You are on page 1of 4

After passing the NLE, what do I do??? 1. Validation of grade.

Sa kapirasong papel na ito, makikita mo ang grades mo sa bawat test ng NLE kasama ang iyong passing rate. This is not an official document. 2. Certificate of passing. Isang bond paper na naglalaman ng salitang "PASSED" na nagpapatunay na ikaw nga ay pumasa sa board exam. Ito ay official document kaya pwedeng gamitin sa pag aaply sa mga hospital. 3. Certificate of board rating. Isang bond paper na naglalaman ng grades mo sa bawat test ng NLE at ang passing rate mo. Ito ay official document kaya pwedeng gamitin sa pag aaply sa mga hospital. 4. Registration. Ito ay proseso ng pagpapalista ng iyong pangalan bilang isang licensed professional. Kasama sa prosesong ito ang pag-aapply para sa license.

Source: http://nursentrepinoy.blogspot.com/2010/02/after-passing-nle-what-do-i-do.html

Registration requirements: -Duly accomplished oath form -Cedula -2 pcs passport size picture (colored with white background and complete name tag) -1 pc 1x1 picture (colored with white background and complete name tag) -2 sets of metered documentary stamps-1 short brown envelope with name and profession

Initial registration fee: P600 Annual registration fee: P450 for 2010-2013

Oath taking will be held on September 20-21, 2010 with morning (8 am) and afternoon (1 pm) at SMX Convention Center, SM Mall of Asia, Pasay City. All must come in their white gala uniform, nurse's cap, white duty shoes, without earrings, hair not touching the collar and without corsage.

Oathtaking tickets for the NCR and nearby regions will be available at the Philippine Nurses Association (PNA) at 1663 F.T. Benitez Street, Malate, Manila from September 1-20, 2010 on a first come first serve basis. After passing the Nursing Licensure Examination (NLE), what should I do next? Same questions boggled my mind last July 2009. I dedicate this note to my our new nurses especially my friends here in FEU and in Batangas. A. TERMINOLOGY: Validation of grade - kapirasong papel na available sa prc after ng release date ng exam. ito ay di official document kaya di pedeng gamitin para mag apply sa mga ospital. pero for the sake na mapanatag ang loob mo at malaman ang grade mo, kunin mo ito. sa papel na ito, makikita mo ang grades mo sa bawat test ng nle kasama ang iyong passing rate. isama mo ang kaibigan mo at sama sama keo magtawanan sa nakuha nyong grades. Certificate of board rating - isang bond paper na naglalaman ng grades mo sa bawat test ng nle at ang passing rate mo. ito ay official document kaya pedeng gamitin sa pag aaply sa mga ospital. Certificate of passing - isang bond paper na naglalaman ng salitang passed na nag papatunay na ikaw nga ay pumasa sa board exam. ito ay official document kaya pedeng gamitin sa pag aaply sa mga ospital. Registration - ito ay proseso ng pag pappalista ng iyong pangalan bilang isang licensed professional. kasama sa prosesong ito ang pag aaply para sa license (maalin sa paper or card). Registration date - ang pinaka nakakapagod na araw sa buong buhay mo dahil talgang magugutom at mahihilo ka sa haba ng pila. ito ang araw na itinalaga para mag register ka as professional at mag apply ng license. note: wag ka na umasa na ientertain ka ng prc para mag register kung di mo pa araw, dahil di ka tlga pag bibigyan. depende na lang kung me tita ka sa loob. Peace! B. STEPS TO FOLLOW: First, pagkalabas ng result ng board, wag ka na mag patumpik tumpik pa, pumunta ka na sa PRC at kumuha ka na ng validation of grade at mag apply ka na for certificate of board rating at certificate of passing. San ba yun validation ng grade - usually sa pinaka madaming pila, malamang nurse lagi madami, sa 5th floor auditorium ng prc. Mahaba ang pila pero mabilis lang ito. Nga pala, wag mo kalimutan mag dala ng valid id (school id) o kahit anong valid. Pede rin ang walang kamatayang Notice of Admission mo (NOA), tanda mo pa?

Panu kumuha ng certificates - kung sa manila ka, pag pasok mo ng gate ng prc, tumingin ka sa kaliwa, makikita mo maraming nakapila, kasi iyan ang information booth nila. Jan ka kukuha ng dilaw (yellow form) for application of certificate. Fill up mo lang. Then pila sa cashier at mag bayad (75PHP ata per cert). Wag kalimutan ang resibo. Magbayad for documntary stamp. Then pila ulet sa window somewhere (d ko matandaan pasensya, pero nakaindicate nmn sa yellow form), tpos ibigay mo ang yellow form kasama ang resibo. Kukunin seo ang form at pupunitin ang maliit na sheet na nasa form. Sa maliit na sheet na ibibigay seo, dun mo makikita kung kelan ka babalik para sa makuha ang certificate mo. Babalik? - Oo matagal i process ang certificate kaya kelangan mo bumalik para kunin yon. D ko alam kung bakit pero siguro dahil sa dami ng nurses na nag aaply ng certificate araw araw. Note, hndi lang nmn new board passers ang nag aaply ng cert, ung mga naunang batch nag aaply din kasi kelangan sa trabaho sa abroad etc nawala nila ung kanila etc. Matagal? - Oo nga matagal i process ito kaya kumuha ka na agad as soon as malaman mo na nakapasa ka na? Pede na ba ako kumuha? Oo pede na kahit d ka pa naka register as professional pede na. Bakit? Ano ba kukunin mo? Certificate of passing at board rating db? Wala nmn sinabi na certificate of registration as professional db? Ito ay katunayan na pumasa ka ng sa board exam. Kaya kunin mag apply ka na. Bakit mo ba ako pinipilit na kunin na ang cert ko? Hindi ba pwedeng isabay ko na sa registration ko? - Pwede, pwedeng isabay mo na sa registration date mo. Pero kung ikaw ay isang bibong batang tulad ko na inip na inip na sa buhay at gusto nang mag training sa hospital agad agad. Aba kunin mo na! Isipin mo ang cert ay official document na nag papatunay na pumasa ka na nga ng board. Kaya tinatanggap ito sa mga ospital. Kung maaga ka mag aaply ng cert, maaga ka din makakapag apply . Mdami ba ang nurses ngaun? Oo sobrang dami na nga, kaya mag paunahan kayo. Uunahan mo ang dagsa ng mga applicants. Be wise pare! Recap - tapos mo na kunin ang validation of grades mo at nakapag apply ka na din for cert. Good masunuring bata. Third, basically waiting time lang ito. Waiting sa araw na makukuha mo na ang cert mo, at waiting sa araw ng registration mo. Pero habang naghihitay ka, meron ka pa ba pwedeng gawin? Oo nmn, sakin ka pag nag tanong. Ituturo ko seo. Pumunta ka sa barangay ninyo at mag apply ka ng barangay clearance. Tpos pumunta ka sa munisipyo, kumuha ka ng Community tax certificate (cedula). Meron ka na nga nun, eh kasi requirement un sa NOA. Pero kumuha ka na ulet kasi 2010 na. Tpos, kuha ka ng postal id. Tpos kuha ka din ng police clearance. Tpos kuha ka din ng nbi clearance. Tpos kuha ka ng SSS, sabihn sa guard form E-1. Tpos, Kung excited ka na mab abroad na tulad ko, aba aba, kumuha ka na rin ng passport. I recommend na mag punta ka sa mga travel agency para mas madali, babayad ka ng mas malaki, pero sitting prett ka

nmn kasi sila ang bahala seo. Kung me passport ka na, pede ka na yata kumuha ng Tax Identification Number (TIN). Recap - tapos mo na kunin ang validation of grades mo at nakapag apply ka na din for cert. Meron ka na din barangay clearance, police clearance, nbi clearance, postal id, sss, passport, tin. Wow, ready ka nang mag work. Kung gusto mo, mag part time ka muna. Haha. Fourth, update mo na ang resume mo. Resume, anu ba un? Yan ang suhol mo sa bawat kumpanyang pag aaplyan mo. Papel lang na nag cocontain ng mga personal, educational, at work eperience mo. Pagandahin, ayusin, at pag ibayuhin. At wag kalimutan, ilagay ang pinakamagandang formal picture, usually passport size or 2X2 (laki nmn, passport size na lang). Jan, nakasalalay kung tatawagan ka sa interview. Sa resume (pero plus factor ung pic) hehe. Ayusin mo na din ang credentials mo. Ano ba ung credentials? TOR, RLE record, at ang mga certificate na nakuha mo noong college na nag lalaman na ikaw nga ay isang outstanding student, dapat kang i clap clap. Sa resume, isama ang credentials, pati ang mga clearance etc. Fifth, kunin mo na ang cert mo at mag register ka na sa prc. Madugo ang pag reregister as professional. Tips lang. Pumunta ka ng maaga sa prc. Mga 5.30 pumila ka na. Mag dala ka na ng tubig at biskwit dahil siguradong magugutom ka sa pila. Pag patak ng alas 8, bubuksan ang gate, at mararanasan mo kung ano ang pakiramdam ng sumali sa amazing race. Nga pala, mag dala ka ng madaming ID pic na passport size, paste, cyempre ball pen. Tpos, makisunod ka lang sa agos at pag super lagkit mo na dahil sa pawis, matatawa ka dahil sa wakas tapos na din at registered ka na. Note: kung taga probinsya ka, pwede mong ipadeliver ang license mo thru LBC or 2GO sa halagang 40 pesos ata, basta less than 100 lang. kesa mamasahe ka pa para kunin lang license mo diba? Tipid pa, less pagod pa. Wise to pre! Recap - na aus mo na ang resume mo with credentials with cert, with clearances, ngaun isama mo na ang nakuha mong certificate of passing at board rating. naks, u're getting there! Sixth, dahil nga sama sama na ang files mo, pumunta ka na sa pinakamalapit na printing shop at ipa photocopy mo ng madami ang iyong resume at credentials. Ako 10 agad. Lumibot ka na sa lahat ng ospital na alam mo at mag pasa ka na ng application mo! I activate mo na din ang mga natatago mong kaibigan at kamag anak para maging backer mo. Kapalan ang mukha, be confident not too proud, be assertive not aggressive, be professional, be an example. Ngaun hindi ka na student, isa ka ng nurse! Good luck new nurse! Godbless!