Sie sind auf Seite 1von 2

7 K T

S
R

Family Devotion
(June 17, 2015)
Proverbs 8:

eys

Papuri sa Karunungan
v32"At ngayon, aking anak, ako nga ay pakinggan,
sundin ang payo ko't liligaya ang iyong buhay.
v33Upang maging matalino, ang turo ko ay dinggin mo,
huwag mong pababayaan ni lalayuan ito.
v34Mapalad ang taong sa akin ay nakikinig,
sa akin ay nag-aabang at palaging nakatitig.
v35Pagkat ang makasumpong sa akin ay nakasumpong ng buhay,
at ang kalooban ni Yahweh ay kanyang nakakamtan.
v36Ngunit ang di makasumpong sa akin, sarili ang sinasaktan,
ang napopoot sa akin, iniibig ay kamatayan."

Mga Katanungan:
1. Ang ang dapat gawin sa karunungan upang matanggap ang pangakong ligaya
sa buhay?
2. Ano ang dapat gawin upang maging matalino?
3. Paano magiging mapalad ang isang tao ayon sa talata 34?
4. Bakit mahalagang matagpuan ang Karunungan?

piritual

enewal

Key #7 Continuous Transformation


(Patuloy Na Pagbabago)

v18At tayong lahat, na walang talukbong ang mukha, na nakikita ang kaluwalhatian ng Panginoon
gaya ng sa isang salamin, ay nababago sa gayunding larawan, mula sa kaluwalhatian tungo sa
kaluwalhatian, sapagkat ito ay mula sa Panginoon na siyang Espiritu."
2 Corinto 3:18

Tinawag ni Jesus ang mga Unang Alagad


(Lukas 5:1-11)

v1Samantalang

sinisiksik si Jesus ng napakaraming tao upang makinig ng salita ng


Diyos, siya'y nakatayo sa tabi ng lawa ng Genesaret. v2Nakakita siya ng dalawang
bangka na nasa tabi ng lawa; wala na roon ang mga mangingisda at naghuhugas na ng
kanilang mga lambat.
v3Lumulan siya sa isa sa mga bangka na pag-aari ni Simon at hiniling sa kanya na ilayo
ito nang kaunti sa lupa. Siya'y umupo at mula sa bangka ay nagturo sa mga tao.
v4Nang matapos na siya sa pagsasalita ay sinabi niya kay Simon, "Pumunta ka sa
malalim at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang makahuli." v5Sumagot si Simon,
"Guro, sa buong magdamag ay nagpakapagod kami at wala kaming nahuli. Subalit
dahil sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat." v6Nang magawa nila ito,
nakahuli sila ng napakaraming isda, at halos masira ang kanilang mga lambat, v7kaya't
kinawayan nila ang mga kasamahan nilang nasa ibang bangka upang lumapit at
tulungan sila. Sila'y lumapit at pinuno ng isda ang dalawang bangka, anupa't sila'y
nagpasimulang lumubog.
8Ngunit nang makita ito ni Simon Pedro, lumuhod siya sa paanan ni Jesus, na
nagsasabi, "Lumayo ka sa akin, sapagkat ako'y taong makasalanan, O Panginoon."
v9Sapagkat siya at ang lahat ng kanyang kasama ay namangha dahil sa mga isdang
kanilang nahuli, v10gayundin si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga
kasamahan ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, "Huwag kang matakot, mula
ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao."
1
11
v Nang maitabi na nila sa lupa ang kanilang mga bangka ay iniwan nila ang lahat, at
sumunod sa kanya..

I.

Patuloy Tayong Nababago Sa Ating Pakikipagtagpo Sa Panginoon Sa


Pamamagitan Ng Ating Pagtitipon...

Mateo 18:19-20
v19Sinasabi ko rin naman sa inyo, na kapag nagkasundo ang dalawa sa inyo sa lupa
tungkol sa anumang bagay na kanilang hinihiling ay gagawin para sa kanila ng
aking Ama na nasa langit.
v20Sapagkat kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay
naroroon ako sa gitna nila."

II.

Patuloy Tayong Nababago Sa Ating Pakikipagtagpo Sa Panginoon Sa


Pamamagitan Ng Ating Pagbabasa Ng Banal Na Kasulatan
Hebreo 4:12-13
v12Ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na
sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at
espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng
tao. v13Walang makakapagtago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang
paningin, at sa kanya tayo mananagot.

III.

Patuloy Tayong Nababago Sa Ating Pakikipagtagpo Sa Panginoon Sa


Pamamagitan Ng Ating Pagsunod Sa Layuning Ibinigay Sa Atin

IV.

Patuloy Tayong Nababago Sa Ating Pakikipagtagpo Sa Panginoon Sa


Pamamagitan Ng Ating Mga Panalanging May Pagtitiis...
Roma 8:14-17
v14Sapagkat ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay sila ang mga anak ng
Diyos.
v15Sapagkat hindi kayo tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin upang muling matakot,
kundi tumanggap kayo ng espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y tumatawag tayo,
"Abba! Ama!"
v16Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu na tayo'y mga anak
ng Diyos.
v17At kung mga anak, ay mga tagapagmana rin, mga tagapagmana ng Diyos, at mga
kasamang tagapagmana ni Cristo; kung tunay ngang nagtitiis tayong kasama niya, upang
tayo'y luwalhatiin namang kasama niya.
MgaTanong ?
1. Gaano kahalaga sa iyo ang ating pagtitipon
2. Paano ba tayo nababago sa pamamagitan ng pagtitipon?
3. Anong bahagi ng Banal Na Kasulatan ang nagmistulang buhay at mabisa sa iyo?
4. Ikaw ba ay kaisa at kabahagi sa pagtupad sa layuning ibinigay sa atin ng ating
Panginoon?
5. Nararanasan mo ba ang kapangyarihang ng Espiritu upang matupad ang layuning
ibinigay ng ating Panginoon?
6. Sinu-sino na ang iyong ipinapanalangin upang maging tagasunod at alagad ng
Panginoon?
7. Kung naniniwala kang ikaw ay anak ng Diyos ano ang kinakailangan mo pang
gawin upang matupad mo ang ating misyon?

Lukas 5:10 "...Huwag kang matakot, mula ngayon ay mamamalakaya ka


ng mga tao."
Mateo 28:19-20 v19Kaya't sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad
ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng
Anak at ng Espiritu Santo,
v20at turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo.
At narito, ako'y kasama ninyong palagi, hanggang sa katapusan ng
panahon."

Das könnte Ihnen auch gefallen