Sie sind auf Seite 1von 44

Enero 2015

Praymer
Rehimeng Depensibo
sa Poder

atapos ang halalang midterm noong 2013, mataas


ang kumpyansa ng rehimen ni Pangulong Benigno
Aquino III sa pananatili nito sa poder. Napanatili
nito ang kontrol sa House of Representatives (HoR) habang
pinalawig ang impluwensya sa Senado kunsaan kinuha na
ng Liberal Party (LP) ang liderato. Bago nito, noong 2012,
pinatalsik ng LP at mga kaalyado nito si Renato Corona
bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema (SC) sa
pamamagitan ng impeachment at gamit ang pork barrel
ng Presidente. Itinalaga ni Aquino si Ma. Lourdes Sereno
bilang bagong pinuno ng SC at naghirang ng mga pili nitong
mahistrado.

114 Timog Avenue,


Quezon City,
1103 Philippines
Tels. +63 2 927 7060 to 61
Fax +63 2 929 2496
www.ibon.org

Idagdag pa ang ilusyon ng hindi natitinag na popularidad


ni Aquino na ibinebenta ng mga grupong nagsasarbey at
dilawang masmidya. Syempre pa, susi ang ugnayan ng
rehimen sa imperyalismong US na pinahigpit ni Aquino sa
pamamagitan ng pagpapapasok ng mas maraming tropang
Amerikano sa bansa at mas mahigpit na ugnayang pangekonomya at pampulitika. Inakala ng rehimeng Aquino na
mahigpit na konsolidado na nito ang buong estado poder at
lahat ng sangay ng gobyerno.

IBON Praymer

Enero 2015

Pero noong 2014, nalantad ang pagiging mabuway ng inaakalang


konsolidasyon ng rehimen sa kontrol nito sa kapangyarihan. Sumambulat
ang matagal nang namumuo at lumalawak na disgusto ng mamamayan dahil
sa mga pahirap na patakaran sa ekonomya ng rehimeng Aquino habang
pinapaboran ang malalaking negosyo at panginoong maylupa, patuloy na
panunupil at paglabag sa karapatang pantao, at kawalan ng tunay na mga
reporma laban sa katiwalian.
Siniklaban ng iskandalo sa pork barrel at Disbursement Acceleration Program
(DAP) ang ibayong paglawak at pagtipon ng diskontento ng mamamayan
laban sa rehimen at tumingkad nang husto ang pagkakahiwalay ni Aquino sa
taumbayan. Dahil sa galit ng mamamayan, napilitan ang SC na desisyunan
ang pork barrel at DAP nang hindi pabor sa Malacaang at nagsilbi itong
malalakas na dagok sa rehimen.
Bilang tugon, kinumpronta ng Malacaang ang SC kasabay ng pagpapalutang
ng Charter change (Cha-cha) para limitahan ang kapangyarihan ng
Hudikatura habang pinapalawig naman ang kapangyarihan ng Ehekutibo at
termino ni Aquino. Pero malakas na pagtutol ang isinalubong ng mamamayan
sa naturang pakana ng Palasyo na tuluyang bumasag sa ilusyon ng malawak
na popularidad ni Aquino at ng kanyang administrasyon.
Nayanig ang rehimeng Aquino pero pinipilit nitong makabawi mula sa hindi
inaasahang mahigpit na pampulitikang kalagayan. Naging depensibo ito sa
kanyang kontrol sa poder kung kayat naging mas agresibo at mas maagap sa
pagtiyak sa kanyang pananatili lampas sa 2016. Sinimulan ito ng rehimen sa
inasahan nang pagbasura ng kontrolado nitong Kongreso sa tatlong reklamo
ng impeachment laban kay Aquino noong Setyembre 2014.
Nitong mga nakalipas na buwan, sinimulan rin ng rehimen ang walang
humpay na atake laban sa ibang paksyon ng naghaharing uri na
ipinagpapalagay nitong mahigpit na katunggali sa kapangyarihan. Nagtitipon
na rin ito ng lakas at rekurso para isulong ang kanyang pampulitikang
adyenda, kabilang na ang paggamit sa pambansang badyet at patuloy na
pagmamaniobra para mapanatili ang pork barrel. Pinag-ibayo pa nito ang
pagbebenta sa soberanya ng bansa kapalit ang krusyal na pampulitikang
suporta ng imperyalismong US.

IBON Praymer

Enero 2015

Samantala, patuloy na hinahamon ng paglaban ng mamamayan ang poder ng


rehimeng Aquino upang isulong ang mga makabuluhang reporma sa ekonomya
at pulitika na magsisilbi sa interes ng mamamayan at ng bansa. Sa kanayunan,
nagpapatuloy ang digmaang sibil na inilulunsad ng Communist Party of the
Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) na nag-uugat sa kawalan ng
repormang agraryo at laganap na kahirapan sa bansa.
Ang mga paglabang ito ng kilusang masa at ng mga pwersang nagsusulong ng
rebolusyon ang malinaw na nagsisilbing tunay na oposisyon sa makadayuhan,
maka-negosyo at makapanginoong maylupang pamumuno ng rehimeng Aquino.
Ito rin ang patuloy na nagbibigay-pag-asa sa tunay, ganap at pangmatagalang
pagbabagong panlipunan sa bansa.

Ano ang kalagayan ng pambansang ekonomya at


mamamayan sa limang taon ng rehimeng Aquino?

Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagiging depensibo ng rehimeng Aquino


ang pagkalantad na peke ang prinopropagandang himala sa ekonomya. Mula
nang hawakan ang poder, paboritong ipagmalaki at agresibong ginagamit sa
mapanlinlang nitong propaganda ng good governance is good economics
ang gross domestic product (GDP) bilang panukat ng diumanong pag-unlad.
Kasama rin sa paboritong propaganda ng rehimen sa usapin ng ekonomya
ang paborableng sitwasyon sa pampublikong utang at depisito, pagtaas ng
credit rating ng Pilipinas, at paglago ng dayuhang pamumuhunan. Gamit ang
mga sukatang ito, pilit ibinibenta ang imahe ng ekonomyang nasa landas na ng
sustinidong pag-unlad. Tayo na nga raw ang susunod na himala ng Asya gaya
ng temang ipinamamarali nang ganapin sa bansa ang World Economic Forum
(WEF) noong nakaraang taon. Sa kabila ito ng katotohanang hindi naman
tumutugma ang ibang sukatan ng paglago ng ekonomya sa propaganda ng
rehimen, huwag nang banggitin ang sumasahol na kalagayan ng mamamayan.
Pero sa nakalipas na taon, lalong nalantad ang ampaw na propaganda ng
ekonomyang tuluy-tuloy daw na umuunlad dahil sa malaking ibinagal ng
paglago ng GDP. Mula sa taunang abereyds na 3.7% noong 2011, bumilis
ang paglago ng GDP sa 6.8% noong 2012 at ibayo pang umakyat sa 7.2%
noong 2013. Pero sa unang tatlong kwarto ng 2014, bumagal ito sa 5.8%.
Kinukumpirma nito ang pagiging artipisyal at hindi sustenable ng mabilis na

IBON Praymer

Enero 2015

paglago na itinala ng GDP sa mga nakalipas na taon ng rehimeng Aquino. Sa


halip na mga produktibong sektor gaya ng agrikultura at pagmamanupaktura,
mababaw ang mga pinagmumulan ng paglago ng GDP sa mga nagdaang
taon, pangunahin ang real estate at konstruksyon.
Lumago nang husto ang negosyo ng real estate at konstruksyon dahil sa
lumalaking pangangailangan para sa espasyong komersyal ng mga nasa
business process outsourcing (BPO), konstruksyon ng residential property
na target ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga
pamilya, at pagtatayo ng mga imprastrukturat pasilidad na nakatuon sa
promosyon ng turismo.
Pero hindi ito sustenable dahil ang BPO, remitans ng OFWs at turismo
ay mga panlabas na salik ng paglago. Itinatakda ang sigla at galaw ng
mga sektor na ito ng ekonomya at pangangailangan partikular ng mga
industriyalisadong bansa at hindi ng panloob na pangangailangan ng sarili
nating mga industriya, merkado at konsumo. Ang industriya ng BPO sa
Pilipinas, halimbawa, ay ekstensyon lamang sa esensya ng operasyon
ng mga korporasyon sa US na palagiang naghahanap ng paraan upang
mapababa ang gastos sa negosyo pangunahin sa paghahanap ng murang
lakas paggawa gaya ng mga Pilipinong ahente ng call center at mapalaki
pa ang tubo. Gayundin ang kaso ng mga Pilipinong nasa ibayong dagat,
karamihan ay nasa US (mula 1989 hanggang 2012, halimbawa, halos 53%
ng kabuuang remitans mula sa mga overseas Filipinos ay mula sa US), na
pinagsasamantalahan ang kanilang murang lakas-paggawa. Dagdag pa na
ang mismong migrasyon ng lakas-paggawa ng Pilipinas ay indikasyon ng
permanenteng krisis sa kawalan ng produktibo at pangmatagalang trabaho sa
Pilipinas dahil sa atrasado at bagsak nitong mga industriya.
Nagpatuloy nitong 2014 ang pagbagal ng paglago ng konstruksyon mula
sa napakabilis na 18.2% taunang abereyds noong 2012, pababa sa 9.6%
noong 2013 at ibayo pang pagbagal sa 10.8% sa tatlong kwarto ng 2014.
Gayundin, bumagal ang sektor ng real estate mula 18.1% taunang abereyds
noong 2012 at 18.3% noong 2013 tungo sa 8.6% na lamang (tatlong kwarto
ng 2014). Asahang ibayo pa itong babagal sa darating na mga buwan bunga
na rin ng pangamba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magkaroon ng
property bubble sa bansa. Plano halimbawa nito na limitahan ang mga utang

IBON Praymer

Enero 2015

sa bangko sa real estate sa 60% ng collateral value mula sa kasalukuyang 80


bahagdan.1 Bukod pa ito sa nauna nang paglimita ng BSP sa mga utang sa real
estate sa 20% ng kabuuang loan portfolio ng isang bangko.2
Samantala, ang mga produktibong sektor, lalo na ang agrikultura, na gulugod
dapat ng pambansang ekonomya, ay nananatiling nahaharap sa tumitinding
krisis. Nitong ikatlong kwarto ng 2014, bumagsak ang produksyon ng agrikultura
nang 2.7%, pinakamalaking pagbagsak nito mula noong huling kwarto ng
2009. Sa kabuuan, tuloy-tuloy ang pagbagal ng agrikultura mula 2.8% taunang
abereyds noong 2012, 1.1% noong 2013, at 0.6% sa unang tatlong kwarto ng
nakaraang taon.
Sanhi ng deka-dekadang pagpapatupad ng mga paatras na patakarang pangekonomya kabilang ang liberalisasyon na wumasak sa agrikultura at bumansot
sa industriya ng bansa; ang pagpapatuloy ng malakolonyal na kalakalan na
pumipiga sa pambansang rekurso; at kawalan ng tunay na repormang agraryo
at modernisasyon, lumiit nang lumiit ang bahagi ng agrikultura sa ekonomya
ng Pilipinas habang halos hindi na gumagalaw ang industriya. Ang lumalaki ay
ang sektor ng serbisyo, kagaya ng BPO, na nagsisilbi pa rin sa interes ng mga
dayuhang negosyo. Noong 1952, halimbawa, nasa 24% ng GDP ang mula sa
agrikultura; 30% sa industriya at 46% sa serbisyo. Nitong 2014, nasa 10% na
lamang ng GDP ang agrikultura; 33% sa industriya at 57% sa serbisyo. Sa
pangkalahatan, hindi malakihang lumilikha ng trabaho ang sektor ng serbisyo
kumpara sa industriya at agrikultura. Mas mahina rin ang integrasyon nito sa
pambansang ekonomya at mas kaunti ang direktang positibong epekto upang
itulak ang paggamit ng lokal na rekurso at produkto at paghikayat sa lokal na
teknolohiya.
Dahil dito, hindi nakapagtatakang permanente at lumalala ang krisis sa
trabaho ng bansa dahil sa kawalang kapasidad ng mga produktibong sektor
na lumawak at lumikha ng hanapbuhay. Sa taya ng IBON nitong 2014, nasa
4.3 milyong manggagawang Pilipino ang walang trabaho habang nasa 6.9
1 BSP to cap banks property lending, Philippine Daily Inquirer, 20 Oktubre 2014,
http://business.inquirer.net/180612/bsp-to-cap-banks-property-lending
2 BSP curbs threaten property sector, BusinessMirror, http://www.businessmirror.com.ph/
bsp-curbs-threaten-property-sector/

IBON Praymer

Enero 2015

milyon ang kulang ang trabaho. Nananatiling double-digit ang tantos ng


kawalang trabaho na nasa 10.2 bahagdan.3
Pinagtatakpan ito ng rehimen sa pagbibidang dumarami raw ang trabaho
sa bansa pero kung susuriin, mababa ang kalidad ng kalakhan ng anumang
nadadagdag na trabaho. Sa pagitan ng 2012 at 2014, halimbawa, may
nadagdag daw na halos 1.5 milyong trabaho sa bansa. Pero sa bilang na
ito, malaki ang nadagdag na trabahong self-employed without any paid
employee na nadagdagan ng 440,000 o lampas 30% ng kabuuang nalikhang
trabaho. Kung ikukumpara naman ang bilang sa pagitan ng 2013 at 2014,
90% ng nadagdag na trabaho ay part-time work lamang samantalang 59% ng
kabuuan ay nagtatrabaho lamang nang mas mababa sa 20 oras kada linggo.
Nasa 11% naman ng nadagdag na trabaho ang itinuturing na with a job, not
at work. Bukod dito, malaking bahagi rin ng nadagdag na trabaho ay hindi
sa produksyon (manupaktura, agrikultura, atbp.) kundi nasa konstruksyon,
kalakalan, accommodation/serbisyo sa pagkain (48%) at administration/
support services (7%).
Indikasyon ng matinding krisis sa trabaho ang patuloy na paglaki ng bilang ng
mga Pilipinong nag-aabrod para maghanapbuhay. Sa pinakahuling opisyal na
datos (2012), nasa 10.5 milyon na ang bilang ng mga Pilipinong nasa ibang
bansa mula sa 9.5 milyon noong 2010. Araw-araw noong unang hati ng 2014,
nasa 6,092 OFWs ang umaalis ng Pilipinas, pinakamataas sa kasaysayan, at
higit na mataas sa lampas 4,030 OFWs noong 2010.4
Katulad sa krisis sa trabaho, itinatago pa ring pilit ng datos ng gobyerno
ang tunay na lawak ng kahirapan sa Pilipinas. Katunayan, pinamumukha
pang bumubuti ang sitwasyon dahil bumaba ang opisyal na insidente ng
kahirapan mula 26.6% noong 2006 sa 25.2% noong 2012. Sa unang hati
ng 2013, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba pa

3 Mas malaki ito sa opisyal na Labor Force Survey (LFS) ng National Statistics Office (NSO).
Sa opisyal na datos, nasa 6.8% ang tantos ng kawalang trabaho noong 2014 o katumbas ng
2.74 milyong manggagawa.
4 Galing ang impormasyon sa tinipong datos ng Bureau of Labor and Employment Statistics
(BLES) sa ulat nitong Current Labor Statistics na inilabas noong Disyembre 2014

IBON Praymer

Enero 2015

ang insidente ng kahirapan sa 24.9 bahagdan.5 Pero batay ito sa baluktot


at malayo-sa-katotohanang pagsukat sa kahirapan. Para sa gobyerno,
halimbawa, ang isang Pilipinong may Php53 kada araw noong unang hati ng
2013 ay hindi itinuturing na mahirap.
Sa gitna ng laganap na kahirapan at kawalan at kakulangan ng kabuhayan,
patuloy naman ang paglobo ng yaman ng mga ubod-yamang pamilya sa
bansa matibay na palatandaan kung kanino nagsisilbi ang ekonomya at
kung sino lamang ang nakikinabang dito. Sa pinakahuling ulat ng magasing
Forbes, sinabi nitong umaabot na sa US$72.3 bilyon ang pinagsama-samang
yaman ng 40 pinakamayayamang pamilya sa Pililipinas.6 Noong 2009, nasa
US$16.4 bilyon lamang ang kanilang pinagsama-samang yaman. Ibig sabihin,
sa loob lamang ng nakalipas na limang taon ay lumobo na ng lampas 341%
ang yaman ng mga ito.
Kabilang sa pinakamalalaki ang itinaas ng yaman ang mga negosyanteng
malapit kay Aquino at agresibong pumapasok sa mga proyektong public-private
partnership (PPP) ng rehimen. Nag-triple sa pagitan ng 2009 at 2013 ang
yaman ni Jaime Zobel de Ayala at kanyang pamilya (Ayala Corp.) mula US$1.2
bilyon noong 2009 tungo sa US$3.4 bilyon noong 2013. Lampas triple naman
ang inilaki ng yaman ni Henry Sy (SM Prime Holdings) na pinakamayamang
Pilipino mula pa noong 2006. Noong 2009, nasa US$3.8 bilyon ang yaman ni
Sy; nitong 2013, umaaabot na ito sa US$12.7 bilyon. Lumaki rin ang yaman ng
tiyuhin ni Aquino na si Danding Cojuangco (San Miguel Corp.) mula US$660
milyon paakyat sa US$870 milyon.
Samantala, noong 2013, umaabot sa Php1.01 trilyon ang pinagsamasamang tubo ng 1,000 pinakamalalaking korporasyon (o Top 1000), batay
sa tinipong datos ng publikasyong Business World. Mula 2011 hanggang
2013, umaabot na ang pinagsama-sama nilang tubo sa Php2.9 trilyon, halos
doble ng pinagsama-samang tubo ng Top 1000 sa sinundang dalawang taon
(2009 hanggang 2010). Bukod sa mga nabanggit nang burgesya kumprador,
nasa Top 1000 din ang malalaking korporasyong dayuhan at transnasyunal
5 Poverty incidence eases to 24.9%, ABSCBNNews.com, 5 Hulyo 2014,
http://www.abs-cbnnews.com/business/07/05/14/poverty-incidence-eases-249-pct
6 Rich list: The 50 richest in the Philippines, ABS-CBNNews.com, 28 Agosto 2014,
http://www.abs-cbnnews.com/business/08/28/14/rich-list-50-richest-philippines

IBON Praymer

Enero 2015

na nakikinabang sa pambansang ekonomya. Sa pinagsama-samang


kita ng Top 1000 noong 2013, halos 37% ang hawak ng mga dayuhang
korporasyon. Sa susing sektor ng pagmamanupaktura, napunta sa mga
dayuhang korporasyon at transnasyunal ang halos 64% ng pinagsamasamang kita ng mga empresang pangmanupaktura na nasa Top 1000. Hindi
kasama sa bilang na ito ang mga korporasyong lokal daw pero dominado
ng dayuhang interes (kundi man ganap na prente ng dayuhan), maging
ang mga korporasyon na may dayuhang sapi o kayay tinutustusan ng mga
dayuhang bangko at institusyong pampinansya.

Ano ang naging epekto ng PPP bilang


pangunahing programang pang-ekonomya
ng administrasyon?

Sa pagsisimula ng taon, ipinatupad ang malalaking pagtaas ng pasahe sa


light rail transit (LRT) 1 at 2 at metro rail transit (MRT) 3. Itinaas din ang
singil sa tubig ng Manila Water Co. Inc. at Maynilad Water Services Inc. Sa
pahayag ng Department of Transportation and Communications (DOTC),
sinabi nitong ipatutupad ang iskemang Php11 na batayang pasahe na
dadagdagan ng piso kada kilometro. Nagsimula ang paniningil ng mas
mataas na pasahe noong 4 Enero 2015.7 Sa ilalim ng bagong iskema
ng DOTC, tumaas nang Php10 ang dulo-sa-dulong byahe ng LRT 1 at 2
habang Php13 naman ang nadagdag sa pasahe ng dulo-sa-dulong byahe
ng MRT 3. Depende sa istasyong panggagalingan at pupuntahan ng
pasahero, nasa 0-50% ang taas-pasahe sa LRT 1; 25-79% sa LRT 2; at 3087% sa MRT 3.8
Tuso ang ginawang pagtataas ng DOTC sa pasahe ng LRT/MRT dahil
itinaon ang paghahayag nito sa publiko sa panahong abala na ang lahat
7 Government to hike LRT, MRT fares beginning January 4, InterAksyon.com, 20 Disyembre
2014, http://www.interaksyon.com/business/101562/government-to-hike-lrt-mrt-faresbeginning-january-4
8 Maaaring ma-download ang mga bagong fare matrix sa mga sumusunod na link: LRT
1 stored value (https://app.box.com/s/skfsoar5gabzz5ryj6dg); LRT 1 single journey
(https://app.box.com/s/c7wxwk1rh3qu0qzqxcce); LRT 2 stored value (https://app.
box.com/s/x0e7eu9rr4f8f2ctl5yx); LRT 2 single journey (https://app.box.com/s/
zjsvz6867rm7qzzgwcy5); at MRT 3 (https://app.box.com/s/hvjedrmwuzc7dtm6nvuy)

10

IBON Praymer

Enero 2015

sa paghahanda sa Pasko habang magbabakasyon na ang mga ahensya ng


gobyerno kabilang ang mga korte. Sinadya ang naturang timing upang hindi
agad makwestyon at mapigilan ang ginawang pagtataas. Dahil dito, nasimulan
nang ipatupad ang taas-pasahe bago pa man ito nakwestyon ng ibat ibang
grupo sa SC.9
Samantala, kasabay ng pahayag sa taas-pasahe sa LRT/MRT ang pahayag
ng panibagong taas-singil naman sa tubig sa Metro Manila. Dahil sa foreign
currency differential adjustment (FCDA), magtataas ng singil ang Maynilad nang
Php0.38 kada metro kubiko habang Php0.36 naman ang sa Manila Water.10 Ang
FCDA ay isang iskema sa ilalim ng pribatisasyon ng Metropolitan Waterworks
and Sewerage System (MWSS) kunsaan pinapayagan ang mga pribadong
konsesyonaryo na bawiin sa publiko kada kwarto ang nalulugi nila sa galaw ng
palitan ng piso at dolyar.
Pero barya lang ang taas-singil sa tubig dahil sa FCDA. Ipinahayag din ng Maynilad
ang mas malaking taas-singil na bunga naman ng pagkapanalo nito sa arbitrasyon
laban sa MWSS. Inanunsyo ng Maynilad ang abereyds na Php3.06 kada metriko
kubiko na pagtataas matapos paboran ng panel sa arbitrasyon ang hirit nitong
taas-singil.11 Maaalalang umapela ang Maynilad sa arbitrasyon ng International
Chamber of Commerce (ICC), na iskemang binuo rin ng pribatisasyon ng MWSS,
matapos iutos ng MWSS-Regulatory Office (MWSS-RO) na ibaba ang singil nito
nang Php0.29 kada metro kubiko. May nakasampa ring parehong apela ang Manila
Water pero wala pang inilalabas na desisyon kaugnay nito.
Direktang resulta ang pagtataas ng patuloy na promosyon ng rehimeng
Aquino ng programang PPP nito kabilang sa mga sektor na nagbibigay ng
9 Two more petitions filed vs. MRT, LRT fare hikes, GMA News Online, 6 Enero 2015, http://
www.gmanetwork.com/news/story/399531/economy/companies/two-more-petitions-filedvs-mrt-lrt-fare-hikes
10 Manila Water, Maynilad, to hike rates starting next month, InterAksyon.com, 19 Disyembre
2014, http://www.interaksyon.com/business/101500/manila-water-maynilad-to-hike-ratesstarting-next-month
11 Appeals panel rules in favor of hike in Maynilad rates, InterAksyon.com, 5 Enero 2015,
http://www.interaksyon.com/business/102367/appeals-panel-rules-in-favor-of-hike-inmaynilad-water-rates

IBON Praymer

Enero 2015

11

mga esensyal na serbisyo gaya ng pang-masang transportasyon at suplay


sa tubig. Pinatitingkad ng mga pagtataas na ito kung paanong inililipat ng
pamahalaan ang pagtupad sa mga obligasyon ng estado sa mga pribadong
korporasyon na ang tanging layunin ay tumubo. Pinatatampok din ng mga
pagtataas kung paanong pinahihirapan ng PPP ang mamamayan. Kapansinpansin din na ang mga korporasyong kumukontrol ngayon sa LRT at MRT
gayundin sa sektor ng tubig ay mula sa parehong mga malaking grupo sa
negosyo na malapit sa rehimeng Aquino gaya ng grupo nina Manuel V.
Pangilinan (MVP) at pamilyang Ayala at kanilang mga dayuhang partner.12
Sa likod ng mga pagtataas ng singil sa LRT/MRT at tubig ay prinsipyo ng pangekonomyang neoliberalismo na nagtuturong dapat ilipat ng estado ang kontrol
at papel nito sa mga gawain sa ekonomya mula sa publikong sektor papunta sa
pribadong sektor. Ipinatutupad ito sa pamamagitan ng pribatisasyon o paglipat
ng mga tungkulin at responsibilidad ng estado sa pribadong negosyo gaya ng
mga kasunduang PPP sa LRT/MRT at sektor ng tubig. Umaayon sa neoliberal
na PPP ang prinsipyo ng user-pays o ang ideyang dapat bayaran ng
konsyumer ang buong pang-ekonomyang halaga ng mga kalakal at serbisyong
kanilang kinukonsumo. Nangangahulugan din ito na ang mga direktang
gumagamit lamang ng serbisyo ang dapat magbayad sa halip na pagbahagibahaginin ang bigat nito sa isang sistema ng progresibong pagbubuwis
kunsaan mas malaki ang ibinibigay ng mga may kakayahang magbayad.
Pero ang totoo, pinagandang termino lamang ang user-pays sa pagabandona ng estado sa mga obligasyon nitong maghatid ng maaasahang
serbisyong panlipunan at pang-ekonomya sa mamamayan habang lumilikha
12 Hawak ang Maynilad ng grupo ni MVP na kilalang prente lamang sa Pilipinas ng Salim
empire mula sa Indonesia. Bukod sa grupong MVP/Salim, imbestor din sa Maynilad ang
DMCI ng pamilyang Consunji na malapit din sa pamilyang Aquino. Sa mga dayuhang
imbestor, nasa Maynilad ang mga lokal na yunit ng Marubeni, dambuhalang korporasyon
mula sa Japan, at Suez na mula sa France at isa sa mga pinakamalaking korporasyon
sa tubig sa buong mundo. Sa Manila Water naman, bukod sa Ayala, imbestor din ang
United Utilities ng UK, Mitsubishi Corp. ng Japan, mga fund managers mula sa US, UK at
Singapore, at maging ang International Finance Corp. (IFC) ng World Bank. Samantala,
magkasama ang grupong MVP at Ayala, kasama ang Macquaire na dambuhalang
investment firm mula sa Australia, sa Light Rail Manila Consortium (LRMC) na nakakuha ng
kontrata ng LRT 1. Sa MRT 3, may economic rights ang grupo ni MVP sa MRT Corp.

12

IBON Praymer

Enero 2015

ng paborableng kondisyon para tumubo ang malalaking negosyo. Itinayo ang


Light Rail Transit Authority (LRTA) at MWSS bilang mga government-owned
and controlled corporations (GOCCs) hindi para tumubo kundi para magbigay
ng serbisyo sa publiko, tiyakin ang disenteng pamumuhay ng mamamayan, at
mag-ambag sa pagsulong ng ekonomya. Ito ang dahilan kung bakit inaasahan
ang gobyerno na magpasulpot ng rekurso upang tustusan ang pangmasang
transportasyon, serbisyo sa tubig at iba pang mahahalagang imprastruktura.
Malalim na binabaluktot ng PPP ang ganitong oryentasyon at papel ng estado
gaya ng mga drastiko, regular at awtomatikong pagtataas ng user fees para
diumano ipakita ang buong halaga ng isang serbisyo, kasama na ang tubo ng
mga pribadong konsesyonaryo. Ganito ang naging takbo ng MWSS kunsaan
mula nang pumasok ito sa kasunduang PPP ay ipinapasa sa mga konsyumer
ang gastos hindi lamang sa pagbibigay ng serbisyo at garantisadong tubo
kundi maging ang buwis sa kita ng Maynilad at Manila Water, ang gastos
nila sa advertising, donasyon at iba pa. Ipinapasa rin ang kanilang pagkalugi
dahil sa implasyon at galaw ng palitan ng piso at dolyar (FCDA at Php1 kada
metro kubiko na currency exchange rate adjustment o CERA). Kaya hindi
nakapagtatakang lumobo nang husto ang singil sa tubig. Sa nakalipas na 17
taon ng PPP sa MWSS, lumaki ang taripa (basic charge at iba pang singilin)
ng Maynilad nang halos 559% habang nasa halos 859% naman sa Manila
Water. Hindi pa kasama rito ang malaking panibagong taas-singil ng Maynilad
na karagdagang Php3.06 kada metro kubiko sa basic charge, kunsaan inamin
nitong 65% ang mapupunta sa pambayad sa buwis sa kita ng kumpanya.13
Para naman sa taas-singil sa LRT at MRT, sinasabi ng gobyerno na para raw
ito bawasan ang napakalaking subsidyo na ibinibigay nito sa mga komyuter,
kunsaan nasa 90% ang ordinaryong manggagawa at empleyado, estudyante
o kaya naman ay wala at/o naghahahanap ng trabaho. Pero ipinapakita ng
mismong datos ng LRTA at DOTC na sobra pa ang kasalukuyang pasahe para
bayaran ang gastos sa operasyon at pagmamantina (O&M) ng LRT/MRT. Sa
kaso ng MRT, nasa 81% ng kabuuang gastos nito ang kumakatawan sa mga
pabigat na pampinansyang obligasyon ng gobyerno sa pinasok nitong PPP
sa MRT Corp., ang orihinal na konsesyonaryong nagtayo ng MRT, gaya ng
13 Maynilad: Bulk of rate hike to cover tax expenses, Philippine Daily Inquirer, 7 Enero 2015,
http://business.inquirer.net/184534/maynilad-bulk-of-rate-hike-to-cover-tax-expenses

IBON Praymer

Enero 2015

13

garantisadong tubo at mga eksempsyon sa pagbabayad ng buwis. Sa kaso


ng LRT 1, simula pa lamang ang taas-singil sa pasahe sa marami pang
pagtataas (na nakatakda at awtomatiko gaya ng sa MWSS) sa mga darating
na buwan at taon bunga ng pinasok ding kasunduang PPP ng rehimen
sa grupo nina MVP at Ayala kasama ang kumpanya sa pamumuhunan na
Macquaire mula sa Australia ang Light Rail Manila Consortium (LRMC).
Ngayong taon, naka-iskedyul ding pumasok sa PPP ang LRT 2.
Taliwas sa pampublikong interes, epektibong winawasak ng neoliberalismo ang
regulasyon ng estado sa mga negosyo, kabilang iyong mga pumapasok sa
kontrata ng PPP. Halimbawa nito ang Concession Agreement (CA) ng MWSS
sa Maynilad at Manila Water kunsaan maaaring hamunin at baligtarin ng mga
pribadong konsesyonaryo ang mga desisyon ng MWSS-RO sa pamamagitan
ng arbitrasyon gaya ng sa kaso ng Maynilad. Ipinaubaya ng gobyerno sa isang
panel na pinamumunuan ng dayuhang negosyo at walang pananagutan sa
publiko ang pagtatakda ng singil at iba pang usapin na nakakaapekto sa interes
ng mga konsyumer ng tubig. Sa CA naman ng DOTC sa LRMC, binigyan ng
rehimeng Aquino ang grupong MVP-Ayala ng proteksyon sa regulasyon sa
porma ng deficit payment scheme. Sa ilalim nito, babayaran ng gobyerno ang
mawawalang kita ng LRMC kung sakaling pahintuin o baligtarin ng korte o
sinumang ahensya ang pinagkasunduang taas-pasahe sa kontrata. Epektibo
nitong inaaalis ang kapangyarihan at mandato ng korte at mga ahensya sa
regulasyon upang proteksyunan ang tubo ng pribadong konsesyonaryo.
Makikita ang masigasig na pagtataguyod ng rehimeng Aquino sa PPP
sa ipinasa nitong pambansang badyet para sa 2015. Tinatayang aabot
sa Php57.2 bilyon ng pondong publiko ang inilaan ng gobyerno para
garantiyahan ang tubo ng mga imbestor na lalahok sa programang PPP,
patuloy na bayaran ang pabigat na kontrata sa MRT, at pabilisin ang
implementasyon ng mga bagong proyekto sa ilalim ng PPP. Kabilang dito
ang Php30 bilyon na Risk Management Program (RMP) para pangasiwaan
ang fiscal risks ng pambansang gobyerno at pataasin ang kredibilidad
ng bansa sa mga potensyal na imbestor sa PPP; Php10.9 bilyon para sa
mga proyektong pang-imprastruktura ng Department of Public Works and
Highways (DPWH); Php7.4 bilyon para suportahan ang ekstensyon ng LRT
1 at 2 ng LRTA; Php4.7 bilyon para pambayad sa mga pampinansyang
obligasyon ng gobyerno sa MRT; Php2.7 bilyon para sa mga proyektong

14

IBON Praymer

Enero 2015

pang-transportasyon ng DOTC; at Php1.6 bilyon para sa PPP for School


Building projects ng Department of Education (DepEd).
Ginagamit ng rehimeng Aquino ang pondo ng taumbayan para sa pribadong
tubo ng mga pinapaborang negosyo na nasa PPP. Ang Php30-bilyon na
RMP, halimbawa, ay gagamitin para sa mga obligasyon ng gobyerno sa mga
pinapasok na kontrata sa PPP gaya ng pagpasan sa mga utang at iba pang
pampinansyang obligasyon na may kinalaman sa isang proyektong PPP o
ang tinatawag na performance undertaking. Isa sa mga may performance
undertaking ng pamahalaan ay ang Php62.7 bilyon na MRT 7 na proyekto
ng San Miguel Corp. (SMC) ng tiyuhin ng Pangulo na si Danding Cojuangco.
Kasama rin sa RMP ang pampinansyang obligasyon dahil sa regulatory risks
gaya ng LRT 1 nina MVP at Ayala.
Gayundin sa mga proyektong pang-imprastruktura ng DPWH, DOTC at
DepEd na karamihan ay nakuha na o kaya naman ay pinag-aagawan pa ng
pinakamalalaking burgesya kumprador at katuwang nilang mga dayuhan. Sa
pambansang badyet, ang Php10.9 bilyon na alokasyon sa PPP ng DPWH ay
partikular na nakatuon para sa Php15.52 bilyon na Ninoy Aquino International
Airport (NAIA) Expressway Project at Php18.1 bilyon na Tarlac-Pangasinan-La
Union Toll Expressway (TPLEX) Project na kapwa nakuha na ng SMC at ang
Php2.01 bilyon na Daang Hari South Luzon Expressway (SLEX) Link Road
Project ng mga Ayala. Nakalaan naman ang Php2.7 bilyon na alokasyon sa PPP
ng DOTC para sa gastos sa right of way (ROW) ng Php2.5 bilyon na Integrated
Transport System (ITS) na pinag-aagawan ng SMC, MVP, Ayala at Henry Sy. Ang
Php1.6 bilyon na para sa PPP ng DepEd ay pangunahin namang pakikinabangan
ng Megawide Corp. ni Henry Sy. Ang planong paggastos ng gobyerno para sa
LRT/MRT na aabot sa Php11.1 bilyon sa 2015 maliban pa sa taas-pasahe ay
pabor naman sa grupong Ayala-MVP.
Hindi lamang sa pambansang badyet ang pabor na ibinibigay ng rehimeng Aquino
sa mga burgesya kumprador at dayuhang imbestor. Gaya ng makikita sa kontrata
ng MWSS, LRT 1 at MRT 3, samut saring benepisyo na pabigat sa taumbayan
ang ibinibigay ng pamahalaan sa mga dayuhang negosyo. Makikita rin ito sa iba
pang proyektong PPP ni Aquino. Sa kaso ng Php17.2 bilyon na Mactan Cebu
International Airport, ang pangalawang may pinakamataas na bolyum ng air
traffic sa bansa pagkatapos ng NAIA, halimbawa, nagbigay ang rehimen ng mga

IBON Praymer

Enero 2015

15

pampatamis pa sa kontrata gaya ng 25-taong pagbabawal sa konstruksyon ng


ibang paliparan at mga kaugnay na negosyo sa Mactan at Cebu. Mayroon ding
25-taong pagbabawal sa pagtatayo ng kukumpetensyang paradahan ng mga
sasakyan at mga hotel sa loob ng 500-metrong radius ng proyekto. Sa madaling
salita, isang malaking monopolyo ang ibinigay ng gobyerno sa grupo nina Henry
Sy (Megawide) at katuwang nitong GMR na imbestor mula sa India.
Determinado ang rehimeng Aquino na ipatupad ang pinakaraming proyekto sa
PPP na makakaya nitong gawin bago matapos ang termino ng Pangulo. Sa
nakaraang State of the Nation Address (SONA) nito noong Hulyo 2014, muling
binigyang-diin ni Aquino ang mga proyektong pang-imprastruktura sa ilalim ng
PPP. Kabilang sa mga prayoridad nito sa nalalabing isat kalahating taon ang
pinakamalalaki at kontrobersyal na mga proyektong PPP gaya ng Php150bilyong Laguna Lakeshore Expressway Dike, Php18.72-bilyong Kaliwa Dam,
at Clark Green City na pawang pinangangambahan dahil sa matinding epekto
sa mga tatamaang komunidad ng mga magsasaka, mangingisda, katutubo, at
sa masamang epekto sa kalikasan.
Minamadali na nito at ginagawang mas kaakit-akit ang mga natitirang proyekto
sa PPP. Sa kaso ng mga paliparan, halimbawa, napipinto ang monopolyo
ng mga pribadong konsesyonaryo sa iskemang bundling o pakyawan ng
mga paliparan. Ayon sa DOTC, plano nitong i-bid bilang isang kontrata ang
Davao International Airport (Php40.6 bilyon), Iloilo (Php30.4 bilyon) at Puerto
Princesa (Php5.8 bilyon); at isa pang bundle ang Bacolod-Silay (Php20.3
bilyon), Laguindingan (Php14.6 bilyon) at New Bohol/Panglao (Php4.6
bilyon).14 Samantala, maging ang ibang tungkulin ng gobyerno ay plano
ring ilipat sa pribadong negosyo gaya ng pamamahala sa mga bilangguan.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), planong i-bid ngayong taon bilang
proyektong PPP ang pagtatayo, operasyon at pagmamantina ng isang Php50bilyon pasilidad-bilangguan sa Laur, Nueva Ecija na pamamahalaan ng isang
pribadong konsesyonaryo upang palitan ang National Bilibid Prison (NBP).15
14 DOTC rolls out P116.2-B bundled contract for 6 airports, Philstar, 16 Disyembre 2014,
http://www.philstar.com/business/2014/12/16/1403025/dotc-rolls-out-p116.2-b-bundledcontract-6-airports
15 New P50-B prison to rise in Nueva Ecija, Philippine Daily Inquirer, 13 Disyembre 2014,
http://newsinfo.inquirer.net/656899/new-p50-b-prison-to-rise-in-nueva-ecija

16

IBON Praymer

Enero 2015

Ano na ang pagtingin ng mamamayan sa


pamamahala ng rehimeng Aquino?

Marami ang napaniwala noon ni Aquino sa kanyang islogan ng daang matuwid


at pangako ng pagbabago. Madaling tinanggap ng sambayanang halos isang
dekadang dumanas ng matinding pagpapahirap at laganap na katiwalian sa
ilalim ng rehimeng Arroyo ang imahe ni Aquino bilang diumano tagapagsulong
ng mga reporma. Bunga ito ng aktibong promosyon at suporta kay Aquino ng
malalaking negosyo, kabilang ang masmidya, at ng imperyalismong US.
Pero ganap nang nabasag ang ilusyon na agresibong ibinenta ng paksyong
Aquino at ng mga tagapagtaguyod nito. Sa kabila ito ng walang humpay
na propaganda ng Malacaang ng diumano umuunlad na ekonomya at
kampanyang kontra-korupsyon. Indikasyon ang lumalawak na diskontento
ng mamamayan ng ganap na pagkalantad ng rehimeng Aquino at ng
mapanlinlang nitong propaganda ng pagbabago.
Sa pinakahuling sarbey ng IBON noong Oktubre 2014, nasa negatibong
25.2% ang net satisfaction ng mamamayan sa paggampan ni Aquino bilang
Pangulo sa nagdaang tatlong buwan. Nasa 53.8% ng mga sinarbey ang
nagsabing hindi sila nasisiyahan sa paggampan ni Aquino habang nasa 28.6%
lamang ang nagsabing nasisiyahan sila.
Sa hiwalay na sarbey pa rin ng IBON sa pulso ng publiko sa paggampan ni
Aquino sa nakalipas na tatlong taon, nasa negatibong 10.9% ang itinalang
net satisfaction nito noong Abril 2014. Mas mababa ito sa 9.3% noong Enero
2014 at sa 4.1% noong Oktubre 2013. Hindi maikakaila ang padausdos na
popularidad ni Aquino at ng kanyang pamahalaan.
Itinutulak ang pagkalantad ng rehimeng Aquino ng kabiguan nitong tugunan
ang ibat ibang isyu ng mamamayan lalo sa usapin ng kabuhayan ng mga
manggagawa at magsasaka habang itinataguyod naman ang interes ng
malalaking kapitalista at panginoong maylupa.
Nananatiling mababa ang arawang minimum na sahod ng mga manggagawa at
patuloy itong iniiwanan ng mas mabilis na pagtaas ng halaga ng pamumuhay.

IBON Praymer

Enero 2015

17

Sa National Capital Region (NCR), halimbawa, tumaas lamang ang minimum


na sahod nang Php84 sa pagitan ng Disyembre 2010 at Disyembre 2014.
Katumbas lamang ito ng wala pang Php16 kung isasama ang epekto ng
implasyon o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at
serbisyo sa parehong panahon. Malayo rin ito sa inilaki ng tayang arawang
gastos ng isang pamilya sa NCR (batay sa family living wage o FLW16) na
umabot sa halos Php102. Nitong Disyembre 2014, nasa halos Php1,077
na ang tayang gastos ng isang pamilya sa NCR, lampas doble ng arawang
minimum na sahod sa rehiyon na nasa Php466 lamang.
Pero paulit-ulit na ibinabasura ng rehimeng Aquino ang panawagan ng mga
manggagawa sa makabuluhang pagtataas ng sahod. Pinakahuli rito ang
pag-gigiit ng militanteng kilusang paggawa sa Php16,000 kada buwan na
pambansang minimum na sahod.17 Sa halip na tugunan, nagpapatupad pa
ang rehimen ng mga bagong iskema para lalong paliitin ang sahod ng mga
manggagawa at protektahan ang interes ng mga kapitalista.
Pinasimunuan ng administrasyong Aquino, halimbawa, ang iskemang
dalawang-baitang na pasahod o ang two-tiered wage system kunsaan ang
sahod ay binubuo ng floor wage, na nakapako at papalit sa minimum
na sahod, at ng sahod na nakabatay sa produktibidad ng manggagawa.
Itatakda ng kapitalista kung gayon kung madaragdagan ang floor wage
batay sa sariling pagtuos nito sa produktibidad ng manggagawa at inaalis
ang obligasyon ng gobyerno na itakda ang pagtataas ng sahod ayon sa
pangangailangan ng disenteng pamumuhay.
Sa buong bansa, nakapako ang abereyds na kita sa lahat ng industriya sa
mas mababa sa Php366 kada araw noong Abril 2014, batay sa datos ng
Bureau of Labor and Employment Statistics (BLES). Ang mga sahurang
manggagawa sa mga pribadong empresa ay sumasahod lamang nang mas
mababa sa Php341 kada araw.
16 Ang FLW ay orihinal na kalkulasyon ng National Wages and Productivity Commission
(NWPC) na huli nilang opisyal na inilabas noong Setyembre 2008 na nasa Php917. Batay
dito, tinataya ng IBON ang FLW sa pamamagitan ng pagsama sa epekto ng implasyon.
17 All workers unity launches P16,000 National Minimum Wage fight, Kilusang Mayo Uno,
28 Oktubre 2014, http://www.kilusangmayouno.org/news/2014/10/all-workers-unitylaunches-p16000-national-minimum-wage-fight

18

IBON Praymer

Enero 2015

Samantala, lumiliit pa nga ang dati nang maliit na kita ng mga magsasaka at
mangingisda na nasa mas mababa sa Php247 kada araw nitong Abril 2014
mula sa abereyds na halos Php328 noong 2012 at halos Php293 noong
2013, ayon pa rin sa datos ng BLES. Ibayong tumitindi ang kahirapan ng mga
nasa sektor ng agrikultura bunga ng kawalan ng programa para sa tunay na
repormang agraryo sa ilalim ng rehimeng pinamumunuan ng Pangulong mula
sa angkan ng isa sa pinakamalalaking panginoong maylupa sa bansa.
Sa lampas 25 taong pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program
(CARP), kabilang na ang limang taong pagpapalawig nito, nananatili pa ring
malaki ang balanse ng land acquisition and distribution (LAD). Tinatayang nasa
890,671 ektarya pa rin ang balanse sa LAD kunsaan ang pinakamalaking bahagi
ay mga pribadong lupaing agrikultural. Kabilang dito ang malalaking asyenda sa
asukal na kontrolado ng mga pamilya ng malalaking panginoong maylupa kagaya
ng 6,000-ektaryang Hacienda Luisita ng pamilyang Cojuangco-Aquino sa Tarlac;
7,183-ektaryang Hacienda Roxas sa Batangas; 16,000-ektaryang Hacienda
Reyes sa lalawigan ng Quezon; at gayundin ang mga asyenda sa niyog na
umaabot sa may 5,000 ektarya at kinukontrol ng mga Tan, Uy at Cojuangco.18
Bumubuo ang mga asyendang pinagtataniman ng asukal at niyog sa halos
kalahating milyong ektarya ng lupaing agrikultural na dapat na naipamahagi
na sa mga magsasaka sa pamamagitan ng compulsory acquisition (CA).
Pero hindi naglalabas ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng notice of
coverage (NOC) para sa mga nasabing lupain na indikasyon ng impluwensya
at kapangyarihan ng mga panginoong maylupa at malalaking pribadong
korporasyon.
Sa pag-aaral ng IBON, lumalabas na isa ang rehimeng Aquino sa may
pinakamababa o pinakamabagal sa pamamahagi ng lupa. Siyam sa sampung
magsasaka na dapat ay benepisyaryo (ng pamamahagi ng lupa) ang walang
sariling lupang sinasaka habang nasa tatlo naman sa apat na magsasaka ang
hindi kayang magbayad sa lupa dahil hindi ito libre sa ilalim ng CARP.19
18 Large hectares of still undistributed land shows failure of CARP, IBON Foundation,
30 Hunyo 2014, http://ibon.org/ibon_articles.php?id=411
19 Kawalang hustisya sa mga magsasaka, lumalala sa ilalim ni Aquino, Pinoy Weekly,
22 Oktubre 2014, http://pinoyweekly.org/new/2014/10/kawalang-hustisya-sa-mgamagsasaka-nagpapatuloy-sa-ilalim-ni-aquino/

IBON Praymer

Enero 2015

19

Ano ang mga maniobra ng rehimeng Aquino


upang makapanatili sa kapangyarihan?

Sa kasagsagan ng iskandalo sa pork barrel at DAP noong unang bahagi


pa lang ng 2014, sinimulan na ng ilang matataas na opisyal ng LP ang
atake at paghihiwalay kay Bise Presidente Jejomar Binay na matagal nang
nagdeklarang kakandidato sa halalang pampanguluhan sa 2016. Bago
pa ang mga kaso ng pandarambong sa Ombudsman at imbestigasyon sa
Senado, nauna nang ipinanawagan ni Rep. Edgar Erice (Caloocan) ng LP
ang pagbibitiw ni Binay sa Gabinete ni Aquino. Ayon sa kanya, hindi naman
daw tunay na alyado ng Pangulo si Binay dahil sa mga pambabatikos nito
sa LP at Palasyo.20 Bilang nangungunang kandidato sa pagkapangulo,
malaking banta si Binay sa LP lalo at nagagamit nito upang magpabango
sa mga botante ang rekurso ng kanyang upisina at pusisyon bilang
tagapangulo ng Housing and Urban Development Coordinating Council
(HUDCC), pinuno ng Task Force OFW at tagapayo ng Pangulo sa mga
usaping OFW.
Pagpasok ng ikalawang hati ng taon, higit na naging matindi at direkta na ang
atake kay Binay. Sinampahan ito, kasama ang anak na si Mayor Junjun Binay
ng Makati, ng kasong pandarambong sa Ombudsman noong Hunyo 2014
kaugnay sa diumano overpricing ng Php1.56-bilyong New Makati City Parking
Building. Isinampa ito ni Renato Bondal na talunang kandidato sa pagkaalkalde sa Makati noong 2013.21 Bago matapos ang taon, sinundan ito ng
isa pang kaso ng pandarambong na isinampa rin ni Bondal sa Ombudsman
kaugnay naman sa diumanoy overpricing ng Php1.3-bilyong gusali ng Makati
Science High School.22

20 Aquino ally to Binay: resign from Cabinet, Philippine Daily Inquirer, 11 Hunyo 2014,
http://newsinfo.inquirer.net/610302/aquino-ally-to-binay-resign-from-cabinet
21 VP Binay, son face plunder raps for alleged overpriced building construction, GMA News
Online, 22 Hulyo 2014, http://www.gmanetwork.com/news/story/371448/news/nation/
vp-binay-son-face-plunder-raps-for-alleged-overpriced-building-construction
22 2nd plunder, graft raps filed vs Binay, Sun Star, 16 Disyembre 2014, http://www.sunstar.
com.ph/breaking-news/2014/12/16/2nd-plunder-graft-raps-filed-vs-binay-382273

20

IBON Praymer

Enero 2015

Kasabay ng mga kaso sa Ombudsman ang mga pagdinig sa Senado na


pinangungunahan ng mga alyado ng rehimen, partikular ang Nacionalista Party
(NP).23 Sa pamamagitan ng isinampang resolusyon ni Sen. Antonio Trillanes IV
noong Agosto 2014, sinimulan ng sub-committee ng Blue Ribbon Committee ng
Senado ang imbestigasyon sa parking building ng Makati City hall.24 Katuwang
si Sen. Alan Peter Cayetano, pinalawig pa ni Trillanes ang imbestigasyon kay
Binay at sa pamamagitan ni Ernesto Mercado, dating alyado at bise alkalde ni
Binay sa Makati, ibinunyag ang diumano Hacienda Binay, isang 350-ektaryang
lupain sa Rosario, Batangas na inaakusang pag-aari rin ng Bise Presidente.25
Bago isinampa sa Ombudsman, naging tuon din ng imbestigasyon sa Senado
ang Makati Science High School.
Mukhang mahaba-haba pa ang itatagal ng imbestigasyon ng Senado sa mga
akusasyon ng katiwalian laban kay Binay. Ayon kay Trillanes, nakaamba na ang
panibagong yugto ng imbestigasyon na nakatuon naman sa mga kontrata sa
pabahay sa ilalim ni Binay bilang tagapangulo ng HUDCC.26
Ayon sa United Nationalist Alliance (UNA) ni Binay, diumano ginastusan at
pinagplanuhang operasyon ng LP, partikular ng grupo ni Mar Roxas, ang
paninira laban sa Bise Presidente na tinatawag na Oplan Stop Nognog.
Layunin daw nitong siraan si Binay at hilahing pababa ang popularidad nito
upang makahabol si Roxas na nahuhuli sa mga sarbey para sa halalang

23 Pawang mga myembro ng NP ang mga prominenteng pulitikong nangunguna sa pagsampa


ng kaso sa Ombudsman at imbestigasyon sa Senado laban kay Binay tulad nina Sen. Antonio
Trillanes IV at Sen. Alan Peter Cayetano, at ang mga testigong sina dating Makati vice mayor
Ernesto Mercado at Renato Bondal.
24 Senate panel to probe alleged overpricing in Makati City Hall parking building, GMA News
Online, 11 Agosto 2014, http://www.gmanetwork.com/news/story/374324/news/nation/
senate-panel-to-probe-alleged-overpricing-in-makati-city-hall-parking-building
25 Binays P1.2B estate behind overpricing, Philippine Daily Inquirer, 9 Oktubre 2014,
http://newsinfo.inquirer.net/643566/hacienda-binayconstruction-led-to-cost-padding-inmakati-bldg-projects
26 Next episode on Binay teleserye: Housing deals, Philippine Daily Inquirer, 6 Enero 2014,
http://newsinfo.inquirer.net/662463/next-episode-on-binay-teleserye-housing-deals

IBON Praymer

Enero 2015

21

2016.27 Direkta ring iniugnay ni Binay si Roxas sa Oplan Stop Nognog


kasama ang Tagapangulo ng Senado na si Franklin Drilon kapwa mga
mataas na opisyal ng LP. Ipinagamit diumano ng negosyanteng si Salvador
Buddy Zamora II, isa sa mga tagapondo ni Roxas, ang helikopter nito
kay Mercado sa pagkuha ng mga litrato ng inaakusang Hacienda Binay.
Ginamit ang mga naturang larawan sa imbestigasyon ng Senado at
ipinalaganap sa masmidya.28
Maliwanag ang paggamit ng rehimen sa buong makinarya ng estado
para durugin si Binay sa mata ng publiko at gipitin ang mga kaalyado
nito. Sinampahan, halimbawa, ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng
kasong hindi pagbabayad ng Php39-milyong buwis ang negosyanteng
si James Tiu at asawa nito na kabilang sa mga tumustos sa kampanya
ni Binay noong 2010. Si James Tiu rin ay kapatid ni Antonio Tiu, isa ring
negosyante na pinagbibintangan naman nina Trillanes na tau-tauhan ni
Binay at nagpapanggap daw na may-ari ng Hacienda Binay.29 At kahit
pa may nakasampa nang kaso sa Ombudsman at gumugulong pa rin
ang imbestigasyon sa Senado, naglunsad pa rin ng isa pang hiwalay na
imbestigasyon kay Binay ang Department of Justice (DOJ).30 Nagbanta ang
naturang ahensya na maaaring sampahan ng kasong kriminal ang Bise
Presidente dahil wala itong immunity na katulad ng Pangulo.31

27 Oplan Stop Nognog: UNA exec says Mar Roxas behind anti-Binay plot, InterAksyon.com,
13 Oktubre 2014, http://www.interaksyon.com/article/97188/una-exec-bares-oplan-stopnognog-links-mar-roxas-to-plot-trillanes-calls-claim-absurd
28 Binay names Drilon, Roxas as Oplan Stop Nognog in 2016 brains, Manila Bulletin,
22 Oktubre 2014, http://www.mb.com.ph/binay-names-drilon-roxas-as-oplan-stopnognog-in-2016-brains/
29 BIR goes after Binay campaign donors, Manila Bulletin, 4 Disyembre 2014,
http://www.mb.com.ph/bir-goes-after-binay-campaign-donors/
30 Its official: DOJ probes Binay on Senate request, INQUIRER.net, 10 Oktubre 2014,
https://ph.news.yahoo.com/doj-binay-not-immune-criminal-000000431.html
31 DOJ: Binay not immune from criminal suit, The Philippine Star, 14 Oktubre 2014,
https://ph.news.yahoo.com/doj-binay-not-immune-criminal-000000431.html

22

IBON Praymer

Enero 2015

Bago si Binay, inuna nang trabahuhin ng rehimen ang iba pang posibleng
malakas na katunggali nito sa 2016 gaya nina Sen. Jinggoy Estrada
at Sen. Bong Revilla, na kapwa inimbestigahan din ng Blue Ribbon
Committee ng Senado at sinampahan ng kasong pandarambong sa
Ombudsman, kasama ang dating tagapangulo ng Senado na si Sen. Juan
Ponce Enrile. Kaugnay ang mga naturang kaso sa iskandalo ng pork barrel
ng negosyanteng si Janet Lim Napoles. Inakyat na ito ng Ombudsman
sa Sandiganbayan na inaasahang sisimulan ang pormal na pagdinig
sa Pebrero at Marso 2015.32 Halos isang taon na lamang ito bago ang
halalang 2016 na naglalagay sa alanganin sa planong kandidatura nina
Estrada at Revilla.
Maaaring may katotohanan ang mga bintang ng katiwalian kina Binay,
Estrada, Revilla at iba pa. Sa sistema ng burukrata kapitalismo sa bansa,
lubhang talamak at bahagi na ang overpricing, tong-pats at iba pang
sinasabing SOP sa mga proyekto ng gobyerno. Dapat silang managot
sa paglustay sa kabang bayan. Gayunman, malabnaw ang kampanya ng
administrasyon at mga kaalyado nito dahil halatang itinutulak lamang ito ng
pansariling pampulitikang adyenda sa halip na totoong pagpapanagot sa
mga tiwali at pagsusulong ng mga tunay na reporma sa pamamahala.
Katunayan, habang agresibo ang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso
kina Binay at iba pa, halos ayaw namang galawin ng rehimen ang mga
opisyal na malapit dito at sangkot din sa mga anomalya. Halimbawa nito si
Director General Alan Purisima, Hepe ng Philippine National Police (PNP)
at malaon nang malapit sa pamilyang Aquino bilang opisyal ng Presidential
Security Group (PSG) noong termino ng dating Pangulong Corazon Aquino.
Sa kabila ng patung-patong na kontrobersya at kasong kinasasangkutan nito
gaya ng maanomalyang kontrata ng PNP sa isang courier service; tagong
yaman kasama ang kontrobersyal na magarbong bahay-pahingahan sa
San Leonardo, Nueva Ecija; at kwestyonableng pagpapaganda sa kanyang
opisina sa Camp Crame, binalewala ni Aquino ang mga panawagang alisin
na sa pwesto si Purisima. Kinailangan pang suspendihin ito ng Ombudsman
32 Yearender: Lawmakers, lawbreakers? Sandigan makes waves, The Philippine Star,
18 Disyembre 2014, http://www.philstar.com/headlines/2014/12/18/1403944/yearenderlawmakers-lawbreakers-sandigan-makes-waves

IBON Praymer

Enero 2015

23

para pansamantalang maalis sa kapangyarihan habang sumasailalim sa


imbestigasyon.33
Samantala, tila pinagbigyan lang din ang mga kritiko sa ginawang
imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee ng Senado kay Drilon sa
isyu naman ng overpricing ng Iloilo Convention Center (ICC). Taliwas sa
agresibong kondukta sa imbestigasyon kay Binay, naging malambot ang
Blue Ribbon Committee sa imbestigasyon nito sa ICC, na pinondohan ng
DAP sa pamamagitan ni Drilon. Pinalabas pang walang ebidensya laban
kay Drilon. Matapos iprisinta ng nag-aakusa sa Tagapangulo ng Senado ang
dokumentong diumano nagpapatunay ng overpricing ang deed of donation
ng kumpanyang Megaworld na nagsasaad na Php200 milyon lang ang halaga
ng proyekto34 at hindi Php700 milyon hindi na muling nasundan pa ang
pagdinig kaugnay sa kontrobersya.
Pagpapatuloy lamang ang mga ito sa hindi pagpapanagot at pagtatakip pa
nga ng administrasyon sa mga kapartido at kaalyado nitong nasasangkot din
sa iskandalong pork barrel.35
Habang sistematikong pinahihina ng rehimen ang mga kalaban nito sa
pulitika, nagmamaniobra naman ito upang palakasin ang sariling hanay
at paghandaan ang tunggalian sa halalang 2016. Hindi biro ang war
33 Ombudsman orders suspension of PNP Chief Purisima over anomalous PNP contract,
GMA News Online, 4 Disyembre 2014, http://www.gmanetwork.com/news/story/390970/
news/nation/ombudsman-orders-suspension-of-pnp-chief-purisima-over-anomalous-pnpcontract
34 Drilon accuser returns with records to prove overpricing of ICC, INQUIRER.net,
3 Disyembre 2014, http://newsinfo.inquirer.net/654381/drilon-accuser-returns-to-senatewith-documents-to-prove-overpricing-of-icc
35 Ayon sa mismong pag-aaral ng Commission on Audit (COA), sangkot din sa iskandalo
ang mga kasapi ng LP at kanilang mga alyado tulad nina Edgardo Angara, Ruffy Biazon,
Neptali Gonzales II, Niel Tupas Jr., Kalihim Proceso Alcala ng Department of Agriculture
(DA), Kalihim Butch Abad ng Department of Budget and Management (DBM), at Direktor
Joel Villanueva ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Sa
testimonya ni Janet Napoles, idinawit nito si Abad bilang siyang nagturo sa kanya sa
pasikot-sikot ng pork barrel.

24

IBON Praymer

Enero 2015

chest ng rehimen para sa halalan gamit ang rekurso ng bayan. Idinisenyo


nito ang Php2.6-trilyong pambansang badyet sa 2015 upang magamit ng
administrasyon sa pagpapapogi ng ipinagpapalagay na kandidato nitong
si Mar Roxas at gayundin sa pagbili sa suporta ng mga lokal na yunit ng
pamahalaan (LGUs), kabilang ang mga barangay, na susi sa matagumpay
na kampanya sa halalang pampanguluhan. Ginawa ito ng rehimeng
Aquino sa pamamagitan ng pagpapanatili ng pork barrel ng Presidente
(o bilyun-bilyong pondong lump sum at diskresyonaryo) sa pambansang
badyet. Binago rin nito ang kahulugan ng savings para mas madaling marealign ang pondong bayan para sa pansariling pampulitikang interes ng
administrasyon.
Pinalobo nang husto ng administrasyon ang badyet para sa LGUs kunsaan
maraming proyekto at programa ang direktang hahawakan ni Roxas bilang
Kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG). Umakyat,
halimbawa, nang 80% ang alokasyong lump sum para sa LGUs mula sa
Php17.3 bilyon sa badyet ng 2014 tungo sa Php31.1 bilyon para sa badyet
sa 2015. Kabilang dito ang Php27.9-bilyon na Special Shares in Proceeds of
National Taxes para sa LGUs at Php3-bilyon na Local Government Support
Fund (LGSF). Nasa LGSF ang Php2.8 bilyon na ipamumudmod ng Department
of Budget and Management (DBM) sa mga LGU sa ilalim ng kontrobersyal na
Grassroots Participatory Budgeting (GPB). Ang natitirang Php200 milyon ng
LGSF ay lump sum din na nakatuon sa ibat ibang programa at proyekto na
direkta namang hawak ng DILG. Maliban pa ito sa Php5.8 bilyon o 28% ng
kabuuang Php20.9-bilyong GPB na direkta ring hawak ni Roxas.
Bulnerable sa iregularidad ang GPB na maaaring magamit katulad ng
pork barrel at DAP dahil maliban sa pagiging lump sum appropriation nito,
binibigyang awtoridad din ang mga LGU na kanselahin at palitan ang ilang mga
programa at proyektong pinupondohan sa ilalim ng nasabing iskema. Alinsunod
sa National Budget Memorandum Blg. 21 ng DBM, maaaring palitan ang
orihinal na proyekto ng GPB kung hindi na ito posibleng maipatupad batay sa
pagtaya ng LGU at konsultasyon sa DBM, o kung tinustustusan na ang proyekto
ng ibang pondo ng pamahalaan.
Sa pangkalahatan, tinatayang aabot sa Php875.5 bilyon o sangkatlo ng
P2.6-trilyong pambasang badyet sa 2015 ang maituturing na pork barrel ni

IBON Praymer

Enero 2015

25

Aquino. Kabilang dito ang Php179.8 bilyon na Off-budget Accounts gaya


ng pondong Malampaya (Php148.3 bilyon), kontribusyon ng PAGCOR sa
opisina ng Pangulo (Php14 bilyon), PCSO (Php5.4 bilyon), at Motor Vehicle
Users Charge (Php12 bilyon); Php441.2 bilyon na mga pondong lump
sum gaya ng Special Purpose Funds (Php214.6 bilyon), Unprogrammed
Funds (Php123.1 bilyon), at Automatic Appropriations (Php103.5 bilyon);
at Php254.6 bilyon na mga dating pork barrel sa ibat ibang ahensya ng
gobyerno gaya ng conditional cash transfer (CCT), Payapa at Masaganang
Pamayanan (PAMANA), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth),
GPB, mga proyekto laban sa pagbabaha, at iba pa.36
Iniuugnay din sa halalang 2016 ang pakana ng rehimeng Aquino na
emergency powers para raw tugunan ang sinasabi nitong kakapusan sa
suplay ng kuryente sa panahon ng tag-init sa 2015. Isa sa mga laman ng
emergency powers ang paggamit sa pondo ng Malampaya na hindi diumano
mapapakialaman ni Aquino kung wala itong ispesyal na kapangyarihan
mula sa Kongreso. Isinasaad ng House Joint Resolution (HJR) Blg. 21 na
inaprubahan na ng HoR noong Disyembre 2014, na kukunin daw sa pondo
ng Malampaya ang ipambabayad sa mga lalahok sa Interruptible Load
Program (ILP) ng gobyerno kunsaan kukunin ang pandagdag na kapasidad
sa kuryente.37
Ipinipilit ng administrasyon ang emergency powers kahit pa nabigo itong
patunayan ang pangangailangan dito. Halimbawa, matagal nang programa
ang ILP na dati nang ginagawa sa Visayas at Mindanao nang hindi
nangangailangan ng dagdag na kapangyarihan ng Pangulo.38

36 Interpellation for Office of the President budget, PowerPoint presentation, Bayan Muna,
Oktubre 2014
37 House Oks emergency powers for Aquino, GMA News Online, 10 Disyembre 2014,
http://www.gmanetwork.com/news/story/391997/economy/business/house-oksemergency-powers-for-aquino; Emergency powers ni Noy kasangkapan sa 2016 polls?
Journal Online, 20 Nobyembre 2014, http://www.journal.com.ph/editorial/opinion/
emergency-powers-ni-noy-kasangkapan-sa-2016-polls
38 Emergency powers not needed for ILP, will only benefit big business, IBON Foundation,
21 Nobyembre 2014, http://www.ibon.org/ibon_articles.php?id=442

26

IBON Praymer

Enero 2015

Samantala, sa kainitan ng diskusyon sa pork barrel at DAP at desisyon ng


SC na ibasura ang mga ito, pinalutang ni Aquino ang posibilidad na bukas
sya na manatili sa kapangyarihan lampas sa 2016 at palawakin pa ang
kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagbabago sa Saligang Batas.39
Sinubukan ni Aquino ang reaksyon ng publiko kung kakagatin ito lalo at
nayayanig ang kanyang rehimen bunga ng iskandalo sa pork barrel at DAP
habang mahina ang pambato ng LP na si Roxas sa halalang 2016. Pero dahil
sa mabilis at malakas na pagtutol dito ng taumbayan, agad ding binawi ng
Malacaang ang pahayag ng Pangulo at wala raw itong plano na ipatupad ang
Cha-cha sa natitirang panahon ng kanyang termino.40

Paano at bakit pinananatili at pinatitindi


ng administrasyon ang panghihimasok
ng US sa Pilipinas?

Tuluy-tuloy ang pagpapalalim ng rehimeng Aquino ng relasyong malakolonyal


sa pagitan ng US at Pilipinas. Noong isang taon nang bumisita si Barack
Obama sa bansa, ipinampasalubong ng rehimen ang Enhanced Defense
Cooperation Agreement (EDCA), isang kasunduan kunsaan pinapayagan ng
Pilipinas ang tropang Amerikano na magtayo ng kanilang mga pasilidad o
ang tinatawag na Agreed Locations sa mga base militar ng AFP, at magimbak dito ng kanilang mga kagamitang pandigma. Kahit pa sinasabi ng
rehimeng Aquino na hindi ito mga permanenteng base militar, lumalabas sa
mga probisyon ng EDCA na maituturing na gayon nga ang sinasabing Agreed
Locations. Ang mga maniobra ng US para palawakin ang presensyang militar
nito sa Pilipinas at rehiyon ay bunsod ng istratehiya nitong pagpihit sa Asya
Pasipiko upang palibutan at pigilin ang paglakas ng China bilang katunggali sa
militar at ekonomya.

39 President Aquino says he is open to Cha-cha, 2nd term, and a weaker SC, InterAksyon.com,
13 Agosto 2014, http://www.interaksyon.com/article/93241/video-news5-exclusive-president-aquino-says-he-is-open-to-cha-cha-2nd-term-and-a-weaker-sc
40 Aquino wont push Charter change during his term Palace spokesperson, Philippine Daily
Inquirer, 16 Agosto 2014, http://newsinfo.inquirer.net/629674/aquino-wont-push-charterchange-during-his-term-palace-spokesperson

IBON Praymer

Enero 2015

27

Kasalukuyang pinag-uusapan ng dalawang bansa kung paano ipatutupad ang


EDCA na agad kinwestyon ng ibat ibang grupo sa SC ang pagiging naaayon
sa Saligang Batas ng Pilipinas. Pangunahing laman ng mga petisyon ang
paglabag ng EDCA sa soberanya ng bansa at paglabag nito sa proseso ng
pagbubuo ng tratado na dapat munang dumaan at aprubahan ng Senado.
Gumugulong ang pagpaplano ng gobyerno ng US at Pilipinas kahit pa
isinasagawa sa SC ang oral arguments kaugnay sa mga isinampang petisyon
kontra EDCA.41 Hindi pa naglalabas ng desisyon ang SC pero sa Senado,
nagpahayag na ang ilang mambabatas ng posisyon na dapat muna nilang
aprubahan ang EDCA bago ito maipatupad.42
Hindi pa man naipapatupad ang EDCA, mabilis din itong naharap sa
matinding kontrobersya kasama ang Visiting Forces Agreement (VFA) at
ang hindi pantay na relasyon ng US at Pilipinas nang sumambulat ang
brutal na pagpatay kay Jennifer Laude ng US Marine na si Private First
Class Joseph Scott Pemberton.43 Naganap ang krimen sa Olongapo City,
isa sa mga lugar na gagawing agreed location sa ilalim ng EDCA. Sa loob
ng wala pang isang dekada, dalawang high-profile na krimen kunsaan
sangkot ang mga sundalong Amerikano ang naganap sa Olongapo.
Maaalalang noong 2005, ginahasa naman ng US Marine din na si Lance
Corporal Daniel Smith ang Pilipinang si Nicole sa Olongapo habang
iniengganyo pa siya ng mga kapwa sundalong Amerikano. Paboritong
daungan ng mga sasakyang pandigma ng US ang Subic Bay sa Olongapo,
na dati rin nilang permanenteng base militar. Muling nabuhay ang usapin
ng hindi pantay na relasyon ng US at Pilipinas sa ilalim ng VFA dahil sa
kaso ni Laude.
Kagaya ng sa kaso ni Smith, wala rin sa kustodiya ng Pilipinas si Pemberton
alinsunod sa mga probisyon ng VFA. Sa halip na ikulong sa ordinaryong
41 Group renews call to SC to junk EDCA, INQUIRER.net, 17 Disyembre 2014,
http://globalnation.inquirer.net/115838/group-renews-call-to-sc-to-junk-edca/
42 Drilon asks SC to act on petition vs EDCA, The Manila Times, 2 Disyembre 2014,
http://www.manilatimes.net/drilon-asks-sc-act-petition-vs-edca/146023/
43 US Marine tagged as possible suspect in slay of transgender in Olongapo, GMA News,
13 Oktubre 2014, h
ttp://www.gmanetwork.com/news/story/383333/news/nation/usmarine-tagged-as-possible-suspect-in-slay-of-transgender-in-olongapo

28

IBON Praymer

Enero 2015

bilangguan bilang suspek sa isang karumal-dumal na krimen, kinukupkop


siya ngayon ng US sa pasilidad nito sa Joint United States Military Assistance
Group (JUSMAG) sa Camp Aguinaldo.44
Mabilis ding dinipensahan ng rehimen ang VFA at EDCA at sinabing isolated
ang kaso ng pagpatay kay Laude.45 Pero hindi maikakaila na kaakibat ng
lumalaking presensya ng tropang Amerikano sa bansa ang pagdami rin
ng insidente ng mga pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao na
kinasasangkutan ng mga dayuhang sundalo. Maliban sa pagpatay kay Laude at
panggagahasa kay Nicole, sangkot din ang mga tropang Amerikano sa iba pang
insidente ng kalupitan. Kabilang dito ang kaso ni Gregan Cardeo noong 2010
at Abraham Juhurin noong 2012.
Kinuhang interpreter ng elite na yunit na Liaison Coordination Elements (LCE) ng
US Special Forces si Cardeo. Noong 2 Pebrero 2010, natagpuan siyang patay sa
loob ng isang lihim na kampo ng Joint Special Operation Task Force (JSOTF) sa
Camp Ranao sa Marawi City. Diumano, nagpakamatay si Cardeo. Bago namatay,
magkahiwalay niyang tinawagan ang kapatid at ina at sinabing mahirap ang
kanyang trabaho at hindi raw iyon ang kanyang inasahan.46 Samantala, namatay si
Abraham Juhurin matapos siyang masagasaan ng humaharurot na speedboat ng
tropang Amerikano habang nangingisda sa bayan ng Hadji Mutamad sa Basilan.
Nasugatan naman ang kasamang anak ni Juhurin. Agad na inabswelto ng militar
ang mga Amerikano at sinisi sina Juhurin dahil wala raw ilaw ang bangka ng mga
ito. Hindi na malalimang inimbestigahan ang kaso habang mabilis na nakipagareglo ang mga sundalong Amerikano sa pamilya nina Juhurin.47
44 Pemberton detained at Aguinaldo, The Philippine Star, 23 Oktubre 2014,
http://www.philstar.com/headlines/2014/10/23/1383412/pemberton-detained-aguinaldo
45 Transgender slay an isolated case DND spokesman, INQUIRER.net, 14 Oktubre 2014,
http://globalnation.inquirer.net/112499/transgender-slay-an-isolated-case-dnd-spokesman/
46 Group demands junking RP-US Visiting Forces Agreement over death of Filipino
interpreter, Davao Today, 15 Hulyo 201 0, http://bulatlat.com/main/2010/07/15/groupdemands-junking-rp-us-vfa-over-death-of-filipino-interpreter/
47 Fisherman dies, son hurt as US speedboat rams fishing boat off Basilan, GMA News Online,
20 Abril 2012, http://www.gmanetwork.com/news/story/255606/news/regions/fishermandies-son-hurt-as-us-speedboat-rams-fishing-boat-off-basilan

IBON Praymer

Enero 2015

29

Sa buong daigdig kunsaan may nakatayong base militar ang mga sundalong
Amerikano, kapansin-pansin ang marami at patuloy na pagtaas ng insidente
ng kanilang pang-aabuso. Sa Okinawa, Japan kunsaan nakabase ang may
26,000 sundalong Amerikano,48 halimbawa, mayroon nang naitatalang 5,584
na kasong kriminal na kinasasangkutan ng mga tropa ng US49. Ang masahol,
katulad ng sa Pilipinas, hindi napapanagot ang mga dayuhang sundalo. Sa
maraming pagkakataon, tanging pagmumulta, demosyon, restriksyon sa
base o pagkatanggal sa serbisyo ang parusang ibinibigay sa mga tropang
Amerikano sa halip na pagkakakulong.50 Ganito rin ang sitwasyon sa South
Korea kunsaan nakahimpil naman ang may 28,500 sundalong Amerikano.
Ayon sa opisyal na datos ng pamahalaan ng South Korea, tumataas ang
tantos ng krimen sa bansa na kinasasangkutan ng mga tropang Amerikano.
Sa pagitan ng 2000 at 2010, halimbawa, tumaas ang kaso ng panggagahasa
mula zero hanggang 11; ng pagnanakaw mula 9 hanggang 24; at,
pangkalahatang mararahas na krimen mula 118 hanggang 154.51
Kasabay ng pagpapalalim ng ugnayang pangmilitar ang tulak ng US na
ibayo pang iliberalisa ng Pilipinas ang ekonomya nito sa pamamagitan ng
Cha-cha. Bahagi ito ng ambisyosong programa ng rehimeng Obama na
maitayo ang kasunduang Trans-Pacific Partnership (TPP), isang kasunduan
sa Asya Pasipiko para sa malayang kalakalan at pamumuhunan. Upang
maging bahagi ng TPP, inoobliga ang Pilipinas na alisin ang mga restriksyong
konstitusyunal nito sa dayuhang pamumuhunan.52
48 US welcomes start of base move on Japans Okinawa, BBC News Asia Online,
15 Agosto 2014, http://www.bbc.com/news/world-asia-28799796
49 Incidents Involving US Military in Okinawa, Institute for Policy Studies,
20 January 2015, http://closethebase.org/us-military-bases/incidents-involving-usmilitary-in-okinawa/
50 Documents: Judgement random in military sex-crimes, The Associated Press, 10 Pebrero
2014, http://bigstory.ap.org/article/documents-judgments-random-military-sex-crimes-0
51 Alleged rapes by US soldiers ratchet up anger in South Korea, Los Angeles Times,
20 Oktubre 2011, http://latimesblogs.latimes.com/world_now/2011/10/us-military-southkorea-status-of-forces-agreement-sofa-rapes-international-diplomacy.html
52 US: move on Charter change to join exclusive Pacific trade hub, ABS-CBNnews.com,
13 Agosto 2011, http://www.abs-cbnnews.com/-depth/08/13/11/us-move-charterchange-join-exclusive-pacific-trade-club

30

IBON Praymer

Enero 2015

Nananatiling pinakadominanteng dayuhang interes ang US sa ekonomya ng


Pilipinas. Sa nakalipas na 15 taon (1999 hanggang Oktubre 2014), nagmula sa
US ang pinakamalaking neto na direktang dayuhang pamumuhunan (foreign
direct investment o FDI). Umaabot ito sa US$4.5 bilyon o katumbas ng halos
14% ng kabuuang FDI na pumasok sa bansa sa nasabing panahon. Pangalawa
lamang sa US ang Japan na mayroong US$4.1 bilyon o halos 13 bahagdan. US
din ang pinakamalaking partner sa kalakalan ng Pilipinas. Mula 1999 hanggang
Setyembre 2014, halos 17% o US$244.8 bilyon ng kabuuang eksport at import
ng Pilipinas ang nasa US. Pangalawa lamang ang Japan (15%) at malayong
pangatlo ang China (8%). Mas malaki pa ang kalakalan ng Pilipinas sa US
kumpara sa buong European Union (12%) at Timog Silangang Asya (11%).
Ang mga Amerikanong korporasyon na nasa 1,000 pinakamalalaking negosyo
sa bansa ay nakapagtala ng Php7.7 trilyon na pinagsama-samang kita mula
2001 hanggang 2013. Samantala, nilampasan na ng US ang Japan bilang
pinakamalaking tagapagbigay ng ayuda o official development assistance
(ODA). Mula 1999 hanggang 2013, ang kabuuang ODA mula sa US ay umaabot
sa US$1.4 bilyon, katumbas ng lampas 25% ng lahat ng ODA na pumasok sa
Pilipinas galing sa ibat ibang donor. Sinusundan ito ng Japan na may US$1.1
bilyon o 19 bahagdan.53
Kabilang sa mga bagong ayuda ng US ang inisyatibang Partnership for
Growth (PfG)54 ni Obama, kunsaan itinutulak ng imperyalismong US ang
ibayong liberalisasyon ng ekonomya ng Pilipinas sa pamamagitan ng Chacha. Isang inter-agency na inisyatiba ang PfG na naglalayon diumanong
suportahan ang paglago ng ekonomya ng mga bansang nagsusulong daw ng
mabuting pamamahala. Tumutugma ang PfG sa mga patakaran at repormang
ipinatutupad ng rehimeng Aquino sa Philippine Development Plan (PDP)
nito. Aktibong kalahok at nagkokoordina sa ilalim ng PfG ang ibat ibang
ahensya ng imperyalismong US kabilang ang State Department, US Agency
for International Development (USAID) at Millennium Challenge Corporation
(MCC). Bahagi rin nito ang mga multilateral na imperyalistang institusyon
53 Mula ang mga impormasyon sa mga prinusesong datos sa sumusunod: FDI at kalakalan,
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP); kita ng mga korporasyon, Top 1000 corporations ng
Business World; at ODA, online database ng Organization for Economic Cooperation and
Development (OECD)
54 United States Philippines Partnership for Growth, US Department of State, 16 Nobyembre
2011, http://www.state.gov/r/pa/prs/ps/2011/11/177225.htm

IBON Praymer

Enero 2015

31

gaya ng World Bank, International Monetary Fund (IMF), mga ahensya ng


United Nations (UN), at maging mga non-government organizations (NGOs)
at pribadong korporasyon.
Sa Pilipinas, isa sa mga sinusuportahang inisyatiba ng PfG, sa
pamamagitan ng USAID, ang pagsusulong ng Cha-cha na itinutulak
ng mga korporasyong Amerikano sa ilalim ng American Chamber
of Commerce (AmCham). Inilunsad ng AmCham at USAID ang The
Arangkada Philippines Project (TAPP) noong 2013 para itulak ang mga
panukalang patakaran ng Joint Foreign Chambers of Commerce in the
Philippines (JFC).55 Kasama rito ang pag-aalis ng 60-40 restriksyon
sa Konstitusyon sa dayuhang pamumuhunan gayundin ang ibat
ibang reporma para sa liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at
denasyunalisasyon ng ekonomya ng Pilipinas.

ang tumatayong totoong oposisyon sa kontra6 Sino


mamamayan, maka-negosyo at maka-dayuhang
pamamahala ng rehimeng Aquino?

Kahit inaatake si Binay ng LP sa pangunguna ng grupo ni Roxas, hindi


maituturing na totoong oposisyon sa administrasyong Aquino ang Bise
Presidente at ang grupo nitong UNA. Sa pinakahuling pahayag ni Binay
noong Nobyembre 2014, sinabi nitong mananatili siyang team player sa
kabila ng pahayag ni Aquino na maaaring umalis si Binay mula sa Gabinete
kung nanaisin nito.56
Ganito na simulat sapul ang disposisyon sa administrasyong Aquino ni Binay
na sinusuportahan ng mga kamag-anak ng Pangulo at iba pang tagasuporta
nito na hindi naman pabor kay Roxas. Lalo itong tumingkad noong halalang
midterm ng 2013 kunsaan may tatlong komon na kandidato sa pagka-senador
55 US government, AmCham to launch new partnership to enhance Philippine business
climate, USAID, 26 Pebrero 2013, http://www.usaid.gov/philippines/press-releases/usgovernment-amcham-launch-new-partnership-enhance-philippines
56 Binay: I will continue to be a team player, The Philippine Star, 3 Nobyembre 2014, http://
www.philstar.com/headlines/2014/11/03/1387636/binay-i-will-continue-be-team-player

32

IBON Praymer

Enero 2015

ang UNA at ang Team PNoy57 na sina Sen. Grace Poe, Loren Legarda at Chiz
Escudero.
Ang kritisismo ni Binay sa kabiguan ng administrasyon na tugunan ang
mga pangangailangan ng maliliit na negosyo at mga mahihirap sa kabila
ng sinasabing paglago ng ekonomya, malalang trapiko, di-maasahang
pampublikong transportasyon, krisis sa kuryente, mataas na importasyon ng
bigas at pagtindi ng kriminalidad58 ay reaksyon pa nito sa atake sa kanya ng
ilang taga-administrasyon at hindi dahil sa prinsipyadong pagpapanagot sa
mga pagkukulang ng rehimen. Katunayan, walang ipinagkaiba ang UNA sa
LP at mga kaalyado nito pagdating sa usapin ng programa sa ekonomya.
Pare-pareho silang nagtataguyod ng mga patakarang kontra sa interes ng
mamamayan, laluna ng mahihirap at mga patakarang pabor sa malalaking
negosyo at mga dayuhan.
Sinasamantala ni Binay ang poder bilang Bise Presidente at kasapi ng Gabinete
ng rehimen upang isulong ang pansariling makitid na pampulitikang interes.
Handa itong makipag-alyado kahit kanino maging kay dating Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo na ayon kay Binay ay hindi makatarungang tinatrato ng
pamahalaan59 para sa pansariling kapakanan. Gaya ng mga Aquino, Roxas,
Estrada, Arroyo, Marcos, at iba pa, kinakatawan ni Binay at ng kanyang pamilya
ang trapo at pampulitikang dinastiya na patuloy na naghahari sa bansa at nagaagawan sa kontrol sa estado poder para lalong magtipon ng impluwensya,
kapangyarihan at yaman. Sa esensya, pare-parehong kumakatawan,
nagsusulong at nagtatanggol sa interes ng naghaharing uri ng mga burgesya
kumprador at panginoong maylupa ang mga pamilyang ito at kanilang mga
57 Koalisyon ng LP ng administrasyon, NP ni Manny Villar, Nationalist Peoples Coalition (NPC)
ni Danding Cojuangco, Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ni Edgardo Angara, Akbayan ng
mga socdem (social democrats) at National Unity Party na isplit mula sa Lakas Kampi CMD
nina Arroyo at Ramos.
58 Binay strikes again, slams embarrassing performance of some govt agencies, Manila
Bulletin, 23 Oktubre 2014, http://www.mb.com.ph/binay-strikes-again-slams-embarrassingperformance-of-some-govt-agencies/
59 VP Binay believes ex-Pres. Arroyo not being treated fairly, GMA News Online,
15 Oktubre 2014, http://www.gmanetwork.com/news/story/383578/news/vp-binaybelieves-ex-pres-arroyo-not-being-treated-fairly

IBON Praymer

Enero 2015

33

itinatayong pampulitikang partido at koalisyon. Ipinapakita nito ang talamak na


oportunismo at kawalan ng prinsipyo sa tradisyunal at elitistang pulitika sa bansa.
Sa buong panahon ng rehimeng Aquino, ang totoong nanindigan laban sa
katiwalian ng administrasyon, mga pahirap nitong programa at patakaran sa
ekonomya, paglabag sa karapatang pantao, pagbebenta sa soberanya ng
bansa sa imperyalismong US, at iba pa, ay ang kilusan ng mamamayan na
nagsusulong ng mga makabuluhang reporma sa ekonomya at pulitika ng bansa.
Sa pangkalahatan, tahimik sa mga usaping ito si Binay at ang UNA gaya ng
hindi nito pagsuporta sa mga reklamong impeachment na inihain ng koalisyong
Makabayan laban kay Aquino dahil sa lantarang paglabag nito sa Saligang
Batas sa usapin ng DAP at EDCA ng Pilipinas at US. Mabilis itong ibinasura ng
HoR na dominado ng mga kapartido at alyado ng rehimen sa antas pa lamang
ng House committee on justice.60 Palusot ng UNA na hindi raw nito isusulong
ang impeachment dahil sa delicadeza at pangunahing makikinabang si Binay
bilang Bise Presidente kung mapapaalis sa pwesto si Aquino.61 Gayunman,
malinaw na bahagi ito ng taktika ng kampo ni Binay na makapanatili sa
Gabinete at patuloy na magamit ang poder na ito sa pansariling pamumulitika.
Pero kahit nahaharap sa makapangyarihan at mapanupil na rehimen,
patuloy na hinahamon ng mamamayan ang mga programa at patakaran ng
administrasyong Aquino at pagpapanagot dito sa pamamagitan ng proseso ng
Kongreso at Hudikatura, at hanggang sa mga direktang pampulitikang aksyon.
Maliban sa impeachment, halimbawa, isinulong ng ibat ibang organisasyon
ng mamamayan ang Peoples Initiative to Abolish Pork Barrel (PIAP) noong
Agosto 2014. Layunin nitong mangalap ng anim na milyong pirma sa
buong bansa upang direktang makapagpasa ng batas na magbabasura sa
pork barrel. Suportado ang PIAP ng maimpluwensyang Catholic Bishops
Conference of the Philippines (CBCP) at iba pang mga grupong kumakatawan

60 House panel junks three impeachment raps vs. Aquino, GMA News Online,
2 Setyembre 2014, http://www.gmanetwork.com/news/story/377370/news/nation/housepanel-junks-three-impeachment-raps-vs-aquino
61 UNA wont support moves to impeach Aquino out of delicadeza, Manila Bulletin,
7 Hulyo 2014, http://www.mb.com.ph/una-wont-support-moves-to-impeach-aquino-out-ofdelicadeza/

34

IBON Praymer

Enero 2015

sa ibat ibang sektor.62 Noong Nobyembre, nagsumite na sa Commission on


Elections (Comelec) ng inisyal na sampung libong pirma ang mga organisador
ng PIAP na mula pa lamang sa lungsod Quezon.63 Inaasahang aabot na sa
isang milyong pirma sa buong bansa ang nakalap ng nasabing inisyatiba
pagsapit ng Disyembre. Sa ngayon, nasa 224 ng 234 legislative districts
sa 72 sa 82 lalawigan sa buong Pilipinas ang natayuan ng mga network ng
organisasyon at boluntir ng PIAP upang kalapin at tipunin ang kinakailangang
mga pirma laban sa pork barrel.64
Inilunsad ng militanteng kilusang masa ang panawagang patalsikin sa
puwesto si Aquino bilang pagpapanagot sa maraming kasalanan nito sa
taumbayan. Bukod sa pork barrel, sinasalubong ng protesta at pagtutol ng
mga progresibong organisasyon ng mamamayan ang mga patakaran ng
rehimen na nagpapahirap sa taumbayan kabilang ang pagtaas ng singil sa
kuryente at manipulasyon sa presyo nito; pagtaas ng singil sa tubig; pagtaas
ng pasahe sa LRT/MRT; patuloy na pagkakait ng lupa sa mga magsasaka;
pagpapababa sa sahod ng mga manggagawa at kawalan ng seguridad sa
trabaho; demolisyon sa tirahan ng mga maralitang lungsod; pribatisasyon
at pagkakait ng mga serbisyong panlipunan; paglabag sa soberanya ng
bansa sa pagpasok ng mga tropang Amerikano; panunupil at paglabag
sa karapatang pantao; at, marami pang iba. Patuloy na pinapanagot ng
mamamayan si Aquino sa kriminal nitong kapabayaan sa mga sinalanta ng
bagyong Yolanda.
Itinampok ang pagpapanagot at pagpapatalsik kay Aquino sa inilunsad
na Manilakbayan ng Mindanao 2014 kunsaan naglakbay patungong
Maynila ang may 300 taga-Mindanao na karamihan ay mula sa 18 tribu ng
62 Peoples Initiative: 6 million signatures to abolish pork barrel, Pinoy Weekly Online,
24 Agosto 2014, http://pinoyweekly.org/new/2014/08/peoples-initiative-6-millionsignatures-to-abolish-pork-barrel/
63 Comelec receives initial 10K anti-pork signatures, Philippine Online Chronicles,
27 Nobyembre 2014, http://thepoc.net/index.php/comelec-receives-initial-10k-anti-porksignatures/
64 Group presses on with peoples initiative against pork barrel, Philippine Daily Inquirer,
27 Disyembre 2014, http://newsinfo.inquirer.net/659808/group-presses-on-with-peoplesinitiative-against-pork-barrel

IBON Praymer

Enero 2015

35

Lumad sa rehiyon. Ang patuloy at matinding militarisasyon sa Mindanao,


kasama na ang presensya at panghihimasok ng mga sundalong Amerikano;
mga paglabag sa karapatang pantao; at, pagkawasak ng kalikasan at
pangangamkam ng lupa sanhi ng operasyon ng mga minahan, plantasyon,
at iba pang malalaking negosyo ang nagtulak sa mga taga-Mindanao na
ilunsad ang kanilang Manilakbayan.65
Samantala, inilunsad ng mga progresibong grupong relihiyoso katuwang
ang mga organisasyon ng magsasaka, manggagawa, maralitang lungsod, at
katutubo ang Peoples Committee to Welcome the Pople (Peoples Welcome)
upang epektibong patampukin sa nakalipas na pagbisita ni Pope Francis sa
bansa ang ibat ibang isyu ng mamamayan.66 Kahit tinangkang idiskaril ng
militarisado at mapanupil na paghahanda ng rehimen para sa pagbisita ng
pinakamataas na lider sa mundo ng Simbahang Katoliko, ipinaabot sa ibat
ibang paraan ng Peoples Welcome at mga organisasyong bahagi nito ang
mga usapin sa paglabag sa karapatang pantao, panawagan sa kapayapaan
at hustisyang panlipunan, katarungan para sa mga sinalanta ng Yolanda na
pinabayaan ng rehimen, pagkakamit ng karapatan sa lupa, kabuhayan, tirahan
at iba pa.
Pero ang nananatiling pinakamalaking banta at oposisyon sa rehimeng
Aquino at pananatili nito ay ang CPP at ang armadong yunit nito na NPA.
Sa loob ng 46 taon, tuluy-tuloy itong nakapagtitipon ng lakas para sa
isinusulong na mga alternatibong programa sa ekonomya at pulitika ng
bansa na nakatuntong sa rebolusyong agraryo kabilang ang pagwasak sa
mga asyenda at libreng pamamahagi nito sa mga magsasaka, pagtatatag
ng mga pambansang industriya, at paglaya mula sa dominasyon
ng imperyalismong US. Ipinagmamalaki nitong sa kabila ng kontrainsurhensyang kampanya ng rehimen na Oplan Bayanihan, umaabot daw
sa 10,000 ang pultaym na mandirigma ng NPA maliban pa sa daan-daang
libong kasapi ng milisyang bayan at self-defense units na nakakalat sa

65 Manilakbayan | Protesters call for Aquino structure, Bulatlat.com, 25 Nobyembre 2014,


http://bulatlat.com/main/2014/11/25/manilakbayan-protesters-call-for-aquino-ouster/
66 Pope Francis invited to gatherings of the poor, Bulatlat.com, 7 Enero 2015, http://
bulatlat.com/main/2015/01/07/pope-francis-invited-to-gatherings-of-the-poor/

36

IBON Praymer

Enero 2015

buong bansa.67 Patuloy na nakapaglulunsad ang NPA ng mga tinatawag


nitong opensibang taktikal laban sa mga minahan, plantasyon at laban sa
mga pulis at sundalo ng pamahalaan, maging sa himpilan ng mga ito.

Paano tumutugon ang rehimeng Aquino sa mga


hamon sa kanyang pamamahala at pananatili
sa poder?

Lalong nagiging mapanupil ang rehimen sa harap ng mga banta sa pananatili


nito sa poder. Partikular na target ng represyon ang pinakamalakas na
oposisyon sa rehimen ang kilusang masa, partikular ang Kaliwa at mga
progresibong grupo.
Sa pinakahuling ulat ng grupong Karapatan (Alliance for the Advancement
of Peoples Rights), nasa 229 na ang biktima ng extra-judicial killings (EJK)
sa ilalim ng rehimeng Aquino (Hulyo 2010 hanggang 31 Disyembre 2014).
Pinakamalaking bilang ng EJK ang naitala mula sa rehiyon ng Bicol (53
biktima), kasunod ang Southern Mindanao (35) at Southern Tagalog (22).
Lampas kalahati (138 biktima) ang mula sa sektor ng magsasaka kasunod ang
mga katutubo (55). Sa parehong panahon, mayroong naitala ang Karapatan
na 26 na biktima ng sapilitang pagkawala, kunsaan 20 ang mula sa sektor
ng magsasaka at pinakamarami ang nagmula sa rehiyon ng Caraga (7
biktima). Pangunahing sangkot sa mga paglabag na ito ang Armed Forces
of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Citizen Armed
Force Geographical Unit (CAFGU), at iba pang paramilitar at private army
na ginagamit ng rehimen laban sa NPA at sa mga ipinagpapalagay na mga
tagasuporta nito.
Kapuna-puna hindi lamang ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso
ng paglabag sa karapatang pantao kundi maging ang tumitinding karahasan
at brutalidad ng mga paglabag, ayon sa Karapatan. Sa tala ng grupo, hindi
bababa sa 15 biktima ng EJK sa panahon ni Aquino ang pinaslang sa
67 NDFP marks 45th NPA anniversary with international cultural, educational event, NDFP
International Information Office, 1 Abril 2014, http://www.philippinerevolution.net/
statements/20140401_ndfp-marks-45th-npa-anniversary-with-international-culturaleducational-event

IBON Praymer

Enero 2015

37

pamamagitan ng pagtortyur, pamumugot ng ulo, paggapos at paglibing sa


mababaw na hukay, at iba pa.68
Patuloy na sapilitang napapaalis sa kanilang komunidad ang libu-libong
mamamayan sanhi ng mga operasyong militar ng AFP. Isa sa mga pinakahuling
insidente ang sapilitang pagpapalikas sa 1,783 na katao mula sa 378 pamilya
sa 16 na komunidad ng mga Lumad sa Lianga, San Agustin at Tago sa Surigao
del Sur bunga ng operasyon ng 36th Infantry Batallion (IB) at 401st Brigade ng
Philippine Army (PA).69
Hindi pa rin lubusang napapanagot ang mga sangkot sa paglabag sa
karapatang pantao laluna ang mga pangunahing salarin kabilang na si Major
Gen. Jovito Palparan. Matapos ang halos tatlong taong pagtatago, nadakip
ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Agosto 2014 si Palparan,
ang notoryus na berdugo na nasa likod ng pagpaslang, pagdukot at iba pang
paglabag sa karapatang pantao ng mga lider, kasapi at tagasuporta ng mga
progresibong organisasyong masa at grupong partylist. Matatandaang nagtago
si Palparan simula noong Disyembre 2011 matapos itong hatulan sa kasong
pagdukot at iligal na pagkulong sa mga aktibistang estudyante na sina Sherlyn
Cadapan at Karen Empeo.70
Gayunman, ayon mismo kay Palparan, mabuti na lang daw at nadakip siya ng
NBI at naunahan nito ang NPA na malaon nang naglabas ng kautusan na dakpin
at litisin siya. Ayon mismo kay Major Gen. Eduardo Ao, pinuno ng Intelligence
Service of the AFP (ISAFP), tatlong ulit nang muntik madakip ng NPA si Palparan.71
68 Killings under Aquino marked by torture, brutality, Karapatan Alliance for the
Advancement of Peoples Rights, 11 Disyembre 2014, http://www.karapatan.org/Killings+und
er+Aquino+marked+by+torture%2C+brutality
69 Forcible evacuation of 378 families from 16 Lumad communities in Surigao del Sur,
Karapatan Alliance for the Advancement of Peoples Rights, 29 Oktubre 2014, http://www.
karapatan.org/UA-Forcible-evacuation-378-lumad-families-Surigao-del-Sur-Oct-27-2014
70 Palparan arrested by NBI in Manila, GMA News Online, 12 Agosto 2014, http://www.
gmanetwork.com/news/story/374378/news/nation/palparan-arrested-by-nbi-in-manila
71 THE BUTCHER FALLS | Jovito Palparan nabbed in Manila, to be arraigned Aug 18,
12 Agosto 2014, InterAksyon.com, http://www.interaksyon.com/article/93117/the-butcherfalls--jovito-palaran-nabbed-in-manila

38

IBON Praymer

Enero 2015

May mga nagsasabi ring planado ang timing ng paghuli kay Palparan dahil sa
bumabagsak na popularidad ni Aquino sa mga sarbey. Tila mahigpit pa ring
pinuprotektahan ng rehimen at ng militar nito si Palparan na sa halip na ilagay sa
regular na kulungan ay nasa punong himpilan ng Army sa Fort Bonifacio.72
Sa kabila nito, nananatiling handa at bukas ang CPP-NPA at National
Democratic Front of the Philippines (NDFP) na na makipag-negosasyon sa
rehimen para sa pagkakamit ng pangmatagalang kapayapaan na nakabatay sa
hustisyang panlipunan. Hindi rin tumitigil ang ibat ibang grupong nagtataguyod
ng kapayapaan na pabalikin ang CPP-NPA-NDFP at ang gobyerno sa
negosasyon, tugunan ang ugat ng armadong labanan at kilalanin ang mga
binuo nang kasunduan sa mga nakalipas na usapan. Kabilang dito ang grupong
Kapayapaan na inilunsad noong Hulyo 2014. Binubuo ito ng mga lider-simbahan,
mga kinatawan ng akademya, mga tagapagtanggol ng karapatang pantao,
mga manggagawa, magsasaka, katutubo at iba pang sektor.73 Patuloy ring
sumusuporta sa usapang pangkapayapaan ang gobyerno ng Norway bilang third
party facilitator.
Positibong tulak din para muling gumulong ang negosasyong
pangkapayapaan ang pagsisikap ng isang dating negosyador para sa
gobyerno na makipag-usap sa NDFP. Nagkaroon ng mga impormal na
pagpupulong simula noong Hunyo 2014 at ayon sa mga sumusubaybay dito
ay nagresulta diumano sa isang borador ng joint declaration para sa muling
pagbubukas ng usapang pangkapayapaan. Hinihintay na lamang daw ang
pag-apruba ni Aquino sa naturang borador at pormal na pagbubuo ng panel
ng gobyerno para sa negosasyon.
Matatandaang nasuspindi ang negosasyon sa pagitan ng NDFP at ng gobyerno
mula pa noong Pebrero 2011. Tinangka ng NDFP na muling pagulungin
ang negosasyon sa pamamagitan ng tinatawag nitong special track para sa
pansamantalang pagtigil ng labanan at alyansa pero muli rin itong gumuho noong
72 Court denies Palparan transfer to regular jail, The Philippine Star, 20 Oktubre 2014,
http://www.philstar.com/nation/2014/10/20/1382367/court-denies-palparan-transferregular-jail
73 Church leaders, sectors push for resumption of peace talks, Bulatlat.com, 16 Hulyo 2014,
http://bulatlat.com/main/2014/07/16/church-leaders-sectors-push-for-resumption-ofpeace-talks/

IBON Praymer

Enero 2015

39

Pebrero 2013. Sa special track nakapaloob ang mga kagyat sanang maaaring
pagkasunduan ng dalawang panig kabilang ang pambansang industriyalisasyon
at reporma sa lupa. Pero ayaw rin itong pag-usapan ng administrasyong Aquino
dahil hindi raw katanggap-tanggap ang mga kahilingan ng NDFP. Sa sarili
nitong panukala para sa special track, nakatuon ang gobyerno sa walang taning
na tigil-putukan samantalang walang maliwanag na komitment sa pagtugon sa
ugat ng armadong tunggalian gaya ng kawalan ng lupa ng mga magsasaka
at malawak na kahirapan. Malaking balakid sa pag-usad ng usapang
pangkapayapaan ang isyu ng mga konsultant ng NDFP na hinuli at ikinulong
ng militar. Ayon sa NDFP ay paglabag ito sa Joint Agreement on Safety and
Immunity Guarantees (JASIG).
Samantala, hindi pa rin natatapos hanggang ngayon ang proseso ng
pagbubuo ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na pagpapatupad ng pinirmahang
Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) bilang bahagi ng
kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic
Liberation Front (MILF). Matapos ang matagal-tagal ding pagkakaantala,
isinumite ng Malacaang sa Kongreso ang borador ng BBL ang House
Bill No. 4994 noong Setyembre 2014.74 Target ng rehimen na tuluyang
maisabatas ang BBL sa loob ng unang kwarto ng 2015. Pero nahaharap ang
BBL sa mga sersyosong kwestyon kaugnay sa pagiging alinsunod nito sa
Saligang Batas. Halimbawa, kinukwestyon ng ilang mambabatas ang pagtatayo
diumano ng sub-estado sa ilalim ng BBL na dati nang sinabi ng SC na labag
sa Konstitusyon nang ibasura nito ang kontrobersyal na Memorandum on
Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) sa pagitan ng MILF at rehimeng
Arroyo noong 2008.75
Tuluy-tuloy pa rin ang mga labanan sa Mindanao sa pagitan ng AFP at iba
pang armadong pwersa sa Mindanao gaya ng Bangsamoro Islamic Freedom
74 PNoy personally submits draft Bangsamoro law to Congress leaders, GMA News,
10 Setyembre 2014, http://www.gmanetwork.com/news/story/378481/news/nation/pnoypersonally-submits-draft-bangsamoro-law-to-congress-leaders
75 Senator Santiago to raise legality of Bangsamoro basic law, Philippine Daily Inquirer,
10 Enero 2015, http://newsinfo.inquirer.net/663646/senator-santiago-to-raise-legality-ofbangsamoro-basic-law

40

IBON Praymer

Enero 2015

Fighter (BIFF) na kumalas sa MILF matapos ibasura ng SC and MOA-AD. Ang


BIFF ay pormal na kaalyado ng Moro National Liberation Front (MNLF), ang
orihinal na grupong pinanggalingan ng MILF. Nagdeklara na ang MNLF, kasama
ang suporta ng BIFF, na lalabanan nito ang pagpapatupad ng BBL dahil hindi
pa raw naipapatupad nang buo ang sariling kasunduuang pangkapayapaan ng
MNLF sa gobyerno noong 1996 na bumuo sa Autonomous Region in Muslim
Mindanao (ARMM).76

nananatiling buhay ang pag-asa ng


8 Bakit
mamamayang Pilipino sa tunay at ganap
na pagbabago?

Nananatiling buhay ang pag-asa ng mamamayan para sa tunay at ganap na


pagbabago sa bansa dahil sa patuloy din nilang pagsisikap na makamit ito
sa halip na iasa sa rehimeng ang pinagsisilbihang interes ay sa malalaking
negosyo, panginoong maylupa at pansariling pampulitikang adyenda. Sa
kabila ng panunupil, nananatiling matatag ang paglaban ng taumbayan upang
ipagtanggol ang kanilang mga kolektibong karapatan. Patuloy ang kilusang
masa sa pagpapanagot sa rehimeng Aquino sa maraming krimen nito laban
sa mamamayan at patuloy ang papapalawak at pagpapasigla ng panawagang
patalsikin si Aquino sa poder.
Matingkad na halimbawa ng paglaban at tagumpay ang karanasan ng
mga manggagawa ng NXP Semiconductors Cabuyao Inc. Workers UnionFederation of Labor Unions-Kilusang Mayo Uno (NXPSCIWU-NAFLU-KMU). Sa
pamamagitan ng sama-samang paggigiit sa kanilang karapatan, nagtagumpay
ang mga manggagawa na pilitin ang maneydsment ng NXP na pahusayin ang
nilalaman ng Collective Bargaining Agreement (CBA) ng mga manggagawa
kabilang ang pagtataas ng sahod at regularisasyon ng mga kontraktwal. Ibinalik
din ang 12 sa 24 na mga lider-unyon na tinanggal ng maneydsment habang ang
natitirang kalahati ay bibigyan ng katanggap-tanggap na separation package.77
76 BIFF backs MNLF fight vs Bangsamoro law, The Manila Times, 10 Enero 2015,
http://www.manilatimes.net/biff-backs-mnlf-fight-vs-bangsamoro-law/154525/
77 A victory of unity and collective action, Kilusang Mayo Uno, 30 Setyembre 2014,
http://www.kilusangmayouno.org/victory-unity-and-collective-action

IBON Praymer

Enero 2015

41

Krusyal ang naging tagumpay ng NXP na isa sa mga pinakamatagal at


pinakamalaking natitirang unyon sa bansa lalo at nasa loob pa ito ng
special economic zone na notoryus sa kontraktwalisasyon, pagwasak sa
mga unyon, at panunupil sa mga manggagawa. Nagsilbing inspirasyon
ang NXP sa unyonismo sa bansa at sa potensyal nito bilang sandata ng
mga manggagawa sa paggigiit at pagtatanggol sa kanilang kagalingan at
mga karapatan. Sa ibat ibang bahagi ng bansa, naglunsad ang militanteng
kilusang paggawa ng mga welga na umani rin ng tagumpay tulad ng
Cenapro sa Cebu at RMN sa Davao. Nakatindig pa rin ang welga ng mga
manggagawa ng Pentagon sa Quezon City at JanRey sa Pasig na nagsimula
noon pang 2013.78 Muling sinimulan ding pasiglahin ng mga manggagawa
mula sa pribado at pampublikong sektor ang kampanya para sa pambansang
minimum na sahod. Laman nito ang panawagang Php16,000 na buwanang
minimum na sahod sa lahat ng manggagawa sa buong bansa.79
Tuluy-tuloy naman ang kampanya ng mga magsasaka para sa tunay na
repormang agraryo kabilang ang direktang okupasyon sa mga lupang
inaaagaw ng mga asendero at korporasyon upang igiit ang kanilang
karapatan na bungkalin at pagyamanin ito. Sa Hacienda Luisita, halimbawa,
patuloy na itinataguyod ng mga magsasaka ang bungkalan kahit pa paulitulit ang pandarahas na ginagawa ng maneydsment ng asyenda kasama
ang armadong pwersa at makinarya ng rehimeng Aquino. Ipinapakita nito
na hindi maaaring iasa lamang sa mga korte o institusyon ng gobyerno ang
pagtatanggol sa karapatan at interes ng mga magsasaka. Nagdesisyon na,
halimbawa, ang SC na ipamahagi ang Hacienda Luisita sa mga magsasakang
tunay na nagmamay-ari nito. Subalit lampas dalawang taon na ay wala pa ring
tunay na pamamahagi at hindi pa rin nakakamit ang hustisyang panlipunan.
Gaya ng nabanggit, gumugulong hanggang ngayon ang inisyatiba ng
mamamayan laban sa pork barrel. Kampanya ito hindi lamang para tuluyang
78 PH workers worse off, but fought back in 2014 KMU, Kilusang Mayo Uno, 2 Enero
2015, http://www.kilusangmayouno.org/news/2015/01/ph-workers-worse-fought-back2014--kmu
79 All workers unity launches P16,000 national minimum wage fight, Kilusang Mayo Uno,
28 Oktubre 2014, http://www.kilusangmayouno.org/news/2014/10/all-workers-unitylaunches-p16000-national-minimum-wage-fight

42

IBON Praymer

Enero 2015

ibasura ang pork barrel sa pamamagitan ng proseso ng pagsasabatas kundi


kampanya rin upang imulat ang mamamayan sa bulok at korap na sistema
ng pamamahala sa bansa. Ang mga nakasampang petisyon laban sa EDCA,
LRT/MRT fare hike at iba pang labanang ligal ay bahagi lang rin ng direktang
pagkilos ng mamamayan upang pigilin at baguhin ang mga patakaran at
programa ng rehimen na taliwas sa pambansang soberanya at interes.
Sa pagpasok ng 2015, nahaharap ang mamamayan sa ibayong
pakikipagtunggali laban sa rehimen at sa kinakatawan nitong interes ng
burgesya kumprador, panginoong maylupa, burukrata kapitalista at imperyalista.
Sa pagsisimula pa lang ng taon ay sinalubong na ang mamamayan ng malaking
pagtaas ng pasahe sa LRT/MRT at ng singil sa tubig bunga ng patakarang
PPP ng rehimen. Ibayong tatampok ang usapin ng paglabag sa soberanya ng
bansa at panghihimasok ng dayuhang interes sa nakatakdang pagsasagawa
sa Pilipinas ng pulong ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa huling
bahagi ng taon. Kasabay nito ang inaasahang mas agresibong pagtutulak sa
liberalisasyon sa pamamagitan ng Cha-cha at pribatisasyon sa pamamagitan
ng PPP na pilit hahabuling maipasa at matapos ng mga tagatapagtaguyod nito
bago matapos ang termino ni Aquino.
Ngunit nagbubukas din ng maraming pagkakataon ang bagong taon upang
lalong patampukin, isulong at ipagtagumpay ang mga isyu ng mamamayan.
Nagbigay ng magandang bwelo ang pagbisita kamakailan ni Pope Francis sa
bansa para sa pagpapatampok ng mga isyu ng mamamayan. Ang mensahe
niya sa pagtataguyod sa karapatan at interes ng mahihirap at maliliit ay
ibayong naglantad sa katangian ng rehimeng Aquino na taliwas sa itinuturo
at pinaninidigan ng Santo Papa. Ang inaasahang pagtindi ng tunggaliang
paksyunal ng naghaharing-uri pagdaan ng taon at habang lumalapit ang
halalang 2016 ay lumilikha ng mainam na pagkakataon upang hamunin ang
mga pulitiko na pumusisyon sa isyu ng mamamayan at sa mga pahirap na
patakaran ng nakaupong paksyong Aquino/Roxas. Gayundin, ang posibilidad
ng muling paggulong ng usapang pangkapayapaan ay isa pang epektibong
larangan para patingkarin ang mga panlipunan at pang-ekonomyang reporma
na kailangang buuin at ipatupad ng estado para makabuluhang tugunan ang
kahirapan at ang ugat ng armadong tunggalian sa bansa.

IBON Praymer

Enero 2015

43

44

IBON Praymer

Enero 2015

Das könnte Ihnen auch gefallen