Sie sind auf Seite 1von 2

7 K T

S R

Family Devotion ()
Proverbs 8:

eys

Papuri sa Karunungan
v22"Sa lahat ng nilikha ni Yahweh, ako ang siyang una,
noong una pang panahon ako ay nalikha na.
v23Matagal nang panahon nang anyuan niya ako,
bago pa nalikha at naanyo itong mundo.
v24Wala pa ang mga dagat nang ako'y lumitaw,
wala pa ang mga bukal ng tubig na malilinaw.
v25Wala pa ang mga burol, ganoon din ang mga bundok,
nang ako ay isilang dito sa sansinukob.
v26Ako muna ang nilikha bago ang lupa at bukid,
nauna pa sa alabok, at sa lupang daigdig.
v27Nang likhain ang mga langit, ako ay naroroon na,
maging nang ang hangganan ng langit at lupa'y italaga.
v28Naroon na rin ako nang ang ulap ay ilagay,
at nang kanyang palitawin ang bukal sa kalaliman.
v29Nang ilagay niya ang hangganan nitong dagat,
nang ang patibayan ng mundo ay ilagay at itatag,
v30ako'y lagi niyang kasama at katulong sa gawain,
ako ay ligaya niya at sa akin siya'y aliw.
v31Ako ay nagdiwang, nang daigdig ay matapos,
dahil sa sangkatauhan, ligaya ko ay nalubos.

piritual

enewal

Key #5 Forgiveness
(Pagpapatawad)
v14"Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo
ng inyong Ama na nasa langit. v15Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang iba, hindi rin
naman patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan."
(Mateo 6:14)

I.

Si Jose At Ang Kanyang Mga Kapatid:


Genesis 50:15-21

v15Mula nang mamatay ang kanilang ama, nag-alala na ang mga kapatid ni Jose. Sabi
nila, "Paano kung galit pa sa atin si Jose at gantihan tayo sa kalupitang ginawa natin
sa kanya?" v16Nagpasugo sila kay Jose at ipinasabi ang ganito: "Bago namatay ang
ating ama, ipinagbilin niya na sabihin ito sa iyo, v17'Nakikiusap ako na patawarin mo
na ang iyong mga kapatid sa ginawa nila sa iyo.' Kaya naman ngayon, nagsusumamo
kami sa iyo na patawarin mo kaming mga lingkod ng Diyos ng iyong ama." Napaiyak
si Jose nang marinig ito.
v18Lumapit lahat ang kanyang mga kapatid at yumuko sa harapan niya. "Kami'y mga
alipin mo," wika nila.
v19Ngunit sinabi ni Jose, "Huwag kayong matakot! Maaari ko bang palitan ang
Diyos? v20Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng
Diyos para sa kabutihan, at dahil doo'y naligtas ang marami ngayon. v21Kaya, huwag
na kayong mag-alala. Ako ang bahala sa inyo at sa inyong mga anak." Napanatag ang
kanilang kalooban sa mga sinabing ito ni Jose.
1

I.

Inaalis Nito Ang Galit

II.

Inaalis Nito Ang Takot

III.

Hinahayaan Nating Ang Diyos Ang Kumilos Sa Ating Buhay

IV.

Nagbibigay Kapayapaan Sa Bawat Panig

Das könnte Ihnen auch gefallen