Sie sind auf Seite 1von 4

MUSIKA

Ikaanim na Baitang

MELODIYA
ALAMIN MO

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang maipaliliwanag, maiguguhit at maaawit


ang mga awiting nasa Tunugang C Mayor at ang kaugnay na Tunugang a menor.
Matutukoy mo rin ang pagkakahawig at pagkakaiba sa magkaugnay na tunugan sa himig
at pagkakasulat ng mga nota sa limguhit.

PAGBALIK-ARALAN MO

Napag-aralan mo noon na ang musika ay binubuo ng ilang melodiya at kaugnay


na ritmo at itoy nagiging awitin. Maaaring masaya o malungkot ang awitin batay sa
modo at mensaheng ipinapaabot nito. Sa pagsisimula sa modyul na ito, subukan mong
sagutin ang sumusunod:
________1.
________2.
________3.
________4.
________5.

Ilan ang mga tonong nagbibigay tunog sa mga nota?


Kung ang nota ay inaawit, ano naman ang di-inaawit?
Saan karaniwang isinusulat ang mga nota ng awitin?
Ano ang napapaunlad ng mga awitin sa isang bansa?
Ilang nota ang bumubuo sa iskala?

PAG-ARALAN MO

Ang musika ay may dalawang modo, ang modong mayor at modong menor.
Nagkakaiba ang dalawang modo ayon sa kanilang sentro ng tunugan. Karaniwang
nagtatapos ang modong mayor sa do samantalang ang menor ay sa la. Pag-aralan ang
mga sumusunod:
Tunugang C Mayor

do

re mi fa so la

ti

do

Tunugang A menor

la

ti

do

re mi fa so la

Nabubuo ang tunugang menor batay sa tunugang mayor. Mula sa tonong do sa C Mayor
pababa sa la nabubuo ang a menor.
C Mayor

A menor

Ang dalawang tunugang magkapareho ngunit magkaiba ang modo ay tinatawag na mga
tunugang magkaugnay (related keys). Masaya ang damdaming kalimitang ipinapahiwatig
ng mga awiting nasa tunugang mayor at kalungkutan o agam-agam naman ang kalimitang
damdamin ng menor. Ang sumusunod na mga awit ay nasa tunugang mayor at menor.
A. Mayor:
1. Leron, Leron Sinta
2. Sitsiritsit
3. Bahay Kubo
4. Sa Ugoy ng Duyan
B. Menor:
1. Ili-ili Tulog Anay
2. Dandansoy

PAGSANAYAN MO

A. 1. Isulat ang mga notang kulang sa iskala ng C Mayor.

2. Isulat ang mga notang kulang sa iskala ng a menor.

B. 1. Awitin ang iskala ng C Mayor na iyong nabuo.


2. Awitin ang iskala ng a menor na iyong nabuo.
C. Paano nagkapareho o nagkaiba ang Tunugang C Mayor at Tunugang A menor?

TANDAAN MO

Dapat mong isaisip na ang Tunugang C mayor at Tunugang a menor ay magkapareho


sa ilang bagay magkaiba man sa modo at tonong uwian. Nabuo ang Tunugang a menor batay
sa Tunugang C Mayor. Karaniwang nagtatapos sa do ang Tunugang Mayor at la naman sa
Tunugang menor. Ito ang batayan sa iba pang tunugan.

SUBUKIN MO

A. Gumawa ng linguhit at ilarawan ang pagkakaugnay ng Tunugang C Mayor at Tunugang


A menor.

B. Awitin mo ang iskala ng C Mayor pataas at pababa. Ganoon din ang iskalang a menor.
Iparinig mo sa guro kung tama o mali ang ginawa mo.
C. Isulat ang tamang sagot sa patlang sa tabi ng bilang.
________1. Ang awiting menor ay nagtatapos sa notang _________.
________2. ________ ang damdamin ng mga awiting mayor?
________3. Sa tunugang menor ang ikatlong nota pataas mula sa lundayang nota ay
________.
________4. Ang ________ ng awitin ang batayan kung mayor o menor ang awitin?
________5. Malungkot ang karaniwang himig ng tunugang ________.

Mga pagpipiliang sagot:


a.
b.
c.
d.
e.
f.

menor
do
modo
la
sol
masaya

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

Das könnte Ihnen auch gefallen