Beruflich Dokumente
Kultur Dokumente
GROUP 1
I. Layunin:
Pagbasa:
Nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie, talahanayan at iba pa.
Pagpapahalaga: Kasipagan
II. Paksang Aralin
1. Pagbibigay kahulugan sa Bar Grap
2. Nilalaman: Mga Halamang Gulay
Sanggunian: F5EP-If-g-2
Gabay Pangkurikulum
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Pagsunud-sunurin
ayon sa pangyayari.
1. Pagganyak :
Pagpapakita ng larawan ng gulayan.
Anong gulay ang masarap sawsawan ng mga pagkaing pinirito? Sino
sa inyo ang may tanim na kamatis? Anong pakinabang ang nakukuha
ninyo dito?
B. Paglalahad:
Anu ano ang mga pamantayan sa pagbasa ng isang kwento_
Ipabasa nang tahimik ang kwento. Maaari ring gamitin ang Ginanyak na
Pagbasang Malakas.
Kuwento: May Pera sa Kamatis
Si Mang Reynaldo ay isang masipag na magsasaka sa Brgy. Alasas. Malawak ang
kanyang kamatisan. Maraming tao ang bumibili sa kanya sapagkat
kilala ang kanyang
mga pananim sa magandang uri nito.
Isang umaga nagtungo siya sa pamilihan upang ipagbili ang mga
inani niyang kamatis. Sa kanyang pag uwi nakasalubong niya si Mang
Quintin na isa ring magsasaka sa kabilang baryo. Kinumbida ni Mang
Quintin si Mang Reynaldo sa kanilang tahanan upang ibahagi ang
bagong kaalaman sa pagpaparami at sa mabilis na pagsasapamilihan
ng kamatis.
Halaga
Linggo
Lunes
Martes
Miyerkoles Huwebes
Biyernes
C. Pagtalakay:
Magkaroon ng lahukang gawain tungo sa pagsagot sa mga tanong
patnubay.
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Saan galing si Mang Reynaldo? Ano ang ginawa niya doon?
3. Sino ang nasalubong niya sa kanyang pag-uwi?
4. Saan siya kinumbida ni Mang Quintin? Bakit?
5. Ano ang masasabi ninyo kay Mang Quintin?
6. Ano ang pamagat ng Grap?
7. Aling araw ang may pinakamataas na benta? Pinakamababa?
Magkapareho sa benta ni Mang Reynaldo?
8. Ano ang kabuuang halaga o kita ni Mang Reynaldo sa loob ng isang
lingo?
D. Panglinang na Kasanayan:
Si Mang Liloy ay may malaking manukan. Kumikita siya nang malaki
sa mga manok at itlog na kanyang ipinagbibili. Gumawa siva ng larawang
grap ng kinita niya sa loob ng anim na buwan, mula Oktubre hanggang
Marso. Heto ang grap na ginawa niya.
Kinikita sa pinagbilihan ng itlog at
manok mula Oktuble hanggang Marso
Oktubre
PPPPPPPP
Nobyembre
PPPPPPPPPP
Disyembre
PPPPPPPPPPPPP
Sabado
Enero
PPPPPPPPPPPP
Pebrero
PPPPPPPPP
Marso
PPPPPPP
Bawat Pay Isandaang piso ang katumbas
E. Pangkatang Gawain
Gumawa ng bar grap batay sa mga pamagat na mabubunot ng bawat
pangkat.
1. Populasyon ng mga Mag aaral ng Paaralang Elementarya ng Paligawan.
2. Edad ng mga Mag aaral sa Paaralang Elementarya ng Paligawan
F. Paglalahat:
Paano itinatala ni Mang Reynaldo ang napagbili niyang kamatis bawat
Linggo? Ipaliwanag ang gamit ng grap o tsart.
G. Pagpapahalaga:
Paano ipinakita ni Mang Reynaldo ang kanyang kasipagan? Bakit dapat
maging masipag?
IV. Pagtataya:
Basahin ang kalagayan sa ibaba at pagaralan ang tsart. Isulat pagkatapos
ang sagot sa mga tanong na kasunod ng tsart.
Napansin ni Aling Pining na mahina sa matematika at pumayat ang anak
niyang si Lea. Tuwing may eksamen sa Matematika mababa ang nakukuha nito.
Dahil dito, pinatingnan ni Aling Pining ang kanyang anak sa doktor. Si Lea pala
ay mahina ang resistensya dahil mahina siyang kumain bukod pa sa pagpupuyat.
Binigyan ng bitamina si Lea at hindi na rin siva nagpuyat.
90
88
86
84
Marka
82
80
78
76
74
Hunyo
Hulyo
Agosto
Setyembre
Oktubre
nakalahad sa ibaba.
Si Mang Diego ay may malaking poltri. Inirarasyon niya ang mga itlog sa mga
tindahan tuwing Linggo. Ibig niyang malaman kung ilang itlog ang nairasyon niya
sa buwan ng Enero.
1.
2.
3.
4.
5.