Sie sind auf Seite 1von 11

Schools Division of Tarlac Province

GERONA SOUTH DISTRICT

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO V
SIPI PARA SA GURO
Babasahin ng guro ang teksto ng dalawang beses bago sagutin ng mga mag-aaral ang
mga katanungan sa Pakikinig.
PAKIKINIG:
(1) Pakinggan ang artikulo mula sa pahayagan.
Pilipinas, pasok sa Top 10 countries to see in 2014 ng UK
Ni Ron B. Lopez
Kabilang ang Pilipinas sa Top 10 Countries sa buong mundo na dapat bisitahin ngayong 2014,
ayon sa British travel guidebook na Rough Guides.
Sa 2014 edition nito, nasa 10th place ang Pilipinas kasama ang iba pang magaganda at
mayayaman sa kulturang mga bansa. Tinukoy ng Rough Guides ang likas na tanawing hindi dapat
palampasin sa Pilipinas na kinabibilangan ng mga isla ng Boracay, limestone islands ng El Nido sa
Palawan, isla Coron na nagtatago ng magagandang beaches at pristine mountain lakes, at ang Puerto
Gallera.
Inirekomenda rin ng Rough Guides, kilala sa kanyang travel references, na must-visit ang Chocolate
Hills sa Bohol, sa kabila na bahagya itong nasira ng 7.2-magnitude na lindol na tumama sa probinsiya
noong nakaraang taon. Inirerekomenda rin nito na bisitahin ang maliit na primate sa rehiyon, ang
Tarsier.
Soak up the bizarre landscape of Bohols iconic Chocolate Hills, conical brown-green mounds
said to be the calcified tears of a broken-hearted giant, sabi ng Rough Guides.
Bukod sa mala-kristal na tubig ng Philippine beaches, isinuhestiyon din ng Rough Guides na subukang
galugarin ang magagandang kabundukan at nakamamanghang tanawin sa tuktok na iniaalok ng mga
ito, kabilang na ang perfectly-coned Mt. Mayon at ang lawa sa tuktok ng Mt. Pinatubo.
Inilarawan ng Rough Guide ang crystal-clear waters ng Apo Reef Marine Natural Park na
Mindoro scuba divers dream, kasama ang iba pang underground river sa bansa.
Bukod sa mga lugar, dapat ding tuklasin ng mga turista ang mga tradisyon at makukulay na
kapistahan sa bansa gaya ng Ati-Atihan Festival sa Panay upang makita ang indigenous dress and
learn tribal dances, sabi ng travel advisor, idinagdag na kapag napagod sa mainit na araw, isang
mataas na baso ng Halo-halo, ang local sweet icy dessert, ang papawi sa pagod ng turista.
Ang iba pang bansa na kasama sa Rough Guides Top 10 countries to visit in 2014 ay Georgia
sa Central Asia, Turkey, Macedonia, Japan, Rwarna, Ethiopia, Brazil, Bulgaria at Madagascar.
Ano ang reaksiyon mo sa artikulong narinig?
(2)

Gumawa ng buod tungkol sa mga detalyeng napakinggan.

Ang bansang Pilipinas ay mayaman sa magaganda nitong tanawin kaya naman maraming mga
dayuhan ang nahuhumaling sa taglay nitong ganda. Alam natin na ang bansang Pilipinas ay tinawag
din na perlas ng silangan o pearl of the orient sa wikang Ingles. ang Pilipinas ay hindi lamang
nagtataglay ng mga magagandang tanawin at ang pinakamahalagang yunit ng isang bansa ay ang
mga tao na bumubuo dito. nagbabago ang panahon at sa pagbabagong nagaganap nagbabago rin
ang lipuna, pamayanan at maging ang mga namumuno dito.Marami mang pagbabago ang
nagaganap hindi dapat maging hadlang iyon para sa mas ikauunlad ng bansang Pilipinas.
Modernisasyon ang dahilan sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bansa. Kung noon
maraming magagandang tanawin ang makikita ngayon ay tila nababawasan na at bumababa ang
kaledad ng mga tanawin at dahil sa mga bagay na iyon ay naapektuhan din ang pamumuhay ng
ating mga ninuno na naninirahan sa mg liblib na lugar na tanging pagtatanim at pag-aagrikultura
lamang ang ikinabubuhay. ang mga pagbabagong iyon ay hindi naman dapat natin ikagalt o ikasama
ng loob marapat nga na iyon ang magpasiklab sa ating damdamin upang mas mapaunlad ang ating
inang bayan sa pamamaraan na alam natin na magdudulot ng kabutihan hindi lamang para sa isa
kundi para sa mga nasasakupan natin lahi. Pilipinas ang ating bansa at tayo ay nabibilang sa lipunang
bumubuo rito kaya dapat na tayo ay magbigay importansya at halaga sa mga makabuluhang bagay
na patungkol sa ating bansa.
(3)

Ang Probisyonal na Pamahalaan ng 1986

Ang pamahalaan ni Pangulong Cory Aquino ay isang rebulosyonaryo dahil ito ay nagsimula sa
isang rebelyon. Ang kanyang unang ginawa ay magtalaga ng kabinete na makatulong sa kanya sa
pangangasiwa sa pamahalaan tungo sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa. Kanyang pinalitan ang
mga Ministry at tinawag itong Department bilang taga-uri sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Itinalaga niya ang kalihim ng Ugnayang Panlabas si Bise Presidente Salvador Laurel, bilang
kalihim ng ng Tanggulang Pambansa
si Juan Ponce Enrile at bilang pinuno ng Bagong Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay Heneral Fidel V.
Ramos.

Isang pagpapatunay na talagang nais ni Pangulong Cory na maibalik ang demokrasya ng

bansa. Nang palayain ang mga politicaldetainees tulad ni Jose Maria Sison, Dr. Nemesio Prudente,
Bernabe Buscayno alias Kumander Dante at Honario Morales. Isa pang ebidensya ng demokrasya ay
ang pagbabalik ng karapatan ng mga mamamayan.
Ginawa rin niyang museong pampubliko ang Palasyo ng Malakanyang.
Gumawa ng balangkas tungkol sa napakinggang teksto.
(4) Pakinggan ang balita.
Malacanang, tikom sa Overpricing ng Yolanda bunkhouses.
ni Beth Camia
Tumangging magbigay ng komento ang Malacanang sa napaulat na overpriced at pawang mga
substandard ang mga ginamit na materyales sa pagtatayo ng mga bunkhouse sa ilang lugar na
sinalanta ng bagyong Yolanda sa Visayas region.
Sa halip ay ipauubaya na lamang kay Department of Public Works and Highways (DPWH)
Secretary Rogelio Singson ang pagsagot sa isyu.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma, No comment
muna ang Palasyo sa katanungan kung iimbestigahan nito ang ilang taga-DPWH hinggil sa umanoy
nabulgar na anomalya.
Kasabay nito, tahimik din muna ang Malacanang sa balitang nakikialam ang isang pulitikong
kaalyado ng administrasyon sa pagpili ng kontratista na siyang gagawa ng mga pansamantalang
tirahan ng libu-libong biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Samar.
Sinasabing inisyal na 200 bunkhouse ang itinatayo sa mga lalawigan ng Leyte at Eastern Samar
Tungkol saan ang anomalyang inilahad sa balita?
(5) Pakinggan ang balita.

2 miyembro ng Akyat-bahay, Arestado

Orly Barcala
Dalawang miyembro ng Akyat-bahay gang ang nadakip habang nakatakas naman ang dalawa pa
nilang kasamahan, matapos limasin ang appliances ng isang factory worker sa Valenzuela City
kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Chief Inspector Noel D. Ramirez, hepe ng Station Investigation Unit (SIU), kasong robbery
with force upon things ang kinakaharap na asunto nina Rodel Lura, 22; at John Lord Villacorta, 23,
mga residente ng No. 485 Block 4, C. Molina Compound, Barangay Viente Reales ng nasabing
lungsod.
Nakatakas naman ang kanilang mga kasamahan na nakilala lamang sa mga alyas na Robert at
Ino.
Sa report nina SPO1 Ronald Ruiz at PO2 Joel Madregalejo, bandang 4:00 ng madaling araw ng
pagnakawan ng mga suspek ang bahay ni Marieta Tagalog, 38, ng Block 1, C. Molina St. Barangay
Viente Reales.
Wala umanong tao sa bahay ni Tagalog dahil umuwi ito ng Pangasinan para magbakasyon noong
December 29, 2013.
Napansin ni Rosaly Albrando, kapitbahay ng biktima, na sira ang seradura ng pintuan ng bahay ni
Tagalog kung kaya pumasok ito sa loob.
May mga nakakita sa mga suspek ng pasukin ng mga ito ang bahay ni Tagalog at dali-daling
nagtungo kay PB Pio San Diego Jr. si Albrando at pinuntahan ang tahanan ng mga ito.
Ayusin ayon sa pagkasunod-sunod ng mga ideya sa balitang napakinggan. Lagyang bilang
ang patlang. (1,2,3,4)
(6) Kilala ang guyabano bilang prutas na mabisa sa pagsugpo sa iba't ibang karamdaman tulad ng
karaniwang sipon. Ngunit kamakailan ay natuklasan ang kakayahan nitong magamot ang malubhang
sakit na kanser.
Ang guyabano, na kilala rin sa tawag na sour sop, ay sinasabing mayroong kakayahang labanan ang
mga selyulong nagdudulot ng kanser at mas mabisa ng 10,000 beses kaysa Chemo therapy.
Ayon sa mga pagsasaliksik, ang guyabano ay mayroong sangkap na epektibong nakakasugpo sa
kanser at hindi nagdudulot ng pagbaba ng timbang, pagkalagas ng buhok o matinding
pagkahilo.Tinutulungan din nitong palakasin ang resistensya.
Sinasabing kayang gumamot ng guyabano ng may labingdalawang uri ng kanser kasama ang sa
kolon, dibdib, prostate, lung at pancreas.
Kasaysayan
Mula pa noong unang panahon, ginagamit na ang iba't ibang bahagi ng guyabano tulad ng tangkay,
dahon, ugat, prutas at mga buto ng prutas sa paggamot ng iba't ibang klaseng karamdaman.
Kabilang sa mga gumamit ng iba't ibang paraan sa paggamot ay ang mga katutubong Indian ng
South Amerika bilang pagtugon sa mga sakit sa puso, hika, problema sa atay at rayuma. (WikiHealth)

Schools Division of Tarlac Province

GERONA SOUTH DISTRICT
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO V

SY 2014-2015
Pangalan: _____________________________________________________________
Iskor:_____________________
Pangkalahatang Panuto: : Bilugan ang titik ng tamang sagot.
I. PAKIKINIG
1. Ano ang reaksiyon mo sa artikulong narinig?
a. Nakakahiya ang Pilipinas dahil nasa 10th place lang ito ayon sa Travel Guide.
b. Kulang ang kakayahan ng ating bansa na tumanggap ng mga dayuhang bumibisita.
c. Dapat nating ipagmalaki ang ating bansa dahil kabilang ito sa Top 10 na
magagandanglugar sa buong mundo.
d. Maraming tanawin sa ating bansa na hindi dapat ipakita sa mga dayuhan upang hindi
masira.
2. Paano mo mailalarawan ang Pilipinas? Gumawa ng buod tungkol sa mga detalyeng
napakinggan.
__________________________________________________________________________________________________

__________________________________-.
3. Gumawa ng balangkas ng mga ideya tungkol sa napakinggang teksto.
I. Ang Pamahalaan ni Pangulong Corazon Aquino
A.________________________________________________
B.________________________________________________
II. Pagbabalik ng Demokrasya
A.________________________________________________
B.________________________________________________
4. Tungkol saan di-umano ang anomalyang inilahad sa balitang napakinggan?
a. Overpriced at pawang mga substandard ang mga ginamit na materyales sa pagtatayo
ng mga bunkhouse.
b. Pansamantalang tirahan ng libu-libong biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Samar.
c. Katanungan kung iimbestigahan ang ilang taga-DPWH
d. Ang pagtangging magkomento ng Malacanang tungkol sa isyu.
5. Ayusin ayon sa pagkasunod-sunod ng mga ideya sa balitang napakinggan. Lagyan ng bilang
ang patlang. (1,2,3,4)
___ Ayon kay Chief Inspector Noel D. Ramirez, hepe ng Station Investigation Unit (SIU),
kasong
robbery with force upon things ang kinakaharap na asunto nina Rodel
Lura, 22; at John
Lord Villacorta, 23, mga residente ng No. 485 Block 4, C. Molina
Compound, Barangay
Viente Reales ng nasabing lungsod.
___ Dalawang miyembro ng Akyat-bahay gang ang nadakip habang nakatakas naman
ang dalawa pa nilang kasamahan
___ Sa report nina SPO1 Ronald Ruiz at PO2 Joel Madregalejo, bandang 4:00 ng madaling
araw ng pagnakawan ng mga suspek ang bahay ni Marieta Tagalog, 38, ng
Block 1,
C. Molina St. Barangay Viente Reales.
___ May mga nakakita sa mga suspek ng pasukin ng mga ito ang bahay ni Tagalog at dalidaling nagtungo kay PB Pio San Diego Jr. si Albrando at pinuntahan ang
tahanan ng
mga ito.
6. Isalaysay sa sariling pangungusap ang buod ng impormasyong narinig.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________.
PAGSASALITA

7. Ito ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at sa salitang tinuturingan. Nagpapaganda ito
ng pangungusap na pinaggagamitan. Halimabawa nito ay ang na, ng at g.
a. Pangatnig

b. Pang-ukol

c. Pang-angkop

d. Panghalip

8. Ano ang angkop na kataga ang mag-uugnay sa dalawang salita?

sariwa__ hangin
a. g
b. ng
c. na
d. ang
9. Ano ang angkop na Pang-ukol ang bubuo sa pangungusap?
Naghain ng demanda ang mga manggagawa _____________ sa kanilang amo dahil sa hindi
makataong gawain nito.
a. tungkol sa
b. laban sa
c. alinsunod sa
d. nina
10. _________________ pagtuturo ng maliliit na bata ang kursong kukunin ko sa kolehiyo.
a. Tungkol sa
b. Laban sa
c. Hinggil kay
d. Para kay
11. Ano ang angkop na pangatnig ang bubuo sa pangungusap?
Gustong-gusto ni Ruth umawit ______ hindi kagandahan ang kanyang boses.
a. upang
b. sapagkat
c. kahit
d. para
12. Nag-aaral ako nang mabuti ___________ matupad ko ang aking mga pangarap.
a. upang
b. dahil
c. subalit
d. kaya
13. __________ matutulog ka nang maaga, maaga ka ring gigising.
a. Upang
b. Kung
c. nang
d. ngunit
14. Naglalaro siya________ biglang umulan.
a. kung

b. dahil

c. kaya

d. nang

15. Palitan ang pangungusap ayon sa hinihiling. Isulat ang sagot sa patlang.
Dumating na pala si ate Nenita galling Canada?
Padamdam: ________________________________________________
16. Ipinanganak si Gat. Jose Rizal sa Calamba, Laguna.
Patanong:______________________________________________________
17. Nagluto ka na ba ng hapunan?
Pautos: ________________________________________________________
18. Alin sa mga sumumusunod ang nasa karaniwang ayos ng pangungusap?
a. Siya ay bibili ng bigas.
b. Ang dyanitor ay pinarangalan dahil sa pagsosoli ng napulot na pera.
c. Ginagawa niya nang buong sigla ang lahat ng mga gawain sa paaralan.
d. Ang mga guro ay humahanga sa angkin niyang galling.
19. Piliin ang pangungusap na nasa di-karaniwang ayos.
a. Mahusay siyang tagapanayam.
b. Ang lahat ay inaaanyayahan sa palaro.
c. Kilala mo ba ang nagwaging kandidata?
d. Malaki ang pinatatayong bahay malapit sa burol.
20. Bumuo ng pangungusap gamit ang simuno.
Ang isla ng Boracay____________________________________________________.
21. Bumuo ng pangungusap gamit ang panaguri.
____________________________________ ay pinagpapala ng Panginoon.
PAGBASA
Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
22. Kung makikilahok ka sa samahan, dapat alam mo ang patakaran.
a. makikigulo
b. sasali
c. aayaw
d. makikihalubilo
23. Agaw-buhay na ang pasyenteng isinugod sa hospital.
a. maysakit
b. nilalagnat
c. naghihingalo
24. Matipid ang karamihan sa mga Ilokano.

d. nanlalamig

a. matiisin

b. matiyaga

c. kuripot

d. mapag-impok

25. Ibigay ang sariling palagay tungkol sa sanaysay?

Kung minsan, may mga taong kapag hindi nakamit ang kanilang pinapangarap o
ninanais sa buhay ay gumagawa ng maraming dahilan upang hind imaging masakit ang kanilang
pagkabigo. Dapat matuto tayong tanggapin ang mga kabiguang nangyayari sa atin, upang kahit
anong pagsubok ang dumating ay handa o kaya nating harapin.
_________________________________________________________________________________________________
Piliin ang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan at bigkas.
26. Bukas na ang pinto ng ating silid. a. araw na kasunod ng kasalukuyang araw
b. hindi nakasara, maaaring makita o mapasok
27. Ang ganda ng bukas ay nakasalalay sa iyo.
a. araw na kasunod ng kasalukuyang araw
b. hindi nakasara, maaaring makita o
mapasok
28. Tirahan ninyo ng ulam ang kuya ninyo. a. paglaanan
b. tinutuluyan
29. Patuloy ang pagiging mahal ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
a. taong iniibig
b. pagtaas ng halaga
30. Siguraduhin ninyong bagong tasa ang mga lapis ninyo bago kumuha ng pagsusulit.
a. sisidlan, lagayan ng sabaw o kape b. pagpapatulis ng dulo
31-32. Basahin at ibigay ang buod ng teksto.
Malaki ang pananampalataya ng mga Pilipino sa Panginoon. Madalas na nakikita ang mga
Pinoy na nagdarasal at nagsisimba. Likas na maggalang ang mga Pilipino sa nakakatanda sa
kanila. Nagsasabi ng Tito, Tita, Ate, Kuya, upang maipakita ang tamang paggalang dito. Ang
pamilya ay isang malaking bahagi ng sosyal na istruktura sa Pilipinas. Bahala na kung ano
ang mangyari, bastat magkakasama ang pamilya ay sapat na ito.Likas din na matulungin ang
mga Pilipino sa kanilang kapwa. Noon pa man, nagtutulungan na ang magkakabaranggay
upang maisaayos at mapaunlad ang pamayanan. Halimbawa ay ang bayanihan. Ang mga
Pilipino ay kilala rin sa mabuti at magiliw na pagtanggap sa bisita at sa pakikitungo sa kapwa.
Kadalasan, ang ganitong mga pangyayari ay madaling nakikita sa kanto. Ang mga Pinoy ay
palaging nakikipag-usap, nangungumusta,at pati na rin sa pakikipagtsismisan sa mga
kapitbahay. Taglay ang mainam at magandang hospitalidad ng mga Pinoy. Talagang
naghahanda hanggang sa abot na makakaya para mapasaya at hindi mapahiya sa bisita.
Maliban sa Panginoong Diyos, ang pinakamahalaga para sa mga Pilipino ay ang pamilya.
Marami ang nag-a-abroad at nagsasakripisyo para makapagpadala ng kahit kaunting pera sa
kanilang pamilya. Nakaukit na rin sa kultura na ang mga anak ay dapat inaalagaan ang
kanilang magulang at iba pang mga kamag-anak.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
_______________________.
Piliin ang kahulugan ng matalinghagang-salita.
33. Bukas-palad ang mag-asawang Luis at Celia sa mga nangangailangan.
a. Laging nakikipagkamay
c. Laging humihingi ng tulong
b. Nakabukas lagi ang mga kamay
d. Laging handing tumulong sa iba
34. Mukhang Biyernes-Santo si Romeo ngayon.
a. nagdarasal
b. tahimik
c. wala sa sarili
d. malungkot
35. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naaalala ko ang panloloko niya sa akin.
a. Magluluto ng dinuguan b. galit na galit
c. di-makalimot
d. mataas ang presyon
36. Ito ang tawag sa istruktura ng isang katha o akda na karaniwang ginagamit sa pagbubuod ng
mga mahahalagang kaisipan sa isang akda.
a. grap
b. klino
c. balangkas
d. talata
37. Ito ang ginagamit sa pagsusulat ng pangunahing paksa o diwa sa isang balangkas.
a. Bilang Arabiko
b. Bilang Romano
c. Malaking titik
d. Maliit na Titik
38. Alin sa mga sumusunod na salita ang may kaugnayan sa salitang kalikasan?
a. gusali
b. pamayanan
c. kabundukan
d. kalawakan
39. Alin sa mga sumusunod na salita ang walang kaugnayan sa pangkat ng mga salita?
a. sapatos
b. tsinelas
c. medyas
d. sandals

Pag-aralan ang grap at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Gastos Kada-Buwan ng Pamilyang Reyes

Pagkain
Edukasyon

6% 4%
15%
50%
25%

Gamit sa
Tahanan
Kuryente
Pamamasyal

40. Alin sa talaan ng grap ang may pinakamalaking

gastos?
a. Pagkain b. edukasyon

c. kuryente d.

pamamasyal
41. Alin ang may pinakamaliit na bahagdan?
a. Pagkain
b. edukasyon c. kuryente d. pamamasyal
42. Ano ang mahihinuha sa grap?
a. Mahilig mamasyal ang pamilya Reyes.
b. Pinakaimportante ang bayad ng kuryente.
c. Malaki ang nagagastos ng pamilya sa pagkain.
d. Halos kalahati ng pera ng pamilya ay inilalaan sa
gamit sa tahanan.

43. Malusog si Rodel dahil mahilig siya sa palakasan. Anong asignatura kaugnay ang
nasalungguhitan?
a. Filipino
b. Matematika
c. MAPE
d. Agham
44. ano ang tamang pamatnubay na salita kung hahanapin mo sa diksyunari ang kahulugan ng
salitang direktor?
a. alas-bayan
b. dagat-ensayo
c. entablado-graba
d. hapon-impeksiyon
45. Ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa sanggunian ng aklat na ginamit ng mayakda sa pagsulat ng aklat.
a. internet
b. glosari
c. talatanungan
d. bibliograpi
PAGSULAT
46. Sumulat ng isang biro o anekdota.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
47-48. Sumulat ng isang talata tungkol sa isang di-malilimutang karanasan.

____________________________________________________________________________

________________________________________.
49. Sumulat ng maikling reaksyon tungkol sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bansa.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

50. Iayos ang pormat ng talasanggunian.

____________________________________________
Quezon Avenue, Quezon City
____________________________________________
Phoenix Publishing House, Inc. 2002
____________________________________________
Dayag, Alma M.
____________________________________________
Pluma 5: Wika at Pagbasa
Schools Division of____________________________________________
Tarlac Province
GERONA SOUTH DISTRICT
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO VI
SIPI PARA SA GURO
Babasahin ng guro ang teksto ng dalawang beses bago sagutin ng mga mag-aaral ang
mga katanungan sa Pakikinig.
PAKIKINIG:
(1-2) Pakinggan ang artikulo mula sa pahayagan.
Pilipinas, pasok sa Top 10 countries to see in 2014 ng UK
Ni Ron B. Lopez
Kabilang ang Pilipinas sa Top 10 Countries sa buong mundo na dapat bisitahin ngayong 2014,
ayon sa British travel guidebook na Rough Guides.
Sa 2014 edition nito, nasa 10th place ang Pilipinas kasama ang iba pang magaganda at
mayayaman sa kulturang mga bansa. Tinukoy ng Rough Guides ang likas na tanawing hindi dapat
palampasin sa Pilipinas na kinabibilangan ng mga isla ng Boracay, limestone islands ng El Nido sa
Palawan, isla Coron na nagtatago ng magagandang beaches at pristine mountain lakes, at ang Puerto
Gallera.
Inirekomenda rin ng Rough Guides, kilala sa kanyang travel references, na must-visit ang Chocolate
Hills sa Bohol, sa kabila na bahagya itong nasira ng 7.2-magnitude na lindol na tumama sa probinsiya
noong nakaraang taon. Inirerekomenda rin nito na bisitahin ang maliit na primate sa rehiyon, ang
Tarsier.
Soak up the bizarre landscape of Bohols iconic Chocolate Hills, conical brown-green mounds
said to be the calcified tears of a broken-hearted giant, sabi ng Rough Guides.
Bukod sa mala-kristal na tubig ng Philippine beaches, isinuhestiyon din ng Rough Guides na subukang
galugarin ang magagandang kabundukan at nakamamanghang tanawin sa tuktok na iniaalok ng mga
ito, kabilang na ang perfectly-coned Mt. Mayon at ang lawa sa tuktok ng Mt. Pinatubo.
Inilarawan ng Rough Guide ang crystal-clear waters ng Apo Reef Marine Natural Park na
Mindoro scuba divers dream, kasama ang iba pang underground river sa bansa.
Bukod sa mga lugar, dapat ding tuklasin ng mga turista ang mga tradisyon at makukulay na
kapistahan sa bansa gaya ng Ati-Atihan Festival sa Panay upang makita ang indigenous dress and
learn tribal dances, sabi ng travel advisor, idinagdag na kapag napagod sa mainit na araw, isang
mataas na baso ng Halo-halo, ang local sweet icy dessert, ang papawi sa pagod ng turista.
Ang iba pang bansa na kasama sa Rough Guides Top 10 countries to visit in 2014 ay Georgia
sa Central Asia, Turkey, Macedonia, Japan, Rwarna, Ethiopia, Brazil, Bulgaria at Madagascar.
1. Tungkol saan ang balitang narinig?
2. Ayon sa balita, aling tanawin ang dapat pa ring bisitahin kahit bahagyang nasira ng 7.2 magnitude
na lindol?
3. Alin sa sumusunod ang impormasyong nagsasaad ng katotohanan?
a. Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming pulo.
b. Lahat ng mamamayan sa Maynila ay Tagalog ang diyalekto.
c. Ang mga lalaki sa nayon ay takot makipagsapalaran sa siyudad.
d. Lahat ng taong nagtapos sa kolehiyo lang ang mga yumayaman.
4. Aling impormasyon ang nagsasaad ng opinyon?
a. May pitong araw sa isang Linggo.
b. Ang lahat ng tao ay sumusunod sa batas.
c. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya.
d. Isa sa asignatura sa Ikaanim na Baitang ang Agham.

5. Mag-aral kang mabuti anak dahil iyan lang ang maipamamana ko sa iyong yaman.
Ang pahayag na napakinggan ay ___________________.
6. Bawal tumawid dito. Nakamamatay.
Ang pahayag na napakinggan ay___________________.

7. Iparinig ang balita.

Ipinatupad sa barangay Balanoy, La Paz, Tarlac ang Karpyu simula Miyerkules,
Pebrero 25 upang lubos na mapangalagaan ang mga naninirahan sa buong barangay laban sa
mga kriminal at iba pang masasamang tao. Itoy kautusan bilang 432.
Inaasahang ang lahat ay nasa loob na ng kanilang bahay mula ika-12:00 ng hating
gabi hanggang ika-5:00 ng umaga.
Ang sinumang mahuhuling lumalabag sa nasabing kautusan ay ikukulong ng isang
linggo sa piitan at magmumulta na P2, 000.00
Schools Division of Tarlac Province
GERONA SOUTH DISTRICT
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO VI
SY 2014-2015
Pangalan: _____________________________________________________________
Iskor:_____________________
Pangkalahatang Panuto: : Bilugan ang titik ng tamang sagot.
I. PAKIKINIG
1. Tungkol saan ang balitang narinig?
a. Lindol na may magnitude 7.2 na tumama sa Visayas
c. Pag-unlad ng Turismo sa Pilipinas
b. Pagpasok ng Pilipinas sa Top 14 na bansang dapat d. Makulay na kapistahan sa Pilipinas
bisitahin sa 2014
2. Ayon sa balita, aling tanawin ang dapat pa ring bisitahin kahit bahagyang nasira ng 7.2 magnitude
na lindol?
a. Isla ng Boracay b. Baybayin ng Puerto Gallera c. Chocolate Hills sa Bohol d. Coron, Palawan
3. Alin sa sumusunod ang impormasyong nagsasaad ng katotohanan?
a. Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming pulo.
b. Lahat ng mamamayan sa Maynila ay Tagalog ang diyalekto.
c. Ang mga lalaki sa nayon ay takot makipagsapalaran sa siyudad.
d. Lahat ng taong nagtapos sa kolehiyo lang ang mga yumayaman.
4. Aling impormasyon ang nagsasaad ng opinyon?
a. May pitong araw sa isang Linggo.
b. Ang lahat ng tao ay sumusunod sa batas.
c. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya.
d. Isa sa asignatura sa Ikaanim na Baitang ang Agham.
5. Ang pahayag na napakinggan ay _____________________.
a. nagpapayo
b. nanghihikayat
c. nagbababala

d. nangangatuwiran

6. Ang pahayag na napakinggan ay _____________________.

a. nagpapayo
b. nanghihikayat
c. nagbababala

d. nangangatuwiran

7. Ano ang ipinatutupad sa Barangay Balanoy, La Paz, Tarlac?

a. Palakasan
b. Karpyu
c. Pagmumulta

d. Pagsunod sa Batas Trapiko

8. Anong oras ang sinasakop ng kautusan ayon sa balitang narinig?

a. 10:00 ng gabi-5:00 ng umaga
c. 12:00 ng hatinggabi-5:00 ng umaga
b. 8:00 ng gabi-3:00 ng medaling-araw
d. 5:00 ng hapon- 12:00 ng hating-gabi
PAGSASALITA
Ano ang angkop na ingklitik ang bubuo sa pangungusap?
10. Nasa bayan _________ siya ngayon.
a. man
b. tuloy
c. lamang
d. daw
11. Kaunti _________ ang mga taong dumalo sa kaarawan ko.
a. raw
b. sana
c. lang
d. na
Piliin ang angkop na Pangatnig upang mabuo ang pangungusap.
12. Biglang naglinis ng bahay si Lisa _________ napagalitan kanina.
a. ngunit
b. habang
c. upang
d. dahil
13. Si Arnel ay nagdidilig _______________ si Ernesto ay nagwawalis.
a. pero
b. kaya
c. habang
d. sapagkat

14. Magbabakasyon kami sa Puerto Prinsesa ___________ makakamit ko ang premyo.

a. samantalang
b. kung
c. kasi
d. kaya
15. Aalis ka ba mamaya _____ sa susunod na araw na lang?
a. o
b. kahit
c. dahil

d. kasi

16. Alin sa mga sumusunod ang nasa di-karaniwang ayos ng pangungusap?

a. Kaakit-akit ang paglubog ng araw.
c. Ang mga vinta sa Zamboanga ay makukulay.
b. Dinarayo ng mga turista ang Bulkang Pinatubo. d. Maraming hot springs sa Visayas.
17. Alin sa mga sumusunod ang nasa karaniwang ayos ng pangungusap?
a. Ang mag-anak ay masayang nagkukuwentuhan.
b. Pagtatapon ng basura sa mga kanal at isang sanhi ng baha.
c. Ang pagtatanim ng mga punong-kahoy ay makatutulong sa pagpigil ng pag-init ng panahon.
d. Ang mga kabataan ay nawiwili sa paggamit ng kompyuter.
18-19. Salungguhitan ang simuno at bilugan ang panaguri sa pangungusap.
Ang Pilipinas ay isa sa pinakamagagandang lugar sa buong mundo.
20. Maganda ang mga proyektong isinusulong ng gobyerno. Anong uri ng pangungusap ito?
a. Pasalaysay
b. Patanong
c. Padamdam
d. Pautos
21. Alin sa mga pangungusap na walang paksa ang pahanga?
a. Takbo!
b. Kayganda niya!
c. Yehey!

d. Maaga pa.

22. Alin sa mga pangungusap na walang paksa ang eksistensyal?

a. May nakita ka ba?
b. Bumabagyo.
c. Aray!

d. Gabi na.

23. Alin sa mga sambitla (interjection) ang nagpapahiwatig ng paghanga?

a. Talaga!
b. Ha!?
c. Naku!
d. Wow!
24. Ang pag-aaral ay hindi gawang biro kaya magsikap kang mag-aral.
Ang pangungusap ay_____________________________.
a. Payak
b. Tambalan
c. Hugnayan
d. Walang paksa
25. Ipagpatuloy mo ang pagharap sa mga pagsubok ng panahon at pagnilayan ang mga aral na
ibinigay ng iyong mga karanasan. Ang pangungusap ay _______________________________________.
a. Payak
b. Tambalan
c. Hugnayan
d. Walang paksa
26. Bumuo ng pan gungusap gamit ang sugnay na hindi nakapag-iisa.
Kung pumasa ka_____________________________________________________.
27. Bumuo ng pangungusap gamit ang sugnay na nakapag-iisa.
Maging matapang ka ___________________________________________.
PAGBASA
28. Basahin ang talata. Salungguhitan ang pangungusap na nagsasaad ng pangunahing diwa.
Ang gatas ay isa sa pinakamasustansyang pagkain. May taglay itong protina na
kailangan ng kalamnan at iba pang bahagi ng katawan. May mga bitamina at mineral
din itong taglay na nagbibigay lakas sa katawan. Ito rin ang pangunahing pagkain ng
mga
sanggol upang sila ay lumaking malakas at malusog.
29. Piliin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng opinyon.
a. Si Manuel L. Quezon ang Ama ng wikang Pambansa.
b. ang red tide ay sumpa ng diwata sa karagatan.
c. Ang Maynila ang kabisera ng Pilipinas.
d. Ang dating Pangulong Joseph Estrada ay alkalde ngayon ng Maynila.
30. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng katotohanan?
a. Ang ilog Pasig ay pinakamabahong ilog sa buong mundo.
b. Kailangan ng tao ang hangin, tubig at pagkain upang mabuhay.
c. Lahat ng nangingibang bansa ay yumayaman.
d. Mas matatapang ang mga babae kaysa sa mga lalaki.
Piliin ang kahulugan ng nasalungguhitang salita batay sa pagkakagamit sa pangungusap.
31. Lumalawig ang buhay ng taong kumakain ng prutas at gulay.
a. naghihirap
b. dahan-dahan
c. umiiksi
d. humahaba

32. Naligalig si mang Esto nang malamang may malubhang karamdaman ang anak.
a. Nasiyahan
b. nabigla
c. Di-mapakali
d. Inantok
33. Nagkukubli man ang araw sa makapal na ulap, darating ang oras na sisikat at liliwanag din
ito.
a. Nagtatagob. Nawawala
c. Nagtatampo
d. Naaalis
34. Pinupulas ni itay ang mga makakapal na sanga ng punong mangga.
a. pinauusukan
b. pinalalaki
c. pinuputol
d. itinatanim
35. Alin sa mga salita ang nangangahulugan ng pabulong na pagsasalita?
a. sigaw
b. dasal
c. usal
d. imik
36. Sayang ang tiwangwang na lote sa harapan.
a. walang laman
b. barado
c. may tanim
37. Huling bahagi ng kuwento ang hindi ko nabasa.
a. tauhan
b. aral ng kuwento
c. wakas

d. basurahan
d. suliranin

38. Ano ang kahulugang konotasyon ng salita?

Nakasisilaw ang mga nakamit niyang karangyaan sa buhay.
a. masakit sa mata
b. nakamamangha
c. nakakainis

d. nakakasawa

39. Nakasisilaw ang sinag ng araw. Ano ang kahulugang denotasyon ng salitang may
salungguhit?
a. masakit sa mata
b. nakamamangha
c. nakakainis
d. nakakasawa
40. Ang aking puso ay iaalay lamang sa iyo. Ano ang kahulugang konotasyon ng salita?
a. bahagi ng katawan
b. lalaking pusa
c. pagmamahal
d. bulaklak ng saging
41. Ang puso ang nagpapanatili ng daloy ng dugo sa ating katawan. Ano ang kahulugang
denotasyon ng salita?
a. bahagi ng katawan
b. lalaking pusa
c. pagmamahal
d. bulaklak ng saging
42. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa paglutas ng suliranin/problema maliban sa isa. Alin
ito?
a. Magkaroon ng plano sa paglutas
c. Magdasal at humingi ng gabay sa Panginoon
b. Magkaroon ng tapang ng loob
d. Sumuko at magwala
43. Madalas lumiban sa klase ang iyong kaibigan dahil nahihilig ito sa paglalaro ng computer
games malapit sa intong paaralan. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
a. Hayaan siya dahil may sarili siyang buhay.
b. Samahan siya sa paglalaro upang mawili din
c. Pagalitan siya at ang may-ari ng komyuter
d. Kausapin siya at payuhan o kaya ay sabihin sa guro o kanyang magulang ang pangyayari
44. Ito ay isang uri ng pagpapahayag na kung saan ibibabahagi ng isang tao ang kanyang panig
tungkol sa paksa o usapin.
a. Pagsasalaysay
b. Paglalarawan
c. Paghahambing
d. Pangngatuwiran
45. Ibigay ang iyong sariling katuwiran tungkol sa usapan/dayalogo. Isulat ito sa patlang.
Chel
Pen

: Itapon mo na lang sa ilog ang mga basura. Wala namang nakakakita.

: May nakakakita man o wala, mali ang pagtatapon ng basura kung saan-saan.

__________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
46. Ibahagi ang pangyayari batay sa sariling karanasan.
Hindi mo sinunod minsan ang bilin ng iyong ama o ina. Dahil sa katigasan ng iyong
ulo_______________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________.

47. Alin sa mga salita ang naglalarawan ng Pandinig?

a. maayos
b. tahimik
c. matamis

d. malambot

PAGSULAT
Isalin ng pasulat ang mga impormasyong ipinapahiwatig ng grap.

Buwanang Badyet ng Mag-aaral na nasa Ika-anim na Baitang.

Ipon

Damit

Libangan

Pagkain

Aklat, papel at iba pang gamit sa paaralan

48. Tungkol saan ang pie graph?

______________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
49. Anong bahagi ng badget ang nakakuha ng malaking bahagdan?
_______________________________________________
50. Anong bahagdan ang nakuha ng aklat, papel at iba pang gamit sa paaralan?
___________________________________________________________________________________________

Das könnte Ihnen auch gefallen