Beruflich Dokumente
Kultur Dokumente
SA KAGUBATAN
MGA PALIWANAG
1
283
dumating sa pook na iyon ay pinaalis ni Padre Salvi ang sasakyan at
nag-isang pumasok sa kagubatan.
Isang mapanglaw na landas ang bahagya nang madaanan sa gitna
ng mga dawag at patungo sa isang batis na dinadaluyan ng mainit na
bukal, na tulad ng maraming batis na nasa paanan ng Makiling.
Nakapalamuti sa mga pampang ang maraming bulaklak-parang, na ang
marami sa kanila ay hindi pa nagkakaroon ng pangalan sa wikang Latin ,5
datapwat kilala na sila ng mga insektong kulay-ginintuan, ng mga
paruparong sarisari ang laki at kulay-bughaw at ginto, puti at itim, batik-
batik, makikintab, abuhin, na may dalang mga rubi at esmeralda sa
kanilang mga pakpak, at ng libu-libong mga salagintong ang katawan ay
parang sinabugan ng ginto. Ang haging ng mumunting hayop na ito, ang
huni na mga kuliglig na nag-iingay sa gabi at araw, ang awit ng ibon, o ang
walang ugong na kalabog ng bulok na sangang nahuhulog at sumasabit sa
lahat ng dako ang tanging nakabubulahaw sa katahimikan ng mahiwagang
pook na iyon.
Matagal-tagal din siyang nagpalakad-lakad sa pagitan ng
masisinsing dawag,6 na iniiwasan ang mga tinik na pumipigil sa kanyang
abitong ginggon, na parang
ibig na siya ay pahintuin , ang
mga ugat na nakalabas sa
lupa na laging nagpapatalisod
sa kanyang paang di-sanay na
maglakad.7 Bigla siyang
huminto: masasayang
halakhakan at mga sariwang
tinig ang kanyang narinig at
ang tinig at halakhakang iyon
ay nanggagaling sa batisan at
unti-unting lumapit.
“Titingnan ko kung
ako ay makakakita ng isang
pugad,” ang sabi ng isang
maganda at matamis na tinig
Inilagay ni Rizal ang bahaging ito upang akitin ang interes ng mga
banyagang siyentipiko ng mundo sa mga bagay na maari nilang makita sa
Pilipinas. Akitin silang pumunta dito, magsagawa ng pag-aaral sa layunin
niyang makapasok sa bansa diwa ng adbanseng siyensiya. Ang batayang
katotohanan ng pagsusuring sa nasabing talata ay ang ginawang
pagpupunaygi ni Rizal noong 1889 na maitayo sa Europa ang isang
samahan ng mga siyentipiko na mag-aral ukol sa Pilipinas.
5
284
na kilala ng kura, “ibig ko siyang makita nang hindi niya ako
nakikita, masundan ko siya saanman pumaroon.”8
Si Padre Salvi ay nagtago sa likod ng isang malaking puno at
nakinig.
“Kung gayon ay ibig mong gawin sa kanya ang ginagawa sa iyo ng
kura, na palagi kang minamatyagan saan ka man pumaroon,” ang sagot ng
isang masayang boses, “kaiingat ka ang selos ay nakapag-papapayat at
nagpapalalim ng mata!”9
“Hindi naman dahil sa ako ay nagseselos, kundi ibig ko lamang
siyang palaging makita!” putol ng mataginting na boses, samantalang
inuulit ng tinig na masaya ang: ‘iyon nga, selos, selos!’ – at humalakhak. 10
“Kung ako ay nagseselos ay siya ang iibigin kong huwag makita
ng kahit sino at hindi ako, upang sa gayon ay walang makakita sa
kanya.”11
“Pero kahit ikaw ay
hindi mo rin siya makikita, na
hindi dapat mangyari. Ang
mabuti, sakaling matagpuan
natin ang pugad ay ibigay
natin sa kura, upang maari
kang bantayan niya nang
hindi kailangang siya ay
makita natin, ano?”12
“Hindi ako naniniwala
sa pugad ng mga tagak,” ang
8
Nais ni Maria Clara na magkaroon ng pugad ng tagak para magkaroon ng
kapangyarihan na makita niya si Ibarra ng hindi naman siya nakikita nito.
9
10
PANSININ NA - Napaka-pilya nitong si Maria Clara – kaya niya gustong
makita palagi si Ibarra ay hindi dahilan sa nagseselos, kundi gustong gusto
lang niyang makita – na hindi siya nakikita.
Kapag ang isang tao ay hindi mo naman pinagseselosan, pero gusto mong
makita ng hindi ka nakikita – Hindi ba iyon ay isang anyo ng panunubok.
Naalala pa ba ninyo ang Kabanata 7, noong unang dumating si Ibarra sa
bahay ni Maria Clara sa Binondo, ang ginawa ng dalaga ay silipin ang
binata sa butas ng susian sa pinto ng kuwartong kinaroroonan ng mga
santo.
11
Kung ganoon hindi talagang selos, ang dahilan ni Maria Clara kaya nais
niyang laging makita si Ibarra ng hindi siya nakikita – talagang lamang
pilya siya.
285
sagot ng isa pang boses, subalit kung ako ay magseselos ay bahala na
akong manubok nang hindi ako makikita…”13
“At paano, at paano? Kagaya ba ni Sor Escucha?”14
Naghatid ng halakhakan ang pagkaalaalang ito sa
kapanahunan ng pagka-kolehiyala. “Alam mo na kung
papaano dayain si Sor Escucha!”15
Mula sa kaniyang pinagtataguan ay nakita ni Padre
Salvi si Maria Clara, si Victoria at si Sinang na naglalakad-lakad sa ilog.
Silang tatlo ay lumalakad na lahat ay nakatingin sa tubig at hinahanap ang
makababalaghang pugad ng tagak: Ang tapis
ng kanilang sayang pampaligo ang mga
kaakit-akit na pagkakahugis ng kanilang mga
hita sa kanilang suot. Lugay ang kanilang
mga buhok at lilis ang mga manggas at ang
nakatatakip sa kanilang dibdib ay mga
barong may malalapad na guhit at masasaya
ang kulay. Samantalang naghahanap ng
bagay na imposible ang tatlong dalaga ay
nagsisipamulot ng mga bulaklak at mga gulay
na tumutubo sa mga pampang.
Minamasdang mulat na mulat at
walang tinag ng paring Acteon16 ang mahinhing Diyanang iyon; ang
kanyang mga mata ay kumikinang sa maiitim na bilog na hindi
12
Nagbibitaw ng mga parunggit ang mga dalaga laban kay Padre Salvi, hindi
nila alam na lihim na pinapanood sila sa batisan.
13
286
nagsasawang tumingin sa mapuputi at mabibilog na bisig na iyon, sa
magandang leeg na kasama ang bungad ng dibdib; ang mga maliliit at
mamula-mulang paa ay nagbibigay sa kanyang abang katawan ng mga di-
kilalang damdamin at nakapagbibigay-pangarap sa kanyang kumukulong
utak ng mga bagong imahinasyon.
Sa likod ng isang liko ng ilog na puno ng makapal na kawayanan ay
nawala ang mga maririkit na katawang iyon at hindi na
naririnig ang kanilang mahahapding banggit. Lito, pasura-
sury at pawisan na umalis si Padre Salvi sa kanyang
pinagtataguan at tumatana-tanaw, na ang mata ay
paikot-ikot, sa kanyang paligid.17 Huminto, nag-
alinlangan; humakbang ng ilang hakbang na parang nais pang sundan ang
mga dalaga,18 subalit bumalik at dumaan sa mga tabi ng ilog at hinanap
ang kinaroronan ng karamihan.
Malayu-layo nang kaunti sa kanyang kinalalagyan ay nakakita siya
sa gitna ng batisan ng isang parang paliguan na kulong na kulong, na ang
bubong ay malalagong kawayanan: masasayang mga tinig-babae ang doon
ay maririnig. Ang nakahiyas sa paliguan ay mga dahon ng sasa, mga
bulaklak at mga banderitas. Sa dako pa roon ay nakakita ng isang tulay na
kawayan at sa malayu-layo ay mga lalaking naliligo, samantalang ang
maraming alilang mga lalake at babae ay nangaglisaw sa paligid ng mga
kalan, na ang hinaharap nila ay ang pag-aalis ng balahibo ng manok,
paghuhugas ng bigas, pag-iihaw ng
baboy, atbp.19
At doon sa kabilang pampang, sa
isang malinis na pook ay nagpupulong
ang maraming lalake at babae, sa ilalim
ng isang bubong na lona, na ang ilang
dulo ay nakatali sa sanga ng mga punong
malalaki at ang ilang dulo pa ay sa mga
tulos na katatayo pa lamang. Naroroon
ang alperes, ang koadhutor, ang kapitan
16
Acteon – tauhan sa mitolohiyang Griyego na na habang nanganagso na
kasama ang kaniyang mga tauhan at mga aso ay nakitang naliligo ang
diyosang si Diana. Nagalit ang diyosa sa pagkakita na si Acteon ay naninilip
at ginawa siyang isang usa. Dahilan sa hindi nakilala si Acteon sa bagong
kaanyuan, siya ay hinabol at napatay ng kaniyang mga kasamahan at mga
aso.
17
Bakit ganoon ang ayos ni Padre Salvi noong siya ay lumabas ng kaniyang
pinagtataguan? Siguro halos mamatay sa katatawa si Rizal habang iniisip
niya ang ginawa at hitsura ni Padre Salvi habang sinusulat niya ang
bahaging ito ng nobela.
18
Gusto pa ni Padre Salvi na maka-isa pa… gusto pang sundan ang mga
dalaga. Isa siyang tunay na prayle na naniniwala sa second coming.
19
Nasa kasayahan ang mga alila, hindi bilang kabahagi ng kasiyahan,
kundi magsilbi sa mga mapapalad na nilalang.
287
sa bayan, ang tinyente-mayor, ang guro sa paaralan, at maraming mga
nagkapitan at mga nagtinyente, pati na si Kapitan Basilio, ang ama ni
Sinang, na dating kalaban ng nasirang si Don Rafael sa isang matandang
usapin sa hukuman. Ang sabi sa kanya ni Ibarra ay: “Pinag-uusapan
natin sa hukuman ay ang ukol sa isang karapatan, at ang usapin sa
pagitan natin ay walang kahulugang maging magkaaway,”20 At tinanggap
nang buong puso ng mananalumpati ng mga makaluma ang paanyaya, at
nagpadala pa ng tatlong pabo at pinasama ang lahat ng kanyang alila
upang mautusan ni Ibarra.
Ang kura ay sinalubong nang buong galang at pagtangi ng lahat at
pati na nang alperes. “Saan po kayo galing, Padre?” ang tanong sa kanya ng
alperes, nang makitang ang mukha ng pari ay maraming galos at ang
kanyang abito ay puno ng mga dahon at mga sangang tuyo. “Nadapa po ba
kayo?”21
“Hindi, ako ay naligaw!” ang sagot ni Padre Salvi na tumungo
upang tingnan ang kanyang damit.22
Nagbukasan ng mga botelya ng limonada,23 nagbiyak ng mga niyog
na mura upang mainom at makain ng mga katatapos na maligo, ang
malamig na sabaw at makain ang laman niya na mas maputi pa sa gatas;
bukod sa roon, ang mga dalaga, ay tumatanggap pa ng tig-iisang kuwintas
na sampaguita, na may kahalong bulaklak at ilang-ilang na nagpapabango
sa kanilang lugay na buhok. Nag-upuan o sumandal sa mga duyan na
nakasabit sa mga sanga, o naglilibang sa paglalaro, sa paligid ng isang
malapad na bato, na sa ibabaw ay may baraha, chessboard, sigay at batong
maliliit.
Ipinakita sa kura ang buwaya, datapwat parang hindi niya pansin
iyon at ang napakinggan lamang ay ang sinabi sa kanyang ang
maluwang na sugat na iyon ay gawa ni Ibarra.24 Sa ibang dako naman
20
Ipinapakita ni Ibarra kay Kapitan Basilio na ang hidwaan nilang dalawa
ay ukol sa batas at hindi personal. Sa ganito ang usaping panghukuman sa
pagitan nina Don Rafael at Kapitan Basilio ay kasong sibil at hindi kriminal.
21
ang kanyang abito ay puno ng mga dahon at mga sangang tuyo.
“Nadapa po ba kayo?” – naalala ba ninyo ang paglalarawan ni Rizal kay
Padre Salvi noong umalis mula sa paninilip kay Maria Clara na
pinapapawisan at pasura-suray – at ang tanong ng alperes ay “Nadapa po
ba kayo?” - Sa tanong pa lamang ng alperes talagang may gusto siyang
kapilyuhan na gustong tumbukin. Bigyan ng pansin ang paliwanag sa
Kabanata 19, ukol sa mga batang nag-aaral na nakadapa sa baldosa. Ang
totoo si Padre Salvi ay hindi nadapa – maari pa ngang napahiga.
22
“ako ay naligaw!” sagot ni Padre Salvi na tumungo upang tingnan ang
kanyang damit. Makikitang pinaamin ni Rizal si Padre Salvi na tumungo at
tiningnan pa ang kaniyang damit para tingnan ang maaring naiwang
mantsa ng kaniyang pagkakaligaw.
23
Mapapansin na noon pa man ay uso na ang softdrink.
24
Sa pamamagitan ng hanay ng pananalitang ito ay lihim na ipinararating
ni Rizal sa mga prayle ang maari nilang kasapitan sa pagsapit ng paniningil
ng bayan. Ang kamay ni Ibarra ang may gawa ng sugat ng buwaya.
288
ay hindi na makita ang bantog at di-kilalang piloto;25 nawala bago
dumating ang alperes.
Lumabas si Maria Clara sa paliguan na kasama ang kanyang mga
kaibigan, na sariwang parang isang bulaklak sa pag-uumaga kung ang
hamog ay kumikinang na parang diyamante sa mga kagiliw-giliw na
talulot. Ang kanyang unang ngiti ay iniukol kay Ibarra at ang unang ulap
ng kanyang noo ay kay Padre Salvi.26 Napuna nito ang gayon, ngunit hindi
nagbuntunghininga.
Dumating ang oras ng pagkain. Ang kura, ang koadhutor, ang
alperes, ang kapitan sa bayan at ilang nagkapitan pa, na kasama ang
tiniente-mayor ay nagsiupo sa isang dulang na pinangunguluhan ni Ibarra.
Ang mga ina-ina ay hindi pumayag na makasalo ang sinumang lalaki sa
dulang ng mga dalaga.
“Sa ngayon, Albino, ay hindi ka makagagawa ng mga
butas na gaya ng sa bangka,” sabi ni Leon kay Alvino.27
“Ano? Ano iyan?” ang tanong ng matatandang babae.
Ang mga bangka po ay walang kasira-sira gaya ng pinggang ito,”
ang paliwanag ni Leon. “Jesus! ang pipilyo ninyo!” ang bulalas na
nakangiti ni Tia Isabel.28
“May nalalaman na ba kayo tungkol sa masamang tao na
lumapastangan kay Padre Damaso sa daan, Ginoong Alperes?”
“Sinong masamang tao ang sinasabi ninyo, Padre Kura?” ang
tanong ng alperes na tinanaw ang prayle sa loob ng baso ng alak na
kanyang tinutungga.
“Sino pa? Iyong bumugbog kay Padre Damaso sa daan
kamakalawa ng hapon.”
“Bumugbog kay Padre Damaso?” ang tanong ng ilang tinig.
25
Mapapansin na ang masa na magsisimula ng pakikipaglaban sa buwaya
ay hindi makikilala. Nakakalungkot na ito ang naging kalakaran ng
kasaysayan sa mga unang panahon, nasentro ang kasaysayan sa mga
pinuno at ang mga tauhan ay background lamang sa kasaysayan o
kasikatan ng isang pinuno.
26
Higit na gumaganda ang isang dalaga, kapag malapit sa kaniyang
kinaroroonan ang minamahal. Subalit hindi maitatago sa ekspresyon ng
mukha ang kaniyang labis pagkamuhi sa lalaking kaniyang
kinasusuklaman.
27
289
Ang koadhutor ay parang nakangiti.29
“Opo, at nahihiga ngayon si Padre Damaso! Inaakalang ang may
kagagawan ay iyon ding nagngangalang Elias na naghagis sa inyo sa
putikan, Ginoong Alperes.”30
Ang alperes ay namula dahil sa kahihiyan o dahil sa alak.
“Ang akala ko,” ang patuloy ni Padre Salvi na may kaunting kutya,
“ay nalalaman ninyo ang nangyari, sapagkat kayo, ang alperes ng
guwardiya sibil…”31
Kinagat ng militar ang labi at bumulong ng isang walang wastong
pagdadahilan.
Matapos ang usapang ito ay sumipot ang isang babaing maputla,
payat, gula-gulanit ang suot; walang nakakita sa kanyang paglapit sapagkat
walang kaimik-imik at walang kaingay-ingay, kaya kung gabi ay
pagkakamalang multo.
“Pakanin ninyo ang kaawa-awang babaing iyan,” ang sabi ng
matatandang babae, “hoy, pumarito ka!” Subalit patuloy ang lakad ng
babae at lumapit sa dulang na kinalalagyan ng kura; ito ay lumingon,
nakilala ang babae at nabitiwan ang hawak na kutsilyong pamutol ng
ulam.32
“Pakanin ninyo ang babaing ito!” ang utos ni Ibarra.
“Madilim ang gabi at nawawala ang mga bata!” ang bulong ng baliw.
Subalit nang makita ang alperes na kakausapin siya ay natakot at
nagtatakbong nawala sa loob ng kakapalan ng mga puno.
“Sino iyan?” ang tanong.
Isang kaawa-awang nasiraan ng isip dahil sa mga katakutan at mga
sakit na tinanggap,” ang sagot ni Don Filipo, “may apat na araw nang
ganyan.”
“Iyan ba ang nagngangalang Sisa?” ang masusing tanong ni Ibarra.
29
BAKIT LIHIM NA NAGINGITI ANG KOADHUTOR NA KASAMA NINA
IBARRA SA PIKNIK? Ito ang koadhutor na binugbog ni Pray Damaso dahilan
sa pinayagan nito na malibing sa simenteryo ng San Diego ang bangkay ni
Don Rafael. Alam na ninyo kung bakit siya nakangiti, at siguro ay halakhak
pa sa katuwaan kung wala lang siyang mga kaharap na iba. (Hindi kaya si
Pray Damaso ang unang buwaya na nahuli ni Elias)
30
290
“Hinuli ng inyong mga kawal!” ang patuloy na may sama ng loob ng
tinyente-mayor, na ang itinuro ay ang alperes, “inilakad sa buong bayan
nang dahil sa di ko maalamang bagay tungkol sa kanyang mga anak na…
hindi naman nalaman pagkatapos.”
“Aba!” ang tanong nga alperes na hinarap ang kura, “iyan ba ang ina
ng dalawa ninyong sakristan?” Ang kura ay tumungo na bilang pagsagot
ng oo.33
“Na nangawala nang hindi man sila pinaghanap!” ang sabing
matigas ni Don Filipo na tiningnan ang kapitang nagtungo ng ulo.
“Hanapin ninyo ang babaing iyan!” ang utos ni Crisostomo sa
mga alila. “Naipangako kong tutuklasin ang kinahantungan ng
kanyang mga anak.”34
“Nangawala ang sabi ninyo?” tanong ng alperes. “Nawala ang mga
sakristan ninyo, Padre Kura?”
Tinungga nito ang isang basong tubig na nasa kanyang harapan at
iginalaw ang ulo bilang pagsagot ng oo.
“Carambas, Padre Kura!” ang bulalas ng alperes na pakutya ang
tawa at masaya dahil sa akalang makagaganti, “pag nawawala ang ilang
mamiso ninyo ay ipinagigising nang maagang-maaga ang aking sarhento
upang paghanapin; nawala ang dalawang sakristan at wala kayong imik; 35
at kayo Ginoong Kapitan… tunay din naman na kayo…”36
33
291
At hindi tinapos ang pangungusap kundi nagtawa samantalang
ipinapasok ang kanyang kutsara sa mapulang laman ng isang papayang
gubat.
Ang kurang nagulumihanan at nalito ay sumagot: “Ako ay
nananagot sa panananalapi…”
“Kay-inam na tugon, kagalang-galang na ama ng kaluluwa!” ang
hadlang ng alperes na namumuwalan. “Mabuting tugon, banal na lalaki!”37
Tinangka ni Ibarra ang mamagitan, nguni’t si Padre Salvi, na
nagpilit makaigtad, ay sumagot na taglay sa labi ang isang pilit na ngiti. “At
alam baga ninyo, Ginoong Alperes, kung ano ang nababalita tungkol sa
pagkawala ng dalawang batang iyon?
Hindi?
Itanong ninyo sa inyong mga kawal!”
“Bakit?” ang bulalas noon na napigil ang katuwaan.
“Sinasabing nang gabing mawala ay nadinig ang ilang putok!”
“Ilang putok?” ang ulit ng alperes na tumingin sa mga kaharap.
Ang mga kaharap na tinanong ay nangagsitango.
Sa gayon ay madalang at pakutyang sumagot si Padre Salvi. “Wala,
nakikita kong hindi kayo nanghuhuli ng mga nagkakasala ni hindi ninyo
batid ang ginagawa ng inyong mga kasambahay at nasa ninyo ang mangaral
at magturo sa iba ng kanilang katungkulan. Dapat ninyong maalaman
iyong salawikaing: ‘Malaki pa ang pagkabatid ng isang baliw sa nasa loob
ng kanyang bahay…’38
“Mga ginoo,” ang putol ni Crisostomo, nang makitang ang alperes ay
namumutla, “yamang napag-uusapan na ang bagay na ito ay ibig kong
mabatid ang ipapasya ninyo sa isa kong balak. Aking iniisip na
ipagkatiwala ang baliw na iyan sa pangangalaga ng isang mabuting
manggagamot, at samantala ay hanapin ang kanyang mga anak sa tulong
at mga payo ninyo.”39
Ang pagbalik ng mga alilang hindi nakatagpo sa baliw ay
nagpatahimik na nang lubos sa dalawang magkalaban at ang usapan ay
nalipat sa ibang bagay.
Nang matapos ang kainan at habang idinudulot ang tsa at kape ay
nagbukod pangkat ang mga kabataan at mga matatanda. Kinuha ng ilan
37
Dito ay talagang ipinapaunawa na ni Rizal na salitang banal na kaniyang
ginagamit sa paglalarawan kay Padre Salvi ay isang anyo ng patagong pang-
iinsulto.
38
Ipinamumukha ni Rizal sa pananalita ni Padre Salvi, ang
pangangailangan ng mga pinuno ng mga guardiya sibil na manghawak sa
prinsipyo ng command responsibility. (Ongoco). Maraming mga katiwalian at
pang-aabuso na ginagawa ang mga guardiya sibil sa panahon ng Espanya
ay sapagkat ang mga opisyal ng hukbo ay walang paki-alam o
pinagtatakpan ang mga ginagawa ng kanilang mga tauhan.
39
Tandaan ang sinabing ito ni Ibarra – ipapahanap ang mga anak ni Sisa,
narinig ito ni Padre Salvi at alam niya na may pera at inpluwensiya si Ibarra
at kapag nalaman ni Ibarra ang katotohanan lalo ang pagkamatay ni
Crispin, ito ay magiging isang malaking eskandalo laban sa pari at sa mga
Pransiskano.
292
ang mga chessboard ang iba ay baraha, ngunit ang kinuha ng mga
dalaginding, na may nasang makabatid nang mangyayari sa darating ay ang
Rueda de la Fortuna.40
“Halikayo, Ginoong Ibarra!” ang sigaw ni Kapitan Basilio, na masaya
na nang kaunti. “May labinglimang taon nang tayo ay may isang
usapin41 at walang hukom ang Audiencia42 na sukat makahatol: tingnan
natin kung ating malulutas sa chessboard.”43
“Opo, ngayon din, at buong-puso!” ang sagot ng binata. “Sandali po
lamang, sapagka’t ang alperes ay nagpapaalam!”
Nang mabatid ang labanang ito ay naipon sa paligid ng chessboard
ang lahat ng matatandang nakaaalam ng ahedres ang labanan ay katangi-
tangi at nakaakit pati sa mga walang alam sa larong iyon.44 Gayunman,
ang kura ang pinalibutan ng matatandang babae upang kausapin siya
tungkol sa kaluluwa,45 nguni’t si Padre Salvi, na marahil ay nag-aakalang
hindi iyon ang nararapat na pook at pagkakataon, kaya ay malalabong
40
Isang popular na laro ng mga binata at dalaga sa kapanahunan ng
pananakop ng Espanya. Mula sa paglalarawan ni Rizal ito ay binubuo ng
isang karton, dice, at isang aklat na nagtataglay ng mga kasagutan. Ang
isang tao ay magtatanong, ihahagis ang dice, at mula sa lalabas na bilang
ay hahanapin sa aklat ang magiging kasagutan.
41
293
tugon ang isinasagot at ang kanyang tinging malungkot at may kaunting
pagkamuhi ay sa lahat ng pook nakatingin maliban na sa mga kausap.46
Sinimulan ang laro nang buong katahimikan.
“Kapag lumabas na tabla ang laro ay ihihinto natin ang usapin sa
hukuman,” ang sabi ni Ibarra.
Sa kalagitnaan ng paglalaro ay tumanggap si Ibarra ng isang
telegrama na nagpakinang sa kanyang mga mata at siya ay namutla.47
Buung-buong itinago sa kanyang pitaka at tumanaw sa pulutong ng
kabinataan, na patuloy sa kanilang tawanan at sigawan sa pagtatanong sa
Kapalaran.
“check sa Hari!” sabi ng binata. Walang nagawa si Kapitan Basilio
liban sa itago sa likuran ng reyna ang kanyang hari.
“check sa reyna!” na tinutukan ang reyna ng kanyang
tore na ipinagtatanggol ng isang pawn.48
Sa dahilang hindi malalagyan ng depensa ang reyna,
ni hindi rin naman maalis sa kinalalagyan dahil nasa
likuran ang hari ay humingi ng panahon si Kapitan Basilio
upang makapag-isip.49
“Opo!” ang sagot ni Ibarra, “mayroon din lamang akong sasabihin
ngayon sa ilang katao sa pulutong na iyon.”
At tumindig na binigyan ng labinlimang minutong taning ang
kanyang kalaban.
Hawak ni Iday ang bilog na karton na kinatatalaan ng 48
katanungan, at si Albino naman ay hawak ang aklat ng kasagutan.50
46
Bakit mainit ang ulo ni Padre Salvi at walang ganang makipag-usap sa
mga kaharap? – Kasi panay matatandang babae ang nakapalibot sa kanya
at wala roon si Maria Clara.
47
Nakita niya na ang telegrema at nakita kung saan ito nagmula – mula sa
panlalawigang pamahalaan.
48
PANSINING MABUTI:
“check sa Hari!” sabi ng binata. Walang nagawa si Kapitan Basilio liban sa
itago sa likuran ng reyna ang kanyang hari - Sa taong 1885 habang
sinusulat ni Rizal ang bahaging ito ay namatay ang hari ng Espanya na si
Alfonso XII (ang larawan ay nasa Kabanata 20). Sa loob ng mahabang
panahon ang kaharian ng Espanya ay natiwala sa ikalawang asawa ni
Alfonso XII na si Reyna Maria Cristina na noon ay ipinagbubuntis pa
lamang ang susunod na hari na si Alfonso XIII.
294
“Kasinungalingan! Hindi totoo! Kasinungalingan!”51 ang sigaw na
halos maiyak ni Sinang.
“Ano ang nangyayari sa iyo?” ang tanong sa kanya ni
Maria Clara.
“Nagtanong ako ng ‘Kailan ako magkakaisip?’ inihagis
ko ang dice, at iyan, iyang kurang ginabi sa daan,52 ang binasa
sa aklat ay: ‘Kung kailan magkabalahibo ang palaka!’53
Ano?”
At nginiwian ni Sinang si Alvino na patuloy sa
katatawa.54
“Sino ang may utos sa iyong itanong iyon?” ang sabi sa kanya ng
kanyang pinsang si Victoria. “Sa pagtatanong lamang ay bagay sa iyo ang
gayong kasagutan!”55
51
Kasinungalingan! Hindi totoo! Kasinungalingan! - Ito ang sinasabi ni
Sinang ukol sa nilalaman ng AKLAT NG KASAGUTAN na hawak ni Albino. –
Maaring ikaw na nagbabasa ay sumigaw din ng katulad ni Sinang habang
binabasa mo ang anotasyon na ito dahilan sa hindi mo mapaniwalaan ang
aking anotasyon.
52
295
“Magtanong kayo!” sabi nila kay Ibarra at iniabot dito ang bilog.
“Ipinasya namin na ang magtamo ng
lalong mabuting sagot ay tatanggap sa
iba ng isang handog. Kaming lahat ay
nakatanong na.”
“At sino ang nagtamo ng
pinakamabuti?”
“Si Maria Clara, si Maria Clara!”
ang sagot ni Sinang. “Sa ayaw man o
sa ibig ay pinatanong namin ng: ‘Ang
pag-ibig baga niya ay tapat at walang
pagkupas?’ at ang aklat ay sumagot
ng…”
Ngunit ang ginawa ni Maria Clara, na namulang pulang-pula, ay
tinakpan ng kamay ang kanyang bibig at hindi pinayagang matuloy ang
sasabihin.
“Kung gayon ay akin na ang rueda!” ang sabing
nakangiti ni Crisostomo. “Ang tanong ko ay ‘Magkakapalad
kaya ako sa aking kasalukuyang pakay?’”
“Napakapangit na katanungan!” ang bulalas ni
Sinang.56
Inihagis ni Ibarra ang mga dice, at alinsunod sa kanyang kabilangan
ay hinanap ang dahong kinauukulan at ang guhit.
“Ang mga pangarap ay pangarap lamang,” ang nabasa ni Albino.57
“Sa ngayon ay nagsinungaling ang inyong aklat!” bulalas nang
buong saya. “Basahin ninyo ito!” “Balak na paaralan ay pinagtibay at ang
hatol sa usapin ay umaayon sa inyo.”58
“Ano ang kahulugan ng lahat ng ito?” ang tanungan sa kanya ng
mga kaharap.
Ang iniisip ni Sinang na pakay ni Ibarra kay Maria Clara ay maulit ang mga
matatamis na kaganapan sa sa Kabanata 22.
57
Maaring ito ang sagot sa aklat ng rueda de fortuna sa tanong ni Ibarra,
ngunit malaman na ang magiging totoo ng kasagutan ay nagpapatunay na
ang aklat na binabanggit dito ni Rizal ay isang aklat na nagtataglay ng
katotohanan – dahilan sa nagkakatotoo ang mga hula.
296
“Hindi ba ang sabi ninyo ay bibigyan ng isang handog ang
magtatamo ng lalong mabuting kasagutan?” tanong na nanginginig ang
tinig samantalang maingat na hinahati ang papel.
“Siya nga, siya nga!”
“Kung gayon, ay ito ang aking handog,” ang sabing iniabot kay
Maria Clara ang kalahati, “magtatayo ako sa bayan ng isang paaralan na
ukol sa mga batang lalaki at babae; ang paaralang iyon ang siya kong
handog.”
“At iyang kaputol, ano ang ibig sabihin?”
“Ito ay ihahandog ko sa nagtamo ng pinakamasamang kasagutan!”
“Ako! Kung gayon ay sa akin!” ang sigaw ni Sinang.
Ibinigay sa kanya ni Ibarra ang papel at matuling lumayo.
“At ano ang ibig sabihin nito?”59
Datapwat malayo na ang mapalad na binata, at muling itinuloy ang
paglalaro ng ahedres.
Si Padre Salvi ay pakunwaring libang na lumapit sa masayang
pagkakabilog ng mga kabinataan. Pinapahid ni Maria Clara ang isa niyang
luhang bunga ng katuwaan.60
Sa gayon ay napahinto ang tawanan at tumigil ang usapan.
Minamalas ng kura ang mga binata, at hindi maglakas loob na bumigkas ng
isa mang salita; ang mga binata naman ay nag-aantay na siya ay mangusap
at hindi nangagsisiimik.
“Ano ito?” ang sa huli ay nasabi rin at
kinuha ang munting aklat na binasa-basa.
“La Rueda de la Fortuna, isang aklat na
laruan,” ang sagot ni Leon.
“Hindi ba ninyo batid na isang kasalanan
ang maniwala sa mga bagay na ito?” 61 ang sabi,
at galit na pinunit ang mga dahon ng aklat.62
Sigawang pabigla at sama ng loob ang
pumulas sa lahat ng labi.63
“Lalong malaking kasalanan ang magpasya
sa isang bagay na hindi kanya nang laban sa
kalooban ng may-ari!” ang sagot ni Albino na sabay
59
At ano ang ibig sabihin nito?
Nagtataka si Sinang kung bakit inabot sa kaniya ang kaputol ng telegrama.
Ikaw kaibigan na nagtitiyagang magbasa ng aklat na ito, nagtataka ka pa ba
kung bakit sinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere para sa kaniyang
kapanahunan at ang mensahe nito ay inabot niya sa ating henerasyon.
Magiging katulad ka ba ni Sinang na hindi nalalaman ang kaputol na
inaabot ni Rizal para sa ating panahon.
60
297
tindig.64 “Padre kura,” ang tawag, “ang ginawa ninyo ay pagnanakaw, bagay
na ipinagbabawal ng Diyos at ng mga tao.”65 Si Maria Clara ay nagdaop-
kamay at tinanaw, na ang mata ay luhaan, ang mga labi ng aklat na iyong
di pa nalalaunan ay nagbigay sa kanya ng kaligayahan.66
Laban sa kanilang hinihintay, si Padre Salvi ay hindi sumagot kay
Albino:67 minalas-malas ang pagliliparan ng mga dahong punit, na ang ilan
ay lumagpak sa kagubatan at ang ilan ay sa tubig,68 pagkatapos ay
lumayong sumusuray na nakapatong sa ulo ang dalawang kamay.69
Humintong sandali na nakipag-usap kay Ibarra na inihatid siya hanggang
sa isang sasakyang nalalaan upang magdala o maghatid sa mga panauhin.
Pinunit ang mga dahon ng aklat – pati ang maaring gawin ng mga kaparian
ng kolonyalo na simbahan sa kaniyang nobela ay kaniya nang nakikini-
kinita. Pagkatapos na punitin ang ilang dahon ay maari pa itong mabasa,
ngunit maaring mawala ang mga bagay at sustansiya ng ideya na
nakapaloob dito. Makikita rito ang kaganapan ng propesiya ukol sa mga
punit na aklat ni Rizal sa anyo ng expurgated edition, at sinundan pa ng
mga punit-punit na Noli Me Tangere na ginagamit sa ating mga paaralang
bayan.
63
Sigawang pabigla at sama ng loob ang pumulas sa lahat ng labi - Minsan
sa ating kasaysayan ay nagkaroon ng isang maiinit na kontrabersiya ukol
sa ano ang salin ng Noli Me Tangere ang dapat na ipabasa sa mga mag-
aaral na Pilipino.
64
“Lalong malaking kasalanan ang magpasya sa isang bagay na hindi kanya
nang laban sa kalooban ng may-ari!” Ang tapang ni Albino, parang siya ang
sumulat ng Liham sa mga Kadalagahan ng Malolos; nang polyetong
Pangitain ni Padre Rodriguez; at si Alvino ang nakipagsulatan kay Padre
Pablo Pastells sa Dapitan. Sa mga nasabing sulatin na ito ni Rizal ay
kaniyang ipinapakita ang kaniyang mahigpit na pagtutol sa ginagawang
pang-aalipin ng mga prayle sa kaisipan ng mga Pilipino sa kaniyang
kapanahunan.
65
“ang ginawa ninyo ay pagnanakaw, bagay na ipinagbabawal ng Diyos at
ng mga tao” - Talagang matapang si Albino, parang siya ang naghantad ng
mga katiwalian ukol sa lupain ng Prayle noong kaniyang kapanahunan, na
ang naging kapalit ay ang pagkawala ng kaniyang tahanan at palayasin ang
kaniyang mga magulang sa malawak na lupang kanilang inuupahan sa
bayan ng Calamba, Laguna.
66
298
“Mabuti nga at umalis ang killjoy na iyan!” ang bulong ni Sinang.
“Ang mukha ay animong nagsasabing: ‘Huwag kang tumawa at alam ko
ang iyong mga kasalanan!’”70
Matapos maialay ang handog sa kanyang irog ay naging lubhang
masaya si Ibarra kaya wala nang isip-isip na naglaro, ni hindi man lamang
minamalas na mabuti ang lagay ng mga piyesa. 71 Dahil dito, ang nangyari
ay kahima’t si Kapitan Basilio ay bahagya nang makadepensa man lamang,
ay stalemate ang labanan dahilan sa maraming pagkakamali na nagawa sa
huli ng binata.
“Ihihinto natin ang usapin! Ihihinto natin!” ang sabing masayang-
masaya ni Kapitan Basilio. “Ihihinto natin!” ang ulit ng binata, “maging
Pilipino.
67
Si Padre Salvi ay hindi sumagot kay Albino – Ang galing talaga ni Albino,
katulad ng Noli Me Tangere na ang laman ay hindi pinapangahasan na
sagutin ng kolonyal na simbahan, lalo na sa isyu ng dogma kaya ang
ginawa ay pinunit na lamang o inalis ang mga kritikal na pahina sa anyo ng
mga expurgated edition.
68
Pansining mabuti ang paglalarawan ni Rizal kung saan napunta ang mga
pilas na bahagi ng Rueda de Fortuna:
“minalas-malas ang pagliliparan ng mga dahong punit, na ang ilan ay
lumagpak sa kagubatan at ang ilan ay sa tubig”
Ang katotohanan halos lahat ng Noli Me Tangere na ginagamit sa
ating paaralan ay mga punit o pinaikling edisyon na lamang. Subalit ang
lumagpak sa kagubatan ay naiingatan pa rin sa ilang mga masinop na
aklatan sa anyo ng translation nina Pascual Poblete at Patricio Mariano.
299
anuman ang kahatulan ng mga hukom.” Nag-abutan sila ng kamay at sila’y
nagkamayan nang buong lugod.72
Samantalang ipinagkakatuwa ng mga kaharap ang pangyayaring ito
na pumuputol sa isang usaping kinababagutan na ng dalawang dako, ang
biglang pagdating ng apat na guwardiya sibil at isang sarhento, barilan at
nakalagay ang bayoneta, ay nakapigil sa kasayahan at nagbigay sindak sa
pulutong ng mga babae.
“Walang kikilos!” ang sigaw ng sarhento. “Isang putok sa gagalaw!”
Kahit na nag-umugong ang gayong makahayop na kahambugan73
ay tumindig si Ibarra at siya ay nilapitan. “Ano ang ibig ninyo?” ang tanong.
“Ibigay ninyo sa amin ngayon din ang isang masamang taong
nagngangalang Elias, na siyang namiloto sa inyo kaninang umaga,” ang
sagot na may pagbababala.
“Isang masamang tao? Ang piloto? Marahil ay nagkakamali kayo,”
ang sabi ni Ibarra. “ Hindi po, ang Elias na iyon ay muli na namang
nasusuplong dahil sa pagbubuhat ng kamay sa isang pari.”
“Ah, at iyan ang piloto? “Iyan nga, ayon sa sabi sa amin;
tumatanggap kayo ng mga kilalang masamang taong sa inyong kapistahan,
Ginoong Ibarra.”
Pinagmasdan ni Ibarra ang nagsalita, buhat sa ulo hanggang paa, at
pagkatapos ay sinagot nang buong pag-alipusta: “Hindi ko kailangan ang
magbigay-alam sa inyo ng aking mga kilos! Sa aming mga piging ay
tinatanggap na mabuti ang kahit sino, at kayo man ay naging isa sa mga
naparito at nakatagpo rin sana ng isang upuan sa dulang, gaya ng inyong
alperes na may dalawang oras lamang ang nakararaang kaharap namin.”
At masabi ito ay tinalikuran ang kausap.
Kinagat ng sarhento ang kanyang bigote, at sa pag-aakalang sila ang
mahina ay ipinag-utos na hanapin sa ibang pook at sa gitna ng kakahuyan
ang piloto, na taglay nila ang palatandaan ng anyo sa isang kaputol na
papel.
Sinabi sa kanya ni Don Filipo: “Naiintindihan ba ninyong ang mga
palatandaang iyan ay kaayos ng siyam sa bawat sampung bahagi ng mga
katutubo rito; baka kayo magkamali.”74 Sa kahuli-hulihan ay bumalik ang
300
mga sundalong nagsabing walang nakitang lalaki ni bangka na sukat
paghinalaan; ang sarhento ay bumulong at umalis na gaya nang dumating:
asal-guwardiya-sibil.
Ang kasayahan ay unti-unting nanumbalik, nagsalimbayan ang
tanungan at umalingawngaw ang mga pala-palagay. “Iyan pala ang Elias75
na naghagis sa alperes sa putikan!” ang sabing nag-iisip ni Leon.
“At paano ba ang nangyari? Paano ang nangyari?” ang tanong ng
ilang mausisa.
“May nagsasabing noong buwan ng Setyembre, isang araw na
maulan, ay nakasalubong ng alperes ang isang lalaking may pasang kahoy.
Ang daan ay maputik at sa tabi lamang may isang makipot na daanan na
malalakran lamang ng iisang tao. Sinasabing hindi inihinto ng alperes ang
kanyang kabayo, kundi bagkus pa nga ay sinigawan ang lalaking
kasalubong upang umurong; ngunit parang ayaw bumalik sa
pinanggalingan dahil sa pasang dala sa balikat, o ayaw malublob sa putik,
kaya nagpatuloy. Ang alperes, na nagalit, ay nagtangkang sagasaan ang
kasalubong, nguni’t ang lalaki ay humawak ng kaputol na kahoy at pinalo
nang buong lakas sa ulo ang kabayo kaya nabuwal at bumagsak sa putikan
ang nakasakay. Sinasabi ring ipinagpatuloy na payapa ng lalaki ang
kanyang lakad at hindi inalumana ang limang punglong sunud-sunod na
ibinaril sa kanya ng alperes, na bulag sa pagkagalit at sa putik, mula sa
putikang kinalubluban. Sa dahilang hindi niya nakikilala ang lalaking iyon
ay inakalang iyon ang bantog na si Elias, na may ilang buwan pa lamang
na kararating sa lalawigan, hindi maalaman kung saan nagmula at
nagpakilala na sa mga guwardiya sibil ng ilang buwan sa mga aktibidad
na katulad noon.76
“Kung gayon ay isang tulisan?” ang tanong ni Victoria na
nangilabot.
“Inaakala kong hindi dahilan sa sinasabing minsan ay nakipaglaban
sa mga tulisan, isang araw na ang mga huling tinutukoy ay ang mga
nanloob sa isang bahay.”77
kasaratang ilong, hindi gaanong mataas, nakasuot ng damit ng mga
katutubo. Isang pagpapakita ni Rizal kung gaano katanga ang mga guardia
sibil.
75
Sa Kabanata 49 ay higit na ipapaliwanag ang simbolismo ng pangalan ni
Elias.
76
Hindi lamang ang alperes ang kaniyang sinaktan, maging ang mga
guwardiya sibil – sa ganito nakilala si Elias at inakalang siya ay isang
tulisan. Kaya mapapansin ang inis ng mga humuhuling guardiya sibil.
77
Mayroong demarkasyon na humahati kay Elias sa isang tulisan, - kalaban
siya ng mga tulisang nanloloob ng bahay. Si Elias sa pananaw ng mga
Espanyol ay tulisan dahilan sa kahit sinong may hawak ng sandata (kahit
bolo lamang) na lumalaban sa kapangyarihan ng Espanya ay itinuturing na
tulisan. Sa hanay ng pananalitang ito ay nagawang maipakita ni Rizal ang
malaking pagkakaiba ng panunulisan na may layuning mapagpalaya sa
mga mandarambong na tulisan. Sinadya ng kolonyal na pamahalaan ng
Espanya sa Pilipinas na lagyan ng label na kriminal ang sinumang lalaban
sa kanila. Walang pinag-iwan sa mga nakalipas na panahon na kapag
kinalaban mo ang nakaupong pangulo tatawagin ka nilang subersibo,
301
“Hindi naman mukhang masamang tao!” ang dagdag ni Sinang.
“Hindi nga, napakalungkot lamang ang tingin: hindi ko nakitang
ngumiti man lamang,” ang sabi ni Maria Clara na nag-iisip.
Sa gayon, nakaraan ang hapon at dumating ang sandali ng pagbalik
sa bayan.
Nang lumabas sila sa kagubatan ay pinapawi na ng lumulubog na
araw ang kanyang mga huling sinag, at dumaan silang mga walang imik sa
kalapit ng mahiwagang libingan ng mga ninuno ni Ibarra. Pagkaraan doon
ay nag-ulit na naman ang masayang usapang masigabo, sa silong ng mga
sangang iyon, na hindi laging makadinig sa gayon karaming tinig. Ang mga
puno ay parang nalulungkot, ang mga gumagapang na halaman
nagduduyang parang ang ibig sabihi’y: “Paalam, kabinataan! Paalam,
pangarap sa isang araw!”
At ngayon ay bayaan natin silang ipatuloy ang paglakad na tungo sa
bayan, na sinasabayan ng tugtog ng gitara at tinatanglawan ng malalaking
sulong kawayan. Ang pulutong ay unti-unting nababawasan,
ang mga tanglaw ay nangamamatay, ang awit ay nagtitigil, at
ang gitara ay napipipi samantalang sila ay nalalapit sa
tahanan ng mga tao. Maglagay kayo ng inyong balatkayo
sapagkat nasa piling na naman tayong muli ng inyong mga kapatid!78
302
Maging ang creole na si Ibarra ay nagkaroon din ng pagkakataon na
makibahagi sa pakikibaka ng karaniwang taong si Elias sa
pakikipaglaban sa buwaya. Ang katotohanan, naagaw pa nga ng
creoleng si Ibarra ang kapurihan ng pagiging matapang at sa loob
lamang ng ilang sandali ay nalimutan na ng mga kasama ni Ibarra
ang inisyatibo ni Elias na harapin ang buwaya at sa dakong huli ay
tinanaw pa ni Elias na utang na loob niya kay Ibarra ang
pakikibahagi nito sa pakikibaka.
Maging ang isang ganap na api ay makatatagpo ng kanlungan sa
kagubatan - katulad ni Sisa. Maalala sana na sa Kabanata 21
(Kasaysayan ng Isang Ina), na sa gitna ng kapighatian ni Sisa ay
nasa kaniya ng isipan ang lumikas sa kagubatan, kasama ng
kaniyang mga anak. Subalit sa panahon na ang kaniyang kaisipan
ay pangimbabawan na ng kabaliwan, ang katutubong batas ng
pangangalaga sa sarili ay nagtulak pa rin sa kaniya na magtungo ng
kagubatan.
Ipinakita rin ni Rizal na sa nasabing pook ay maaring isantabi ang
sistemang legal na kumukulong sa mga mahihirap at pinagtataguan
ng mga makapangyarihan. Sa pamamagitan ng paglalaro ng ahedres
na siyang higit na magpapasiya sa mahaba at magastos na proseso
ng pagtatamo ng katarungan.
lumabas ang mga kapilyuhan ni Albino lalo na sa mga pagbibirong
may bahid ng mga luntiang kaisipan na hindi mapapayagan sa isang
lipunan na nakakahon sa makitid na pananaw na moral.
Nagkaroon ng lakas ng loob si Alvino na sagutin si Padre Salvi sa
ginawa ng huli na pagsira sa aklat ng rueda de fortuna at ipahayag
ng mukhaan sa pari ang kaniyang mga pag-uugaling hindi kasang-
ayon ng Wastong Pag-uugali at Tamang Kaayusan. Ang totoo, si
Albino pa nga ang higit na nagsermon kay Padre Salvi ukol sa bagay
na ito.
303