Sie sind auf Seite 1von 5

Pagiging Matapat

Ano nga ba ang kahulugan ng katapatan?


Ang kadalasang pagkakaunawa natin ng salitang katapatan ay hindi
pagsisinungaling ngunit ang salitang katapatan o honesty sa ingles ay may mas
malawak na kahulugan
Itoy nangangahulugan ng paggawa ng tama. Kung ang iyong ginagawa ay labag sa
batas o kinakailangan mo itong itago dahil alam mong ikay mapapagalitan ng iyong
tatay o nanay ang ibig sabihin noon hindi ka tapat o honest.
Ano ang katapatan? Katapatan sa Salita
Ang katapatan ay pag-amin ng katotohanan. Ang kasinungalingan ay hindi
katapatan dahil ito ay hindi katotohanan.
1. Ang katapatan ay hindi pagsasalita ng anumang bagay tungkol sa ibang tao
na hindi naman totoo. Hindi pagiging matapat ang pagkakalat ng mga salita
na ikakasama ng iyong kapwa lalo na kung hindi naman ito totoo.
2. Ang pagiging matapat ay pag-amin ng kamalian kahit alam mo na ikay
mapapagalitan.
3. Ang pagiging matapat ay pagpapaliwanag ng kung ano ang totoong nangyari.
Hindi ka matapat kung nagkwekwento koa ng mga bagay ng hindi ka naman
sigurado na nangyari talaga.
Ano ang katapatan? Katapatan sa Gawa
Kung ikay may nagawang immoral o hindi tama o kung ikay may tinatagong
masamang nagawa dahil alam mo na hindi ito dapat gawin nangangahulugan ito na
hindi ka tapat. Ang pagiging tapat ay paggawa ng tama.

Ang pagiging tapat ay nangangahulugan din ng pagiging patas. Dapat hindi ka


nandaraya at hindi ka nagnanakaw.
Ano ang katapatan? Katapatan sa Sarili.
Ang malaking bahagi ng pagiging matapat ay kung paano ka nakikipag-usap at
nakikisalamuha sa ibang tao. Ngunit isa sa kahulugan ng pagiging matapat ay
pakikinig sa sarili mong diwa o konsensya dahil kung alam mong wala kang
nagawang masama hindi ka uusigin ng iyong konsensya.
Pagsusulit:
Ano ang katapatan sa mga sitwasyon na ito?
Nakabasag ka ng baso at tinanong ka ng iyong nanay kung sinong bumasag ng
baso . At umamin kang ikaw ang nakabasag.
Ano ang masasabi niyo sa sitwasyon na ito?
Kinuha ni Ben ng walang paalam ang laruan ng kanyang kaklase.
Pinagbawalan si Katkat ng kanyang ina na lumabas ng bahay ngunit siyay tumakas
noong natutulog ang kanyang upang makipaglaro sa kanilang kapitbahay.

Pagiging Masunurin
Ang pagtalima ay nangangahulugang pagiging masunurin sa matatanda o sa batas
o otoridad ng walang pagkwestyon.
Pagtalima sa Magulang
1. Pagiging magalang. Parte ng pagiging masunurin ay ang paggalang sa mga
magulang o mga nakakatanda at paggamit ng po at opo. Kung may nais
hinging pabor maging magalang at gumamit ng salitang please at huwag
kakalimutang magpasalamat. Nangangahulugan rin ito ng pagsunod sa
kanilang mga alintuntunin. Dapat makinig sa kanilang mga payo at pangaral
at huwag na huwag sasagot ng pabalang.
2. Paggawa ng gawaing bahay. Kadalasan ang inyong mga magulang ay
uutusan kayo na gawin ang mga gawaing bahay. Ang pagiging masunurin ay
nangangahulugang paggawa ng mga gawain na hindi na hinihintay utusan ng
mga magulang. Hanggat maaari gawin na ang mga gawaing bahay na dapat
gawin bago maglaro .
3. Huwag makipagtalo sa inyong mga magulang.Kung may mga pinagbabawal
ang gawin o kung nagpaalam ka at hindi ka pinayagan imbis na makipagtalo
sa inyong mga magulang ay sumunod na lang dahil alam nila ang mas
makakabuti sa kanilang mga anak ayaw lang nila ng kapahamakan.
4. Sabihin ng matiwasay ang inyong di pagsang-ayon sa inyong mga magulang.
May mga oras na may mga hindi resonableng limitasyon o bagay na
ipapagawa sa inyo. Maging kalma sa pagdidiskurso ng inyong mga
nararamdaman sa inyong mgamagulang. Sabihin ito ng magalang at
malambing. Ipaliwanag ang inyong panig at magbigay ng mga katibayan.
Ang pagiging masunurin ay hindi nangangahulugang pag-OO na lang sa lahat

ng sitwasyon itoy katangian ng pag hindi pagsang-ayon sa magalang na


paraan.
5. Huwag magrerebelde sa inyong mga magulang. Kahit anumang di pagsangayunan o di pagkakaunawaan huwang na huwag subukang magrebelde sa
mga magulang. Ito ay paggawa ng mga bagay na mali o immoral o paglabag
sa utos ng magulang.
Pagtalima sa Batas
1. Makinig mabuti sa kung anumang sinasabi ng otoridad. Katulad ng guro, siya
ang may otoridad sa loob ng klase , kailangang making sa kanya ng mabuti.
At ipakita ang interes sa diskusyon sa klase. Halimbawa:sa loob ng silidaralan tumingin sa guro habang siya ay nagsasalita. Maglista ng mga
impormasyon habang siya ay nagtuturo. At kung may tanong huwag
mahiyang magtaas ng kamay.
2. Sumunod sa Panuto: Ang mga batas at alituntunin sa paaralan at sa inyong
komunidad ay dapat pag-aralan at sundin. Umakto ng naaayon sa
regulasyon. Halimbawa: tamang pagtatapon ng basura, tamang uniporme, at
tamang gupit ng buhok sa paaralan.
3. Huwag maging mapanghusga. Huwag tnating husgahan ang ating kapwa
base sa kanilang pisikal na anyo o maging sa kanilang mga paniniwala.
4. Maging mapagkumbaba. Ang pagiging mababang loob ay isa sa magandang
katangian ng pagiging masunurin. Matuto tayong tanggapin ang ating
pagkakamali at buksan ang ting mga sarili sa mga posibilidad at pagbabago.
5. Maniwala tayo sa Panginoon. Ang pagmamahal sa may kapal ay ang
bumubuo sa malaking bahagi ng pagtalima. Hindi tayo makakagawa ng
masama sa kapwa o sa ating sarili kung susundin natin ang mga utos ng
Diyos. At kung may pagmamahal tayo sa Panginoon naririto sa ating mga
puso ang walang anggang pagtalima sa kabutihan.

Das könnte Ihnen auch gefallen