Sie sind auf Seite 1von 3

Mga Hindi Dapat Kainin

Isang sugal sa ating kalusugan ang pagpili ng pagkain na ating kakainin dahil dito
nagmumula ang ating lakas o enerhiya upang magampanan ang ating mga gawain.
Karaniwang ng mga pagkaing hinahain ngayon ay yung tinatawag nating processed
foods o yung mga pagkaing pinoproseso. Kaayaaya mang pakinggan ngunit ang
mga ito ay may kaakibat palang problema dahil ang karaniwang dala nito ay sakit.
Ngayong araw na ito ating tatalakayin ang mga pagkaing nakakasama sa ating
kalusugan upang makaiwas tayo sa sakit at upang lumaki tayo ng malusog at
matalino.
Isa sa mga rason kung bakit mahirap iwasan ang mga pagkaing nakakasama sa
ating kalusugan dahil ang mga ito ang kadalasang malalasa kumpara sa mga mas
masusustansya.
Ang pagkain ng mga matatabang pagkain, matatamis, at maalat na
ngangahulugang pagbitiw sa mga pagkaing inyong minamahal ay hindi kaayayang
pakinggan ngunit ang pag-iwas dito ay siyang magpapaaba ng inyong buhay.
Narito ang ilan sa mga pagkaing dapat nating iwasan.

Soft drinks Ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal.
Nakatataba at masama ito sa mga diabetico. Mag-ingat din sa diet soft
drinks, dahil may halo itong phosphorous. Ang phosphorous ay nagtatanggal
ng calcium sa ating katawan at puwedeng maging dahilan ng osteoporosis.
Kaya ugaliing uminom na lang ng tubig.

French fries Mataba at mamantika ang French fries. Ito ang sinisisi ng
maraming eksperto kung bakit dumara-mi ang taong may sakit sa puso at
mataas ang kolesterol.

Matatabang sarsa tulad ng gravy, mayonnaise at butter. Mayaman ang mga


iyan sa calories. Mas mainam pa ang suka, calamansi o hot sauce bilang
sawsawan.

Alak Dapat sa ganitong edad pa lang binabanggit na sa mga batang na


gaya niyo ang masamang dulot ng alak sa ating mga katawan. Ang pag-inom
ng alak ay sanhi ng maraming sakit. May mga pasyenteng nagsasabi na ang
red wine ay mabuti sa puso ngunit kaunti lang dapat ang kailangang inumin
at hindi dapat parati. Masama po ang alak sa ating kalusugan. Masisira ang
ating atay, ugat at utak. Nakapagdudulot din ng maraming kanser.

Junk food Nakakahumaling ang mga sitsirya, at ibat ibang mga chips. Itoy
dahil may halong vetsin at asin. Wala po itong silbi sa katawan. Kung kakain
ng mga junkfoods na ito, mas pinadadami mo sa iyong katawan ang bad
bacteria na nagpapahina naman sa mga good microbes na siyang
nagbabalanse ng takbo ng iyong isip at katawan. Kapag ganito ang nangyari
ay bigla na lang may nababago sa iyong brain chemistry, mood at pag-uugali
na minsan ay nagreresulta pa sa depresyon at pagiging mainitin ang ulo

Hilaw na karne Sari-saring bulate ang nakatago sa mga hilaw na karne,


tulad ng kilawin na isda o steak na may dugo pa. Siguraduhin luto ang inyong
kinakain. Tandaan, hindi namamatay ang mga bulate sa suka o calamansi.

Street food Ayon sa pagsusuri, 70% ng mga Pinoy ay may bulate sa tiyan.
Kapag hindi naghugas ang mga street vendors ng kamay, maaari itong
lumipat sa ating pagkain. Mahirap masiguro ang kalinisan ng mga fish ball,
queck-queck at taho

Chicharon at chicharon bulaklak kadalasang dahilan ng atake sa puso at


high blood. Walang kabutihang maidudulot sa ating kalusugan.

Mga pagkaing maaalat

Fast Food-Marami na ang nakakaalam na ang mga pagkain sa fast food


kagaya ng Jolibee, McDonals, KFC, at iba pa ay mataas sa fats, sodium, MSG
(monosodium glutamate), asukal, ngunit mababa sa sustansya ng prutas,
gulay at fiber. Pero ito ay naibebenta pa rin nila dahil ito ay patok sa panlasa
ng masa at ito ang kadalasang mas mura kompara sa iba. Bukod pa rito,
napakaganda ng pagkakagawa ng mga advertisements nito sa telebisyon at
ito ay pino-promote ng mga sikat na artista. Ngunit sa katagalang pag kain
ng mga tulad nito, kaunti pa lang ang nakakaalam na napakalaki at
napakaseryoso ng kasiraang naidudulot nito sa katawan ng tao. Ito ang ilan
sa mga epekto ng pagkain ng fast food.
Ang mga pagkain sa fast food ay napakataas sa calories kung kaya
sinasabing isa ito sa mga dahilan ng pagtaas ng antas ng obesity sa US. Ang
calories sa mga pagkaing ito ay sobra sobrya kung kaya madaling
nagkakasakit ang mga taong madalas kumain sa mga kainang tulad nito.

Kung susuriing mabuti tiyak na malulungkot ang marami dahil maraming pagkain na
masasarap ang siya palang unti unting pumapatay sa ating kalusugan.
Sa mga ganitong pagkakataon dapat rin nating isipin na mas maraming pagkain na
mas nakakabuti sa atin kaysa nakakasama. Marahil ang pag-iwas sa mga nabangit sa
itaas ay mahirap isa buhay pero walang imposible kung gugustuhin. Dahil kung
susumahin mabubuhay naman tayo ng wala ang mga iyon kailangan lang natin ng
disiplina sa sarili upang maging matagumpay.

Das könnte Ihnen auch gefallen