Sie sind auf Seite 1von 26

 

UNCORRECTED PROOF:

Kabanata 11
Los Baños
 
 
            Ang kataas-taasang Kapitan Heneral at namamahala sa
Kapuluang Pilipinas ay nangaso sa Busubuso.1  Nguni’t sa dahilang may
abay na isang bandang  musiko (sapagka’t ang gayong kataas na tao’y
hindi dapat mahuli sa mga imaheng kahoy na ipinagpuprusisyon)2 at
sa dahilang ang pagkagiliw sa di matingkalang arte ni Sta. Cecilia3 ay
hindi pa laganap sa ugali ng mga usa at baboyramo sa Busubuso, ay
walang nahuli ni isa mang daga, ni ibon ang Heneral na may kasamang
banda ng musiko at kaalakbay na mga prayle, mga militar at mga
kawani.

            Inakala na ng mga pangunahing opisyal sa lalawigan na may


maaalis sa katungkulan o kaya’y malilipat; ang mga kaawa-awang
kapitan sa bayan at mga kabisa ay hindi nangapalagay at hindi
nangakatulog sa panganganib na baka maisipan ng maalindog na
mangangaso ang ipalit sila sa mga hayop sa gubat na hindi marunong
umalinsunod,4 gaya nang ginawa na ng isang alcalde noong mga
nakaraang araw na napapasan sa tao, sa buo niyang paglalakbay,
sapagka’t walang mabait na kabayong maaasahang hindi magbabagsak
sa kanya.5  May isang bali-balitang kumalat na mayroon gagawin ang

1
MGA PALIWANAG

Isang bulubunduking bahagi ng lalawigan ng Morong at ngayon ay sakop ng


Antipolo, Rizal.
2

Sa bahaging ito ay nagawa ni Rizal na pagsamahin ang pang-iinsulto sa


dalawang binibigyan ng parangal ng mga banda ng musiko – ang mga kahoy na
santo at/o ang mga matataas na opisyal ng kolonyal na gobyerno.
3
Patron ng sining ng musika.
4

Makikita na sa isang burukrasya na walang kasiguraduhan ang


panunungkulan sa isang katungkulan ay palaging nanganganib ang kanilang
posisyon ayon sa sumpong ng mga nakakataas sa kanila. Ang kawalan ng
isang maayos na panahunan ng panunungkulan (tenure) sa pamahalaan ang
dahilan upang ang mga nasa gobyerno noon ay gumawa ng pagiging sipsip
(sychopant).
5
Isang mataas na anyo ng pagmamalabis sa kapangyarihan – ito ay sa dahilang
ginawa niyang hayop ang mga tao na kaniyang nasasakupan. Ang pagkamuhi
Heneral, sapagka’t ang gayong pangyayari umano ay isang simula ng
paghihimagsik na dapat sugpuin kaagad; na ang isang pangangasong
walang nahuli ay makasisira sa karangalan ng mga Kastila, atbp.,6 at
humanap na tuloy ng isang kahabag-habag na taong papagsusuutin
ng suot-usa, nang sabihin ng Heneral (sa udyok ng isang pagkahabag na
hindi nabigyan ni Ben-Zayb ng sapat na pagpuri) at pinawi ang lahat ng
pangamba at sinabi na siya’y naaawang pumatay ng mga hayop sa
gubat.

            Kung ipagtatapat ang katotohanan ay sadya ngang


nasisiyahang-loob ang Heneral, sa dahilang ano ang nangyari sana kung
hindi tumama sa pagtudla sa isang usa na hindi nakababatid ng ugaling
dapat ipamalas sa mga gayong kaparaanan?7  Saan masasadlak ang
karangalan ng nakapamamahala?  Bakit?  Isa ba namang Kapitan
Heneral ang hindi tumama na wari’y bagong nangangaso?   Ano na
lamang ang wiwikain ng mga Indiyo, na sa kanila’y karaniwang naman
na mga mahuhusay na manudla? Malalagay sa panganib ang tibay ng
Inang-Bayan…8

            Iyon ang dahilan sanhi kung kaya’t ipinag-utos ng Heneral (na
nakatawa ng tawang koneho at anyong mangangasong masama ang
loob) ang pagbabalik kaagad sa Los Baños,9 at ipinaghambog, sa
na ito ni Rizal sa pagpapasan ng tao ay nadala niya mismo sa bansang Japan,
kung saan sa kabila ng maramuming papuri na kaniyang nasabi sa Japan, ang
hindi niya nagustuhan ay ang mga tao ang humihila sa rickshaw.
6
Katawa-tawa ang isang mataas na pinuno na walang maipakitang kahusayan.
Pansinin na binibigyan palagi ng ng mga Espanyol ng posibilidad ng masamang
bunga nito sa katatagan ng kolonyal na pamahalaan sa Espanya.
7
Isang pang-aasar ni Rizal, ang usa ay hindi marunong sumunod sa etiketang
pulitikal. Ang tao ay dapat na sumunod sa mga kagustuhan ng mga
nakakataas sa kaniya, samantalang ang usa ay hindi sumunod, kahit na
direkta pa itong binabaril ng Kapitan Heneral.
8
Sa bahaging ito ay ipinakikita ni Rizal ang kapantayan o hindi pahuhuli sa
kahusayan ng mga Pilipino sa pagtudla. Malalagay sa panganib ang tibay ng
Inang-Bayan- Sa nobela ay inilagay ni Rizal sa kaisipan ng Kapitan Heneral ang
takot na ito. Subalit waring sinasadya naman ni Rizal na bigyan ng lakas ng
loob ang mga Pilipinong mambabasa.
9

Los Banos – sa panahon ng Espanyol, ang bayan na ito ay dinarayo ng


maraming tao dahilan sa pagkakaroon nito ng maraming maiinit na baliguan
(banyo). Ang katanyagan nito bilang bakasyunan ay pagtatayo noong 1879, ng
isang bahay bakasyunan para sa Kapitan-heneral ng Pilipinas. Sa panahon ng
mga Amerikano, ang popularidad ng Los Banos ay nalipat sa nilikha nilang
lungsod ng Baguio, kung saan ang Mansion ng Kapitan-Heneral Amerikano ay
natayo at sa ngayon ay tinatawag na Summer Residence ng Pangulo ng
paglalakbay, ang kanyang kagitingan sa pangangaso sa ganito o gayong
pangasuhan sa Espanya at waring ibig ipahiwatig ang pag-alipusta niya
sa mga pangangaso sa Pilipinas, bagay na inaakalang kapit sabihin dahil
sa nangyari. Pse! 10   Ang paligo sa Dampalit (daang paliit), ang sigangan
sa baybay ng lawa, ang paglalaro ng tresillo sa palasyo at pagdayo sa
gayon at ganitong kalapit na binubulusan ng tubig o sa lawang
kinalalagyan ng mga buwaya ay mainam pa kaysa roon at hindi pa
manganganib ang karangalan ng Inang-Bayan.11

            Nang isa sa mga huling araw ng buwan ng Disyembre ay


nakipaglaro ng tresillo12 ang Kapitan Heneral, samantalang inaantay
ang oras ng pananghalian.  Katatapos pa lamang niyang maligo at
uminom ng isang basong sabaw at laman ng buko, kaya’t ang mga
sandaling iyon ay siyang bagay samantalahin sa paghingi ng mga
biyaya.13  Isa pang nakapagpaparagdag sa kanyang katuwaan ang
pananalo, sapagka’t pinupunyagi ni Padre Irene at ni Padre Sibyla,
na kanyang mga kalaban, ang lihim na pagpapatalo,14 samantala
namang si Padre Camorra ay  nangngingitngit sa dahilang kararating pa
lamang nang umagang yaon at hindi niya batid ang mga pakanang
iyon.15  Sa dahilang pinagbubuti ng paring-artilyero ang pakikipaglaro
Pilipinas.
10

Mapapansin rito na ang sinisisi ng Kapitan Heneral sa kaniyang kahinaan ay


ang Pilipinas at hindi ang kaniyang sarili.
11
Pansinin na ipipanikita ni Rizal ang ugaling lakwatsero at sugarol ang
Kapitan Heneral sa nobelang ito. Sa kabila ng ganitong pag-uugali ay hindi niya
tintingnan na ito ay banta sa integridad ng kapangyarihan ng Espanya sa
Pilipinas.
12
Laro ng baraha na popular noon sa Espanya – nilalaro ito ng tatlong katao,
subalit maaring madagdagan ng isa pa.
http://www.pagat.com/lhombre/tresillo.html
13
Pansinin na ang pagtupad ng katungkulan ng Kapitan Heneral ay hinihinat
ng pa ng mga tao na nasa kondisyon ang isipan (malamig ang ulo).
14

Ang pagpapatalo sa sugal ng dalawang prayle ay upang makalugdan ng


Kapitan Heneral. Ang katotohanan, ang tunay na nagsusugal sa lamesang iyon
ay ang dalawang prayle. Ang Kapitan Heneral ay siguradong panalo na, subalit
sina Padre Sybila at Irene ay mayroong magkasalungat na layunin sa kanilang
magiging pagdulog sa Kapitan Heneral.
15

Tatlo ang talagang naglalaro ng tresillo at sumingit lamang si Padre Camora –


bilang pang-apat. Hindi siya nasabihan sa pakanang kusang pagpapatalo nina
Padre Sybila at Irene sa Kapitan Heneral. Ang katotohanan, si Padre Irene na
kalapit niya at maaring nakakakita ng baraha ni Padre Camorra ay may isang
layunin, ang hindi rin papanaluhin si Padre Camorra para matiyak ang panalo
ay  namumula at napapakagat-labi tuwing  malilibang o mamamali sa
pagsusugal si Padre Sibyla, nguni’t hindi siya makaimik dahil sa malaki
niyang pag-aalang-alang sa Dominiko; datapwa’t si Padre Irene naman
ang pinagbubuntunan niya ng galit sapagka’t ipinagpapalagay niyang
mapagpusa at sa gitna ng kanyang kabuhalhalan ay di binigyang-
halaga.  Hindi man lamang siya tinitingnan ni Padre Sibyla; binabayaan
siyang mag-uungol; datapatwa’t si Padre Irene, sa dahilang
mapakumbaba, ay humihingi ng tawad, samantalang hinihimas ang
tungkil ng mahaba niyang ilong.16  Ang Heneral naman ay nagagalak at
sinasamantala ang pagkakamali ng kanyang mga kalaban sapagka’t
siya’y mabuting magparaan, alinsunod sa pahiwatig ng kanonigo.17 
Hindi batid ni Padre Camorra na ang pinaglalaruan sa ibabaw ng
lamesang iyon ay ang ikalulusog ng pag-iisip ng mga Pilipino, ang
pagtuturo ng wikang Kastila,18 sapagka’t kung nalalaman niya ay
malugod sanang nakihalo sa laruan.19

            Sa nakabukas na balkon ay pumapasok ang malinis at masarap


na simoy at natatanaw ang lawa, na ang tubig ay mahinhing
bumubulong sa paanan ng bahay, na waring nangangayupapa.  Sa
dakong kanan, sa malayo, ay natatanaw ang pulo ng Talim na lubhang
bughaw; sa gitna ng lawa at halos katapat lamang ay may isang pulong
luntian, ang pulo ng Kalamba, na walang tao at ang ayos ay waring
kabiyak na buwan; sa kaliwa, ang magandang pampangin na
nahihiyasan ng kakawayanan, isang bunduk-bundukang tanaw ang
buong lawa, malalawak na bukirin, sa dako pa roon ay bubong na saga
sa mga pagitan ng kulay na luntiang maitim-itim ng mga dahon,
pagkatapos ay ang bayang Kalamba, at sa huling dakong abot ng tanaw

ng Kapitan Heneral.
16
Makikita ang husay ni Rizal sa paglalarawan ng body language sa
pamamagitan ng kaniyang mga tauhan. Si Padre Irene ay nahingi ng
paumanhin samantalang kinukuskos ang ilong na ang nasabing aktwasyon ay
nangangahulugan ng kawalan ng sinseridad. Malaman sana na ang kahulugan
ng salitang Irene ay payapa o isang tahimik na tao na ayaw ng gulo.
17

Binobola nina Padre Sybila at Irene ang Kapitan Heneral at sinasabing


mahusay na tactician – samantalang ang katotohanan ay silang dalawa ang
tunay na naglalaro sa Kapitan Heneral.

Pansinin na sa lamesa ng sugalan nakasalalay ang kapasiyahan ukol sa isang


18

mabigat na usaping pambayan.


19
Si Padre Camorra ay makikilaro rin sana sa usapan ukol sa kapasiyahan ukol
sa paaralan at maaring magpatalo sa sugal para magkaroon din ng
inpluwensiya sa desisyon ng Kapitan Heneral.
ay waring bumababa ang langit sa tubig ng lawa na anyong dagat, na
siyang sanhing tawagin siyang “dagat na tabang” ng mga tagaroon. 20
          
  Sa isang dulo ng salas ay naroroon ang kalihim na nakaupo sa
harap ng isang mesa na kinalalagyan ng mga dokumento.  Ang Heneral
ay masipag at hindi niya ibig mag-aksaya ng panahon, kaya’t
pinadadala sa kaniya ang mga dokumento, habang nag-lalaro ng
tresilyo o samantalang namimigay ng baraha.21

            Samantala namang naglalaruan ay naghihigab at nabubugnot


ang kalihim.22  Ang ginagawa sa umagang iyon, gaya ng dating ginagawa,
ay ang pagpapalit-palit ng mga kawani, mga pag-aalis sa katungkulan,
pagpapatapon sa malayong lupa, pagbibigay ng biyaya, atbp.,23 nguni’t
hindi pa dumarating sa malaking usaping inaantay ng lahat, ang
tungkol sa kahilingan ng mga nag-aaral na pahintulutan silang
makapagpatayo ng isang akademya ng wikang Kastila. 24

            Ang kawaning may mataas na katungkulan, si Don Custodio, at


isang prayleng nakatungo at waring may iniisip o may kabigatan ang
loob (Padre Fernandez ang kanyang pangalan) ay nagtatalo na mahina
ang usapan, samantalang payao’t dito sila sa dalawang dulo ng salas. 
Sa isang silid na kalapit ay naririnig ang tunog ng mga bola ng bilyar,
tawanan, halakhakan, ang boses ni Simoun; ito’y nakikipagbilyar kay
Ben-Zayb.
          
  Si Padre Camorra ay biglang nagtindig.
           
“Maglarong parang Cristo, puñales,” ang pabulalas na sabing
kasabay ang paghahagis ng dalwang barahang natitira sa kanya, sa ulo

Reminder: Ilagay ang picture ng bahay na ito sa Los Banos upang higit na
20

Makita ng mga mambabasa ang kahusayan ni Rizal sa paglalarawan.


21
Isang anyo ng panunudyo ni Rizal sa Kapitan Heneral na nagdedesisyon o
pumipirma ng mga dokumento ng estado samantalang abala sa pagsusugal.
22
Ang paghihikab ng kalihim ay dahilan sa tagal bago siya makapag-pasok ng
isang dokuemnto para pasyahan ng Kapitan Heneral.
Angkalihim sa nobelang ito ay isang propesyonal na burukrata, natamo
ang kaniyang posisyon dahilan sa sariling kakayahan at hindi basta naitalaga
lamang na katulad ng Kapitan Heneral.
23
Ang kalihim ang siyang tunay na nag-aasikaso ng lahat ng opisyal na papel
ng pamahalaan.
24
Sa kabila nito ng malaking responsibilidad ng kawani ay wala sa kaniya ang
kapangyarihan sa mga mahahalagang isyu.
ni Padre Irene, “puñales, ang taya ay sigurong-siguro na, kung di man
ang codillo, at natalo pa dahil sa tawag!  Puñales!  Naglalarong parang
Cristo!”25
           
At galit na galit na isinasalaysay sa lahat nang naroroon ang
pangyayari, lalung-lalo na sa tatlong naglalakad, na wari’y siyang ibig
niyang pahatulin.  Sumusugal ang Heneral, siya ay laban, may tiklop na
si Padre Irene; humahatak siya sa espada at puñales, hindi inilaro ng
kamoteng si Padre Irene ang kanyang baraha.  Si Cristo na ang
makilaro!  Siya’y hindi naparoon upang magpatalo ng salapi at durugin
ang kanyang ulo sa walang kapararakan.26
           
“Ang akala marahil ng neneng ito,” ang patuloy na namumula, “ay
kinikita ko ang salapi ng papalikwad-likwad lamang.  Ngayon pa namang
ang aking mga tao’y nangagsisitawad na!”27

            At umuungol na tumungo sa kinalalagyan ng bilyar, na, hindi


na pinakinggan ang mga hinging ipagpaumanhin ni Padre Irene na
nagtatangkang mangatwiran sa tulong ng paghaplos ng ilong upang
itago ang kaniyang lihim na ngiti.
           
“Ibig po ba ninyong umupo, Padre Fernandez?” ang tanong ni
Padre Sibyla.

            “Masamang manlalaro ako ng tresillo,” ang sagot ng prayle na


lumabi pa.28

Que juegue Cristo- sa tekstong Espanyol, na ang kahulugan ay gumaganap ng


25

pagpapakasakit, kapalit ng kaligtasan ng iba. Samantalang sa bahagi ng ito


nagpapaksakit o nagsasakripisyo sina Padre Sybila at Irene para sa sarili nilang
kapakanan.

Papaano nalaman ni Padre Camorra na nagpapatalo si Padre Irene?


Pagkatapos na manalo ng Kapitan Heneral ay ibinaba ng mga manlalaro ang
kanilang natirang mga baraha at doon nakita ni Padre Camorra na higit na
maganda ang mga baraha ni Padre Irene.
26
Ang katotohanan ay si Padre Camorra ang tunay na hangal sa larong ito –
sumali siya ng hindi niya alam ang tunay na layunin ng kaniyang dalawang
kasamang prayle. Kung alam lamang niya ay siguradong magpapatalo rin siya
sa sugalan. Ang pagpapatalo nina Padre Sybila at Irene ay isang anyo ng lihim
o hindi direktang pagsuhol sa Kapitan Heneral.
27
Nagsisimulang tumutol ang mga parokyano ni Padre Camorra sa mataas na
singil sa simbahan.
28
Ang pag-aalok ni Padre Sybila kay Padre Fernandez ay isang hindi direktang
pagsasabi na kung gusto rin nitong makilaro ito sa Kapitan Heneral. Si Padre
Fernandez ay mayroon ding sadya sa nasabing pinuno. Ang pagtutol at paglabi
.
            “Kung gayo’y paparituhin si Simoun,” ang sabi ng Heneral, “eh,
Simoun, eh, mister, ibig baga ninyong makilahok sa isang laro?”

            “Ano ang ipapasya tungkol sa mga armas de salon?”29 ang


tanong ng kalihim na sinamantala ang pagkakahinto.

            Dumungaw si Simoun.


           
“Ibig baga ninyong maupo sa puwesto ni Padre Camorra, ginoong
Simoun?” ang tanong ni Padre Irene, “ang itaya ninyo’y brilyante at hindi
tantos.”30
           
“Walang kailangan sa akin ang gayon,” ang sagot ni Simoun na
lumapit at ipinapagpag ang yeso na nasa kanyang kamay, “at kayo, ano
ang inyong itataya?”

            “Ano ba ang maitataya namin?” ang tugon ni Padre Sibyla, “ang
Heneral ay makatataya nang maiibigang itaya, nguni’t kami, mga prayle,
mga pari…”

            “Bah!” ang putol na pakutya ni Simoun,31 “ang ibabayad


ninyong dalawa ni Padre Irene ay mga kawanggawa, panalangin,
kabaitan, ano?”32

            “Batid ninyong ang mga kabaitang taglay ng isa’t isa,” ang talad
na walang halong biro ni Padre Sibyla, “ay hindi kagaya ng mga brilyante
na maaaring masalin sa iba’t ibang kamay, ipinagbili na sa isa’t

ni Padre Fernandez ay pagpapakita ng kaniyang paniniwala sa tunay na


kabutihang loob at kapasiyahan ng Kapitan Heneral.
29
Sa ilang mga nagsalin ng Fili sa wikang Filipino ay ginamit na katapat ng
armas de salon ay armas pansalas o inaakala nila na ito ay armas na naka-
display sa salas. Subalit sa translation ni Derbyshire ay ginamit niya ang
sporting arms o baril na ginagamit sa pangagaso.
30
chips
31
Ginawa ni Rizal na pangahas si Simoun sa bahaging ito ng kabanata. Muli
kailangang ilarawan ni Rizal si Simoun sa pinakamasamang anyo ng katauhan,
upang magamit ni Rizal bilang tagapagsalita ng kaniyang mga nakatagong
kaisipan.
32
Sa mga bagay na hinihingi ni Simoun ay wari siyang Diablo, na
makikipagsugal sa dalawang pari na ang kapalit ng pagkatao ay ang
pagbebenta ng mga panatang pangkabanalan ng mga pari. Panatang kanilang
sinumpaan sa Diyos at ipinaalam sa mga tao.
ipinagbibili pa nito…iyon ay dala ng tao, mga kabagayang nakakabit sa
nagtataglay…”33

            “Kung gayon ay papayag akong sa salita na lamang ninyo ako


bayaran,” ang pakling masaya ni Simoun.34  “Kayo, Padre Sibyla, sa
bawa’t limang tantos na ibibigay ninyo sa akin, ay sasabihin na lamang
ninyo, sa halimbawa:  lilimutin kong limang araw ang karalitaan, ang
kababaang-loob, ang pagkamasunurin… kayo naman Padre Irene:  
lilimutin ko ang kalinisang ugali, ang pagkamahabagin, atbp.35 Nakita
na ninyo, na napakaliit na bagay, at ibibigay ko’y ang aking mga
brilyante.” 36 

            “Napakatanging tao nitong si Simoun, kung anu-ano ang


iniisip!” ang sabing tumatawa ni Padre Irene.37

            “At ito,” ang patuloy ni Simoun na tinangki sa balikat ang


Heneral,38 “ang ibabayad nito sa akin, sa bawa’t limang tantos, ay isang

33
Makikita sa pamamagitan ng pananalitang ito ni Padre Sybila ang pagdusta
sa malaking kayamanan na taglay ni Simoun. Subalit ang istilo ni Rizal ay
pinagsasalita niya ng laban sa kayamanan, ang isang tao na kumakatawan sa
pinakamayamang negosyo sa daigdig.
34
Waring isang Diablo si Simoun, na nakangiti, na kahit sa salita lamang ay
sapat na siyang bayaran ng dalawang prayle kung matatalo nila ito sa sugalan .
(Me contento entonces con que ustedes me paguen de boquilla, replicó
alegremente Simoun); Katulad ng tunay na Diablo na nasisiyahan sa lip service
ng mga taong simbahan na pumupuri sa pamamagitan ng bibig ukol
kabanalan at ang buhay ay labag sa mga panatang kaniyang dapat na
isabuhay.
35
Upang maunawaan ang epekto ng kondisyon na hinihingi ni Simoun sa mga
prayleng kausap ay basahin ang nakakatuwang katha ni Rizal na Por Telepono,
kung saan ginawa niyang katatawanan si Padre Salvador Font sa pamamagitan
ng isang insult na tanging mga henyo lamang sa panulat ang makagagawa.
36
Putong Inamoy!!!!!!!!!!!!!!! ITO ANG PINAKAMATINDI, kapag nilimot nila ang
mga panatang ito ay makukuha nila ang mga kayamanan. Dahilan sa ang
simbahan sa kapanahunang iyon ang pinakamayamang korporasyon, na ang
pangunahing produkto ay pangarap na kaligtasan.
Paala-ala na kahit ang Cristo ay dumaan sa ganitong tukso ng Diablo.
37
Sa pamamagitan ni Padre Irene ay ipinakita at kinukumpirma ni Rizal na ang
paglimot (hindi lamang ng limang araw, kundi sa loob ng libong taon) sa mga
panata ng kaparian ang nagpayaman sa kanila.
38
Ang aktwasyon na iyon ni Simoun ay nagpapakita na ang papel ni Simoun ay
isang Diablo. Tingnang mabuti ang larawan ng mga Tauhan ni Goethe na si
Faust at ng diablong si Mephistopheles.
vale na katimbang ng limang araw na pagkakabilanggo, sa isang solo ay
limang buwan, sa isang codillo ay isang utos na pagpapatapon, na
walang nakatalang pangalan, sa isang bola…ay isang utos sa guwardiyia
sibil na makabaril sa daan sa taong parurusahan, samantalang
inihahatid sa ibang bayan, atbp.”39

            Ang hamon ay napakatangi.  Ang tatlong lalakad-lakad ay


nangagsilapit.

            “Nguni’t, ginoong Simoun,” ang tanong ng mataas na kawani,


“ano ang mahihita ninyo sa pananalo ng kabaitan sa bunganga, at mga
buhay ng tao, mga pagpapatapon at mga madaliang pagpatay?”

            “Malaki!  Bagot na ako sa kadidinig ng mga usapang tungkol


sa mga kabaitan at nasa kong maipong lahat, ang lahat ng nakakalat
sa mundo, na nakapasok sa isang supot, upang itapon sa dagat
kahi’t na kailangang gawing pabigat ang lahat ng brilyante ko.”40

            “Sumpong din iyan!” ang bulalas na


tumatawa ni Padre Irene, “at ano naman ang gagawin
ninyo sa mga pagpapatapon at pagpapapatay?”

            “Upang linisin ang bayan at pawiin ang


lahat ng masasamang binhi.”41
           
“Ah!  Hanggang ngayo’y  may galit pa kayo sa
inyong mga tulisan, gayong mangyayaring hingan
sana kayo nang lalong malaking tubos o kinuha sana ang lahat ng
inyong alahas.  Huwag naman kayong walang utang na loob!”

39
Pansinin na ang hinihingi ni Simoun sa Kapitan Heneral ay ang higit na
pagpapahirap sa bayan. Pansinin sana na ang mga kasulatan ng pagpapahirap
hanggang sa pagpapatapon na walang lagda na mapapa sa kaniya. Ang
ganitong kapangyarihan at pang-aabuso sa panahon na isinusulat ni Rizal ang
nobela ay hindi galling sa Kapitan Heneral na si Weyler, kundi sa mga sulsol ng
mga prayle na nakapaligid kay Weyler. Ilan sa mga bikitima ng pagpapatapon
ay si Paciano, mga bayaw, at mga kababayan sa Calamba ni Rizal na ang
pangalan ay nabanggit na sa Kabanata 10.

Sa pamamagitan ng pahayag ni Simoun ay nagawa ni Rizal na ipakita na ang


40

kayamanan ang ugat ng kabulukang panlipunan at ang posibilidad ng


kayamanan ang siya ring maging daan sa pagkalinis nito.
41

Sa sagot ni Simoun ay nakatago ang pahiwatig ni Rizal ukol sa rebolusyon.


            Ipinamarali ni Simoun na siya’y hinarang ng mga tulisan, na
pagkatapos siyang mapiging nang isang araw,42 ay pinabayaan siyang
magpatuloy ng lakad na walang hi ninging tubos kundi ang dalawa
niyang magarang rebolber na Smith at ang dalawang kahang punglo
na kanyang dala.43  Idinugtong pa ang maraming ulat na ipinarararting
sa kanya sa Kapitan Heneral.

            Dahil doon, at sa dahilang ibinalita ni Simoun na ang mga


tulisan ay maraming escopeta,44 riple at rebolber, at sa gayong mga tao’y
hindi maaaring makalaban na nag-iisa, kahi’t na may sandata, ay
lalagda ng bagong utos ang Kapitan Heneral na ukol sa mga pistolas de
salon upang maiwasan na ang tulisan ay
magkaroon ng armas.

            “Huwag, huwag!” ang tutol ni Simoun,


“sa ganang akin, ang mga tulisan ay siyang
mga taong kumikita ng ikabubuhay sa mabuting kaparaanan… Inaakala
ba ninyong kung ako’y nahuli sa mga kamay… ninyo, sa halimbawa, ay
pakakawalan ba ninyo ako nang hindi kukunin ang kalahati man
lamang ng aking mga hiyas?”45

            Tututol sana si Don Custodio; tunay


ngang isang Amerikanong mulato na walang
pinag-aralan ang Simoun na iyon, na
sinasamantala ang pakikipag-kaibigan niya sa
Kapitan Heneral upang alimurahin si Padre

42
Dito ay makikita ang pagiging malupit na mandaraya ni Simoun, sinabing
siya ay nakidnap ng mga tulisan, subalit ang katotohanan ay nagkaroon siya
ng lihim na pakikipag-ugnayan sa mga ito. Ang katotohanan sa nakalipas na
kabanata ay binabalaan na siya ni Kabesang Tales na umiwas sa daan,
pinauwi niya ang kaniyang mga tauhan at mag-isang nagtungo sa daan na
pinaiiwasan ni Kabesang Tales.
43
Ang kawalan ng tubos ay magpapatunay na hindi siya kinidnap ng mga
tulisan. Ang pagbibigay niya ng dalawang rebolber na Smith & Wessons na
kasama ang mga bala ay higit na ambag sa armadong pangkat.

Nota: Nagkamali ako sa paglalagay ng Colt sa kabanata 10, higit na ang


maaring nasa isip ni Rizal ay ang Schofield Revolver na gawa ng Smith and
Wessons.

Escopeta – ito ay shotgun o baril de sabog.


44

45
Muli na naming dinagil ni Rizal ang mga prayle sa pamamagitan ni Simoun,
malinis lamang ang pagkakasulat subalit ang tunay na kahulugan ay mas
masama pa at gahaman ang mga prayle kaysa sa mga tulisan noong
kapanahunan niya.
Irene.  Tunay nga, kung sa bagay, na kung si Padre Irene ang
nakadakip sa kanya ay hindi siya nakawala nang dahil sa gayong
kaliit na bagay.46
           
“Sa ang kasamaan ay wala sa pagkakaroon ng tulisan sa mga
bundok at kaparangan,” ang patuloy ni Simoun, “ang kasamaan ay nasa
mga tulisang-bayan…”
           
“Na gaya ninyo,” ang dugtong na tumatawa ng kanonigo.
           
“Oo, gaya ko, gaya natin, tayo’y mangagtapat; dito’y walang Indiyo
na nakakadinig sa atin,” ang dugtong ng mag-aalahas, “ang kasamaan
ay nasa pangyayaring tayong lahat ay hindi mga tulisang hayag;
kung ito’y mangyari at manirahan na tayo sa gubat, sa araw na iyan,
ay ligtas na ang bayan, sa araw na iya’y sisibol ang isang bagong
lipunan, na siya na sila na sarili ang mag-aayos… at sa gayon ay
matiwasay nang makapaglalaro ng tresillo ang Kapitan Heneral, na hindi
siya kailangang abalahin ng kalihim.”47

            Nang mga sandaling iyon ay naghihigab ang kalihim at nag-iinat


na itinataas sa ulo ang mga kamay at iniunat sa ilalim ng mesa ang mga
paa niyang nagkakapatong.

            Lahat ay nagtawanan nang siya’y makita…48 Pinutol ng


Heneral ang pag-uusap at matapos na bitiwan ang barahang kanyang
sinusuksok ay nagwikang:

            “Siya, siya!  Siya na ang biruan at sugalan; gumawa tayo,


pagbutihin natin ang gawa, kalahating oras pa ang kulang sa oras ng
pagkain.  Marami bagang bagay ang kailangang lutasin ?”
           

46
Kahit na inis si Don Custodio kay Simoun ay hindi nito matutulan ang
katotohanan na sinasabi nito laban sa mga prayle.
47
Iba talaga ang istilo ni Rizal, ito ay dahilan sa nagawa niya sa pamamagitan
ng kaniyang nobela na maiparating sa sentro ng kapangyarihan ang kaniyang
pananaw na sila ay mga tunay tulisan na nagpapahirap sa bayan at ito ay sa
pamamagitan ng paglikha niya kay Simoun na kasama sa loob ng sirkulong
iyon.

Mapapansin rin na sa pamamagitan ni Rizal ay nagawa niyang iparating ang


isang mensahe sa posibilidad ng isang bagong lipunan.
48
Nagiging katatawanan ang isang kawani ng pamahalaan na gumaganap ng
tapat sa kaniyang tungkulin.
Lahat ay nakinig.  Sa araw na iyon pagtatalunan ang tungkol sa
pagtuturo ng wikang Kastila, kaya’t may ilang araw nang naroroon si
Padre Sibyla at si Padre Irene.  Batid nang ang una, sa dahilang siya’y
vice-rector, ay laban sa panukala, at ang pangalawa ay kumakatig sa
kinakatigan naman ng condesa.

            “Ano, ano?” ang tanong na naiinip ng Heneral.


            “Hang hungkol ha mahahama ha halon,” anang kalihim na
tinimpi ang isang paghihigab.

            “Ipinagbabawal mula ngayon!”49

            “Ipagpatawad po ninyo, aking Heneral,” ang sabi ng mataas na


kawani, “ipahintulot po sa akin ng inyong karangalan na sabihing sa
alinmang bansa sa sansinukob ay hindi ipinagbabawal ang mga armas
de salon.”

            Ikinibit ng Heneral ang kanyang balikat.


           
“Hindi tayo nakikigaya sa alinmang bansa sa mundo,” ang matigas
na sabi ng Heneral.
           
Kailan ma’t nagkakatalo ang Heneral at ang mataas na kawani, ay
sukat na ang isang pahiwatig nito upang ang una’y magpatigas sa
kanyang balak.
           
Humanap ng ibang daan ang mataas na kawani.
           
“Ang mga armas de salon ay sa mga daga at inahing manok
lamang nakasasakit,” ang wika, “masasabi…”
           
“Na tayo’y mga inahing manok?” ang dugtong ng Heneral na
kinibit ang balikat.  “At ano sa akin?  Ipinakilala ko nang hindi ako
gayon.”
           
“Nguni’t may isang bagay,” ang hiwatig ng kalihim, “may apat na
buwan lamang nang ipinagbawal ang paggamit ng armas, sinigurado
natin sa mga dayuhang nag-aangkat na papayagan natin ang mga
dayuhan na naninirahan na magkaroon ng armas de salon.”

            Ikinunot ng Heneral ang noo.

49
NAGPAPATAWA SI RIZAL: Pansinin na ang sinasabi ng Kalihim ng pahikab
(kahit na tayong bumabasa y hindi maintindihan) ay agad na tinutulan o
pinagbawal ng Kapitan Heneral.
            “Datapwa’t may kagamutan ang bagay na iyon,” ani Simoun.
            “Papaano?”

            “Walang kaliwagan.  Halos lahat ng armas de salon ay may anim


na milimetro ang laki ng punglo, tangi lamang kung may ibang laki na
ipinagbibili.  Pahintulutang ipagbili ang lahat ng mga walang anim na
milimetro.”50

            Pinuri ng lahat ang naisip ni Simoun,51 tangi ang mataas na


kawaning bumubulong kay Padre Fernandez na iyon ay hindi tuwid, ni
hindi pamamahala.52

            “Ang guro sa Tiyani,” ang patuloy ng kalihim, samantalang


binabasa ang ilang papel, “humihinging bigyan siya ng lalong malaking
gusali upang…”

            “Ano pang malaking gusali, sa mayroon na siyang sariling isang


kamalig?” ang putol ni Padre Camorra, na nalimutan na ang tresilyo at
lumapit sa usapan.

            “Sira daw ang bubungan,” ang sagot ng kalihim, “at sa dahilang
bumili siya ng mga mapa at cuadro sa sariling gugol ay hindi
mapabayaang ulani’t arawin…”
           
“Nguni’t wala akong pakialam sa mga bagay na iyan,” ang bulong
ng Heneral, “sa namamahala sa pangasiwaan humingi, sa punong-
lalawigan, sa Nuncio…”
           
“Ang masasabi ko sa inyo,” ang sabi ni Padre Camorra, “ang
maestrillong iyan ay isang filibusterillo na masama ang loob; akalain ba
ninyong ipinagsasabi ng ereheng iyan na ang inililibing daw nang
mainam na paglilibing at ang hindi, ay magkaisa rin kung mabulok! 
Balang araw ay pagkukukutusan ko iyan, eh!”53

50
Ang punglo na 6mm (.24) ay siyang sukat ng bala ng lahat ng sporting guns
sa mundo na ginagamit sa pangangaso na rito ang pinakasikat ay ang .243
Winchester at ang 6 mm Remington. Ang magiging legal na implikasyon nito ay
ang pagiging legal ng riple na may kalibre .22.
51
Sa katunayan, ang ripleng .22 ang higit na ginagamit ng mga nangangaso sa
Pilipinas hanggang sa ngayon.
52
Legal trickey o paglalaro ng batas, Maging ang Batas Rizal ay biktima ng
ganitong kapangit na paglalaro ng batas.
53
Bakit galit si Padre Camorra sa sinabi ng guro ng Tiyani?
Ang sinasabi ng guro ay isang katotohanan, samantalang ang nasisingil ni
Padre Camorra ay higit na mas malaki ang halaga kapag marangal ang libing.
            At inianyong pasuntok ni Padre Camorra ang kanyang kamay.
           
“At sadya naman,” ang wika ni Padre Sibyla na waring walang
kinakausap kundi si Padre Irene,54 “na ang ibig magturo ay maaaring
magturo saanman, kahit walang bubong; si Socrates ay nagturo sa mga
liwasang-bayan, si Platon ay sa mga halamanan ng akademya, at si
Cristo ay sa mga kabundukan at karagatan.”

“Marami akong natatanggap na karaingan laban sa maestrillong


iyan,” ang sabi ng Heneral na nakipagsulyapan kay Simoun, “inaakala
kong ang lalong mabuti ay alisin siya.” 55

            “Alisin!” ang ulit ng kalihim.

            Ikinalulungkot ng mataas na kawani ang kapalaran ng sawing


taong iyon na humihingi ng abuloy at ang nakamit ay ang pagkaalis sa
katungkulan, kaya’t tinangkang saklolohan.

          “Ang katotohanan, ay…” ang sabing may panganganib, “na ang


pagtuturo ay hindi naaarugang mabuti…”
           
“Nagtakda na ako ng maraming halaga na ipamimili ng mga
kailangan,” ang sabing mataas ng Heneral na waring ang ibig turan
ay:  ‘Gumawa na ako nang higit sa nararapat!’56
           
“Nguni’t sa dahilang walang bahay na sadya ay nangasisira ang
mga kasangkapang binibili…”

            “Hindi magagawang sabay-sabay na lahat,” ang biglang putol ng


Heneral.  “Hindi mabuti iyang paghingi ng mga guro rito ng mabubuting

54

Parang bale-wala sa Dominikanong si Padre Sybila ang eksistensiya ng


Pransiskanong si Padre Camorra. Maaring ang pagtaas ng katungkulan ni
Padre Sybila ang gumawa ng ganito ere dahilan sa Kabanata 1 ng Noli Me
Tangere ay pinakikitunguhan pa niya ng kahit paano ng pakundangan ang
Pransiskanong si Padre Damaso.
55
Pansinin ang inpluwensiya ni Simoun sa Kapitan Heneral, tinitingnan ng huli
ang reaksiyon ni Simoun. Waring isang Faust na nakikiramdan sa magiging
reaksiyon ng kaniyang Mephistopheles.
56
Ibig sabihin ay may budget ang public instruction noon, maaring ito ay hindi
sapat o maaring noon ay may mga sindikato na sa Kagawaran ng Edukasyon.
Tama ba ako Bro. Armin?
gusali, gayong ang mga guro sa Espanya ay namamatay sa gutom. 
Kalabisan na iyan, ibig pang humigit kaysa mga nasa Inang-Bayan.”
           
“Filibusterismo…”
           
“Una muna sa lahat ang Inang-Bayan!  Una muna ang ating
pagka-Kastila!” ang dugtong ni Ben-Zayb na ang mata’y kumikinang
dahil sa puno ng pag-ibig sa tinubuang lupa; at namula nang kaunti
dahil sa nakitang siya’y napag-isa.

            “Magmula ngayon,” ang sabi ng Heneral, “ay alisin sa tungkulin


ang bawa’t dumaing.”
           
“Kung ang panukala ko lamang ay tatanggapin,” ang pasumalang
sabi ni Don Custodio, na waring kinakausap ang sarili.
           
“Tungkol sa mga bahay paaralan?”
          
“Magaan, magagawa at walang gugol, na gaya ng lahat ng aking
panukala, anak ng mahabang pagkamalas sa mga bagay-bagay at
pagkakilala sa lupaing ito.  Ang mga bayan ay magkakaroon ng paaralan
na hindi paggugugulan ng pamahalaan.”
           
“Kilala na ang panukalang iyan,” ang pakutyang sabi ng kalihim,
“ipag-utos sa mga bayang magtayo ng bahay-paaralan sa tulong ng
kanilang sariling gugol.”
           
Ang lahat ay nagtawanan.
           
“Hindi po, hindi po,” ang sigaw ni Don Custodio na nangumpinyo
at namula, “ang mga bahay ay nakatayo na at nag-aantay lamang na
gamitin.  Mabuti sa katawan, walang kapintasan at maaliwalas.”
           
Ang mga prayle ay may pangambang nagtinginan.   Ipalalagay
kaya ni Don Custodio na gawing paaralan ang mga simbahan at mga
kumbento o bahay-pari?”57
           
“Tingnan natin!” anang Heneral na ikinunot ang noo.
           
“Napakadali, aking Heneral,” ang tugon ni Don Custodio na
umunat at ginamit ang malaking boses na kagamitan niya sa mga
tanging pagpupulong, “ang mga paaralan ay bukas lamang sa mga

57
Ipinakita ni Rizal sa pamamagitan ng kaniyang mga tauhan ang tipikal na
pagkatakot sa repormang panlipunan ay ang pagkawala ng kanilang mga ari-
arian at kayamanan.
araw na iginagawa at ang mga sabungan ay sa mga araw lamang ng
pista… Gawing paaralan ang mga sabungan kahi’t sa loob man
lamang ng sanlinggong araw.”
           
“Bah, bah, bah!”
           
“Pumuslit na rin!”
           
“Nguni’t kung anu-ano ang naiisip ninyo, Don Custodio!”
           
“Isang kahalak-halak na panukala!”
           
“Ang lahat ay nalulusutan nito!”
           
“Nguni’t mga ginoo,” ang sigaw ni Don Custodio nang madinig ang
gayong mga pabulalas, “magpakatino nga tayo; alin pa ang bahay na
lalong agpang kaysa sabungan?  Malalaki, mabubuti ang
pagkakayari, at wala namang kapararakan sa loob ng sanlinggo.  At
maging sa dako man ng maayos na ugali tingnan, ang aking
panukala ay matatanggap; magiging isang panlinis at pagsisisi sa
lingguhan ng sabungan.”
           
“Nguni’t maminsan-minsan ay may sabong sa buong sanlinggo,”
ang pahiwatig ni Padre Camorra, “at yamang ang may pasabong ay
nagbabayad sa pamahalaan, ay hindi nararapat na…”
           
“Oh, siya…sa mga araw na iyan ay huwag magpaaral!”

          “Bah, bah!” anang Heneral, “ang ganyang kakila-kilabot na


bagay ay hindi mangyayari samantalang ako ang namamahala. 
Hindi magpapaaral dahil sa nagsasabong!  Bah, bah, bah!  Magbibitaw
na muna ako ng tungkol!”
           
At ang Heneral ay lubha nga manding nasusulikasok.

           “Nguni’t aking Heneral, mabuti na ang mawala sa ilang araw


kaysa buwanang mawala.”
           
“Iyan ay laban sa mabuting ugali!” ang dugtong ni Padre Irene na
lalo pa manding bugnot kaysa Heneral.58
           

58
Tandaan ang lupit ng pagtutol ni Padre Irene sa sabungan. Pero ikumpara
naman ito sa kaniyang magiging paninindigan isang panibagong isyung moral
na tatalakayin din sa kabanatang ito.
“Lalong laban sa mabuting ugali ang pagkakaroon ng maiinam na
gusali ang sugalan at ang paaralan ay wala.59  Magpakatino tayo, mga
ginoo, at huwag tayong paakay sa mga udyok ng kalooban.   Sa
pulitika ay wala nang hihigit ng sama sa padala sa bugso ng
damdamin.60  Samantalang sa paggalang sa katauhan ay ibinabawal
natin ang pagtatanim ng apyan sa mga lupang ating nasasakop ay
binabayaan naman natin ang paghitit, ang nangyayari’y hindi natin
binabaka ang bisyo at namumulubi tayo.”61
           
“Nguni’t unawain ninyong iyan ay nagbibigay sa pamahalaan ng
may apat na raa’t limampung libong piso na walang ano mang gawa,”
ang tugon ni Padre Irene, na lalo’t lalo pang kumakampi sa
pamahalaan…62

            “Siya, siya na, mga ginoo,” ang sabi ng Heneral na pinutol ang
pagtatalo, “mayroon akong balak tungkol sa bagay na iyan at higit kong
iniuukol ang aking pag-iisip sa pagtuturong pangpubliko.63  Mayroon pa
bang bagay na pagpapasyahan?”
59
Isang anyo ng indignasyon ni Rizal sa kalagayan ng edukasyon ng Pilipinas
noon.
60
Lumilitaw na ang layunin ni Rizal sa bahaging ito ay buhusan ng tubig ang
kaniyang mambabasa, lalo na ang mga Espanyol at ang kolonyal na simbahan
na higit na tinatamaan ng mga sinusulat niya sa bahaging ito. Ang ganitong
istilo ng panawagan ng pagiging mahinahon ay mapapansin sa katapusan ng
Kabanata 10.
61
Ipinapakita sa bahaging ito ang ipokritong patakaran ng Espanya ang
pagbabawal sa pagtatanim, subalit pinapahintulutan at pinagkakakitahan ang
pagbibili ng opyo.
Sa pagtatapos ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas ito ay nagkaroon
ng daan-daang lisensiyadong hititan ng opyo at ang kumikita ng taon-taon sa
kalahating milyong dolyar mula sa bisyo.
Basahin ang libro ni Alfred W. McCoy Policing America's empire: the United
States, the Philippines, and the Rise of the Surveillance State.
62
Pansinin na ang pinasang-ayon ni Rizal sa pangangailangan na ipagpatuloy
ng pamahalaang kolonyal ang pagpapagamit ng opyo ay mismong si Padre
Irene. (Kaibang-kaiba na noon at ngayon hi hi hi). Tandaan na mismong si
Padre Irene ay inilarawan ni Rizal sa nobelang ito bilang isang drug pusher na
nagdadala ng opyo sa noon ay sugapang si Kapitan Tiyago.
63
Mapapansin na iniiwasan ng Kapitan Heneral ang ukol sa isyu ng opyo.
Talagang napakatalas ni Rizal dahilan sa nagawa ni Rizal na maisama ang isa
sa pinaka-kritikal na patakarang moral ng kolonyal na pamahalaan ng
Espanya sa Pilipinas, sa pamamagitan lamang ng hila (o wala sa agenda) ng
mga nag-uusap. Pansinin na sa pag-iwas na matalakay ang maruming
patakaran ay tumungo siya sa tila may kabuluhan – ang public instruction.
            Wari’y natatakot na tiningnan ng kalihim si Padre Sibyla at si
Padre Irene.  Ang pinakamalaki’y lalabas na.  Ang dalawa’y humanda.

            “Ang kahilingan ng mga nag-aaral na humihinging pahintulot


upang magbukas ng isang akademya ng wikang Kastila,” ang sagot ng
kalihim.64

            Napuna sa lahat ng nasa salas ang pagkagulo, at matapos silang


makapagtinginan ay napatitig sa Heneral upang makilala ang ipapasya
nito.  May anim na buwan nang ang kahilingan ay nag-aantay doon ng
isang kapasyahan at naging isang wari’y casus belli na tuloy ng ilang
lupon.65  Ang Heneral ay nakatungo na wari’y upang huwag makilala ng
iba ang kanyang iniisip.

            Bumibigat ang anyo ng pananahimik at ang gayon ay nahalata


ng Heneral.

            “Ano ang pasya ninyo?” ang tanong sa mataas na kawani.


           
“Ano pa ang ipapasya ko, aking Heneral…!” ang sagot ng tinanong
na kinibit ang balikat at ngumiti ng ngiting malungkot, “ano ang
ipapasya ko kundi ang kahilingan ay karapat-dapat 66 at ipinagtataka
ko ang pagtatagal ng anim na buwan upang ang bagay na iyan ay
mapagpasyahan!”67

64
Ang katotohanan, ang malaking isyu na tinatalakay sa bahaging ito ukol sa
panukala ng akademiya ng wikang Espanyol ay tunay na piktisyoso, subalit
bago talakayin ito ay nagawa ni Rizal na talakayin ang mga isyung panlipunan
at bigyan ng maanghang na puna mula sa kaniyang mga nilikhang tauhan.
65
Ang usaping pang-wika ukol sa paggamit ng wikang Espanyol ay casus belli
(sanhi ng digmaan) o sanhi ng iringan ng mga tao sa pamahalaan na ang iba ay
sang-ayon at iba ay tutol.
66
Sinasabing karapat-dapat ang kahilingan ng mga mag-aaral sa pagtatayo ng
akademiya na magtuturo sa kanila ng wikang Espanyol, ito ay dahilan sa
kasang-ayon ng batas ng Espanya.
67
Dito ay gumagawa ng pagbubunyag si Rizal – ang katagalan ng patakaran ng
Espanya na turuan ang mga Pilipino ng wikang Espanyol at katagalan upang
ito ay maipatupad. Ang ginamit ni Rizal ay buwan, subalit ang reyalidad
kasaysayan ay nagsasabi na ito ay umabot ng siglo. Ang katunayan, sa
pagtatapos ng kolonyalismong Espanyol ay sinasabi sa mga ulat pang-
edukasyon ng mga Amerikanong humalili sa kanila na hindi naging unibersal
ang pagamit ng Espanyol sa kapuluan. (Nota para sa sarili: Hanapin at isitas
ang eksaktong Educational Report ng Public Instruction)
           
“Hindi’t may napapagitnang mga bagay-bagay,” ang malamig na
tugon ni Padre Sibyla na ipinikit nang kaunti ang mata.68

            Muling ikinibit ng mataas na kawani ang kanyang  balikat na


waring hindi niya batid kung ano ang mga bagay-bagay na iyon.69
           
“Bukod sa wala sa panahon ang ninanasa,” ang patuloy ng
Dominiko, “bukod sa taglay niyang laban sa aming kapangyarihan.”70

            Hindi nakapagpatuloy si Padre Sibyla at tumingin kay


Simoun.71

            “Ang kahilingan ay may anyong dapat paghinalaan,” ang


dugtong nitong huli na nakipagtinginan sa Dominiko.72

68
Ang sagot ni Padre Sybila ay isang anyo ng pagpapaliwanag sa dahilan ng
pagkabalam ng pagpapatupad ng patakarang pang-wika ng pamahalaang
kolonyal ng Espanya sa Pilipinas. May mga nakagitnang mga bagay-bagay o
konsiderasyon (Es que se atraviesan de por medio consideraciones). Ang
pangunahing ayaw na ipatupad o maikalat ang wikang Espanyol sa Pilipinas ay
ang mga prayle. Sundan pa ang talakayan sa kabanatang ito.
Bakit nakapikit ang mata ni Padre Sybila habang sinasabi niya ito sa
Kapitan Heneral?
Ito ang aktwasyon ng isang taong nagsisinungaling.
69

Ang ipinakitang aktwasyon ng Kalihim ng Kapitan Heneral ay sumisimbolo sa


nagging patakaran ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya na pagiging walang
pakialam o hindi pagigiginng masugid sa pagpapatupad ng pagtuturo ng
wikang Espanyol sa Pilipinas.
Sa kabilang dako, ang kawalan na ito ng pagsisikhay ng pamahalaan at
ang pagnanais ng mga reaksiyonaryong mga prayle noon na maituro sa buong
kapuluan ang wikang Espanyol ay nagligtas sa ating mga wikang pang-rehiyon.
70
Ang pangunahing paniniwala o saloobin ng nakarararaming mga prayle noon,
na ang pagkatuto ng mga mamamayan ng Pilipinas ng wikang Espanyol ay
isang anyo ng panganib sa kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas. Natutunan
nila ang karanasang pangkasaysayan na ito sa mga bansa sa Latin America,
kung saan ipinatupad at naging epektibo ang pagtuturo ng wikang Espanyol na
sa unang dalawang dekada pa lamang ng ika-19 na siglo, ang mga kolonyang
kanilang nasasakupan ay humiwalay at nagpahayag na nang kasarinlan.
71

Pansinin na si Padre Sybila ay tumingin din kay Simoun na siyang


Mephistopheles /D iablo sa likuran ng Kapitan Heneral. Waring si Padre Sybila
sa kaniyang pagsasabi ng mga sinungaling na kadahilanan ng hindi maayos na
pagpapatupad ng pagtuturo ng wikang Espanyol ay nakikiramdam sa pagsang-
ayon ng Diablo.
72
            Ito’y makalawang pumikit.73 Nang makita ni Padre Irene ang
gayon ay nahalata na niyang ang kanyang usap ay talo na halos
sapagka’t kalaban si Simoun.

            “Isang payapang pagtakwil, isang pagbabangong ang gamit ay


papel selyado,” ang dugtong ni Padre Sibyla.

            “Pagbabangon, pagtakwil?” ang tanong ng mataas na kawani, na


napatingin sa madla, na wari’y walang  maantiluhan.74

            “Ang namumuno ay mga binatang kilala sa pagiging repormista


at pagiging makabago, kung hindi sila babansagan ng iba pang tawag,” 75
ang dugtong ng kalihim sa Dominiko, “ang isa sa kanila’y nagngangalang
Isagani, 76 ulong hindi matino77… pamangkin ng isang klerigo…”

            “Isa sa mga tinuturuan ko,” ang sagot ni Padre Fernandez, “at
ako’y nasisiyahang-loob sa kanya.”78

            “Puñales, kasiyahan din naman iyan!” ang bulalas ni Padre


Camorra, “kamunti na kaming magpanuntukan sa bapor sapagka’t
napakawalang-galang.  Itinulak ko siya at itinulak naman ako!”79

Ang hitsura rito ni Simoun ay waring Mephistopheles na sumasang-ayon sa


kasinungalingan ni Padre Sybila. Ang totoo ay pinasasakay lamang ni Simoun
si Padre Sybila.
73
Bakit dalawang beses pumikit si Padre Sybila sa pagsang-ayon ni Simoun?
Nararamdaman ni Padre Sybila ang bigat ng kaniyang dindalang
pagsisinungaling sa pamamagitan ng pagsang-ayon ni Simoun sa kaniyang
sinabi.
74
Ang waring hangal na aktwasyon ng Kalihim ay simbolo na naglalarawan ng
pagtatalong isip o hindi maintindihan ng mga liberal na Espanyol noon ang
relasyon ng pagtuturo ng wikang Espanyol sa posibilidad ng pag-aalsa ng mga
Pilipino.
75

Para sa Kalihim na kumakatawan sa mga liberal na Espanyol, ang mga


kabataan ay repormista at makabago, subalit nagiging iba ang pagtingin ayon
sa pagbabansag tulad ng rebolusyonaryo, aktibista.
76

Nota sa pag-aaral na ito: Mapapansin na ang pangalan ng isa sa mga


pangunahing tauhan sa Fili ay ISAgani, hindi kaya tayo pinaglalaruan ni RIZAL
sa pangalan ng kaniyang tauhan na ito?
77

Sa tekstong Espanyol ay poco sentada o little sense.


78
Sa nobelang ito, si Padre Fernandez ang paboritong guro ni Isagani.
79
            “Mayroon pang isang nagngangalang Makaragi o Makarai…”

            “Makaraig,” ang sagot ni Padre Irene na nakihalo sa usapan,


“isang binatang napakaganda ng ugali at nakalulugod.” 80

            At bumulong sa Heneral.

            “Iyan ang sinabi ko sa inyo, mayaman… ipinakikiusap ng


condesa na inyong tingnan.”81

            “Ah!”

            “Isang nag-aaral sa panggagamot, na nagngangalang Basilio.”

            “Sa Basiliong iyan ay wala akong masasabi,” ang tugon ni Padre
Irene na itinaas at ibinuka ang mga kamay na waring nagdo-dominus
voviscum, “sa ganang akin, iyan ay tubig na hindi kumikilos.  Kailan
ma’y hindi ko naunawa ang ninanasa ni ang iniisip. 82  Sayang at hindi
natin kaharap ngayon si Padre Salvi upang magpakilala sa atin ng
pinagmulan ng binatang iyan!  Naaalala kong aking nadinig na
sinasabing noong kanyang kabataan ay may ipinakialam sa kanya ang
guwardiya sibil…ang kanyang ama’y napatay sa isang gulo na hindi ko
na maalaala…”83

            Si Simoun ay napangiting malumanay, walang kalatis,


ipinatanaw lamang ang kanyang ngiping maputi’t mabuti ang
pagkakahanay.84
Talagang ginawang katatawanan ni Rizal si Padre Camorra – walang galang
daw si Isagani, dahil nang itulak niya ang binata ay tinulak din siya.
80

Si Padre Irene ay tagapagtaguyod ni Macaraig na makikilala nating mabuti sa


mga susunod na kabanata.
81
Ang condesa na tinutukoy ni Padre Irene ay asawa ng Kapitan Heneral (kung
sa ngayon ay First Lady)
82

Ang totoo ay malimit na nagkikita si Padre Irene at si Basilio. Ito ay dahilan sa


nakatira si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago. Tahimik si Basilio na
nakikiramdam sa mga ginagawa ni Padre Irene na pagbibigay ng opyo kay
Kapitan Tiyago.

Mapapansin na si Padre Irene ay nagsasagawa rin ng inbestigasyon upang


83

maunawaan ang katahimikan ni Basilio.


84

Sa bahaging ito ay inilalarawan ni Rizal na si simoun ay nakangiting tulad ng


Diablo. Ginamit lamang ni Rizal ang salitang pantay na pagkakahay – ito ay
para hanapin ng mga matatalinong mambabasa ang pangil na wala sa kaniya.
            “Aha, aha!” anang Heneral na tumangtang, “gayon pala!  Itala
ninyo ang pangalang iyan!”85

            “Nguni’t aking Heneral,” ang sabi ng mataas na kawani nang


makitang masama ang tungo ng salitaan, “hanggang sa ngayon ay wala
pang nababatid na bagay na tiyak na laban sa mga binatang iyan; ang
kanilang kahilingan ay matuwid at wala tayong karapatang huwag
dinggin dahil sa panunulay lamang sa mga haka-haka.  Sa akala ko ay
nararapat na sang-ayunan ng pamahalaan ang kahilingan at sa gayon
ay magpapamalas ng kanyang pagkakatiwala sa bayan at ng katibayan
ng kanyang pagiging matatag; at siya’y may kalayaang bawiing muli ang
pahintulot kung makitang dahil sa kanyang mabuting kalooban ay
nagmamalabis ang mga pinagbigyan.  Mga sanhi at paraan sa pagbawi
ay hindi mawawalan, mababantayan natin sila… ano’t pasasamain ang
loob ng ilang binata na mangyayaring magdamdam pagkatapos, gayong
ang kanilang hinihiling ay nalalagda sa mga utos ng hari?”

            Si Padre Irene, si Don Custodio at si Padre Fernandez ay


nagpamalas ng kanilang pagsang-ayon sa pamamagitan ng tango ng ulo.

            “Nguni’t ang mga Indiyo ay hindi nararapat matuto ng wikang


Kastila, batid baga ninyo?” ang sigaw ni Padre Camorra, “hindi dapat
matuto sapagka’t pagkatapos ay nakikipangatwiranan sa atin, at ang
mga Indiyo ay hindi dapat mangatwiran kundi sumunod lamang at
magbayad…hindi dapat manghimasok sa pagsuri ng sinasabi ng mga
kautusan at ng mga aklat.  Napakamatatalas at mga mapag-usap! 
Pagkaalam ng wikang Kastila ay nagiging kalaban ng Diyos at ng
Espanya…86 basahin ninyo ang kabuhayang Tandang Basiong Makunat
at kung hindi gayon.  Iyan ang aklat!  May mga katotohanang
gangganito!”

Bakit nakangiti si Simoun?


Pinagtatawanan niya ng lihim si Basilio. Sa kabanata 7 ay tumanggi ang binata
na sumang-ayon sa kaniyang kagustuhan at nakikita niya ang pagkakamali
nito, dahilan sa kahit ayaw ni Basilio ng gulo ay napapasangkot ito ng wala
siyang kamalay-malay.
85

Sa totoo lang kung pag-iisipan lamang ang mabilis na desisyon ng Kapitan


Heneral ito ay isang katatawanan. Ipinalilista agad si Basilio sa mga
pinaghihinalaan, gayong ang ulat ay hindi naman ganap na malinaw. Parang
ang ipinalilista mo sa mga listahan ng mga possible rapist ang mga lalaking
umiihi sa pader.
86
Pansinin sana ang pinakamalupit na insulto na ginawa ni Rizal sa
kapraylehan na tutol sa pagtuturo ng wikang Espanyol. Ang ginamit ni Rizal na
tagapagsalita ay isang prayleng hangal at immoral – si Padre Camorra.
          At ipinakita ang mabibilog niyang kamay na pasuntok.87
           
Hinaplos ni Padre Sibyla ang kanyang anit, bilang tanda ng
pagkainip.

            “Isang salita!” anya, na umanyo ng anyong lalong mapayapa sa


gitna ng kanyang pagngingitngit, “hindi ang pagtuturo lamang ng wikang
Kastila ang pinag-uusapan dito, dito’y may isang piping pagtutunggali ng
mga nag-aaral at ng Unibersidad ng Sto. Tomas; kung masusunod ng
mga nag-aaral ang kanilang hangad ay manghihina ang pananalig sa
amin, sasabihing kami’y dinaig at mangagmamataas at wala na ang
paniniwala, wala na ang lahat!  Pagkaguho ng unang sagka, sino pa ang
makahahadlang sa kabataang iyan?  Sa aming paglagpak ay wala
kaming gagawin kundi ang ipakilala naman ang paglagpak ninyo. 
Matapos kami, ang pamahalaan naman.”88

            “Iyan ang hindi mangyayari, puñales!” ang sigaw ni Padre


Camorra, “tingnan muna natin kung sino ang may malakas na
pansuntok!”

            Sa gayon ay nagsalita si Padre Fernandez, na sa buong pagtatalo


ay nanatili lamang sa kangingiti.  Lahat ay nakimatyag sapagka’t
kilalang siya’y may mabuting ulo
.
            “Huwag sumama ang loob ninyo sa akin, Padre Sibyla, kung
hindi ninyo ako kaisa sa paghuhulo tungkol sa bagay na ito; nguni’t
napakatanging kapalaran ang sa akin, na kailan man halos ay
kasalungat ako ng aking mga kapatid.  Ang sabi ko nga’y hindi tayo
dapat mabakla.  Ang pagtuturo ng wikang Kastila ay mangyayaring
pahintulutan ng walang anumang kapanganiban, at upang huwag
lumabas na isang pagdaig sa unibersidad ay nararapat na tayong mga
Dominiko ay magpauna sa pagkagalak nang dahil sa bagay na iyan; iyan
ang politica.  Bakit tayo makikipaglabanan tuwina sa bayan, sa tayo ay
kakaunti at sila ay marami, gayong kailangan natin sila at tayo’y hindi
nila kailangan?  Hintay muna kayo, Padre Camorra, hintay muna kayo! 
Payagan na nating ngayon ay mahina ang bayan at walang maraming
nalalaman, ako man ay gayon din ang akala ko, nguni’t bukas ay hindi
87

Napakarikit na insult ni Rizal sa librong pinagbatayan ni Padre Camorra na


Basiong Macunat gasuntok lamang ang laman. Ito ay dahilan sa ang aklat na
Basiong Macunat ay librong pinagtampuhan ng scholarship.
88
Sa pangangatwiran ni Padre Sybila ay tinatakot niya ang pamahalaan upang
huwag ipatupad ang layunin ng mga kabataang Pilipino ukol sa akademiya.
Mapapansin na ang ginamit na paraan na ginamit sa pagpapaliwanag ay may
diplomasya at waring may kabuluhan, kumpara sa magaspang na paraan ng
paglalahad ng pangangatwiran ni Padre Camorra.
na gayon, ni sa makalawa.  Bukas makalawa ay sila ang magiging
malakas, mababatid ang kanilang mga kailangan at hindi natin
mapipigil, gaya rin naman ng hindi mangyayaring mapigil, na pagdating
ng bata sa ilang gulang ay makaalam ng maraming bagay… Ang sinasabi
ko nga ay bakit hindi natin samantalahin ang kalagayang ito sa
kamangmangan upang magpalit ng paraan sa pamamalakad at itatag sa
matibay na batayan, na hindi mapapawi, sa batayang katwiran, sa
halimbawa, at huwag sa batayang kamangmangan?  Sapagka’t wala
nang kagaya ng maging makatwiran, gaya ng sinabi ko tuwi-tuwina sa
aking mga kapatid, nguni’t ayaw akong dinggin.  Ang Indiyo, gaya rin ng
alinmang bayang bata pa, ay mapag-usig ng katwiran; humihingi ng
parusa kung nagkasala, gaya ng siya’y namumuhi kapag siya’y
pinarurusahan kahit hindi nagkukulang.  Marapat ang hinihingi? 
Ipagkaloob, ibigay natin sa kanila ang lahat ng paaralang kailangan,
mapapagod din sila.  Ang kabataan ay bulakbol na talaga, ang nag-
uudyok lamang sa kanila sa pag-uusig ay ang ating pagsalungat.  Ang
ating panilong karangalan ay luma na, Padre Sibyla; gumawa tayo ng
iba.  Ang panilong pagkilala ng utang na loob, sa halimbawa.  Huwag
tayong magsamangmang, gayahin natin ang mga Heswita…”89

            “Oh, oh, Padre Fernandez!”

            Hinding-hindi maipauubaya ni Padre Sibyla ang lahat liban na


lamang ang pagayahan sa kanya ang mga Heswita.  Namumutla’t
nanginginig na nagbubusa ng mga matalas na wika.

            “Magpransiskano na muna… Kahit ano, huwag lamang


Heswita!” ang sabing walang patumangga.90

            “Oh, oh!”91

89
Sa mga paglalahad ng mga palagay, ang pinakamahusay ay ang inilahad ni
Padre Fernandez. Subalit nilagyan ni Rizal ng napakalaking insulto – ito ay sa
pagpapakilala na ang liberal na kaisipan na ito ay hindi sa Dominicano, kundi
sa mga Jesuita.
90

Para sa mga Domicano ay napakababa ng tingin nila sa mga Jesuita. Pansinin


na higit na gugustuhin pa ni Padre Sybila ang maging Pransiskano kaysa sa
maging Jesuita. Sa NMT ay binanggit ni Rizal na para sa isang Papa ng
simbahan, ang mga kautusan ng Pransiskano ay higit na angkop sa baboy.
91
Napakaikli subalit sapat na para tumawa – ito ay dahilan sa pinag-iingat ng
isa sa mga naroon si Padre Sybila, dahilan sa may kaharap sila na Pransiskano
na si Padre Camorra.
            “Eh, eh!  Padre P…!”92

            Ang sumunod ay isang pagtatalong panabay ng lahat, na


nalimot na ang Heneral; nagsasalitang sabay-sabay, nagsisigawan, hindi
mangagkalinaw, nangagtatalo; si Ben-Zayb ay kaharap ni Padre Camorra
at nag-uumangan ng suntok, binabanggit ng isa ang mga gansa at ang
isa’y ang mga manghihitit ng tinta, tinutukoy ni Padre  Sibyla ang
kapitulo, at si Padre Fernandez naman ay ang sa Summa ni Sto.
Tomas,93 atbp.; hanggang sa pumasok ang kura sa Los Baños at
sinabing nakahanda na ang pananghalian.

            Tumindig ang Kapitan Heneral, at sa gayo’y naputol ang


pagtatalo.

            “Siya, mga ginoo!” ang sabi, “ngayo’y marami tayong nagawa,
gayong tayo’y nasa kapanahunan ng pagpapahinga!  May nagsabing ang
mga bagay na maselan ay dapat pag-usapan sa pagtatapos ng pagkain. 
Ako’y lubos na sang-ayon sa sabing iyon.”

            “Baka masira ang tiyan natin,” ang sabi ng kalihim, na ang
tinukoy ay ang init ng salitaan.

            “Kung gayon ay ipagpabukas na natin.”

            Nagtindigang lahat.

            “Aking Heneral,” ang sabing marahan ng mataas na kawani,


“ang anak na babae ni Kabesang Tales ay nagbalik na muli’t hinihingi
ang paglaya ng kanyang nunong may sakit, na hinuli bilang kapalit ng
ama…”
           
Tiningnan siyang masama ang loob ng Heneral, na hinaplos ang
malapad na noo.
           

92
Ang sumunod ay isang malutong na pagmumura ang nabitawan ni Padre
Camorra laban kay Padre Sybila. Ang higit na nakakatawa rito ay sa umpisa ng
kabanata, napakalaki ng paggalang ni Padre Camorra kay Padre Sybila, kaya
ang lagi niyang sinasabihan ng punales ay si Padre Irene. Sa pagkakataong ito
ay ginawang patas ni Rizal ang pag-alimura sa dalawang Dominicano.
93

Ito ang dahilan ng hindi magkapareho ng opinion nina Padre Sybila at Padre
Fernandez. Si Padre Sybila ay nanghahawak sa mga kapasiyahan ng Kapitulo o
lupon ng mga Dominicano at si Padre Fernandez ay sa pilosopiya ni St. Thomas
Aquinas.
“Putris yatang hindi na babayaang ang tao’y makapananghaling
mapayapa!”
           
“Ikatlong araw na nang kanyang pagyayao’t dito; isang kaawa-
awang dalaga…”
           
“Ah, demonyo!” ang bulalas ni Padre Camorra, “sinasabi ko na
ngang mayroon akong bagay na sasabihin sa Heneral; kung kaya nga
ako naparito ay…upang katigan ang kahilingan ng binibining iyan!”94
           
Kinamot ng Heneral ang kanyang tainga.
          
  “Siya,” ang sabi, “padalhan ng sulat ng kalihim ang tenyente ng
guwardiya sibil upang pakawalan.  Hindi masasabing hindi ako maawain
at mahabagin!”
           
At tumingin kay Ben-Zayb.  Ikinisap ng mamamahayag ang
kanyang mata.95
 

94
Dahilan sa sugalan ay nalimot ni Padre Camorra ang dahilan ng kaniyang
pagpunta sa Los Banos. Ang lakarin ang pagpapalaya kay Tandang Selo. Ito ay
upang kalugdan siya ni Juli. Subalit ang tunay na nakapagdulog nito sa
Kapitan Heneral ay ang Kalihim na noon lamang niya naalala-ala.
95

Tiningnan ng Kapitan Heneral si Ben Zayb para maghanda ng Praise Release.

Das könnte Ihnen auch gefallen