Sie sind auf Seite 1von 1

Alamat ng Makahiya

Ang mag-asawang Mang Dondong at Aling Iska ay mayaman at may kaisa-isang anak. M
ahal na mahal nila ang labindalawang taong gulang na si Maria. Napakabait at mas
unuring bata si Maria. Sa kabila ng magandang katangiang ito ni maria, ang pagka
mahiyain ay kaakibat ng kanyang katauhan. Ayaw niyang makipag-usap sa ibang tao
kung kaya't nagkukulong lamang siya sa kanyang silid para lamang makaiwas sa mga
tao.
Si Maria ay may taniman ng mga magagandang bulaklak. Ang kaniyang mga bulaklak a
y sadyang napakagaganda kung kaya't ang mga ito ay kilalang-kilala sa kanilang b
ayan.
Isang araw, ang kanilang bayan ay pinasok ng mga bandido. Pinapatay nila ang baw
a't masalubong at kinukuha ang anumang mahahalagang bagay. Sa takot na mapahamak
si Maria, itinago siya ni Mang Dondong at Aling Iska sa bunton ng mga halaman.
Si Aling Iska ay nagtago sa loob ng kabahayan, samantalang si Mang Dondong ay na
kahandang salubungin ang pagdating nga mga bandido.
"Diyos ko! Iligtas mo po ang aking anak." Dasal ni Aling Iska.
Nang walang anu-ano'y bumukas ang pintuan ng kanilang bahay. Si Mang Dondong ay
walang nagawa nang pukpukin siya sa ulo ng mga bandido. Nagtangkang tumakas si A
ling Iska nguni't tulad ni Mang Dondong, siya rin ay nahagip at nawalan ng malay
-tao. Naghalughog ang mga bandido sa buong kabahayan. Matapos samsamin ang mga k
ayamanan ng mag-asawa ay hinanap nila si Maria nguni't sila ay bigong umalis. Hi
ndi nila natagpuan si Maria.
Nang matauhan ang mag-asawa, ang kanilang anak na si Maria ang agad nilang hinan
ap. Patakbo nilang tinungo ang halamanan. Laking lungkot ni Aling Iska ng hindi
matagpuang ang anak. Nang walang anu-ano'y may sumundot sa paa ni Mang Dondong.
Laking pagtataka niya nang makita ang isang uri ng halaman na mabilis na tumitik
om ang mga dahon.
"Anong uri ng halaman ito? Ngayon lang ako nakakita nito!" Ang may pagkamanghang
sabi ni Mang Dondong.
Tinitigang mabuti ng mag-asawa ang halaman, at doon nila napagtanto na ang halam
ang iyon ay dili-iba't si Maria. Ginawa siyang halaman ng Diyos upang mailigtas
sa mga bandido.
Hindi mapatid ang pagluha ni Aling Iska at laking pagkagulat na muli ni Mang Don
dong na bawa't patak ng luha ni Aling Iska, ito ay nagiging isang maliit at bilo
g na kulay rosas na bulaklak.
Magmula noon, ang halamang iyon ay inalagaang mabuti ng mag-asawa sa paniniwalan
g ito ang kanilang anak. Tinawag nila itong Makahiya, tulad ng isang katangian n
i Maria.

Das könnte Ihnen auch gefallen