Sie sind auf Seite 1von 4

ANG KUWINTAS

SCENE ONE: (Bahay ni Maria at Monsieur Luis)


(Mathilde Loisel at Monsieur Loisel, kumakain ng hapunan)
Luis: Uy! Ang sarap naman ng ating ulam, tuyo at talbos ng kamote.
Maria: (day dreaming) hayang sarap siguro ng buhay mayaman masarap ang
ulam hindi puro tuyo at
talbos!
Luis: Hay naku! Hayan ka na naman Kumain na lang tayo.
SCENE TWO: (Sa bahay nila Maria at Luis)
Luis: Pakibuksan nga ito, mahal at basahin mo. (Inabot ang isang envelope)
Maria: (dali-daling kinuha ni Maria ang envelope). Uy! Ano ito mahal? (binuksan
ang envelope at binasa ang
sulat).Imbitado tayo sa isang salu-salo sa tahanan ng boss, mo, mahal. Sa ikalabinwalo ng Enero, alassais ng gabi.
Luis: (napangiti si Luis)
Maria: Ano naman ang gagawin ko diyan?
Luis: Ngunit mahal, akala koy matutuwa ka. Hindi ka pa lumalabas at itoy bihirang
pagkakataon lamang.
Nagkandahirap akong makuha iyan. Lahat gustong pumunta, piling-pili lamang ang
mga panauhin at hindi
lahat ng empleyado ay binigyan ng imbitasyon.
Maria: Sige nga. Kung sakaling pupunta ako, ano ang isusuot ko?
Luis: Mahal ko, pwede na yung damit na isinuot mo noon nanood tayo ng teatro.
Maganda naman iyon ah.
Bagay na bagay nga sa iyo yun eh.
Maria: (Iiyak)
Luis: (lalapt si Luis at pupunasan ang luha ni Maria) Oh, mahal. Anong nangyayari
sa iyo? May problema ba?
Maria: Ah wala. (pause). (maglalakad papunta sa may bintana) Kaya lang wala
akong maisusuot sa
pagtitipong iyon. Kaya hindi na lamang ako dadalo. Mas mabuti na lang na ibigay
mo sa iba yang
imbitasyon na iyan.
Luis: (tatayo, lalapit kay Maria at yayakapin) Halika nga mahal, magkano ba ang
magagastos mo sa damit na
iyong isusuot para sa okasyon na iyan?
Maria: Hindi ko alam ang sapat na halaga ngunit ang limang-libong piso ay sapat na
siguro.
Luis: (mag-iisip) Sige bibigyan kita ng halagang kailangan mo. Para makabili ka ng
damit na gusto mo.
Maria: salamat, mahal.
SCENE THREE: (Shopping mall)
(Maglalakad si Maria at mamimili ng mga damit)
SCENE FOUR: (sa bahay)
(Malungkot si Maria, hawak hawak ang damit na pinamili)

Luis: Andito na ako maano na naman problema mo, mahal? Napapansin ko na kakaiba
ang ikinikilos mo
nitong mga huling araw.
Maria: Naiinis ako sapagkat wala man lamang akong kahit isang alahas walang
mamahaling bato, wala kahit
isa! Mabuti pang huwag na lamang akong dumalo doon.
Luis: Mahal ko, pwede ka naming maglagayn ng mga sariwang bulaklak. Sa kaunting
halaga, makakabili ka na
ng tatlong magagandang rosas.
Maria: Wala nang hihigit pang kahihiyan sa magmukha kang kawawa at mahirap sa
harap ng mga babaing
mayayaman!
Luis: Hindi bat may kaibigan kang mayaman si Mrs. Forestier baka pwede kang
manghiram ng alahas sa
kanya.
Maria: Oo nga ano, bat di ko naisip yun!
SCENE FIVE: (Sa bahay ni Mrs. Forestier)
Maria: May dadaluhan kasi kami ng asawa ko na isang pagtitipon. Nakabili na ako ng
damit ngunit wala akong
mga alahas na gagamitin.
Mrs. Forestier: (iaabot ang isang lalagyan ng alahas) Pumili ka ng nais mo, Maria.
Maria: (titignan ang mga alahas) Mayroon ka pa bang ibang mga lahas diyan?
Mrs. Forestier: Sandali lang at kukunin ko sa kwarto yung isa ko pang lalagyan ng mga
alahas.
Maria: (patuloy sa pagpili ng mga alahas)
Mrs. Forestier: Eto pa, Maria. (inabot ang isa pang lalagyan ng alahas)
Maria: (bubuksan ang kahon kung saan nakalagay ang isang kuwintas) Pwede
mo bang ipahiram sa akin ito?
Mrs. Forestier: Oo naman, basta ipangako mong isasauli mo rin agad ha
Maria: Oo, salamat ha.
SCENE SIX: (Sa pagtitipon)
(Napakaganda ni Maria sa pagtitipon, lahat ay napapatingin sa kanya. Lahat
gustong makasayaw siya)
(Si Luis nainip sa kakahintay kay Maria, na nakatulog siya sa isang sofa)
(Ginising ni Maria si Luis)
Maria: Uwi na tayo, alas-kwatro na ng umaga.
Luis: Hintayin mo ako dito at magtatawag lang ako ng taxi na masasakyan natin.
Maria: (hindi nakinig sa asawa) Nagmamadaling umalis.
SOUND OF A CAR
SCENE SEVEN: (Sa bahay ni Maria at Luis)
Maria: (tinitingnan ang sarili sa salamin, ng napansin niyang wala ang hiniram
na kuwintas)
Yung kuwintas!!!! (sigaw)
Luis: Mahal, ano nangyari sa yo?
Maria: Nawawala yyung kuwintas!
Luis: Ano?! Pero paano?! Imposible! Sigurado ka bang suot suot mo pa ang kuwintas
bago tayo umalis?

Maria: Oo, suot-suot ko pa yun kanina


Luis: Kung nawala mo iyon sa kalsada, mariring natin ang tunog non nang malaglag.
Maaring naiwan mo iyon
sa taxi.
Maria: Oo nga siguro.
Luis: Nakuha mo ba ang numero ng taxi?
Maria: Hindi eh..
Luis: Hindi mo ba talaga namanlayan na nawala ang kuwintas?
Maria: Hindi talaga.
Luis: Labas muna ako Maglalakad na lang ako at hanapin ko yung kuwintas baka
nahulog sa daan at baka
sakaling makita ko ulit yung taxi na sinakyan natin.
Maria: (nag-aalala pa rin si Maria)
SCENE EIGHT: (Sa bahay)
(nakabalik na si Luis)
Luis: Wala talaga mahal, kung saan saan na ako naghanap. Pinuntahan ko pa yung
garahe ng taxi na sinakyan
natin ngunit wala daw silang nakita na kuwintas pero hindi ako titigil sa
paghahanap.
Maria: Naku! Mahal yung kuwintas na iyon! Ano na gagawin natin?
Luis: Sulatan muna natin si Mrs. Forestier, sabihin natin na nasira yung kuwintas at
pinaayos natin ito. Sabihin
natin na medyo matatagalan pa yung pag-aayos non.
SCENE NINE: (Sa bahay ni Mrs. Forestier)
(natanggap ang sulat)
SCENE TEN: (Sa bahay nila Maria at Luis)
Maria: Paano kaya natin maibabalik yung kuwintas ni Mrs. Forestier?
Luis: (tahimik, nag-iisip, nakayuko)
Maria: Alam ko na, mahal! Punta tayo sa tindahan ng mga alahas at maghanap tayo ng
kapareho nung kuwintas.
SCENE ELEVEN: (Sa mall)
(lakad ng lakad, tinignan lahat ng tindahan ng alahas)
Maria: Eto yun kaparehon kapareho ng kuwintas na hiniram ko kay Mrs. Forestier!
Luis: Miss, magkano ang kuwintas na ito?
Tindera: ah fifty thousand po iyan, sir!
Maria and Luis: (magtitinginan sila)
SCENE TWELVE: (Sa bahay)
Maria: Mahal, limampung libong piso ang halaga ng kuwintas na iyon. Ang mahal pala
talaga pano na iyan.
Luis: Makaka-ipon din tayo ng sapat na halaga, mahal ko.
SCENE THIRTEEN:
Mrs. Forestier: Bakit ngayon mo lang ito naibalik Maria.
Maria: Pasensya na Mrs. Forestier pero maraming salamat ha Sige alis na ako,
salamat ulit.
(nagmamadaling umalis si Maria)
Mrs. Forestier: Pero, sandali Maria

SCENE FOURTEEN:
(kayod kabayo sina Luis at Maria)
SCENE FIFTEEN:
Maria: Kumsta ka, kaibigan?
Mrs. Forestier: ah ayos lang naman. Sino ka? Hindi kita mamukhaan?
Maria: Naalala mo ba iyong pinahiram mong kuwintas? Ako iyon.. Ako si
Mrs. Forestier: Maria! Ikaw nga ba si Maria?! (gulat na gulat)
Maria: Oo, ako nga. Hindi ka siguro maniniwalang nawa ko ang kuwintas noh?!
Mrs. Forestier: Nawala mo? Naibalik mo naman di ba?
Maria: Naibalik ko nga pero hindi iyon ang kuwintas mo. Pinag-ipunan naming magasawa iyon. Binili naming
iyon ng limampung libong piso! Nagka utang-utang kami at ngayon, binabayaran
na naming ang mga
utang namin!
Mrs. Forestier: Ang binalik mo sa akin ay totoong diyamante. Nagmamadali kang
umalis nang binalik mo sa
akin ang kuwintas, wala na akong balita tungkol sa iyo mula nang huli
tayong magkita. Ngunit
alam mo bang ang kuwintas na iyon ay hindi totoong diyamante Iyon
ay nagkakahalaga lamang
ng limang-daang piso.
Maria: (iiyak at manlulumo)
THE END

Das könnte Ihnen auch gefallen