Sie sind auf Seite 1von 5

“Vince, Veronica’t Victoria:

Kwento ng Kamalian at Trahedya ng Pamilya Garcia”


Ni Angelo Veriña

Mga Tauhan:
Daryl Co bilang si Victoria Garcia
Patricia Canciano bilang si Veronica Garcia
Angelo Veriña bilang si Vince Garcia
Romiel Uy bilang si Antonio Garcia
Nifil Najera bilang si Georgia Garcia
Paulo Fernandez bilang si Rico Abueva/Bryan Dela Cruz
Anita Araneta bilang si Inday Lucy
Inna Reyes bilang si Sara Daiz
Trica Francisco bilang si Gia Perez

Mula sa panunulat at direksyon ni Angelo Veriña


__________________________________

Bakasyon ng 2007, may malagim na nangyari sa 68 Aguirre St.


Sunbay Subdivision, Quezon City. Umiikot ang pangyayari sa
pamilya Garcia. Nasa kanila na ang lahat, kayamanan at
kapangyarihan. Mayroon silang tatlong anak, tatlong mga regalo ng
Diyos sa mag-asawang nagpakahirap upang makuha ang lahat
nang ito. Ngunit sapat na ba ang lahat ng mayroon sila upang sila’y
lumigaya? Maaring sa mag-asawa, oo, ngunit sa isa sa kanilang
mga anak ni minsa’y hindi nakuha maging masaya, kaya nga bang
ipagpalit ang pamilya niya para sa salapi at yaman? Narito ang
isang istorya ng makabuluhang pag-iisip sa mundong ginagalawan
nina Vince, Veronica at Victoria Garcia. Ating silipin, panoorin, at
unawain.

EKSENA SA HAPAG-KAINAN…
Antonio: Inday, tawagin mo na sila sa taas. Sabihin mo kakain na.
Inday Lucy: Opo, sir.
Rico: Nakahanda na po ang tiket niyo sa makalawa papuntang Bali,
sir. Nakuha ko na ito kaninang umaga.
Antonio: Mabuti naman, Rico. Sige, mag-impake ka na rin bukas at
maaga tayo aalis.
Rico: Opo.
(Uupo na sa mesa ang mag-asawang Antonio at Georgia).
(Kakatok sa kwarto si Inday).
Inday: Vince, Ria, Nica, nakahain na ang pagkain.
Magkakapatid: Coming!
(Mag-uusap-usap habang bumababa ng hagdanan, pagka-upo sa
mesa, magdadasal, kakain).
Veronica: Dad, aalis nga po pala ako tomorrow, ha. May lakad kami
nila Gia at Sara.
Antonio: At anong oras ka na naman makaka-uwi niyan? Alauna?
Alasdos?
Veronica: No, naman, dad. Siguro, nandito na ako before midnight.
(Ngingiti.)
Antonio: Hay nako, Veronica, kada alis mo nalang ay… (Sasabat si
Georgia)
Georgia: Antonio, pabayaan mo na si Veronica, maaga naman daw
siya uuwi di’ba? Wala pa namang pasok, e.
Antonio: Eh ano pa nga ba ang magagawa ko?
Veronica: Thanks, ma!
Vince: Si ate, gagala na naman, mangboboy-haunting. Hahaha!
Veronica: Ha—Ha—Ha. Nakakatawa, Vince.
Vince: Totoo naman e, hindi ba?
Veronica: Ano ka ba? Parti ang pupuntahan naming, hindi bar!
Victoria: Ano ba kayo?! Tumahimik na kayong dalawa at kumain
nalang tayo.
Vince at Veronica: Opo, ate.

EKSENA SA KWARTO NI VICTORIA:


Bryan: O, kamusta ka naman, dito sa impyernong bahay niyo?
Victoria: Bryan, ano ka ba? Hindi naman ito impyerno. Okay lang
ako.
Bryan: Ah. Teka, may ibibigay ako sa’yo.
Victoria: Ano ‘yan?
Bryan: Kaibigan natin ‘yan.
Victoria: Anong kaibigan?! E baril ‘yan e.
Bryan: Alam kong baril, yan! Teka-teka, kaya ko binigay sa’yo yan,
para pag may gustong manakit sa’yo o talagang galit na galit ka na
at di mo na mapigilan ang sarili mo, diretsuhin mo na kaagad. Kaya
dapat lagi kang handa.
Victoria: Legal ka bang humawak nito?
Bryan: Tsk! ‘Wag mo nang tanungin. Itago mo nalang, okay? Halika
na.

EKSENA SA SALA…
Sara at Gia: Veronica! Halika na! Mahuhuli na tayo sa parti!
Veronica: Mom, dad, aalis na ako!
Georgia: Agahan mo ang pag-uwi, ah! Mag-iingat ka!
(Pagkasarado ng pinto, ilang sigundo pa.)
Antonio: Wala na talaga akong magagawa, Georgia. Napaayos ko na
ang testimonya natin. Nahati-hati ko na ito para sa ating mga anak
at kay Rico.
Georgia: Bakit hindi mo naman sa’kin sinabi na ginawa mo nap ala
iyan. At si Rico? Ngunit bakit natin siya pamamanahan? Hindi natin
siya kaano-ano!
Antonio: ‘Wag ka namang magsalita ng ganyan, dalawampu’t
walong taon ding nanilbihan sa serbisyo si Rico sa’kin, sa ating
lahat. Kaya nararapat lang sa kanya ang ginawa ko.
Gerogia: Oo na, sige na. Ilang porsyento ang pagkakahati-hati mo?
Antonio: 35% kay Vince, 40% naman kay Veronica, 15% kay Rico at
10% naman kay Victoria.
Victoria: Bakit ganoon nalang kaliit ang porsyento nang sa’kin, dad?
(Lalabas.)
Georgia: Victoria, anong ginagawa mo diyan?
Victoria: ‘Wag niyong ibalik at ibahin ang tanong ko. Bakit ganoon
lang ang kaya niyong ibigay at ipamana sa akin?! Anak niyo rin
naman ako, diba?! Anak niyo itong babaeng nasa harapan niyo! Mas
malaki pa ang ibinigay niyo sa mahirap at mabahong Rico na ‘yan!
Antonio: (Sasampalin si Vicotria). Victoria! Tumigil ka na!
Georgia: Antonio, sa tingin ko’y oras na para malaman niya ang
katotohonan tungkol sa pagkatao niya.
Victoria: Anong katotohonan?! Naguguluhan na ako!
Georgia: Makinig ka, anak…
Victoria: Ahhhh! Hindi ko na kaya ito! (Huhugutin bigla ang kanyang
baril sa bulsa at babarilin ang dalawa.)
SA KWARTO NI VINCE…
Vince: Putok iyon ng baril ah! Ano kayang nangyayari sa baba!
(Tatawagan si Rico) Tito Rico, may narinig po akong putok ng baril
sa baba, malakas! Puntahan niyo po kami dito!
(Pagbaba ni Vince ay maabutan na nakahandusay na ang kanyang
mga magulang, hawak ni Victoria ang baril).
Vince: Ma, Pa! Ate! Anong ginawa mo! Ma, Pa!
Victoria: Hindi ko sinasadya, hindi ko sainasadya, Vince! Maniwala
ka!
Vince: ‘Wag kang lalapit sa’kin, ate! Lumayo ka! Ma, Pa!
Victoria: Maniwala ka sabi e, ayaw mong maniwala, sige, magsama-
sama kayo! (Babarilin din, mabibigla.) Ano ‘tong nagawa ko! (Iiyak
ng iiyak).
SA LABAS NG BAHAY…
Veronica: Wow, grabe ang saya ng gabing ‘to. (Makikita si Rico,
tumatakbo.) Tito Rico?! Anong ginagawa niyo dito? Gabi na po ah!
Rico: Tumawag sa’kin si Vince, may putok daw ng baril siyang
narinig.
Veronica: Po?! (Tatawag ng pulis sa cellphone.) Halika na, bilisan na
natin, baka kung ano na pong nangyayari sa bahay
(Papasok ang dalawa sa loob ng bahay, maabutan na nakahandusay
ang dalawang matanda at si Vince.)
Rico at Veronica: Victoria!
Veronica: Anong ginawa mo?!
Rico: Victoria, magsalita ka! Anong ginawa mo sa kanila?! Victoria!
Victoria: Hindi ko sinasadya, ate, hindi ko sinasadya!
Veronica: Pano mong nasasabing hindi mo sinasadya, tatlo silang
binaril mo, sabay-sabay pa, ate! Ano bang nangyari.
Rico: Huminahon ka, Veronica. Victoria, bakit mo ito ginawa? Bakit?
Victoria: (Maalala ang paghahati-hati ng mana.) Teka-teka, bakit ka
ba nangenge-alam. Kaano-ano ka ba naming, ha! Masyado kang
pakialamero! Sino ka ba talaga?! Bakit lagi ka nalang binibida ni
Daddy? Pati mana ko mula sa kanila, lumiit, dahil sa’yo! Sino ka ba
talaga?
Rico: (Lalapitan si Victoria.) Victoria, ako ang…
(Biglang babarilin nang nakapikit ni Victoria si Rico.)
Veronica: Ate! ‘Wag! Ate! Siya ang tunay mong ama! Ate!
Victoria: Ano?! (Mapapalingon kay Veronica, manlalaki ang mga
mata.)
Rico: Ma—hal na ma—hal kit—a, an—ak ko. Pa—a—lam.
Victoria: I—i—i—tay! Itay!
(Hahagulgol si Victoria.)
Victoria: Panong nangyari ‘yon?
Veronica: Sanggol ka pa lang nang iwan ka ni Tito Rico kay mommy
at daddy dahil hindi niya kayang tustusan ang pangangailangan mo
noon simula nang mamatay ang tunay mong ina. Pinili nalang niya
na Makita kang inaalagaan nang ibang tao kaysa sa pag-aalagang
hindi niya kahit minsan magagawa. Lumapit siya kay daddy,
ibinigay ka at nagpasyang magtrabaho upang masubaybayan ka
hanggang sa paglaki mo, ate. At dahil dun, napagpasyahan na rin ni
daddy na pamanahan siya ng mas malaki upang pag nabuhay na
kayo ng sa inyong sariling paa, may pangtustos na siya para sa’yo.
Victoria: Alam mo itong lahat, Veronica? Niloko mo ako, niyo akong
lahat all these years?
Veronica: Pinakiusapan ako ni daddy na ‘wag na muna sabihin sa’yo
dahil sila ni mommy ang gagawa noon. Ngunit wala na sila, ate.
Kinuha mo na sila! Wala kang itinira sa’kin! Pati kapatid ko, pinatay
mo! Anong klase kang tao, ate?! Anong klase?!
Victoria: Hindi ko naman alam.
Veronica: Wala kang kwenta! Lahat ibinigay sa’yo! Binihisan ka nila
daddy, pinakaain, inalagaan, bingyan ng sapat na karangyaan,
ngunit ito ang igaganti mo sa’kanila?!
(Dadating ang mga otoridad.)
Veronica: Siya po. Siya ang may kagagawan sa lahat ng ito.
(Nakaposas na si Victoria.)
Victoria: Patawarin mo ako, Veronica. Patawarin mo ako. Hindi ko
sinasadya.
Veronica: Kahit isang milyong beses ka pang humingi ng tawad,
hindi na kita kaya pang patawarin sa nagawa mo. Kalimutan mo na
ring magkapatid tayo. Dahil wala akong kapatid na kriminal, walang-
wala. Sige po, dalhin niyo na siya.
Victoria: Veronica! Veronica! ‘Wag mong gawin sa’kin ‘to, Veronica!
Inday Lucy: ‘Wag kang mag-alala, ma’am Veronica, nandito pa rin
ako, hindi kita iiwanan. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng
mahal sa buhay. Alam mo namang ganyan din ang nangyari sa’kin
ng masawi sa aksidente si Grace, ang aking anak. Magpakatatag ka,
andito lang ako, hindi kita iiwan.
Veronica: Salamat, Aling Lucy, salamat. (Yayakapin.)

Sampung taon na ang lumipas, sampung masasayang taon para


kay Veronica, sampung malulungkot na taon kay Victoria. Muling
nakabangon si Victoria, nakapagpatayo ng bagong kumpanya
kasama ang bagong head nitong si Aling Lucy, ang tumayong
pangalawang ina niya, at nagkaroon na rin ng dalawang anak kay
Gino. Naging masaya ang pagbangong ito ni Veronica, pinalakas
niya ang kanyang loob na magsimula ulit kasama ang bago niyang
pamilya. Si Victoria naman ay wala nang nagawa kundi ang magtiis
sa loob ng kulungan. Makulong sa loob ng madilim na pagsisisi at
pagaakalang buhay pa ang ala-ala ng nakaraan. Ngayong nakuha
na niya ang inaatim niyang yaman, bakit hindi niya makuha maging
masaya? Sana’y napulutan niyo ng aral ang kwento ng pamilya
Garcia at sana’y lagi niyong tatandaan na ang pamilya ay isang
sapat na kayaman na upang maging masaya at maligaya kasama
nila, ang tunay na nangmamahal sa’yo at tanging tumatanggap sa
mga kamalian mo.

Das könnte Ihnen auch gefallen