Sie sind auf Seite 1von 2

Maikling Katha Isang sangay ng salaysay(narration) na may iisang kakintalan (single impression).

Mga Katangian ng Maikling Katha


1.
2.
3.
4.
5.

Isang madulang bahagi ng buhay ang isinasalaysay


Isang pangunahing tauhan na may mahalagang suliranin, at kakauntian nito.
Isang mahalagang tagpo at kakauntian nito.
Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na madaling sinusundan ng wakas.
Iisang kakintalan.

Mga Uri ng Maikling Katha


I.

Pangkatauhan kung ang pinakamahalagang nangingibabaw sa katha ay ang


katauhan
Mga Paraan sa Pagpapalitaw ng Katauhan
a. Ang paglalarawan ng may-akda sa katauhan sa tulong ng pag-uugali, isipan,
mithiin at damdamin nito, gayon din sa kanyang panlabas na anyo.
b. Sa tulong ng pag-uusap ng ibang tauhan sa kuwento tungkol sa kanya.
c. Sa pamamagitan na rin ng tauhan: sa kanyang paraan ng pagkilos at
pagsasalita, at higit sa lahat, sa kanyang reaksyon (sa kanyang gagawin o
magiging damdamin) sa isang tiyak na pangyayari.
Karikatura isang kahinaan sa paglalarawan ng katauhan. Kung hindi napakabuti
ng isang tao (na wala kahit kaunting kahinaan o karupukan), itoy napakasama (na
wala kahit kaunting kabutihan o pag-asa). Parang isang taong hindi humihinga.
Picaresque May pangunahing tauhang di-kanais-nais. Halimbawa: Tinong Kikil
Mabini Rey Centeno

II.
III.
IV.

Makabanghay kung ang mahalagay ang pagkakabuo ng mga pangyayari.


Pangkapaligiran Kung ang paligid o isang namumukod na damdamin ang
namamayani. Ito ang ginagamit nating katumbas ng salitang Ingles na
atmosphere.
Pangkatutubong-kulay kung ang pamumuhay o kalakaran sa isang pook ang
binibigyang-diin. Ang kaayusang panlabas, pag-uugali, mga paniniwala, mithiin,
kakanyahang pampook ay nagkakatulong-tulong sa pagbubuo ng pangkatutubongkulay.
Idiosyncrasies Kakanyahang pampook.
Universality Pamantayang panlahat.

V.

Pangkaisipan kung ang paksa, diwa o isipan ng isang katha ang


pinakamahalaga. Ang kaisipan o diwang ito ay hindi dapat ipagkamali sa karaniwang
aral ng karaniwang kwento.

Mga Sangkap ng Maikling Katha


1. Tauhan (character)
2. Tagpuan (setting)

3. Banghay (plot)
Tunggalian o Conflict Ang naglalabanang pwersa sa akda. Ang pangunahing tauhan ay
kailangang magkaroon ng mahalgang suliranin na pagsisikapan niyang lutasin sa kabila ng
mga sagabal. Ang mga sagabal na ito ang magiging dahilan ng pagtutunggali sa kuwento
(ito ay maaaring sa pangyayari, sa ibang tauhan o sa sarili na rin ng pangunahing tauhan).
Mga Uri ng Tunggalian
1. Tao laban sa Kalikasan pilit na pinaglalabanan ng tao ang puwersa ng kalikasan
tulad ng lindol, baha, bagyo, ipuipo at iba pa.
2. Tao laban sa Tao ang kinakalaban ay ibang tao, maaaring ang mga taong nasa
kanyang paligid o ang lipunan. Ito ay karaniwang idinadaan sa lakas ng katawan,
tagisan ng kapangyarihan, ng paniniwala, pananaw, prinsipyo, at iba pa.
3. Tao laban sa Sarili ang kinakalaban ng tauhan ay ang kanyang sariling paniniwala,
prinsipyo, simulain at palagay. May kaugnayan ito sa pagtitimbang-timbang ng mga
pangyayaring kinahaharap ng pangunahing tauhan at kung ano ang kanyang gagawing
pagpapasya.
Paksang-diwa o Tema Ito ang kaisipang iniikutan ng kuwento. Ito ang sentral na ideya o
layunin ng kwento. Ang paksang-diwa o tema ay inihahayag katulad sa isang paglalahat
(generalization) tungkol sa buhay.
Mga Katangian ng Maikling Kathang Pampanitikan
1.
2.
3.
4.
5.

Bagong pagtalakay sa paksa


Payak na banghay
Maingat na paglalarawan ng katauhan
Paggamit ng pahiwatig
Paggamit ng sagisag

Apat na Uri ng Panigin (Point of View)


1. Ang katha ay isinasalaysay buhay sa paningin ng may-akda na nanonood ng mga
pangyayari.
2. Ang katha ay isinasalaysay buhat sa paningin ng may-akdang nakakakita sa mga
pangyayari buhay sa panigin ng pangunahing tauhan (inilalagay niya ang kanyang sarili
sa lugar ng pangunahing tauhan.
3. Ang katha ay isinasalaysay buhay sa panigin ng isang tauhan sa kuwento, tauhang
hindi siyang pangunahing tauhan.
4. Ang katha ay isinasalaysay sa tulong ng unang panauhan (first person) na gumagamit
ng ako, akin, ko. Ang unang panauhang ito ay maaaring siyang pangunahing tauhan,
isang pantulong na tauhan sa kuwento, o isang tagapanood sa mga pangyayari.
Credits to: Maam Aguila

Das könnte Ihnen auch gefallen