Sie sind auf Seite 1von 48

KULTURANG POPULAR, IMPERYALISTANG GLOBALISASYON AT GAWAING KULTURAL

Binigkas sa Philippine Cultural Summit ng Amado V. Hernandez Resource Center


September 12 14, 2006, St. Michael Retreat House, Antipolo City

Magkalinawan muna tayo. Sino ka ba sa kulturang popular? Ikaw ba ang mangangalakay at basurera sa
bundok ng Payatas na handang gumasta ng ilang pisong tinging tipid-load para tignan kung mabuti ang
lagay ng iyong mga musmos na anak sa paanan? Ikaw ba ang pumila sa Ultra Stadium isang lingo bago
ang anniversary show ng Wowowee para sa pagkakataong maging kontestantsa pila ka na kumain,
natulog, nag-alaga ng anak, at namatay? Ikaw ba ang kabataang nagtratrabaho sa fastfood o call center na
nagkaroon ng instant na pang-ekonomiyang kapangyarihan, nakabili ng bagong cellphone, nakatulong sa
gastusin sa bahay, pati pag-aaral ng nakakabatang kapatid, at kayang bumili sa nagsulputan tulad ng
kabuti na 24/7 na mga outlet ng pang-araw-araw na pangangailangan? Ikaw ba ang manggagawang
bumibili ng pirated na DVD playerpinapili ka pa nga ng brand na itatak sa iyong makina--para
magpalabas ng isiniksik na siyam na pelikula sa pirated na dividi? Ikaw ba ang anak ng magsasakang sa
hacienda sa Villa Escudero, na tumutulong sa pangongopra sa tag-ani at sa ibang panahon ay
pinagsasayaw ng tinikling at pandanggo sa ilaw sa resort ng hacienda? Ikaw ba ang muy bueno familia na
hindi kukurap sa anumang nais mapasaiyo, madalas pa nga ay ang produkto at serbisyo ang lumalapit sa
iyo? Ikaw ba ang intelektwal na nakakabili ng art at cult films sa Quiapo, nakakapag-ukay sa Anonas at
Baguio, nakakabili ng segunda-manong mature (mateorya) na libro sa Booksale? At huli, ikaw ba ang
aktibistang nakikibaka laban sa imperialismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo, gayong sa labas ng
publikong politikal ay isa ka rin sa mga naunang identidad?
Paano maging aktibista sa larangan ng kulturang popular? Kung itong politikal na gawain ay
nanghihimok ng nasyonalisasyon ng industriya, hustisya sosyal at tunay na kalayaan, bakit naninigarilyo
ka pa rin ng Marlboro o Winston, nakasuot ng Levis o Wrangler, nakikinig sa alternatibong mga banda,
nasisiyahan kapag nakakakain sa Jollibee o McDonalds at kapag nagmo-malling sa SM, ang entidad na
nakaperfekto ng subcontractual labor praktis sa bansa? Madaling sabihin na napakalaganap na ng
kulturang popular na hindi na tayo maaring makatakas pa rito. Kung gayon, bakit pa tayo nakikibaka sa
pambansa at pandaigdigang antas kung hindi rin pala mapapagpag ang imperialismo at ang kulturang
kaakibat nito? Bakit sa hanay ng aktibismo ay nakikita ang politikal at kultural bilang magkaibang spero
ng gawainhardcore at purista kapag usaping politikal, samantalang kontradiktoryo, kundi man
hypokritikal, sa usaping kultural. Pwede ka bang maging aktibista na sabayang gusto ang kulturang
popular at ang imperyalistang kulturang kaakibat nito, at ang pakikibaka para sa sambayanang inaapi,
kung saan integral ang kulturang popular sa pagpapadaloy ng kaapihang ito?
Mag-prayer meeting muna tayogunitain ang operasyon ng kulturang popular at matapos, magkaroon ng
malalim na paninindigan para sa tunay na kultural na transformasyon ngayon pa lamang. Kung tunay na
kaakibat ang kultural na rebolusyonna oposisyonal na sasagka sa naghaharing elitista, pyudal at
kolonyal na kulturasa politikal na masang pakikibaka, lalo na sa gawaing rebolusyonaryo (literal at
figuratibo), hindi bat ngayon pa lamang ay sustenidong nagsusulong na ng kulturang nasyonalistiko,
syentipiko at makabayang kulturaang mga salik ng mismong kultural na rebolusyon? Tila ba ibang
spero ng gawaing politikal ang gawaing kultural, magkasalikop lamang kapag nagtatagpo sa masang
kilusan? Instrumento lamang ba ng gawaing politikal ang gawaing kultural, ginagamit sa politisasyon,
mobilisasyon at organisasyon ng masa? Kung hindi, paano ba sisipatin ang gawaing kultural para maging
mabisang pwersa, tulad ng politikal na gawain, sa politikal na transformasyon na may relatibong
autonomiya ng dalawang mahahalagang spero o ng partikulardad ng gawaing kultural, sa isang banda, at
sa kabilang banda ay ang pagkalahatang diwa ng rebolusyonaryong gawainang paglulunsad ng

rebolusyonaryong kultural na kamalayan sa rebolusyonaryong politikal na gawain na may sabayang


pagkabig sa politika at kultura? Maari bang ang politisasyon ay kaabikat ng kulturalisasyon, paglulunsad
ng kontra-namamayaning kultura, at politika na rin?
Sa sanaysay na ito, nais kong bigyan-diin ang gawaing kultural sa rebolusyonaryong gawain na sabayang
may natatangi at pangkalahatang ugnay sa politikal na rebolusyonaryong gawainnatatangi dahil ang
mismong gawaing kultural ay tumutumbas sa relatibong autonomiya ng spero sa pagbabaklas ng
namamayaning kamalayan at pagkilos, nakaugnay dahil hindi lalampas sa potensyal ng politikal ang
gawaing kulturalnananatiling nakapaloob ang anumang pagtatangkang baguhin ang pangkamalayan sa
aktwal na kondisyong panlipunang pinamamayanian ng pambansang saklaw ng tradisyunal na politika.
Ang pakahulugan ng rebolusyonaryong gawain ay antitetikal sa namamayaning ekonomiya, politika at
kultura ng gobyerno sa partikular, at estado sa pangkahalatan na nagdulot ng mabigat na paghihirap at
pambubusabos sa nakararami at nagbiyaya sa iilan, mga pambansang kubrador sa partikular. Ito ay
sumasakop mula sa egalitaryong layunin ng burgesyang lipunan hanggang sa aktwal na rebolusyon ng
pambansang demokratikong kilusan; kung gayon, mula sa transformasyong reformista hanggang
himagsikan laban sa gobyerno at estado. Sa ganitong pagturing lamang maaring baklasin ang kalayaang
indibidwal bilang bahagi ng dispensasyong pang-estado sa binibigyan-pribilehiyong ideal na mamamayan
at mamimili (consumer), at pagtataguyod ng aspirasyon para sa kolektibong kalayaan ng bansa laban sa
tumitikis at umaapi sa nakararami.
May kakatwang puwang ang malawakang pagtanggap sa kulturang popular bilang normal na operasyon
ng karanasan sa pang-araw-araw na imperialismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo dahil ito ang
pangkaraniwang kulturang binabagtas sa kalunsuran at urbanisadong kanayunan. Kung ang kulturang
pyudaldirektang dulot ng kawalan ng edukasyon at maledukasyon na nagbibigay-pribilehiyo sa politika
at pang-ekonomiyang pamamatronahe ng panginoong maylupa sa periperiang siyang humuhubog sa
kamalayang pangkultura sa kanayunan, maaring isipin na ang pangunahing humuhubog ng kamalayan sa
kalunsuran at urbanisadong kanayunan ay ang kulturang popularindirektang dulot ng maledukasyon na
nagbibigay-pribilehiyo sa politikal at pang-ekonomiyang pamamatronahe ng burgis komprador sa sentro.
Bagamat magkasalikop rin ang mga usapin, ang partikularidad ng kulturang popular sa formulasyon ng
kultura sa kalunsuran ay simptomatiko ng namamayaning kultura ng elitista, kolonyalista at pyudal.
Maari pa ngang isipin, sa implementasyon ng pambansang kaunlaran ng pamahalaan, ang isang
pangunahing motibasyon ng mito ng pag-unlad na ipinapalaganap ay ang urbanisayon at
kosmopolitanisyon ng bansa: hindi bat ang isang marka ng pagiging urbanisado ng lugar ay ang
pagkakaroon ng McDonalds at Jollibee na ang signage ay kasing-taas ng kampanaryo ng simbahan? o ang
paghahanay-hanay ng mga bagong tayong bahay at bungalo sa gitna ng di man lang sementadong kalsada
ng mga liblib na lugar ay dulot ng informal na recruitment ng mga OCW sa kanilang kapitbahay? o ang
ukay-ukay ng brand labels na sinusuot ng mga taong ni hindi man lang kilala ang mga ito?
Ang mga informal na referensya ng di-pantay na karanasan sa kulturang popular ay indikasyon na
malaganap na ang kulturang ito sa paghubog ng namamayaning kultura, at kung gayon, ang kulturang
binabagtas at nagsusubstansya sa gawaing kultural. Sa pagpapaliwanag kung ano ang kulturang popular,
paano ito ginagamit sa pagpapayaman ng namamayaning kultura, at paano rin ito magagamit para sa
pagbalikwas ng sarili nitong operasyon sa gawaing kultural ay mga mahalagang usapin para mailugar ang
puwang ng sabayan at magkahiwalay na gawaing kultural at politikal sa pagrerebolusyon. Ang rebolusyon
ay mahalagang larangan ng literal at figuratibong espasyo ng transformasyong panlipunan. Isinasaad nito
ang pangkamalayan at pangmateryal na transformasyon ng namamayaning kaayusang nagdudulot ng
napakaraming pang-uri, sexual, pangkasarian, lahi at etnisidad, henerasyon at relihiyosong opresyon sa
nakararami at nagbibiyaya sa iilan tungo sa mas egalitaryo, kritikal na publiko, at tunay na
demokratikong lipunan. Kung ang namamayaning kamalayan ang nagdulot ng napakarami at

napakabigat na bagaheng pinapasan ng mamamayan na nagpapamangmang sa kanila, ito rin ang


nagdulot ng imahe at utopia ng rebolusyon bilang paraan ng pagbalikwas sa loob (kritikal na publiko
hindi ng civil society kundi ng peoples party at kilusang masa) at labas (aktwal na rebolusyon).
Ang pagsasaalang-alang sa rebolusyon ay naglalahad ng pananaw sa kulturang popular. Walang nasa
labas ng namamayaning kulturakulturang (sa pangunahin) pyudal sa kanayunan at kulturang popular
sa urbanisadong lunan. Gayunpaman, tulad ng rebolusyon, ang isinusulong ng gawaing kultural ay
pagbalikwas ng namamayaning kultura sa loob (kritikal na publiko ng kilusang masang nagbibigay-diin,
sa pangunahin, sa pang-uring politika) at labas (aktwal na rebolusyon, pagtatatag ng sosyalista o kontraestado ng kasalukuyang lipunan). Sa isang banda, ang sosyalismo ay nananatiling lehitimong utopia sa
kasalukuyang dystopia ng masibong korapsyon at paghihikahos; at sa katangian ng utopia, ito ang
kolektibong fantasy-ideal kung bakit nanlalaban at nakikisangkot pa rin tayo. Ito o ang wholesale na
pagbili sa kasalukuyang predikamento ng kumikitid na panlipuang mobilidad (pangunahin, ang call
center at OCW) at ang misrekognisyon na mabuti naman pala ang kolektibong lagay. Sa kabilang banda,
ang sosyalismo ang direksyon ng kultural na gawainpagtutol sa politikal na pagpaslang, sa pagpatay sa
mga peryodista, anti-chacha (charter change) at rebolusyon, halimbawa--na nagbibigay-diin sa
makabuluhang papel ng peoples parties, kritikal na media, at institusyong nagbabantay at nagtatag ng
pambansang soberenya. Ito o ang paglulusaw sa bisyong sosyalismokawalan ng kumpiyansa sa
progresibong politika, pagsasaalang-alang ng mito ng deglobalisasyon sa edad ng umiigting na
neoliberalismo, pagtanggap ng administratibong posisyon sa burukrasya ng kasalukuyang pamahalaan-at kung gayon, pagpapaluwang sa espasyo ng kolonyal at elitistang demokrasyang punot dulo ng
pagsustina sa pang-ekonomiyang paghihirap ng sambayanan.
Pinangungunahan ko na ang aking argumento. Magsimula tayo sa ilang matingkad na katangian ng
kulturang popular, kung paano ito nagnonormalisa ng namamayaning kultura. Maglalahad ako ng apat na
tesis tungkol sa kulturang popular sa namamayaning kultura at ang gawaing kultural. Kaiba ang usapin
ng kulturang popular bilang aparato ng paghahari ng estado at pagbabalikwas nito ng kontra-estado.
Nanghihimok sa gamit ng dahas, hindi aktwal na gumagamit ng dahas ang kulturang popular. Ang
sanaysay ay tatalakay sa magkakasalikop na usapin ng kulturang popular dulot ng pag-igting sa kita ng
kulturang industriya sa panahon ng imperyalistang globalisasyon. May apat akong nakikitang bahagi ang
papel: una, komodifikasyon ng luho bilang pangangailangan; ikalawa, ang tunay (real) at politikal; ang
intelektwal na gawain; at ang kultural bilang politikal na gawain. Tatalakayin ko ang usapin ng
resureksyon ng Wowowee sa telebisyon, ang proliferasyon ng cellphones at text messaging, ang
dominasyon ng Hollywood at ang pag-unlad ng dokumentaryong kolektibo (Sipat/Kadao/ST Exposure),
at ang digital film movement ng kasalukuyang panahon bilang paraan ng pagpapalawig sa apat na paksa.
Nilalayon ng papel na linawin ang usapin ng kulturang popular bilang insidente ng panghihimok ng
negosyo at estado sa naghaharing kaayusan, at ang lalo pang pag-igting ng pagnanais kumita sa edad ng
lumalawak na kahirapan sa panahon ng imperyalistang globalisasyon. Nilalayon ding linawin ng papel
ang halaga ng kulturang gawain para sa politikal na pagbabago.
Kulturang Popular at Normalisasyon ng Global na Kasiyahan.
Kapag iniisip ang kulturang popularng nangangalakay na nanay sa itaas ng bundok ng basura na
ginagamit ang kakakurampot na kita para makapagtext sa anak sa bahay sa paanan ng bundok o sa
panonood ng romantikong pelikula, halimbawaang isinasaalang-alang ay ang relief, na nakakain na ang
mga bata at ligtas sa peligro, o ang temporal na pagkalimot ng sariling pagkatao sa sine para tunghayan at
pangibabawan ng pagkatao ng mga bida. Hindi naisasaalang-alang ang kakulangan, kung gaano kasaid
ang buhay sa paanan at ibabaw ng bundok, ng abang pagkataong pinagkakaitan ng marami pa ring
panlipunang oportunidad sa dilim o liwanag man, sa loob at labas ng sinehan. Ang realisasyon ng
kakulangan ay isang politikal na muestra, parang pagtataas-kamao, parang automatiko pero may

paninindigang politikalsabayang reafirmasyon sa realisasyon ng kasalatan at ang posibilidad ng


transformasyon sa pamamagitan ng pag-igpaw sa sariling predikamento. Kapag narealisa ng isang tao na
siya ay salat, may siwang na pamandaling bumukas para sa politikal na interbensyonnaigpawan na niya
ang pagtanggap sa inakalang normal na kalagayan, namarkahan bilang kulang, at nanghihikayat na
punan ng ibang larangan.
Kung walang politikal na organisasyon sa lugar, kagyat na nagsasara ang siwang na ito, babalik sa normal
na dati. Pero hindi tulad ng lingab, hindi ito naghihilom. Parati itong nagmamarka ng kasalatan at ng
salat na indibidwal. Maging ang pagtunghay sa sarili bilang salat ay maaring maging normal, tulad ng
normalisadong dysfunctionality--may mali pero bahagi ang sablay ng katanggap-tanggap na normal dahil
walang ibang naalok na lagusan. At ito ang kapangyarihan ng kasiyahan sa pasakit at pighati, kayang
lunukin ng nauna ang huli bilang mismong relief sa aktwal na karanasan sa huli. Hindi katulad ng
realisasyon kapag alam mong inaapi ka na, opresibo na ang kondisyon ng iyong paggawa at buhay, hindi
ka masaya dahil hindi kasiya-siya ang kondisyong. Pwede kang maging masaya kahit na malungkot ka,
napapangibabawan ng kasiyahan ang paghihirap. Kung gayon, ang kasiyahan sa hanay ng naghihikahos
ang muestra o manifestasyon ng kanilang relief sa abang kalagayan. Kakatwa ito dahil ang mekanismong
sikolohikalpaghahanap ng relief sa gitna ng masibong anxiedad o pagkaatake sa sarili--ay nagiging
pagsipat sa pang-araw-araw na buhay sa kasalatan. Iba rin ang turing ng gitnang uri sa kasiyahan dahil
reafirmasyon ito sa karanasan ng kanilang uri, ang uring ginagawang batayan ng kulturang popular. Kung
magsha-shopping ang gitnang uring indibidwal, kinokonsumo niya hindi lamang ang karanasan ng
pamimili kundi ang aktwalisasyon ng ethos ng kanyang urinakakapamili at hindi nangangalakay, may
kapasidad magdesisyon sa bibilhin, may pang-ekonomiyang kapangyarihan, may politikal na karapatan
habang namimili, at iba pa.
Kung mahirap ang nakakagawa ng akto ng panggitnang uri, ito ay pagdanas ng lampas at labis sa kanyang
uring pinagmulan. May bumubukas na siwang, at ito ang siwang ng uring kasalatan sa kanyang
pinagmulan at kalabisan ng kanyang tinatangkang mapantayan, at sa pagitan nito, ang misrekognisyon na
kabahagi na siya ng lampas sa kanyang uri. Ang kakatwa rito, sa kasalukuyang proliferasyon ng kulturang
popular, ang mahirap ay parating nasa ipinapadanas ang pang-uring siwang. Sa bawat pagmo-malling,
panonood ng telenovella at dividi, sa paglalakad lamang sa kalye, kahit pa pamamalimos ng paslit sa
nakaabang mag-go na kotse, maging ang nanay na nangangalakay ng basura ng Jollibee o ang pag-uukayukay, hindi maiiwasan ang normalisasyon ng panggitnang uri bilang panuntunan ng pagkamamamayang
buhay. Natutunghayan ng mahirap ang mga produktong abot-tanaw, abot-pangarap dahil salamin (sa
pagitan ng di bumibiling maller at produkto ng tindahan, o ng namamalimos sa driver ng sasakyan) o
dukwang (ng nangangalakay ng tira-tirang pagkain sa fastfood) ang pagitan, o ito nga lang ba? Hindi bat
kosmos ng kontradiksyong panlipunan, historikal at modernidad ang pagitan ng gitling?
Walang nangarap nang mas mababa sa kanyang uring pinagmulan. Ang tunguhin ng panlipunang
mobilidad ay mas mataas kaysa sa aktwal na kalagayan. Hindi ito hiwalay sa pambansang kalagayan sa
malawakang kahirapan at iilang karangyaan: In 2003 per capita gross income was US$1,090, below the
$1,390 average for lower-middle-income countries. Refelecting regional disparities, in 2003 11 percent of
Filipinos lived on less that $1 per day and 40 percenton less than $2 per day, according to the World
Bank.[1] Tinitiyak lalo ito ng karanasan sa kulturang popular. Nililikha ang kasiyahan bilang normal pero
normal na ideal na antas, tinitiyak na hindi aktwal na maabot ng nakararami gayong binibigyan ng
aproksimasyon para sa nakararami, parang abot-tanaw lahat ng nakakataas na uring pangarapparating
karatig-hapit kahit pa magkaibang mundo ang pagdanas sa mga ito. Nagagawa ito sa pangunahin ng
kulturang popular dahil ang direksyong pinaghahalawan at tunguhin nito ay sa global na pamuntunan.
Global ang karanasan sa hamburger (McDonalds at Jollibee), theme park (Enchanted Kingdom at
Disneyland), mall (Robinson, SM at Glorietta), mass transportation (MRT, LRT, LRT2), cell phone (Globe

at Smart), panlalakeng underwear (Bench) o pambabaeng underwear (Herbench), halimbawa dahil


nakamit ng mga ito ang panuntunan ng pwersa ng globalisasyonmataas na kalidad ng produkto,
kapasidad na makapanghimok ng malaking premium sa tunay na halaga ng produkto sa pamamagitan ng
kapani-paniwala at nabibiling kwento ng produkto at ng dating (affect) nito, tungo sa pagiging komoditi
(produkto plus premium/kwento) at komodifikasyon nito (ang tao ba ang fetishistikong humuhulma sa
produkto o ang produkto na ang humuhulma ng tao? Noong 2003, ang Pilipinas ay mayroong 11.5
milyong radio, 3.7 milyong telebisyon, 3 milyong landline at 1.5 milyong computer kahit pa limang milyon
lamang ang may access sa internet, 85 porsyento ay umaasa sa dial-up connection.[2] Sa limitadong akses
sa komunikasyon at media, bakit nangangarap ng labis?
Ang matingkad na katangian ng global ay ang kapasidad nitong magbenta ng erotisadong kwento, may
lahok ng sexual na nasa at kasiyahan sa reafirmasyon ng uring nais o aktwal na kinabibilangan. Ang
Bench ay taunang nagtatanghal ng pagdispley ng mga produktong pangkatawan (mismong briefs at ang
katawang nakasuot nito) sa one-night event nito. Maging ang pagkain ng Jollibee at McDonalds na
gumagamit ng musmos ay reafirmasyon ng sexual na nasa ng gitnang uring nakakatanda na dulutan ang
mga walang kapangyarihang indibidwal ng gratification sa akto ng pagbili at pagkonsumo ng hamburger
at iba pang produkto ng fastfood. Bahagi ito ng gitnang uring heteronormativity--pagbibigay pribilehiyo
sa rekurso ng heterosexualidad bilang normal na kalakarang panlipunanna nakasentro sa pamilya at sa
lalaking breadwinner. Ang MRT, branch ng McDonalds sa Angono, Coke na nabibili sa Sagada ay global
sapagkat ito ay kahalintulad ng produkto at serbisyong matutunghayan sa iba pang bahagi ng mundo
parehong quarter-pounder (presentasyon, sangkap at maidadagdag na langkap) sa parehong kapaligiran
(ilaw, muwebles, lamig, amoy) sa parehong serbisyo (paraan ng pagluluto, pagbati at pagkuha ng order ng
crew, pagluluto sa kusina, bilis ng pag-deliver ng order). Kaya kapag sinabing McDonalds, ang katumbas
na kwentong ipinagbibili nito sa premiummalaking lampas sa tunay nitong halagaay fastfood, Bench
ay sexy underwear, Coke ay real thing, Mercedes Benz ay luxury, Palmolive ay makinis na balat, Sunsilk ay
malasutlang buhok, Colgate ay maputing ngipin, at iba pa. Ang kwento ang buod ng partikular na
pagnanasa, at ang pagiging brand ng produktoang pagkakaroon nito ng mabentang kwento sa likod nito
ang siyang mas mahikal na nagtratransforma sa hilaw na materyales (isda) hindi na lamang tungo sa
pagiging produkto (malambot na sardinas na walang mga ulot lunod sa sarsa, nagsisiksikan sa lata)
kundi sa pagiging komoditi nito (Century Tuna na naglalaman ng omega na mabuti para sa puso sa senior
citizen o Century Tuna ginataan flavor sa panlasa ng Bikolanang OCW sa Tanzania).
Sa mahika ng transformasyon, ang nawawalakahit pa man sa antas ng produktoay ang lakas-paggawa.
Tila bigla na lamang lumukso ang mga walang ulong isda sa maliit na lata! Nawala ang mangingisda at
manggagawa. Kagyat na lamang nagsulputan ang mga lata sa groseriya. Sa antas ng global brand, kahit pa
harap-harapan na ang subcontractual na empleyado sa pagkuha at pagluluto ng order at paglilinis ng
pinagkanan, nakakayanan na natin siyang gawing invisible. Hindi ito tao, hindi ito manggagawa, ito ay
bahagi ng aparato ng mismong global na establisyimentonandoon pero wala, lahat ay nasa anino na
lamang ng arko ng global na komoditi. Kaya nga kung matagpuan ng mamimili ang sarili na napuwesto sa
tabi ng salamin at mayroong paslit na yagit na namamalimos sa kabilang panig, hindi ito nadidisoryento
dahil malinaw ang prioridad ng panggitnang uring mamimiliang makonsumo ang kanyang
pinapangarap at pinaghirapang kitain-para-mabayaran na hamburger. Makakain pa rin ito kahit na nasa
gitna siya ng isa sa pinakamarahas na eksena ng tunggalian ng mga uri. Ang pagkain niya sa fastfood ang
kanyang piniling katotohanan at tunay, ang paslit ang aparisyon ng tunay. At tulad ng mga aparisyon, sa
pang-araw-araw natin pagtunghay sa kahirapan o mga birheng nagpapakita, hindi na ito nagiging
kakatwa dahil wala nang irony rito. Ang pagdanas sa trahedya bilang hindi trahedya ang mismong
trahedya ng kalakarang makakita ng kapangyarihan ng diyos sa pang-araw-araw.
Simula 1980s, ang pressure ng International Monetary Bank at pamahalaan ng U.S. na mag-deregulate at

i-privatize ang sistemang media at komunikasyon, at ang pagpasok ng satellite at digital na teknolohiya,
ang nagresulta sa pagsulpot ng higanteng transnasyonal na media.[3] Ang pandaigdigang sistemang
media ay pinamamayanian ng siyam na higanteng korporasyon na kabilang sa unang nakakataas na
baiting; ang lima sa pinakamalaki ay Time Warner (1997 sales, $24 bilyon), Disney ($22 bilyon),
Bertelsmann ($15 bilyon), Viacom ($13 bilyon) at Rupert Mudochs News Corporation ($11 bilyon).
[4] Noong 1990, 15 porsyento ng kita ng Time Warner at Disney ay galing sa labas ng U.S., noong 1997,
ang kita sa labas ay mga 30 hanggang 35 porsyento.[5]Ang kinalabasang higanteng korporasyon sa media
ay nakalahok sa maraming industriya ng mediaang ginawang pelikula ng media ay ipapalabas sa
kanilang sinehan, at mayroong soundtrack mula sa recording studio, may spin-off na TV show, video
games, amusement park na sakayna hindi kakayanin ng mga korporasyong walang conglomerated
holdings.[6] Ang nalilikhang produktong media ay nag-uumapaw sa hyper-commercialism o veritable
commercial carpetbombing of every aspect of human life.[7] Ika nga ng C.E.O. ng Westinghouse, We are
here to serve advertisers. That is our raison detre.[8] May rekurso rin sa imperialistang diskurso ang
lohika ng pagpapalaganap ng serbisyo ng media conglomerates, ika nga ng Presidente ng HBO si Jeffrey
Bwekes na ang global na paglaganap ng HBO ay manifest destiny, tulad ng afirmasyon ng pananakop ng
Pilipinas sa Amerika sa nakaraang siglo.[9]
Hindi kakatwa na ang media sa Pilipinas ay kabahagi ng susunod na mga negosyong na bahagi ng
kasalukuyang round ng neoliberalisasyon. Kasama ng edukasyon at kalusugan, ang media ay ang isa pang
negosyo na tinatarget simula pa sa panahon ni Fidel Ramos na iamenda ang Konstitusyon para
makapasok ang dayuhang pag-aari. Sa Medium-Term Philippine Development Plan (MTPDP 20042010), ang isa sa mga intension ay pahintulutan ang dayuhang pag-aari ng mga domestikong negosyo na
ipinagbabawal ng 1987 Constitution.[10] Bahagi ng mga target pang-ekonomiko ng MTPDP ay ang mga
sumusunod: 1) raising the economic growth rate to 7 percent by 2009; 2) reducing the poverty incidence
from 28.4 percent of Filipino households to 17.0 percent by 2010; and 3) creating 1.5 million jobs
annually.[11] Inaasahan na sa pagbubukas ng mga negosyo, tulad ng media, sa dayuhang pag-aari na
makakamit ang mga pang-ekonomikong target. Pero gaya nang nabanggit ng peryodistang Luis Teodoro,
Theres another objective missing from that list: the making of a compliant media.[12] Sa pamamagitan
ng pagbubukas ng pambansang ekonomiya sa dayuhan, kasama na ng malaki at patuloy na dumarami ng
bilang na pagpaslang sa peryodista sa bansa, nahihikayat at napipilit ng pamahalaan na gawing sunodsunuran ang media. Wika pa ni Teodoro, The dominance of trivia and avoiding critical reporting or
comment on the public issues that are of concern in the Philippines would not only be contrary to efforts
to make journalism more meaningful in this country. It would also be no less a Godsend to this as well as
future governments.[13]
Ang nangyayaring pagiging sunodsunuran ng pambansang pamahalaan sa pwersa ng neoliberalismo ay
hindi lamang nagbubuyanyang sa kasiyahan bilang katampukang dating kundi pati na rin ng paglalahad
ng depolisadong ideolohiya ng pagiging masunuring mamamayan. Wala nang papalag dahil sino ba ang
ayaw manood ng D.C. superhero na naging big-budgeted Hollywood film, o ang hindi na bibili ng kiddie
meal ng fastfood na may kasamang figura ng karakter sa pinakabagong animation feature? Ang
masunuring gitnang uring mamamayan ay nakakakonsumo kaya nagiging kwalipikadong mamimili, hindi
lang maller, at mayroong politikal na kapangyarihan, nakakatimbang ng pagpipilian at nakakapili sa
pang-indibidwal at kolektibong disposisyon. Mayroon siyang kapangyarihan sa kultura dahil kasapi siya
sa komunidad na may rekognisyon sa brand, paraan ng pagdanas nito, at pagpapatuloy ng produkto sa
iba pang karanasan sa kulturang popular. Para sa kanya, sapat na ito.
Noong unang panahon, nag-uusap ang magkakalayong tao sa pamamagitan ng sulat, o kung may
emergency, ng telegrama. Kung papalarin, matapos ng sampung taong pag-aantay ng linya, nakakapagusap ang mga tao sa teleponong monopolyo ng PLDT. Ngayong halos kulang sa kalahating Filipino ay

may cell phone, anong ganda ng pagbubukang-liwayway! Mula sa panahon ni Marcos, ang anim na
diyaryo sa Manila ay naging 12, ang tatlong estasyong pantelebisyon ay naging anim.[14] Labindalawang
taon matapos ang People Power 1, may 156 na estasyong pantelebisyon sa ibat ibang bahagi ng bansa,
402 na estasyong radio, 25 na diyaryo na may pambansang saklaw na hindi lalampas ng apat na milyong
sirkulasyon bawat diyaryo, at higit sa 200 na lingguhan o dalawang beses-isang buwan na diyaryo.
[15] Noong 1980s, ikatlong bahagi lamang ng mga bahay ang mayroong telebisyon; noong 1997,
sinasabing 87 porsyento ay nanonood ng telebisyon, 97 porsyento sa Metro Manila.[16] Tinatanya na
kalahating milyong telebisyong ang binibili taon-taon noong 1990s.[17] May kalahating milyong
subscribers ang SkyCable, pag-aari ng pinakamalaking media conglomerate ABS-CBN, 60 porsyento ng
cable market na inaasahang madoble matapos ng limang taon.[18] Noong 1996, binili ng PLDT na may
hawak ng 45 porsyento ng landlines ang pinakamalaking internet service provider sa pananakot dito na
puputulan ng linya kapag hindi ito pumayag sa pagbebenta.[19] Ang isang resulta ng convergence ng
media, ayon kay Sheila Coronel, ay it will provide a backdrop that will allow foreign firms to own media
networks. Most of the new telephone ventures set up since 1992 involve foreign
capital.[20] Samakatuwid, kahit hindi pa naamenda o nababago ang Konstitusyon, may ilang maniobra
na ng pagpasok ng dayuhang pag-aari sa pambansang negosyo na lalo lamang iigting sa mas malawakan
pang kontrol kapag nabago ang Konstitusyon.
Ang pangunahing motibasyon ng dayuhang industriya ng kulturang popular at media ay magdulot ng
kasiyahang mabebenta nang may premium. Kaya mas matindi ang kasiyahan, mas mabenta ang
produkto, mas nagiging transformatibo sa komodifikasyon ng produkto at ng mamimili. Kung mas
matindi ang pagtataya sa kasiyahan, mas matindi ang pagtatago sa pasakit at pighating nagkukubli sa at
pinagtutuntungan ng kasiyahan. At kung magpaganito, mas depolisado ang ipinapalaganap na ideolohiya
ng estado at negosyo (mutlinasyonal na kapital at kubrador nito sa uring burgis kumprador): mas
nagiging katanggap-tanggap ang pinakarumaldumal na karanasan sa politikal na pagpaslang, ng
lumalawak na paghihikahos at kamangmangan, ng korapsyon at pamamaluktot ng politika sa personal na
interes, ng pagsasanla ng intelektwal at artista sa pinamalaking makakapagbayad, ng mga telebiswal na
trahedya ng kontestants na namamatay sa stampede at pagka-promote sa heneral na berdugo ng mga
aktibista sa burukrasya ng pamahalaan, ng pagpapalaganap ng cha-cha bilang imperatibo ng pambansang
pag-unlad, ng pagso-sorry bilang resolusyon sa bintang ng masibong pandaraya sa eleksyon, at iba pa.
Ang politikal na kaguluhan na may potensyal ng transformatibong pangkamalayan ay itinatatwa bilang
hindi kasiya-siya dahil pinaglumaan naPeople Power, at pagpapatalsik at akusasyon ng korapsyon at
nepotismo kay GMA, halimbawakaya may imperatibong mapalitan ng kasiya-siyang spektakularisyon
ng pang-araw-araw na karanasan, tulad ng pagtatagumpay ng Pilipinas sa 2005 Southeast Asian Games,
pagkapanalo ni Manny Pacquiao, beauty contestants at iba pang Filipino sa internasyonal na kompetisyon
ng spesyalisadong kagalingan, at iba pa, at maging ang mga ito ay naluluma rin sa takdang panahon.
Niluluma ang politikal at ang nilikhang bago ay ang reimbensyon ng politika, lalo na sa media at
industriya ng kultura. Ang paglalahad ng bago at ang kabago-bago ay ipinapasok sa parametro ng politika
ng global na kulturang popularbagong Superman na naman, bagong branch ng Starbucks, bagong mall,
bagong modelo ng cell phone, at kung magpaganito, bagong kasiya-siyang karanasan. Ito o ang luma, alin
ang mas gugustuhin? Ang fetishismo ng relasyon, tulad ng sadista at masokista, ng nambubugbog at
binubugbog, ng nang-aapi at inaapi ay nakapaloob rin sa kahalintulad na predikamento ng kasiyahan ng
bago: itong abusadong relasyon o ang kawalan ng relasyong humuhubog ng pagkatao? Kung
magpaganito, paano lalampasan ang kawalan ng pagpipilian? Paano gagawing politikal ang kultural na
predikamento?
Unang Eksena: Komodifikasyon ng Luho Bilang Pangangailangan
Nabuhay tayo minsan sa panahon ng walang cell phone, kasabay ng ginhawa (kaligtasan sa konektado-

tayo-sa-mundo) at panganib (ilan na ang pinatay sa ngalan nito?) nito. Sa kasalukuyan, sa akto na
makalimutan ang cell phone sa bahay o sa di inaasahang pagkawala nito, tila tayo kulang, napilayan, may
kabawasan, hindi buo, hindi na ang regular na Maria o Jose. Naging integral ang cell phone, tulad ng iba
pang modernong gadget at serbisyo, sa panggitnang uring buhay na umaasa ng pang-indibidwal na
seguridad, expektasyon, kalidad ng serbisyo, estetika, halaga at iba pa bilang kolektibong karanasan sa
uring ito. Sa isang banda, mismong ang panggitnang uri ay ginawa nang komoditi, itinampok bilang
kanasa-nasang buhay, buhay na bumebenta sa takilya, CD at magazin dahil namumutiktik sa material at
sikolohikal na mga detalye nagmamarka ng pakiiisa at pakikipag-kapwa sa uring ito. Pero bago pa man
ang uring ito ay naging komoditi, ang produktong ipinapatangkilik sa kanya ay bumagtas na sa
kaangkupan ng komoditi sa kabilang banda.
Nagkaroon na ito ng kwentong kabenta-benta, naging brand na, na ang binibili ay hindi na lamang ang
panghugas ng buhok kundi ang buhok na nakakabit sa babaeng naliligo sa maluhong bathtub, naggagayak
ng marangyang kasuotan para sa pakikipagtagpo sa kanyang prince charming kinagabihan. Ito ang buhok
na tumatangkilik ng shampoo brand. Ang shampoo ay nilalahukan ng kwento at ang kwento ay bahagi ng
naratibisasyon ng panggitnang uring buhay bilang pamantayang pang-ekonomiya, politika at kultura.
Lampas sa tunay na halaga, nag-uumapaw sa labis na kwentong hindi kakamit-kamit, at higit sa lahat,
may masang napapatangkilik dahil sa lampas at labis. Ang produkto ay naging komoditi para sa gitnang
uring pangarap ng mismong nagnanais mapabilang sa at mareafirma ang pagiging gitnang uri. Ang
kulturang loop ay naghuhudyat ng pagkalusaw ng politikal dahil wala nang pagtatanong sa naturalisasyon
ng komodifikasyon at ideolohiya. At kahit pa ginagamit ang shampoo para lang mapanlinis ang buhok,
hindi naman aabot ang shampoo mula manggagawa sa pabrika at manggagawa sa groseriya hanggang sa
mamili (na malamang ay manggagawa o anakpawis rin) kung hindi naging konduit at daluyan ang
komodifikasyon sa paglilipat-lipat ng proseso ng produksyon at konsumpsyon. Hanggang ang produkto
ay nagnanais na mabentang hiwalay sa paggawang lumikha nito, ito ay kagyat na nakapaloob na sa
proseso ng komodifikasyon, alam man ng tumatangkilik ang kwento sa likod nito o hindi.
Sa ganitong komodifikasyon ng produkto, pagbibili at mamimili na ang luho ay nagiging pangangailangan
ng karanasan sa gitnang uring buhay. Sa isang banda, napapatangkilik tayo ng luhomula Jollibee
hanggang bagong modelo ng cell phone, depende sa persepsyon ng uring kinabibilangandahil tila
tinatangkilik ito ng iilang may mas higit na ekonomiyang kapangyarihan kaysa sa atin. Sa pagdaan ng
panahon, simula ng pagkilala sa bago at paghudyat at pagiging lumaan na nito, nagkakaroon ng tila
demokratisasyon sa produkto, napapamura ito dahil may pumapalit nang bagong uso na mas mahal at diasesible sa nakararami. Gayunpaman, lumilikha ang kapitalismo ng niche markets na mabebentahan pa
rin ang bawat uri ng pinapatangkilik na produktopinakabagong modelo ng cell phone sa maykayang uri,
ang susunod na tier ng medyo lumang uso para sa gitnang uri na minsanan lamang makakabili, at mga
lumang-lumang uso para sa naghihirap na uri, bagong nakaw na luma at uso para sa lumpen
proletaryado. Sa kabilang banda, sa familiaridad sa uso at produkto, sa akto ng pagkaalam at pagbili ng
mga mga ito, ang produkto ay nagiging pangkaraniwan na, kabahagi na ng mga bagay at detalye na
nagbibigay-definisyon sa gitnang uring karanasan.
Tinatayang mayroong 30-40 milyon ang may cell phone sa Pilipinas, gumagamit ng Global System for
Mobile Communications, isang second-generation digital na teknolohiya na ginagamit ng 71 porsyento ng
mundo.[21]May apat nang domestikong carrier ang pinahintulutan na ng National Telecommunications
Commission na magdulot ng third-generation cellular service simula 2008 na may kapasidad na highspeed, high-bandwidth video application sa cell phone.[22] Ang Short Message Service (SMS), ang
sistema para sa text message na may kulang ng 160 karakter ang haba ay malaganap ang gamit at may
200 milyon messages ang ipinapadala sa bawat araw gayong hinihikayat rin ang pagpapadala ng
Multimedia Message Service simula pa 2003.[23] Sa ibang pagtataya, ang bilang ng text messages na

ipinapadala ng bansa ay umaabot ng 350 milyon, mas malaki pa sa pinagsama-samang SMS volumes ng
European na bansa, Amerika at China.[24] Ang Smart Communications ay may hawak ng 54 porsyento ng
market noong 2003 at ang Globe Telecommunications ay hawak ang 46 porsyento, at sa taong ito,
nagsimula rin ang Sun Cellular na nag-aalok ng mas mababang halagang serbisyo.[25]
Walang lalampas ang araw na hindi nag-a-advertise ng dalawang buong pahinang may kulay ang
dalawang kompanyang telecommunication. Walang oras na lalampas sa telebisyon at radyo na hindi rin
ito ginagawa ng mga kompanya, o isang gabi na walang spino-sponsor na event na magtatampok sa
kanilang serbisyo. Ipinapalaala sa atin dahil kay daling makalimutan na ang cell phone ay luho at hindi
pangangailangan. Araw-araw ay nire-referendum tayo ng mga kompanya sa moral na dilema nito, para
bumotong pabor sa pagpapatuloy ng kanilang serbisyo. Hindi nga bat ang isa ring silbi ng cell phone ay
magtext sa panahon ng kaburyongan (boredom). Sa ilang sandali, nawawala ang buryong, nagiging mas
interesante ang buhay. Para sa karanasan ng gitnang uri, ang text ay nakakapagdulot ng ginhawa at relief.
May seguridad na alam mong mahuhuli ang dapat mong katagpuin sa isang partikular na oras at may
magagawa ka pang ibang bagay. May ginhawa sa pag-alam na ligtas ang mga bata sa sakuna sa lugar na
tinirhan, lalo na sa OCW na ina; o kahit pa ang balitang namatay na ang magulang ilang segundo matapos
mangyari ito. Para sa kinakailangang impormasyong magbibigay ng seguridad, ipinapakita natin ang mga
kompanyang telecommunications. At tulad ng call center sa information technology, ang texting ang ating
niche market sa information, communication and technologyang mga Filipino raw ang may
pinakamabalis na mga daliri sa buong mundo. Ang mababang kapasidad ng mga Filipino sa larangan ng
ekonomiyang global ay naghuhudyat lamang ng ating mababang antas sa pandaigdigan at sexual na
dibisyon sa paggawa.
At dahil ito ang bansa ng malawakang korapsyon at paghihikahos, at limitadong infrastruktura, maging
ng pinakamaraming pagkakataon ng karanasan sa natural na kalamidad, maraming informasyon ang
kinakailangan para magpalagay ng loob. Sa malawakang pagbebenta ng mga produktong
ipinapatangkilik, may kapasidad ang malawakang diseminasyon na magkaroon ng sariling pintig sa bawat
tumatangkilik nitoiba ang iniiyakan ni Omeng at On-on sa sine kahit pa pareho ang kanilang
pinapanood dahil sa ibang sikolohikal na impedimento ipinapapakat ito, magkaiba at magkahalintulad na
karanasan sa paglaki bilang mamamayan. Ang pagmanufaktura ng kulturang popular ay nakapaangkla sa
kapasidad nitong ipersonalisa ang brand o henerikong karanasan. Makakaisip tayo ng sampung bagay na
pwedeng gawin sa cell phone para maging kakaiba ito kaysa sa milyon-milyong cell phonespagpili ng
ring tones, screen saver at wall paper, paggamit o hindi ng mga features nito, kompanyang
telecommunication at serbisyong tatangkilikin, casing at holder, paraan ng pagtext at pagsagot, at iba pa.
Parang kakaiba lang ang sa atin kahit pare-pareho tayong dumadanas ng karanasan sa kulturang popular.
Kaya kapag nawalay o nawala ang objek, tila tayo piglas. Ginagawa nating tao (anthropomorphize) ang
objek, kabahagi ng ating pagkatao. Kung magkagayon, sino ang objek at sino ang sabjek ng kulturang
popularang pinapatangkilik ba o ang tumatangkilik? Sa huli, ang pagmamay-ari mo ay nagmamay-ari
na sa iyo, pareho nang naging objek sa kulturang popular.
Ang pakiwari na nakakapagdesisyon (sa features halimbawa ng cellphone) at interaktibo (halimbawa, sa
pagboto sa Philippine Idol na tulad sa reputasyon ng mga Filipino, ang sumira sa Asyanong record ng
pagboto sa mahigit na 300,000 text votes sa isa sa mga unang episodes pa lamang nito) ay kabahagi ng
linyang asembleya ng pagiging gitnang uri.[26] Nakakalahok ang liberal demokratiko at konsumeristang
sabjek na nakapag-ehersisyo ng kanyang karapatang mamili, makaboto at maging bahagi ng lehitimasyon
ng mismong proseso, dito sa kulturang popular. Sa kabilang panig naman, mayroong muling pagsasaayos
ng mga objek ng kulturang popular. Ayon sa report ng isang peryodistang Amerikana ukol sa cell phone
texting:

The technology is [] changing the organization and dynamics of protests, allowing leaders to control,
virtually minute-by-minute, the movement of demonstrators, like military generals in the field. Using
texts that communicate orders instantly, organizers can call for advances or retreats of waves of
protesters.[27]
May produktibong praktikal na halaga rin ang mga objek ng kulturang popular, kahit pa tila komandista
ang nabanggit na deskripsyon sa report. Napapag-alam kagad ang kalagayan, lalo na sa umiigting na
dispersal at iba pang karahasan sa kilos-protesta. Tiyak na kasama ang mga aktibista sa hanay ng mga
Filipinong pangkahalatan ay nagpapadala ng walong texts kada araw.[28] Nang matanggal nga si Joseph
Estrada sa pagkapangulo via People Power 2, umangal ito na ang pag-aaklas na nagyari ay coup de
text.[29] Gayunpaman, kinakailangan ng hinay kapag sinabi na ang produktibong praktika na dulot ng
textingo kahit ano pang objek ng kulturang popularay transformatibo sa politika, tulad ng banggit ng
lider kabataan sa pagtatapos ng sanay na ang texting is a development for democracy.[30] Pumapasok
ang aktibista sa fetishistikong pananaw hinggil sa kulturang popular, na kahit pa normalisado sa gawaing
pampolitika ay tumutulong magpatindig sa negosyo ng kulturang popular. Walang ganap na
transformasyong politikal kapag walang pagbabago sa nagmamay-ari ng pang-ekonomiyang produksyon.
Sa kontra-insureksyon ng militar at gobyerno, ang mahalagang dokumentong nagtatalaga ng
identifikasyon ay hindi naman cell phone. Ito ay sedula na galing sa pinakamalapit na baranggay na
tinutunghayan ng kontra-insureksyon na operasyon.[31] Ito ang nagmamarka ng posisyon ng taumbayan,
kung sila ay taga-loob (lehitimong mamamayan ng lugar) o taga-labas (iligal na tao at pagkatao, kasapi ng
New Peoples Army). Hindi nga bat ang pagpunit ng sedula ng mga Katipunero sa Pugadlawin ang naging
senyales ng Rebolusyong 1896? Na ito ay nananatiling papel ng opisyal na identidad ay patunay na
pananatili ng karahasan ng estado. Sa kasalukuyan, ang low-tech na papel ay tinutumbasan ng high-tech
na anyo ng pagmamatyag sa cell phone:
Together with the National Security Agency, the Central Intelligence Agency also maintains Project
Echelon, the most sophisticated and most technologically advanced eavesdropping system that has been
devised. Through a relay system of satellites and spook stations in Australia, New Zealan, United
Kingdom, Canada and United States, the US intelligence system is able to intercept all (emphasis sa
awtor) telephone, fax, e-mail, Internet and cellphone transmissions worldwide. Its nerve center is located
at Fort Meade in Maryland where the NSA maintains its headquarters. This has grave implications for
both our public and private security.[32]
Samakatuwid, itong objek ng kulturang popular na nagmamarka ng gitnang uring identidad ay
instrumental rin sa pagmamatyag at disiplina ng estado at imperyalistang bansa. Kaya ang kulturang
popular ay nakaugnay sa relasyon ng estado sa imperyalismo. Ang komodifikasyon ay hindi na lamang sa
pagtransforma ng sabjek bilang objek at ng objek na sabjek na naghuhudyat ng tao bilang sabjek; ito ay
ang komodifikasyon na rin ng sabjek bilang objek ng estado at imperyalismo.
Ikalawang Eksena: Politika ng Tunay, Politikal sa Tunay
Linawin naman ang usapin ng inaangking katotohanan (truth-claim) ng mga objek ng kulturang popular
lalo na nga ng brand labelssa pagpalaganap nito bilang namamayaning katotohanan sa larangan ng
hegemoniya o ang kalakaran sa ideolohiya at pagkilos ng nakakapagdiktang minoryang may lampas na
politika at ekonomiyang kapangyarihan at ng mayoryang tumatanggap ng kaayusan ng kawalankapangyarihan. Ang inaangking katotohanan, kapag ipinagpilitan ng pwersa ng pagsang-ayon
(ideolohiya) at karahasan (politika), ay nagiging tunay (real). Tulad ng pekeng pagkapangulo ni GMA, sa
pagdurog nito sa politikal na tumutunggali sa kanya, pati na ang oposisyong politika, at sa pagkumbinsi sa
higit pang neoliberalismo ng kapital at negosyo sa bansa ay nagiging katanggap-tanggap sa nakararami

bilang ang kasalukuyang imperatibo ng tunay. Wala nang papalag dahil sa karanasan ng pananakot at
panganib ng politikal na pagpaslang at ng karangyaan at kasiyahan ng paggasta at dayuhang kapital.
Nililikha ang gitnang uri bilang panuntunan ng pagdanas sa kasalukuyang pagsasabansa, lalo pa sa
malakolonyal at malapyudal na sistema na kayang-kayang pagsanibin ang karanasan sa karahasan at
kasiyahan sa pamamalakad ng pambansang pamahalaan.
Ang nangyayari sa mga aparatong kulturamedia, relihiyon, edukasyon at sining halimbawaay gawin
itong paramilitar o sumeserbisyo sa militarisasyon ng politikal na aparato ng estado. Tunghayan ang
gameshow na Wowowee, na ang isa sa likas na katangian ng format ay ang dispensasyon ng awa at tulong
(charity), hindi sa nangangailan kundi sa karakter na pinakarepresentatibo ng media-saviness. Ang
kontestant ay ginagawang tao hindi pa sa antas ng pagpapalalim ng pagkilala sa kanyang pagkatao, kundi
bilang isang liberal demokratikong tao na nagnanais mapabuti ang kanyang abang kondisyon o ang lagay
ng kanyang pamilya. Ang game show host ang representatibo ng media conglomerate na hindi lamang
namimili, kundi nagseset ng parametro ng kontest, nagpapakilala sa kontestants, nanghihimok ng
partisipasyon ng audience sa bahay, at nagbibigay ng pabuyang premyo sa pinaka-deserving na
kontestant. Siya na may media personality na makapagdispensa ng kapangyarihan ay nagmimimick ng
kapangyarihang kultura ng kapitalista at burgis kumprador ay naghahanap rin ng kahalintulad niyang
pinakarepresentatibo ng tagapagpadaloy ng kapangyarihan sa hanay ng kontestants. Ang kapitalista at
burgis kumprador naman ay gumagaya sa kapangyarihan ng estado. Para sa kapitalista at estado, ang
charity ang mekanismo ng pamumudmod ng ekonomiyang ganansya sa naghihikahos na nakararami.
Noong Pebrero 2006, para sa unang anibersaryo ng Wowowee na nagpakalat ng balitang dodoblehin ang
premyo, marami na ang pumila ilang araw bago ang palabas. Pitongput tatlo ang namatay sa stampede
nang magkagulo ang mga tao sa labas ng pila sa ULTRA Stadium hindi dahil sa pag-aakalang hindi sila
makakapasok kundi dahil sa balita na namang may perang pabuya ang unang ilang daang makakapasok.
Nakipagsapalaran ng kanilang buhay ang mga tao para sa balita, sa fantasya na makakapasok sila kahit
malinaw na sa dami ng bilang ng pumila ay hindi mapapagbiyan ang lahat. Walang paghahanda sa crowd
control dahil akala ay kakayanin na ng balita at impormasyon (tagapaghatid ng balita ng posibilidad na
makaangat) na madisiplina ang malaking hanay ng hindi lamang naghihikahos kundi yaon pang gustong
mapabilang sa nakakaangat na hanay. Silang nabubuhay sa kahirapan ay hinahayaang mamatay sa
kanilang paghihikahos.
Ilang araw matapos ang stampede ay nabura na ito sa alaala ng gitnang uring mamamayang kumondena
sa pangyayari. Hindi naman ito kaiba sa iba pang gawang-taong trahedya sa bansa, walang nangyayari sa
sampu-sampu, daan-daan o libo-libong buhay na namatay sa kasakiman ng kapitalista at paggarantiyang
seguridad ng estado sa kanilang tagapagtaguyod: 4,000 ang namatay sa paglubog ng Dona Paz noong
1987, tinagurian bilang pinakamalubhang maritime disaster sa postwar era; 5,000 hanggang 8,000 ang
nasawi sa flash flood sa Ormoc, Leyte noong 1991 dahil sa illegal logging; gayundin, 1,500 ang nabaon sa
putik sa Aurora at Quezon noong 2005.[33] Naabswelto ang mga kinasuhang opisyal sa 400 kabataang
namatay sa sunog sa Ozone Disco, at nananatiling nakatakas ang may-ari nito. Malinaw na hindi sa dami
ng bilang ng namamatay sa mga gawang-taong trahedya ang pinagtutuunan ng pansin sa trahedya kundi
ang paraan ng pag-manage ng trahedya bilang exemption o ang krisis na sandali, at ang kawalan nito
bilang ang normal o ang kawalan ng krisis. Pinapatingkad lamang ng trahedya ang pagdanas ng krisis
bilang normal at ang kawalan nito bilang exemption. Minomobilisa ng kapitalista at ng mga alipores nito
iba pang contract artist ng media conglomerate, pag-iyak ng host sa ibang show sa telebisyon, telebiswal
na pagpapamisa, at paghina ng coverage ng anti-GMA rallies, halimbawaat ng estadopakikiramay ng
pangulo, paghingi ng pondo sa publiko para sa biktima ng trahedya, paggawa ng fact-finding body, at iba
pa.

Ang trahedya ay hindi na lamang misrekognisyon ng krisis bilang karaniwang karanasan sa pagsasabansa
kundi sa pagtanggi na nagkaroon ng trahedya. Sa ganitong pagtanggi nagtatagumpay ang estado na
maghugas ng sariling kamay dahil ang trahedya ay nangyayari sa spero ng negosyo, kahit pa magkasiping
naman ang mga ito. Ang kultural na gawain ay ang pagbaklas ng tunay sa antas ng anti-administrasyon
(sa pag-igting ng pasismo at neoliberalismo) at anti-estado (na ang mga pangulo pa sa hinaharap ay lalo
lamang magpapaigting sa karahasan at kahirapan). Ang kulturang popular ay may afinidad sa kapitalista
at estado kaya ang tungkulin ng aktibistang kultural ay ang ideolohikal na pagbaklas nitokritikal na
pagbasa at pagtingin, at artistikong gamitkonsistent sa materyal na pagbaklas nito sa aktibistang
indibidwal at sa kanyang politikal na hanay. Ito ang pagpapatuloy ng comeback ng mga opresibong
trahedya ng mga luma, nakilatis na at patuloy na nagkakaroon ng kumikitang buhay sa kasalukuyang
kapitalismo.
Sa pagbabalik ng OCW na domestic workers mula sa ginigiyerang Lebanon, ginawang guests ang 235 na
OCW na tumakas sa giyera sa Wowowee noong 5 Agosto 2006, nagpamigay ng P1 milyong piso (ang
parehong halaga ng premyo sa anniversary show noong Pebrero) na pantay na paghahatian ng
kontestants. Kumpleto na ang comeback ng luma at ng binaong trahedya. Heto ngayon tayo sa mas
mabigat na trahedya na kahit na nasa harap na natin ay hindi pa rin nakikilala ang pagdating, pag-abang,
pagtunghay at pag-alis nito.
Ikatlong Eksena: Intelektwal Bilang Ubod ng Gawaing Kultural
Ang organikong intelektwal sa malay ng marxistang Antonio Gramsci ay nanggagaling mula sa hanay ng
kilusan, hinulma ng kilusan at nakakasagap ng lakas sa kilusan, gaya ng pagbibigay ng lakas niya rito.
Intelektwal dahil kritikalumuusbong na alternatibo at oposisyonalang kanyang inihahayag na
posisyong panlipunan at historikal. Siya ang kontra sa kultura ng namamayaning kapangyarihan. Ang
gawaing intelektwal, sa aking palagay, ang ubod ng gawaing kultural. Kung ang politika ay tumutukoy sa
pamamalakad ng pamahalaan na nilalahukan ng palitan ng pabor, ang politikal ay katawagan sa
transformatibo tungo sa mas egalitaryong kaayusan hanggang sa anti-estado. Maaring isipin ang kulturakultural sa ganitong pagpapakahulugan: na ang kultura ay tumutukoy sa ideolohiya at praktis ng
namayaning kapangyarihan ng estado at negosyo, at ang kultural ay ang transformatibong panlipunan.
Pinakaabante sa gawaing intelektwal ang manggagawang kultural dahil sa kanyang hanay nasisiwalat ang
pagpapalawak at pagpapalalim ng politikal na kaisipan, panunuri at pagkilos. Sila ang nagdaraos ng mga
ensayo ng aktwal na rebolusyon. Ang kaibahan niya sa proletaryado ay ang paraan ng pagkamulat na
hiwalay sa produksyon. Ang manggagawang kultural ay may ibat ibang pinanggagalingang uri ngunit
may kaisahan tungo sa pagbabagong ideolohikal na nakabatay sa sosyalistang hinaharap sa pagdanas ng
kasalukuyang kapitalismoat ang ideolohikal na ito na ang pangunahing sangkap ay intelektwal ang
siyang impetus para sa aktwal na gawaing politikal: sa partikular, ang pagpapalawak ng hanay ng kultural,
at sa pangkalahatan ang paghulma at pagsubstansya ng kamalayan at praktis na babalikwas sa
imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo.
Paano sasagkaan, halimbawa, ang pamamayani ng Hollywood na pelikula gayong ito ay napakalawak na
ng saklaw, hindi lamang sa Pilipinas maging sa buong bahagi ng mundo? Ang Hollywood films sa
partikular ang kumakatawan sa tinatawag na kultural na imperialismo o ang dominasyon ng
imperyalistang bansa sa industriyang kultural ng ibang bansa, ang kung magpagayon, ng hulmahang
kultural ng naturang mamamayan. Noong 2004, may 53 na pelikula na lamang na naipalabas mula sa
lokal na industriya sa Pilipinas. Noong 2005, ito ay 36 na pelikula na lamang. Lubhang mababa na ito
kung ikukumpara sa 1990s na produksyon na umaabot sa 150 pelikula kada taon, ginagawang isa sa
pinakamaraming pelikulang nagagawa ang bansa sa buong mundo. Wala nang makakatawad pa sa global
na pamamayani ng U.S. sa produksyong pampelikula. Noong 1998 ang overseas box office ng US ay

US$6.821 bilyon na halos katapat ng domestikong kita ng $6.877 bilyon.[34] Ang pinakapopular na 39 na
pelikula sa buong mundo noong 1998 ay galing ng U.S. kahit pa ito ay gumagawa lamang ng maliit na
porysento ng pandaigdigang feature film.[35] Sitentay singko porysento ng kita sa sinehan sa buong
mundo, at mas malaking porsyento kapag isinama ang video rentals at pagbenta nito.[36]
Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey, 52 porysento ng matatanda sa bansa ay nanonood ng
sineng Filipino ng isang beses o higit pa isang linggo pero 6 na porsyento lamang ang nanonood sa
sinehan.[37] 29 porsyento ang nanonood na lamang ng sine sa telebisyon, isang indikasyon ng paghihirap
ng buhay ng gitna at mababang uri.[38] Edukado ang manonood ng pelikulang Filipino: 49.4 porsyento
ay high school o nakapagkolehiyo, 18.9 porsyento na nakapagtapos ng elementarya o nakapaghigh school,
at 17.8 ay tapos ng kolehiyo o nag-aaral nang higit pa rito. Ang educational capital ay natatanghal sa akto
ng panonood ng sine, kakatwa na hindi na pejoratibong bakya crowd o ang mga di-aral ang manonood
ng pelikulang Filipino. Ipinapakita nito ang pagbabago ng paradigmatiko ng panonood ng sineito ay
hindi na batayang pangangailangan, ito ay luho na, gamit sa pag-eehersisyo ng gitnang uring identidad,
kahit pa nga sa telebisyon na ito tinutunghayan.
Ang pandaigdigang epekto nito ay malawakan din. Nagbagsakan na sa Europa at iba pang bahagi ng
mundo ang domestikong industriya: sa Germany, 10 porsyento na lamang ay kita mula sa lokal na
pelikula; Britain ay 12 porsyento; France ay 26 porsyento; Spain ay 12 porsyento; Canada, 2 porsyento;
Australia, 4 porsyento; at Brazil, 5 porsyento.[39] Ang kabuuang laki ng industriyang pampelikula sa
Europa ay 1/9 na lang ang laki kung ikukumpara noong 1945.[40] Dagdag pa, sa Western Europe noong
1985, 41 porsyento ang kita ng Hollywood na pelikula, at ng 1995, ang kita ay lumaki sa 75 porsyento.
[41] Mula sa kitang $11 bilyon sa pag-export ng pelikulang Hollywood noong 2002, ito ay lalaki sa $14
bilyon sa 2004, at inaasahang kumita ng $24 bilyon sa 2010.[42] Kaya ang dating kita na 50 porsyento ng
pelikulang Hollywood mula sa ibayong dagat ay lalaki pa hanggang sa 70 porsyento.[43] Natitiyak ng
World Trade Organization at General Agreement on Tariff and Trade ang pagdaloy ng pelikulang
Hollywood sa higit pa nitong paglaganap sa ibang bansa dahil walang lubos na lokal na industriya,
maliban na lamang siguro ang India at China, ang makakatapat dito.
Ang unang antas ng pagsagka ay ang kritikal na pagbasa sa pelikulang Hollywood, ang hayag at kubling
ideolohikal na plataporma nito, ang paglalatag ng mga detalye at kabuuan ng panggitnang uring
karanasan sa liberal na demokrasya. Kinakailangan dito ng literacy training na naghahayag ng mga
kritikal na kapamaraanan ng pagbasa, panonood at pagtunghay sa pelikula at iba pang media. Ang
layunin nito ay lumikha ng antas ng kritikalidad sa hanay ng mga indibidwal at ng sektor na mahalaga sa
paggiya ng materyal na artistikong produksyong sasagka sa ideolohikal na agenda ng pelikulang
Hollywood at iba pang objek ng kulturang popular. Sa antas ng artistikong produksyong kultural, maaring
lagumin ang karanasan ng nagsulputang documentary film collectives sa ibat ibang rehiyon. Ang
documentary film collectives, tulad ng Southern Tagalog Exposure, Sine Patriyotiko (Sipat ng Metro
Manila), Kodao, at iba pang grupo sa Bikol, Central Luzon, Kordilyera, Ilokos, Visayas at Mindanao, ay
binubuo ng mga aktibistang kabataan na filmmakers.
Ang proyekto ay kulturalartistikong produksyon ng kontra-estadong mga dokyu (dokumentaryong
pelikula) na ang pangunahing layon ay magturo ng pagsusuri sa mga isyu at pangyayari at politikal
pagtaas ng panlipunan at historikal na kamalayan, pag-organisa at pagmobilisa. Kultural ang proyekto
dahil rin ito ang paglikha ng kultural na akda ay nakabatay sa politikal na kilusang masasa pag-aaral ng
kondisyong panlipunan at pangkasaysayan at mula rito, pag-angkat ng kontra-estadong pagsusuri sa mga
kasalukuyang isyu at kaganapan. Iba rin ang moda ng produksyonkolektibo ang proseso ng artistiko at
lohistikal na pagdedesisyon, multi-tasking ang filmmakers (kadalasan, editor, cinematographer, direktor,
scriptwriter, at iba pa sa iisang pagkatao), low-budget, issue- at cause-oriented ang motibasyon ng

paglikha, ibinabalik sa masa ang nalikhang pelikula. Ang inilalahad ng gawaing kultural ay ang
itelektwalisasyonsa artistikong politikal na kapamaraananng isyu. Parang nag-iisip pa rin sa mas
malaking kahon ng politikal sa gawain na gamit ay lente ng kultural na diin ng masining at mapagturong
kapamaraanan. Ang kasiningan nito ay nagmumula sa kakayahang bumaklas ng namamayaning
kapangyarihan at magtatag, kapalit nito, ng alternatibo o oposisyonal na pinagmumulan ng
kapangyarihan, mula sa hanay ng nakikibakang masa.
Ikaapat na Eksena: Gawaing Kultural Bilang Gawaing Politikal
Ang gawaing kultural ay gawaing politikal sa ilang mga antas: sa indibidwal na aktibistang antas, ang
kultural na internalisasyon sa pang-araw-araw na buhay na nadudulot ng maraming katanungan hinggil
sa kontradiksyon ng posisyong gitnang uri sa kamulatang makamasa; sa loob ng hanay, ng artistikong
produksyong kultural bilang moda ng pagtaas ng kamulatan, pagmomobilisa at pag-oorganisa, tulad ng
pagwelga sa manggagawa bilang impetus ng pagtaas ng kamulatang politikal at kultural; sa labas ng
hanay tungo sa mas malaking kilusang politikal, ang kultural na pananaw sa politikal na isyu at
kaganapan bilang paraan ng konsolidasyon ng muestra at pagkilos. Maari ring ilahad ang proposisyong
ang gawaing politikal ay gawaing kultural hindi lamang sa kumprehensibong pagsinop ng politikal na
pagsusuri na naglalahad ng makabago (sosyalista) na paraan ng pananaw, pag-iisip at pagkilos kundi sa
mulat na internalisasyon ng politikal at kultural bilang magkahalintulad at produktibong nakikipag-usap
na pwersa sa rebolusyonaryong gawain.
Kung magkagayon, maari tayong tumunghay sa posibilidad ng mga gawain: sa hanay ng kultural, digital
feature films dagdag sa mas mahabang panahon sa pananaliksik sa full-length na documentary films o
dokyung iglap na kagyat na nakakatugon sa kahilingan ng napapanahong isyu, live animation
(tinutunghayan ng kamera ang mga model figures at kapaligiran) na naglalahad ng mga progresibong
kwento, makabayang sing-a-long videos, literary readings na high tech at may vcd at dividi, multi-media
dance presentation, at tungo sa tunay na second-generation sa visual arts, halimbawa; sa hanay ng
politikal, kultural na manggagawa sa ibat ibang hanay, cultural nite bilang anyo ng konsolidasyon,
writing at performance workshops sa loob ng piketlayn o mass leave ng mga guro at kawani sa gobyerno,
mass leader na nakakatula at nakakaawit, at matulain na palaban na kilusan, halimbawa. Kung walang
nasa labas ng namamayaning kapangyarihan at kulturang popular, ang kapamaraanan ng pagbalikwas
mula sa loob ay nangangahulugan ng higit pang pagkamalikhain at politisadong kapamaraanan,
hanggang ang kulturang popular, sa abot ng makakaya, ay maging kulturang mapagpalaya nang
nakararami.
Ang mga posibilidad ng politikal sa pamamagitan ng gawaing cultural ay imperatibo sa pambansang
kondisyong malakolonyal at malapyudal na tumutukoy sa kondisyon ng lampas ng 700 at tumataas pang
bilang ng politikal na pinaslang, at walang nakukulong, nasasakdal at napaparusahan sa isang banda, at
tumitindi pang pagbaba ng sweldo at kawalan ng seguridad sa trabaho, pabigat na kahilingan ng gawain,
call center at pag-OCW bilang tanging kambal na opsyon ng bagong graduate, pagbukas ng
pinakamalalaking malls, sa kabilang banda.[44]Ang tanging kalayaan sa kasalukuyan ay ang
mapanlikhang posibilidad ng aktwal na paglaya. Ang pag-ehersisyo at pag-eensayo ng kalayaan sa
posibilidad ang tutumbas sa rebolusyonaryong pagkakamit nito sa hinaharap. Kung gayon, ang gawaing
kultural at kultural na produksyon sa kasalukuyan ay nagaganyak sa mamamayan para sa rebolusyon.

kulturang
popular sa
bawat
henerasyon
Sabado, Mayo 19, 2012

Reaksyon sa Pirated DVD

Sa bawat araw marami ang na aadik sa tinatawag nating pannood ng mga


pelikula pero para sa akin nasa kultura na natin ang ganitong gawain buhat
pa noong tayo ay nagkaroon o na imbento ang mga pelikula isa na dito ang
panonood natin sa sine, pero na iisip ba natin ang epekto o mga nagawa
natin para lang makapanood ng mga bagong pelikula tulad ng pagbili ng mga
piratang DVD. Hindi natin makakaila na na-aadik na tayo sa ganito pero
bahagi na rin ng isang kulturang popular ang pagbili ng mga piratng DVD.
Sapagkat kapag ikaw ay bibili ng orihinal ay napaka mahal pero kung pirata
ay mura almang ganyan ang mga nasa isip ng mga tao ngayon. haindi
masama ang maging masaya pero hindi natin iniisip na nakakagawa tayo ng
masama sa atin kapwa sinisira natin ang kanilang kabuhayan at mas lalo pa
natin ipinapakita sa mga bata ang masamang gawain. kaya't isipin mabuti

ang ginagawa sa ngayon dapat ang gobyerno ang nagkokontrol o nagpapakita


ng maling ginagawa sa pagpuksa pero pawang sila pa ang nangunguna sa
ganitong gawain.
Ipinaskil ni jovelyn sa 6:30 PM Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Reaksyon sa Online Games

Sa pagdaan ng panahon marami sa atin ang nahuhumaling sa tinatawag


nating Online Games, subalit tama ba na tangkilikin natin ito? Hindi natin
makakaila ang pagiging popularidad ng Online Games sapagkat marami sa
mga kabataan ang na aadik sa ganitong Kulturang Popular at ang iba pa nga
dito ay naaapektohan ang kanilang pag-aaral.Sa aking pananaw ay hindi
masama ang mabigyan ng kasiyahan ang mga kabataan natin ngunit dahil na
rin sa maling paggamit at subrang paggamit sa online games nagiging
masama ito sa atin.Kailangan ang gabay ng mga magulang at tamang pag
unawa sa mga bata at ipa intindi sa kanila ang mga dapat na gawin. Subalit
may ibang mga magulang ang pinababayaan ang mga anak sa ganitong
gawain.
Ipinaskil ni jovelyn sa 3:30 PM Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Biyernes, Mayo 18, 2012

Reality show bilang isang kulturang popular

Marami sa atin ang tumatangkilik sa mga reality show, pero alam ba natin na
marami itong nadulot na masama at mabuti para sa tao? Alamin muna natin
ang tinatawg na reality show, reality show ang tawag sa mga palabas sa
telebisyon tulad ng PBB, Wow mali, The biggest loser, Survivor at iba pa na
kung saan ay pawang makatotohanan hindi scripted at lalong-lalo na
naipapakita ang totoong reaksyon ng isang tao. May mabuting nagawa ang
reality show isa na dito ay ang ipinapakita ang tunay na ugali ng isang tao,
may napupulot din tayong mabuting aral at higit sa lahat ay nagbibigay ng
kasiyahan sa lahat, ngunit kung may mabuti man itong nagawa o naidulot
mayroon din itong masamng na naidulot sa atin isa na dito ang kawalan ng
oras sa iyong ginagawa, pinapahina ang ating memorya o katalinuhan , pagka
adik at mayroon din tayong makikita na hindi magandang ugali kaya ay
ginagaya ito ng mga kabataan. Maaari natin ito maiwasan kailangan ay
nandiyan ang mga magulang upang gabayan ang kanilang mga anak sa
panonood at upang maiwasn ang ganitong pangyayari katulad ngayon sa PBB,
ang mga kabataan sa loob ng bahay ni kuya ay sila yung ginagawang modelo
o tinatangkilik ng maga kabataan ngayon.
Ipinaskil ni jovelyn sa 4:30 PM Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Huwebes, Mayo 17, 2012

Fashion at Metrosexual

Fashion at metrosexual isa sa mga kulturang popular, una natin


bigyan ng reaksyon ang Fashion, fashion ang tawag sa mga usong damit,
accessorya ,sapatos,bg at iba pang mga bagay na tumutukoy sa fashion. ang
bawt tao ay may kanya-kanyang istilo sa pananamit na kung saan ay
naipapakita ang kanilang uagli, subalit hindi lahat ay mahuhusgahan natin
ang kanilang personalidad may mga tao talagang likas na sa kanila ang
pagiging sunod sa uso o fashionista, fashionista naman ang tawag sa mga

taong labis na tumatangkilik sa mga produktong popular talaga at ito ay


inirarampa nila saan man sila pumunta, ngunit may ilan naman sa kanila
ginagamit ang fashion upang matago nila ang kaniulng pagkatao at dito
papasok ang tinatawg nating metrosexual na kung saan yung mga lalaking
napagkakamalan na bakla , dahil sa kanilang mga gawain na daig pa ang
mga tunay na babae sa pagpapaganda at pag-aayos. Alam naman natin na
malaki ang ating paghanga sa mga metrosexual dahil sa kanilang karisma na
naipapakita sa madla, at nakakatutulong din ito sa kanila lalong-lalo na sa
mga artista upang maging maayos at kaayaaya silang tignan, ngunit hindi
lahat ng metro ay ganito may mga metrosexual din na tinatago ang kanilang
pagkatao sa madla kaya ang iba ay malayang nakikipagsalamuha sa ibang
tao. Kaya kung minsan ay hindi natin matukoy na tunay na lalaki ba sila o
pawang pagkukunwari lamang ang ginagawa nila. Marami sa atin ang nag
iisip na tama ba ang pagiging metrosexual ng isang tao.
Ipinaskil ni jovelyn sa 4:30 PM Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Miyerkules, Mayo 16, 2012

Teknolohiya isang Kulturang Popular

Ang kulturang popular ay maraming nagawa sa atin. Dahil sa paglaganap ng


kulturang popular marami itong nabuhat na mga pagbabago na kung saan ay
masasabi nating nakadulot ng malaking epekto sa mga tao.Mga epektong
nakatulong sa ating pang araw-araw na pamumuhay kagaya ng paggamit ng
cellphone na nakatulong upang magkaroon ng komunikasyon kahit na
magkalayo pa ang mga tao, computer na isa pang teknolohiya na naglalapit
sa mga tao dahil sa social networking site na nagkokonekta sa mga tao sa
iba't-ibang lugar at mga iba pang teknolohiya na nakatulong para punan ang
ating mga pangangailangan . Bagama't maraming kabutihang naidulot ang
kulturang popular sa atin, may masama rin itong epekto gaya lamang sa
sobra nating pagkadepende sa cellphone lahat na lang ng tao ay dinadaan sa
text ang interaksyon na nabubuo sa mga tao na kung saan ay masama ito.

Kaya't lagi lamang nating pakakatandaan na lahat ng sobra ay


nakakasam, at lahat ng bagay ay may hangganan, kaya tayo ay maging
responsable sa ating ginagawa, maglagay tayo ng limitasyon sa paggamit ng
bagay-bagay at higit sa lahat dapat matutong makontento.
Ipinaskil ni jovelyn sa 4:30 PM Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Martes, Mayo 15, 2012

Pagkain anyo ng Kulturang Popular

Alam naman natin na mahilig tayong mga pinoy sa iba't-ibang uri


nag pagkain mapa mura man ito at kahit saan ka man pumuntang lugar o
probinsiya makikita ang tatak ng bawat probinsiya sa pamamagitan ng kanikanilang mga pagkain na inihahanda ng kanilang mga mamamayan. At ang
mga pagkain na lalong nakikilala ay parte na rin ng isang kulturang popular,
sapagkat tinatangkilik natin ang mga mga ito hindi natin iniinda ang
kahirapan ay kung may matitira pa bang pera sa atin, pero hindi lahat ay
makakakuha ng abot kaya dahil pawang may pera lamang ang may
kakayahang bumili ng tinatawag nating mga popular na pagkain, alam naman
natin bawat panahon ay nag-iiba ang lasa ng tao sa pagpili ng pagkain subalit
napapalitan ito ng mga bago pang tuklas na pagkain na kung saan ay habang
tumatagal ay nagiging mahal ang kalidad nito. Ngunit sa kaligayahan na
ibinibigay ng mga pagkain ay nawawala ang pangamba sa kamahalan ng
pagbili nito, ganyan ang tinatawag nating satispaksyon sa isang kulturang
popular.

Reality TV sa Mahirap na Bansa (repost) ni Ilang-Ilang D.


Quijano
Reality TV sa Mahirap na Bansa
ni Ilang-Ilang D. Quijano
Nakikipagsabayan ang reality TV shows sa telenovelas na tinatangkilik ng mga
Pilipinong manonood tuwing primetime. Hindi kasi nagkakalayo ang aksiyon,
drama, at katatawanan na nasasaksihan sa reality TV shows at telenovelas.
Parehong pinagbibidahan ang mga ito ng pinakasikat at pinakapaboritong mga
artista. Ito ang reality TV sa Pilipinas halos walang pinagkaiba sa iba pang
porma ng libangan/aliw na ginagamit ang karaniwang pormula na lights,
camera, action! upang itakas ka mula sa katotohanan.
At tulad ng iba pang porma ng aliw, hinalaw ng Pilipinas ang reality TV shows
nito mula sa mga palabas na unang sumulpot at sumikat sa US tulad ng Survivor,
The Bachelor, Fear Factor, American Idol, at iba pa.
Binansagan na reality TV ang mga nasabing palabas dahil inilalagay nito ang
mga
ordinaryong tao sa mga kakaibang sitwasyon upang maipakita kung ano ang
mararamdaman, maiisip at ikikilos ng mga ito. Pinagkukumpitensiya ang mga
bida
sa isat isa upang makamit ang isang premyo tulad ng pera, pagpapakasal, o
career sa showbiz.
Sa Pilipinas, nag-umpisa rin ang reality TV sa pagtatampok sa mga ordinaryong
indibidwal na sinasabak sa ibat ibang mga pagsubok, sa mga laro sa noontime
variety shows at quiz shows. Pero sa kalaunan, nagpokus ang reality TV sa mga
artista o di kayay sa mga taong nais maging artista.
Halimbawa nito ang Star Circle Quest at Starstruck, na pinipili at hinahasa ang

kontestant upang maging artista. Sa mga palabas na ito sumikat ang mga tulad
nina Hero Angeles, Sandara Parks, Jennylyn Mercado, at Mark Herras.
Samantala, sa Extra Challenge, sinusubok sa ibat ibang uri ng hanapbuhay ang
mga artista. Dito nasaksihan ng mga manonood maging domestic helper sa
Hongkong
si Rosanna Roces, magpasada ng traysikel ang Viva Hot Babes, at iba pa.
Maging ang prank shows ay nagbago lipas na ang Wow Mali ni Joey de Leon,
uso
na ang pambibiktima sa mga artista sa Victim Extreme. Ang drama shows tulad
ng
Maalala Mo Kaya ay nagmimistulan na ring reality TV, sa pamamagitan ng
pagtampok sa buhay ng mga artista kaysa buhay ng karaniwang letter-sender.
Showbiz: mabilisang pag-asenso
Ayon kay Rolando Tolentino, propesor sa University of the Philippines College
of Mass Communications at tanyag na kritiko ng kulturang popular, ang
pagtampok
ng mga artista sa reality TV ay tinatawag na double spectacularization upang
tumaas ang ratings ng mga palabas.
By itself, ginagawang spectacle ng mass media kung ano man ang ibalita nila,
pero kapag ginawa mo pang celebrity ang laman, mas patok, paliwanag ni
Tolentino.
Sinabi ni Tolentino na ginagamit ng mga TV networks ang pagkahumaling ng
mga
Pilipino sa mga artista at sa pangarap ng pagiging artista, o ang tinatawag na
celebrity worship syndrome.
Noong unang ipinalaganap ng mga Amerikano ang industriya ng showbiz sa

Pilipinas, kailangan ng diploma sa kolehiyo para maging isang artista, na


karaniwang mula sa hanay ng middle hanggang upper class. Pero dahil sa
katotohanang karamihan sa mga Pilipino ay hindi nakakapag-aral, nagiging
kapital laluna ng mga kabataan ang kanilang katawan para makapagtrabaho at
makapasok sa showbiz, lalo na sa mundo ng aliw. Dahil na rin sa kabiguan ng
estado na magbigay ng trabaho sa mamamayan, umaasa ang marami na sa
pag-aartista ang mabilis na paraan para kumita at umasenso sa buhay.
Kung may hitsura ka naman, maganda ang iyong pangangatawan, pwede mong
pangarapin na iangat ang pamilya mo sa pamamagitan ng pagsali sa showbiz,
sabi
ni Tolentino.
Sa Star Circle Quest at Starstruck, pinapakita kung paano umaasa ang pamilya
ng
mga kontestant na mareresolba ng kanilang pagsikat ang ibat-ibang mga
problemang pampinansiya. Sa murang edad, inaasahang maging breadwinners
ang
mga ito.
Mapupuna ito lalo na sa palabas na Starstruck Kids, na ang kontestants ay edad
5 hanggang 7 taong gulang. Nang itanong kung bakit sumali sa show, isinagot ng
mga bata ay: Para magkaroon ng maraming pera o Para matulungan ang
mommy at
daddy ko na makabili ng bahay. Mahigit 30% ng mga bata ang nagsabing ang
mga
magulang nila ang nagtulak sa kanilang sumali.
Ayon kay Tolentino, isang trahedya na ipapapasan ng pamilya sa bata ang
responsibilidad na iangat ang kabuhayan at iahon mula sa kahirapan.
Ngunit sa binibigay na big break ng mga networks sa kanilang mga alagang
kontestants, umaasa ang maraming pamilya na mai-aangat ang kanilang
kabuhayan

mula sa kahirapan. Sa kabilang banda, nagbibigay daan ito sa mga netwroks


para
sa pagsasamantala. Naniniwala si Tolentino na higit pa ang nahuhuthot ng mga
TV
networks sa mga advertisers mula sa talento ng mga nanalo sa reality TV shows
kaysa premyong napagwagian nila. Napabalita kamakailan ang umanoy
pamamaos ni
Sarah Geronimo dahil sa sobrang dami ng komitment sa showbiz.
Dahil sa horizontal production ng malalaking networks na mayroong TV,
recording, at pelikula, naipapasok sa lahat ng larangan ang nagwaging
kontestants habang mainit pa na tinatangkilik ng manonood, kayat burnout ang
kalalabasan ng artistaNagtrabaho ka na para makasali sa kontest, nagtrabaho
ka
na para manalo, nagtatrabaho ka pa para makuha yung premyo mo. Ito yung
sukdulang paghahawak ng kapitalista sa katawan ng mga gustong makaangat sa
lipunan, sabi ni Tolentino.
Pagsubok lamang
Kung talento sa pag-aartista ang isinusubok sa mga palabas na Star Circle Quest
at Starstruck, pangaraw-araw na survival skills ng mga artista naman ang
tampok
sa reality TV show na Extra Challenge.
Ayon kay Tolentino, ginagawang middle-class ang mga hanapbuhay ng mga
Pilipino
na kapit sa patalim tulad ng pangingibang-bansa o pagsasaka. May choice
ang
mga artista. Ginagawa nila yon para sa national television, di tulad ng ng
ordinaryong tao na yun ang mode of existence.
Dahil dito, ginagawa umanong lehitimo ng telebisyon ang mga problematikong

identidad ng OFWs (overseas Filipino workers), underemployed, at iba pang


mamamayan na naghihikahos upang mabuhay.
Sa mga ganitong palabas, nakikita rin ang laki ng agwat ng nakakaangat at
mahihirap sa lipunan. Halimbawa, nang mahimatay si Ciara Sotto habang
nangangalahig sa Payatas, agad itong sinugod sa kanyang magarang mansiyon sa
White Plains, isang kakaibang mundo kumpara sa pinasukang challenge.
Samantala, sa Victim Extreme, napapaganda ang delikadong pamumuhay sa
bansang
Third World, ayon kay Tolentino.
Aniya, Yung reality sa Pilipinas, nangyayari talaga yon kahit walang show,
nanakawan tayo ng cell phone, nahuhuli tayo ng pulis, nababangga yung kotse
natin. Kaya kung ilagay mo pa sa telebisyon, naga-glamorize yung materyal na
kondisyon na meron tayo. Ginagawang magaan ang isang bagay na
seryoso.(lighthearted yung something very serious.)
Sa kabilang banda, hindi naman pinapakita ang pampulitikang pambibiktima
tulad
ng welga ng mga manggagawa o anupamang kilos-protesta, dahil masyadong
radikal ang mga ito sa totoong buhay.
Hindi rin nakakaaliw makita ang buhay ng isang kapwa-lugmok sa kahirapan,
kaya
itinatambol maging ng drama shows tulad ng Maalala Mo Kaya at
Magpakailanman
ang buhay ng mga artista, na bagaman dumaan sa mga problema ay itinawid sa
buhay ng kanilang kasikatan.
Bakit mo gustong makita ang buhay ng kapwa mo, samantalang ganoon din ang
buhay mo? Gusto mong makita ang pagkakahalintulad ng buhay mo sa
miserableng
buhay ng nakakaangat, sabi ni Tolentino.

Katotohanandad nga ba?


Sinabi ni Tolentino na ang kapit ng showbiz sa reality TV shows ay bahagi ng
kabuuang trend sa mass media na infotainment, o paghahalo ng impormasyon
at
aliw, para kumita ang networks sa isang banda, at para panatilihin ang
kasalukuyang kaayusan sa lipunan sa kabilang banda.
Hindi na importante yung sumabog na bomba sa Iraq, mas interesado tayo sa
ending ng Sanay Wala Nang Wakas, aniya.
Bagaman halaw sa mga totoong buhay o pangyayari, tulad ng anupamang bagay
na
ibinebentang pang-aliw, minamanipula ang reality TV shows upang maipakita
ang
isang mundong malayo sa katotohanan.
Isang mundo na nagiging pobre ang artista matapos pagsawaan ng manonood at
pagkakitaan ng industriya, na hindi lamang pinagsasayaw ng otso-otso ng pulis
ang kinikidnap na kamukha ni Sandara, na ang anak ng isang senador ay hindi
naghahanap ng kanyang hapunan sa basurahan.

Ni ROLANDO B. TOLENTINO
Kulturang Popular Kultura
Bulatlat.com
Iba-ibang panahon, iba-iba ang genre na tinatangkilik sa telebisyon. Minsan
ay namumutiktik ng gameshows sa panahong matapos ang Asian crisis ng
1997, patungo sa kasalukuyang krisis ng 2009. Nagtransforma ang ibang
genre: mula sa walang katapusang melodrama series kung saan nakita natin

ang kamusmusan at pagdadalaga ng mga karakter ni Janice de Belen at Julie


Vega, tungo sa mabilisan pagsasalansan ng teleseryeng pinagbibidahan ng
it boy at girl ng malalaking studios.
Ang kasalukuyang telebisyon ay pinamumutiktikan ng reality TV, mga quest
show na isa-isang tinatanggal ng loob (talunang tribu sa Survivor, o
nomination sa Big Brother, at ng mga jury at home televiewers sa
pamamagitan ng text voting) hanggang ang pinaka-morally upright ay
magtagumpay.
Ito ang template, bagamat mayroong variation. Una ay ang weekly shows na
may quest saga rinpakikibaka para sa isang obhetibopero ito ay
pinapalitan kada episode. Ikalawa, ang paglahok ng material na realidad sa
ibang genres. Sa Wowowee, halimbawa, ang pagpasok ng individual na
background sa kahirapan at kasalukuyang predikamentong dulot nito sa
paglahok sa ibat ibang kompetisyon.
At ikatlo, ang news magazine show na mayroon nang quest din, hindi na
lamang simpleng explorasyon sa buhay ng mga sabjek ng dokumentaryo.
Halimbawa nito ang Imbestigador at Bitag na naglalayong i-caught-in-the-act
ang mga inaakalang mapang-abusong objek ng paghihinagpis ng
nadehadong sabjek, kundi man, ang isinasakdal at nililitis bilang imoral sa
uniberso ng morally upright na uniberso ng news investigation format ng
telebisyon.
Ang kasalukuyang namamayaning reality TV ay hindi katatakang halaw sa
franchise ng global na TV. Pinoy Idol, Project Runway, Big Brother at Survivor
Philippines ang ilang halimbawa nito sa panahong may pagkakaiba ang
kontexto ng US (Netherlands sa kaso ng Big Brother) sa partikular na
pinaghahalawan ng maraming inangkat at nilokalisang reality TV sa bansa.
Hindi nga bat hindi naman lubos ang pagtanggap sa Pinoy Idol kahit pa ito
ang bansang magaling ang talento sa plakadong musikang ipinagtagumpayan
nina Charise Pempengco at Arnel Pineda?

Hindi rin kakatwa na marami sa inangkat na palabas ay papalaos na sa


marami nitong pinag-angkatan. Tapos na raw ang great era ng reality TV sa
US dahil lahat na lang ay nagkaroon ng reality TV shows. Di nga bat ang
aspirasyon ng mag-asawang nag-videotape ng hot air balloon na inakalang
pinagtaguan ng kanilang anak ay upang magkaroon ng sariling reality TV? At
lahat ng maiisip na has-been at aberrant figure sa pop culture ng US ay
nagkaroon na ng sarili rin nitong reality TV.
Marami nang paliwanag sa fasinasyon sa voyeuristikong kultura ng reality TV.
Gusto natin na mamboso sa buhay-buhay, lalo na sa mga katawan at
mobilisasyon ng sexualidad nito, sa pang-araw-araw na tunguhin ng mga
tauhan sa reality TV. Gusto nating mabuhay vicariously sa pamamagitan ng
ibang tao. Kung lulubog, sila ang lulubog. Kung may elimination challenge,
sila ang magkakakundarapa para makaagapay at magtagumpay. Kung may
immunity challenge, sila pa rin ito.
Habang tayo ay nasa sekuridad ng sala o tulugan, hindi tayo ang lubos na
nahihirapan. Namumuhay lamang tayo sa pagkatao ng mga tauhan sa reality
TV. Na hindi naman hiwalay sa kondisyon ng malling at gitnang uring
aspirasyon. Nagmo-malling tayo at natatanaw ang paghihirap ng ibang mas
dusta ang buhay kaysa sa atin. Pero wala tayong gagawin. Kundi man,
natatanaw natin ang gitna at elitistang uring aspirasyon. At dahil hindi natin
makakayanan ang gastos ng pamimili, namumuhay tayo vicariously sa mga
mas mataas na panandang-marka ng gitnang uring buhay sa labas natin.
Ito ang kondisyon ng aquarium na idindiin ng reality TV. Nililikhang
seperadang mundo ang tunay at historikal sa isang banda, at ang fantasya at
palabas sa kabilang banda. Na ang nagaganap na direktang kumpetisyon sa
Survivor at tasitong kumpetisyon sa Big Brother ay kaiba sa kapitalistang dikta
ng Darwinian na kumpetisyon na may variasyon: survival di na lamang of the
fittest, pero survival of the most morally upright (sa kapitalismong kaayusan,
na kahit sa esensyal ay exploitatibo ay ipitatamo sa kompetitor na pinakamakatao pa rin ang pakikitungo), pati na rin of the hunkiest and prettiest of the

lot (walang mananalong pangit sa musical competition dahil hindi marketable


ang pangit).
At ang kakatwa rito, iisang tao (ang manonood mismo) ang nagpapatagos ng
distinksyong ito. Nagtagumpayan nang gawin ng kapitalistang sistema ang
individual na manonood bilang taga-filter ng lohika at etika nito: na sa lohika
ay nagpapanatili sa kanya bilang pasibong spectator (kahit pa sabihin sa
cultural studies na aktibo ang manonood na labanan at makipagnegosasyon
ng kahulugan mula sa namamayani at nagpapatagos na kaayusan), at etika
na nagpapakiling sa kanya sa kumpetisyon bilang larangan, at ang
magtatagumpay bilang pinakanararapat.
May ilang nakapagsabi sa akin na kung gusto ko raw mag-relaxmakapagmeditate nang dilatbumili raw ako ng aquarium. Una, dadalhin ako nito sa
ibang uniberso na hindi ko natutunghayan sa ordinaryong buhay sa lupa.
Ikalawa, hindi kumikibo ang natutunghayan ko, parang hindi nila ako nakikita.
Mayroon silang ibang mundong iniinugan. Kaya hindi ako mahahawaan ng
kanilang kumpetisyon sa pagkain o isat isa na nagaganap pero hindi ko
natutunghayan.

Media at Kulturang Popular


(Introduksyon sa Plaridel Journal)
by rolandotolentino
Media at Kulturang Popular
Malaki ang papel ng media sa pagpapalawak at pagpapalalim ng kulturang
popular. Hindi nga bat hindi magiging popular ang kulturang popular kung
walang media na nagbibigay katangian ng mass (pangmalawakan, lalo na sa
hanay ng underclass), mediated (pinatagos at intervened ng media) at

overdetermined (kay Althusser na konsepto ng interrogated ng mga aparato ng


estado, kung saan ang media ay may malaking bahagi dito)?
Matingkad ang media sa pag-unawa kung paano gumagana ang kulturang
popular. Ang media ay ipinopostura bilang egalitaryo, may misyon at serbisyo
ang pangunahing layunin. Sinasambit ng media na para ito sa paghahatid ng
balita at programang walang pinapanigan. Walang self-reflexivity ang media
dahil tila hindi nito pinag-uukulan ng interes ang sarili gayong wala naman
talaga itong layunin, tulad ng kalakaran sa negosyo, kundi kumita. Nagbabalita
ito para kumita, nakikipagkapwa-ko-mahal-ko para kumita, umuugnay sa mga
kapusot kapamilya para kumita. Ginagawa ang pagkita na tila nanunuluyan sa
mamamayan at sambayanan, kaya paratihan, may periodikong serbisyo publiko
ang media lalo pa sa pahanon ng likhang taot kalikasan na disaster. Hinihimok
tayong magbigay sa mga nasalanta ng bagyo at pagguho ng mga kabundukan
kahit pa walang paghihimok na tumulong sa pagsasakdal ng mga salarin gayong
nasa puwesto naman para gawin ito.
Itinatago ng industriya ng media ang kanyang sariling interes sa pamamagitan
ng paglalatag ng mga misyong pangkorporasyon, tulad ng in the service of the
Filipino people. Kagyat tayong ginagawang poder ng paglilingkuran at
hinihimok tungo sa mabuting pagkamamamayan. Serbisyo-publiko sa
pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyong makakapagpadesisyon sa
mamamayang manonood-tagapakinig-tagapagtangkilik tungo sa ikabubuti ng
kanilang panlipunan at historikal na posisyon. Minamaso ang serbisyong ito na
tila nga ba hindi nakakawing sa pangunahing interes ng industriya ng negosyo.
Sa kasalukuyang punto ng ating pagtunghay sa telebisyon, ang balita ay
nagiging infotainment, kumpleto sa music track sa pagdulog ng
pinakamarahas na karanasan sa krimen, kawalang-katarungan at kahirapan.
Ibinebenta ang mga tagapaghatid ng balita bilang mga personahe ng showbiz, at
ang mga ito may ginagawang endorsers na manghihimok sa odyens na
tumangkilik ng mga produkto.
Ang balita ay nagiging showbiz at ang showbiz ay nagiging balita. Tila mas
naninikip ang mga dibdib ng mga tao sa proliferasyon ng sex videos nina Piolo
Pascual at Ethel Booba kaysa sa 66 na pinatay na peryodista simula pa 1986 at
49 na aktibistang lider ng mga progresibong organisasyon simula noong 2001.

Ang korporasyon na nagpasikat sa mga personahe sa multi-media na telebisyon,


pelikula, publikasyon, musika at radyo ay siya ring gumagawa sa mga naturang
personahetulad ng 24 oras na serbisyo ng pandesal de pugonbilang
pinakamainit na balita. Sila na may kontrol sa industriya ang siyang may hawak
ng mga ibat ibang pinto nitomula sa sandamakmak na aspirants ng star
searches hanggang sa grupong exklusibong humahawak ng kanilang training,
hanggang sa drama serye, noontime show at gameshows na kanilang lalahukan,
hanggang sa recording studio na maglalabas ng kanilang album at magtitiyak ng
kanilang promotion sa mga fiesta, mall at bar tour, hanggang sa may dambahin
ang masa bilang natatangi. At ang kawawang Cinderella/o, pupulbusin ng
mismong korporasyon ang mahabang maigsi nitong komersyal na buhay
hanggang sa marami sa kanila ang matira na lamang sa laylayanmga labi at
latak ng naunat nagtangka, nagtagumpay pero hindi lubos, tinangkilik sa isang
partikular na panahon at pangangailangan ng fans at mamimili.
Ang interarktibong partisipasyon ng fans, personahe at korporasyon ay
nagtitiyak na ang fans ay hindi lamang mga sekular na relihiyoso kundi mga
mamimili, ang artista bilang komersyal na santo at ang korporasyon bilang
dambana ng pangangailangan, pananalig at pag-asa. Sa bawat pagtext sa
Debate, pagpila ng kontestant at papili ng home partner, sa direktang pag-adres
ng tagapaghatid ng balita, tinutunghayan ang manonood bilang hayagang
kinakausap para mamili (to choose at to shop), na kakatwa ang salita dahil
sabayan nitong natuhog ang dalawang akto na kalahok sa serbisyo-publiko ng
media. Namimili tayo ng impormasyon na papaniwalaan, papanigan,
paninindigan, at sa maraming pagkakataon, tila at aktwal na ipagpapatayan.
Sa huling usapin, hindi naman nagsisinungaling ang media kapag sinabing
serbisyo ang hatid nito. Bahagi ang media ng sektor ng serbisyo (service sector)
na nagbibigay-diin sa mga negosyong hindi lumilikha ng produktong yaman
kundi ng finansyal na yaman. Kabilang sa sektor ng serbisyo ang entertainment,
hotel at turismo, fastfood at retail, edukasyon at kalusugan. At sa hampas ng
neoliberal na globalisasyon, ang lahat ng serbisyong kalahok nito ay unti-unti
nang binubuksan para sa kompetisyon at partisipasyon ng mga higanteng
manlalaro.

Ang dulot ng lahat ng kaganapan sa media ay ang konstruksyon ng afekt o


dating na nagbibigay-diin sa panggitnang uring konsumeristang identidad. Sa
aking palagay, ang usapin at identidad ng pagkamamamayan (citizenship) ay
pumapailalim na lamang sa mas binibigyan ng importansyang identidad ng
konsumerista. Ang mabuting mamamayan ay sa unang usapin, mabuting
mamimili. Ang papel ng ganitong media ay para bigyan ng paglilimian at
pagpipilian ang mamimili kundi man para makapamili ito o maging mulat man
lamang sa aspirasyon ng posibilidad. Lumilikha ang media ng dating ng pag-asa
para sa konsumeristana kahit wala siyang kakayahang bumili ng
pinakabagong modelo ng cellphone ay magiging mulat naman siya sa
pamamagitan ng malawakang direkta at pisan na marketing sa kaalamang
mayroon nang modelo at produktong hihigit pa bago pa man siya makabili ng
kanyang maaabot-kaya. Ginagawang abot-tanaw ng media ang pangarap tungo
sa posibilidad na akses sa komoditi.
Tayo na mamimili ay overdetermined naman ng aparato ng mediakatuwang
ang iba pang ideolohikal at represibong aparatoang ating pagkatao. Sa pangaraw-araw na seduksyon ng media, tulad ng pang-araw-araw na aktibidad ng
malling at panonood ng sine, ginagawang plebisito ang kumpiyansa sa ating
panggitnang uring konsumerista at postmodernong pagkatao. Tila tayo nageehersisyo ng ating karapatan para sa impormasyon at pamimili gayong lahat ng
ating kalistenikong pag-eensayo sa konsumerisopati na rin ng liberal na
demokrasyaay humahantong, sa huling usapin, sa pagtataguyod ng negosyong
interes
ng
media.
Iisipin ng mambabasa nitong introduksyon na napaka-party pooper ko naman
gayong kay raming ligayang handog ng pagtunghay sa mga texto-produkto ng
media. Hindi naman maitatatwa ang katangiang ito ng media
nakakapanghalina ang seduksyon ng konsumerismo at liberalismo. Ang sayasaya ng mundo ng showbiz na kasalukuyang nagbibigay ng lehitimong akses sa
iba pang tradisyunal na pag-aaring kapitallupa at finansyal na yaman, maging
ng edukasyon. Kung maganda ang pangangatawan at makinis ang mukha, kung
batat may determinasyon, ang pag-aartista sa pangunahin at pagmomodelo,
pagiging beauty queen o bikini winner, maging ang pagiging pinakamagaling na
a-go-go o macho dancer sa mga pipitsuging bars, sa sekundaryo ang panibagong
pasaporte sa aspirasyon ng panlipunang mobilidad. Paano ko ito itatatwa sa
napakaraming umaasang makilahok, maging bahagi at maging integral?

Nakakalungkot na aminin na labas na ito sa poder ng kritikal na pag-aaral ng


media. Ang media advocacy ay kinakailangan ng paglahok sa mga aktwal na
industriya ng media. Ang puwang sa edukasyong media ay ang paglalatag hindi
pa ng fundasyon dahil hindi naman kohesibong infrastruktura ang pag-aaral ng
media o ang tertiaryong edukasyon, kundi ng pagtatanim sa puwang ng
mismong infrastruktura sa alternatibong kakanyahang panunuri o kritikalidad sa
mismong operasyon at praxis ng media, kasama ng napakaraming nag-aaral
para maging media practitioners rito. Sa isang banda, magkahalintulad na spero
ang media at edukasyon dahil mayroon itong kakanyahang maging pro-active sa
transformasyong panlipunan. Tinatanggap ang mga debate sa loob at katuwang
na labas ng mga sperong ito gayong sa huli, hindi naman talaga nababago ang
substansya ng mundo ng sperong ito. Pero may nababago at may mababago
kahit paanoito ang pananalig kaya marami pa rin ang nakikibaka mula sa loob
nitong spero. Sa kabilang banda, ang produksyon ng impormasyon at kaalaman
mula sa mga sperong ito ay nagtitiyak, higit sa lahat, ng substansasyon ng
hegemoniya ng parehong naghahari at pinaghahariang uri.
May tasitong pagtanggap na ang sperong intelektwal ay kapital na kayang bilhin
at ipamili ng may hawak na aktwal na kapital. Pero wala namang mundo na
nasa labas ng mga magkakasalikop na sperong ito. Ang pagbabagoradikal at
reformismo manay nangangailangang isaalang-alang ang intrinsikong
hegemonikal na katangian ng mga spero. Kaya ang kakanyahan ng edukasyong
media ay ang pakikipagtunggali sa mismong refleksyon at representasyon nito:
na ang texto-produkto ng media, sa kasalukuyang antas ng negosyong media, ay
matutunggali lamang mula sa labas nito, sa edukasyong media na ang
kinakausap ay hindi ang mismong negosyo ng media kundi ang itinatanging
sektor ng edukador at skolar sa media.
Ito ang naghahabi ng mga sanaysay na kasama sa espesyal na isyung ito.
Tinutunggali ni Sarah Raymundo ang nosyon ng popular, hinihimay ni Emil
Flores ang nosyon ng Pinoy superhero, binabatikos ni Soledad Reyes ang AM
airwave comradeship, tinatalikdan ni Danilo Arao ang politikal na kulturang
nagpapatanggap sa serialidad ng pagtaas ng presyo ng presyo ng gasoline,
binibira naman ni Ruben Canete ang konstruksyon ng pagkalalake at urbanidad
sa mga billboards ng Bench underwear, at pinaangat naman ni Shirley _____
ang nosyon ng panahon sa pelikula ni Lino Brocka sa pagtahak ng transnasyonal

na panahon sa pelikula ng Hong Kong na direktor na si Wong Kar Wai. Sa


madali at mahirap na salita, binibigyan ng kontexto ang pag-unawa sa mga
kulturang popular na karanasan tungo sa pagsisiwalat ng anyo, laman at
substansya ng textualisasyon at komodifikasyon nito.
Bilang isyu editor, nagpapasalamat ako sa mga skolar sa pagtitiwala sa kanilang
mga sanaysay, rebyu, panayam at anotasyon na malathala rito; sa mga referee na
sila man ay humimay sa mga akda sa proseso ng pagpapabuti ng pag-aangkop
ng historikal at panlipunang kontexto; kina _____ at Berinice _____ at ng
Office of Research and Publication ng College of Mass Communication; at kay
Dekano Nicanor G. Tiongson na hindi lamang nagbigay ng napakahalagang
suporta kundi nagpatibay sa pangangailangan ng gawaing skolarship sa
kolehiyo.

Ang Babae Ayon sa Google


Sa pag-aaral nina Pennie Azarcon-dela Cruz (1988) at Soledad Reyes
(1991), lumalabas na mayroon lamang dalawang imahen ng kababaihang
ipinakikita sa popular na midya: una, ang babaeng inihaharap sa
dambana ("the virgin"), at ikalawa, ang babaeng ikinakama ("the vamp").
Sa mainstream media--radyo, telebisyon, diyaryo, magasin, at komiks-hinulma/hinuhulma ang babaeng isteryotayp. At kahit ang ganitong
pananaw sa mga kababaihan ay maraming beses nang tinunggali sa loob
at labas ng bansa, nagpapatuloy pa rin, sa pamamagitan ng bagong
midya ("new media"), ang represibo at limitadong representasyon sa mga
kababaihan.
Puna ni Safiya Umoja Noble (2012), tila balewala sa mga higanteng
search engine na Google, Yahoo!, Bing, atbp., kung hindi matwid at hindi
naaayon sa tumpak at patas na pagtanaw, ang mga links at imaheng
kanilang nakokolekta sa tuwing gagamiting search key ang mga salitang
"Filipina," "Pinay," "women's magazine Philippines," atbpang kahalintulad
na key terms. Pagpapatunay ni Noble, "these search engine results, for
women whose identities are already maligned in the media, only further
debase and erode efforts for social, political, and economic recognition
and justice." (2012) Bigyang-pansin ang search engine result na ito:

Keyword: "Filipina" (I-click ang imahen para lumaki.)


At ito:

(I-click para lumaki.)


Sa una at ikalawang halimbawa sa itaas, gamit ang keyword na "Filipina,"
kapuna-punang mga link papunta sa mga website na nauukol sa
pakikipag-date, pakikipagrelasyon at pag-aasawa ang lumitaw sa unang
pahina ng search result. Sa mga website na ito, parang paninda ang mga
babaeng iniaalok sa nalulumbay na internet user. Kung ang keyword na
"Pinay" naman ang gagamitin, ganitong mga imahen ang lilitaw:

Keyword: "Pinay" (I-click ang imahen para lumaki.)

Pansining hindi nalalayo ang mga ito sa mga larawang lumitaw sa search
result page nang "women's magazine philippines" naman ang ginamit na
keyword:

Unang pahina ng search result na may keyword na "women's magazine philippines"

Sa unang pahina ng search result para sa keyword na "women's


magazine philippines," karaniwa'y mga magasing Cosmopolitan, MOD, at
Women's Health ang lumitaw. Sa mga magasing ito, ang babaeng "fun,
fearless" batay sa pagpapakahulugan ng Cosmo.ph ang itinatanghal. Sa
Cosmopolitan at sa ibang magazine, nalillimita sa "love and lust," "syle
and beauty," "hot hunks," at "celebs" ang interes ipinapakitang ng mga
kababaihan. Ang kakatwa naman sa mga susunod na page result ay ang
paglitaw ng mga popular na "men's magazine" gaya ng FHM, Esquire, at
Playboy--gayong "women's magazine" ang ginamit na keyword. Hindi na
kailangang sabihin pa kung anong konstruksyon ng kababaihan ang
ipinangangalandakan sa mga men's magazine.
Pahayag ni Noble (2012), "based on these search results, constructions of
women's identities and interests seem to be based on traditional, limited

sexist norms, just as they are in traditional media." Nakababahala ito sa


maraming dahilan:
Una, bagamat bago man ang anyo o digital man, hindi nagbago ang
imahen ng kababaihan sa "new media." Tumatagos at nagpapabalik-balik
lamang ang isteryotayp ng babae, mula sa telebisyon/radyo/print
patungong worldwideweb.
Ikalawa, maraming tao ang sumasangguni sa mga popular na search
engine para sa impormasyon. At nakaaalarmang ganitong limitado at
represibong konstruksyon sa imahen ng kababaihan ang bumubungad sa
madlang umaasa sa tumpak, patas, at malayang impormasyon.
Kadalasan, kinikilala ng internet user ang "katotohanang" dala ng unang
sampung link na lumilitaw sa result page. Sa katunayan, ayon kay Noble
(2012), "the higher a web page is ranked, the more it's trusted." Kaya
lang, "unlike the vetting of journalists and librarians who have been
entrusted to fact-check and curate information for the public, the
legitimacy of websites is taken for granted."
At ikatlo, kontrolado ng may-kapital ang internet. Ang dominasyon sa
ranking sa mga search result ay nakabatay sa mga keywords at clicks, at
higit sa lahat, sa kakayahan ng may-kapital na umupa ng murang lakaspaggawa (halimbawa, sa pag-outsource ng gawaing "search engine
optimization" sa mga murang subcontract na intelektwal-manunulat) para
mapalakas ang presensya ng kumpanya at ng mga produkto/serbisyo
nito, sa worldwideweb.
At kung gayon, ang may-kapital pa ring humahawak sa kapangyarihang
pang-ekonomya, ang pangunahing humuhulma sa identidad ng
kababaihan sa lipunang Pilipino.

DISKURSO... Extragameknbayong?
Bakit tinatangkilik ang noontime game shows
Panandaliang libangan at aliw
Nagbibigay ng pag-asa ng pagahon sa kahirapan dahil sa
malaking premyong pinamimigay sa mga nakakasali dito
Audience: masa (ang mga taong nasa bahay tuwing
tanghali)

Bakit tinangkilik ang intelektwal na game shows


Nagkakaroon ng sarisariling tagisan ng talino
Interactive, infotainment
Parang "soap opera" dahil hindi mo alam ang susunod na
mangyayari at nagkakaroon ng interes manood ng mga
susunod pang mga episode (may "thrill" at "excitement")
Pandagdag kaalaman at malaking premyo
Audience: Middle-class, working class (nakauwi na ang
mga taong "intelektwal" o ung mga nakapagaral)
Bakit ito tinangkilik
Sikat dahil parang ibinababa nito ang mga artista sa
level ng mga masa
Pinapakita ang ibang imahe ng mga artistang sumasali
dito (subalit limited lamang ang reality na pinapakita nila.
Pinapakita lamang ng mga artista ang side nila na iba sa
normal pero alam nilang matatanggap pa rin ng mga
manonood)
Bakit ba talaga sila sikat?
Konsepto ng swerte, instant pera at malaking premyo
Tagisan ng talino
Pag-ahon sa hirap, pag-asa at pagtupad sa mga pangarap
sa buhay
Naghahatid ng aliw para makalimot sa mahirap na
pamumuhay ngayon (lahat ay nakaugat sa krisis ng ating
lipunan ngayon: krisis na politikal at ekonomikal)
Ang hindi natin nakikita
"False concept" ng charity (malaki naman talaga ang
kinikita ng mga producers at mga televison companies sa
mga game shows nila na namimigay ng malaking halaga
ng pera)
Parang nagiging sugal na rin ito (may bayad ang kadatext o kada tawag para sumali sa mga game shows)
Kawalan ng 'originality' ng mga palabas - colonial

mentality (Ang mga ideya ng laro ay hindi orihinal at


maiuugnay sa pagkakaroon ng colonial mentality ng
Pinoy)
ang mga game shows tulad ng Wowowee, Laban o Bawi
ay sexist. (paggamit ng mga sexy na mga babaeng dancer
para makakuha ng mataas na rating o madaming
manonood)
Foreign franchised game shows - cultural imperialism
(Ang pagdating ng mga game shows tulad ng WW2BAM,
The Weakest Link, If the Price is Right, Family Feud ay
pagpapatunay ng cultural imperialism ng kanluraning
bansa)
Maiuugnay ang aura ng mga game shows sa virtual
reality, identity at environment
May kinalaman ang uri ng administrasyon sa paglaganap
ng mga games shows

MALAWAKANG DISKURSO
ANG USAPIN NG PAGIGING SEXIST NG MGA GAME SHOWS
Kung ating mapapansin, karaniwang mga lalake ang hosts
ng mga game shows sa bansa. Maliban na lamang kina
Kris Aquino at Dawn Zulueta, ang mga kilalang game show
hosts ay sina Vic Sotto, Paolo Bediones, Willie Revillame
at Pepe Pimentel. Kung mayroon mang nagsulputang iba,
mas malamang na sila ay lalaki. May bahid ng pagiging
sexist ang mga game shows na ito sapagkat ginagawang
pangtakaw uhaw sa laman ng mga kalalakihan ang mga
babaeng sumasayaw sa likuran ng hosts samantala ang
mga lalakeng hosts ay nagpapamalas ng pagiging
'superior' at decision-maker. Tila walang kabuluhan ang
mga babae. Tila mga sex object lamang sila na hahalikan
kung saan saan. Ang kaso naman ni Kris at Dawn ay
mabibigyang justification sapagkat iba ang kanilang
sitwasyon. Si Kris, isang prominenteng babae at may
"say" sa lipunan kung kaya't nabigyan siyang

pagkakataong maghosts ng game show. Gayundin naman


ang beteranang actress na si Dawn. Pero kung tutuusin,
mas malakas pa rin ang hatak ng mga lalaking hosts, mas
may kapangyarihan pa rin sikang mang-dominate ng
opposite sex.
FALSE CONCEPT SA KAHULUGAN NG "CHARITY"
Kadalasan na nating maririnig sa mga promotional
advertisements ng mga game shows na sila ang tanging
kasagutan sa matinding kahirapan na nadarama nating
mga Pinoy ngayon. Ayon sa kanila, ito ay ang taos pusong
pagbibigay nila ng katuparan sa mga kahilingan ng ating
mga kababayan. Ang mga game shows diumano ang may
mabuting hangarin para sa mga sasali sa kanila. Subalit,
kung tutuusin, ang mga game shows din namans ito ang
nagbebenifit sa mga tao sa pamamagitan ng sponsors na
nakukuha nila mula sa mataas na ratings na ibinibigay sa
kanila ng mga taong umaasa na makapagbagong buhay.
Dagdag pa ang mga kita sa text entries at phone calls na
mula sa kawawa nitong viewers. Nagkaroon ng
panlilinlang sa parte ng mga manonood. Binibigyan sila ng
maling ilusyon sa tunay na kahulugan ng 'charity'.
MAIUUGNAY SA VIRTUAL REALITY NI ROLANDO
TOLENTINO ANG MGA GAME SHOWS.
Tulad ng nasa sanaysay ni Rolando Tolentino, ang mga
game shows ay nagsisilbing pagtakas ng mga Pilipino sa
kahirapan ng buhay sa ngayon. Halimbawa, tuwing
tanghali, kahit kumakalam ang tiyan sa gutom, napapawi
ito ng ilang oras na panonod sa TV ng mga noontime game
shows tulad ng Wowowee at Laban o Bawi. Sa mga
sandaling ito ay tumitigil ang oras upang makalimutan ang
tunay na sitwasyon ng kanilang mga buhay.. Gayundin,
masisikat din sa mga game shows kung paano
nagmimistulang edukado ang mga Pilipino sa oras na
masagot nila ang mga tanong sa mga quiz game shows na
tulad ng Game KNB, Laban o Bawi ( Elimination round),

Pera O Bayong,Kung tutuusin, may kadalian ang mga


tanong ditto tulad ng " Sino ang mga myembro ng
Hotbabes?", "Ano ang square root ng 9?" , Kahit hindi ka
nagtapos sa pag-aaral, mistulang higit ka pa sa mga
degree holder pagdatig sa katalinuhan. Kakabit na rin kasi
ng pangalan ni Kris, halimbawa, ang "credibility".
Nagmimistulang matalino ang sa totoo'y isang taong hindi
ma lang nakatapos ng second year high school.
ANG GAME SHOWS KAKABIT NG ADMINISTARASYON
Kung mapapansin, taong 2001 nang magsimulang
mabuhay ang game show craze buhat ng mawala ang
Kwarta o Kahon. Hindi ko alamkung ang pagpasok ba ng
adminidtrasyong Estrada ang nagbigay sa mga Pilipino ng
reaffirmation na pwede ng magsugal. Matatandaang ang
sugal tulad ng jai-alai atbp ay naging legal sa kanyang
panunungkulan. Hindi ba't ang mga game shows ay uri na
rin ng sugal? May taya, may talo at may panalo. Ang
perang nalilikom mula sa mga text, phone call at coupon
entries ang taya sa sugal na ito. Ang mga Pilipino ang
laging taya samantala ang panalo ay ang gameshows,
tulad rin ni Erap noon.
MULA NOON HANGGANG NGAYON
Kung susuriing mabuti, mula sa paglaganap ng mga laro
noon hanggang sa paglaganap ng mga game shows
ngayon, iisang pattern lang makikita natin. Patuloy tayong
minomold ng ideyolohiyang iniimpose sa atin upang
maging sunud-surunan pa sa mga sistemang kinamulatan
na natin. Sa panahon noon, kung ang mga laro ay may
kinalaman sa pagsakop ng lupain at pagpapalawak ng
kapangyarihan, wala pa rin naman talagang pinag-kaiba
sa ngayon. Ang nga game shows na buhat sa ibang bansa,
na siya naman nating tinatangkilik, ay nagsisilbing tulay
upang matimo sa ating isip na pabor tayo sa kanilang
panghihimasok sa ating kultura. Binibigyan natin ang mga
bansang kanluranin ng assurance na ang inaaccept natin

sila ng bukas palad at may ngiti sa labi

CONCLUSION
Naging 'way of living' na natin ang mga game shows at
maituturing talaga itong 'kulturang popular'
Kahit na pag-asa at swerte ang sentral na ideya na
pinapalaganap nito, iba pa rin kapag pinagsikapan ang
natatamasang tagumpay

Reality TV Bilang Aquarium


Rolando Tolentino November 23, 2009

Ni ROLANDO B. TOLENTINO
Kulturang Popular Kultura
Bulatlat.com
Iba-ibang panahon, iba-iba ang genre na tinatangkilik sa telebisyon. Minsan
ay namumutiktik ng gameshows sa panahong matapos ang Asian crisis ng
1997, patungo sa kasalukuyang krisis ng 2009. Nagtransforma ang ibang
genre: mula sa walang katapusang melodrama series kung saan nakita natin
ang kamusmusan at pagdadalaga ng mga karakter ni Janice de Belen at Julie
Vega, tungo sa mabilisan pagsasalansan ng teleseryeng pinagbibidahan ng
it boy at girl ng malalaking studios.
Ang kasalukuyang telebisyon ay pinamumutiktikan ng reality TV, mga quest
show na isa-isang tinatanggal ng loob (talunang tribu sa Survivor, o
nomination sa Big Brother, at ng mga jury at home televiewers sa
pamamagitan ng text voting) hanggang ang pinaka-morally upright ay
magtagumpay.

Ito ang template, bagamat mayroong variation. Una ay ang weekly shows na
may quest saga rinpakikibaka para sa isang obhetibopero ito ay
pinapalitan kada episode. Ikalawa, ang paglahok ng material na realidad sa
ibang genres. Sa Wowowee, halimbawa, ang pagpasok ng individual na
background sa kahirapan at kasalukuyang predikamentong dulot nito sa
paglahok sa ibat ibang kompetisyon.
At ikatlo, ang news magazine show na mayroon nang quest din, hindi na
lamang simpleng explorasyon sa buhay ng mga sabjek ng dokumentaryo.
Halimbawa nito ang Imbestigador at Bitag na naglalayong i-caught-in-the-act
ang mga inaakalang mapang-abusong objek ng paghihinagpis ng
nadehadong sabjek, kundi man, ang isinasakdal at nililitis bilang imoral sa
uniberso ng morally upright na uniberso ng news investigation format ng
telebisyon.
Ang kasalukuyang namamayaning reality TV ay hindi katatakang halaw sa
franchise ng global na TV. Pinoy Idol, Project Runway, Big Brother at Survivor
Philippines ang ilang halimbawa nito sa panahong may pagkakaiba ang
kontexto ng US (Netherlands sa kaso ng Big Brother) sa partikular na
pinaghahalawan ng maraming inangkat at nilokalisang reality TV sa bansa.
Hindi nga bat hindi naman lubos ang pagtanggap sa Pinoy Idol kahit pa ito
ang bansang magaling ang talento sa plakadong musikang ipinagtagumpayan
nina Charise Pempengco at Arnel Pineda?
Hindi rin kakatwa na marami sa inangkat na palabas ay papalaos na sa
marami nitong pinag-angkatan. Tapos na raw ang great era ng reality TV sa
US dahil lahat na lang ay nagkaroon ng reality TV shows. Di nga bat ang
aspirasyon ng mag-asawang nag-videotape ng hot air balloon na inakalang
pinagtaguan ng kanilang anak ay upang magkaroon ng sariling reality TV? At
lahat ng maiisip na has-been at aberrant figure sa pop culture ng US ay
nagkaroon na ng sarili rin nitong reality TV.

Marami nang paliwanag sa fasinasyon sa voyeuristikong kultura ng reality TV.


Gusto natin na mamboso sa buhay-buhay, lalo na sa mga katawan at
mobilisasyon ng sexualidad nito, sa pang-araw-araw na tunguhin ng mga
tauhan sa reality TV. Gusto nating mabuhay vicariously sa pamamagitan ng
ibang tao. Kung lulubog, sila ang lulubog. Kung may elimination challenge,
sila ang magkakakundarapa para makaagapay at magtagumpay. Kung may
immunity challenge, sila pa rin ito.
Habang tayo ay nasa sekuridad ng sala o tulugan, hindi tayo ang lubos na
nahihirapan. Namumuhay lamang tayo sa pagkatao ng mga tauhan sa reality
TV. Na hindi naman hiwalay sa kondisyon ng malling at gitnang uring
aspirasyon. Nagmo-malling tayo at natatanaw ang paghihirap ng ibang mas
dusta ang buhay kaysa sa atin. Pero wala tayong gagawin. Kundi man,
natatanaw natin ang gitna at elitistang uring aspirasyon. At dahil hindi natin
makakayanan ang gastos ng pamimili, namumuhay tayo vicariously sa mga
mas mataas na panandang-marka ng gitnang uring buhay sa labas natin.
Ito ang kondisyon ng aquarium na idindiin ng reality TV. Nililikhang
seperadang mundo ang tunay at historikal sa isang banda, at ang fantasya at
palabas sa kabilang banda. Na ang nagaganap na direktang kumpetisyon sa
Survivor at tasitong kumpetisyon sa Big Brother ay kaiba sa kapitalistang dikta
ng Darwinian na kumpetisyon na may variasyon: survival di na lamang of the
fittest, pero survival of the most morally upright (sa kapitalismong kaayusan,
na kahit sa esensyal ay exploitatibo ay ipitatamo sa kompetitor na pinakamakatao pa rin ang pakikitungo), pati na rin of the hunkiest and prettiest of the
lot (walang mananalong pangit sa musical competition dahil hindi marketable
ang pangit).
At ang kakatwa rito, iisang tao (ang manonood mismo) ang nagpapatagos ng
distinksyong ito. Nagtagumpayan nang gawin ng kapitalistang sistema ang
individual na manonood bilang taga-filter ng lohika at etika nito: na sa lohika
ay nagpapanatili sa kanya bilang pasibong spectator (kahit pa sabihin sa
cultural studies na aktibo ang manonood na labanan at makipagnegosasyon

ng kahulugan mula sa namamayani at nagpapatagos na kaayusan), at etika


na nagpapakiling sa kanya sa kumpetisyon bilang larangan, at ang
magtatagumpay bilang pinakanararapat.
May ilang nakapagsabi sa akin na kung gusto ko raw mag-relaxmakapagmeditate nang dilatbumili raw ako ng aquarium. Una, dadalhin ako nito sa
ibang uniberso na hindi ko natutunghayan sa ordinaryong buhay sa lupa.
Ikalawa, hindi kumikibo ang natutunghayan ko, parang hindi nila ako nakikita.
Mayroon silang ibang mundong iniinugan. Kaya hindi ako mahahawaan ng
kanilang kumpetisyon sa pagkain o isat isa na nagaganap pero hindi ko
natutunghayan.
Pages: 1 2

Reality TV Bilang Aquarium


Rolando Tolentino November 23, 2009

Kahit pa ang tagubilin din ng aficionados ng alagang isda, mayroon lamang


magkakaternong isda. At marami sa mga imported na isda ay hindi kayang
magkaroon ng kasama sa aquarium. Magpapatayan lamang ang mga ito
hanggang, tunay sa reality TV, ang pinakamalakas kundi man pinakamoral na
isda ang matitira sa aquarium.
Malamang itong huli ang metapora ng reality TV bilang aquarium. Distansya
mode ang manonood kahit into-it siya. Mayroon akong co-teacher na umuuwi
sa kanilang bahay para tunghayan ang Survivor. At kapag nagkukuwentuhan
kami, kakilala niya na parang best friends niya ang kontestants dito. Parang
telenovella, alam na nila ang subplots at ang alyansang nabubuo na tanging
insider lang ang makakapagsabi ng mga detalye patungkol dito.

Hindi rin kakatwa na ang reality TV bilang aquarium mode ang patungkol din
sa pagha-handle ni Gloria Arroyo sa affairs ng bansa. Na para lang siya may
ibang mundo, at ang kanyang mundo ay hiwalay sa iniinugan natin, at sa huli,
dahil hindi naman natin siya kayang i-text vote para matanggal sa serye,
ipinapatanggap na lang ang ating pagiging talunan sa kontrol ng sino ang
tunay na may kapangyarihan at ang wala nito.
Pinapanood natin si Arroyo na kayang sagpain ang mga kompetitor nito, na sa
huli, siya ang anti-klimaktikong magtatagumpay. Pero ang hindi isinasaad ng
reality TV mode niya ay ang matagumpay na serye ay nagkakaroon nang
panibagong buhay. Na ang talunan ni Joseph Estrada ay nagsasaad ng
kahirapang makapag-comeback nito, magkaroon ng panibagong lease sa
kanyang politikal na buhay.
Kung tunay na matagumpay ang palabas ni Arroyo, may comeback ito. Na
kahit siya ang pinaka-morally upright, hindi naman siya ang prettiest of the
political animals (hindi siya may tindig at posturang tulad kay Imelda Marcos,
halimbawa). O na kahit napagtagumpayan niya ang serye, hindi ito ang lubos
na inaasahan ng manonood. May expektasyon din ang manonood na sa huli,
ang kanilang iniidolokahit pa natalo sa mismong reality TVay
magkakaroon ng resureksyon sa ibang format sa telebisyon.
Na kahit hindi nagtagumpay sa Starstruck si Aljur Abrenica, siya ang
pinakamatagumpay naman sa kasalukuyan niyang batch. Binigyan siya ng
panibagong buhay, tulad din ni Sam Milby at Zango Marudo sa Big Brother.
Hindi iisang format lang ang ngalan ng tagumpay at talunan sa negosyo ng
telebisyon. Kaya nga sumusugal ang dalawang higanteng media
conglomerates sa bansa na lahat na lamang ng reality TV shows ay gawin
star search.
Dahil sa bawat isang batch na makakalikha ng Milby, Abrenica at (sige na
nga, isama na rin natin) Marudo, sulit na rin ang investment sa reality TV.
Simpleng alituntunin, humayo at magparami. Kaya rin may prototipo na ang

bawat shows. Sa Survivor, mga hunk at babe, pati ang mga katulong, maliban
sa maybahay at jologs na tambay, may bading na rin; gayundin sa Big
Brother, na kailangang may mga punto para lalo pang maka-attract ng
provincial audience, lalo na yung bagong-yaman na syudad ng Cebu City,
Cagayan de Oro at Davao City (kaya nga pinupuntirya rin ang mga ito bilang
sityo ng audition).
Kung gayon, may template na rin ang mismong reality TV. At sa template nga
na ito, hindi ibig sabihin na ang nagtagumpay ang magiging
pinakamatagumpay. Na kahit nanonood lamang ng aquarium, pwede pa ring
mamili sa kondisyon ng panonood at pamumuhay sa loob at labas ng realidad
ng rehimeng Arroyo. (Bulatlat.com)

Das könnte Ihnen auch gefallen