Sie sind auf Seite 1von 1

Sumasampalataya Ako

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyayari sa lahat, na Maylikha ng langit


at lupa; sumasampalataya naman ako kay Jesucristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon
nating lahat; na nagkatawang tao, lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang
Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, ibinaon. Nanaog sa
mga impiyerno; nang ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok
sa kanan ng Diyos Amang Makapangyayari sa lahat; at doon magmumulang paririto't
maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na tao. Sumasampalataya ako sa
Espiritu Santo, sa Santa Iglesya Katolika, sa kasamahan ng mga Santo; sa ikawawala ng
mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang
hanggan. Amen.

Ama Namin

Ama Namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo,
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At ihadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen.

Aba Ginoong Maria

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya,


Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen

Luwalhati

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.


Kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.

Das könnte Ihnen auch gefallen