Sie sind auf Seite 1von 4

ROLANDO TOLENTINO

ABOUT

Showbizifikasyon, Kulturang Popular Kultura


Column, Bulatlat.com
by rolandotolentino

Showbizifikasyon
Ito ang kultural na lohika ng estado ng bansa sa kasalukuyankung ano ang
kalakaran para ipaliwanag ang kaganapang ekonomiya, politika at
lipunan. Showbiz
ang
pangunahing retorika
ng
pambansang
kaganapan. Nililikhang showbiz ang politikal at ekonomiyang arena, at
ginagawang politika ang mismong kalakaran sa showbiz. Ang resulta nito ay
ang administrasyon ng filter ng showbiz bilang paraan ng pagtanaw at pagunawa sa pambansa at individual na pagdanas.
May dalawang aspekto ito. Una, ang balita bilang showbiz na nagdudulot ng
trivialisasyon ng politikal at ekonomiyang kaganapan. Trivialized dahil
ginagawang mahalaga ang di substansyal, at di substansyal ang mahalaga. Ang
nanay sa Amerika na nanganak ng walong sanggol, ang paratihang aksidente ng
nakamotor sa syudad, ang maliliit na krimen bilang pambansang balita ay
nagsasaad ng prominence ng pang-araw-araw bilang piniling spectacle ng
pagsasabansa.
Samantala, ang impeachment charges ay ibinabasura, ang corruption charges ay
nilikhang parang hindi naman talagang malaking problema, at ang ekonomiyang
krisis bilang natural na bagay na malalampasan ng sound economic decisions in
the past.Nandito ang maniobra para muling tangkaing baguhin ang charter para
magpasok ng foreign ownership, o ang paggigiit ni Danding Conjuangco sa
napipintong krisis sa kuryente at sa pangangailangang buksan ang Bataan
Nuclear Power Plant.
Dalawang daang libo ang mawawalan ng trabaho sa 2009 pero mas pinaguukulan ang bansa ang konsyerto ng mga has-been, tulad nina Peter Cetera at
Sheena Easton, o ng bagong hit na bandang Fall Out Boy. Valentines day ang

bagong okasyong panghimok ng negosyo na gumasta. At kapag walang kavalentine, ang lungkot naman ng buhay.Adult christmas ito, at malakas ang
pressure na may mapagbigyan o makatanggap man lamang ng bulaklak sa araw
na ito.
Gayunpaman, ang pangunahing artikulasyon ng trivialisasyon ng politika ay sa
pamamagitan ng non-artikulasyon nito. Deadma o ang pananahimik ng
kinauukulan, ang pagpiling manahimik kaysa magsalita at magpaliwanag ng
dapat magpaliwanag ang pangunahing gawain dito. Pinahuhupa ang yugto ng
accountability para makaligtaan sa mababaw na alaala ng bansa ang
predikamentong kagyat pero pamandaliang nagpapahinto sa kanilang
kolektibong buhay.
Deadma si Arroyo ukol sa pagkasangkot ng kanyang asawa sa ulat ng World
Bank sa porsyentong bahagi sa mga kontrata ng konstruksyon. Deadma rin si
First Gentleman, napapatakbo pa nga sa ospital sa tuwing may anomalyang
kailangan nitong magpaliwanag. Idinadahilan ang estado ng kalusugan, na tulad
ng isinusukang nilalang sa pelikulang horror, hindi naman mamatay-matay na
may katiyakan.
Ang nangyayari pa, kayang baligtarin sa ibang direksyon ang
trivialisasyon. Siyang kasangkot o utak ay nakakapagmaniobra para
magmukhang siyang biktima. Persecution complex naman ito, at sa paratihang
pagbabato ng tinapay, sila pa ang nagmumukhang magnanimous. Sila na
nakalamang ay pinagmumukhang nadedehado sa trial by publicity, kahit pa
paratihang itinatapon ang kaso ng impeachment sa basura o sinasambit ang
politikal na immunity ng presidente.
Sa pananahimik at pagtanggi, huhupa ang skandalo hanggang sa madaliang
pagpasok ng iba na namang skandalo. Uulit na naman ang ritmo ng pagbuking,
Senate at Congress hearing, media blitz ng mga politikong gustong pumapel, at
ang pag-headline ng media sa sound byte mode ng pumapapel. Sa huli, walang
makukulong, magiging malamig na kanin ang whistleblower, at ang dapat
makulong ay malaya pa ring makapangurakot muli.
At ito ang ugat ng anumang pagkahapo sa pagkilos. Wala namang kasing
nangyayari kaya bakit pa magproprotesta. At kung magpakaganito ang
pangkalahatang paniniwala, nagtagumpay na ang politika na gawing trivial ang
pinakasahol at pinakapeligrosong pagdanas ng pambansa at individual na
buhay. Dagdag pa rito, ang kultura ng korapsyon ay mapapatagos sa
mamamayan bilang kanya-kanyang rekurso sa panlipunang mobilidad.

Ang ikalawang aspekto ay sa pamamagitan ng showbiz bilang balita. Kapag


ginawang cover boy ang conspicuous lifestyle ni Willie Revillame, sold out ang
magazine. Pahina kete pahina, ang mga larawan ng imported at luxurious na
kotse, yate, bahay at gamit, at ang pinakamasahol sa lahat, ang write-up ay
nagsasaad ng balikwas na pilontropiyang pilosopiya ng isa sa pinakakorap na
figura ng kulturang popular sa bansa.
Ang tarayan ng artista ay isusulat sa tabloid, babasahin bilang balita sa morning
news magazine show, magiging segment sa dalawang balita sa gabi, at magiging
tampok sa weekend showbiz shows. Sa katunayan, ang balita sa gabi ay
inaantay para sa balitang showbiz. Ang antisipasyon ay serialisadong
tinutugunan sa pamamagitan ng pagkalat ng balitang showbiz sa
news. Pinakahuli ang pinakatampok na balita. At ito ang kabaligtaran na
direksyon ng balita: mula sa malalaki tungo sa maliliit na kalidad ng balita.
Kung magpakaganito ang kalakaran, ang pinakamatingkad na showbiz news ang
huling alaala ng balita. Flattened ang kaibahan at disjuncture ng balitang
showbiz
sa
balitang
pangkalusugan,
sports,
pambansa
at
panlabas. Magkakasinghalaga ang turing sa krisis pang-ekonomiko at ang
pagretoke ng mukha ni Artista X. At ang pinakatampok na balitang showbiz ang
magiging last song syndrome sa manonood.
Kaya rin matingkad ang afinidad ng showbiz at politika, o ang artista o
newscaster at ng politikoparehong sentral ang paglikha ng spectacle para
dumugin ng masa. Katawan ang pangunahing behikulo ng paniningning,
pagtawag-pansin, at pagpapadaloy ng pagnanasa ng manonood sa kolektibong
aspirasyon ng redempsyon. Kung magpakaganito, ang resulta ay ang
matagumpay na pagkahalalal ng nauna at ikalawang henerasyon ng action stars
sa Senado, Bise at Presidente; at ang unang henerasyon ng news broadcasters sa
Senado at Bise.
At siempre, bilang staged lang naman ang kapasidad nitong magbigayartikulasyon sa kolektibong aspirasyon ng masakasama ang pagiging moral,
matapang at matulungin ng mga itokapag nahalal naman ang mga figura ng
showbiz, sila mismo ang kumakatawan o embodiment ng non-artikulasyon ng
mismong kolektibong hinanaing.Dahil hindi naman sila abugado at walang
direktang karanasan sa ligalismo, at ingles pa ang kalakaran ng tunggalian,
silang sanay magbasa lamang mula sa script ay nagmamaan-maangan na lamang
sa debate halls ng Senado.

Nahalalal sa pambansang politika ang mga personalidad sa showbiz, pero


deadma naman ang paratihang rekurso sa mismong pambansang politika. Joiner
lang sa pag-file ng mga bill, gayong mahalaga pa rin ang boto, kasing halaga ng
iba pang bilang ng senador. At malamang, ito na ang definitibong sandali ng
politika at politiko sa bansaang proximidad sa media bilang daluyan ng
impormasyon sa kumakandidato, bukod sa bilyones na kakailanganin para
kumandidato sa pambansang posisyon.
Sa showbizifikasyon, ang intimate na relasyon ng politika at showbizheto na
naman ang isa pang tongue twister: ang politika ng showbiz, at ang showbiz ng
politikaay nagiging tampok. Ang nagagawa ng politika sa showbiz ay gawing
pribilehiyo ang artista at sa iba pang lebel, ang producer at iba pang mayari ng
negosyo bilang ikoniko.At kung magpakaganito, bilang gatekeepers ng panlasa
ng masa.
Ang nagagawa naman ng showbiz ng politika ay gawing pedestriano at
balaj (balahura) ang politika at politiko mula sa prim and proper na pedestal
tungo sa di lamang katanggap-tanggap kundi katangkitangkilik sa masa. Props
ang papel ni Vice President Noli de Castro kay Gloria Arroyo. At susustinihin ni
Arroyo ang suporta kay de Castro para matiyak ang pagpapatuloy ng interes
nito, lampas pa ng kanyang buhay sa presidensiya.
Nananatili sa pagbutingting ng trivial ang politika, tulad ng propensidad ng
kalakaran ng media. Nananatiling politikal ang showbiz, tulad ng sistema ng
patronahe sa politika.Epektibong nasasangkapan ang mamamayan sa
showbizifikasyon, at sa pamamagitan ng spectacle ng pagbabalikwas maiibsan
ang pananangkapang ito. Mamamayan naman dapat ang tumampok.
About these ads
Loading...

PUBLISHED: February 23, 2009


FILED UNDER: 2009, KPK

Das könnte Ihnen auch gefallen