Sie sind auf Seite 1von 2

Unang Hakbang:

Magtungo sa isang pamilihan at


bumili
ng
mga
sangkap
na
kailangang gamitin para sa lutong
ito. Kinakailangan lamang ng: Isang
kilo ng Patatas, Mantika, Asin at iba
pang mga pampalasa. Depende sa
ninanais gamitin ng magluluto.
Matapos makabili ng isang kilo ng
patatas, hiwain ang mga ito ng
manipis at pabilog.

Pangalawang Hakbang:
Ilagay ang mga nahiwang patatas sa
isang malaking mangkok na may
tubig at lagyan ng 3 kutsarita ng
asin. Ibabad ang mga patatas ng 30
minuto at patuyuin.

Ikatlong Hakbang:
Pumili ng gagamiting mantika sa
pagluluto. Ang gagamiting paraan sa
pagluluto ng Potato Chips ay Deep
Frying. Kinakailangang malubog sa
mantika ang mga patatas upang
madali itong maluto at maging
pantay ang lutong.

Ikaapat na Hakbang:
Painitin ang kawali at tantyahin ang
dami ng mantika na ilalagay.
Kinakailangan lamang na malubog
ang mga patatas sa mainit na
mantika upang itoy maluto. Kapag
nakitang ang mga batatas ay
pumula, maari na itong kunin at
ibukod.
Paalala: Huwag prituhin ang mga
patatas ng sabay sabay. Hanggat
maari ay maglagay lamang ng 4
hanggang 6 na nahiwang patatas sa
kawali upang hindi agad bumaba ang
temeratura ng mantika.

Ikalimang Hakbang:
Matapos kunin ang mga lutong hiwa
ng patatas, ialagay ito sa isang plato
na mayroong tisyu upang masipsip
ang mga sobrang mantika na galling
sa kawali.

Ikaanim na Hakbang:
Habang mainit pa ang mga patatas
na niluto, maari na itong lagyan ng
kahit anong pampalasa na nais ng
nagluluto. Antaying lumamig ang
mga patatas bago ihain. Sundin
lamang ang mga hakbang na binigay
at mayroon ka nang Potato Chips!

Das könnte Ihnen auch gefallen