Sie sind auf Seite 1von 3

Buod ng Florante at Laura

May 16, 2012 Ni Cherry


BUOD ng FLORANTE at LAURA
Sa simula ng awit ay makikita ang isang binatang nakagapos sa isang puno ng higera sa gitna ng
malawak na gubat sa labas ng kahariang Albanya na pinamumugaran ng mababangis na hayop,
nakalulunos na huni ng mga ibon, naglalakihang mga punongkahoy na may masasangsang na
amoy. Ang binatang ito ay si Florante, anak ng mag-asawang Duke Briseo at Prinsesa Floresca
na kapwa taga-Albanya.
Nagkataon namang sa gubat ding yaon ay napadako ang isang Morong taga-Persya na anak ni
Sultan Ali-Adab na dahil sa sama ng loob sa kanyang ama sa pagkakaagaw sa pag-ibig ng
kanyang kasintahan ay umalis sa sariling bayan. Ang mga panaghoy ng nakagapos ay tungkol sa
mga kasamaang nangyari sa kanyang bayan, ang pagkawala ng kanilang mga karapatan, ang
pangingibabaw ng katiwalian laban sa kabutihan, ang akala niyang pagtataksil ni Laura, ang
pagkapatay sa hari at mga kabig nito kasama na ang kanyang ama ay narinig na lahat ni Aladin
kaya tinunton niya ang boses na pinanggalingan ng pananaghoy at gaano ang pagkamangha niya
nang makitang sisilain na lamang ng 2 leon ang binata. Hindi siya nagdalawang-isip bagamat
magkaaway ang kanilang bayan at hindi sila magkarelihiyon. Hindi siya nag-atubiling patayin
ang 2 leon sa nakaambang silain si Florante. Pagkatapos na mailigtas niya ang binata ay
kinalagan niya ito ng gapos at pinagyamanan sa buong magdamag.
Kinabukasan, hiniling ni Aladin kay Florante na nais niyang malaman kung bakit siya napapunta
sa gubat. Hindi naman nag-atubili ang una kayaat isinalaysay niya kung taga-saan siya, ang
mahahalagang pangyayari noong siyaay bata pa at nang siyaay 11 taong gulang na ay
ipinadala sa Atenas upang mag-aral. Dito niya nakilala ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde
Sileno ay tampulan ng paghanga ng kanyang mga guro, sampu ng kanyang mga kamag-aral dahil
sa katalinuhan at kagandahang-asal. Subalit sa loob ng 6 na taong pagkakapag-aral ni Florante ay
nahigitan niya si Adolfo at dito na nahubdan ng balatkayo at lumabas ang tunay na pagkatao nito.
Lalo itong nahalata nang minsang magtanghal sila ng dula at sa halip na sundin ang iskrip ay
tinutoo ni Adolfo na ulusin ng taga si Florante, salamat na lamang at nailigtas siya ni Menandro,
ang pamangkin ng gurong si Antenor. Kinabukasan ay pinauwi na si Adolfo sa Albanya.
Samantala, namalagi pa si Florante ng 1 taon sa Atenas hanggang tumanggap siya ng sulat buhat
sa ama na nagbabalitang namatay ang kanyang mahal na ina. Laking sama ng loob ang idinulot
nito sa kanya. Pagkalipas ng 2 buwan ay isang sulat ang kaniyang tinanggap na nagsasaad na
umuwi na sa Albanya.
Nagkataon naman nang umuwi si Florante ay nanghihingi ng saklolo ang hari ng Krotona na
nuno niya sapagkat ang bayan nila ay sinasalakay ng hukbo ng Persyanong si Heneral Osmalik.

Ipinakilala ni Duke Briseo si Florante kay Haring Linceo at sa pagpupulong ng mga pinuno ay
nagpagpasiyahang si Florante ang namumuno sa hukbong magtatanggol sa Krotona.
Samantalang nasa palasyo si Florante, ay nakilala at naakit siya sa kagandahan ni Laura, anak ng
Hari at hindi tumugot hanggaat hindi niya naipagtapat ang kanyang niloloob at bago siya
nakipagdigma ay nagkaroon naman ng liwanag ang kanyang niluluhog.
Naglaban si Florante at Heneral Osmalik at sa loob ng 5 oras na paglalaban ay nagapi niya ito. 5
buwan pa siyang nanatili sa Krotona. Nais niyang bumalik agad sa kanyang bayan sapagkat
sabik na sabik na siyang makita si Laura. Pagdating niya sa Albanya ay namangha siya sapagkat
ang bandilang nakawagayway sa kanilang bayan ay bandila ng mga Moro at lalo siyang nagulat
nang magpasino niya ang babaeng pupugutan na lamang ng ulo. Nabawi niya ang Albanya sa
pamumuno ni Aladin, nailigtas niya ang nasa bilangguang sina Hari Linceo, Duke Briseo at
Adolfo.
Muling sinalakay ng pangkat ni Miramolin ang Albanya ay nagaping muli ni Florante ang mga
kalaban. 17 hari lahat ang napasuko ng binata.
Isang araw samantalang nasa Etolya si Florante ay tumanggap siya ng sulat mula sa hari na
nagsasaad ng madaling pagbalik niya sa Albanya. Hindi niya akalain na pagdating niya ay
dinakip agad ng 30,000 sandatahan ay dali-daling ikinulong sa bilangguan. Ang lahat pala ng
naganap sa palasyo, ang pagpatay sa hari at Duke Briseo ay pakana ni Adolfo. Ikinulong si
Florante ng 18 araw at pagkatapos ay ipinag-utos na igapos sa loob ng gubat upang doon kainin
ng mga mababangis na hayop. 2 araw na siya sa gubat nang matagpuan siya ni Aladin.
Pagkatapos ni Florante ay si Aladin naman ang nagsalaysay ng kaniyang buhay. Anak siya ni
Sultan Ali-Adab ng Persiya ay kaya siya napadpad sa gubat na iyon ay dahil sa sama ng loob sa
kanyang ama na umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Upang masarili ng Sultan ang
dalaga ay humanap ito ng paraan upang siya ay maparusahan. Ginawang dahilan nito ang
pagkaiwan ni Aladin sa hukbo at sa pagbawi ni Florante sa Albanya. Hinatulan ng Sultan ang
sariling anak na pugutan ng ulo. Subalit hindi ito natuloy sapagkat nang gabing iyon ay
pinatapon siya sa malayong lugar at pinagbilinang kung nais pa niyang mabuhay ay huwag na
siyang magbalik sa Persya kailanman. Kaya simula noon ay 6 na taon na siyang naglalagalag.
Habang nagkukuwentuhan sina Florante at Aladin ay may narining silang nag-uusap na 2 babae.
Ang sabi ng isa, nang malaman niyang papupugutan ang kanyang kasintahang nasa bilangguan
ay pumayag siyang pakasal sa Sultan. Pinawalan naman ito, subalit nang gabi ring iyon ay
nagbalatkayo siyang gerero at tumakas. Marami na ring taong siyang naglilibot hanggang
magtagpo silang 2 sa gubat.
Anong laking tuwa nina Florante at Aladin nang malamang ang nagsisipag-usap pala ay sina
Laura at Flerida.
Isinalaysay naman ni Laura ang nangyari sa Albanya, samantalang nasa ibang bayan si Florante
a ang pagkakaagaw ni Adolfo sa trono, ang pagpugot ng ulo ng hari at sa mga kabig nito.
Sinabi niyang pinadalhan niya ng sulat si Florante upang ipabatid ang nangyari sa Albanya
subalit ang natanggap ni Florante na sulat ay sa hari na mahigit na nagbibiling umuwi siya sa
Albanya. Ito ang naging paraan kung paano nadakip si Florante. Samantala humingi si Laura ng
5 buwang tanin upang pag-aralan ang iniluluhog na pag-ibig ni Adolfo, kaya nang wala nang

paraan upang mahimok si Laura ay dinala ito sa gubat upang pagsamantalahan. Nagkataon
naman siyang pagdating ni Flerida kaya nang makita niya ang kabuktutan ni Adolfo ay pinana
niya si Adolfo hanggang ito ay mamatay.
Habang nag-uusap ang 4 ay siya namang pagdating ng hukbo ni Menandro na ang hanap ay si
Adolfo. Nagsigawan ang hukbo nang nalamang buhay si Florante at Laura.
Hindi nagtagal at nakasal ang 2 at naging hari at reyna sa Albanya. Samantala sina Aladin at
Flerida, matapos magpabinyag ay pinag-isang dibdib at umuwi sa Persya upang doon mamuno sa
sariling bayan.
www.WIKA.club

Das könnte Ihnen auch gefallen