Sie sind auf Seite 1von 21

KABANATA 6

SI KAPITAN TIYAGO

Sundin ang utos Mo dito sa lupa!

Samantalang natutulog pa o nag-aalmusal ang ating mga tauhan,


ikukuwento namin si Kapitan Tiyago.1  Kailanman ay hindi niya kami
naging panauhin, kaya hindi namin marapat pawalan siya ng
kabuluhan2 at hindi namin siya mapuna sa mga lalong mahahalagang
pagkakataon. Siya ay pandak, maputi ang kulay ng balat, bilog ang
katawan at mukha dahil sa katabaan, na ayon sa kaniyang mga
tagahanga ay biyaya ng langit; at galing sa dugo ng mga maralita
ayon naman sa kaniyang mga kalaban;3 si Kapitan Tiyago ay mukhang
bata kaysa sa tunay niyang edad:  iisipin na siya ay tatlumpu o
tatlumpu’t limang taon lamang.  Ang ekpresyon ng pagmumukha ay
laging anyong banal sa panahong ng aming pagsasalaysay. Ang kanyang
bungong bilog, maliit at natatakpan ng buhok na kasing-itim ng
kamagong, na mahaba sa harap at maikling-maikli sa likuran, ay
naglalaman ng maraming bagay sa loob ayon sa sabi-sabi;4 ang
kanyang maliliit na mata na hindi naman singkit ay hindi nagbabago ng
kilos magpakailanman, ang ilong ay maliit ngunit hindi pango, at kung

1
MGA PALIWANAG

Ang Kabanatang ito ng Noli ay halos katulad ng artikulo ni Rizal na


pinamagatang Isang Makisig na Gobernadorsilyo. Sa nasabing katha ang
gobernadorsilyo ay pinangalanan niyang Kapitan Pepe. Sa kabanatang ito ay
ginamit ni Rizal ang pangalang Kapitan Tiyago na ang buong pangalan ay
ipinakilala sa Kabanata 1 na Santiago de los Santos – (Santiago ng lahat ng
mga santo). Kinuha ni Rizal ang pangalan ni Kapitan Tiyago sa patron ng
Espanya na si San Tiago (St. James the Greater), na ang dambana ay
matatagpuan sa Campostela, España. Ang pangalang Santiago de los Santos –
ay isang pang-iinsulto ni Rizal sa Espanya na nagdala rito ng isang pangkatin
ng Kristiyanismo na kasama ang sari-saring mga santo. Mang-aasar si Rizal sa
kabanatang ito dahilan sa halos kaniyang iisa-isahin sa pamamagitan ng
mga satirikal na pamamaraan ang mga santo ng simbahan na sinasamba ni
Santiago de los Santos.

2
Hindi pa naging bisita at sa ganoon ay mahalaga pa ito sa nagsasalaysay –
tandaan na ang may papiging ay halos walang nakakapuna sa panahon ng salo-
salo.
3
Si Kapitan Tiyago ay yumaman dahilan sa pagsasamantala sa mga mahihirap.
Mayroon siyang kakayahan na pigain ang kahuli-hulihang sentimo mula sa
bulsa ng mga Pilipinong naghihikahos sa buhay. Si Kapitan Tiyago ang tunay
na modelo ng mga kompanya at negosyong may kakayahan pang humingi
ng labis-labis sa kabila ng paghihirap ng malaking bilang ng mga
mamamayang Pilipino sa ating kapanahunan.
4
Mapapansin ang paraan ng panunudyo ni Rizal, ipinakilala niya si Kapitan
Tiyago na isang matalinong tao ayon sa sabi-sabi.

66
Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

ang kanyang bibig ay hindi nawala sa ayos, dahil sa labis na


pananabako at kanganganga ng hitso, na ang sapa na iniipon sa isang
bahagi ng pisngi ay sumisira sa ayos ng kanyang pagmumukha, ay
masasabing siya ay isang magandang lalaki.5  Kahit na sa nasabing
bisyo, ay naiingatan naman na pamalagiing maputi ang kanyang mga
sariling ngipin at ang dalawang ipinagkaloob sa kanya ng dentista sa
halagang labindalawang piso ang bawat isa.
Ipinalalagay siyang isa sa mga mayayaman sa Binondo at isa sa
malalaking hacendero dahilan sa may mga lupain sa Pampanga at
Laguna, lalo na sa bayan ng San
Diego, na ang upa ay tumataas taon-
taon.6  Ang San Diego ang siyang
pinakapaborito dahil sa maiinam na
paliguan, sikat na sabungan at mga
alaala niya:  doon ay palaging
manirahan siya ng hindi iiksi sa
dalawang buwan sa isang taon. Si
Kapitan Tiyago ay maraming ari-arian
sa daang Santo Cristo, Anloague at sa
Rosario.7  Ang kontrata sa pagbebenta ng opyo ay kinakalakal nila ng
isang kasosyong Insik, hindi na kailangang sabihin na malaki ang
kanilang pakinabang.8  Hawak niya ang kontrata ng pagpapakain sa
mga bilanggo sa Bilibid9 at nagdadala ng damo sa maraming

5
Isa sa ugali ni Kapitan Tiago ay ipunin ang hitso na nginunguya sa isang panig
ng pisngi, parang nais ilarawan ni Rizal na ang kaniyang tauhan ay katulad
unggoy na halos ganito ring paraan ng pagtatabi ng pagkain. “Kung hindi ganito
ang ayos ng mukha ni Kapitan Tiyago ay masasabi nating siya ay magandang
lalaki” – sa istilong ito ay makikita ang kahusayan ni Rizal sa kaniyang pinong
paraan ng pang-iinsulto.
6
Tinataasan ni Kapitan Tiyago ang upa sa lupang kaniyang ipinasasaka upang
lalong yumaman at ang kapalit naman nito ay ang paghihikahos ng kaniyang
mga kasama sa bukid. Talagang si Kapitan Tiyago ang idolo ng mga
mapagsamantalang negosyante sa ating bansa. Sa bahaging ito ay pumapalo si
Rizal sa kalabawat at sa kabayo naman lumalatay, ito ay sa dahilang ang
katulad na pagsasamantala ay nararanasan ng kaniyang pamilya sa Calamba
na hacienda na pag-aari ng mga Dominicano.
7
Dito ay ipinababakas ni Rizal na ang unang pinagmulan ni Kapitan Tiyago ng
kaniyang kayamanan ay ang pag-aari niya ng lupa na maaring karamihan sa
mga ito ay tinataniman ng tubo (Laguna at Pampanga) at mula sa kinita sa
lupain sa lalawigan, ay nakabili ng mga ari-arian sa Maynila, at nakapagtatag
ng iba pang mga negosyo.
8
Ang opyo ay isang narkotiko na nagbubunga ng pagkasugapa sa gumagamit.
Isa sa pinagkakikitahan ng malaki ni Kapitan Tiyago ay ang pagbebenta ng opyo
sa pamamagitan ng kasosyo niyang Intsik. Masasabing si Kapitan Tiyago ay isa
sa sinaunang drug lord sa Pilipinas.
9
Ang mga bilanggo sa Bilibid (na nasa Maynila - ang larawan ay kuha sa taong
1898) ay pinapakain ng pamahalaan at ang kontrata ng dinadalang pagkain sa
bilangguan ay isa sa mga negosyo ni Kapitan Tiyago. Malakas pagkakitahan ito,

67
Anotasyon ng Noli Me Tangere

pangunahing bahay sa Maynila, na dapat malaman na ito ay sa dahilan


sa kontrata. 10
Kasundo niya ang lahat ng maykapangyarihan, matalino,
masunurin at mapangahas sa pagsapantaha ng kalakal kakailanganin
ng iba,11 Isang nagngangalang Perez ang kanyang mahigpit na karibal sa
mga pangungupahan at mga subasta ng mga katungkulang kailanman
at inilalagay ng pamahalaan sa Pilipinas sa kamay ng ibang tao.12  Kaya
sa kapanahunang nagaganap ang mga isinasalaysay na ito, si Kapitan
Tiyago ay isang taong labis na maligaya, isang kapalaran na mangyari
ang gayon sa isang taong may maliit na ulo sa mga lupaing iyon:13  siya
ay mayaman, kasundo ng Diyos, ng Pamahalaan at ng mga tao.
Kasundo siya ng Diyos, bagay na hindi mapag-aalinlanganan:
Walang dahilan para magkaroon ng masamang relasyon sa Diyos ang
isang taong pinagpapala sa lupa, lalo na at kapag ang taong ito ay hindi
nakikipag-ugnayan sa Kanya kailan pa man, ni hindi man niya
pinautang ang Diyos kailanman ng salapi.14 Kailanman ay hindi nag-
ukol sa Kanya ng mga pananalangin, kahit na sa higit na kagipitan; 15 si

dahilan sa maari niyang bigyan ng kahit na anong pagkain ang mga bilanggo
nang hindi makapagrereklamo.
10
Ang damong zacate ang nagsisilbing pinakagasolina ng mga sasakyang
hinihila ng kabayo. Ang pagpapadala ni Kapitan Tiyago ng damong zacate sa
mga bantog na bahay (tirahan ng mga opisyal) ay bilang pagtanaw ng utang na
loob sa mga ibinibigay na kontrata ng pamahalaan sa kaniya. Buti pa pala
noong panahon ng kolonyalismo, damong zacate lang talo-talo na, ngayon por
dies o veinte por ciento.
11
Isa sa mga katangian ng mahusay na negosyante – nakikita kung ano ang
magiging mga bagong pangangailangan ng mga tao at nagpa-plano ng maaga
para mga napapanahong produkto at paglilingkod na maari niyang ipagbili sa
iba. Smart si Kapitan Tiyago sa negosyo.

12
Mayroong mga puwesto sa kolonyal na pamahalaan na isinusubasta o
naipagkakaloob pagkatapos na makapagbayad ang nagnanais na mapalagay sa
nasabing posisyon. Ang higit nitong katulad sa ngayon ay ang
kontraktwalisasyon sa mga trabaho – kung saan ang isang ahensiya ng
pagpapatrabaho ay kumukuha ng isang bahagi mula sa sahod ng
manggagawang kontrakwal sa pagawaan. Sa mga mayroong employment agency
naunahan na kayo ni Kapitan Tiyago ng mahigit isang siglo sa raket ninyo.
13

Kapalaran para kay Kapitan Tiyago na maging mayaman sa kabila ng kaniyang


maliit na ulo - dahilan sa minamaliit noon ng mga prayle ang kakayahan ng
mga Pilipino.
14
Isang malupit na paglalarawan ni Rizal sa kolonyal na Katolisismo sa
kaniyang kapanahunan. Ang lahat ng santo ay maaring handugan ng mga
materyal na bagay, subalit walang anumang abuloy na naka-ukol para sa Diyos.
15
Si Kapitan Tiyago ay relihiyosong malayo sa Diyos ni hindi man lamang nag-
ukol ng panalangin ng pasasalamat o paghingi ng tulong sa Diyos. Hindi
(nagpapautang) nagbigay ng abuloy para sa Diyos, sa mga kapanahunang iyon
tila ang mga salapi ng mga deboto ay nakaukol sa kanilang mga paboritong

68
Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

Kapitan Tiyago ay mayaman at ang kanyang salapi ay siyang


nananalangin para sa kanya.16  Para sa pagmimisa at pananalangin ay
gumawa ang Diyos ng mga makapangyarihan at mapagmataas na pari;17
at para magnobena at magrosaryo, ang kalakihan ng awa ng Diyos ay
gumawa naman ng mga maralita para sa kabanalan ng mayayaman,
mga maralitang sa halagang piso ay nakahandang magdasal ng labing
anim na misteryo at bumasa ng lahat ng banal na aklat, at kung
tutumbasan ng kabayaran ay babasahin pati na Bibliyang Hebreo.18 
Kung minsan sa isang malaking kagipitan ay kailangan niya ng saklolo
ng kalangitan at walang makuha kahit isang kandilang pula ng Insik, ay
tumatawag sa mga Santo at Santa na kanyang pinaniniwalaan, at
pangangakuan ng maraming bagay upang mapilit at kumbinsihin sa
kabutihan ng kanyang mga hangarin.
Ngunit ang lalo niyang pinapangakuan at tinutupad naman ay
ang Birhen sa Antipolo na Nuestra Señora dela Paz y de Buenviaje,19 ang
ilang santong maliliit ay madalas niyang hindi tinutuparan ng pangako
at hindi niya pinapakitunguhan ng mabuti:  sapagkat kung minsang
matapos na masunod ang kanyang kagustuhan ay hindi na sila
naaalaala, sa kabilang dako ay tunay namang hindi na sila muling
ginagambala magkaroon man uli ng bagong pangangailangan; 20 alam ni
Kapitan Tiyago na sa calendario ay maraming santong nakatunganga at
marahil ay walang ginagawa sa langit. 21  Saka ang isa pa ay inaakala
santo at hindi sa Diyos
16

Dinagil paniniwala ng mga taong mayayaman na ang pananaw ay malakas sila


sa simbahan dahilan sa nakapagbibigay sila ng malaking donasyon sa parokya.
17
Isang masakit na pasaring ni Rizal sa kaparian na kumikita ng malaki mula
sa misa. Mayayabang at mapagmataas – dahilan sa kakayahan nilang pababain
at kainin ang Diyos.

18
Tinutukoy ang mga mahihirap na magdarasal na komonkontrata upang
ipagdasal ang mga mayayaman. (Mayroon pang ganitong mga tao sa simbahan
ng … ). Ang mga magdarasal ay katulad lamang ng mga taong binabayaran
upang umiyak sa burol ng mga taong patay na hindi nila kaano-ano. Nang-asar
pa si Rizal, upang ipakita ang pagiging desperado ng mga mahihirap na
kinokontrata ng mga mayayaman na magdasal para sa kanila - handang
basahin ang lahat ng dasal pati ang Bibliang Hebreo para sa halagang piso,
ikumpara ito sa paring kumikita ng malaki para sa isang saglit na misa. Ang
mga mahihirap sa karagdagang halaga ay babasahin ang Bibling Hebreo –
tandaan na hindi magagawa iyon ng mga mangmang na magdarasal – dahilan
sa kakaibang wika at titik, at direksiyon ng pagbasa nito.
19
Higit na pinaniniwalaan at tinatawagan ni Kapitan Tiyago ang mga santo at
santa kaysa sa tunay na Diyos. Isang kabalintunaan ng kasaysayan ng kolonyal
na Katolisismo sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol ay nagawa nilang
mapalitan ang kadakilaan ng Diyos ng mga larawang inanyuan.
20

Ipinakikita ni Rizal ang pagiging swindler ni Kapitan Tiyago. Katunayan nga


nito, santo at santa niloloko, ang mga tao pa kaya ang hindi.
21
Hindi nakaligtas kay Rizal ang napakaraming mga santo ng simbahan, halos

69
Anotasyon ng Noli Me Tangere

niyang ang Birhen sa Antipolo ay may higit na kapangyarihan kaysa sa


iba’t ibang Birhen, kahit na may dalang tungkod na pilak, Niño Jesus na
bihis o hubad, kalmen, kuwintas o correa:22 marahil ay dahilan sa
ganitong kalaking kabantugan, ang birheng iyon ay magagalitin, maingat
sa kaniyang pangalan, at kalaban ng potograpiya ayon sa sabi ng
sakristan mayor sa Antipolo, at saka kung magalit, ay nangingitim na
parang kamagong, ngunit ang ibang Birhen ay may  malalambot na puso
at mga maawain:23  alam naman nating hayag na may mga taong ibig pa
sa isang despotikong haring na walang sinusunod kundi ang sariling
kalooban kaysa sa isang hari na sumusunod saligang batas ng bayan; 24
at kung hindi ito tooo, hayaan natin na magsalita sina Luis XIV at Luis
XVI, sina Felipe II at Amadeo I. Marahil dahil dito, kaya makikita na
lumalakad nang paluhod sa bantog na simbahan ang mga Insik na hindi
binyagan at pati mga Kastila.25  Ang hindi lamang maipaliwanag ay kung
bakit tumatakas ang mga kura na dala ang pananalapi ng kakila-kilabot
na larawan, tumutungo sa Amerika at doon nag-aasawa.26

puno ang mga araw ng kalendaryo sa mga pangalan ng santo at santa. Ang
napakaraming mga santo at santa ay maitutulad na lamang natin sa mga
relihiyong pagano ng matandang panahon at maging sa dambana ng
Hinduismo.
22
Nagkakaroon ng labanan ng pabantugan sa pagiging milagrosa ng mga
imahen. Tandaan na si Mariang ina ni Jesus ay sinasabing inilalarawan ng
imahe, kung iisa lamang ang mga iyon bakit magkakaiba pa ang kanilang
tinataglay na kapangyarihan– sa kolonyal na relihiyosidad ng mga Pilipino ang
mahalaga ay ang rebulto at hindi ang santo/santa na maaring ang kadakilaan
ay maging inspirasyon natin kahit wala ang kanilang anyong larawan.

23
Noong isilang si Rizal ay labis na nahirapan ang kaniyang ina sa panganganak
sa kaniya, at ipinangako ng huli na kapag-nailuwal niya ng maluwalhati ang
sanggol ay dadalhin niya ito sa birhen ng Antipolo sa edad na pito. Maging ang
isa sa pinakamagandang tula ni Rizal na Junto Al Pasig ay kaniyang inihandog
para sa karangalan ng birhen ng Antipolo. Pagkatapos ng ilang panahon ay
naging kabaligtaran sapagkat sa bahaging ito ay kritikal si Rizal laban sa mga
pamahiin na ikinakalat at pinaniniwalaan ng mga taga-sunod ng birhen ng
Antipolo.

24
Ipinakikita ni Rizal ang labis na pag-ibig ng mga Pilipino sa kanilang mga
patron, anuman ang sabihin ng mga hindi naniniwala ay nandoon pa rin ang
kanilang katapatan. Katulad ng katapatan at paghanga ng mga tao sa mga
diktador na pinuno, na pinaniniwalaan nilang higit na mahusay na magpalakad
ng bayan.
25
Isang pang-aasar ni Rizal, na kaya naroroon sa simbahan ng Antipolo ang
mga Espanyol ay dahilan sa idolo nila ang mga malulupit na hari, na ginagaya
at isinasagawa naman nila sa kanilang pamamalakad sa Pilipinas. Ang mga
Tsino naman ay naandoon din sa Antipolo dahilan sa nasanay sila mahabang
panahon ng kanilang kasaysayan na pinamumunuan ng mga malulupit na
emperador.

26
Dahilan sa dami ng nagpupunta sa Antipolo at laki ng halaga na nakokolekta
ay naging dahilan upang ang parokya ay maging labis na mayaman. Sa

70
Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

         Sa pintuan ng isang kuwarto na natatago sa isang tabing na sutla,


tungo sa isang munting kapilya o dalanginan na hindi dapat nawawala
sa saanmang bahay sa Pilipinas:  dito ay makikita ang mga diyos na
sinasamba ni Kapitan Tiyago, at sinabi naming mga diyos na sinasamba,
sapagkat ang ginoong ito ay mahilig sa pananalig sa maraming diyos
kaysa iisang Diyos lamang na kailanman ay hindi mauunawaang
mabuti.27
Dito ay makikita ang mga larawan ng Banal na Pamilya na ang
ulo, paa at kamay ay gawa sa garing, ang mata ay kristal, mahahaba ang
pilikmata, at ang buhok ay mapulang kulot, mga pangunahin sa mga
pagawaan ng santo sa Sta. Cruz.  Mga pintang kuwadro na gawa sa
oleo na likha ng mga taga-Pako at Ermita , 28 na naglalarawan ng mga
kamartiran ng mga banal, mga milagro ng Birhen, atbp.; si Sta. Lucia,
na nakatingin sa langit, at dala sa isang plato ang dalawang mata na
may mga pilikmata at kilay, katulad ng mga nakikitang nakaguhit sa
triangulo ng Santisima Trinidad o sa mga libingan ng mga taga-Ehipto ;29
sina San Pascual Bailon at San Antonio de Padua na nakaabito ng
ginggon at minamasdan ang isang umiiyak na Niño Jesus na suot-
Capitan General, nakatrespiko, sable at botas na katulad ng makikita sa
sayawan ng mga bata sa Madrid:30  sa pagkakakita ng larawan na ito ay

kasayayan ng Pilipinas, ang pangangasiwa sa parokya ng Antipolo ay mahigpit


na pinaglabanan ng mga paring Espanyol at Pilipino at isa sa mga mitsa ng
pagbangon ng Kilusang Sekularisasyon. Mayroong mga kuwento noon na may
mga paring Espanyol na naitalaga sa parokya ng Antipolo ang yumaman ng
labis at pagkatapos ay iniwan ang pagkapari at nag-asawa sa Timog Amerika.
Mapansin sana ang sinabi ni Rizal sa birhen ng Antipolo – kakilakilabot na
larawan.

27
allí están los dioses lares de Capitán Tiago, y decimos dioses lares, porque este
señor más bien sentía por el politeísmo que por el monoteísmo, que jamás
había comprendido (textong Espanyol). Ang kolonyal na simbahan ay nag-
aangking monoteismo (paniniwala sa iisang Diyos), nakikita ni Rizal ang angulo
ng pagkakaroon natin ng maraming mga rebulto at larawan ng mga santo ay
walang pinagka-iba sa kagawian ng mga politeismo na ang dambana ay puno ng
maraming mga rebulto ng kanilang mga pinaniniwalaang diyos. Ang hanay na
ito ay isang pagdagil ni Rizal kay Kapitan Tiyago, subalit ang higit niyang
tinatarakan ng malalim na pagpuna ay ang aral ng kolonyal na simbahan
sapagkat ang tunay na monoteismo ay hindi nauunawaang mabuti ng
simbahan at marahil ng maraming mga Pilipino. Para kay Rizal - HINDI ALAM
NG MGA PILIPINO – ANG KAHULUGAN AT DIWA NG MONOTEISMO.
28

Pansinin kung paano dumagil si Rizal sa mga santo at santa ng kolonyal na


simbahan. Ang mga santo at santa ay ginagawa ng mga pangunahing
artisano sa mga distrito Santa Cruz at Ermita sa Maynila – hindi sa langit.
29

Sa hanay na ito ay ipinapakita ni Rizal na mayroong mga larawan ng santo at


santa na na kinopya sa mga dambanang pagano.

30
Katulad sa ngayon ay ang Santo Niño na nakasuot ng pulis, magsasaka,
manlalaro ng basketball atbpa. kabihisan ayon sa kagustuhan ng may-ari.

71
Anotasyon ng Noli Me Tangere

nasasabi ni Kapitan Tiyago sa sarili na ang kahulugan nito ay kahit


idagdag ng Diyos sa kanyang kapangyarihan ang pagiging Kapitan Hener
al ng Pilipinas ay paglalaruan din siya na katulad ng isang manika ng
mga Pransiskano.31  Nakikita rin doon ang isang San Antonio Abad na
may isang baboy sa tabi, baboy na inaakalang milagroso ring kagaya
ng santo, kaya hindi mapangahasang tawagin ito ni Kapitan Tiyago
na baboy kundi alaga ng Santo Señor San Antonio;32 isang San
Francisco de Asis na may pitong pakpak at abitong kulay kape, na
nakalagay sa ibabaw ng isang San Vicente na may dalawang pakpak
lamang ngunit may hawak namang isang trumpeta; isang San Pedro
Martir na nahati ang ulo sa pamamagitan nang isang pantaga ng Moro,
na hawak ng isang hindi sumsampalataya, katabi naman ang isa pang
larawan ni San Pedro na pinuputol ang tainga ng isang moro, si Malko,
na kagat ang labi at nakangiwi sa sakit, samantalang ang isang
sasabunging tandang ay tumitilaok at pinapaspas ang pakpak sa ibabaw
31
Isang pagbibiro ni Rizal at isang direktang pahayag sa kalabisan ng
kapangyarihan ng mga prayle. Kaya nilang paglaruan na tulad ng manyika
maging ang Diyos at Kapitan Heneral para sa kapakinabangan ng kanilang mga
orden. Ito rin halos ang mukha ng mga naging punong ehukitibo sa bansa na
tila manyikang pinaglalaruan ng dayuhang pamahalaan at mga
makapangyarihang grupo upang umakto ng pabor para sa kanilang mga
kapakanan.
32
Saint Anthony the Great (251 - 356), also known as Saint Anthony of Egypt,
Saint Anthony of the Desert, Saint Anthony the Anchorite, and The Father of
All Monks, was a Christian saint and the outstanding leader among the Desert
Fathers, who were Christian monks in the Egyptian desert in the 3rd and 4th
centuries A.D. His feast day is celebrated on January 17th in some churches,
but celebrated on Tobi 22 (January 31) in the Coptic Orthodox Church and the
Coptic Catholic Church which has the closest cultural and geographical ties to
him.
Para sa kapakanan ng mga matatalino kong mambabasa ay mabuting
maliwanagan natin ang nais na ipahayag ni Rizal sa bahaging ito.

Hatiin natin ang mga pangungusap:


“Makikita rin doon ang isang San Antonio Abad na may isang baboy sa tabi,
baboy na inaakalang milagroso ring kagaya ng santo, kaya hindi
mapangahasang tawagin ito ni Kapitan Tiyago na baboy kundi alaga ng Santo
Señor S. Antonio” - Ang baboy na gustong patungkulan ni Rizal na alaga ni
San Antonio ay walang iba kundi ang mga prayle. Ito rin ang tunay na
pakahulugan ni Rizal sa pagsasabi ni Kapitan Tiyago na ang bagong kura ng
San Diego ay isang “banal” – baboy.

Pansinin ang isa sa mga akda ni Rizal:

“Walang bagay na lalo pang banal kaysa sa isang simbahan, at


ang simbahan ng San Agustin (sa Intramuros - daniel) ay isa sa
lalong banal. Gayong sinasabing ang pook na kinatatayuan ng
simbahan ay pinag-aalagaan ng mga baboy ng aking mga
magulang…”

Rizal: Si Maligaya at si Sinag-tala

72
Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

ng isang haliging dorico, sa bagay na ito ay pinagsususpetsahan ni


Kapitan Tiyago na upang maging santo ay kailangang mataga o
managa.33 
Sino ang may kakayahan na isa-isahin sa kalipunang iyon ng mga
larawan at makapagsasabi ng mga bagay-bagay na taglay ng bawat isang
naroroon? Hindi sapat ang isang kabanata! 34   Gayunman, ay hindi
natin iiwan na hindi binabanggit ang isang San Miguel na kahoy na may
ginintuang pinta, may sukat na isang metro halos ang taas:   ang
arkanghel ay nakapakagat-labi at nanlilisik ang mga mata, kunot ang
noo, namumula ang magkabilang pisngi, taglay sa kaliwang bisig ang
isang panalag na hubog-Griyego, at hawak sa kanan ang isang kris ng
taga-Jolo, at handang hiwain ang sumasamba o ang sinumang lumapit
(ayon sa maiisip sa kanyang kaanyuan at mabalasik na tingin) at hindi
ang demonyo na may buntot at sungay at nakakagat ang pangil sa
kanyang binting katulad ng sa dalaga.35  Si Kapitan Tiyago ay hindi
lumalapit sa kaniya kaylanman, sa takot na baka ito gumawa ng
himala.36 

33
Isang pangungutya ni Rizal sa mga prayle – kailangang mataga o
magsakripisyo ng buhay para sa aral na kanilang pinaniniwalaan. O kaya ay
managa upang maipagtanggol ang aral na kanilang pinaniniwalaan. Dito natin
maiiuugnay ang binanggit na pagpatay kay GH Bustamante sa Kabanata 1 at
sa simbolismo ni Rizal sa kabanata 3, na sa galit ni Pray Damaso kay Ibarra ay
nagsasalita siya na hawak ang kutsilyo (para sa matamis). Ang tunay na
dahilan kaya natatakot si Kapitan Tiyago sa mga banal (prayle) ay baka siya
mataga, na ang kaugnayan nito ay makikita sa Kabanata 36.
34

Sa dinadami ng mga santo/santa magagawa kaya ng isang deboto na isa-isahin


ang mga iyon at malaman ang naging buhay ng mga ito. Paano nga nila
malalaman pa kung ang larawan ng santo ay iyon nga ang anyo ng nabubuhay
pa?
Isa sa nakagulat nang malaki kay John Foreman na isang Ingles na
nakapanirahan sa Pilipinas noong mga huling bahagi ng ika-19 na siglo ay
nang makita niya na sa isang bahay ang pamilya ay lumuluhod at
nagdadasal sa isang larawan ng isang “santo” na nagkataon naman na iyon
ay ang larawan ng rebolusyonaryong Italiano na si Garibaldi. (John
Foreman. The Philippines footnote p. 190). Siguro ay natatawa si Foreman lalo
na kung maiisip niya na ang larawan ni Garibaldi na dinadasalan ng hindi
nakakaalam na pamilya ay ang rebolusyonaryong Italiano na nagnanais na
bawiin sa simbahan ang lupain ng Papa sa bahagi ng Roma.
35

Ang paglalarawan na ito kay San Miguel na may hawak na espada at tinataga
ang diablo ay ginawang imortal sa pintura ni Fernando Amorsolo na nagng
pabalat sa alak na Ginebra San Miguel. Subalit sa paggamit ni Rizal sa
paglalarawan sa nobela ay ginamit niyang simbolismo sa mapamuksang
kapangyarihan ng mga alagad ng kolonyal na simbahan laban sa mga
kanilang mapaparatangang mga “demonyo”.
36

Bakit natatakot si Kapitan Tiyago na lumapit sa larawan ni San Miguel? Dito ay


nagpapatawa si Rizal at siguro siya man ay tumatawa sa nais niyang palitawin.
Tandaan na ang tinataga ni San Miguel ay mga dimonyo at si Kapitan Tiyago ay
takot na lumapit sa larawan ni San Miguel dahilan sa nararamdaman niya na
isa siya sa mga karapat-dapat na tagain ng nasabing anghel.

73
Anotasyon ng Noli Me Tangere

Makailan nang gumalalaw ang isang larawan,


kahit napakasama ng pagkayari37 mula sa
karpinterya ng mga taga Paete, upang ang isang
makasalanang kulang sa pananampalataya ay
maguluhan ng kaisipan at magtamo ng
kaparusahan.38  Napabantog ang isang Cristo sa
Espanya, na ginawang saksi sa sumpaan tungkol sa
pag-ibig, ang rebultong ito ay nagpatunay sa harap ng
isang hukom sa pamamagitan n g pagtango ng ulo.
Ang isa pang Cristo ay nakabukas ang kamay upang
yakapin si Sta. Lutgarda, at hindi ba niya nabasa sa
isang aklat na maliit na maliit, na kalalabas pa lamang, ang tungkol sa
isang sermong dinaan sa kilos, na ginawa ng isang larawan ni Sto.
Domingo de Soriano? Ang santo ay hindi bumigkas ng isa mang salita,
ngunit sa inianyo ng kanyang mukha ay nahinuha o hininuha ng
maykatha ng sinabi ay ang pagsapit ng pagkagunaw ng mundo (hari na
nawang matupad kaagad ang hulang ito sa maykatha ng aklat at sa
aming lahat na naniniwala sa kanya- Rizal).39 

37
“Makailan nang gumagalaw ang isang larawan, kahit napakasama ng
pagkayari” – Ito ay isang lihim na paghahantad ni Rizal sa mga pakana ng mga
prayle na gamitin ang kanilang armadong kapangyarihan. Tandaan na ang isa
sa kanilang unang biktima sa Pilipinas ay si Gobernador Heneral Bustamante.
“Kahit napakamasama ng pagkakayari” (nang aksiyon at hindi ng sining) –
dahilan sa ginawa ang paggalaw (pagpatay o pananaga) para sa sariling
kapakinabangan ng mga prayle.
38

“upang ang isang makasalanang kulang sa pananampalataya ay maguluhan ng


kaisipan at magtamo ng kaparusahan” – mapapansin din na ang armadong
kapangyarihan ng mga prayle ay handa ring gamitin sa mga “kulang sa
pananampalataya” o erehe. Sa nakatagong hanay ng pananalitang sa
kabanatang ito ay lihim na inilalatag ni Rizal ang kakayahan ng mga prayle na
gumamit ng dahas laban sa mga Pilipinong nagtataglay ng mapangahas at
kritikal na kaisipan na sususri sa kakatwang panatisismo na umiiral sa loob ng
kolonyal na Kristiyanismo.
39
Pansinin ang sulat ni Rizal mula sa Espanya na kaniyang ipinadala sa
kaniyang mga kaanak:

Ngayon ay kapistahan ni San Antonio Abad, at ang mga buro, mula


kabayo at iba pang hayop na may dalawa o apat na paa ay naparoon sa
kinaroroonan ng nasabing santo, upang dumalaw at sila ay basbasan.
Ang mga iyon ay magarang napapalamutian: aywan ko kung ano ang
mahihita ng buro sa mga bendisyon at indulhensiya, kung totoo, gaya ng
sinasabi nila, na ang mga ito’y walang kaluluwa at hindi maaring
magkasala o magtanggol sa Diyos. Sa anu’t anuman, darating ang isang
mapalad na araw na kahit bato’y magkakaroon ng isang patron na
tatangkilik sa kanila. Magpakabihasa kayo riyan at humanap ng isang
santo para sa mga kalabaw na magliligtas sa ito sa mga pagkukulang at
pagbabayad ng mga buwis.

74
Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

Hindi ba naibalita rin na ang Birhen ng Luta sa bayang Lipa ay


matambok ang isang pisngi kaysa isa at may putik ang laylayan ng
damit?  Hindi baga iyon ay isang patotoo na ang mga banal na
larawan ay namamasyal din naman, na hindi naglililis ng kanilang
kasuotan,40 at sumasakit din ang ngipin marahil ay dahil sa atin? 41
Hindi ba nila nakita, sa tulong ng mga matang sarili, ang lahat ng Cristo
sa sermon ng Pitong Wika, na kumikilos at iniyuyuko nang makaitlo ang
ulo ng ayon sa kumpas na siyang ikinaiiyak at ikinasisigaw ng lahat ng
mga bababe at ng mga kaluluwang maramdaming nakaukol na umakyat
sa langit?  Kulang pa ito?  Kaming na mismo ang nakakita sa predicador
na ipinakikita sa madla, sa pagbababa sa krus , ang isang panyong
maliit na puno ng dugo, at iiyak na sana kami sa pagkahabag, nang
sabihin sa amin (sa kasawian ng aming kaluluwa) ng isang sakristan, na
iyon ay biro lamang:  iyon ay dugo ng isang inahing manok na pinatay,
iniihaw, at kinain in continenti kahit noon ay Biernes Santo at ang
sakristan ay mataba.42 Si Kapitan Tiyago nga, dahil sa kanyang
pagkamaingat at relihiyoso, ay umiiwas na mapalapit sa kris ni San
Miguel.  “Iwasan natin ang mga pagkakataon!” sabi sa sarili, “alam
kong isa kang arkanghel, nguni’t, huwag, hindi ako
magpapakatiwala, hindi ako magpapa-katiwala!”43 
        Hindi lumalampas ang bawat taon kay Kapitan Tiyago na hindi
dumadalo na may kasamang isang orkesta para sa malaking kapistahan
ng Antipolo; pagkatapos ay bumabayad para sa dalawang misa de
gracia, tatlong nobena at ng iba pang araw na

40
Ang isinulat na ito ni Rizal na paggagala ng birhen sa gabi ay isang palihim na
pagdagil sa mga prayle na umaalis ng kumbento na hindi naka-abito tuwing
gabi upang lihim na makipagtagpo sa kanilang mga babae. Para kay Rizal, hindi
lamang mga prayle ang gumagawa ng mga himala. Maging ang mga santa man
ay umaalis din ng simbahan. Hindi isang akusasyon ang paliwanag na ito
dahilan sa ipapaliwanag ito sa iba pang kabanata ng nobela.
41

Tuwing may nababalitang milagro ay palaging sinasabing nagaganap ito para


sa mga makasalanan, kaya naririnig natin ang kuwento na “umiiyak ang birhen
dahilan sa ating mga kasalanan”. Dito ay hinihikayat ni Rizal na maging kritikal
sa mga napapaulat na mga milagro ng mga rebulto ng simbahan. Pansinin ang
Talababa Blg. 69
42
Maging ang pagpatay ng manok para ipakita ang dugo ng hayop na ipinahid
sa panyo ay isang panlilinlang sa mga bulag na mapanata at ang pagkain
naman ng karne nito sa Biyernes Santo ay isang hayagang paghahayag ng may-
akda na ang mga taong simbahan ay gumagawa ng paglabag sa aral na kanilang
mismong ipinatutupad.
43

Bakit inulit ang pag-iwas ni Kapitan Tiyago na lumapit sa larawan ni San


Miguel? Sa ikalawang pag-uulit ay mapapansin ang salitang umiiwas (kanina ay
lumapit). Ito ay dahilan sa pailalim na pagdagil ni Rizal upang ipaalam na
maaring anumang oras na gagawa si Kapitan Tiyago na hindi kaayon sa
kagustuhan ng mga prayle ay maaring mayroon siyang masamang kalalagyan –
kailangan niyang maging maingat. Matutunghayan ang kabuluha nito sa
Kabanata 36.

75
Anotasyon ng Noli Me Tangere

walang nobena, at pagkatapos ay naliligo sa batis na pinaliguan ng


Birhen.  Nakikita pa hanggang sa ngayon ng mga taong
mapanampalataya ang bakas ng kanyang mga paa at buhok sa matigas
na bato, noong banlawan ng birhen ang kaniyang buhok, na katulad ng
sinumang babaing gumagamit ng langis ng niyog, at waring patalim o
diamante at isang libong tonelada ang bigat ng kanyang buhok .44  Nais
namin minsan sana ay iwasiwas ng kakila-kilabot na Larawan ang
kanyang buhok sa  mga mata ng mga mapanampalatayang ito, at
tuntungan ang kanilang mga dila o ulo.45  Sa panabi ng nasabing
batis, si Kapitan Tiyago ay kumakain ng litson, sinigang na dalag sa
alibambang at iba pang lutong maaring masasarap.  Ang dalawang misa
ay nagkakahalaga sa kanya ng mahigit na apat na raang piso, ngunit
mura pa iyon sa kanyang  inaasahang malalaking suwerte na matatamo
sa buong taon dahil sa mga misang iyon.
Ngunit hindi lamang ang Antipolo ang teatro ng kanyang maingay
na debosyon.  Sa Binondo, Pampanga at sa San Diego, kapag siya ay
magsasabong ng isang tandang na may malaking pusta ay nagpapadala
sa kura ng salaping ginto para sa angkop na misa para siya manalo,46
katulad ng mga Romano na nagtatanong muna sa kanilang mga augur47
bago ganapin ang isang labanan sa pamamagitan ng pagpapakain sa
mga sinasambang manok, si Kapitan Tiyago ay nagtatanong din naman
sa kanyang mga sinasamba, ngunit alinsunod sa mga kaibahang taglay
ng panahon at ng mga bagong katotohanan.  Tinitingnan niya ang
dingas ng mga kandila, ang usok ng incenso, ang tinig ng pari, atbp., at
mula sa lahat ng iyon ay hulaan ang ang maaring kalabasan.   Tanggap
ng la hat ang paniwala na bihirang matalo si Kapitan Tiyago, at kung
matalo ay dahilan sa ang pari ay paos, kakaunti ang ilaw, ang mga
kandila ay masebo o kaya ay nahaluan ng masamang piraso ang
kuwalta, atb.; pinatutunayan sa kanya ng isang pinuno ng isang
cofradia na ang mga kasawiang iyon ay ipinatitikim sa kanya ng

44
Dito ay gumagawa ng isang siyentipikong pagbatikos ni Rizal sa mababaw
na paniniwala ng mga panatiko, na ang mga bakas ng birhen ng Antipolo ay
nakabakat sa paliguan at para mangyari iyon ayon kay Rizal ay kailangan na
ang buhok ng rebulto ay isang libong tonelada at kasingtalim ng diamante.
45
Upang maunawaan ang sinulat ni Rizal – isang rebulto na may isang libong
tonelada ang buhok at iwasiwas ito- isipin ninyo ang lakas na yayanig sa loob at
maaring makasira sa simbahan ng Antipolo. Pagkatapos ay ipapatong ang paa
sa dila o ulo ng mga deboto – isipin ninyo kung ipatong ng isang rebulto na ang
buhok ay may isang libong tonelada ang bigat, siguradong daig pa ang ilang
beses na dinaanan ng pison ang ulo ng mga kahabag-habag na deboto.
46
Tila ninanais ni Kapitan Tiyago na makakampi sa sugalan ang mga santo.
47
Augur – miyembro ng kaparian ng matandang relihiyong Romano na
nagbibigay ng paliwanag tungkol sa kalooban ng mga diyos na pagano –
tinitingnan nila ang mga tanda sa pamamagitan ng lipad ng mga ibon.
Kalagayan ng laman-loob ng mga isinakripisyong hayop, direksiyon ng kidlat.
Makapangyarihan ang mga augur dahilan sa kanilang mga payo bago ganapin
ang digmaan at importanteng okasyon.

76
Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

kalangitan upang lalong patibayin ang kanyang paniniwala at


debosyon.48  Minamahal siya ng mga kura, iginagalang ng mga sakristan,
sinusunod ng lahat ng mga Insik na magkakandila at ng mga
manggagawa ng paputok, siya ay lubhang mapalad sa pananampalataya
dito sa lupa, at inaakala ng ilang mahahalagang tao at may pananamba,
na sa kalangitan man ay mayroon din siyang malaking kabuluhan. 49
Mayroon siyang kapayapaan sa Pamahalaan, bagay na hindi
mapag-aalinlanganan kahit na lubhang mahirap paniwalaan.  Ito ay
dahilan sa wala siyang kakayahan na mag-isip ng isang bagong bagay,
at lubos na nasisiyahan sa kanyang paraan sa pamumuhay at
nakahanda sa lahat ng sandali sa pagsunod kahit na sa
pinakamababang oficial quinto ng lahat ng kawanihan, nagreregalo ng
mga hamon, kapon, manok, mga prutas mula sa Tsina sa anumang
buwan ng taon.50  Kapag nakadinig siya ng salitaang masama laban sa
mga Pilipino, sapagkat ipinalalagay niyang hindi niya kalahi ang mga
pinagsasalitaan ng masama, ay nakikiisa siya sa panlilibak at lalo pang
masama kung siya ay magsalita.51  Kung pinagwiwikaan ng masama ang
mga mistisong Insik o Kastila, ay kasama rin siya sa pag-alipusta,
sapagkat iniisip niya marahil na siya’y isang tunay na Kastila.  Siya ang
unang pumupuri sa anumang pagpapataw ng buwis, lalo na kung sa
likod niyon ay may naaamoy siyang kontrata o pabuwisan.52  Mayroon
siyang laging nakahandang orkestra, para batiin o haranahin ang lahat
ng mga gobernador, alkalde, piskal, atbp., sa kanilang mga kapistahan,
araw na kapanganakan, pagsilang o pagkamatay ng isang kamag-anak,

48

Sa mga sugarol, ang lahat ng kilos ay may kahulugan sa pag-aakalang sila ay


mananalo. Para sa mga manunugal, mayroon akong alam na pinakamahusay
na palatandaan na kayo ay mananalo sa sugal – ito ay kapag naramdaman
ninyong nagsasawa ka na sa pamimigay ng pera sa mga taong nagtatawa sa
iyong kamalasan – doon ka magsisimulang manalo laban sa sugal.
49
Inilalarawan dito ni Rizal na sa Pilipinas ay pinakikitunguhang mabuti ang
isang mayamang parokyano (na ang unang kahulugan noon ay taga parokya na
masugid na sponsor ng mga gawaing pansimbahan). Sa pagdating ng panahon
ang katawagang iyon ay ginamit na bilang pagkilala sa mga bumibili ng marami
o palagian (suki) sa isang tindahan.

50
Ipinakikita rito ni Rizal na sa isang pamahalaan na walang tunay na
demokrasya, ang isang uto-uto ang modelong mamamayan.
51

Si Kapitan Tiyago ay dumudusta sa sarili niyang kababayan – pinagtatawanan


ang kahinaan ng kaniyang kalahi. Sa kabilang dako, ang Noli ay isinulat ni Rizal
hindi sa layunin na dustahin kundi isang pagpapakita ng mga kahinaan ng
kaniyang kababayan, sa layunin na suriin ang kadahilanan at maituwid ito.
52
Si Kapitan Tiyago ay katulad ng ating kasalukuyang mga mambabatas at
opisyal ng pamahalaan na handang umayon sa pagtataas ng buwis at
nagsasabing makabubuti iyon sa ating bayan. Subalit ang tunay na dahilan ay
may nakikita silang pakinabang mula sa karagdagang buwis na ipapataw sa
mga mamamayan.

77
Anotasyon ng Noli Me Tangere

sa isang sabi, sa anumang pagbabago na naiiba sa nakakabagot na pang


araw-araw na pangyayaring.  Dahil sa mga pangyayaring ito ay
nagpapagawa ng mga tulang papuri, mga awiting pagpaparangal sa
malambot at magiliw na gobernador, matapang at malakas na alkalde na
magtatamo sa kalangitan ng palaspas ng mga banal, at iba pang bagay.53
Siya ay naging gobernadorcillo ng mayamang samahan ng mistiso,
sa kabila ng pagtutol ng marami, dahil sa inaakalang nilang hindi siya
mistiso.54  Sa dalawang taong kanyang pamamahala ay nakasira nang
sampung prak, gayon din karaming sombrero de copa at anim na
baston.  Ang prak at sombrero de copa ang kanyang suot pag
nagpupunta sa Ayuntamiento (city hall), sa Malakanyang at sa kuwartel;
suot ang sombrero de copa at ang prak kung nasa sabungan, sa talipapa,
sa mga prusisyon, sa mga tindahan ng mga Insik, at sa ilalim ng
sumbrero at sa loob ng prak, si Kapitan Tiyago ay pawisan dahil sa
kakukumpay ng baston de borlas na nag-uutos, inaayos at ginugulo ang
lahat ng bagay, sa tulong ng isang kasipagang kahanga-hanga at anyong
walang katawa-tawa, na lalo pang kahanga-hanga mandin.55 

53

Ang isa sa mga kahinaan ng mga opisyal ng kolonyal na pamahalaan ay ang


purihin sila ng labis-labis. Pansinin sana na ang mga pananalitang nakaguhit
na ang lahat ng mga ito ay papuring labis-labis kaysa sa katotohanan.
Magagamit pa ito hanggang sa kasalukuyan - kung nais mong mapalapit sa
mga pulitiko ay purihin mo siya ng labis-labis. Binobola ng mga pulitiko
ang bayan at ang bayan naman ay binobola ang kanilang mga pulitiko.
54
“Siya ay naging gobernadorcillo ng mayamang samahan ng mistiso, sa
kabila ng pagtutol ng marami, dahil sa inaakalang nilang hindi siya
mistiso.” Ang higit na katulad nito sa ating panahon ay ang pagtakbo sa
eleksiyon ng isang tao na nanirahan sa Maynila, ngunit kumandidato sa
probinsiya kung saan siya isinilang at iniwan pagkatapos na siya ay
mabinyagan, sumisipot paminsan-minsan para magbakasyon, at pagkatapos ay
tatakbo sa eleksiyon bilang opisyal sa anumang puwesto sa lalawigan.
55
Pakitang tao lamang ang kaniyang ginagawa para sa ngalan ng kaniyang
katungkulan. Mula sa kagawian na ito ni Kapitan Tiyago ay mababakas natin
ang pinagmulan ng kaugalian ng mga pulitiko na pumorma ng sobra sa harap
ng maraming mga tao na nanonood sa kaniya.

78
Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

Nakikita siya ng mga maykapangyarihan bilang isang mabuting


tao, nagtataglay ng mabuting kalooban, payapa, mapagkumbaba,
masunurin, hindi nagbabasa ng anumang aklat o mga dyaryo mula sa
Espanya, samantalang nakababasa at nakapagsasalita naman siyang
mabuti ng Kastila; ang
tingin sa kanya ay kagaya ng
tingin ng isang mag-aaral sa
takong ng isang lumang
sapatos na napangiwi dahil
sa kanyang ugali sa
paglalakad.56  Sa ganang
kanya ay lumalabas na
kapwa totoo ang dalawang
banggit, na ang isa ay sa
binyagan at ang isa’y sa
hindi kampon ni Cristo na
beati pauperes spiritu at
beati possidentes (mapapalad ang mga aba at mapapalad ang mga
mayroon) at bagay na bagay ikapit sa kanya iyong mga salitang Griyego
na masama ang pagkakasalin, alinsunod sa sabi ng ilan, na: 
“Kaluwalhatian sa Maykapal sa kaitaasan, at katiwasayan sa mga taong
may mabubuting kalooban sa lupa”57 sapagkat gaya ng makikita natin sa

56
Ibig sabihin ay nahirati na sa porma – kahit nakangiwi na ang ayos ay
masarap pang isuot dahilan sa kasundo na ng paa. Si Kapitan Tiyago ang
nakangiwing sapatos at ang mga maykapangyarihan ang nagsusuot o
gumagamit. Subalit ang isang lumang sapatos na matagal na nating ginagamit
at nakasanayan na ng ating mga paa ay maari nating iwanan anumang sandali
na hindi na ito angkop sa ating kasiyahan. Isang paraan ng pagbibigay ni Rizal
ng babala sa mga taong sunud-sunuran sa kagustuhan ng mga taong
nakakataas sa pamahalaan.

57
Mula sa paniniwalang ito ay tumubo ang henerasyon ng mga Pilipinong
walang kibo. Mahalaga sa mga ito ang “kapayapaan” kahit na ito na buhay nila
ay puno ng pagsasamantala, panlilinlang, at pang-aapi. Bigyan ng Pansin na
masama ang pagkakasalin, ng teksto sa Biblia ng talatang Lucas 2:14 na
“Kaluwalhatian sa Maykapal sa kaitaasan, at katiwasayan sa mga taong
may mabubuting kalooban sa lupa”

“Bago ang Berlin, ang pinakahuling pinag-aralang panayam papel na


binigkas ni Rizal noong siya ay papaalis na sa Universidad Central de
Madrid, kung saan ang paksang kaniyang tinalakay ay ukol sa teksto
ng Biblia na “Kaluwalhatian sa Maykapal sa kaitaasan, at katiwasayan
sa mga taong may mabubuting kalooban sa lupa” at ipinakita niya dito
na ito ay isang maling salin ng Bibliang Latin mula sa orihinal.

Coates, Austin: Rizal: Philippine Nationalist and Martyr

Ang tamang salin ay “Luwalhati sa kaitaasan, katiwasayan sa lupa, at


sa mga tao ay mabuting kalooban.”

79
Anotasyon ng Noli Me Tangere

huli, ay hindi sapat ang magkaroon lamang ng mabuting kalooban


upang mabuhay nang payapa.
Ang mga taong kulang sa pananampalataya ay itinuturing si
Kapitan Tiyago na isang hangal, inaari siyang ganid, walang puso at
mapagsamantala sa kahirapan ng mga maralita, at inaari siyang
maniniil at masiba ng mga nakababa sa kanya.58  At ang mga babae? 
Ah, ang mga babae!  Mga mapanirang bulungan na umuugong sa mga
pawid na dampa, at may nagpapatunay na nakadinig umano ng mga
daing, hagulgol na kahalong minsan ng pag-uha ng isang bata .  Hindi
iisang dalaga ang itinuturo ng mga malisyosong daliri ng mga
kapitbahay: ang dalaga ay may tinging walang ibig turan at tuyo ang
dibdib.59 Ngunit ang mga bagay na ito ay hindi nakapagbibigay gambala
sa kanya, walang dalagang nakapupukaw sa kanyang katiwasayan.60
Isang matandang babae ang nagpapahirap ng labis sa kanya, isang
matandang babae na karibal niya, sa pagkamapanata at nagtamo ng
lalong malalaking papuri mula sa mga kura, kaysa mga tinamo ng lalaki
natin sa panahon ng kanyang karingalan. 
Si Kapitan Tiyago at ang balong babaing ito, na naging
tagapagmana ng mga kapatid at mga pamangkin, ay mayroong isang
banal na karibalan na ang tunay na nabibiyayaan ay ang simbahan.
Kagaya ng nangyayari sa kumpetisyon ng mga pampasaherong bapor na
bumibiyahe sa Maynila-Pampanga na ang nakikinabang ay ang mga
taong-bayan.  Si Kapitan Tiyago ay naghandog ng isang tungkod na pilak
na may mga esmeralda at topasyo sa alinmang Birhen?  Agad-agad
namang naroon na si Aling Patrocinio 61 na nagpagawa kay Gaudines
ng isang tungkod na ginto na may mga brilyante; kung sa prusisyon ng
Naval62 ay nagpatayo si Kapitan Tiyago ng isang arco na may dalawang
facade, na may bukul-bukol na kayo, mga salamin, mga salaming globo,

58
Dito ay makikita ang kontrast ni Kapitan Tiyago, isang lalaking sunud-
sunuran sa nakakataas sa kaniya at mapagsamantala naman sa kaniyang mga
nasasakupan.
59
Paglalarawan sa isang babaeng sinawi ng makamundong paghahangad ng
isang lalaki.
60

Mayroong bulung-bulungan na si Kapitan Tiyago ay mahilig sa mga babae,


subalit hindi naman ito totoo.
61
Ipinapapansin sa bahaging ito panibagong kalupitan ni Rizal sa pagbibigay ng
pangalan sa kaniyang mga tauhan – ang babaing kalaban ni Kapitan Tiyago sa
karibalang pang-relihiyon ay Patrocinio – ang pangalan na ito ay
nangangahulugan sa wikang Tagalog na tagapagtaguyod (sponsor) na
nagkakaloob ng salapi at iba pang mga kakailanganin sa pagsasagawa ng isang
malaking aktibidad, kapalit ng malawakang publisidad. Sanggunian
http://es.wikipedia.org/wiki/Patrocinio

62
Taunang kapistahan na pinangungunahan ng Orden Dominicano – ginaganap
tuwing Oktubre sa karangalan ng Nuestra Senora del Rosario, na
pinaniniwalaan na ang tumulong sa mga Espanyol para magtagumpay laban sa
mga sumasalakay na hukbong nabal ng Olandes noong 1649.

80
Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

mga lampara at araña, si Aling Patrocinio naman ay mayroong agad na


isang arco na may-apat na facade, dalawang dipa ang higit sa itaas at
lalo pang marami ang mga palamuti at pabitin.63  Ngunit kung
magkagayon ay paiiralin naman ng lalaki natin ang kanyang katangian,
ang mga misang may mga malakas na paputok. Sa ganito si Aling
Patrocinio ay nagkakahusto na lamang sa pagkagat ng labi sa
pamamagitan ng kaniyang bungal na gilagid, sapagkat dahil sa
kanyang pagkamatatakutin, hindi rin makatagal sa malakas na repike
ng mga kampana at lalong hindi matagalan ang putukan.  Samantalang
ang lalaki ay nangingiti ay iniisip naman ng babae ang paraan ng
pangganti at ibinabayad ang salaping kaniyang minana sa mga lalong
mabubuting mananalumpati ng limang corporacion sa Maynila, sa mga
lalong bantog na canonigo sa Katedral at pati sa mga Paulista upang
magsermon sa mga tanging araw ng mga paksang malalalim at tungkol
sa teologia ang mga makasalanang walang naiintindihan kundi wikang
Kastilang tindahan.64  Napapansin ng mga kakampi ni Kapitan Tiyago,
na ang babae ay nakakatulog samantalang nagsesermon, ngunit
sinasagot naman ng mga kakampi ng babae na binayaran na ng babae
ang sermon, at sa lahat ng bagay ay ang pagbayad ang siyang kauna-
unahan.  Sa kahuli-hulihan ay dinaig ng babae ang lalaki dahilan sa
naghandog ang una sa isang simbahan ng tatlong andas na nababalutan
ng pilak, na ang bawat isa ay nagkakahalaga ng mahigit sa tatlong
libong piso.  Inaasam ni Kapitan Tiyago na ang babaing ito ay mamatay
anumang araw o kaya ay matalo ng lima o anim na usapin sa husgado
upang mapag-isa siya sa paglilingkod sa Diyos;65 ngunit ang masama ay
ang mga nagtatanggol kay aling Patrocinio ay ang mga
pinakamahuhusay na abugado ng Real Audiencia, at kung tungkol sa
pagkakasakit ay walang lugar na mapasukan ang karamdaman sa
pangangatawang iyon:  na tila isa siyang kawad na asero, marahil ay
upang ikabuti ng mga kaluluwa, at nagpapakapit-kapit sa bayang ito ng
sakit nang walang pinag-iwan sa mga singaw sa balat.  Lubos na lubos
ang pananalig ng kanyang mga kaibigan, na, pagkamatay niya, ay
magiging santa at pati si Kapitan Tiyago ay sasamba sa kanya sa mga
altar, bagay na payag na gawin ng ating lalaki, mamatay na lamang
kaagad ang babae.
Ito ang kalagayan ni Kapitan Tiyago nang kapanahunang iyon.
Tungkol naman sa kanyang kahapon ay ito: Siya ay nag-iisang anak ng

63
Ang kalaban nina Kapitan Tiyago at Donya Patrocinio, ay kung sino ang
magiging bantog sa kanila sa pagbibigay ng pera sa simbahan. Labanan ng
dalawang hangal na inuubos ang kanilang mga kayamanan para sa ilusyon ng
kabanalan at popularidad.
64
Pang-aasar ni Rizal sa mga paring gumagamit ng wikang hindi naiintindihan
ng kaniyang mga taga parokya. Papaano kaya mauunawaan ng mga tao ang
mensaheng pangkabanalan, kung ito ay hindi naman naiintindihan ng marami.
65
Nakikipaligsahan sa kabanalan – subalit ipinagdadasal na magkaroon ng
masamang kapalaran ang kaniyang kalaban. Ipinakikita dito ang pagiging
paimbabaw ng kabanalan.

81
Anotasyon ng Noli Me Tangere

isang mayamang mag-aasukal sa Malabon, ngunit gahaman sa salapi,


na ayaw gusmastos kahit isang salapi para sa pag-aaral ng kanyang
anak, sa ganyang dahilan ang batang si Santiago ay pinalaki ng isang
mabuting Dominicano, taong mabait, na nagpunyaging ituro sa kanya
ang lahat ng mabuting naaabot at magagawa.66  Nang aabot na siya sa
kapanahunang matatawag na sana siyang logico ng kanyang mga
kakilala, sa isang sabi, nang mag-aaral na siya ng Logica, ay naputol ang
kanyang pag-aaral dahil sa pagkamatay ng nag-aampon sa kanya, na
sinundan pa ng pagkamatay ng kanyang ama. Magmula noon ay
inatupag na niya ang pagnenegosyo.  Nag-asawa sa isang magandang
binibining taga-Sta. Cruz na tumulong sa kanya sa pagpapayaman at
siyang nagbigay sa kanya ng katangian sa bayan.  Si Donya Pia Alba ay
hindi nasiyahan sa pamimili na lamang ng asukal, kape at tina: 
nagnanais na magtanim at mag-ani, kaya namili ang mga bagong kasal
ng mga lupain sa S. Diego,67 at doon nagsimula ang pakikipagkaibigan
nila kay Padre Damaso at kay Don Rafael Ibarra, ang pinakamayamang
mamumuhunan sa bayan.
Ang kawalan ng tagapagmana sa anim na taon ng kanilang pag-
sasama ay nagbigay daan sa kanilang pagsusumigasig na makaipon ng
yaman na halos nagkakaroon ng kulay ng kasalanan.68
Si Donya Pia ay may magandang pangangatawan at mainam na
kaanyuan.  Walang napala sa kanyang pagnonobena; sa pang-uudyok
ng ibang mapanatang taga-San Diego ay dumalaw sa Birhen ng
Caysasay sa Taal,69 nagbigay ng maraming limos, nagsayaw sa
66
Mapapansin dito na maging si Rizal ay hindi nakalimutan na banggitin ang
kabutihan na tinataglay ng mga alagad ng kolonyal na simbahan na
sumusunod sa aral ng simbahan. Pansinin ang pamilang na “isang mabuting
Dominicano” – simbolismo ng pagiging bihira o natatangi.
Bakit Dominicano pa ang napiling gawing mabait ni Rizal? - Malaman sana na
ang mga Rizal ay hindi landlord kundi mga tenant sa hacienda na sinasabing
pag-aari ng mga Domicano. Ito ang dahilan kung bakit maingat si Rizal sa
pagdagil sa mga Dominicano.
67

Ipinapakita ni Rizal ang pag-unlad ng kabuhayan ni Kapitan Tiago, mula sa


pagiging comprador na nagsisilbing middleman sa pagbili ng mga kalakal mula
sa mga magsasaka at pagbebenta naman nito sa mga dayuhan. Pagkatapos ng
pagiging kumprador si Kapitan Tiago ay namili at nagmamay-ari ng malawak na
lupa. Sa ganito ay nagkaroon ng malaking inpluwensiya sa kaniyang mga
nasasakupang kasama o manggagawa sa bukid.
68
Naging kapwa tuso ang mag-asawa para sa pagkakamal ng kayamanan.

69
Ang birhen sa Taal, Batangas na sinasabing natagpuan ni Juan Maningcad,
noong 1603, sa Ilog Pansipit sa Baryo Caysasay sa nabanggit na bayan. Dinala
ni Juan ang rebulto ng birhen sa kaniyang bahay at nalaman ito ng buong
pamayanan at ito ay dinala sa bayan ng Taal, iningatan ng biyuda ng hukom ng
bayan, at iningatan sa isang magandang lalagyan. Ayon sa paniniwala, isang
araw ay nawala ang imahen sa lagayan at kinabukasan ay muling nagbalik
at ang pangyayari ay naganap ng ilang ulit.
Pansinin ang mga Ginawa ni Donya Pia upang magkaroon ng anak:
Dumalaw sa Birhen ng Caysasay – nawawala sa tuwing gabi!!! Balikan ang
Talababa 41.

82
Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

prusisyon, sa gitna ng kainitan ng araw sa buwan ng Mayo, sa harap ng


Birhen sa Turumba sa Pakil.  Ngunit walang himala sa lahat ng iyon,
hanggang pagpayuhan ni Pray Damaso na magtungo sa Obando, at
doon ay nagsayaw sa pista ni San Pascual Bailon,70 at humingi ng
isang anak na lalaki.  Alam na nang madla na sa Obando ay may tatlong
larawang nagbibigay ng anak na lalaki o babae, ayon sa kahilingan:   ang
Nuestra Señora de Salambaw, si Sta. Clara at si S. Pascual Bailon. 
Salamat at sa matalinong payong ito at nagdalang-tao si Donya Pia;71
ngunit…ay! gaya nang mangingisdang sinasabi ni Shakespeare sa
kanyang Macbeth, na pagkatapos makatagpo ng isang kayamanan ay
hindi na umawit; si Donya Pia ay nawalan ng katuwaan, naging
malungkot at wala nang nakakita kahit ng isa niyang ngiti.  “Ugali na ng
mga naglilihi!” ang sabi ng lahat, pati ni Kapitan Tiyago.  Isang
matagalang lagnat ang nagwakas kanyang nakatagong kalungkutan, at
iniwang ulila ang isang magandang sanggol na babae, na inanak sa
binyag ni Padre Damaso; at sa dahilang hindi ipinagkaloob ni San
Pascual ang anak na lalaking hinihingi,72 ay Maria Clara ang
ipinangalan, alang-alang sa Birhen sa Salambaw at kay Sta. Clara, at
naghiganti si Kapitan Tiyago kay San Pascual Bailon sa pamamagitan ng
hindi pagbanggit ng pangalan nito.
Ang bata ay lumaki sa pag-aalaga ni Tia Isabel, ang mabait na
matandang babae, ay turong prayle ang napag-aralan, na nakita natin
sa unahang kabanata nito.  Ang pinakamalaking bahagi ng taon ay

Nagsayaw sa Birhen ng Turumba – sa gitna ng kainitan ng araw!!!


70
Parang walang malisya ang hanay na ito ng mga pananalita – subalit nakatago
ang malalim na misteryo – Walang naging HIMALA SA MGA UNANG GINAWA NI
PIA ALBA… Nabuntis lamang ang babae ng pagpayuhan siya ni Padre Damaso
na sumayaw sa harapan ni San Pascual de Baylon – Malaman sana na si San
Pascual de Baylon ay isang Prayleng Pransiskanong Espanyol na isa sa mga
masugid na kumalaban sa kaisipang modernismo. Makikita ang talas ni Rizal
sa paghahalo ng simbolismo at pangungutya, tandaan sana na ang payo ni Pray
Damaso na isang Espanyol na Pransiskano, na si Pia Alba ay magsayaw kay
San Pascual Baylon upang magkaroon ng anak. Alam mo na ngayon kung ano
ang gustong palabasin ni Rizal – ang milagro sa pagbubuntis ni Pia Alba ay
ekstensiyon ng himala ng Espanyol na Pransiskanong Santo na si San
Pascual Baylon na ang instrumento ay ang Espanyol na Pransiskanong si
Pray Damaso.
71
Sa bahaging ito ay ipinapaalam ang mga inpormasyon ukol sa mga
milagrosang imahen sa Obando, Bulacan na nakapagbibigay ng anak. Ngunit
higit na mapagmilagro ang kura paroko ng San Diego, kaysa sa mga santo at
santa ng Obando. Isa sa malupit na pagkutya na sinulat ni Rizal laban sa
mga prayle sa El Filibusterismo ay ang katagang “Higit na mapagmilagro,
kapag nakahubad ng abito.”
72
Hindi raw naipagkaloob ni San Pascual de Baylon (Prayleng Espanyol) ang
anak na lalaki. Pero makikita ang kapilyuhan ni Rizal dahilan sa bago ang
pangungusap na iyon ay pakunwari munang ipinakilala si Padre Damaso bilang
ninong ni Maria Clara.

83
Anotasyon ng Noli Me Tangere

itinira niya sa San Diego dahil sa kabutihan ng klima doon at doon


naman ay naging labis ang debosyon Padre Damaso sa bata.
Hindi taglay ni Maria Clara ang maliliit na mata ng kanyang
ama:73  ang kanyang mga mata ay malaki na gaya ng sa kanyang ina,
maiitim at naaaninuhan ng mahahabang pilikmata, masasaya at
nakatutuwang naglalaro, malulungkot, malalamlam at mapagmuni
kapag hindi ngumingiti.  Noong siya ay bata ay halos mapula ang
kanyang kulot na buhok; ang kanyang ilong na mainam ang tabas ay
hindi lubhang matangos at hindi naman sarat;74 ang kanyang bibig ay
larawang tunay ng maganda at maliit na bibig ng kanyang ina na
kasama ang nangakalulugod na dimple sa mga pisngi, ang kanyang
balat ay kasingnipis ng balat ng sibuyas at kasimputi ng bulak,
alinsunod sa sabi ng mga kamag-anak na nangakapunang ang tanda ng
katunayang siya ay “anak ni Kapitan Tiyago” ay ang pagkakamana rito
ng maiinam at maliliit na tainga na taglay ni Maria Clara.75
Itinuturing ni Tia Isabel ang mga anyong iyon na bikas-Europea
sa paglilihi ni Aling Pia; naaalaala niyang nang mga unang buwan ng
pagbubuntis ay nag-iiyak sa harap ni San Antonio;76 ang isa pang pinsan
ni Kapitan Tiyago ay may gayon ding akala, naiiba lamang sa
pagkakapili ng santo;77 sa ganang kuro nito ay ang Birhen o si San
Miguel ang napaglihihan.  Ang bantog na pilosopo, na pinsan ni Kapitan
Tinong at nakasasaulo ng Amat, ang naghinuhang ang anyong iyon ay
inpluwensiya ng posisyon ng mga bituin at planeta sa langit.78
Malupit talaga si Rizal, sapagkat isa sa mga malimit na namamana ng anak sa
73

kaniyang magulang ay ang hitsura ng mata.


74

Ikumpara ang ilong ni Maria Clara na mainam ang tabas na hindi lubhang
matangos sa ilong ni Kapitan Tiyago na maliit ngunit hindi pango.
75

Ang namana lamang ni Maria Clara kay Kapitan Tiyago ay ang maliit na tenga,
na malimit na natatakpan ng buhok. Isang lihim na pahiwatig na ang
kahulugan ay halos walang nakikita ang mga tao na pagkakahawig ng dalaga
kay Kapitan Tiyago.
76

Eto ang sikretong malupit: Si San Antonio ay isang santo na nagawang


makapanindigan sa harap ng tukso – bakit sa dinami-dami ng mga santo sa
bahay ni Kapitan Tiyago ay dito umiiyak si Pia Alba? Ano nakita mo na ang
husay ni Rizal sa pagtagong pahiwatig… marami pang ganyan tayong
makikita – tandaan mong nasa kabanata 6 pa lang tayo, marami pa niyan
hanggang sa katapusan.

77
Naiintindihan mo na ang pailalim na pasaring dito na nais na iparamdam ni
Rizal – may mga naghihinala na ibang santo ang gumawa ng milagro –
nagpapakita lamang na ang mga Pilipino maging sa kaniyang kapanahunan ay
hindi ganap na tanga. May naghihinala na sa mga pinsan ni Kapitan Tiyago na
si Maria Clara ay hindi niya tunay na anak. Sino ang santo na kanilang iniisip –
basahin ang Talababa Bilang 70.
78
Tinutukoy si Torres Amat – isang Espanyol na naging arsobispong sa
Tarragono, Espanya at nagkapaglahatla ng Bibliang Latin.
Ang nasaulo ng pinsan ni Kapitan Tinong (nakilala natin sa Kabanata 2
at ang mapag-Latin na pinsan niya ay makikilala naman natin sa Kabanata 59)
ay ang Biblia Latin ni Torres Amat. Dinagil dito ni Rizal ang mga matatalinong

84
Kabanata 6 - Si Kapitan Tiyago

Si Maria Clara, ay ginigiliw ng lahat, lumaki sa gitna ng mga ngiti


at pagmamahal. Ang mga prayle kapag may prusisyon ay sinusuutan
siya ng kasuotang puti, ang makapal at kulot na buhok ay
pinapalamutian ng mga sampagita at asusena, may dalawang maliliit na
pakpak na ginto at pilak sa likod ng kagayakan, at may dala sa kamay
na dalawang kalapating puti na natatalian ng ribbon na kulay
asul. Napakasaya niya, kalugud-lugod niyang magsinungaling noong
siya ay bata na nagbibigay ng labis na katuwaan kay Kapitan Tiyago na
walang likat sa pagpapasalamat sa mga santo sa Obando at pagpapayo
sa lahat na bumili ng magagandang larawang kahoy.
Sa mga bayang mainit ang singaw, ang mga batang babae ay
nagiging dalaga na, sa ika-13 o ika-14 na taong gulang,79 katulad ng
buko kung gabi at nagiging bulaklak na sa umaga.  Sa kapanahunang
ito ng pagbabago, na puno ng misteryo at romansa ay ipinasok si Maria
Clara sa beaterio ng Sta. Catalina,80 sa hatol ng kura ng Binondo upang
tumanggap sa mga mongha ng dakilang aral ng mga mapanampalataya. 
Umiiyak na nagpaalam kay Padre Damaso at sa tangi niyang kaibigang
kalaru-laro noong siya ay bata, na si Crisostomo Ibarra na, pagkatapos
ay tumungo naman sa Europa.  Doon, sa kumbentong iyon na ang
tanging tanawan sa labas ay nahaharangan ng dalawang magkasaping
rehas na bakal at nasa ilalim pa ng pagbabantay ng madre o monghang
tumatanod sa mga batang babaeng nagsisipag-aral sa beateryo, dito siya
nabuhay nang pitong taon. 

Pilipino na may kakayahan na sauluhin ang Biblia, subalit mayroon pa ring


malaking pananalig sa astrolohiya.

79
“Sa mga bayang mainit ang singaw, ang mga batang babae ay nagiging dalaga
na, sa ika-13 o ika-14 na taong gulang, katulad ng buko kung gabi at nagiging
bulaklak na sa umaga.” Si Rizal ay nakaramdam ng kaniyang unang pag-ibig
kay Segunda Katigbak na sa isang dalagitang taga Lipa, Batangas. Sa panahon
ng panliligaw ni Rizal, ang nasabing dalagita ay 14 na taong gulang pa lamang.
Si Leonor Rivera na isang kamag-anakan ni Rizal ang kaniyang naging tunay na
pag-ibig at ang dalagita noon magsimula ang kanilang relasyon ay nasa edad na
13 taong gulang pa lamang.
80
Ipinapakita ni Rizal na ang isa pangunahing dahilan noon kaya ipinapasok
ang mga batang babae para mag-aral sa loob ng mga beatario ay upang iiwas sa
maagang pakikipagtipan o pag-aasawa. Ang katunayan nga nito, noong
matuklasan ng mga magulang ni Leonor Rivera ang relasyon ng dalagita kay
Rizal, ay ipinasok ng mga magulang ang dalagita sa La Concordia (Nick
Juaquin: Rizal Saga)

85
Anotasyon ng Noli Me Tangere

Dahilan sa magkaibang layunin at nalalaman nila ang damdamin


ng dalawang bata, ay pinagkasunduan ni Don Rafael at ni Kapitan
Tiyago ang pag-iisang dibdib ng kanilang mga anak at silang dalawa’y
nagsosyo sa pangangalakal.81  Ang bagay na ito na nangyari makaraan
ang ilang taong pagkakaalis ng binatang si Ibarra at tinanggap nang
buong galak ng dalawang puso ang kasunduan, na ang bawat isa ay
nasa ibayo ng mundo at nasa mga kalagayang lubhang magkaiba.

81

Ang kasunduan na ipakasal ang kanilang mga anak ay ginawa sa magkaibang


layunin: Si Don Rafael ay para sa damdamin ng kaniyang anak, habang si
Kapitan Tiyago ay para sa sosyohan sa negosyo. Masasalamin dito ang pagiging
tuso ni Kapitan Tiyago.

Sa Kabuuan ng Kabanatang ito ay tinatanggap ng nagsasaliksik ang


kaawastuhan ng pagsasalin ng awtor na si Austin Coates sa bahagi ng Huling
Paalam ni Rizal na

Mi Patria idolatrada, dolor de mis dolores,


Land of my idolatry, my misery of miseries

86

Das könnte Ihnen auch gefallen