Sie sind auf Seite 1von 1

DAHON NG PASASALAMAT Hindi mabubuo ang sulating pananaliksik na ito kung wala ang maraming taong nagbigay ng suporta

at tulong sa mga mananaliksik. Una sa lahat, pinasasalamatan naming ang aming guro na si Gng. Lilia B. Nerbes na siyang nagturo ng lahat ng mga kailangan naming malaman upang mabuo ang sulating pananaliksik na ito at siyang nagbigay-gabay sa amin sa paglikha ng isang makabuluhang sulating pananaliksik. Ikalawa, pinasasalamatan naming ang aming mga magulang na siyang nagbigayinspirasyon sa amin na gawin ng buong-puso ang pananaliksik na ito at nagbigay ng buong suporta mula sa unang araw ng pagbuo nito hanggang sa paglikha ng huling salita ng sulating ito. Ikatlo, nais naming maghandog ng pasasalamat sa mga manunulat ng mga artikulo at aklat na pinagkuhanan namin ng mga karagdagang impormasyon at datos na kinailangan namin sa paglika ng pananaliksik na ito. Lahat po ng kaalaman ng mga manunulat ay isa-isa naming isinaad sa sulating ito. Panghuli, kami ay nagbibigay-galang at papuri sa Diyos, ang Puong Maykapal, na siyang naghandog sa amin ng lakas at kaalaman upang mabuo namin ang pananaliksik na ito. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi kami magkakaroon ng pagkakataong lumikha ng isang makabuluhang sulatin gaya nito.

Das könnte Ihnen auch gefallen