Sie sind auf Seite 1von 25

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa ESP at Musika


Ika-apat na Markahan

Unang Linggo Unang Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Sinu sino ang mga bumubuo sa isang mag-anak?
2. Pagganyak
Limang daliri ng aking kamay
Si Tatay, si Nanay, si Kuya, si ate at sino ang bulilit ako.
Sno ang nagsasalita sa awit?
Tungkol saan ang awit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig / Ipabasa ang unang saknong ng tula.
Salamat po!
Sa simoy ng hangin sa kapaligiran
Sa mga magulang na sa akiy nagmamahal
Sa mga kapatid, kaanak, kaibigan
Salamat po, Diyos kami ay buhay
2. Pagtalakay
Ano ang pamagat ng tula?
Anu ano ang mga bagay na dapat ipagpasalamat natin sa Diyos?
Bukod sa iyong pamilya, sinu sino pa ang iba pang nagmamahal sa iyo?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Sino ang may likha ng lahat ng bagaytulad ng sariwang hangin? Kapatid, kaanak,
kaibigan at magulang?
Tandaan:
Ang Diyos ang may likha ng lahat ng bagay. Kaya dapat lamang na Siya ay
pasalamatan.
2. Paglalapat
Isa isang tawagin ang mga bata para basahin nang malakas ang unang saknong ng
tula.
PAGTATAYA
Ipakita ang iyong pasasalamat sa Panginoon. Iguhit mo ang mga tao/bagay na dapat mong
ipagpasalamat sa tulang napag-aralan ngayon.

TAKDANG ARALIN
Isaulo ang unang saknong ng tulang Salamat Po!

Unang Linggo Ikalawang araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Sino ang lumikha ng mga bagay sa daigdig?
2. Pagganyak
Awit:
Lumipad ang ibon.
Lumipad, lumipad ang ibon (3x)
Sa magandang pugad.
Anong hayop ang nabanggit sa awit?
Sino ang lumikha ng ibon?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig / ipabasa ang pangalwang saknong ng tula.
Salamat Po!
Sa awit ng ibon sa punong malabay
Na nagbibigay sa amin ng sigla sa buhay
Sa maraming bunga ng mga halaman
Salamat po, Diyos sa kasaganaan.
2. Pagtalakay
Ano ang nagbibigay sigla sa mga tao ayon sa tula?
Ano ang silbi o gamit ngmga maraming bunga ng halaman sa mga tao?
Bakit dapat magpasalamat ang mga tao sa kasaganaang kanilang tinatamasa?
Magbigay ng ibat-ibang uri ng mga halamang nakikita sa paligid.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Sino ang may likha ng lahat ng bagay tulad ng mga ibon, puno at mga halaman?
Tandaan:
Ang Diyos ang may likha ng lahat ng bagay. Kaya dapat lamang na Siya ay
pasalamatan.
2. Paglalapat
Isa isang tawagin ang mga bata para basahin nang malakas ang ikalawang saknong
ng tula.
PAGTATAYA
Ipakita ang iyong pasasalamat sa Panginoon. Iguhit mo ang mga bagay na nilikha ng
Diyos ayon sa tula.

TAKDANG ARALIN
Isaulo ang ikalawang saknong ng tula at humanda sa isahang pagbigkas bukas.

Unang Linggo Ikatlong Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Muling ipabigkas sa mga bata ang una at ikalawang saknong ng tulang Salamat po!
3. Pagganyak
Awit:
Twinkle Twinkle Little Star
Anu ano ang mga nakikita mo sa kalangitan?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig / ipabasa ang pangatlong saknong ng tula.
Salamat Po!
Sa dilim ng gabi na napakapanglaw
Mayroong bituin at buwang tumatanglaw
Sa sikat ng araw, na nakasisilaw
Salamat po, Diyos sa umaga ay ilaw.
3. Pagtalakay
Anu ano pang ibang nilikha ng Diyos ang nabanggit sa tula?
Kalian nakikita ang bituin? Araw? Buwan?
Paano nakatutulong sa mga tao ang likhang ito ng Diyos?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Sino ang may likha ng lahat ng bagay tulad ng mga bituin, buwan at araw?
Tandaan:
Ang Diyos ang may likha ng lahat ng bagay. Kaya dapat lamang na Siya ay
pasalamatan.
3. Paglalapat
Isa isang tawagin ang mga bata para basahin nang malakas ang ikatlong saknong ng
tula.
PAGTATAYA
Ipakita ang iyong pasasalamat sa Panginoon. Iguhit mo ang mga bagay na nilikha ng
Diyos ayon sa tula.

TAKDANG ARALIN
Isaulo ang ikatlong saknong ng tula at humanda sa isahang pagbigkas bukas.

Unang Linggo Ikaapat na Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Muling ipabigkas sa mga bata ang una, ikalawang at ikatlong saknong ng tulang
Salamat po!
2. Pagganyak
Awit:
Paru-parong Bukid
Saan umaaligid ang mga paru paro?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig / ipabasa ang ikaapat saknong ng tula.
Salamat Po!
Sa mga bulaklak sa aking paligid
Pati sa paruparong ditoy umaaligid
Sa patak ng ulan sa mga halaman
Salamat po, Diyos sa Inyong kabutihan.
4. Pagtalakay
Anu ano pang ibang nilikha ng Diyos ang nabanggit sa tula?
Paano nakatutulong ang mga bulaklak sa paligid?
Bakit mahalaga ang ulan?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Sino ang may likha ng lahat ng bagay tulad ng mga bulaklak, paruparo, ulan?
Tandaan:
Ang Diyos ang may likha ng lahat ng bagay. Kaya dapat lamang na Siya ay
pasalamatan.
PAGLALAPAT
Isa isang tawagin ang mga bata para basahin nang malakas ang ika-apat na saknong ng
tula.
PAGTATAYA
Ipakita ang iyong pasasalamat sa Panginoon. Iguhit mo ang mga bagay na nilikha ng Diyos ayon
sa tula.

TAKDANG ARALIN
Isaulo ang ika-apat na saknong ng tula at humanda sa isahang pagbigkas bukas.

Unang Linggo Ikalimang Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Anu ano ang ipinagpapasalamat ng bata sa Diyos? Bakit?
2. Pagganyak
Awit: Sinong May Likha?
Sinong may likha
Ng mga ibon (3x)
Sinong may lik ha ng mga ibon?
Ang Diyos Ama sa langit.
(Palitan ang ibon ng iba pang nilikha ng DIyos tulad ng puno, araw, bituin, atbp)
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig/Ipabasa ang tula.
Salamat po!
Sa simoy ng hangin sa kapaligiran
Sa mga magulang na sa akiy nagmamahal
Sa mga kapatid, kaanak, kaibigan
Salamat po, Diyos kami ay buhay
Sa awit ng ibon sa punong malabay
Na nagbibigay sa amin ng sigla sa buhay
Sa maraming bunga ng mga halaman
Salamat po, Diyos sa kasaganaan.
Sa dilim ng gabi na napakapanglaw
Mayroong bituin at buwang tumatanglaw
Sa sikat ng araw, na nakasisilaw
Salamat po, Diyos sa umaga ay ilaw.
Sa mga bulaklak sa aking paligid
Pati sa paruparong ditoy umaaligid
Sa patak ng ulan sa mga halaman
Salamat po, Diyos sa Inyong kabutihan.
2. Pagtatalakay
Anu ano ang mga nilikha ng Diyos na dapat nating pasalamatan? Bakit?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Sino ang may likha ng lahat ng bagay sa mundo?
Tandaan:
Ang Diyos ang may likha ng lahat ng bagay. Kaya dapat lamang na Siya ay
pasalamatan.
2. Paglalapat
Lutasin:
Nakarating ka sa isang magandang lugar. Hangang-hanga ka sa kagandahan nito.
Ano ang iyong maaring gawin?

PAGTATAYA
Ipakita ang iyong pasasalamat sa Panginoon sa mga bagay na nilikha Niya. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Tanawin ito na kaygandang pagmasdan
Sa lalawigan lamang matatagpuan
Sagana sa likas na yaman
Dito ay maraming tanim na halaman.
a. Ilog
b. bundok
2. Kamiy laging nag-aawitan
Sa itaas ng punot halaman.
a. Isda
b. ibon
3. Apat ang aming paa
Katulong ng tao sa tuwina.
a. Isda
b. ibon
4. Tubig ang aming tirahan
Kinakain ng tao araw araw.
a. Ibon
b. isda
5. Magagandat ibat-ibang kulay
Sa paligid nagbibigay buhay.
a. Halaman
b. bulaklak
KASUNDUAN
Isaulo ang buong tula.

c. langit
c. unggoy
c. hayop
c. hayop
c. hayop

Ikalawang Linggo Unang Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Ayusin ang mga titik upang mabuo ang mga bagay na nilikha ng Diyos para sa atin.
BNWUA ___________
LALAKKUB __________
LOGI __________
BONI __________
NOKBUD _______
2. Pagganyak
Awit: Sinong May Likha?
Sinong may likha
Ng mga ibon (3x)
Sinong may likha ng mga ibon?
Ang DIyos ama sa langit.
(Palitan ang ibon ng iba pang nilikha ng Diyos tulad ng puno, araw, bituin, atbp.)\
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Muling pag-usapan ang mga nilikha ng Diyos sa napag-aralang tula.
Itala sa pisara ang mga sagot na ibibigay ng mga bata.
Ano ang nararamdaman mo sa pagtatamasa ng mga bagay na ito na nilikha ng Diyos para sa
atin?
Nagpapasalamat ka ba sa Diyos? Bakit?
2. Pagtatalakay
Anu ano ang mga nilikha ng Diyos na dapat nating pasalamatan? Bakit?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Sino ang may likha ng lahat ng bagay sa mundo?
Tandaan:
Ang Diyos ang may likha ng lahat ng bagay. Kaya dapat lamang na Siya ay pasalamatan.
2. Paglalapat
Sagutin ang tseklis.
A Palagi
1.
2.
3.
4.
5.

B Paminsan minsan

C Gagawin Pa

Nagpapasalamat ba ako sa Panginoong Diyos?


Nagpapasalamat ba ako sa mga biyayang Kanyang kaloob?
Sa aking mga magulang, kapatid, kaanak, kaibigan, kalaro?
Sa aming kalusugan?
Sa pagkain, punong-kahoy, halaman?

PAGTATAYA
Ipakita ang iyong pasasalamat sa Panginoon sa mga bagay na nilikha Niya. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Pinagkukunan ng pagkain. Kailangan lamang itanim.
a. Isda
b. hayop
c. halaman
2. Ilaw sa gabing tahimik. Nakikita saan mang panig.

a. Buwan
b. bituin
c. araw
3. Sa umaga, ito ang ilaw, haop at hamaan, itoy kailangan.
a. Araw
b. bituin
c. buwan
4. Tinataniman ito ng mga halaman. Pinagkukunan din ng kayamanan
a. Tubig
b. lupa
c. langit
5. Buhay ito ng lahat ng tao. Hayop at halaman, buhay din ito.
a. Tubig
b. hangin
c. araw
KASUNDUAN
Pangako: Ako ay laging magtataglay ng pusong mapagpasalamat sa Panginoon.

Ikalawang Linggo Ikalawang Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Muling ipabigkas sa mga bata ang tulang Salamat Po!
2. Pagganyak: Ipabigkas / Ipabasa
Pasasalamat
Salamat po, Panginoon
Sa mga biyayang bigay
Saganang pagkain
Dulot mo sa amin.
Masipag na ama
Mapagmahal na ina
Malusog na pamilya
Salamat, Panginoon
Dakila ka!
Bakit mahalaga na tayo ay marunong magpasalamat sa lahat ng mga biyaya ng Diyos sa atin?
Sa iyong palagay, sapat ban a magpasalamat lang tayo?
Ano pa kaya ang dapat nating gawin para ipakita ang lubos nating pasasalamat sa mga biyaya ng
Diyos. Alamin natin.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pagpapahalaga at Pangangalaga sa Biyaya ng Diyos
Ang mga magulang, dapat na mahalin
Sumunod sa utos, payo nilat bilin
Iwasang sumuway, saktan kanilang damdamin
Ang Panginoong Diyos, may bigay sa atin.
2. Pagtatalakay
Paano natin mapahahahalagahan ang ating mga magulang?
C. Pangwakasan na Gawain
1. Paglalahat
Paano natin mapahahahalagahan / mapangangalagaan ang mga biyaya ng Diyos tulad n gating
mga magulang?
Tandaan:
Ang ating mga magulang ang isa sa pinakamahalagang biyaya ng DIyos sa atin. Mahalin, igalang
at sundin natin sila palagi.

2. Paglalapat
Lutasin:
Napagsabihan si Joy ng kanyang nanay dahil mas gusto pa niyang maglaro kaysa mag-aral siya
ng leksyion. Nagkulong siya sa kwarto maghapon at hindi kumain. Tama ba ang kanyang
ginawa? Bakit?
PAGTATAYA
Iguhit ang masayang mukha kung nagpapakita ng pagpapahalaga sa magulang at malungkot na
mukha kung hindi.
___ 1. Nagpapakabait si Jenny sa paaralan para maipagmalaki siya ng kanyang nanay at tatay.
___ 2. Bago sundin ni Lovely ang utos ng ama, humingi muna siya ng pera.
___ 3. Nagdabog si Lory matamos hindi ibili ang laruan ng kanyang nanay.
___ 4. Agad iniabot ni Arcy ang tsinelas sa ama na kagagaling lamang sa opisina.
___ 5. Tawag nang tawag ang nanay ni Neriz at may iuutos sa kanya. Hindi niya ito pinapansin.
KASUNDUAN
Buuin ang tugma:
Magulang ay mahalin, upang ikaw ay ___________.

Ikalawang Linggo Ikatlong Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Lagyan ng ang gawaing nagpapakita ng pagpapahalga sa magulang:
___ humahalik
___ sumasagot nangpasigaw
___ sinusunod ang utos
___ niyayakap
___ nagsasabi ng po at opo
2. Pagganyak
Ipakita ang isang babala.
Bawal Pitasin ang
Bulaklak

Ano ang nakasulat sa babala?


Saan kayo nakakakita ng ganitong klaseng babala?
Sinusunod ba ninyo ang babalang ito? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pagpapahalaga at Pangangalaga sa Biyaya ng Diyos
Bulaklak, halaman
Huwag pitasin
Alagaan natin at laging diligin
Nagpapaganda ng paligid natin.
2. Pagtalakay
Anong nilikha ng Diyos ang dapat nating pangalagaan? Bakit?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano naitn mapahahalagahan / mapangangalagaan ang mga biyaya ng Diyos tulad
ng mga bulaklak at halaman?
Tandaan:
Ang mga bulaklak at halaman ay biyaya ng Diyos sa atin.
Dapat nating pangalagaan at mahalin.
2. Paglalapat
Lutasin:
Napadaan sina Myrna at Lyn sa bakuran ni Aling Flora. Nakita nila na hitik sa bunga
ang puno ng chico. Pinagpipitas ng dalawa ang mga bubot na bunga. Tama ba ang
ginawa nila? Bakit?
PAGTATAYA
Sagutin: Tama o Mali.
____ 1. Nagpapaganda ang mga bulaklak at halaman sa paligid.
____ 2. Bunutan ng damo ang paligid ng halaman.
____ 3. Masarap maghalambitin sa mga sanga ng halaman.
____ 4. Alagaan at laging diligin ang mga halaman.

____ 5. Lagyan din ng pataba ang mga halaman.


KASUNDUAN
Iguhit ang sarili habang pinangangalagaan ang mga halaman o bulaklak sa paligid.

Ikalawang Linggo Ikaapat na Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Magbigay ng mga ibat-ibang uri ng
Bulaklak ______
Halamang namumunga ______
Halamang maliliit/malalaki na makikita sa paligid.
2. Pagganyak
Awit: Ang Pipit
May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy
At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon
Dahil sa sakit din a nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog
Ngunit parang taong bumigkas
Mamang kaylupit, ang puso moy dina nahabag
Pag pumaw ang buhay ko
May isang pipit na iiyak.
Ano ang ginawa ng mama sa ibon?
Tama ba ang kanyang ginawa? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pagpapahalaga at Pangangalaga sa Biyaya ng Diyos
Mga ibon, huwag nating tiradurin
Malaking tulong sila sa atin
Mapaminsalang uod at kulisap
Kinakain nila, halaman ay ligtas
2. Pagtalakay
Anong nilikha ng Diyos ang dapat pangalagaan? Bakit
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano natin mapahahahalagahan / mapangangalagaan ang mga biyaya ng Diyos tulad
ng mga ibon?
Tandaan:
Ang mga ibon ay biyaya ng Diyos sa atin. Dapat nating pangalagaan at mahalin.
Nakatutulong sila sa atin upang ang mga mapaminsalang kulisap ay huwag
makapanira ng pananim.
2. Paglalapat
Lutasin:

Naglalakad ka nang makita mo ang isang bata na akmang titiradurin ang isang ibong
nakadapo sa puno. Ano ang gagawin mo?
PAGTATAYA
Iguhit ang ibon na gusto mo.
Sa ilalim ng iyong gawa, isulat mo Pangako tutulong ako na mapangalagaan kayo
KASUNDUAN
Magtala ng 5 uri ng ibon na matatagpuan sa Pilipinas.

Ikalawang Linggo Ikalimang Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Magbigay ng ibat-ibang uri ng ibon na matatagpuan sa ating bansa. Paano ka
makakatulong para mapangalagaan sila?
2. Pagganyak
Anong hayop ang karaniwang alaga sa bahay?
Paano sila nakakatulong sa atin?
Dapat ba natin silang pangalagaan at mahalin? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pagpapahalaga at Pangangalaga sa Biyaya ng Diyos
Alagang aso at pusay pakainin
Bigyan sila lagi ng malinis na inumin
Malaki ang tulong nila s aaitn
Bantay sa buhay, dagay lilipulin.
Kapag kumakain, huwag haharutin
Kapag natutulog, huwag bubuwisitin
Iwasan silang saktan at paluin
Pagkat tayoy kanilang kakagatin.
2. Pagtatalakay
Anong nilikha ng Diyos ang dapat nating pangalagaan? Bakit?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano natin mapahahahalagahan / mapangangalagaan ang mga biyaya ng Diyos tulad
ng mga alaga nating aso at pusa?
Tandaan:
Ang mga alaga nating aso at pusa ay biyaya ng Diyos sa atin. Dapat nating
pangalagaan at mahalin. Nakatutulong sila sa atin.
2. Paglalapat
Isahang ipabigkas sa mga bata ang tugma.

PAGTATAYA
Lagyan ng kung nagpapakita ng pangangalaga sa alagang hayop, kung hindi.
___ 1. Binibitbit ang pusa sa buntot.
___ 2. Binibigyan ng malinis na tubig at pagkain.
___ 3. Hinaharot habang kumakain.
___ 4. Binubiwisit kapag natutulog.
___ 5. Pinaliliguan at binibigyan ng malinis na tirahan.
KASUNDUAN
Lutasin:
May nakita kang kuting sa inyong tarangkahan / pintuan. Iyak ng iyak. Ano ang iyong gagawin?

Ikatlong Linggo Unang Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Ipasagot ang tseklis.
A Palagi
B Paminsan minsan
C Gagawin Pa
__ 1. Mahal ko ba ang aking mga magulang.
__ 2. Pinahahalagahan ko ba ang biyaya ng Diyos?
__ 3. Pinangangalagaan ko ba ang mga alagang hayop; tanim na halaman; ilog/sapa?
__ 4. Ginagamit ko bang mabuti ang mga biyayang galing sa Diyos? Tubig? Pagkain?
Punongkahoy?
2. Pagganyak
Ano ang ginawa mong paghahanda bago ka matulog sa gabi?
Alin kaya ang higit na mabuti sa mga ginagawa mo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pag-usal ng Panalangin (Bago Matulog)
Salamat po Diyos sa Nanay at Tatay
Sa mga kapatid ko at kaibigan
Sa aking guro sa aming paaralan
At sa lahat ng sa akiy nagmamahal.
Salamat po Diyos, sa buong araw
Ako ay iyong pinapatnubayan
Sa buhay at sa aming paaralan
Sa pagtawid ko sa mataong daan.
2. Pagtalakay
Ano ang pinakamahalagang bagay ang ginawa ng bata bago siya matulog?
Kanino siya nanalangin?
Ano ang sinabi niya sa kanyang panalangin?
Ikaw, nagdarasal ka rin ba bago matulog sa gabi? Bakit?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan natin sa Diyos?

Tandaan:
Ang pagdarasal ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan / pakikipag-usap natin sa
Diyos.
Nagdarasal tayo para:
Magpuri, humingi ng tawad sa ating mga kasalanan, magpasalamat at humiling ng
patuloy na paggabay at pagbibigay sa atin ng biyaya ng Diyos.
2. Paglalapat
Bakit kaya dapat tayong magdasal bago matulog?
PAGTATAYA
Isa isang tawagain ang mga bata para basahin ang panalangin bago matulog.
KASUNDUAN
Isaulo ang panalangin bago matulog.

Ikatlong Linggo Ikalawang Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Ano ang dapat mong gawin bago ka matulog? Bakit?
2. Pagganyak
Ano ang ginagawa mong paghahanda sa iyong paggising?
Alin kaya ang higit na mabuti sa mga ginagawa mo?
Nananalangin ka rin ba pagkagising?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pag-usal ng Panalangin (Pagkagising)
Salamat po Diyos sa buong magdamag
Akoy inyong binantayan
Mahimbing sa aking pagtulog
Walang masamang bungang-tulog.
Salamat po Diyos sa umaga
Ang gising ko ay maganda
Sana ako po ay katuwaan
Ng aking mga kasambahay
2. Pagtatalakay
Ano ang pinakamahalang bagay ang ginawa ng bata sa kanyang paggising?
Kanino siya nanalangin?
Ano ang sinabi niya sa kanyang panalangin?
Ikaw, nagdarasal ka rin ba pagkagising mo? Bakit
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan natin sa Diyos?
Tandaan:
Ang pagdarasal ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan / pakikipag-usap natin sa
Diyos.

Nagdarasal tayo para:


Magpuri, humingi ng tawad sa ating mga kasalanan, magpasalamat at humiling ng
patuloy na paggabay at pagbibigay sa atin ng biyaya ng Diyos.
2. Paglalapat
Lutasin:
Takot na takot ka dahil nanaginip ka ng masama. Ano ang iyong dapat gawin? Bakit?
PAGTATAYA
Isa-isang tawagin ang mga bata para basahin ang panalangin pagkagising.
KASUNDUAN
Sagutin ang tseklis.
A Palagi

B Paminsan minsan

C Gagawin Pa

___ 1. Ako ba ay nagdarasal


___ 2. Nagdarasal ba ako?
a. Bago matulog
b. Pagkagising
c. Bago kumain
d. Pagkatapos kumain
Isaulo:
Bago matulog at pagkagising
Diyos ang ating unang isipin
Ang tulong Niya ay ating kailangan
Sa bawat sandali ng ating buhay.

Ikatlong Linggo Ikatlong Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Ano ang dapat mong gawin sa iyong paggising? Bakit?
2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng mag-anak na nasa hapag.
Itanong:
Ano ang ginagawa ng mag-anak?
Ang mag-anak mo ba ay nagdarasal rin bago kumain?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pag-usal ng Panalangin (Bago Kumain)
Masayang Tahaan
Sa aming tahanan
May pagmamahalan;
Ang aming mga magulang
Ay iginagalang
May pagtutulungan
At pagbibigayan;
Ang aming pamilya
Ay nagkakaisa
Nagkikita kami

Kapag orasyon na:


Kay tatay at nanay
Hahalik sa kamay
Pagdulog sa mesa
Kamiy nagdarasal
Nagpapasalamat
Sa Poong Maykapal
Panalangin Bago Kumain
Panginoon, kamiy lubos na nagpapasalamat sa biyayang narito sa aming hapag na
amingpagsasaluhan.
Naway magbigay ang mga pagkaing ito ng lakas sa aming katawan upang magawa naming ang
mga bagay na dapat naming gampanan sa araw-araw. Amen.
2. Pagtalakay
Ano ang pinakamahalagang bagay ang ginawa ng mag-anak bago sila kumain?
Kanino sila nanalangin?
Kayo ng iyong pamilya, nagdarasal rin ba kayo bago kayo kumain? Bakit?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan natin sa Diyos?
Tandaan:
Ang pagdarasal ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan / pakikipag-usap natin sa
Diyos.
Nagdarasal tayo para:
Magpasalamt sa grasya o biyaya ng ating Panginoon na magbibigay lakas sa ating
katawan at kaisipan.
2. Paglalapat
Lutasin:
Gutom na gutom ka na pero kailangan munang magdasal ng buong pamilya bago kumain. Ano
ang gagawin mo?
PAGTATAYA
Isa-isang tawagin ang mga bata para basahin ang panalangin bago kumain.
KASUNDUAN
Isaulo ang panalangin bago kumain.

Ikatlong Linggo Ikaapat na Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Ano ang dapat mong gawin bago kumain? Bakit?
2. Pagganyak
Kapag may natanggap kang regalo o pasalubong, ano ang madalas mong sinasabi? Bakit
mahalaga na tayo ay nagpapasalamat?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pag-usal ng Panalangin (Pagkatapos Kumain)
Masayang Tahaan
Sa aming tahanan
May pagmamahalan;
Ang aming mga magulang
Ay iginagalang
May pagtutulungan
At pagbibigayan;
Ang aming pamilya
Ay nagkakaisa
Nagkikita kami
Kapag orasyon na:
Kay tatay at nanay
Hahalik sa kamay
Pagdulog sa mesa
Kamiy nagdarasal
Nagpapasalamat
Sa Poong Maykapal
Panalangin Bago Kumain
Panginoon, kamiy lubos na nagpapasalamat sa biyayang narito sa aming hapag na
amingpagsasaluhan.
Naway magbigay ang mga pagkaing ito ng lakas sa aming katawan upang magawa naming ang
mga bagay na dapat naming gampanan sa araw-araw. Amen.
2. Pagtalakay
Ano ang pinakamahalagang bagay ang ginawa ng mag-anak bago sila kumain?
Kanino sila nanalangin?
Kayo ng iyong pamilya, nagdarasal rin ba kayo bago kayo kumain? Bakit?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan natin sa Diyos?
Tandaan:
Ang pagdarasal ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan / pakikipag-usap natin sa
Diyos.
Nagdarasal tayo para:
Magpasalamt sa grasya o biyaya ng ating Panginoon na magbibigay lakas sa ating
katawan at kaisipan.
2. Paglalapat
Lutasin:
Busog na busog si Crispin. Halos naubos niya ang lahat ng pagkaing nakahain sa mesa. Aln sa
mga ito ang dapat niyang gawin?
A Maghugas ng Kamay
B gumamit ng tutpik at mag-alis ng tinga
C Magdasal at magpasalamat sa natanggap na biyaya
D Mag-inat at humanda sa pag-idlip
PAGTATAYA
Isa isang tawagin ang mga bata para basahin ang panalangin pagkatapos kumain.

KASUNDUAN
Isaulo ang panalangin pagkatapos kumain.

Ikatlong Linggo Ikalimang Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Ano ang panalangin? Bakit tayo nananalangin?
Kanino tayo nananalangin?
Kailan tayo dapat manalangin?
2. Pagganyak
Sino sa inyo ang may cellphone sa bahay?
Ano ang gamit ng cellphone sa inyo?
Mahalaga ba ang cellphone?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ginagamit natin ang cellphone sa tuwing may nais tayong sabihin o ikwento o ibilin
sa taong ating kausap sa kabilang linya.
Tayo naman ay nagdarasal sa tuwiing iibig nating makipag-usap sa ating Panginoon.
Masasabi natin sa Poon an gating niloloob sa pamamagitan ng panalangin.
Diyos at Ama Namin:
Salamat pos a aming buhay.
Salamat po sa aming mga magulang at kapatid.
Salamat din po sa aming ikinabubuhay.
Nawa ay mabuhay kami nang kalugod-lugod sa Iyo.
2. Pagtalakay
Kanino tayo nananalangin?
Anu ano ang ipinagpapasalamat natin?
Ano ang nais natin sa ating buhay?
Dapat bang may pinipili tayong oras para sa pagdarasal?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan natin sa Diyos?
Tandaan:
Ang pagdarasal ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan/ pakikipag-usap natin sa
Diyos.
Nagdarasal tayo para: magpasalamat sa grasya o biyaya ng ating Panginoon na
nagbibigay lakas sa ating katawan at kaisipan. Ang pagdarasal ay maaring gawin sa
lahat ng sandal n gating buhay at kahiti saan mang lugar.
2. Paglalapat
Kung ikaw ay nagdarasal, ano ang sasabihin mo sa Diyos?
Umaasa ka ba na sasagutin ng Diyos ang iyong dasal? Bakit?
PAGTATAYA
Sumulat ng isang maikling dasal ng pasasalamat sa ating Diyos.
KASUNDUAN
Isaulo ang panalanging natutuhan.

Ika-apat na Linggo Unang Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Ano ang pinakamabisang paraan ng pakikipag-usap sa Diiyos?
Hayaang mag-usal ng panalangin ng pasasalamat ang mga bata.
2. Pagganyak
May alam ba kayong awit?
Awt ng papuri sa Diyos?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang awit sa mga bata.
Alay Kapwa (E.P Hontiveros, SJ)
Di bat sadyang may kapwa ang sariling
Dapat Hainan ng pagsisilbi?
At mamangha, ligayay dadalisay
Pag sa kapwa buhay mo ay naalay.
Bawat galing gamitin sa paglingap
Laging damhin kung may naghihirap.
At tandaan: ganyang pagmamahalana
Unang unang atas ng kabanalan.
2. Pagtalakay
Ano ang pamagat ng awit?
Ano ang mensahe ng awit?
Ano ang ibig iparating sa atin ng awit tungkol sa ating kapwa?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan natin sa Diyos?
Tandaan:
Ang pag-awit ng awiting tungkol sa Diyos ay isa ring paraan ng ating pakikpag-usap
sa Kanya. Ang pag-awit daw ay dobleng paraan ng pagdarasal.
2. Paglalapat
Hayaang magbahai ang mga bata ng kanilang karanasan tungkol sa ialng mahalagang
bahagi ng awit na natutuhan.
Ano ang iibig sabihin ng bahagi ng awt na:
Kapwang dapat hainan ng pagsisilbi
Ligayay dadalisay pag sa kapwa buhay mo ay naalay
Bawat galing gamitin sa paglingap
Laging damhin kung may naghihirap
PAGTATAYA
Ipaawit ang awit nang pangkatan sa mga bata.
KASUNDUAN
Isaulo ang awit.

Ika-apat na Linggo - Ikalawang Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Muling ipaawit sa mga bata ang Alay Kapwa
Kaya ba ninyong gawin sa inyong kapwa ang mensahe ng awit? Paano?
2. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan ng ibat-ibang pook sambahan / simbahan.
Nagpupunta ba kayo osa mga pook na ito?
Kailan? Sinu sino ang inyong kasama?
Bakit kayo pumupunta rito?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento sa mga bata. Lingo ng umaga noon. Maagang gumising si Inay.
Magsikain na tayo at nang maaga tayong makapunta sa simbahan. Bakit po ba
kailangang magpunta tayo sa simbahan? Mayroon naman pot a yong mapapanood sa
TV, wika ni Valerie sa kanyang ina.
Sa simbahan mapapakinggan natin ang salita ng Diyos na sama-sama. Hinihintay
Niya tayo roon, sagot ng kanyang ina.
Higit na madarama natin ang pagsamba sa simbahan kaysa sa TV.
2. Pagtatalakay
Anong araw naganap ang kwento?
Saan magtutungo ang mag-anak?
Bakit kailangang magsimba o magtungo sa pook sambahan?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Ano ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan natin sa Diyos?
Tandaan:
Ang pagsamba o pagsisimba ay isang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan sa
Panginoon. Dapat nating ugaliin ang pagsisimba.
2. Paglalapat
Lutasin:
Gigising ka ng iyong ina para magsimba.
Pero, antok na antok ka pa. Ano ang iyong gagawin?
PAGTATAYA
Iguhit ang iyong sarili kasama ng buong mag-anak habang papasok sa pook
sambahan.
KASUNDUAN
Buuin ang tugma. Isulat sa patlang ang nawawalang salita.
Ang mag-anak na sama samang nagsisimba.
Ay pinagpapala ng __________.

Ikaapat na Linggo Ikatlong Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Kailan ka nananalangin? Lagyan ng
___ Bago matulog.
___ Pagkagising sa umaga.
___ Kapag nasa loob ng simbahan.
___ Kung kailan maisipan.
___ Kung may problema
___ Kung may kalamidad
___ Kahit anong oras na gusto mo
___ Kung may gustong hilingin
___ Kapag may sakit ka
___ Sa Pasko at Mahal na Araw
2. Pagganyak
Tama ba o mali?
Nagsisimba si Ana kung kaarawan lang niya.
Linggo linggo nagisismba ang buong mag-anak ni Mang Juan.
Hindi sumasama si Diego sa pagsisimba kapag maaga pa.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipakita ang mga ibat-ibang gawaing pangrelihiyon sa loob ng simbahan habang
nagsisimba.
Talakayin ang kahalagahan ng pagsunod sa bawat gawain.
2. Pagtalakay
Ginagawa rin ba ninyo ang mga gawaing panrelihiyong ipinakita sa larawan?
Nakikiisa ba kayo sa pagdarasal? Pag-awit?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang dapat gawin kapag nasa loob ng pook dalanginan?
Tandaan:
Sa pook sambahan
Ipakita ang paggalang
Sa mga gawain
Tayoy makiisa rin
2. Paglalapat
Lutasin:
Nagsersermon ang pari sa misa. Ano ang iyong gagawin?
PAGTATAYA
Sagutin: Wasto o Di Wasto?
______ 1. Habang nagmimisa kumakain ng babolgam si Ria.
______ 2. Nakikiisa sa pag-awit si Bobet habang may misa.
______ 3. Natutulog si Tammy habang nagsersermon ang pari.
______ 4. Sinusunod ni Teresa ang mga gawaing panrelihiyon.
______ 5. Nakkipagdaldalan si Vicky sa katabi habang nakikinag ng misa.

KASUNDUAN
Sagutin ang tseklis
A Palagi

B Paminsan minsan

C- Gagawin Pa

______ 1. Sumasama ba ako sa pook sambahan?


______ 2. Sumusunod ba ako sa mga gawaing panrelihiyon?
______ 3. Nagsusuot ba ako ng maayos na kasuotan sa simbahan?
______ 4. Tinatangkilik ko ba an gmga proyekto ng simbahan?
______ 5. Nagdarasal ako nang taimtim sa loob ng simbahan.

Ikaapat na Linggo Ikaapat na Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
2. Pagganyak
Nakakita na ba kayo ng pulubi?
Ano ang ginagawa ng isang pulubi?
Saang lugar kayo madalas na nakakakita ng pulubi?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipabasa ang kwento:
Pagsunod sa mga Gawaing Panrelihiyon
Ano po ba, Ina yang gawain sa ating relihiyon? ang tanong ni Michelle.
Ah, iyon ba? Marami tayong mga gawain.
Hindi naman lahat ay gagawin natin.
Halimbawa, pag-aaral ng Bibliya at pananalangin. Ang pagdalaw sa mga maysakit.
Ang pagtulong sa mga nangangailangan, ang sagot ng ina.
Marami pala. Kung gayoy sisikapin kong gawin ang kaya ko, wika ni Michelle.
2. Pagtatalakay
Sinu sino ang mga tauhan sa kwento?
Tungkol saan ang pinag-usapan ng mag-ina?
Anu ano ang mga gawaing panrelihiyon?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang dapat gawin sa mga gawaing panrelihiyon?
Tandaan:
Dapat sundin ang mga gawaing panrelihiyon.
Tulad ng:
Pag-aaral ng Bibliya
Pagdarasal
Pagdalaw ng sa maysakit
Pagtulong sa mga nangangailangan
2. Paglalapat
Lutasin:
May proyekto ang pari sa inyong lugar.

Nais niyang maghandog kayo ng kaunting tulong sa mga mahihirap sa panahon ng


Pasko. Bawt isa ay binibigyan ng alkansiya na pag-iipunan ng piso araw-araw. Ano
ang gagawin mo?

PAGTATAYA
Lagyan ng ang mga gawaing panrelihiyon na kaya mong sundin.
___ 1. Magdasal
___ 2. Magbigay ng tulong sa kapwang nangangailangan.
___ 3. Magsimba tuwing Linggo.
___ 4. Mag-aral ng salita ng Diyos sa Bibliya
___ 5. Dumalaw sa kapwang maysakit
KASUNDUAN
Gumuhit ng isang larawang nagpapakita ng pagsunod sa gawaing panrelihiyon sa inyong
notebook.

Ikaapat na Linggo Ikalimang Araw


PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Bali Aral
Magbigay ng mga halimbawa ng mga gawaing panrelihiyon na dapat ninyong sundin.
2. Pagganyak
Sino ang nakarinig na ng tunog ng kampana ng simbahan?
Alam ba ninyo na tuwing ika-anim ng gabi ay tumutunog ang kampana ng simbahan?
Alamin natin kung bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipabasa ang kwento
Pagdarasal ng Orasyon
Masayang naglalaro ang magkakaibigang
Diether, Sam, Dennis at Cogie
Tumunog ang kampana bilang hudyat ng orasyon, ang pagdarasal kung sumasapit ang ika-anim
ng hapon.
Tumigil sila sa paglalaro at tahimik na nanalangin.
2. Pagtalakay
Sinu sino ang mga magkakaibigan sa kwento?
Ano ang kanilang ginagawa?
Bakit tumunog ang kampana?
Ano ang ibig sabihin ng orasyon?
Ano ang kanilang ginawa pagkarinig ng kampana?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang orasyon?
Tandaan:
Ang orasyon ay sama samang pagdarasal ng buong mag-anak tuwing sumasapit ang ika-anim
ng hapon at umaga.
2. Paglalapat
Lutasin:
Naglalaro po kayo ng mga kaibigan mo. Biglang tumunog ang kampana. Narinig mo ang tawag
ng iyong nanay para sa sama samang pagdarasal ng inyong pamilya ng orasyon. Ano ang
gagawin mo?
PAGTATAYA
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Paggising mo sa umaga, narinig mo ang radio na hudyat ng pagdarasal ng orasyon. Ano
ang iyong gagawin?
a. Sasabay nang tahimik sa pagdarasal.
b. Ililipat ang istasyon ng radio
c. Papatayin ang radio
2. Naglalaro pa kayo isang hapon nang biglang tumunog ang kampana para sa orasyon
a. Hindi mo papansini
b. Ipagpapatuloy ang paglalaro
c. Tumigil at manalangin

3. Ano ang iyong saloobin tungkol sa pagdarasal?


a. Hindi ito kailangan sa buhay
b. Istorbo lamang ito sa ating gawain
c. Kailangan natin ito bilang tanda n gating paggalang at pananampalataya sa Diyos
4. Hindi mo alam ang dasal na sinasabi sa orasyon. Ano ang gagawin mo?
a. Magpapaturo o pag-aaralan ang dasal
b. Pababayaan na lang
c. Ayawan ang pagtuturo sa iiyo
5. Sa iyong palagay, may buti na idudulot ang pagdarasal?
a. Opo
b. wala
c. Ewan ko
KASUNDUAN
Pangako:
Titigil at mananalangin ako sa Diyos araw araw sa oras ng orasyon.

Das könnte Ihnen auch gefallen