Pagdiriwang:
Sitwasyon ng Buhay
Salita ng Diyos
Lukas 1:26-33
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Si Maria ay pisikal na ina ni Jesus na ating tagapagligtas ang naging espirituwal na ina
ayon sa bahagdan ng biyaya para sa lahat lalo na ang mga disipulo ni Kristo sapagkat
dahil sa pag-ibig nakiisa si Maria upang magsilang sa simbahan ang mga
sumasampalatayang kasapi ni Kristo ( cfc517) si Maria ay tunay na ina ng Diyos
sapagkat siya ang ina ng walang hanggang anak ng Diyos na tunay na tao at tunay na
Diyos ( ccc 509) si Maria ang bukod tanging babeng pinili ng Diyos na maging ina ng
kaisa-isang anak ng manunubos natin. Ngunit nang ang takdang panahon ay dumating
isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak ipinanganak ng isang babae at ipinangako sa
ilalim ng kautusan. Sa panalangin ng Aba Ginoong Maria, pinapahayag na si Maria ay
hindi Diyos kundi ang kanyang anak na si Jesus ang tunay na Diyos. Binibigay ni Maria
kay Jesus ang anumang binibigay ng ina sa sarili niyang sanggol ( cfc 520 ). Si Maria
ay tumutulong o nakikiisa sa gawaing pagliligtas ng Banal na Santatlo, kaya walang tigil
siyang nananalangin para sa atin.
Ano ang gagawin natin upang matulungan tayong maging masunurin sa Diyos tulad ni
Maria?
SA PANANALANGIN AY HINIHILING NATIN NA MAGING MASUNURIN SA DIYOS
TULAD NI MARIA. (ccc(965,2617)
Hal. Pagtinawag ng nanay at inutusang bumili ng ulam. Kapag sinunod mo siya lahat ay
makakakain dahil sa ginawa mong kabutihan. Ang pagsunod sa magulang ay pagsunod
sa Diyos marami pang magagandang ugali ang maari nating gawin araw-araw bilang
pagsunod sa kalooban ng Diyos. Lahat ng ating ginagawa na makakapagdulot ng
kabutihan sa kapwa ay matatawag nating pagsunod sa nais ng Diyos
BUOD:
TUGON NG PANANMPALATAYA:
Ka Luring
Diocese of Pasig
Mayo 7, 2009, Huwebes
Unang Linggo : Panalangin
Ika-4 Paksa : Mga Misteryo ng Tuwa at Liwanag
Pagpapahalaga : Kagalakan
Sitwasyon ng Buhay :
Salita ng Diyos:
Lucas 1:39-44
Noong gabi ng isilang si Hesus sinabi ng anghel sa mga pastol “huwag kayong
matakot! Ako’y may dalang mabuting balita sa inyo na magdudulot ng malaking
kagalakan sa lahat ng tao sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang
inyong tagapagligtas. ang Kristong Panginoon.’ (Lukas 2:10-11)
Kaya nga tayo at ang buong mundo, malayo pa ang pasko - araw ng
kapanganakan ni Hesus, tuwang-tuwa natin pinaghahandaan ito dahil sa dala Niyang
kagalakan sa mundo. Makikita natin na ang bawat Misteryo ng Tuwa ay kagalakan
dulot nito. Mula ng ibalita nga anghel kay Maria ang kanyang paglilihi kay Hesus,
kagalakan ang dulot kay Maria, noong dinalaw ni Maria si Elisabet, siya at ang sanggol
sa kanyang tiyan ay nagalak, at nang isilang ni Maria si Hesus nagalak ang mga
pantas at mga pastol. Ang pagdala kay Hesus sa templo ay nagbigay ng kagalakan
kay Simeon. (Lucas 2:28)
Noong labing-dalawang taon na si Hesus at nawala, laking tuwa ni Maria nang siya ay
kanilang matagpuan sa loob ng templo na nagturo sa mga guro.
Sa pagdarasal natin ng Santo Rosaryo hindi natin mabubuo ito kung hindi natin
ipapahayag ang ating pananampalataya. At tuwing darasalin natin ang
Sumasampalataya, si Hesus na kagalakan at naging tao ay patutloy na sumasaatin at
ang kagalakan ay nananatili sa ating hanggan ngayon. Kaya nga sa Banal na Misa
kung saan patuloy na binibigay ni Hesus ang Kanyang presensiya, tayo ay nadiriwang
na may kagalakan sa puso.
Tugon ng Pananampalata
Maria P. Tan
San Antonio Abad Parish
Diocese of Pasig
Mayo 8, 2009, Biyernes
Unang Linggo : Panalangin
Ika-5 Paksa : Mga Misteryo ng Hapis at Luwalhati
Pagpapahalaga : Pag-asa
Sitwasyon ng Buhay:
Ang anak ay biyaya ng Diyos sa mag-asawa, iisa man ito o marami. At bilang biyaya
ito ay nagdadala ng kasiyahan sa mga magulang. Sa panahon natin ngayon at sa hirap
ng buhay kapag maraming anak, ang ina ay napipilitan tumulong sa tatay sa
paghahanap-buhay upang maitaguyod ang kanilang mga anak. Dahil dito ang
magulang ay madalas wala sa bahay at nawawalang na ng panahon sa kanilang mga
anak at kadalasan ang pag-aaruga at pag-aalaga ay naiiwan sa nakatatandang anak.
Hirap man sila pero pilit nilang itinataguyod ang pagpapalaki at pagpapa-aral sa
kanilang mga anak. Hindi alintana ang hirap mabigyan lang ng magandang
kinabukasan ang kanilang mga anak. Magandang kinabukasan ng mga anak ang
kanilang inaasam sa bawat paghihirap na kanilang dinaranas. Maaring maraming
tayong paghihirap na daranasin dito sa lupa subalit may pangako ang Diyos sa atin ng
kaginhawahan. Basahin natin ang sinasabi sa Banal na Kasulatan.
Salita ng Diyos:
1 Ped.3-4,6
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoon Hesus. Dahil sa laki ng habag
niya sa atin, tayo’y isinilang sa isang panibagong-buhay sa pamamagitan ng muling
pagkabuhay ni Hesukristo. Ang bagong-buhay na iyang ang nagbigay sa atin ng
malaking pag-asa na makakamtan natin ang isang kayamanang walang kapintasan,
di masisira, at di kukupas. Ang kayamanang iya’y nakalaan sa inyo doon sa langit.
Ito’y dapat ninyong ikagalak, bagamat maaaring magdanas muna kayo ng iba’t-
ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon.
Mula sa binasa natin, ating nalaman na tayo ay may inaasam kayamanan sa langit
mula Diyos subalit tayo muna ay magdaranas ng mga pagsubok. Tulad ng ating mga
magulang nagtitiyagang maghanap-buhay. Minsan ang nanay ay pumupunta sa ibang
bansa upang maghanap-buhay tinitiis niyang mapalayo sa kanyang mga anak dahil
ibig niyang lumaki at maging maganda ang kinabukasan ng kanyang mga anak.
Kagaya ng ating Ama sa langit ibinigay sa atin si Hesus, nagtitiis ng mga hirap dito sa
lupa upang sa kanyang muling pagkabuhay mabigyan tayo ng bagong-buhay na
magdudulot ng pag-asa sa atin. Ang pag-asa na ito ay bunga ng paghihirap ni Kristo Ito
ang dahilan kung kaya sa buhay natin hindi tayo nawawalan ng pag-asa na sa kabila ng
mga kahirapan sa pagtataguyod ng mga anak natin, may inaasahan din tayong
kaginhawahan makakamtan pagdating ng araw kapag nakita natin na maayos ang
buhay ng mga anak natin. Katulad ng sinabi ng Diyos maaring magdanas tayo ng mga
pagsubok subalit may matatanggap tayong kayamanan sa langit. Ano mang hirap natin
sa buhay, ito nakakayanan nating dahil sa pag-asang ibinigay sa atin ng Diyos. Ang
pag-asang ito ay natamo natin dahil sa mga paghihirap, pagkamatay sa krus at muling
pagkabuhay ni Hesus.
Kung ang anak ng Diyos ay nagbata ng maraming hirap paano tayo makikiisa sa
Kanyang mga paghihirap? Kinakailangan tanggapin at mapagtagumpayan natin ang
mga pagsubok sa ating buhay. Kung binibigyan tayo ng maraming anak nararapat na
ito ay ating mahalin, itaguyod at palakihin at hindi pababayaan o kaya ipamigay dahil
sa ating katandaan maaari din na sila ang maging gabay o mag-aalaga sa atin. Sa
bawat pagsubok may kalakip na tagumpay na nakalaan sa atin. Sa halip na tayo ay
magreklamo buong puso natin tanggapin ang mga mumunting krus na dumarating
sa ating buhay. (Lu.9:23). Tulad ni Hesus minsan pinanghihinaan din tayo at nasasabi
natin na tayo ay pinababayaan na Niya subalit dahil sa pag-asa tayo ay nakakabangon
pa rin at patuloy na nakikibaka sa hirap nga buhay Sa ganitong paraan tayo ay
nakikiisa sa mga paghihirap ng ating Panginoon Hesus. .
HAMON: Ano ang maaari kong gawin upang matulungan ang aking mga magulang sa
kanilang pagtataguyod sa aming magkakapatid.
Pagdiriwang: Dasalin ang Misteryo ng Luwalhati
Maria P. Tan
San Antonio Abad Parish
Diocese of Pasig
Mayo 11, 2009, Lunes
Ikalawang Linggo : Mga Aral Tungkol kay Hesukristo
Ika-1 Paksa : Si Hesus, Anak ng Diyos
Lagumin ang mga sagot ng bata. Gumawa rin ng isang malaking puso sa pisara at
ilagay doon kung sino-sino ang mga nagmamahal sa kanila.
Pagpapalalim ng Pagpapahalaga
Ang mga taong nagmamahal sa atin kadalasan ay ang mga taong minamahal din
natin. Tama ba?
Tama, mga bata, mahal na mahal ng Diyos ang tao. Ipinadama Niya ang Kanyang
pagmamahal sa atin ng likhain Niya ang mundo. Lahat ng bagay na hindi ginawa ng
tao ay Kanyang nilikha, katulad ng mga isda, halaman, puno at marami pang iba. Ano
nga ba ang mga nilikha ng Diyos at bakit Niya nilikha ang mga ito?
Nagkasala ang tao hanggang dumating si Hesus bilang tagapagligtas. Siya ang
pinakadakilang tanda ng pagmamahal ng Ama. Ngayon, pakinggan natin ang
Ebanghelyo ayon kay San Juan.
Salita ng Diyos:
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Katotohanan:
Tanda ng pagmamahal ng DIyos Ama sa ating lahat, ibinigay Niya ang Kanyang
kaisa-isang anak na si HEsus. Ibinigay ng Diyos Ama sa atin si Hesus upang ipadama
sa atin kung gaano Niya tayo kamahal.
Pinili Niya ang isang dalaga ng magiging ina Niya at ito ay walang iba kundi si Maria.
Pagsamba:
Sa panalangin mas higit o lubos pa nating nakikilala si Hesus, ang Anak ng DIyos.
Pagsasabuhay:
Hindi natin kayang pantayan ang pagmamahal ni Hesus sa tao subalit maari natin
Siyang matularan. Sa Kanyang pagiging tao tulad natin, maliban sa kasalanan, itinuro
sa atin ni Hesus sa Mabuting Balita ang kahalagahan ng pag-ibig sa DIyos at pag-ibig
sa kapwa - isang natatanging pagkakakilanlan sa ating mga kristiyano. “Ano man ang
ginawa mo sa iyong kapwa ay ginawa mo na rin sa akin, “ wika ni Hesus.
Ipakita natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng ating gawa, hindi lamang sa
salita or wika.
Sa mga ginawang puso, may mga pangalan kayong isinulat doon sa loob ng puso.
Sino-sino ang naroon at paano mo naipapakita na mahal mo sila? Ang mga kapamilya
lamang ba ang mamahalin natin?
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan:
Pagtatalaga:
Pagdiriwang:
Panalangin
O Diyos AMa, napakabuti Mo. Ibinigay Mo sa amin ang Iyon Bugtong na Anak na si
Hesus upang kami ay maligtas sa kasalanan. Maraming salamat sa lahat-lahat. Amen.
Manuel Rodriguez
San Jose Parish
Diocese of Novaliches
Mayo 12, 2009, Martes
Ikalawang Linggo : Mga Aral Tungkol kay Hesukristo
Ika-2 Paksa : Si Hesus, Anak ni Maria
Pagpapahalaga : Kagalakan
Sitwasyon ng Buhay:
Salita ng Diyos:
Pagpapalalim ng Pagpapahalaga
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
• Sino ba sa inyo si Maria? Ina ng Diyos at ng manunubos. Siya rin ang mahal na
anak na babae ng Ama at ang templo ng Espiritu Santo.
Pagsasabuhay :
Pagsamba:
TUGON SA PANANAMPALATAYA
Paninindigan :
Pagtatalaga :
Manuel Rodriguez
San Jose Parish
Diocese of Novaliches
Mayo 13, 2009, Miyerkules
Ikalawang Linggo : Mga Aral Tungkol kay Hesukristo
Ika-3 Paksa : Si Hesus, Ating Tagapagligtas
Si Sajid ay 13 taong bata na taga Bocaue, Bulacan, ipinanganak noong Jan 24,
1980, pangalawa sa 3 magkakapatid. Mahilig siya sa sports, magaling sa Math at
pagguhit. Natuto siyang lumangay sa tulong ng kanyang ama.
Pagtatanong:
Si Sajijid Bulig ay isa lamang ordinaryong bata subalit kahanga-hanga ang kanyang
ginawang pagliligtas ng buhay ng iba, kapalit ng kanyang buhay. Hindi niya inalintana
ang panganib dahil nakatuon siya sa kapakanan ng iba.
• Naranasan niyo na rin bang magligtas ng iba? Halimbawa ang iyong kapatid
na muntik nang mahulog, kaklase na muntik nang masagasaan . Kaibigan
muntik nang makagat ng aso…
• Anong ginawa ? paano mo siya iniligtas o tinulungan sa sandaling iyon.
• Naging madali ba para sa ‘yo na gawin ito?
Kadalasan hindi ito madaling gawin ito sapagkat habang itinataya natin ang ating
buhay para sa iba nangangailangan tayo ng tapang para harapin ito. Hindi man natin
maparisan ang ginawa ni Sajid pero magagawa rin nating na mag-alay ng sarili kahit sa
maliliit na paraan katulad ng mga nabanggit kanina. Ang pag-aalay ng sarili ay
pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa. Mahalaga bang mag-alay ng sarili para sa iba?
( collect answers)….Ipinakita ni Hesus sa atin ang kahalagahan nito tulad ng kanyang
sinasabi sa pagbasa ngayon na ating maririnig…..
Salita ng Diyos :
Mga tanong:
Ginagawa Niya ito dahil sa pagmamahal sa Kanyang mga tupa. Si Hesus ang
Mabuting Pastol at tayo naman ang mga tupa. Hindi ni tayo pinababayaan bagkus
inaalagaan at hinahanap Niya ang mga nawawalang sa kanyang piling. Hindi Siya
tulad ng mga upahan na kapag nasa panganib ang mga tupa kanilang iniiwanan ito
upang hindi sila mapasok sa panganib. Handang ibigay ng Mabuting Pastol ang
kanyang buhay para sa atin. Kaya bilang Kanyang mga tupa tinutularan natin ang
kanyang magandang halimbawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng ating sarili sa ating
kapwa na nangangailangan ang tulong na bagamat mahirap dahil kinakailangan itaya
ang ating sarili, bilang tanda ng pagmamahal katulad ng ginawa ni Sajid Bulig hindi
inalintana ang panganib makapagligtas ng ng tao. Higit pa rito ang ginawa ng ating
Mabuting Pastol na nagdulot ng kaligtasan hindi laman sa iisa o lilimang tao kundi sa
lahat ng tao sa mundo SI HESUS NA TAGAPAGLIGTAS AY NAG-ALAY NG BUHAY
DAHIL SA PAG-IBIG NIYA SA ATIN (CFC 558) . Tayo ay naliligtas sa pamamagitan
ng ganap na paghahandog ng pag-ibig ni Hesus para sa Kanyang Ama at para sa atin,
isang pag-ibig na isinabuhay niya hanggan sa kamatayan. Si Kristo ay itinalaga ng Ama
at isinugo sa daigdig “ibinigay Niya ang kanyang sarili upang iligtas tayo sa lahat ng
kalikuan at linisin para maging kanyang bayan na nakatalagang gumawa ng mabuti
(Tito 2:14) at sa ganitong paraan sa pamamagitan ng kanyang pagpapakasakit ay
makapasok sa Kanyang kaluwalhatian. Siya ang pinuno ngunit siya rin ang lingkod ng
mga tupa – naghahanap sa nawawala, nagtatanggol sa mahihina at gumagabay sa
naglalakad. Sa ating buhay pananampalataya, si Hesus ang ating mabuting pastol. Sa
kanyang buhay , kamatayan at muling pagkabuhay inaalagaan niya tayong mabuti at
inaakay sa kaligtasan. GAYONG DAKILA ANG PAG-IBG NG DIYOS SA ATIN,
DAPAT DIN TAYONG MAG-IBIGAN (1Juan 4:11) Ang mabuting pastol ay may
pananagutan sa Kanyang tupa. Tayo rin ay tinatawag na maging mabuting pastol ng
ating kapwa. Marami rin naman tao na tumutulad kay Hesus, nag-aalay ng kanilang
sarili dahil sa pagmamahal. Nariyan an gating mga magulang na nagsusumikap para sa
kanilang anak, mga guro na matiyagang nagtuturo sa mga estudyante, mga taong
tumutulong sa pari at simbahan. Lahat nang ito ay nagpapakiita ng pagmamahal.
Ang bawat tao ay may pag-aalay ng sarili para sa kanyang kapwa maliit man ito
o malaki , tulad ni Sajid Bulig , hindi rin naghihintay ng kapalit ang mga taong ito. Si
Hesus ang unang nag-alay ng kanyang sarili para sa tao at hanggang ngayon patuloy
natin inaalala ang kanyang pag-aalay ng sarili sa pamamagitan ng Banal na
Eukaristiya. SA BANAL NA EUKARISTIYA, SI HESUS SA ANYO NG TINAPAY AT
ALAK AY PATULOY NA NAG-AALAY NG SARILI PARA SA ATING KALIGTASAN
(CFC 1727). Mahalaga ang pakikiisa natin sa Banal na Eukaristiya tulad ng pag-awit,
pagsagot sa pari at pakikinig sa salita ng Diyos.
Tugon ng Pananampalataya:
Iniibig ako ni Kristo! Inialay Niya ang kanyang buhay upang ako ay maligtas.
Pagdiriwang :
Maria P. Tan
San Antonio Abad Parish
Diocese of Pasig
Mayo 14, 2009, Huwebes
Ikalawang Linggo : Mga Aral Tungkol kay Hesukristo
Ika-4 Paksa : Si Hesus at Ang Espiritu Santo
Sitwasyon ng Buhay :
Tama kayo mga bata, kailangan nga natin ang hangin. Dahil kung wala ang
hangin hindi tayo mabubuhay. At walang sinuman ang nakakakita sa hangin pero ito ay
ating nararamdaman sa ating sarili o di kaya nakikita natin sa mga dahon ng halaman at
puno na gumagalaw ang mga ito. Si Hesus at Espiritu Santo ay hindi rin natin nakikita
ngunit nadadama natin na nasa atin at kasama natin sa araw –araw . paano natin
nakikita ito sa ating sarili sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa. Bago tayo
magpatuloy nais ko muna kayong makinig ng isang kwento mula sa Banal na Kasulatan
(Bibliya). Handa ba kayong makinig?
Salita ng Diyos:
Pag-uugnay :
Si Hesus at Espiritu Santo ay hindi natin nakikita tulad ng hangin ngunit nasa
puso natin. Lahat ng ating ginagawa na mabuti ito ay gabay ni Hesus at tulong ng
Espiritu Santo. Kaya lahat ng ating ginawa na mabuti, nakikita o nadadama na si
Hesus at Espiritu Santo ay nasa atin palagi.
Pahayag ng Pananampalataya
Katotohanan:
Bago muling nabuhay si Hesus, ipinahayag niya ang pagpanaog ng isang pang
persona ( ang Tagapagtanggol) ang Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo na gumawa na
sa paglalang ng sanlibutan at sa pamamagitan ng mga propeta, ay makakapiling ng
mga alagad at sumasakanila upang turuan sila at akayin sa buong katotohanan. Ang
Espiritu Santo ay walang pinagmulan ay naghahayag ng kanyang sarili. Ang Espiritu ay
isinugo sa mga apostol at sa Iglesia ng Ama sa ngalan ng Anak at ng mismong anak sa
kanyang pagbabalik sa Ama. Ang pagsugo sa persona ng Espiritu Santo, pagkaraan ng
pagpaparangal kay Jesus ay lubusang pahayag ng mistery na Santisima Trinidad (
Iisang Diyos) (KIK 243-245 , 246-48)
Pagsasabuhay:
Pagsamba:
Tugon ng Pananampalataya:
Naniniwala ba kayo kay Hesus at sa Espiritu Santo kahit hindi natin nakikita?
Panalangin:
Buod:
Si Hesus ay toong Diyos at toong tao. Ang Espiritu Santo at si Hesus ay iisang
Diyos pero bahagi sila sa Tatlong persona sa iisang Diyos. Ang ating gabay at
tagapagligatas.
Deling Polison
SPA Parish
Archdiocese of Manila
Mayo 15, 2009, Biyernes
Ikalawang Linggo : Mga Aral Tungkol kay Hesukristo
Ika-5 Paksa : Si Hesus at Ang Simbahan
Salita ng Diyos:
Pahayag ng Pananampalataya
Ang bawat isa sa atin ay nakatanggap ng regalo galing sa Diyos, gusto niyang
gamitin natin ito sa ikagaganda at ikabubuti ng kanyang pamilya.
• Dumating ka ng maaga.
• Makinig at sumama ka sa pagdarasal.
• Makikiisa ka sa pag-awit at panalangin.
• Kaya pagnagsisimba tayo, magdasal tayo, makiisa tayo, imagine hindi lang
ikaw ang nagdarasal, lahat tayong magkakapatid ay nagdarasal sa Ama
kasama si Hesus sa patnubay ng Banal na Espiritu Santo. Di ba mas
powerrful ang dasal pagsama-sama bilang isang SIMBAHAN, bilang isang
pamilya
Tugon ng Pananampalataya:
Other Activities:
Carmen Asuncion
Diocese of Parañaque
Mayo 18, 2009, Lunes
Ikatlong Linggo : Ang Mga Sakramento
Ika-1 Paksa : Mga Banal na Tanda
Lahat tayo ay may minamahal at may nagmamahal sa atin – maging sino man
sila: ating mga magulang, kapatid, kamag-anak, kaibigan at marami pang iba.
At may iba’t ibang paraan tayo nang pagpapakita o pagpaparamdam ang ating
pagmamahal: sa pamamagitan ng kilos, mga salita at sa mga bagay na ibinibigay
natin bilang tanda ng ating pagmamahal sa kanila gaya ng flowers, card, etc. .
Salita ng Diyos:
“ …. At isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito Pagkatapos, lumura at
hinipo ang dila nito. Tumingala si Jesus sa langit at nagbuntong hininga, at sinabi sa
tao, “Effata”, ibig sabihi’y “Mabuksan!” At nakarinig na ito, nawala ang pagkautal at
nakapagsalita na nang malinaw.
• Mula sa ating narinig na pagbasa, ano ang mga ginawa ni Jesus? (isinuot ang
daliri sa tainga, lumura at hinipo ang dila, tumingala, nagbuntong hininga at
sinabi “effata”.
• Ano ang nangyari sa taong bingi at utal? (Nakarinig, nawala ang pagkautal at
nakapagsalita nang malinaw)
• Ano ang nais na ipadama ni Jesus sa Kanyang mga ginawa na nagdulot ng
kagalingan sa taong bingi at utal? (Pagmamahal)
Ang ating narinig na pagbasa ay isa lamang sa maraming nasusulat sa Banal na
Aklat kung saan naipadama ni Jesus ang Kanyang pagmamahal sa tao sa
pamamagitan ng kilos, salita at paggamit ng mga bagay. May nasusulat na
nagpagaling Siya ng bulag, ketongin, pilay, etc. At nagpakain din Siya ng mga
nagugutom. Lahat ng ito ay ginawa Niya upang ipadama ang Kanyang
pagmamahal sa tao.
Bago Siya umakyat na muli sa langit, nag-iwan Siya ng mga Tanda upang
maipagpatuloy ang pagpapadama Niya ng pagmamahal sa tao. Ang mga tandang
ito ay tinatawag natin ngayon na Sakramento.
Pahayag ng Pananampalataya :
Katotohanan:
Ang mga Sakramento o mga banal na tanda ay itinatag ni Kristo upang maging
daluyan ng mga biyaya – mga biyaya ng Kanyang pagmamahal at presensiya. At
sa pamamagitan ng Simbahan patuloy nating nadarama ang presensiya ni Kristo
hanggang sa kasalukuyan. (CFC 1524)
Ano ang nais ni Jesus na gawin natin bilang tugon sa pagpapadama Niya ng
Kanyang pagmamahal sa atin sa pamamagitan ng mga sakramento?
Pagsasabuhay:
Pagsamba:
Nagkakabisa ang mga sakramento kung ang mga ito ay ipinagdiriwang ng may
pananampalataya. (CFC 1530). Mahalaga na naniniwala tayo sa si Kristo mismo
ang tunay na naroon sa bawat pagdiriwang ng sakramento upang maramdaman
natin ang Kanyang pagmamahal at magkabisa ang mga biyaya mula sa sakramento
tungo sa ating pagiging katulad ni Kristo.
Tugon ng Pananampalataya
Paniniwala:
Paglikos:
Pagdiriwang: Pag-aalay
* Ang paglalagay ng “krus” + sa noo ng bata. Ang pari ang una na maglalagay
ng tanda ng krus. Pagkatapos ang mga magulang ang Tatay at Nanay. Saka
ang lahat ng Ninong at Ninang. Ang ibig sabihin nito ay, pagtanggap sa bata
bilang kabilang sa Pamilya ng Diyos ang simbahan kasapi na siya sa pamilya
ng Diyos, Kaya may karangalan o dangal na ang kanyang buhay.
1. Ano ang nangyari sa mga taga Roma ng tinanggap nila ang Espiritu Santo?
- Nagiging Anak ng Diyos Ama.
Ang pagbuhos ng tubig sa noo natin Ikaw John Anthony bibinyagan kita sa
ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Ikaw John Anthony – isinilang na Anak
ng Diyos Ama Naging kapatid na ni Jesus ( ang Diyos Anak) . Naging tahanan ng
Diyos Espiritu Santo.
Pahayag ng Pananampalataya
Pagsasabuhay:
Bilang mga kapatid ni Jesus inaatasan tayo na magmahalan sa isat-isa, bilang mga
kapatid ni Jesus. Paano ba kayo nagmamahalan sa inyong buhay?
Pagsamba:
Sa Sakramento ng Binyag at Kumpil, tinanggap natin ang bagong buhay kay Kristo.
Ayon sa kalooban ng Panginoon, at kailangan ito para sa ating kaligtasan, tulad din ng
Iglesia O Simbahan, na dito ay ipinapasok ang Sak. ng Binyag ang tao. Ang
binibinyagan ay, nalilinis sa kanyang kasalanan mana at mga kasalanang personal. At
pinag-iisa kay Kristo na ating kapatid. At pinalalakas ito ng Sakramento ng Kumpil.
Tugon sa Pananampalataya
Aida Tuyor
Archdiocese of Manila
Mayo 20, 2009, Miyerkules
Ikatlong Linggo : Ang Mga Sakramento
Ika-3 Paksa : Sakramento ng Eukaristiya
Activity: Pagtatanong:
Salita ng Diyos:
Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain at ang aking dugo tunay na inumin. Ang
kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin at ako sa
kanya.
2. Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang kanin natin?
Tanong nila? Kaya ano ang sinabi ni Jesus?
* Tandaan ninyo malibang kanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang
kanyang dugo hindi kayo magkakaroon ng buhay.
* Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na
walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw.
* Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo tunay na
inumin.
* Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa
akin at ako ay kanya.
Ang mga masustansyang pagkain ay may mga epekto sa ating katawan. Ito ay
nagpapalakas sa ating katawan. Para may alerto na pag-iisip. Upang makapagtrabaho
ng maayos. Ang buhay na katawan ni Jesus sa anyong tinapay ay nagpapalakas ng
ating katawan at ng ating Espiritu upang makapamuhay ng maayos ayon sa kalooban
ng Diyos. Sa palagian na pagsisimba natin sa Jesus ay nasa atin sa Banal na
Eukaristiya ay tinatanggap natin si Jesus ang pagkaing nagbibigay-buhay. Malimit natin
siyang tanggapin nang may pananampalataya upang tumibay at lumago tayo sa
pakikipagkaisa sa kanya at gayundin sa ating mabuting ugnayan sa ating kapwa.
Pahayag ng Pananampalataya
Katotohanan:
Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin at ako
sa kanya. Juan 6:56. Tunay na buhay ang dulot sa ating pakikiisang ito kay Kristo.
Buhay ang Amang nagsugo sa akin at ako’y nabubuhay dahil sa kanya. Gayon din
naman ang sinumang kumakain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ang kumakain
nito’y mabubuhay magpakailanman. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga
magulang sa ilang, namatay sila bagamat kumain niyon.
Pagsamba:
Pagsasabuhay:
Ano ang una nating gagawin upang magkalakas tayo at matupad natin ang mensahe sa
atin ni Jesus sa araw-araw?
* Manalangin
* Humingi ng lakas sa Diyos.
Tugon sa Pananampalataya
Aida Tuyor
Archdiocese of Manila
Mayo 21, 2009, Huwebes
Ikatlong Linggo : Ang Mga Sakramento
Ika-4 Paksa : Sakramento ng Kumpisal at Pagpapahis ng Banal na Langis
Layunin :
• Nasasabi sa mga bata na ang Diyos ay Makapangyarihan na nagpapagaling at
nagpapatawad.
• Nakapagtatala ng gagawing hakbang ng pagtulong at pagpapatawad.
• Nakapananalangin ng may pasasalamat at pananampalataya sa Diyos na
nagbibigay ng biyaya.
Sitwasyon ng Buhay:
• Sino sa inyo ang nakaranas na na pagkakaroon ng karamdaman o pagkakamali
o kasalanan?
• Ano ang inyong naramdman? Bakit?
• Ano ang inyong ginawa ng ito ay inyong maranasan?
Salita ng Diyos:
Corazon A. Dacumos
Archdiocese of Manila
Mayo 22, 2009, Biyernes
Ikatlong Linggo : Ang Mga Sakramento
Ika-5 Paksa : Sakramento ng Kasal at Pagpapari
Pagpapahalaga : Paglilingkod
Iba’t iba ang ating pangarap na “maging” pag-laki. May ibig maging doctor, nurse,
guro, sundalo, pulis, bumbero, etc. Iba’t ibang pangarap ngunit iisa ang dahilan –
upang makatulong sa mga tao gaya ng mga may sakit, mga bata upang matutong
magbasa at sumulat, ipagtanggol ang tao mula sa pang-aabuso ng kasamaan, etc.
Iba’t ibang gawain ngunit iisa ang layunin – paglilingkod sa kapwa. Iyan ang tawag
ng Diyos sa bawat isa sa atin na nasusulat sa
Salita ng Diyos:
Bilang tugon sa panawagang ito ni Jesus, ang mga unang kristiyano ay nabuklod sa
pagtutulungan at paglilingkod sa isa’t isa. Ang kanilang mga ari-arian ay para sa lahat.
Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilihan ay ipinamamahagi sa lahat ayon sa
pangangailangan ng bawat isa.” (Gawa 2:44-45)
Ang ating mga pari naman ay tinawag ng Diyos upang maging katuwang Niya sa
pagpapatuloy ng gawain ni Jesus sa Simbahan. Ang kanilang pagtugon at panunumpa
na magiging tapat sa tungkulin ng paglilingkod sa Simbahan ay binabasbasan ng Diyos
sa sakramento ng pagpapari. Sa kanilang tapat na paglilingkod, patuloy nating
nadarama ang presensiya at pagmamahal ng Diyos sa atin.
Pagsasabuhay:
Sa paanong paraan man tayo tawagin ng Diyos sa paglilingkod – bilang bata tulad
ninyo, at sa inyong paglaki - may asawa man o sa pagpapari – ang inaasahan sa atin
ni Jesus ay ang ating tugon at gampanan ang tungkulin ng paglilingkod ng may pag-
ibig at nang buong katapatan.
Ang tawag ng paglilingkod ay hindi lamang para sa mga matatanda. Kahit mga
batang tulad ninyo ay tinatawag na ring maglingkod. Kanino? Sa ating mga magulang,
kapatid, guro, etc. Sa paanong paraan kayo naglilingkod sa inyong mga magulang,
guro, etc. (sa pagtulong sa gawaing bahay, etc).
Ang ating pagtulong sa ating mga magulang, guro, etc, ay dapat bukal sa ating puso
– hindi napipilitan lamang o dahil sa may kapalit na premyo. Ang paglilingkod na
itinuturo ni Jesus ay paglilingkod ng may pag-ibig at buong katapatan.
Pagsamba:
Tugon ng Pananampalataya
Pagkilos: Ano ang iyong kayang gawin bilang paglilingkod sa iyong mga kasama sa
bahay, paaralan, at kabit-bahayan.
Pagdiriwang:
Sitwasyon ng Buhay:
Talakayan:
Salita ng Diyos:
Katotohanan:
Ang mga Punong Kabanalan ay daan tungo sa Kaharian ng Diyos. Ito ang daan na
itinuturo at isinabuhay ni Jesus upang tayo ay magkamit ng tunay na kaligayahan sa
langit. Ang daan ng kabanalan ay marami, sang-ayon sa bokasyon ng bawat indibidwal
(PnP Mod. 3, L 6). Ang kabanalan ay ang pagsunod sa landas ni Kristo at ito ay ang
pagsasabuhay ng mga "Mapalad" O "Punong Kabanalan"
Pagsasabuhay:
Pagsamba:
Tugon sa Pananampalataya
Pagtatalaga: Pumili sa mga Punong Kabanalan na sisikaping isabuhay dahil ito ang
kanilang kahinaan.
Josefina Galac
Diocese of Kalookan
Mayo 26, 2009, Martes
Ika-apat na Linggo : Kabanalan
Ika-2 Paksa : Ang Banal na Espiritu Santong Nagpapabanal (Pinagmumulan ng
Kabanalan)
Pagpapahalaga: Pagpapakabanal
Sitwasyon ng Buhay:
1. Anu-ano ang dahilan upang makipagkaibigan sa kapwa bata?
2. Di na malulungkot, ipinadala na Espiritu Santo.
3. Ang kwento ni Jay-Jay
Mga bata kilala nyo ba si Jay-Jay? Alam ba ninyo ang Kanyang kasaysayan?
Hindi?! Si Jay-Jay o John Jewel ay anak nila Cerso at Dinna Marie Estrada at may mga
kapatid siya, sila ay sina Evangeline, Joan May at Patricia Ann. Mabait sa kanyang mga
kapatid si Jay-Jay at siya lang ang anak nilang lalaki at ang kanilang mga magulang ay
kapwa kawani sa gobyerno. Wala silang katulong kaya isinasama siya ni Dinna sa
opisina at doon kinagigiliwan siya ng mga kasama sa trabaho ni Dinna dahil sa angkin
nitong kabaitan at pagkamatulungin.
Nang panahong iyon ay naging matindi ang sakit na dengue at dinapuan si Jay-
Jay at ang akala ni Dinna ay pangkaraniwang lagnat lang ang dumapo dito kaya pina
inom siya ng paracetamol. Kinabukasan lalong tumaas ang lagnat nito at nagkaroon ng
mga pantal at bleeding si Jay-Jay. Hindi na ito nakapasok sa iskwela lumala ang
kalagayan nito at namatay si Jay-Jay.
Sa burol ni Jay-Jay napansin ni Ms. Reyes yong bote na Pondo ng Pinoy sa ilalim ng
kabaong nito at habang umiiyak na kwento ni Dinna na nanghihinayang si Jay-Jay kasi
hindi niya napuno yong bote. Kaya kinuha ni Ms. Reyes yong bote at dinala sa school
at sinabi sa mga bata na “wala na si Jay-Jay kasama na ni Jesus sa langit kaya hindi na
nito napuno ’yong bote pero kasama pa rin ito sa offering sa Family Day.
At nong Family Day Mass nila marami silang dalang bote na puno ng 25 at alaala na
minsan may isang Jay-Jay sila na naging kamag-aral.
Salita ng Diyos:
2 Corinto 7:1 “Mga minamahal, yamang ipinangako sa atin ang mga bagay na ito,
linisin natin ang ating sarili sa lahat ng nakapagpaparumi sa ating katawan at espiritu.
Sikapin nating mamuhay na may takot sa Diyos hanggang sa lubusan nating maitalaga
sa kanya ang ating sarili.”
Pahayag ng Pananampalataya
Katotohanan:
Ang kabanalan ay paanyaya at hamon sa ating ng Panginoon. Kailangan nating maging
handa na gawin ang anuman kahit na may kahirapan upang makaiwas sa kasalanan.
Dahil ang kabanalan at kasalanan ay hindi magkatugma kilanman.
Pagsasabuhay:
Ang paggawa ng kabutihan at pagtulong sa kapwa isang sangkap tungo sa kabanalan.
At ito ay isang biyaya at dahil dito tayo ay nagiging kaibigan ng Espiritu Santo.
Paninindigan: Matatamo natin ang kabanalan kung ating lalabanan ang kasalanan.
Pagkilos : Ipunin ang allowance hindi para sa sarili, kundi upang makatulong sa iba
na nangangailangan.
Activities:
• Maaring isadula ang buhay ni Jay-Jay.
• Iguhit ang sa akala ninyo ay naka antig sa inyong damdamin o naka-akit sa inyo.
Josefina Galac
Diocese of Kalookan
Mayo 27, 2009, Miyerkules
Ika-apat na Linggo : Kabanalan
Ika-3 Paksa : Pananampalataya
Situwasyon ng Buhay:
Salita ng Diyos:
Santiago 2:14 “Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao, kung sabihin man
niyang siya’y may pananampalataya, nguni’t hindi naman niya pinatutunayan sa gawa?”
Katotohanan:
Pagsasabuhay:
Pagsamba:
Tugon ng Pananampalataya
Bata:Opo.
Bata: Opo.
Bata: Opo.
Bata: Opo.
Bata: Opo.
Bata: Opo.
Bata: Amen.
Awit: Isang Pananampalataya
Lucena Deogracias
Diocese of Kalookan
Mayo 28, 2009, Huwebes
Ika-apat na Linggo : Kabanalan
Ika-4 Paksa : Pag-asa
Situwasyon ng Buhay:
Noong nakaraang taon ang mga tao sa maraming panig ng mundo ay biglang
nagkagulo dahil sa pandaigdigang krisis sa ekonomiya. Maraming Pilipino sa ibang
bansa ang nawalan ng hanapbuhay at napilitang magsibalik sa Pilipinas. Isipin na lang
na kaya sila nangibang bansa ay dahil sa kahirapan dito sa atin. Maraming pamilya sa
Pilipinas ay di na halos kumakain pero nabubuhay pa rin, umaasa sa awa ng Diyos.
Salita ng Diyos:
Katotohanan:
Ang pag-asa ay birtud teologal na sa pamamagitan nito hinahangad natin ang Kaharian
ng langit at ng buhay na walang hanggan bilang kaligayahan natin, taglay ang
pananalig sa mga pangako ni Kristo at sa tulong ng Espirritu Santo, at di sa ating
sariling lakas:”Magpakatibay tayo sa pag-asa na ating ipinahayag sapagka’t tapat ang
maylikha ng pangako”(Hebreo 10:23).”Ang Espiritu Santo na masagana niyang ibinuhos
sa atin sa pamamagitan ni Hesukristo na ating tagapagligtas upang maligtas tayo sa
tulong ng kanyang biyaya at maging tagapagmana ayon sa pag-asa,ng buhay na
walang hanggan” (Tito 3: 6-7).-KIK#1817.
Pagsasabuhay:
Tugon ng pananampalataya
Lylian D. Jacob
Diocese of Kalookan
Mayo 29, 2009, Biyernes
Ika-apat na Linggo : Kabanalan
Ika-5 Paksa : Pag-ibig
Sitwasyon ng buhay :
Isang batang hinati ang kanyang baong pagkain at ibinigay sa isang kamag-anak
na walang baon.
Tanong at sagot :
Pag-uugnay:
Upang higit nating maunawaan ang sinabi ni Hesus ay ating pakinggan ang
Salita ng Diyos.
Salita ng Diyos :
Tanong at sagot :
Katotohanan:
Pagsasabuhay:
Ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umiibig sa kanyang kapwa ito ang tanging
hangad ni Hesus na pakikitungo natin sa Diyos. Kung wala ang malalim na ugnayang
ito hindi tayo magiging tunay na maka-Kristiyano. Ang sampung utos ng diyos ay
nahahati sa dalawang batas, ang batas ukol sa pag-ibig at tungkulin natin sa Diyos at
batas ukol sa pag-ibig at tungkulin natin sa kapwa. KPK. 812-935
Pagsamba:
Ang banal na eukaristiya ay tanda ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ito ang
pinakamalinaw na simbolo ng pag-ibig at pagkakaisa ng katawang mistika ni hesus na
kung wala nito’y hindi maaaring magkaroon ng kaligtasan. Sa bawat pagdiriwang ng
banal na eukaristiya tayo ay inaanyayahan ni Hesus na mahalin at paglingkuran ang
Diyos sa ating kapwa. KPK – 1702 ; KIK – 1397-1356-61
Tugon ng pananampalataya
Pagtatalaga : Paano natin matutugunan ang hamon ni Hesus na mahalin ang Diyos at
ang ating kapwa ?
Buod : Sino kaya ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig ng
Diyos ay ipinakita sa atin sa pamamagitan ng kanyang matatag na pangako sa
sangkatauhan. Ang pagpapalaya at pagliligtas sa atin at pagmamahal sa bawat isa sa
atin. Tulad ni MARIA, ipinakita ang kanyang pagmamahal at pag-ibig sa Diyos Ama na
maging Ina ni Hesus, Gayon din sa sulat ni San Pablo Apostol sa mga taga-Corinto ay
ipinahayag niya ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.
Corazon De Jesus
Diocese of Kalookan