Sie sind auf Seite 1von 6

rancisco Baltazar

Tumalon sa: paglilibot, paghahanap


(Kung nais ninyong mabsa ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Francisco Baltazar)

Francisco Baltazar

Kaarawan:

Abril 2, 1788
Bigaa, Bulacan

Kamatayan:

Pebrero 20, 1872


Udyong, Bataan

Ibang pangalan:

Balagtas

Propesyon:

Manunulat

Si Francisco Baltazar y dela Cruz (Abril 2,1788 - Pebrero 20,1862), kilala rin bilang Francisco
Balagtas na kaniyang tunay na pangalan, ay isang kilalang makata sa wikang Tagalog at mayakda ng Florante at Laura. Tinaguriang "Ama ng Panulaang Tagalog," siya ay nagsulat ng mga
tula, awit, komedya, at korido na siyang nagdala sa kaniya sa pinakamataas na bahagdan sa
dambana ng mga makatang Tagalog.

Mga nilalaman

1 Unang Bahagi ng Kanyang Buhay

2 Ang Pag-usbong ng Kanyang Propesyon

3 Pagsusuri sa Florante at Laura

4 Mga Akda

5 Pamilya

6 Ang Kanyang mga Salita

7 Sanggunian

8 Panlabas na kawing

9 Pagkilala

Unang Bahagi ng Kanyang Buhay


Si Baltazar ay ipinanganak sa Bigaa, Bulacan noong 2 Abril 1788. Ang kaniyang mga magulang
ay sina Juana Dela Cruz at Juan Balagtas na isang panday. Siya ay may palayaw na Kiko at may
apat na kapatid: sina Victor, Isabel, Silveria, Ceferino.
Matapos na makapag-aral ng katekismo, nagtungo siya Tondo noong 1799 upang manilbihan sa
kanyang tiyahin na si Doa Trinidad, na siyang nagpaaral sa kanya sa Colegio de San Juan de
Letran at sa Colegio de San Jose. Nagpakadalubhasa sa mga kursong Latin, Espaol,
humanidades, at batas, si Baltazar ay nakapagtapos pag-aaral noong 1812. Malaki ang naging
impluwensiya ni Jose dela Cruz (o Huseng Sisiw), kilalang makata mula Tondo at magaling na
guro ni Baltazar, sa kanyang pagsusulat ng mga tula, awit, at moro-moro.

Ang Pag-usbong ng Kanyang Propesyon


Noong 1835, sa edad na 47, si Baltazar ay nagtungo sa Pandacan, Lungsod Maynila at dito
nakilala niya si Maria Asuncion Rivera. Umibig siya kay Maria ngunit naging mahigpit na
karibal niya ang isang mayamang cacique na si Mariano Capule. Ginamit ni Capule ang kanyang
yaman at impluwensiya upang maipakulong si Baltazar. Pinaniniwalaang isinulat niya ang
kanyang pinakamahusay na akda, ang Florante at Laura, sa loob ng piitan.

Nang makalaya siya noong 1838, siya ay nagtungo sa Balanga, Bataan upang maging kalihim ng
isang hukom. Nakilala niya ang mayaman at mestisang si Juana Tiambeng na siyang nagtustos sa
paglalathala ng Florante at Laura sa palimbagan ng Kolehiyo de Santo Tomas. Sinasabing sa
bayan ng Orion, Bataan, sumapi si Baltazar sa isang lihim na pangkat ng mga rebelde na
lumalaban para sa kasarinlan. Bagamat isang Bulakenyo, si Baltazar ay nakahugot ng
inspirasyon sa Bataan upang sumulat ng mga pinakamahuhusay na literatura.
Taong 1849 ng simulan niyang gamitin ang apelyidong Baltazar, matapos na ipag-utos ni Gob.
Hen. Narciso Claveria sa mga Pilipino na gumamit ng apelyidong Espaol o Tagalog mula sa
isang listahan.
Sa ikalawang pagkakataon ay nakulong si Baltazar nang akusahan siya ng paggupit ng buhok ng
kaniyang kasambahay. Ipinagbili ni Baltazar ang kanilang lupain at nagbayad ng malaking
halaga upang makalaya. Dahil dito, naghirap ang kanyang pamilya. Ipinagpatuloy niya ang
pagsusulat ng mga awitin at moro-moro hanggang sa kanyang kamatayan noong 20 Pebrero
1862 sa edad na 74. Ipinagbilin niya sa kanyang mga apo na iwasang maging makatat
manunulat upang hindi sila maghirap.

Pagsusuri sa Florante at Laura


Ang Florante at Laura ay isang awit o mahabang panulaan na pasalaysay na binubuo nag tigaapat na taludtud. Binubuo ito ng mga paksa ukol sa kabayanihan. Bagamat ang tagpo ng
Florante at Laura ay sa isang malayong lugar sa Europa at may mga banyagang tauhan, ang mga
pangyayaring naganap sa akdang ito ay naglalarawan ng kalagayan ng lipunang Pilipino.
Si Baltazar ang siyang nagbukas ng landas para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon.
Ang pagsusulat sa wikang Tagalog ang siyang pinakadakilang gawain sa panahong ang
karamihan sa mga inililimbag na literatura ay nasa wikang Espaol.
Ang Florante at Laura ay maaaring sabihin na isang nakaugaliang komedya o moro-moro, na
kakikitaan ng tunggalian ng mga Moro at Kristiyano sa isang malayong kaharian. Subalit nang
una itong mabasa ng mga Pilipino, itinuring itong rebolusyunaryo sapagkat ang mga linya ng
awit na ito ay naglalarawan ng mga kalupitang naranasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Kastila, gayundin ang kabulukan at pagmamalabis ng pamahalaang kolonyal.
Ang Florante at Laura ay naglalaman ng mga mahahalagang paksa tulad ng mabuting
pamumuhay, paggalang sa mga nakakatanda, at nasyonalismo. Ipinahihiwatig din ng awit na ito
na ang pagkakaiba ng relihiyon ay di dapat gamitin sa pagtatangi laban sa kapwa. Ayon kay
Jaime Veneracion, isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, ang Florante at Laura ay tungkol
sa pagtutulungan ng isang Muslim at isang Kristiyano para mahanap at makuha nila muli ang
kani-kaniyang mga kaharian. Tinawag ni Baltazar ang nawawalang kaharian bilang ang bayan
kong sawi, isang bayan na inalipin ng mga mapagpanggap at mananakop at nararapat na
ipagtanggol ng mga Kristiyano at mga kapatid na Muslim. Ang bayan ni Baltazar ay nauna pa
sa unibersal na konsepto ng nasyon.

Mga Akda
Tunay na anak ng Hispaniko Pilipinas at dalubhasa sa Tagalog at Espaol, pinunan ni Baltazar
ang kanyang panulaang Tagalog ng mga katutubo, Kastila, at iba pang mga banyagang panitikan
at inspirasyon. Ayon kina Francis at Priscilla Macasantos ng Univesity Of Perpetual Help
System-DALTA, si Baltazar ay isang henyo dahil sa pagiging produkto niya ng pinagsanib na
kulturang Pilipino - katutubo at kolonyal/klasikal. Sa angkin niyang kahusayan, nagawa niyang
ipaalam sa kanyang mga kababayang api ang kanyang kaalaman gamit ang istilo at tradisyon
ipinagkaloob sa kanya ng banyagang (at mapaniil) kultura. Ang kanyang akda ay tungkol sa
kalupitan sa Albania, ngunit ito ay tungkol talaga sa kalupitan sa Pilipinas. Di mapapasubalian na
siya ay naging tapat sa kanyang katutubong tradisyon. Kaiba sa mga kanyang mga
kakontemporaryo, si Baltazar ay nagawang lumaya sa kolonyal at mapaniil na tradisyong
pampanitikan. Ginamit niya ang kanyang mga akda upang labanan ang kalupitan at kaliluan sa
kolonyal na Pilipinas at upang turuan ang kanyang mga kababayan. Siya ay lumikha ng bagong
tradisyong pampanitikan sa Pilipinas, na nagsasaad ng damdamin at aspirasyon ng mga Pilipino.
Narito ang ilan sa mga akda ni Francisco Baltazar:

Mahomet at Constanza (1841)

Almanzor y Rosalina (1841)

Orosman at Zafra (1860) (komedya na may apat na bahagi)

Don Nuo at Zelinda (komedya na may tatlong bahagi)

La India Elegante y el Negrito Amante: sayneteng may isang yugto Hatol Hari Kaya
(kundiman)

Parangal sa Isang Binibining Ikakasal (tula)

Paalam sa Iyo (awit)

Rodolfo at Rosamunda (komedya)

Pagpupuri kay Isabel II, Reyna sa Espaa (tula)

Auredato y Astrone (komedya)

Bayaseto at Dorlisca (komedya 1857)

Nudo Gordiano (komedya)

Abdol y Miserena (1859) (komedya)

Clara Belmori (komedya).

El Ensayo de Gramatica Hispano-Tagala

Claus (isinalin sa Tagalog mula Latin)

Pamilya
Si Francisco Baltazar at ang kanyang asawa na si Juana Tiambeng y Rodriguez, nagmula sa isang
mayamang pamilya, ay ikinasal ni Fr. Cayetano Arellano noong 22 Hulyo 1842. Sila ay
nagkaroon ng 11 anak, kabilang sina Isabel, Silveria, Victor, Ceferino, at Josefa.
Kabilang sa kanilang mga inapo ay sina:

Victor Baltazar y Tiambeng, anak nina Francisco at Juana, ay nagtatag ng yunit ng


Katipunan sa Orion noong 1896. Pinalaya niya ang bayan mula sa mga Kastila at
kinilalang bayani ng Orion.

Jose Lonzon Baltazar (1886-1967), apo ni Francisco, ay ang ika-13 alkalde ng Orion at
nagsilbi mula 1931 hanggang 1934. Ang kanyang ama ay si Ceferino, ika-5 anak ni
Francisco. Napakalas niya sa lokal na pulitika hanggang sa kanyang kamatayan.

Luis Lonzon Baltazar ay apo ni Francisco at pinakamatandang kapatid ni Jose. Siya ang
unang halal na alkalde ng Orion mula 1903 hanggang 1935. Siya ay isang opisyal ng
Hukbong Rebolusyunaryo at malapit na kaibigan ni Manuel Luis Quezon.

Fr. Primitivo Lonzon Baltazar (1871-1942), apo ni Francisco at kapatid nina Luis at
Jose,ay nagsilbing kura paroko ng Orion mula 1904 hanggang 1940. Naging mahalaga
ang kanyang ginampanan sa paglikas ng angkan ng mga Baltazar sa Bulacan noong
panahon ng Hapon.

Francisca Perrera Baltazar (1904-1993), apo ni Francisco at ina ni Atty. Efren Baltazar
Pascual, ang ika-24 na gobernador ng Bataan (1972-1986). Ang mga anak ni Francisca ay
naging mga prominenteng Bataeos: Benjamin, isang inhinyero, ay naging alkalde ng
Orion at naging miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan; at si Efren ay
naging alkalde ng Orani, Bataan at malaon ay naging bise gobernador at gobernador ng
Bataan.

Ang Kanyang mga Salita

"Pag-ibig, 'pag na'sok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang".

Sanggunian

Orion: A Glimpse of the Past, the Grandeur of the Present. Orion, Batangas: Orion
Municipal Government and Orion Municipal Historical Committee, 2007.

Eugenio. Damiana L. Awit and Corrido: Philippine Metrical Romances. Quezon City,
Philippines: University of the Philippine Press, 1987.

La Solidaridad, Quincerio democratico, vol. 1,1889, translated by Guadalupe ForesGanzon, Fundacion Santiago, 1995.

Mojares, Resil B. Origin and Rise of the Filipino Novel: A Generic Study of the Novel
until 1940. Quezon City: University of the Philippines Press, 1983.

Panlabas na kawing

Das könnte Ihnen auch gefallen