Sie sind auf Seite 1von 4

REFERENCES

BLOGS/INTERNET SOURCES

Lagman, K.P. (2008). Ang Aming Paninindigan Laban sa APEC At Globalisasyon. Kinuha noong Enero 19, 2014, sa http://popoylabansagloba.blogspot.com/ ( Ito ay tungkol sa pagkakaisa ng mga mangagawang Pilipino para masugpo ang Globalisasyon, Kapitalismo at Internasyunalismo. Isinasaad dito na ang Globalisasyon ay nagiging susi sa pagpapalawak ng Kapitalismo sa buong mundo at ang Globalisasyon ay isang aktwal na pagpapakahulugan ng kompetisyon sa mundo. ) GlobalisasyonAng mga Inaasam at mga Pinangangambahan. (2002). Kinuha noong Enero 19, 2014 , sa http://wol.jw.org/en/wol/d/r27/lp-tg/102002361.com/ ( Ito ay tungkol sa magaganda at masasamang epekto ng Globalisasyon. Ang Globalisasyon ay nadulot ng malaking pagsulong ng teknolohiya. Napadali ang trabaho ng mga tao at napalawak ang paggamit ng teknolohiya sa mundo. Pinagyaman din nito ang siyensya, kultura at hanapbuhay. Ngunit sa kabila ng magagandang resulta ng Globalisasyon, ito ay nagdudulot din ng masasamang resulta tulad ng pagpapalawak ng agwat ng mayayaman at mahihirap at patuloy na pagkasira ng kapaligiran. ) Fernandez, A. T. (2012). Gahum ng dayuhan sa globalisasyon sa Pilipinas. Kinuha noong Enero 19, 2014 , sa http://www.gmanetwork.com/news/story/269158/ulatfilipino/ talakayan/ gahum-ng-dayuhan-sa-globalisasyon-sa-pilipinas ( Isinasaad dito na malaking kalaban ang globalisasyon sa pananatili ng pagkakakilanlan ng bansa at hangad ng globalisasyon na bumuo ng isang global na komunidad na mayroong iisa lamang na kultura. Mas pinapairal ng Globalisasyon ang kolonyal na pag-iisip at kulturang popular o pop culture. ) Lagman, K.P. (2008). Globalisasyon - Ang "Bagong Daan" Ng Progreso?. Kinuha noong Enero 31, 2014, sa http://aralinsakahirapan.blogspot.com/2011/06/vii-globalisasyon -ang-bagong-daan-ng.html ( Isinasaad dito na ang bagong daan tungo sa pag-unlad ay ang Globalisasyon. Kailangang magkaroon ng iisang ekonomiya ang mundo upang maging mataumpay ang Globalisasyon ngunit upang makamit ito, kailangang baklasin ang bakod restriksyong pumipigil sa malayang paggalaw ng kapital. ) Ang mga kaisipang ito ay mahirap na isulat sa wikang dayuhan. (2010). Kinuha noong Enero 30, 2014, sa http://ladywoodpusher07.blogspot.com/2010/11/epekto-ng-globalisasyon-sa-kulturang.html ( Isinasaad dito na isa sa epekto ng Globalisasyon ay ang malawakang paggamit ng Ingles bilang pangunahing pangangailangan sa trabaho at transaksyon. Dahil dito, nanganganib ang Wikang Filipino at Kulturang Filipino. )

Ang ibig sabihin ng salitang Globalisasyon. Kinuha noong Enero 19, 2014, sa http://tl.answers.com/ Q/Ano ang globalisasyon/ ( Ang ibig sabihan ng salitang Globalisasyon ay proseso ng pag-igting ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bansa sa daigdig. )

MGA ARTIKULO SA PAHAYAGAN

Chan, S. (2014, Enero 19). Globalisasyon, may kabutihan bang dulot sa ating bansa?. Hataw, p. 3. ( Ito ay tungkol sa epekto ng Globalisasyon sa lokal na industriya ng Pilipinas. Kung patuloy na mananaig ang Globalisasyon, maaaring mawala ang local na industriya at maliliit na negosyo sa Pilipinas dahil liliit ang mundong gagalawan ng tao at isa hanggang limang industriya lamang ang matitirang nakatayo. Globalisasyon din ang nagiging sanhi ng patuloy na paghihirap ng mga Pilipino lalo na ang mga magsasaka at mangingisda . ) Lumbera, B. (2003). Ang Wikang Filipino at ang banta ng Globalisasyon. Bulatlat, Vol. no. 3, p. 1-3. ( Ito ay tungkol sa pagpapakilala ng Globalisasyon bilang daan tungo sa Utopia o mundong perpekto at walang hangganan. Tinaggap natin ang Globalisasyon dahil sa pangakong Utopia na talaga naming nakakabighani ngunit ang pangakong ito ay malapit nang mapako. Unti-unting nababago ng Globalisasyon ang Pilipinas. Unti-unting nating pinapayangang sakupin tayo ng mga dayuhan ngunit ang wika at panitikan ang maaaring maging sandata ng mga Pilipino laban sa Globalisasyon. ) Bondoc, J. (2002, Nobyembre 4). Mabuti nga ba ang free trade?. Sapol Ni Sapol. Pilipino Star Ngayon. ( Ayon dito, wala raw tayong magagawa sa globalisasyon. Sa panahon daw na ito, hindi na puwedeng hadlangan ng mga bansa ang pagpasok ng produkto mula sa ibang lugar. Dapat sumali lahat sa World Trade Organization. Kung hindi, pagkakaisahan ng mundo na huwag ding bumili ng produkto ng suwail na bansa. ) Bernardo, R.M. (2014, Enero 26). Epekto ng Facebook. Pandayan. Pang-Masa. ( Ayon sa manunulat: Sa tulad ko na nabibilang sa henerasyon na hindi pa uso ang computer, smartphone, internet at tablet, nanggigilalas pa rin ako hanggang ngayon sa epekto sa buhay natin ng mga social networking site tulad ng Facebook. Hindi lang ito pampalipas-oras o paglilibang. Nagagamit din ito sa trabaho at negosyo bukod pa sa komunikasyon )

MGA DOCUMENTARYO

Globalisasyon: The Struggle of the Filipinos (2005) (Filipino Documentary) ( Ipinapakita sa pelikulang ito ang magaganda at masasamang epekto ng Globalisasyon sa mamamayang Pilipino. ) Paksa tungkol sa Globalisasyon ni Professor Enrico De Mesa Manallo sa NSTP 2 noong Enero 23, 2014

MGA AKLAT/PANANALIKSIK

Watson, J. L. (2010). Cultural Globalization. Sa Encyclopaedia Britannica (15th Ed.). Chicago: Encyclopaedia Britannica. ( Isinasaad dito na ang Cultural Globalization ay sumasalamin sa pagkakaisa ng cultural na ekspresyon ng mga tao na naiimpluwensiyahan ng modernong pamamaraan ng komunikasyon, kulturang popular, makabagong teknolohiya at paglalakbay. ) Rosenberg, J. (2005). Globalization Theory: A Post Mortem. Brighton : Palgrave Macmillan Ltd.

( Isinasaad dito na ang Globalisasyon ay naghatid ng makabagong paraan ng pakikipag-ugnayan at komunikasyon. Naghatid din ito ng modernong literatura at pagbabago sa perspektibo at pamumuhay ng tao. )

Padilla, J. (2013). Kalagayan ng Sining at Kultura sa Panahon ng Globalisasyon. ( Isinasaad dito na para magkaroon ng pagbabago sa Pilipinas, kailangan ding magbago ang kultura, kaisipan, kaugalian, sining at panitikan. Sa madaling salita, kailangang magkaroon ng Globalisasyon upang umunlad ang Pilipinas. )

Sison, J.M. (2008). Ang Patakaran ng Neoliberal na Globalisasyon at ang lumalalang krisis sa Ekonomiya sa Pilipinas. ( Ito ay tungkol sa panlilinlang sa mga tao na mayroong malayang pamilihan sa Globalisasyon at Kapitalismo. Ang mga malalaking tubo at bawas sa buwis ay makakatulong daw sa pag-unlad ng bansa at paglago ng ekonomiya. Dahil dito, naapektuhan ang mga manggagawang Pilipinonababawasan ang kanilang ahod at benepisyo. ) Sharma, N.K. (2012). Ang Epekto ng Globalisasyon sa Edukasyon at Kultura: Isang Pagsusuri. ( Isinasaad dito na ang globalisasyon ay isang proseso, na kung saan ay apektado ang maraming lugar ng buhay ng tao at dalawa nito ang edukasyon at kultura nito. )

Das könnte Ihnen auch gefallen