Sie sind auf Seite 1von 4

Filipino 461

INTRODUKSYON SA KONTEMPORARYONG PANITIKANG TAGALOG


(Introduction to Contemporary Tagalog Literature)
Nilalaman ng Kurso
Mahaba at malawak ang saklaw panitikang Tagalog. Sintanda ito ng wika at ng
mga taga-Pilipinas na nabibilang sa liping Tagalog. Nagmula ito sa pasalindilang
panitikan (memoryado, bahagi ng kamalayan) hanggang sa panitikang itinala ng mga
kagamitang elektroniko (pelikula, telebisyon, kompyuter, atb). Mula sa pananaw ng
kasaysayan lalapitan ang kursong ito ngunit bibigyang-diin ang kontemporaryong
panitikang Tagalog.
Tutukuyin ng kontemporaryoang panahong pagkatapos ng ikalawang digmaang
pandaidig (sa Pilipinas, 1941-45). Ang literatura ay yaong mga akdang prosa (maikling
kuwento, sanaysay. nobela at drama) at tulain (tula, epiko, atbp.) na nasulat sa wikang
Tagalog (na tinatawag ngayong Filipino). Aalamin nito ang mga suliranin, panaginip,
pagpapahalaga at iba pang makabuluhang bagay na nauugnay sa pagiging Pilipino batay
sa nilalaman ng mga akda. Sapagkat introduksyon lamang, babasahin lamang sa kurso
ang mga representatibong akda ng bawat panahon.
Layunin ng Kurso
1. Makilala, mabasa at maranasan ang mga ilang katangi-tanging kuwento, tula, dula
at iba pang makabagong akdang Filipino.
2. Matukoy ang kultura at pagpapahalagang Filipino na masasalamin sa mga akda.
3. Mapalawak ang kasanayan sa pagninilay-nilay (analitikal) at pagsusuri (kritikal)
sa wikang Filipino.
4. Maisulat at maipahayag ang damdamin, palagay, puna at pagsusuri sa mga akdang
binasa.
5. Makapagsaliksik tungkol sa isang akda/awtor at makapagsulat ng isang
akademikong papel sa larangang ito.
Pangangailangan

4 na mahabang papel na may 4 pahina bawat isa, batay sa paksang itinakda sa


silabus (isa sa mga papel ay nararapat malathala sa Katipunan Magazin).
rebisyon ng mga papel hanggang sa maging anyong handa na sa paglalathala o
hanggang maging mahusay ang marka nito
pagdalo sa mga gawaing kultural ng Katipunan o mga kaugnay na pagtatanghal
pagbasa ng mga itinakdang babasahin
pagdalo at partisipasyon sa klase (15 meetings)
bumasa ng isang maikling nobela (BATA, BATA, PAANO KA GINAWA)

TEXT:

Mga Babasahin sa Filipino 461 (inihanda ni Ruth Elynia Mabanglo), mabibili sa


Professional Image.
PETSA

ARALIN/DISKUSYON

GAWAIN/TAKDA

Linggo 1

Introduksyon sa Panitikan ng
Pilipinas (Depinisyon, saklaw, atb)
(Bidyo: Panitikan)
Panitikang Bago Magkadigma
Kapaligiran
Aloha (kuwento, Deogracias
Rosario) Sa Pula, Sa Puti
Bulaklak ng Lahing Kalinislinisan (Balagtasan ni Jose Corazon
de Jesus at Florentino Collantes)
Panitikan sa Panahon ng Hapon
Kapaligiran
Uhaw ang Tigang na Lupa
(kuwento, Liwayway Arceo)
Ako ang Daigdig (tula, Abadilla)

Lektyur

Linggo
2

Linggo
3

Linggo 4

Linggo 5

Linggo 6

Lupang Tinubuan (kuwento,


Reyes)
Talambuhay ng aming Nayon
(Sanaysay, Pineda)
Suyuan sa Tubigan (kuwento,
Pineda)
Dugo at Utak (kuwento, Reyes)
Panahon ng mga Akdang
Makalipunan
Tinig ng Darating (Tula: Baylen)
Kung Tuyo ng ang Luha mo, Aking
Bayan (Tula, Hernandez)

PETSA

Talakayan
Isulat ang Buod ng mga akda
Pagbibigay ng Takda
Talakayan
BUOD, TANONG PUNA
Tanungan/Talakayan
Lektyur
Elemento ng Kuwento
Gawain sa Pag-unawa ng akda
Maikling Pagsusulit
BUOD, TANONG PUNA
Pag-uusap tungkol sa unang papel
Maikling Pagsusulit
Pag-uulat
Talakayan
BUOD, TANONG, PUNA
SABMISYON NG PAPEL 1
Talakayan: Elemento ng
Sanaysay/ Tula
Maikling Pagsusulit
Talakayan/Pagbasa ng Tula
Gawain sa Pagbasa
Bidyo
BUOD, TANONG, PUNA
GAWAIN/TAKDA

ARALIN/DISKUSYON
Linggo 7

Panahon ng Makalipunang Akda


Impeng Negro (kuwento, Sicat)
Ang Burgis sa Kanyang Almusal

BUOD,TANONG, PUNA
Tanungan, Talakayan

Linggo 8
Linggo 9

Linggo 10

Linggo 11
Linggo 12
Linggo 13
Linggo 14
Linggo 15

Kagila-gilalas na Paikipagsapalaran
ni Juan de la Cruz
IKALAWANG PAPEL
Panonood ng Bidyo/Pananaliksik
Partikular na Kuwento/Dula ng Bawat Estudyante (iuulat)
Panahon ng Makalipunang Akda
Sabmisyon ng ika-2 Papel
Pag-uulat ng:
Usok ng Mapupusok ng Araw
GAWAIN SA PAKIKINIG NG
Dalaw
ULAT
Silid 21 Paraiso Motel
Isang Lunes
Pag-uulat ng:
GAWAIN SA PAKIKINIG NG
May Isang Sundalo
ULAT
Limang Tulang Aktibista
Abong Pangarap
n.b.: Ika-3 papel ng mga
Limang akda tungkol sa
estudyante ang kanilang iniulat na
pangingibang-bayan
literatura
Introduksyon sa Nobela
Takda: Panoorin ang sineng
(Ilang sipi; panonood ng bidyo)
Dekada Sitenta
Excerpt ng Kuko ng Liwanag
BUOD, TANONG, PUNA
Bata, Bata, Paano ka Ginawa ni
Lualhati Bautista
Bata, Bata, Paano ka Ginawa
Patuloy na Talakayan
BUOD, TANONG, PUNA
Bata, Bata, Paano ka Ginawa
Talakayan
BUOD, TANONG, PUNA
Huling Araw ng Pagtuturo
SABMISYON NG IKA-4 PAPEL tungkol sa BATA..
Panonood ng Bata, Bata, Paano ka Ginawa

Sanggunian:
Aguila, Reuel Molina, et al (Mga Editor). Kamao: Panitikan ng Protesta 1970-1986
(Tula), Cultural Center of the Philippines. 1987.
Arrogante, Jose A. Panitikang Filipino: Antolohiya. Maynila: National Bookstore. 1983
Cruz, Isagani at Soledad Reyes. Ang Ating Panitikan. Maynila. Goodwill Trading
Company, Inc. 1984.
Dela Rosa, JJ Alvarez at Roland Tolentino. Engkwentro: Kalipunan ng mga Akda ng
mga Kabataang Manunulat. Maynila: Kalikasan Press. 1990.
Medina Jr., B.S. Tatlong Panahon ng Panitikan. Manila: National Bookstore, 1972.
Pineda, P., Gerturdes Pinada at Tomas Ongoco, Ang Panitikang Pilipino sa Kaunlarang
Bansa, Maynila: National Bookstore, 1979.
Torres-Yu, Rosario. (Ed) Panitikan at Kritisismo, Bahagi I-III. Maynila: National
Bookstore, 1981.

TAGUBILIN PARA SA MGA PAPEL:


Ipasa ang mga papel sa itinakdang petsa
Isabmit nang nakamakinilya, dalawat patlang ang espasyo (double-spaced), may
titulo o pamagat, inayos nang mainam upang hindi gaanong mali ang baybay o
ispeling at nilagyan ng angkop na sanggunian kung kailangan.
Kung isinauli na ng guro ang papel para sa rebisyon, mangyaring gawin agad ang
koreksyon at ipasa agad.
Kung inihahanda ang papel para sa publikasyon, mangyaring sumunod sa mga
deadline. Alamin ang mga deadline ng kahit anong dapat ipasang papel.
Hanggat posible iwasan ang paggamit ng Ingles. Kung hindi alam ang ekwibalent
sa Filipino ng nais ipahayag o sabihin, magtanong sa guro, kaklase, kaibigan o
kayay sumangguni sa diksyonaryo.
Ipunin ang papel . Isama ang mga burador o draft at ipasa sa isang portfolio sa
huling araw ng klase.
MARKAHAN
(Kabuuan: 100%)

Atendans at partisipasyon sa mga talakayan gayundin sa iba pang gawing kultural


ng Katipunan at ng Programang Filipino . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 40%
Mga Papel (4 at iba pang buod) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 40%
Pag-uulat at Pagsusulit . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20%

Das könnte Ihnen auch gefallen