Sie sind auf Seite 1von 5

Budismo (Buddhism)

(Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "Ang Daan ng Naliwanagan")


Ang Budismo (Buddhism) ay isa sa mga nangungunang relihiyon ngayon sa daigdig pagdating sa
dami ng taga-sunod, pamamahagi sa heograpiya, at impluwensiya sa lipunan at kultura. Habang ito
ay isang malaking relihiyon sa silangan(Thailand, Myanmar, Cambodia etc.) , ito ay nagiging kilala at
maimpluwensya rin sa mundong kanluranin(Italy, Europe, Russia etc.).
Ito ay kakaibang relihiyon sa mundo sa sarili nitong karapatan, bagaman marami itong
pagkakahalintulad sa Hinduismo na parehong nagtuturo ng Karma (tuntunin ng sanhi-epekto), Maya
(ang ilusyong kalikasan ng mundo), at Samsara (ang muling pagkakatawang-tao).
Ang mga Budista (Buddhist) ay naniniwala na ang pinaka-layunin sa buhay ay ang makamit ang
tinatawag nilang enlightenment o Nirvana. (Awakened- having visions or supernatural
experiences)

The eight-fold path :
a.Right mindfulness- the heart of the Buddha's teaching. A whole-body-and-mind awareness of
the present moment or how you react.
b.Right View- It is the right way of looking at life, nature, and the world as they really are for us.
It is to understand how our reality works. (right understanding)
c.Right Intentions- having good will; and a commitment to non-violence, or harmlessness,
towards other living beings.
d.Right Speech- the way in which a Buddhist practitioner would best make use of their words.
- Abstaining from lying, from divisive speech, from abusive speech, and from idle chatter.
e.Right Action- to be morally upright in one's activities, not acting in ways that would be corrupt
or bring harm to oneself or to others.
f.Right Livelihood- This means that practitioners ought not to engage in trades or occupations
which, either directly or indirectly, result in harm for other living beings.
The five types of businesses that should not be undertaken:
1.Business in weapons: trading in all kinds of weapons and instruments for killing.
2.Business in human beings: slave trading, prostitution, or the buying and selling of children or adults.
3.Business in meat: "meat" refers to the bodies of beings after they are killed. This includes breeding
animals for slaughter.
4.Business in intoxicants: manufacturing or selling intoxicating drinks or addictive drugs.
5.Business in poison: producing or trading in any kind of poison or a toxic product designed to kill.

g.Right Effort- the practitioners should make a persisting effort to abandon all the wrong and
harmful thoughts, words, and deeds.
h.Right Concentration- (right meditation) , contemplation of spiritual matters, especially as a
religious practice. Traditionally, the practice of samadhi (concentration) can be developed through
mindfulness of breathing (anapanasati), through visual objects (kasina), and through repetition of
phrase.
Siddhartha Guatama
- Ang tagapagtatag ng Budismo
-ipinanganak na isang dugong-bughaw sa India noong 600 B.C. Siya ay nabuhay sa maluhong
pamumuhay na hindi masyadong nalalantad sa mundo. Sadya siyang iniwas ng kanyang mga magulang
sa impluwensya ng relihiyon at inilayo mula sa sakit at pagdurusa. Gayunman, hindi ito nagtagal
hanggang ang kanyang tahanan ay napasok, at siya ay nagkaroon ng pangitain ng isang matandang tao,
may karamdamang tao at nabubulok na bangkay. Ang kanyang ikaapat na pangitain ay isang
mapayapang asetikong monghe (tinanggihan ang luho at kaginhawahan). Nang makita niya ang
kapayapaan sa monghe, napagpasyahan niya na maging isa ring asetiko. Iniwan niya ang kayamanan at
kasaganaan at ipinagpalit sa payak na pamumuhay. Sinanay niya ang sarili sa matinding pagninilay at
pagdidisiplina. Siya ang namuno sa kanyang pangkat. Kalaunan, ang lahat ng kanyang pagsusumikap ay
nagwakas. Siyay nagpakasawa sa isang tasang kanin at umupo sa ilalim ng puno ng igos (tinatawag din
na puno ng Bodhi) upang magnilay hanggang maabot ang enlightenment o mamatay sa pagsubok na
maabot ito. Sa kabila ng mga paghihirap at tukso, kinaumagahan, kanyang naabot ang enlightenment.
Kaya siya ay nakilala sa tawag na 'the enlightened one' o 'Buddha'. Kinapitan niya ang kanyang mga
natuklasan at nagsimulang ituro sa mga kapwa niya monghe, na mayroon siyang malaking
impluwensiya. Lima sa kanyang mga kasamahan ang naging una niyang mga alagad.

Ano ang mga natuklasan ni Guatama? Ang enlightenment ay makakamit sa pamamagitan ng gitnang
daan, hindi sa pagpapakasasa sa kaluhuan kundi sa mortipikasyon ng sarili. Higit pa rito, natuklasan
niya ang tinatawag na apat na maharlikang katotohanan1) ang mabuhay ay magdusa (Dukha), 2)
ang pagdurusa ay hatid ng pagnanais (Tanha, or attachment), 3) maaalis ang pagdurusa sa
pamamagitan ng pag-alis sa lahat ng attachment at 4) ito ay makakamtan sa pagsunod sa noble
eightfold path. Ang eightfold path ay nabubuo sa pagkakaroon ng tamang 1) pananaw, 2) hangarin,
3) pananalita, 4) kilos, 5) buhay (bilang monghe), 6) pagsisikap (wastong paggabay sa enerhiya), 7) pag-
iisip (pagninilay), at 8) konsentrasyon (pokus). Ang mga katuruan ni Buddha ay tinipon sa tinatawag na
Tripitaka o three baskets.
Ang Budismo ngayon ay tila magkakaiba. Ito ay maaaring hatiin sa dalawang malawak na kategorya. Ang
Theravada (small vessel) at Mahayana (large vessel). Ang Theravada ay ang konserbatibong anyo ng
Budismo kung saan limitado ang ultimate enlightenment at nirvana na para sa mga monghe lamang,
habang ang Budismong Mahayana ay mas pinalawak ang layunin ng enlightenment maging para sa
mga karaniwang tao o sa mga hindi monghe. Sa mga kategoryang ito ay matatagpuan ang maraming
sangay na kabilang ang Tendai, Vajrayana, Nichiren, Shingon, Pure Land, Zen, and Ryobu, at iba pa. Kaya
naman mahalaga sa mga nais maintindihan ang Budismo na huwag ipagpalagay na kanilang nalalaman
na ang lahat ng detalye sa isang partikular na pag-aaral ng Budismo, samantalang ang kanila pa lamang
napag-aaralan ay ang klasiko at makasaysayang Budismo.


Sa oras na namatay si Guatama, ang Budismo ay naging pangunahing impluwensya sa India; matapos
ang tatlong daan taon, nasakop ng Budismo ang karamihan sa Asya. Ang mga kasulatan at kasabihang
iniuugnay kay Buddha ay naisulat pagkalipas ng apat na daang taon matapos ang kanyang kamatayan.
Kamatayan
Ayon sa Mahaparinibbana Sutta ng kanon na Pali, sa edad na 80, inanunsiyo ni Buddha na sandaling
maaabot na niya ang Parinirvana na huling katayuang walang kamatayan at kanyang lilisanin ang
kanyang katawang panglupa. Pagkatapos nito, kinain ni Buddha ang kanyang huling pagkain na kanyang
natanggap bilang handog mula sa panday na si Cunda. Si Buddha ay nagkasakit at inutos ni Buddha sa
kanyang lingkod na si nanda na hikayatin si Cunda na ang pagkaing kanyang kinain ay walang
kinalaman sa kanyang pagpanaw at ang pagkaing ito ang pagmumulan ng pinakadakilang merito dahil
ito ay nagbigay ng huling pagkain para sa isang Buddha. Ayon kina Mettanando at von Hinber, si
Buddha ay namatay sa mesenterikong inparksiyon na isang sintomas ng matandang edad sa halip na
pagkalason sa pagkain. Ang mga tiyak na nilalaman ng huling pagkain ni Buddha ay hindi maliwanag
sanhi ng pagkakaiba sa mga tradisyong skriptural at hindi kalinawan sa salin ng ilang mga mahahalagang
termino. Ang tradisyong Theravada ay naniniwalang si Buddha ay inalukan ng isang uri ng karne ng
baboy samantalang ang tradisyong Mahayana ay naniniwalang si Buddha ay kumain ng isang kabuti na
maaaring nakakalason.
THERAVADA BHUDDISM
Ang Theravada -- literal na "ang mga Turo ng mga Nakatatanda" o "ang Sinaunang Pagtuturo" ay ang
pinakaluma na nananatiling paaralang Budismo. Ito ay itinatag sa India. Ito ay maiuugnay bilang
konserbatibo at sa pangkalahatan, ang pinakamalapit sa sinaunangh Budismo at sa maraming mga siglo
ay naging ang nangingibabaw na relihiyon sa Sri Lanka (malapit sa 70% ng populasyon) at sa karamihan
ng mga bansa sa kontinental Timog-silangang Asya (Cambodia, Laos, Burma, Taylandiya). Ang Theravada
ay sinasanay rin sa mga maliliit na pangkat sa mga bahagi ng timog-kanluran ng Tsina (ng mga pangkat
etniko ng Shan at Tai), Biyetnam (ng Khmer Krom), Bangladesh (ng mga pangkat etniko ng mga Barua,
Chakma, at Magh), Malaysia at Indonesia, at sa kasalukuyan ay nakakukuha ng pagkakakilala sa
Singgapur at sa Kanluraning Mundo. Ang Budismong Theravada ay maroong 100 milyong mga tagasunod
sa buong mundo at sa mga kasalukuyang dekada ay ang Theravada ay nakaaangat na sa Kanluran at sa
pagbabalik ng Budismo sa India.
Mga haligi ng Theravda
Ang pinakamahalaga at ang pangunahin, ang pilosopiyang Theravada ay isang tuloy-tuloy na mapanuring
pamamaraan ng buhay, hindi lamang isang lipon ng mga etika at gawain o ritwal.

Ang pinakamataas na teorya ng Theravada ay gumagait sa Apat na Dakilang Katotohanan na kilala rin sa
ngalang ang Apat na Dakilang Katotohanan. Ang pinakapayak na porma nito ay mailalarawan bilang ang
suliranin, ang sanhi, at ang daan sa sagot o solusyon (pagsasakatuparan).
Ang Apat na Dakilang Katotohanan
Ang pormal na paglalarawan ng Apat na Katotohanan ay ang mga sumusunod:
Dukkha (paghihirap): Ito ay maaaring mapalawak ang uri sa tatlong kaurian. Ang likas na paghihirap, o
ang paghihirap na ang isang tao ay dumadaan sa lahat ng mga gawain sa mundo na kung ano ang
pinaghihirapan ng tao sa mga pang-araw-araw na gawain: pagkapanganak, pagtanda, mga kasakitan,
kamatayan, kalungkutan, at iba pa. Sa ibang salita, ang lahat ng nararanasan ng isang tao mula sa
paghihiwalay mula sa pagkakabit ng "pagmamahal" at/o pagkakabit ng "pagkamuhi" at ang mga
nakapaligid sa termino. Ang ikalawang uri ng paghihira, ang Paghihirap bunga ng Pagbabago ay
nagsasabi na ang mga bagay ay naghihirap dahil sa pagdikit ng kanilang mga sarili sa isang panandaliang
kalagayan na ang bagay na iyon ay "mabuti"; ngunit kapag iniba ang kalagayan, maghihirap. Ang ikatlong
ay ang Sankhara Dukkha ay ang pinakadalubhasa. Ang mga nilalang ay naghihirap dahil sa hindi pag-alam
na sila ay kabuuuan lamang na walang nagbabagong katauhan.
Dukkha Samudaya (sanhi ng paghihirap): Ang pagnanais na humahangtong sa Pagkakabit at Kasabusan
ay ang sanhi ng paghihirap. Ito ay may pormal na terminong Tanha. Ito ay maaaring mauri sa tatlong
magkakaibang mga bunsod. Kama Tanha aya ang Pagnanais para sa mga nakapagbibigay-lugod na
nadarama (na sinasamahan ng nahihipo, nakikita, naririnig, nalalasahan, naamoy at sa pag-iisip). Ang
Bhava Tanha ay ang Pagnanais sa pagdidikit sa isang tulo-tuloy na paraan na naipapakita sa ilang mga
anyo kasama na ang kasabikan sa buhay. Ang Vibhava Tanha ay ang Pagnanais para sa pagkahiwalay sa
pamamaraan na kasama na ang kawalang-buhay at nagbubunga sa kagustuhan sa pagkasira ng sarili.
Dukkha Nirodha (pagtigil o paghumpay sa paghihirap): Ang isang tao ay hindi maaayon ang mundo
ayon sa sariling kagustuhan para matanggal ang paghihirap at ang pag-aasa ay mananatili
panghabangbuhay. Ito ay lalabag sa prinsipyo ng pagbabago na kung anumang bagay ay walang bunga
sa kapayapaan ng isispan ng isang tao. Sa madaling sabi, ang ikatlong Dakilang Katotohanan ay
nagpapakita na ang pagtanggal ng sanhi (Pagnanais) ay ang pagtatanggal din ng bunga (paghihirap). Ito
ay pinanghahawakan sa kasulatang sinabi ng Buddha na 'Kung anuman ang magmula mula sa isang sanhi
ay maitatanggal ng pagtanggal sa sanhi'.
Dukkha Nirodha Gamini Patipada (daan patungo sa kalayaan mula sa paghihrap): Ito ay ang Dakilang
Waluhang Daan patungo sa kalayaan at Nirvana. Ang daan ay maisasalin sa Wikang Ingles bilang ang
tamang tanaw, tamang kagustuhan, tamang pananalita, tamang paggawa, tamang kabuhayan, tamang
pagsisikap, tamang kamalayan at tamang konsentrasyon.
Mga pista at kaugalian
Magha Puja
Vesakha Puja
Asalha Puja
Uposatha
Vassa (Ulang Pag-urong)

Yamang pinanghahawakan nila na ang kasalanan ay impersonal at pagkakamaling naitutuwid, ang
Budismo ay hindi sumasang-ayon sa doktrina na ang lahat ay makasalanan (doctrine of depravity), isang
pangunahing doktrina ng Kristiyanismo. Sinasabi sa Bibliya na ang kasalanan ng tao ay isang eternal na
suliranin at mayroong walang hanggang konsekwensya. Sa Budismo, hindi kinakailangan ang
Tagapagligtas upang iligtas ang mga tao sa kanilang kasumpa-sumpang kalagayan. Para sa mga
Kristiyano, si Hesus ang tanging daan upang maligtas sa walang hanggang kapahamakan. Para sa mga
Budista (Buddhist), makakamit lamang ang matuwid na pamumuhay sa pamamagitan ng pagninilay sa
pag-asa na makamit ang enlightenment at Nirvana. Kinakailangan din na dumaan ang tao sa paulit ulit
na pagkakatawang-tao (reincarnation) upang mabayaran ang naipong utang dahil sa karma. Para sa mga
tunay na taga-sunod ng Budismo, ang relihiyon ay isang pilosopiya ng moralidad at etika, na
kinapapalooban ng pagtatakwil sa sarili. Sa Budismo ang realidad ay hindi personal at hindi magkaka-
ugnay; kaya naman hindi ito kaibig-ibig. Hindi lamang ang hindi totoo ang Diyos, kundi itinuturing ang
kasalanan bilang isang pagkakamali lamang at ang pagtanggi sa lahat ng materyal na realidad bilang
tinatawag na maya (illusion), kahit ang ating sarili ay nawawala sakanyang sarili. Ang ating mga
personalidad mismo ay nagiging isa lamang ilusyon.
Sa tuwing tinatanong kung paano nagsimulang umiral ang mundo, sino o ano ang lumikha sa
sansinukob, sinasabing ang Buddha ay nananatiling tahimik sapagkat sa Budismo walang simula at
wakas. At sa halip, mayroong walang katapusang gulong ng pagkabuhay at kamatayan.
Itinuturo sa Budismo na ang Nirvana ang pinakamataas na antas ng katauhan, ang estado ng pagiging
dalisay, at ito ay makakamit sa indibidwal na kaparaanan. Ang Nirvana ay sumasalangsang sa mga lohikal
na kaayusan at rasyonal na paliwanag at samakatwid ay hindi maaaring maituro, itoy sa isip lamang. Sa
kabilang banda, ang katuruan ni Hesus tungkol sa langit ay tiyak. Kanyang ipinaalam na ang ating mga
pisikal na katawan ay mamamatay ngunit ang ating kaluluwa ay aakyat sa langit upang Kanyang
makasama (Marcos 12:25). Itinuro ng Buddha na ang mga tao ay walang sariling kaluluwa at ang mga
sarili ay pawang mga ilusyon lamang.

Das könnte Ihnen auch gefallen