Sie sind auf Seite 1von 5

Charles Vincent G.

Carbonell

BSEd-Filipino 3rd year

Propesor Carmela G. Ong

Abril 14, 2016

GAWAIN #6

TEORYANG MORALISTIKO
Mga Simulain.
o Ipinapalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi
lamang ng literal na katotohanan kundi ng mga panghabangbuhay at unibersal na mga
katotohanan at di mapapawing na pagpapahalaga.
o Ang aral ay nasa larangan ng moralidad, ng kilos, at gawi sa pang-araw-araw na
buhay bilang mamayan, manlalakbay o kasapi ng komunidad.
o Matatagpuan ang malalim na paniniwala na ang panitikan ay nagtataglay rin ng
kapangyarihang linlangin ang tao at itulak siya sa bangin ng kasawian at kasalanan.
o Pagsusuri batay sa pamantayang sumukat sa moralidad ng isang tao- ang
pamantayang ng tama o mali. Inilalahad din dito ang mga pilosopiya o proposisyong
nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang
itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon
narin sa kaantasan nito.

1. Ipinapalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi


lamang ng literal na katotohanan kundi ng mga panghabangbuhay at unibersal na mga
katotohanan at di mapapawing na pagpapahalaga.

Sa maikling kwetong Kasalan sa Nayon ni Elueterio P. Fojas, mababasa


natin ang mga pang-araw-araw na mga makatotohanang salita o
panghabambuhay na at unibersal na mga katotohanan at di mapapawing na
pagpapahalaga. Mababasa rin natin dito ang kung gaano siya kasabik na

magpakasal at makapaghanda narin sila ng mga mararaming mga pagkain


gaya ng sa kasal ng kanyang kuya.
Patunay:
Nang matapos ang kasal sa munting bisita sa kanilang nayon kinaumagahan ay inihatid pa ng
isang bandang musko ang mga bagong kasal sa bahay ng babae. Maraming tao ang sumama buhat sa
simbahan at sa mga tabi ng daan ay marami ang nangatayong pawang nagmamasid. Ang kanyang mga
kapuwa bata na kasaa niyang sumunod sa banda ng musko ay pawang nangagsosogawan pa. Masayangmasaya ang lahat, pati ang kanyang ama at ina, na bagaman nakita niyang napaluha nang humalik sa
kanilang kamay ang mga bagong kasal, ay palagi nang nakangiti nang araw na iyon. Samantalang
sinasaksihan niya ang lahat ng iyon ay nakakaramdam siya sa kanyang puso ng kung ano, ngunit lubha
siyang nasisiyahan. Ang laha ng iyon ay naukit sa kanyang alaala at ngayoy labis niyang
kinasasabikan.
Ganyan din ang ninanais ni Alberto sa araw ng kanyang kasal. Ibig din niyay may handaan at may
kasayahang katulad ng sa kasal ng kanyang Kuya Saro.
Hindi bat ang araw ng kanyang kasal ang siyang magiging kahuli-hulihang araw ng kanyang
pagka-binata? Hindi baga naman magiging kahiya-hiya kung ang kanyang napiling makaisang-palad ay
pakakasalan niya nang pagayon na lamang at pagkatapos ay iuuwi sa kanilang bahay na tila isang
bagay na napulot lamang sa daan?
May katwirang ipagsaya ang araw ng kasal ng isang tao. Walang kailangan kung ano man ang
sasapitin ng mag-asawa pagkatapos. Iyan ay hindi pumapasok sa kalooban ng sino mang ikakasal sa
araw ng kanyang pakikipag-isang dibdib. At, ang gugugulin...? Ang lahat nang iyan ay magagawan ng
paraan. Bakit nga ang kanyang Kuya Saro, kahit na isang kasama lamang ni Ingkong Karyo ang
kanyang ama na katuad din ngayon, ay naaaring ikasal nang maringal, masaya at may saganang
kainan?
Aanyayahan niya, hindi lamang ang lahat ng litaw na tao sa kanilang nayon, kundi pati ang
Alkalde ng bayan, ang Tesorero, ang Hepe ng Pulisya at ang mga kaibigan ng mga ito. Magkakaroon din
ng maraming pagkain at alak na iinumin. At hindi maaaring walang tugtugan. Pagagayakan ang bisita
sa nayon at doon sila ikakasal.
Katulad din ng Kuya Saro, upang huwag lumaking lubha ang kanilang gugol, ay manghihiram na
lamang siya ng isang terno kay Abogado Narding na kasintaas niya at nakakasinlaki niya ang
pangangatawan. Hinggil sa kasuutang pangkasal ng kanyang magiging kabiya, aba, bibigyan niya ito ng
limampung piso, katulad din ng ginawa ng kanyang Kuya Saro, upang ipamili ang maiibigan.

2. Ang aral ay nasa larangan ng moralidad, ng kilos, at gawi sa pang-araw-araw na


buhay bilang mamayan, manlalakbay o kasapi ng komunidad.

Makikita o mababasa natin sa maikling kwentong Kasalan sa Nayon na


kahit na mga taga nayon sila ay may mga moralidad naman sila pagdating
sa mga kasalan, alam ng mga taong byang ang tama at mali. Ang kilos nila
ay kilos na marangal at may dangal.

Patunay:
Ang lahat ng iya ay napagkayarian na ni Alberto at ng kanyang ama. Hindi na matatapos ang aking
buhay na isang kasama lamang ni Ingkong Karyo sa habang panahon, ang ibig isagot ng kanyang ama
bilang katugunan sa lahat ng panukala ni Alberto. Subali, ang marahan at malumanay na ipinakli niya
sa kanyang anak ay ganito:
Pabayaan mo at gagawan ko ng paraan ang lahat ng iyan. Makikipag-usap ako kay Ingkong
Karyo.
Mukhang malakasan ang kasal ni Alberto, ang salitan ng isat isa sa pagupitan ni Isyo nang
Sabadong iyon.
Talagang ganyan tayong mga taganayon kung napapasubo, ang nakangiting tugon ng isang
matandang kasalukuyang noong ginugupitan ni Isyo.
Ano pa ngat talagang malakasan ang kasal ni Alberto. Lahat ng kanyang mga kamag-anak at mga
kaibigan. Sabado pa lamang ng hapon, ay nasa tahanan na ni Angela,ng kanyang makakaisang-dibdib at
hindi magkamayay sa paggawa. Naroon si Pablong Tapa na siyang naglalapa ng dalawang bakang
matataba. Si Olet ang siyang pumatay sa dalawang baboy na mabibilog. Ang mga dalaga at ilang
matatanda ang pumupugot sa mga liig ng manok at naghihimulmol sa mga iyon. Si Martang Batok at si
Eboy naman ang pinagpapawisan mula sa liig hanggang sa mga paa sa paghaot ng tubig sa maykalayuan din namang igiban. At si Ture ang nagpapalakol sa malalaking putol na kayoy na panggatong.
Sa harapan ng bahay nina Angela ay nagtayo sina Tiyo Kantong, Tinteng Pulo, Kayong, Ulo, Able,
Imyon at iba pa, ng isang palapala ng pinagdatig-datig na mga layag na dinampol na nakatali sa batalan
ng bahay ay may tatlo o apat na tungko ng malaking bato na kinasasalangan ng mga pinaglulutuan ng
sinaing at mga pang-ulam.

3. Matatagpuan ang malalim na paniniwala na ang panitikan ay nagtataglay rin ng


kapangyarihang linlangin ang tao at itulak siya sa bangin ng kasawian at kasalanan.

Alam naman natin di lahat ng tao taga nayon ay mayayaman diba, halos
karamihan sa mga taga nayon ay salat sa pera kaya sa makling kwentong
kasalan sa Nayon makikita talaga sa huling bahagi ang kapangyarihang
linlangin ang isang tao at itulak siya sa bangin ng kasawian at kasalan, gaya
nalang ginawa ni Alberto sa kayang mga magulang na gusto niya rin ng
inggranding kasal gaya ng kanyang kuya ngunit di niya alam ay lugmok pa

pala sila sa utang at di pa nababayaran ng kanyang ama ang inutang noong


kasal ng kanyang Kuya Saro.

Patunay:
Sa wakas ay lumisan din nga ang mga panauhin. Pagkakain nila ng hapunan at
pagkatapos ng ilang sandali ng pakikpagkuwentuhan ay nasok na sila ni Angela sa tanging silid
na tutulugan sa kanilang bahay, na napapagitnaan lamang ng sawali mula sa buwagang hihigan
ng kanyang mga magulang at mga kapatid. Masaya silang dalawa, matagal na nagbiruan,
nagtuksuhan at nagtawanan. Nang ang gabi ay malalim na at tahimik na ang lahat, ay hindi
natiis ni Alberto na di itanong nag malaon nang inais niyang itanong.
Giliw, nasiyahan ka ba sa maringal at masaya nating kasal?
Mangyari pa, isasagot sana ni Angela na siya namang hinhintay ni Alberto. Subalit, si
Angela ay hindi nakatugos. Si Alberto naman ay natigilan, May naulinigan silang nag-uusap.
Magkano ang inutang mo kay Ingkong Karyo para sa kasal ni Alberto? Tinig yaon ng ina
ni Alberto.
Tatlong daang piso, hindi pa kasali roon ang dalawang baka. Bukas daw niya
ahalagahan. Si Mang Ambgo ang nagsasalita.
Ipinikit ni Alberto ang kanyang mga mata. Tinakpan ng dalawang palad ang kanyang mga
tainga. Pagkaraan ng ilang sandali ay muli siyang nakinig.
Hindi na tayo makakabayad sa pagkakautang kay Ingkong Karyo. Hangga ngayon ay hindi
pa natin nababayatain ang ating inutang sa kasal ni Saro!
Kaipala nga, at lalo pa kung iisiping apat pa itong anak nating lalaki na hindi
nakakasala, ang buntung-hininga ni Mang Ambo.
Muling ipinikit ni Alberto ang kanyang ga mata, tinakpan ng dalawang palad ang kanyang
mga tainga at hanggang sa sumapit ang umaga, siyay hindi nakatulog kahit isang saglit.

4. Pagsusuri batay sa pamantayang sumukat sa moralidad ng isang tao- ang


pamantayang ng tama o mali. Inilalahad din dito ang mga pilosopiya o proposisyong
nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang

itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon


narin sa kaantasan nito.

Alam naman siguro nating lahat kung anong tama at mali diba, sa maikling
kwentong Kasalan sa Nayon ay alam na nga ni Albero na mahirap sila e, tapos
gusto pa niya ng kasalang kagaya ng kanyang kuya na pagka dami-dami ng
handa at talagang mapapakain ang buong nayon sa kanilang handa.

Patunay:
Hindi niya nalilimutan, na noong siya ay may gulang na sampung taon pa lamang, ang
kapatid niyang pinakamatanda sa lahat sa kanila, ay ikinasal. Dalawang bakang matataba,
dalawang baboy na mabibilog, at hindi niya mabilang kung ilang manok, ang pinatay noon.
Lahat halos ng tao sa nayon ay nagsidalo, ang kainan ay nagsimula sa umaga at natapos sa
hapon at pagkatapos ng kasalan ay may ipinamigay pa ang kanyang ina sa mga kapitbahay at
sa lahat ng annunulungan sa handaan. Hindi niya matandaan ngayon kung makailan siyang
kumain ng araw na iyon.
Araw ng Linggo nang ikasal ang kanyang Kuya Saro. Sabado pa lamang ng gabi ay
lubhang marami na ang mga tao sa bahay ng magiging kaisang-palad ng kanyang kuya. Mga
dalaga at binata, mga matatanda, at pati mga bata ay nakatipun-tipon doon. Kung pagmasdan
niya ay hindi magkamayaw ang lahat. Para-parang may ginagawa. At ang salitaan ng bawat isa
ay nakatutulig. Hatinggabi na tuloy nang siyay makatulog noon.
Nang matapos ang kasal sa munting bisita sa kanilang nayon kinaumagahan ay inihatid pa
ng isang bandang musko ang mga bagong kasal sa bahay ng babae. Maraming tao ang sumama
buhat sa simbahan at sa mga tabi ng daan ay marami ang nangatayong pawang nagmamasid.
Ang kanyang mga kapuwa bata na kasaa niyang sumunod sa banda ng musko ay pawang
nangagsosogawan pa. Masayang-masaya ang lahat, pati ang kanyang ama at ina, na bagaman
nakita niyang napaluha nang humalik sa kanilang kamay ang mga bagong kasal, ay palagi nang
nakangiti nang araw na iyon. Samantalang sinasaksihan niya ang lahat ng iyon ay
nakakaramdam siya sa kanyang puso ng kung ano, ngunit lubha siyang nasisiyahan. Ang laha
ng iyon ay naukit sa kanyang alaala at ngayoy labis niyang kinasasabikan.

Das könnte Ihnen auch gefallen