Sie sind auf Seite 1von 16

Republika ng Pilipinas

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


PAARALANG GRADWADO
PANTAS NG SINING SA FILIPINO
Sta. Mesa, Maynila

Abadeha: Ang Sinderela ng Pilipinas


Isang Pagsusuri ng Ating Poklor
Gamit ang Morpolohiya ng Poktayl ni Vladimir Propp
Pananaliksik na iniharap kay Dr. Efren R. Abueg
Paaralang Gradwado
Kagawaran ng Filipinolohiya
Kolehiyo ng Arte at Literatura
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Bilang pagtugon sa kahingian sa kursong


Pantas ng Sining sa Filipino
sa asignaturang
Poklor ng Pilipinas
(MAF 503)

Mananaliksik:
Reyes, Ryan Pesigan
2011-11110-MN-0
Ika-30 ng Agosto, 2013

I.

Panimula
Pinaniniwalaan na ang Morphology of the Folktale ni Vlad mir Propp ang siyang

gumagabay sa karamihang mga poktayl mula sa mga ibat-ibang bansa at henerasyon.


Bagamat pagiging maka-Kanluranin ang laman nitong Morpolohiya ng Poktayl, lubos
itong kumakatawan rin ng mga poktayl sa ating bansa. Sinasabi nga natin na ang
poklor ay isang pandaigdigang konsepto kung saan ang mga kuwentong bayan o maski
kuwentong kalunsuran (urban legend) ang siyang sumasalamin sa lipunan. Ayon nga
kay Jose Villa Panganiban, Ang mga tunay na datos ng panitikang poklorika ay
binubuo ng mga salinsabing pasalita na may anyong esttik at yaring tao (1969).
Kung gayon masasabi natin na ang ating wika ang siyang kumakatawan sa poklor na
siya namang sumasalamin sa ating kultura at sibilisasyon. At dahil ang kasaysayan ng
sanlibutan ay magkaugnay-ugnay maski sa antropolohiyang aspekto kung saan lahat
tayo ay nakaugat sa Africa, ang ating mga salinsabi o tradisyong oral ay halos parepareho o may katumbas sa ibat-ibang bansa. Kung gayon, ang Morpolohiya ng Poktayl
ni Vladmir Propp ang siyang masasabing akmang pamamaraan sa paghanap ng
pagkaka-ugnay nitong mga katutubong poklor at pagbalangkas ang mga ito upang
makita ang istruktura na siyang gumagabay sa lahat ng mga poklor maski saang bahagi
ka ng daigdig.
Ginamit ni Vladmir Propp itong metodolohiya upang suriin ang poklor at mga
poktayl ng Rusya (Vladmir Propp, 2013).

Itong pagsusuri sa istruktura ay ang

paghahati sa tatlumput-isang bahagi pagkatapos ng inisyal na pangyayari sa kuwento o


poktayl kung saan ang mga tauhan o dramatis person ay ipinapakilala kasama
siyempre ang bida na siyang pinakamahalaga sa poktayl. Pagkatapos nitong inisyal na

pangyayari sa poktayl, ang metodolohiya ni Vladmir Propp ang makikitang nagtataglay


sa poktayl kahit saang bansa itong kuwento galing.

Sinusuportahan ito ni Terry

Eagleton kung saan sa kanyang librong Literary Theory An Introduction, sinabi niya
na, Ang Russian Formalist na si Vlad mir Propp

ay nagsimula ng kanyang

makabuluhang likha sa Morpolohiya sa Poktayl (1928), na matapang niyang


pinapasimple ang lahat ng mga poktayl sa pitong timbulog ng kaganapan (spheres of
action) at tatlumput-isang nakatakdang elemento o mga tungkulin (functions) (p.91).
Dagdag pa dito, pinalawak pa ni Vlad mir Propp ang kanyang Morpolohiya ng Poktayl
sa ikalawang edisyon sa pagbigay-halaga sa dalawang pagsusuring istraktura sa poklor
ang syntagmatic o diachronic na nagbibigay sa mambabasa na pakiramdam na
sumusunod siya sa pag-angat at pagbagsak ng mga pangyayari sa kuwento at ang
paradigmatic o synchronic na kumikilatis sa kuwento sa kabuuan sa nakatakdang
panahon (p. i).
Karamihan ng mga panunuring panitikan ay synchronic kaya marapat na
talakayin ko ang poktayl na nakabanggit sa ibaba sa pamamaraang ito. Mas mainam
maintindihan ang isang kuwento kung tatalakayin at susuriin ito sa pangkalahatang
laman at istruktura nito. At ayon nga sa ika-apat na tesis sa Morpolohiya ng Poktayl ni
Propp, 4. All fairy tales are of one type in regard to their structure (p. 10). Kaya maski
synchronic o diachronic, paradigmatic o syntagmatic ang aking pamamaraan sa
panunuring panitikan gamit ang tatlumput-isang ayos ng tungkuling makikita sa bawat
poktayl, makikita na walang kaduda-duda na ang wika na siyang kumakatawan ng
poklor na siya namang sumasalamin sa ating kultura at sibilisasyon.

Ang wika at

panitikan ang siyang naipamamana natin sa mga susunod na henerasyon sa anyo ng


poklor.
Pandaigdigan ang kuwento ni Cinderella. At ayon nga sa wikipedia nito, Libolibo na ang ibat-ibang anyo (variants) nito sa buong daigdig. Ang tauhang pinamagatan
nito ay isang babae na nabubuhay sa kahirapan na biglang magbabago upang
magdulot ng kabutihang palad. Unang inilimbag ang kuwento ni Charles Perrault sa
Histoires ou contes du temps pass noong1697, at pagkatapos ng Brothers Grimm
naman sa kanilang koleksiyon na Grimms Fairy Tales. Maski nag-iba ang pamagat ng
poklor at pangalan ng bida sa ibat-ibang wikang pinaghugutan nitong poklor,
Cinderella ang paulit-ulit na pangalan sa polkor ng mga wikang Ingles (Cinderella,
2013). Cinderella rin ang mas kilalang pamagat at tema nitong poklor. Ngunit ang
mga naganap, tauhan, at kasangkapang pumapalibot sa tema ng Cinderella ay iba-iba
ayon sa bansang pinanggagalingan nitong poklor. Dagdag pa dito ang katotohanan na
salinsabi o tradisyong oral ang paraan kung paano ipinapasa ang poklor. Dahil sa
dalawang dahilan na ito, minarapat ko bilang mananaliksik na hanapin ang ibat-ibang
bersiyon nitong polkor sa bansa upang lubusan at buong maipakita ang kuwentongbayan ni Cinderella na mula sa Pilipinas.
Ang pananaliksik na ito ay mula sa tatlong bersiyon ng poktayl ni Abadeha na
itinuturing nating bilang ating Sinderela.

Ang una ay mula sa Internet -

http://rachelhopecrossman.blogspot.com/2011/01/cinderella-21-abadeha-phillipine.html.
Ito ang blogspot ni Rachel Hope Crossman isang edukador para sa mga batang
musmos (early childhood educator) mula sa Berkeley, California. Pinamagatan niya
ang kanyang pananaliksik na Cinderella #21 Abadeha, the Phillipine Cinderella. Ang

pangalawang bersiyon ay mula kay Myrna J. De la Paz bilang may akda at Youshan
Tang bilang ilustrador na may pamagat na Abadeha: The Philippine Cinderella.
Nailimbag ito noong taong 2001 ng Shen Books bilang isang libro para sa kabataan.
Ang pangatlong bersiyon na ginamit ko upang lubusang malaman ang kuwento ni
Abadeha ay mula sa dulang teatrong papet na isinulat ni Dr. Amelia Lapea-Bonifacio
para sa Teatrong Mulat ng Pilipinas. Pinamagatan itong Abadeja: Ang Ating Sinderela.
Sinulat ito para maitanghal sa teatrong pambata. Marapat na malaman rin ng lahat na
hindi lang ang poklor tungkol sa tauhang Abadeha ang umusbong na kuwentong
bersiyong Sinderela sa ating bansa.

Nariyan ang kuwentong bayan ni Mariang

Alimango na ayon sa pokloristang si Dean Fansler

sa kanyang libro na Filipino

Popular Tales ay katumbas sa kuwento ni Sinderela (p. 238).

Nariyan rin ang

kuwentong pambata ni Nick Joaquin na pinamagatang The Amazing History of Elang


Uling na hango at hawig sa kuwento ni Charles Perrault na unang naglimbag sa
kuwento ni Sinderela. Bagamat itong dalawang nabanggit ay kuwentong hango kay
Sinderela, mas hawig, mas malawak, at mas maraming datos ang malilikom sa pagaaral sa poktayl ni Abadeha.
II.

Inisyal na Pangyayari (Initial Situation)


Bisayang kuwentong-bayan mula sa lalawigan ng Leyte ang poktayl ni Abadeha.

Noong unang panahon sa bayan ng Baybay ay may isang mangingisda na pangalan ay


Abak. Mayroon siyang isang asawa na pangalan ay Abadesa at isang magandang
anak na babae na pangalan ay Abadeha.

Minahal ng mag-asawa ng husto ang

kanilang anak. Sa kasawiang palad ay nagkasakit at tuluyang pumnaw ang nanay ni


Abadeha noong siya ay labing-tatlong taong gulang lamang. Sa kalungkutan ni Abak ay

nagpakasal siya muli sa isang biyuda na pangalan ay Concha. May dalawang anak
siya sina Conchiching at Conchinita. Ang bilang inisyal na pangyayari kay Abadeha
ay malalagom sa kanta mula sa dulang panteatrong papet ni Dr. Amelia LapeaBonifacio, Abadeja, Abadeja, siya ang ating Sinderela. Ano ngayon ang palad niya,
humanda kat heto na (p.1)
III.

31 Narratemes
(Pangalan ng bawat bilang ng narrateme ay hango sa Wikipedia http://en.wikipedia.org/wiki/Vladimir_Propp)
1. Absentation Si Abak, ang tatay ni Abadeha, ay kinakailangang umalis ng
kanilang

tahanan

upang

maghanap-buhay

sa

pamamagitan

ng

pangingisda.
2. Interdiction Nang sumakabilang-buhay si Abadesa, ang nanay ni
Abadeha, bumalik muli si Abak sa kanyang pangingisda ngunit sa ibang
isla naman.

Ayon sa kuwentong bersiyong Abadeha: The Philippine

Cinderella ni Myrna J. De la Paz, ... naramdaman ni Abadeha na ang


kanyang maligayang mundo ay biglang nawasak.

Pagkalipas ng

panahon, sa paglalakbay sa ibang isla.... (p.2).


3. Violation of Interdiction Dahil sa paglakbay ni Abak sa ibang isla upang
mangisda, nakilala niya ang isang biyuda na si Concha na may dalawang
anak na babae na sina Conchiching at Conchinita.
4. Reconnaissance Dahil biyudo rin si Abak, pinakasalan niya ang
biyudang si Concha. Nakilala ni Concha si Abak na isang malungkot na
biyudo.

5. Delivery Sa pagkuha ng impormasyon ni Concha kay Abak, natuklasan


niya na si Abak isang biyudo na umaasang bumuo muli ng isang
mapagmahal na pamilya sa kanya at kay Abadeha (De la Paz, p.2).
6. Trickery Nakita ni Concha na pangit at salbahe ang pag-uugal ng
kanyang dalawang anak, at nakita rin niya na lubos na maganda si
Abadeha. Dahil dito palaging niloloko, inuutusan, at inaalipin ni Concha si
Abadeha bilang kanyang madrasta o inang pangaman (stepmother).
7. Complicity Sa kabaitan ni Abadeha na ayaw sumagot sa kanyang
madrasta, lagi siyang sumusunod sa mga utos nito.

Sumang-ayon si

Abadeha maski gaanong ka-pambihira ang gawain. Ayon sa kuwentong


bersiyon ni Rachel Hope Crossman, Isang araw, inutos sa kanya,
Pumunta ka sa ilog at labhan itong dalawang panyo hanggang ang
putting panyo ay maging itim at ang itim na panyo ay maging puti. Gawin
mo mismo itong sinabi ko o sisinturunin kita hanggang mabalian ka ng
buto. Kaya tumuloy sa Abadeha sa pagpunta sa ilog (365 Cinderellas).
8. Villainy or Lack Dahil sa imposibleng utos na pinapagawa ni Concha kay
Abadeha, umiiyak siyang tumakbo sa ilog.

Alam niyang hindi niya

magagawa ang iniutos ni Concha at kakailanganin niya ng salamangka o


madyik upang matupad ito. Mayroong kulang o wala kay Abadeha na
kanyang natuklasan upang maligtas niya ang kanyang sarili.
narrateme na Lack sa Morpolohiya sa Poktayl ni Propp.
9. Mediation Sa pagdarasal ni Abadeha sa ilog:
Oh Bathala, God of the Earth,

Ito ang

Oh

Anitos,

Hear
Oh

spirits

of

my

ancestors,

me

please!

dear

mother!

I have become a slave in my father's house (365 Cinderellas)!"


Natuklasan ni Abadeha ang kanyang kasawiang-palad na siya ay naging
alila sa kanyang madrasta.
10. Beginning Counter-Action Ang tungkulin na naganap dito ay ang
defining moment kaya Abadeha.

Dahil sa kanyang daing at dasal,

narinig siya ng isang diwata sa ilog at kagubatan na nagsabi kay Abadeha


na ibanlaw ang dalawang panyo sa ilog. Pagkatapos niyang gawin ito,
ang puting panyo ay naging itim at ang itim na panyo ay naging puti. Ito
ang simula ng counter-action o defining moment dahil naging kakampi
na ni Abadeha ang engkantada ng ilog at kagubatan.
11. Departure Walang malayong paglalakbay at pag-aalis ng bida sa
kuwento ni Abadeha ngunit ang kanyang pagpunta sa ilog at kagubatan
upang makausap ang engkantanda ang pinakamalapit na kaganapan na
akma sa tungkulin o narrateme na departure.
12. First Function of the Donor Sa narrateme na ito, sinukat ang bidang si
Abadeha. Masasabi ring sinalakay siya nung kinain ng dalawang baboy
ang inaning bigas at sinira ang banig kung saan ito nakapatong. Sa dula
ni Dr. Amelia Lapea-Bonifacio, Kami boy-ba; kami boy-ba. Ha-ha-hee;
ho-ho-ho. At sa kanilang patuklas ng bigas, Rap-ma-sa ito; rap-ma-sa
ito. Hee-hee-ho; hee-hee-ho (p. 34). Sa pagsira ng dalawang baboy ang

banig at pagkain ng bigas, nagkaroon ng hidwaan sina Abadeha at


Concha kung saan pinalayas ni Concha si Abadeha sa utos na huwag
siyang bumalik hanggang hindi muling buo ang watak-watak na banig. Ito
ang magbibigay-daan kay Abadeha sa pagtanggap ng katangi-tanging
bagay.
13. Heros Reaction Muling tumakbo si Abadeha sa kagubatan at ilog upang
humingi ng tulong sa engkantada. Nagdasal siya at nakiusap na bigyang
gabay. Tulad ng dati, tinulungan ng engkantada si Abadeha at muling
binuo at nasirang banig. Dito makikitang matatag si Abadeha sa mga
pagsubok ng kanyang madrasta.
14. Receipt of a Magical Agent Dagdag sa pagbuo muli ng engkantada sa
nasirang banig, binigyan rin niya si Abadeha ng isang makulay na
sarimanok isang manok na may mahabang buntot at balahibong kulay
ang bahag-hari (De la Paz, p. 14).
15. Guidance Walang tungkulin o aspektong guidance ang kaagad sumunod
sa narrateme na receipt of a magical agent ngunit maaaring sabihing
makikita ang tungkulin na guidance sa bahagi ng poktayl ng pagdala ng
isa mahiwagang sarimanok na makikita ng isang prinsipe, si Prinsipe
Destrito, sa mahiwagang puno na may mga bungang alahas.

Itong

mahiwagang puno ay tanim ni Abadeha mula sa mga buto ng kanyang


alagang sarimanok.

Sa ibang bahagi ng kaharian at isla, may isang

sarimanok na nagpakita sa prinsipe at nag-udyok sa kanyang sundan ito.


Dinala ng sarimanok ang prinsipe sa ilalim ng mahiwagang puno at doon

niya unang nakita si Abadeha. Ayon sa Wikipedia tungkol kay Vlad mir
Propp, Occasionally, some of these functions are inverted, as when the
hero received something whilst still at home, the function of a donor
occurring early (http://en.wikipedia.org/wiki/Vladimir_Propp). Sa kuwento
ni Abadeha, nahuli lang ang narrateme na guidance at naganap muna ang
narratemes na struggle, branding, victory, liquidation, at return.
16. Struggle Hindi naman harapan o direktong nag-alitan sina Abadeha at
ang kanyang madrasta, ngunit may isang araw pagkatapos ibalik ni
Abadeha kay Concha ang nabuong banig na sinira ng mga baboy at dala
ang kanyang sarimanok, ito ay nagdulot ng pagkainggit kina Concha,
Conchiching, Conchinita.

Kaya, inabangan nila kung kailan wala si

Abadeha sa bahay at agad nilang kinuha ang sarimanok at niluto ito para
sa kanilang hapunan. Lubhang nalungkot si Abadeha nang nalaman niya
wala na ang kanyang alagang sarimanok at ito ay ginawang ulam ng
pamilya.

Maliban sa mga pag-uutos ni Concha kay Abadeha, ito ang

bahagi ng kuwento ng kanilang pinakamalaking alitan.


17. Branding Pagkatapos kainin nina Concha, Conchiching, at Conchinita
ang makulay na sarimanok, binigay nila ang mga buto nito kay Abadeha.
Malungkot niyang binalot ang mga ito sa kanyang panyo at dinala sa
kagubatan upang ilibing.

Dito nakatanggap muli si Abadeha ng isang

pang kagamitang kanyang magagamit laban sa kanyang madrasta.

10

18. Victory Ang tagumpay ni Abadeha laban kina Concha, Conchiching, at


Conchinita ay lilitaw sa katapusan ng kuwento sa pagkasal ni Abadeha
kay Prinsipe Destrito at kawalan ng hawak ni Concha kay Abadeha.
19. Liquidation Ito ang bahagi ng kuwento nakatuon sa pagsagot o
pagkaayos ng unang malaking problema ni Abadeha. Dahil nga kinain
ang alagang sarimanok ni Abadeha at binigay sa kanya ang mga buto
nito, naisipan ni Abadeha na ilibing ang mga ito sa kagubatan. Sa lupa
kung saan niya inilibing ang mga buto ng kanyang sarimanok ay may
tumubo na mahiwagang puno na umaapaw ng mga alahas bilang mga
prutas nito. Dito natugunan ang inisyal na kasawiang-palad ni Abadeha
sa pagkawala ng kanyang alaga.
20. Return Ang bahagi ng kuwento ni Abadeha na makikita ang pagbabalik
ay marahil ang pagbabalik ng kanyang ama, si Abak, sa araw ng kasal
nina Abadeha at Prinsipe Destrito. Ito rin ay makikita halos sa katapusan
ng kuwento.
21. Pursuit Wala ang Pursuit narrateme sa tatlong bersiyong poktayl ni
Abadeha sa aking sinalisik.

Mayroong bahagi sa kuwento kung saan

nagtagpo sina Abadeha at Prinsipe Destrito sa kagubatan sa ilalim ng


mahiwagang puno at sinubukang habulin ni Prinsipe Destrito si Abadeha
nung nagmamadali siyang umuwi sa kanyang bahay pagkatapos nilang
magsumpaan at magpalitan ng singsing mula sa mahiwagang puno. Itong
bahagi ng kuwento ang marahil pinakamalapit na tumutugon sa pursuit
narrateme.

11

22. Rescue Wala ang Rescue narrateme sa tatlong bersiyong poktayl ni


Abadeha sa aking sinalisik.

Ang habulan nina Prinsipe Destrito at

Abadeha ay hindi ko maituturing sa Rescue narrateme dahil hindi naman


kinakailangang mailigtas si Abadeha sa oras na iyon.
23. Unrecognized Arrival Bagamat kilala pa naman ang Prinsipe Destrito
bilang prinsipe ng kaharian, nag-iba siya ng anyo dahil sa kanyang
karamdaman

pagkatapos

niyang

suotin

ang

singsing

mula

sa

mahiwagang gubat. Bumalik siya sa palasyo bilang isang prinsipeng may


magang daliri na nagdudulot ng matinding sakit sa kanya. Dagdag dito,
hindi niya matanggal ang singsing mula sa kanyang daliri.
24. Unfounded Claims Dahil kumalat ang balita sa buong kaharian na may
karamdaman si Prinsipe Destrito. Maraming pumunta sa palasyo dala
ang pangakong mapapagaling nila ang prinsipe. Maski ang Babaylan na
nagdaos ng isang ritwal ngunit nabigo sa pagtanggal ng singsin (De la
Paz, p. 24). Sina Concha, Conchiching, at Conchinita rin ay pumunta sa
palasyo upang sumubok tanggalin ang singsing.
25. Difficult Task Dumating ang mahirap na tungkulin sa prinsipe sa
pamamagitan ng isang panaginip noong isang gabi.

Sa panaginip ni

Prinsipe Destrito, may isang sarimanok pumunta sa kanya hawag ang


isang orchid sa kanyang tuka.
hinalikan ito.

Kinuha ng prinsipe ang bulaklak at

Biglang nagbagong-anyo ang bulaklak at naging

magandang dilag. Binuksan ng dilag ang kanyang mga kamay at ipinakita


sa kanyan ang singsing. Nang tiningnan ng prinsipe at kamay niya, nakita

12

niya na wala na ang singsing sa kanyang daliri. (De la Paz, p. 24)


Kinuwento ng prinsipe ang kanyang panaginip sa kanyang tatay, si Haring
Destro. Dito lumiwanag na ang kanilang mahirap na tungkulin ay hanapin
ang dilag na makakapagpagaling sa prinsipe.
26. Solution Dahil magang-maga ang daliri ni Prinsipe Destrito, inutos ng
kanyang mga magulang, sina Haring Destro at Reyna Destra, na kung
sinuman ang maaaring makapagtanggal ng singsing sa daliri ng Prinsipe
ay siyang papakasalan nito.
27. Recognition Maski busabos at gusgusin ang suot ni Abadeha nang
nakipagkita siya kay Prinsipe Destrito, siya lang ang may kakayahang
tanggalin ang singsing mula sa magang daliri ng Prinsipe sa pamamagitan
ng kanyang haplos. Dito nakilala ng Prinsipe na si Abadeha nga ang
magandang dilag na kanyang nakausap sa kagubatan.
28. Exposure Nalaman rin sa bahagi ng kuwentong ito na sina Conchiching
at Conchinita, ang step-sisters ni Abadeha, ay nagkukunwari lamang
makapagtatanggal ng singsing sa daliri ng Prinsipe.

Dagdag dito,

lumabas ang katotohanan na pinigilan nila, sa tulong ng kanilang inang


Concha, si Abadeha pumunta sa palasyo sa pamamagitan ng pagkulong
nito sa bahay. Ang engkantada ng kagubatan at ilog lamang ang siyang
nagbukas ng pinto sa bahay at nagdala kay Abadeha sa palasyo.
29. Transfiguration Natugunan ang transfiguration narrateme nung binihisan
si Abadeha mula sa kanyang gusgusing damit tungo sa damit ng isang
prinsesa.

13

30. Punishment Makikita ang parusa nina Concha, Conchiching, at


Conchinita nung pinatapon sila ng mahestradong pamilya sa kanilang
kaharian sa atas na hindi na muli silang tatlo makababalik.
31. Wedding Kinasal si Abadeha at si Prinsipe Destrito. At tulad nang ibang
kuwentong Sinderela At namuhay sila ng masaya habang buhay (And
they lived happily ever after).

14

MGA SANGGUNIAN:
Cinderella.

Wikipedia

The
Free
Encyclopedia.
http://en.wikipedia.org/wiki/Cinderella. Huling tiningnan noong ika-28 ng
Agosto, 2013.

Crossman,

Rachel
Hope.
365
Cinderellas.
.
http://rachelhopecrossman.blogspot.com/2011/01/cinderella-21-abadehaphillipine.html. Huling tiningnan noong ika-28 ng Agosto, 2013.

De la Paz, Myrna J. Abadeha: The Philippine Cinderella. Auburn: Shens Books. 2001.
Eagleton, Terry. Literary Theory: An Introduction. Minneapolis: University of Minnesota
Press. 2008.
Fansler, Dean S. Filipino Popular Tales. pp. 238-240. http://filipino-populartales.t.ebooks2ebooks.com/238.html,
http://filipino-populartales.t.ebooks2ebooks.com/239.html
and
http://filipino-populartales.t.ebooks2ebooks.com/240.html. Huling tiningnan noong ika-28 ng
Agosto, 2013.
Lapea-Bonifacio, Amelia. Abadeja: Ang Ating Sinderela. Quezon City: University of
the Philippines. 1977. Print.
Panganiban, Jose Villa. Ang panitikang poklorika at ang kaunlarang rural sa kultura.
Unesco National Commission of the Philippines Conference (6 th Biennial
Conference Report). Manila: Unesco National Commission of the
Philippines. 1969.
Propp, Vladmir. Morphology of the Folktale. Austin: University of Texas Press. 1968.
Vladimir

15

Propp.
Wikipedia

The
Free
Encyclopedia.
http://en.wikipedia.org/wiki/Vladimir_Propp. Huling tiningnan noong ika28 ng Agosto, 2013.

Republika ng Pilipinas

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


PAARALANG GRADWADO
PANTAS NG SINING SA FILIPINO
Sta. Mesa, Maynila

TUNGKOL SA MANANALIKSIK
Court interpreter at translator sa wikang Filipino ang mananaliksik dati sa estado ng
New York at New Jersey. Naging konsultant rin siya para sa Consortium for Language
Access in the Courts at American Council on the Teaching of Foreign Languages.
Miyembro siya ng samahang International Association for Translation and Intercultural
Studies (IATIS), American Translators Association (ATA) at Pambansang Samahan sa
Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF). Nagtapos siya sa Mataas na Paaralan ng
Ateneo de Manila noong 1994.

Nakamit niya ang kanyang Batsilyer ng Sining sa

Kasaysayan noong 2001 sa Excelsior College sa Albany, New York at noong 2002 mula
naman sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. Tinapos rin niya ang sertipikasyon sa
programang Interpreting a Spoken Language sa Union County College sa Cranford,
New Jersey noong 2005. Kasalukuyang ipinagpapatuloy niya at kanyang pag-aaral sa
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa programang Masterado ng Sining sa Filipino.
Ang kanyang likhang Proud to be an FOB tungkol sa kanyang karanasang pagiging
bagong salta sa Estados Unidos ay inilimbag sa antolohiyang Revolutionary Voices
noong 2000 ng Alyson Publications.

16

Das könnte Ihnen auch gefallen