You are on page 1of 2

ANG PAGSILANG NG NASYONALISMONG PILIPINO

Ang Pagbubukas ng Suez Canal


Ang Suez Canal na nasa bansang Egypt ay artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong sa
Mediterranean Sea at Red Sea. Dahil dito napadali ang paglalabas-masok ng mga mangangalakal at ang
sistema ng komunikasyon sa Pilipinas. Higit sa lahat napadali ang pagpasok sa bansa ng mga liberal
nabanyagang kaisipan na nagpamulat samaraming Pilipino sa kanilang karapatan.

Ang Pamamahala ni Gobernador-Heneral Carlos Ma. de la Torre


Noong 1868 nagkaroon ng rebolusyon sa Espanya, Ang mga Espanyol na may liberal na kaisipan
ay naagaw ang pamumuno sa pamahalaan at pinatalsik sa trono si reyna Isabel II sa loob ng dalawang
taong panunungkulan.
Sa panahong ito si Gobernadorheneral Carlos Ma. De la Torre ay ipinadala sa Pilipinas na
bagong pinuno ng Espanya. Pinamumunuan ni Dela Torre ang kolonya sa demokratikong pamamaraan.
Naging maluwag si Dela Torre sa pakikisalamuha sa mga Piipino. Naglalakad siya sa lansangan nang nagiisa at kinakausap ang lahat maging ang mga Pilipino. Ang mga diskusyon ukol sa suliraning pang pulitika
at ekonomiya ng kolonya ay naging malaya dahil kanya itong pinahintulutan. Bilang pagkilala sa kanyang
mga nagawa, pinangaralan si Dela Torre ng mga Pilipino bago siya umalis sa pamamagitan ng
paghaharana sa kanya.
Ngunit ang mga pangyayari uto ay hindi ikinasiya ng mga Espanyol. Lihim silang lumikha ng mga
isyung makasisira kay De la Torre na naging dahilan upang mawala ang suporta at tiwala ng hari sa
kanya. Hindi nagtagal ay inalis sa posisyon at kapangyarihan si de la Torre kaya lalong tumindi ang poot
ng mga Pilipino sa mga Espanyol.

Ang Isyu ng mga Parokya


Mayroong dalawang uri ng pari noong panahon ng mga Espanyol, ang mga regular at secular.
Ang mga paring regular ay kabilang sa ordeng relihiyoso tulad ng Agustino, Dominikano, Heswita,
Pransiskano, at iba pa. Ang mga paring secular naman ay hindi kabilang sa mga ordeng relihiyoso.
Karamihan sa mga paring secular ay mga Pilipino at mga Espanyol naman ang mga paring regular.
Sa kabila ng kautusan ng simbahan na ibigay sa mga paring secular ang mga parokya, hindi ito
nasunod. Ibinibigay ng mga obispo at arsobispo ang pamamahala ng parokya sa mga paring regular dahil
sa kinikilingan ang kanilang mga kalahi. Ikinagalit ito ng mga paring secular, kaya inilunsad nila ang isang
kilusan na may layuning ipaglaban ang kanilang karapatang maitalaga at mamuno sa mga parokya. Si
Padre Pedro Pelaez ang pinuno ng kilusang ito. Kabilang din dito sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose
B urgos, at Padre Jacinto Zamora na nakilala sa tawag na GOMBURZA.

Ang Pagbitay sa Tatlong Pari


Noong 1872, lalong tumindi ang alitan ng mga Pilipino at Espanyol nang biglang mag-alsa ang
mga kawal at manggagawa sa isang arsenal sa Cavite. Pinamumunuan ang pag-aalsa ng isang sarhento
na si La Madrid. Napatay ng mga nag-aalsa ang mga Espanyol kabilang na ang matataas na opisyal ng
hukbong Espanyol nang salakayin nila ang kuta ng mga ito sa San Felipe. Karamihan sa mga nagrebelde
ay agad ipinabilanggo at si La Madrid ay ipinapatay. Hindi nagtagal ay ipinadakip sina Padre Gomez,
Burgos,at Zamora. Di umano sila raw ang utak ng naganap na pag-aalsa sa Cavite. Si Francisco Zaldua ay
tinakot at sinuhulan upang maging saksi sa laban sa tatlong pari. Sa utos ni GobernadorHeneral Rafael
De Izquierdo Hinatulan niya ang mga inosenteng pari at binitay sa pamamagitan ng garote sa
Bagumbayan noong Pebrero 17, 1872. Dahil sa sinapit, tinaggurian silang Tatlong Paring Martir.

Ang Kilusang Propaganda


Nagtatag sila ng isang kilusan na mayapang humihingi ng mga reporma o pagbabago sa kolnya.
Tinawag itong Kilusang Propaganda. Pinamumunuan ito ng mga Pilipinong ilustrado at intelligentsia
tulad nina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar, Antonio Luna, Mariano Ponce, at
iba pa. Tinawg na repomista at propagandista ang mga kasapi nito. Narito ang ilan sa mga reporma na
kanilang hiniling sa mga Espanyol
1.
2.
3.
4.
5.

pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Espanyol sa kolonya.


.pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan ng Espaya.
pagkakaroon ng kinatawan ng Pilaipinas sa Cortes (hukuman) ng Espanya
sekularisasyon ng mga parokya.
pagkakaloob ng kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag, at pagpupulong.