Sie sind auf Seite 1von 2

1

FILIPINO 3
Valerie A. Marquez 3AAC Marso 17, 2014

EL.AR.TEE.TO

Marahang binuksan ang dala-dala at sinipat ng buntis na tagapagbantay gamit ang panuring
kahoy. Dali-daling umakyat, pilit hinhabol ang malapit nang bumigay na pangangatawan. Biglaang
huminto, ambang may hinahanap, nang makitay isinuot sa lagusan at nakatawid. Nagmamadaling
umakyat sa hindi makapaghintay na hagdan. Bumagal ang lakad nang makaakyat at naghanap ng
mapagdadantayan.
Maraming ulo maraming paa, ibat- ibang bibig naghihintay. Iba- iba rin ang pinagkakaabalahan.
Ang isa ay tumatawa halatang nakararamdam ng saya kasama ang mga kapalagayang kaibigan.
Dumalaw ang malaks na hangin at binati rin ang mga paparating. Sa dako pa roon, may mabagal na
naglalakad. Mapapansin na mabilis ang pagpindot sa tila kahon na hawak-hawak. May kurdon pa na
pagsinundan ay dinadala ka sa kanyang tainga. Hindi alintana ang dami ng tao basta siya ay may sariling
mundo. Dumating ang mabilis na tren, sabay-sabay na bumukas ang bawat lagusan, dali- daling
sumakay ang mga pasahero at mabilis na humanap ng mapag pwestuhan. May maririnig na tunog hudyat
ang naka-ambang pagsara ng mga lagusan. Kumuha ng lakas, umandar ang sasakyang de riles.
Doble ang bilang ng mga ulo gayundin ang bilang ng mga bibig. Mumunting tubig sa noo at
patilya ang mapapansin, paypay dito paypay doon. Bakas ang pagkayamot ng bawat isa. Ang iba ay
nakahimlay ng kaunti sa sandalan at hawakan, nakapikit walang imik. Dumami ang may kurdong
nakakabit sa tainga, dumami tuloy ang may sariling mundo. Himas dito, pindot doon, ibat iba ang


2
direksiyon sa mga tinatangkilik na pampalipas oras. Kwentuhan dito, Kwentuhan doon, ibat iba ang
mga hinaing. Magbabarkada, nakaupo ang dalawa at nakatayo ang isa. Ipinakita ang telepono at sabay
na nagtawanan. May mga magkayakap. Iniingatan gamit ang mga malalakas na bisig, ang dalaga, ng
kaniyang irog.
Iba iba ang gawain sa loob ng tatlumpung minuto. Sa haba ng saakyang de riles ay marami din
ang mga nilalang. Kaniya kaniyang mundo sa iisang lugar. Kay bilis ng mga pangyayari na iilan lamang
ang nakakakita. Ang iba naman ay walang pakialam. Kay galing ng bawat nilalang! Iyan ang
EL.AR.TEE.TO na aking pinagmasdan.

Das könnte Ihnen auch gefallen