Sie sind auf Seite 1von 13

SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASANAYAN

Sa kabanatang ito, ilalahad ng mananaliksik ang panimula,

kasaysayan ng pagpapamilya noong unang panahon at ng kasalukuyang.

Ilalahad din ditto ng mananaliksik ang mga kaakibat na suliranin at mga

layunin ng pananaliksik na ito. Ito ay upang maipahitid ng maayos at sa

organisadong pamamaraan ang gustong iparating ng mananaliksik at ukol

sa REPRODUCTIVE HEALTH BILL at ang pananaw ng mga piling estudyante

ukol dito.

PANIMULA

Sa panahong makabago at puro teknolohiya, mabilis din ang

pagbabago ng lipunang ginagalawan upang makasabay sa bilis ng

pagbabagong ito, ay bumilis din ang bilang ng tao sa mundo, at hindi

diyan naiiba ang bansang PILIPINAS pagdating sa paglobo ng bilang ng

tao, ayun sa datos nung nakaraang 2010 tinatayang may 91,983,000

bilang ang taong nakatira sa bansang Pilipinas, kaya naman naglabasan

kaliwa at kanan ang mga pamamaraan upang kahit paano ay maibsan

ang pagdami ng tao sa PILIPINAS.

Hindi na makabagong usapin ang pag –pigil sa pagdami ng

populasyon, madaming paraan na nakalaan para sa pagpigil nito, pero

may isang pinagusapan at tinutulan ng marami dahil sa madaming

dahilan ito ang RH BILL 5043, hindi pa ito batas dahil hanggang sa ngayon

Pananaw ng mga Piling Estudyante ng PUP, Main Campus ukol sa 1


Reproductive Health Bill
pinagdedebatehan parin ito sa Senado, at tinutulaan ito lalo na ng

Simbahang Katoliko.

Matagal ng usapin ito, pero gaano na nga ba kalawak ang

kaalaman ng tao ukol sa RH BILL?, masasabi kayang sapat na ang

nalalaman ng tao tungkol dito o hindi pa, kaya madami ang tumututol.

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang saloobin ukol sa

usaping “Reproductive Health”, ito ay upang mas maunawaan naten kung

anu na nga ba ang estado ng RH Bill lalo na sa kabataang Pilipino. Pinili ito

ng mananaliksik sapagkat ito ay makabago, at matutugunan nito ang

tanong na Gaano na kalalim ang nalalaman ng kabataan tungkol sa

isinasabatas na ito. Tingin ng mga mananaliksik na kailangan itong

pananaliksik upang magkaroon ng batayan kung paano pa ba natin

mapapalawak ang pagpapakilala sa RH BILL ng hindi lang ito iikot sa

iisang parte ng usapin katulad ng usapin tungkol sa kontraseptib na

inaayawan ng nakararami at aborsyon na illegal sa maliit na bansa

katulad ng Pilipinas.

Sa makabagong henerasyon na ginagalawan ngayon ng lipunan,

nagsulputan ang samo’t saring problemang di na maiiwasan, ang paglobo

ng populasyon ay hindi naiiba, nais ng mga mananaliksik na ang pag-aaral

na ito ay nawa’y maging batayan, upang malaman kung ang

“Reproductive Health Bill 5043” ay may positibo nga bang pananaw o

negatibo para sa mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Pananaw ng mga Piling Estudyante ng PUP, Main Campus ukol sa 2


Reproductive Health Bill
Ang pagpapamilya noon at ngayon ng pamilyang Pilipino ay

sadyang magkaiba, noon ang mga babae ay kailangang ligawan sa loob

ng tahanan, haranahin, pagsilbihan, at hingin dapat ng lalake ang kamay

ng babae sa magulang nito, noon bilang lalaki kung manliligaw ka

kailangan mo munang magpaalam sa mga magulang ng babae bago ka

manligaw. Sa usaping responsibilidad bilang lalaki o ama, responsibilidad

mo bilang haligi ng tahanan ang maayos at matiwasay na pamumuhay, at

responsibilidad naman ng babae, bilang ina o ilaw ng tahanan na

panatilihing maayos ang tahanan, asikasuhin ang mga anak at ang

kanyang asawa. Hindi na pinaguusapan noon kung ilang anak ang nais

magkaroon ng mag-asawa, kung gaano karami o sapat na ang dalawa,

sabi kasi noon ng mga matatanda “kayamanan ang madaming anak”.

Noon hindi isyu kung may makakain ang mga anak sa hapag kainan, o

may edukasyon bang matatanggap ang anak paglaki nito, kung

susumahin walang pinagkaiba noon ang responsibilidad ng mga

MAGULANG ukol sa pag-aasawa at pag papamilya hanggang sa ngayon,

ang pinagkaibahan lang iginigiit na ngayon ang “PAGKAKAROON NG ANAK

NA SAPAT SA KAPASIDAD NG MAG-ASAWA”, pinapalawig na din ang

kaalaman ukol sa tamang pagpapamilya yung sapat lang at kayang

hawakan ng mag-asawa.

Wastong pagpapamilya ang kinakailangan upang maibsan ang

kahirapan, ayun sa UN (United Nation) “stated in 2002 that “family

planning and reproductive health are essential to reducing poverty.” Sa

wasto at maayos na pagpapamilya din masasabi mas makakabawas ng

gastusin sa bawat pamilyang Pilipino, (UNICEF) assert “family planning

Pananaw ng mga Piling Estudyante ng PUP, Main Campus ukol sa 3


Reproductive Health Bill
could bring more benefits to more people at less cost than any other

single technology now available to human race” sa paraang ito mas

magkakaroon ng benepisyo ang bawat tao sa mas mababang halaga at

mas maayos na paraan kaysa sa ano pa mang makabagong teknolohiya

na meron tayo ngayon at sa pamamaraang ito maiiwasan ang hindi

nararapat na pagbubuntis at aborsyon, mas mapipigilan dina ng ang mga

maagang pagbubuntis ng mga kabataan at pag-aaborsyon.

Sa Artikulo ng WHO (World Health Organization) sinasabi “Legal

abortion a Fundamental right of women, irrespective of where they live

and unsafe abortion a “silent pandemic”, wasto at tamang pagpapamilya

mas nabibigyang diin ang mga ganitong sitwasyon. Taon-taon madaming

babae ang namamatay dahil sa aborsyon o pagpapalaglag. Sa kasaysayan

ng Pilipinas na binibigyang diin na pinagbabawal ang aborsyon sa ano

mang paraan, at maarin din itong tinutulan ng simbahan. Sinasabi din ng

WHO na kung makakakuha ng wastong “maternal care” ang mga babae,

puwede nitong mas maging ligtas ang babae at mas magkaroon ng

maayos na kalusugan.

Pagpapamilya at Babae, sa pagpapamilya ang unang sinasabing

nagkakaroon ng pangit na karanasan ay ang babae, sila ang unang

napupuna ng tao sa maling pamamalakas sa tahanan, iba’t-ibang istorya

ng hindi magagandang pagtrato ang nakukuha nila, halimbawa ang

pambubugbog, ayun sa datos madaming dahilan kung bakit nasasaktan

ng lalaki ang mga asawa nila, simula sa maling pamamalakad sa tahanan

hanggang sa pagtangi sa pagkakaroon ng labis labis na anak, madami

ang nagsulputang kwento na ganito ang pangyayari, kung noong unang

Pananaw ng mga Piling Estudyante ng PUP, Main Campus ukol sa 4


Reproductive Health Bill
panahon hindi makatangi ang babae kapag nais makipagsiping ang

kanilang asawa, iba na ang sitwasyon ngayon, may karapatan na ang

babae sa pagsasabi ng “AYAW KO” at hindi na ito puwedeng pilitin ng

lalaki.

Edukasyong Sekswal, pagpapalawak ng kaalaman ukol sa seks o

pagtatalik, panahon ng mga dayuhan, mariin na pinagbabawal ang usapin

ukol sa seks sa kabataan , hindi ito pinaguusapan sa bahay at kahit sa

paaralan tamang lang n sinasabi na ito ang bahagi ng katawan pero hindi

sinasabi kung paano ang ito magagamit sa tamang at wastong

pamamaraan, sa makabagong panahon pinatupad ang “SEX EDUCATION”

ito ang pagtuturo sa bahagi ng katawan ng tao, paano gamitin at

pangangalagaan, kahalagahan ng magkaibang seksuwalidad, at mga

hindi dapat gawin ng wala sa tamang panahon at oras, at kasama dito

ang tamang pagpapamilya o Family Planning na tinatawag at mga sakit

na maaring makuha sa pakikipagtalik ng maaga, subalit tinutulan ito, lalo

na ng mga konserbatibong pamilya, paaralan at mga kilalang tao, maari

raw itong ,mas maging dahilan lalo ng pagtaas ng “pre-marital sex” o

pakikipagtalik ng maaga / pakikipagtalik bago ikasal.

Sapat na edukasyon para sa kaalaman ng lalaki, malaking bahagi ng

lipunan ang lalaki at ng pamilya, kung walang lalaki hindi mabubuo ang

isang bata, bilang lalaki dapat malaman nila kung hanggang saan lang

puwede at kaya niyang hawakang pamilya, dapat malaman niya kung

anu-ano ang ang pinagdadanan ng bawat babaing nagbubuntis ng wala sa

panahon, sapat na edukasyon ukol sa tamang pagpapamilya, sapat na

kaalaman upang igalang ang pangangailangan ng bawat isa sa pamilya.

Pananaw ng mga Piling Estudyante ng PUP, Main Campus ukol sa 5


Reproductive Health Bill
Sa tamang pag-aasawa, tamang pagpaplano, at tamang kaalaman

maari itong magbigay ng sapat o higit pang benepisyo para sa asawa,

anak at ng bansang kinabibilangan. Ang RH bill ay ginawa upang

matugunan ang pangangailang ng bawat mamayang Pilipino ukol sa

tamang pagpapamilya, ang reproductive health ay tumutukoy sa

matiwasay at maayos na pagpaparami, simula sa pisikal, emosyonal, at

nakakasiyang pagtatalik ng mag-asawa hanggang sa pag-gabay nito sa

tamang pagpapamilya at kaalaman ukol sa seks, hindi lamang ito para

babae, pati mga lalaki ay kabilang sa din dito gayun din ang mga

matatanda at bata.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Malimit na pinag-uusapan kung ano nga ba ang RH BILL? Bakit ito

ginawa? Para kanino at ito at para saan? Madalas isang bagay lang ang

napapansin dito, ang aborsyon na tinutulan ng marami at ang maling

patingin ng nakararami sa tamang pagpapamilya. Sa pananaliksik na ito

pinahahalagahan ang mga sumusunod na suliranin.

1. Paano mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan ukol sa RH

BILL?

2. Anu-ano ang mabuting maidudulot ng Reproductive Health sa lipunan?

3. Anu ang masamang maidudulot Reproductive Health sa lipunan?

Pananaw ng mga Piling Estudyante ng PUP, Main Campus ukol sa 6


Reproductive Health Bill
4. Bakit kailangang ipatupad ang RH BILL?

5. Sinu-sino ang maaapektuhan ng RH BILL?

PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Ang pananaliksik na ito ay layuning masagot ang mga katanungan

hingil sa Reproductive Health Bill. Ang mga sumusunod ay layunin ng

pananaliksik na ito.

1. Mabatid ang Antas ng kaalaman ukol sa RH Bill upang malaman kung

paano ito ipapahatid upang mas maintindihan ang isinasabatas na ito.

2. Layunin nito malaman kung Pabor o hindi ang mga piling estudyante ng

PUP, main kampus.

3. Upang malaman ang epekto ng RH Bill sa pangkasalukuyang

henerasyon.

4. Matukoy ang mabuting maidudulot ng RH Bill sa kabataang Pilipino.

5. Mabatid ang kaalaman sa RH Bill bilang batayan ng Kalusugan ng

bawat pamilya.

Pananaw ng mga Piling Estudyante ng PUP, Main Campus ukol sa 7


Reproductive Health Bill
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral ng ganitong pananaliksik ay para magkaroon ng

batayan, upang malaman ang antas o lawak ng kaalaman ng kabataan

ukol sa mga pangyayaring ganito, sinasabing nagkakaroon na ng malawak

na pananaw ang isang tao kapag nakakaroon o natututo na itong

makialam at makibahagi sa pangyayari sa kanyang paligid. Sa

pananaliksik na ito inaasahan ang mas mapalawak na pagintindi o pag-

unawa ukol sa usaping Reproductive Health Bill, upang maari na nating

masagot ang tanong na gaano na nga ba ang pag-intindi ng kabataan

ukol sa usaping ito.

Ang pananaliksik na ito ay magiging gabay sa antas ng kaalaman at

pananaw ng kabataan, maari itong gawing batayan kung ano ang mga

hindi naiintindihan sa paksa at puwede itong gawing malinaw upang mas

magkaroon ng malawak na pang-unawa. Nais ng bawat isa ang

masmaayos na pamumuhay at nais ng bawat tao ang pantay na pagtingin

ukol sa buhay, gabay na tama at wasto, maayos na paliwanag at

naiintindihang pag-uusap.

Sa mga kabataan na haharap sa mga pagbabago, nais ng

mananaliksik na itong pag-aaral na ito ay mapulutan nila ng bagong

Pananaw ng mga Piling Estudyante ng PUP, Main Campus ukol sa 8


Reproductive Health Bill
kaalaman, magkaroon ng malalim na pag-iisip at pag-intindi kung ano nga

ba ang maayos at reproduktibong pagpaparami, inaasam ng mga

mananaliksik na itong pag-aarak na ito ay makatulong sa bawat

kabataang Pilipino sa patingin sa mawalak na aspeto ng pamumuhay at

pagtingin ng may pagintindi sa nais gampanan ng RH BILL.

Sa mga magulang maari nilang maging basehan ito kung paano

ipapakilala sa kanilang mga anak ang tamang pagpapamilya at maging

basehan din nawa ng tamang pagpapakilala sa mga bagay-bagay ng

naayon sa kung ano ang tama at maipaliwanag ng mabuti kung bakit ito

napaguusapan at pinag-aaralan.

Sa mga nasa pang-akademikong larangan, maari itong maging

gabay kung paano itutuwid ang maling akala ng lahat ukol sa RH BILL,

maari nila itong maging gabay sa tamang pagsasabi na ito ang kabuohan

at hindi bahagi lamang , puwede nila itong gawing batayan para ipahatid

ang tama at mali sa nasabing usapin.

Sa mga nasa Gobyerno, NGO (Non-Government Office), at mga

sumasang-ayon at naniniwala sa RH BILL, nawa’y maging basehan ito sa

mga kakulangan at mga benepisyo ng nasabing usapin, ibig ng

mananaliksik na itong pag-aaral na ito ay makatulong upang mapalawig

ang mga hakbang para maiparating sa mamayan ang dapat at mabuting

Pananaw ng mga Piling Estudyante ng PUP, Main Campus ukol sa 9


Reproductive Health Bill
maiidudulot nito sa bawat pamilyang Pilipino, gayundin ang mga negatibo

upang masmaging handa ang bawat pamilya. Makakatulong din ang pag-

aaral na ito sa mga dapat gawing hakbang upang mabago ang negatibong

tingin sa RH BILL, ang mga pananaw ng estudyante ay gagawing batayan

kung paano maipapaliwanag ng may pag-intindi ang kahalagahan ng

isinasabatas na ito.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap, gawing batayan ang pag-aaral

na ito upang mas maging komprehensibo at mas mapalawig ang nais

iparating ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito, upang sa gayun mas

magkaroon ng malawakang pag-unawa ukol sa paglobo ng papulasyon,

mga dahilan nito at paano ito mapipigil, gawin naawa itong gabay, upang

mas mapalawak ang kaalaman ukol sa usaping Reproductive Health at

upang mabigyan ito ng mas malalim pang pag-intindi sa tamang

pamumuhay.

Ang mga impormasyong nakalap ay makakatulong upang sa gayon

ay mas mabigyan ng diin kung ano nga ba ang mali sa pananaw o tama

nga lang ba ang pananaw ng kabataan sa panahong ito.

BALANGKAS TEORITIKAL

Pananaw ng mga Piling Estudyante ng PUP, Main Campus ukol sa 10


Reproductive Health Bill
Ang Reprodutive Health ay nagbibigay ng impormasyon at

karapatan na gumamit ng natural at modernong pagpapaplano ng

pagpapamilya, kung saan ito ay ligtas at pinapahintulutan ng batas.

Sinigurado din nito ang babae at mag-asawa ay magkaroon ng

karapatang ng nais nilang sistema ng pagpapamilya, na kung saan ay

sinasaalang-alang ang kanilang pangangailang, personal nakakayahan, at

mga paniniwala.

Ang isinasabatas na ito ay walang kinikilingan sa natural o

modernong pagpapamilya. Ang natural at moderno plano at pareho lang

ang nais makamit ang mapigilan ang hindi inaasahang pagbubuntis.

Ang sinasabatas ding ito ay humihikayat ng makakayanang “human

development”. UN stated in 2002 that “family planning and reproductive

health are essential to reduce poverty.” UNICEF also asserts that “family

planning could bring more benefits to more people at less cost than any

other single technology now available to human race.”

Ang mga sumusunod ay ang lawak ng sakop ng isinasabatas na ito.

1. Impormasyon at daan sa natural at modernong pagpapaplano ng

pamilya

2. Kalusugan at Nutrisyon ng Ina, sangol at bata

Pananaw ng mga Piling Estudyante ng PUP, Main Campus ukol sa 11


Reproductive Health Bill
3. Paghihiayakat sa Pagpapasuso ng mga sangol

4. Mapigilan ang abosyon at malaman ang mga “post-abortion

complication”

5. Kalusugan ng mga bawat nagbibinata, nagdadalaga at mga bata.

6. Pamigilan at mapahalaan ang “reproductive tract infection”,

HIV/AIDS at STDs

7. Mawala na ang pananakit sa mga babae

8. Mabigyan ng tamang gabay ukol sa seksuwalidad, seks at

reproduktibong kalusugan.

9. pagpapagamot sa suso at ari na may kanser

10. Pakikilahok ng mga lalake at partisapasyon nito sa

Reproduktibong Kalusugan
Impormasyon at
daan sa natural at Mawala na ang
11. Mapigilan at magamot ang hindi pagkakaroon ng anak
modernong pananakit sa mga
pagpapaplano ng babae
pamilya
12.Reproduktibong Edukasyon sa mga kabataan.Mabigyan ng gabay
Kalusugan at ukol sa
Nutrisyon ng Ina, seksuwalidad, seks
sangol at bata at reproduktibo
kalusugan
Paghihiayakat sa pagpapagamot sa
Pagpapasuso ng suso at ari na may
mga sangol kanser
BALANGKAS KONSEPTUWAL
REPRODUCTIVE
HEALTH Mapigilan ang Pakikilahok ng mga
abosyon at lalake at
malaman ang mga partisapasyon nito
“post-abortion sa Reproduktibong
complication” Kalusugan
Kalusugan ng mga Mapigilan at
bawat nagbibinata, magamot ang
nagdadalaga at hindi pagkakaroon
mga bataat ng anak
Mapigilan
Pananaw ng mga Piling Estudyante ng PUP, Main Campus ukol sa 12
mapahalaan ang Reproductive Health Bill
Reproduktibong
“reproductive tract Edukasyon sa mga
infection”, kabataan
Pananaw ng mga Piling Estudyante ng PUP, Main Campus ukol sa 13
Reproductive Health Bill

Das könnte Ihnen auch gefallen