Sie sind auf Seite 1von 2

A) Impormasyon Pamagat: MACARTHUR May-akda: Bob Ong Panlimbagan: VISPRINT, INC Lugar ng paglimbag: 2810 Street, Barangay San

Roque, Pasay City 1303 Taon ng paglimbag: 2007 Pahina: 98 B) Buod Apat na magkakaibigan sa gitna ng paborito nilang libangan. Siksikan sa loob ng isang dipang kubo sa gitna ng isang mataong squatters area. Magkakasundo ang apat maging sa bisyo. May kanya-kanyang diskarte kung paano nila ito matutuganan. Si Noel na buo ang pamilya ngunit hindi niya ito makasundo lalo na ang kanyang nursing student na kapatid na si Lyla na madalas niyang makabangayan dahil sa ito ang madalas niyang mapagkunan ng gamit para ibenta, maliban sa kanyang ina na pilit siyang iniintindi kahit na trip niya ang ibenta ng kanilang kagamitan sa bahay. Kaya naisipan nalang niya na umalis sa kanila. Si Voltron ang tumatayong panganay sa anim na anak ng balo niyang ina. Napilitan siyang magpatulong kay Edwin kahit na alam niyang buwis buhay iyon. Si Jim na may asawat batang anak na masusundan dahil ang asawa nito ay buntis. Hirap ang mag-asawa, wala itong maibili ng gamot para sa anak na may sipon, ubo at lagnat. Si Cyrus, ang pinakabatang miyembro; may pinkamabilis na kamay, pinakamatuling mga paa, pinakawais na dumiskarte sa tropa at pinakamaraming record sa pulisya pero pinakamagaling din magdala. Ngunit takot sa itim na pusa ng kanilang kapitbahay na madalas tumambay sa pintuan nila. Ang kasama niya sa kanyang paglaki ay si Mang Justo ang kanyang lolo na tinatawag niyang tatay. Nagkasakit si Mang Justo mabuti nalang ay agad siyang nadala sa ospital at kailangan nitong idialysis buong taon. Pero walang silang sapat na pera kaya naisipan ni Cyrus na ilipat ang kidney niya kay Mang Justo. Handang gawin ni Cyrus ang lahat mabuhay lamang si Mang Justo. Si Voltron ay tuluyan ng sumama kay Edwin. At nagulat nalang ang tropa nang matagpuan ang hiwahiwalay na parte ng katawan ni Voltron sa creek. Labis na nalungkot ang tropa. Lumakas agad si Mang Justo pagkatapos maoperahan at mas naging malapit pa sila ni Noel at si Cyrus ay madalas na bumabatak mag-isa. Isang gabi ay nagkaroon ng halusinasyon si Cyrus sa itim na pusa. Gutom na naman sa bisyo at uhaw sa gamot. Hanggang sa lumala ang halusinasyon. Buong lakas nagpumiglas si Cyrus a at sa isang iglap ay nabunot niya sa ilalim ng unan ang baril na galing kay Noel at ipinutok ito sa halimaw. Sabay mura at sa bawat mura ay isang bala sa katawan ng umuungol na halimaw. Bumagsak sa sahig si Mang Justo. Sabog ang bungo, butas ang katawan, walang buhay. Baha sa dugo ang maliit na bahay. Sa paligid ang mga taong nagising, nakikiusyuso, at di alam ang gagawin. Sa banig, si Cyrus, nanginginig, hawak pa rin ang baril. Sa pintuan, si Noel, hawak ang supot ng mga gamot at tulala sa inabutang bangkay ng matandang kaibigan. Nabalitaan ito ni Jim sapagkat siya ay pupunta sa Bacolod upang sundan ang pamilya.

Bumalik si Noel sa bahay nila dala ang Blood Pressure Apparatus na ibibigay niya kay Lyla na bigay sa kanya ni Mang Justo. Takot. Nag-aalmusal ang pamilya ng nadatnan niya ito at walang may nagsalita. Subalit labis ang kanyang tuwa ng batiin siya ni Lyla, yakapin ng bunsong kapatid at nang yayain siya ng kanyang amang kumain.

C) Pagsusuri Tema: Nakasulat sa malaking letra ang pamagat na may pulang background at itim. Lenggwahe: Usapang barkada, may mura at pranka gumamit ng salita. Punto de Vista: Iba-iba ang karanasan ng bawat isa. Hindi mabuti ang naidudulot ng droga kanino man at kahit ano man ang ating nagawang pagkakamali ay handa tayong tanggapin ng ating pamilya. Mood: Masaya ang magkakaibigan pag sila ang magkakasama ngunit pag hindi na ay doon nila nakikita ang realidad, kung gaano kahirap mabuhay sa mundo. Symbolismo: Blood Pressure Apparatus Solusyon: Iwasan ang gumamit ng ipinagbabawal na gamot at magpakatino sa buhay, magsikap. Konklusyon & Rekomendasyon: Kapupulutan ito ng aral para sa mga tao na napapariwara sa buhay. Hindi ito angkop para sa mga bata. Nais iparating na kahit magulo, malabo, madaya at kung minsan ay walang kwenta ang buhay ay huwag tayong magpapadala. Imbes ay dapat tayong gumawa ng paraan sa legal na pamamaraan kung paano tayo makakahaon sa mapait na kalagayan. Ang kasiyahan na nakukuha sa masamang bisyo ay pansamantala lamang. Maghanap tayo ng libangan na hindi nagdudulot sa atin ng masama. Magsikap sa buhay sa mabuting paraan.

Das könnte Ihnen auch gefallen