Sie sind auf Seite 1von 1

AREVALO, Maria Angelica D.

Ika-6 ng Mayo, 2013


2AAC; Rizal Prof. Violeta Reyes

Noli Me Tangere
Salin ni Virgilio S. Almario

Kabanata V: Isang Bituin sa Gabing Madilim (pp. 31-33)


Napakaliwanag ng bahay sa tapat, sa ibayong pampang
Ang ibayong pampang na sinasabi ni Rizal sa kabanatang ito ay ang kinaroroonan ng
Fonda Lala, ang lugar kung saan tumuloy si Ibarra. Katapat nito ang bahay ni Kapitan
Tiyago sa pagitan ng Estero ng Binondo.

Hinangaan sana niya ang isa sa mga kagilala-gilalas na pangitain, isa sa mga malikmatang
namamalas paminsan-minsan sa malalaking dulaan sa Europa
Ang linyang ito ay patungkol kay Rizal na nagpaptunay na hindi siya isang istranghero sa
mga magagandang panuoran sa Europa. Siya ay isang masugid na tagasubaybay sa mga
pagtatanghal na ginagawa sa importanteng tanghalan sa Espanya.

nabalot sa manipis na habi, ang isang diwata, isang silfide
Silfide: isang katha-kathang nilalang na nananahan sa papawirin; katawagan din sa isang
babaeng balinkinitan at maganda.

Namumukadkad sa harap niya ang mga bulaklak, pumipitlag ang sayaw, sumisikdo ang himig,
at umiindak ang pulutong ng mga diyablo
Ang linyang ito ay hinggil sa mga taong nagpapakitang gilas sa harapan ni Maria Clara.
Ang mga bulaklak na tinutukoy dito ay ang mga lalaking nakapaligid kay Maria Clara na
namamangha sa kanyang kagandahan. Sinasabi dito na dapat ang mga kababaihan ay
hinde dapat pakinabangan lamang at maging alipin, dapat silay mahalin at magbigay ng
buhay sa mga susunod na henerasyon.

Das könnte Ihnen auch gefallen