Sie sind auf Seite 1von 1

ATTN:DESK EDITOR

ABIGAEL VINEGAS
August 20, 2010

Dumipensa ngayon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa patutsada
ni Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Coco Quisumbing na hindi tama ang
ginawa ng CIDG sa pag-imbita ng pamilya ng biktima na tinorture sa ng mga pulis batay sa
lumabas na video.

Sa isang panayam sinabi ni CIDG chief Dir. Leon Nilo dela Cruz na mahalaga sa imbestigasyon
ang statement ng kaanak ng biktima sa torture video bilang complainant witness laban sa hepe na
si S/Insp. Joselito Binayug at siyam pang mga kasamahan nito sa Asuncion, Tondo.

Inihayag pa ni Dela Cruz sa isasailalim nila na sisiyasatin nila upang matiyak na hindi dinoktor
ang nakuhang video sa nangyaring torture upang masiguro na hindi ito pineke upang sirain
lamang ang reputasyon ng mga pulis.

Tiniyak naman ng opisyal na walang mangyayaring whitewash sa kanilang pag-imbestiga


kasama ang Task Force Asuncion.

Napag-alaman na umani ng pagkondena mula sa mga concerned agencies ang naturang "torture
video."

Maging si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ay ipinag-utos na imbestigahan ang


akusasyon laban sa mga dating Tondo police na sangkot umano sa panonorture.

Das könnte Ihnen auch gefallen