Narrator: Sa isang gubat, nakatira ang isang napakalaki, malakas at napakabangis
na leon. Kinatatakutan siya ng lahat na hayop sa buong kagubatan. Walang magawa ang sinumang hayop sa karahasan nito. Pinapatay nya ang lahat na gustong lumamang sa kanya. Araw-araw, napipilitang magsakripisyo ang hayop sa kagubatan na isa sa kanila upang kainin ng leon. Kung walang pagsasakripisyo ang magaganap, ang leon na mismo ang hahanap at papatay ng makakain nito. Ang tawag nila sa magiging sakripisyo nito ay isang matata. Dahil dito, siyay tinuring na haring leon. Narrator: Isang araw, ang naitakdang isakripisyo ay ang natatanging anak ni Oso. Ngunit hindi makakaya ni Oso na mawala sa kanya ang kanyang kaisaisang anak. Kaya pumunta siya sa kanilang pangulo na si Aso... Oso: (umiiyak) O ginoong Aso, ngayong araw na ito naitakda na gawing matata ang aking anak. Alam mo naman po na siya ay ang aking natatanging anak. Hinding hindi ko po makaya ang mawala siya sa buhay ko. Tulungan ninyo po ako pakiusap. Aso: Tahan na munting Oso. Huwag kanang umiyak at gagawan natin iyan ng paraan. Narrator: Matapos ang tagpong iyon, si Aso ay nagpatawag ng isang malaking pagtitipon sa lahat ng hayop sa kagubatan maliban sa Haring Leon. Naroon si pusa, unggoy, oso at marami pang iba. Aso: Ngayon, ating pag-usapan ang mabangis na si Haring Leon. Alam naman natin na siya ay napaka Unggoy: --RAHAS! Wala syang tawad ni kahit kanino. Bata man o matanda, kanya paring walang awang pinatay at kainin.(pagalit) Pusa : (meow) Oo nga. Kaya nga napipilitan tayo araw-araw na mag-alay ng isang matata . Oso: ngayon na ang araw na gagawing matata ang anak ko kay Haring Leon. Ngunit siya ay napakabata pa at hindi pa nya oras ang kamatayan... (iiyak) Unggoy: Kailangan natin siyang pigilan! Siya dapat ay puksain! Nang sa gayon ay maging ligtas at Malaya tayong lahat galing sa higpit ng kamatayan na dulot ni Haring Leon. Pusa: Sumasang-ayon kami sa iyo Unggoy. Ngunit paano ba natin gawin iyon? wala naman tayong kakayahan na mahigitan ang taglay na lakas ni Haring Leon... Oso: Oo nga. paano nalang ang anak ko at ang lahat na hayop dito sa kagubatan? (iiyak) Narrator: Nagkagulo ang lahat nang napagtanto nila ang isa pang suliranin sa pagsugpo ni Haring Leon. Aso: Katahimikan! (pasigaw). Paano ba naman natin masosolusyonan ang problemang ito kung hindi tayo hihinahon? Ngayon, ano nga ba ang mainam na paraan upang pigilan si Haring Leon?
Narrator: Isa-isa silang lahat na nagbigay ng mga mungkhi tungkol sa kung paano patataubin ang mabangis na haring leon. Ngunit sa lahat ng kanilang ibinigay, ni isa ay hindi naging sapat sa pagpigil ng karahasan nito. Hanggang sa Aso: Alam ko na! Maaaring hindi natin mapatumba si Haring Leon kung pisikal na kakayanan ang pinag-uusapan. Ngunit pag dating sa paggamit ng utak, sigurado akong hindi nya tayo malalamangan.
Narrator: Nag-usap nang maigi ang buong kagubatan tungkol sa kanilang matinding plano. Imbis na ang anak ni Oso ang gagawing matata, si Aso na ang nagboluntaryong maging matata upang maisagawa ang kanilang plano. Nang dumating ang kahapunan, umalingawngaw na ang mabangis at dumadagundong na ungol ni Haring Leon. Leon: Rooaaarrr!!! Narrator: Nanginginig sa takot ang lahat ng kahayupan. Pati ang kanilang pangulo na si Aso ay nangangamba ngunit nilakasan nya parin ang kanyang loob alang- alang sa buong kahayupan ng kagubatan. Pumunta na si Aso sa kweba na tinitirhan ng Leon. Dahandahan na lumabas si Haring Leon sa napakadilim na kanyang lungga. Muli itong umungol at nagsalita sa napakainit na boses na tila ay galit na galit. Leon: Rooaaarrr!!! Nasaan na ang aking pagkain? Aso: narito na po ako Haring Leon. Narrator: Mahinahon na sagot ni Aso. Leon: Bakit ba ikay natagalan?! Pumasok ka na dito at akoy gutom na gutom na! Aso: Paumanhin po Haring Leon. Pero bago nyo po ako patayin at kainin, may sasabihin muna ako sa iyo na napakaimportante. Leon: O sya sya. Bilisan mo dahil kumukulo na ang aking sikmura. Aso: Kaya nga po ako natagalan kasi may nakita akong isang kagaya mo doon sa kabilang dako ng kagubatan. Sa nakita ko, magkaparehas kayo ng laki, tindig, boses, bangis at lakas. Akoy kanyang pinalapit at pinasasabi na ikay kanyang hinahamon. Leon: (galit) Ano! Ni kahit kalian ay wala pang ganyan na naghahamon sa akin. At ano ang sinasabi mong kasinlakas at kasimbangis ko siya. Ako na yata ang pinaka sa pinakamalakas at pinakamabangis sa buong balat ng lupa. Halika at dalhin mo nga ako sa sino man yang ungas na iyan at ipapakita ko sa kanya kung sino ang pinakamahigit sa aming dalawa. Narrator: Galit na paghahambog ni Haring Leon. Tinawid nila kabilang dako ng kagubatan upang marating ang sinasabi ni Aso na iba pang leon. Malipas ang ilang minuto, nakarating sila sa isang patag na lugar na may roong balon sa kalagitnaan nito. Umungol ng malakas si Haring Leon at nagsalita na para bang inip na inip.. Leon: Rooaaaarrr!!! Nasaan na ang nilalang na tinutukoy mo? Aso: Nandiyan lang po. Narrator: Sabi ni Aso sabay turo sa balon. Dali-daling pinuntahan nya ito. Pagsilip niya sa loob nito ay humagilap sa kanyang mga mata ang isa pang leon na yun pala ay kanya lang sariling repleksyon. Sa nakita niya, magkaparehas sila ng laki at tindig. Umungol siya at narinig niya rin ang ulyaw ng kanyang sariling tinig na inaakala nyang ungol nung isa pang leon. Leon: Rooaaaarrr!!! Narrator: Nagalit siya sa kanyang napatunayan kaya sinunggaban niya ang isa pang leon. Tumalon si Haring Leon at siyay nalunod. Sinubukan niyang humingi ng tulong ngunit siyay hindi nakaligtas. Mula noon, nawala na sa landas ng mga hayop ang kahigpitan ni Haring Leon. Kaya sila ay nabuhay nang maligaya magpakailanman pagkatapos.