Sie sind auf Seite 1von 2

PANG-ABAY

Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa,


pang-uri, o kapwa pang-abay.
Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kailan, saan at gaano.

Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamaraan tumutukoy ito sa paraan kung paano
ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling
nota.
2. Pang-abay na Pamanahon tumutukoy ito sa panahon kung kalian
naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.
3. Pang-abay na Panlunan tumutukoy ito sa pook na pinagganapan
ng aksyong isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.
Halimbawa:
Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.
4. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at
walang katiyakan.
Halimbawa:
Tila nagwagi siya ng unang gantimpala.
5. Pang-abay na Panggaano tumutukoy ito sa bilang o dami ng
isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan.
Halimbawa:
Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.
6. Pang-abay na Panang-ayon ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o
pagsang-ayon.
Halimbawa:
Opo, mahusay sumayaw si Gabby.
7. Pang-abay na Pananggi nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-
ayon.
Halimbawa:
Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.
8. Pang-abay na Panulad ito ay ginagamit sa pagtutulad ng
dalawang bagay.
Halimbawa:
Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.

Das könnte Ihnen auch gefallen