Sie sind auf Seite 1von 1

Pagbaba sa pwesto ni PNoy, panawagan ng ilang obispo

Mayroon nang dalawang obispo ang hayagang nanawagan ng pagbaba sa pwesto ni


Pangulong Noynoy Aquino kasunod ng madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao
na ikinasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).
Nangunguna dito si Batangas Archbishop Ramon Arguelles. Aniya, dapat akuin ng Pangulo ang
responsibilidad bilang commander-in-chief.
nilinaw ni Arguelles na "step-down" at hindi "resign" ang panawagan niya.
"Kapag resign ibig sabihin 'yung pwesto talagang kaniya. Ang step-down ibig sabihin hindi
kaniya kaya umalis na sila," dagdag pa ng arsobispo.
Idinadahilan nito ang umano'y paulit-ulit na paglabag sa Saligang Batas ng adminstrasyong
Aquino gaya na lang ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na una nang idineklarang
unconstitutional ng Korte Suprema.
Isa pang humihiling ng pagbaba sa pwesto ng Pangulo ay si Zamboanga Archbishop Romulo
Dela Cruz.
Nilinaw naman ng arsobispo na hindi ito nagsasalita bilang kinatawan ng mga arsobispo sa
Mindanao.
Bagama't kinokondena ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ang
madugong engkwentro sa Maguindanao, nanawagan naman ito ng kahinahunan at pagkontra
sa panawagan ng karahasan partikular ang giyera.

Das könnte Ihnen auch gefallen