Sie sind auf Seite 1von 1

FILIPINO 3

Valerie A. Marquez 3AAC Marso 14, 2014



Pagkabigong Tinanggap

Ika nga nila, maraming pagsubok ang dumadating sa ating buhay. Ilan sa mga ito ay nangyayari
sapagkat nais nitong subukin ang tatag ng isang tao. Sa pagharap sa ibat ibang hamon, dito
matutuklasan ang estilo ng bawat isa.
Kamakailan lamang ay nagpalitan kami ng mga karanasan. Kasama ang aking mabuting kaibigan
ay sabay naming tinalakay at binalikan ang patungkol sa aming pag-aaral. Bakit nga ba patungkol sa
pag-aaral? Siguro nga sa kadahilanang parehas ang aming karanasan patungkol sa isang ginang na
napaka-kontrobersyal. Mabanggit lamang ang kaniyang pangngalan sa aming departamento ay
mapapangiti ka na lamang habang inaalala ang karanasan sa kaniya.
Ibinahagi ng aking mabuting kaibigan ang kaniyang karanasan sa gurong ito. Mga karanasan
matapos ang pagkabigo sa asignatura. Humanga ako sa kaniyang binanggit. Di umano, hindi siya galit sa
nangyari bagkus siya ay natuto. Tinanggap ng maluwag ang pagkabigo at mas pinagbuti sa pangalawang
pagkakataong ibinigay. Bahagi ng kaniyang pagtanggap ay ang pagpapaliwanag ng mabuti sa kaniyang
mga magulang patungkol sa kinahinatnan. Ayon sa kaniya, hindi siguro siya matututo sa kaniyang
pagkakamali kung siya ay nakalagpas sa makitid na daan sa pamamagitan ng sasakyang humaharurot sa
maluwag at hindi binabagtas na daan.

Das könnte Ihnen auch gefallen