Sie sind auf Seite 1von 7

Ang luwad sa kanyang mga kamay Rev. Dory J.

Vilanueva

Bulok, patapon, at walang saysay yan ang ating dating buhay sa paningin ng maraming tao. Tinakasan na ng pagasang magkaroon ng silbi at kabuluhan sa buhay, patuloy na lamang tayo sa pagkalugmok sa kasalanan, dusa at pait ng mundong ito, Hanggang sa bigyan tayo ng sulyap, habag at kaligtasan ng Panginoon. Na sa ating abang kalagayan, iniahon Niya tayo upang maging kapaki-pakinabang sa Kanyang harapan. Tulad ng clay o luwad na walang hugis at disenyo na inihuhulma ng Kanyang mga kamay, kalooban ng Dios na gawin Niya tayong isang sisidlan ng kaluwalhatian ayon sa Kanyang dakilang plano sa ating mga buhay. Nang si Jeremias ay mnsang utusan ng Panginoon na magtungo sa baahy ng magpapalayok upang doon pakinggan ang Kanyang salita, nalaman niya kung papaanong ang isang walang sibling luwad ay matiyagang inihuhugis muli ng magpapalayok sa isang bago at kapaki-pakinabang na sisidlan. Matapos basain ng magpapalayok ang clay , ito y mabilis niyang inihulma sa gulong. Mula sa loob hanggang sa labas ng palayok, ito y maingat na dinidisenyuhan ng batikang magpapalayok. Ngunit bago pa man tuluyang maihulma ang putik, ito y biglang nasira. At dito nakita ni Jeremias kung paanong inulit ng magpapalayok ang buong proseso ng paghubog sa luwad hanggang sa muli itong mahulma. At noo y dumating ang kapahayagan ng Panginoon para sa buong Israel: Hindi ko ba maaaring gawin sa inyo ang ginagawa ng magpapalayok na ito sa luwad? (Jer. 18:1-6) Ang bansang Israel na sadyang nawasak ng kasalanan at paghihimagsik ay nais ng Dios na mabuong muli. Ang Panginoon na matiyaga at mahabagin sa lahat ay hindi nanghihinawa sa paulit-ulit na paghubog sa luwad hangga t hindi Niya pa ito naihuhugis ayon sa disenyong Kanyang nais. Kung kaya t tulad ng isang luwad, ang ating mga buhay ay dumaraan sa isang proseso ng paghuhulma, paghuhubog, at pagdidisenyo ng Panginoon hanggang tayo y maging sisidlan na kapaki-pakinabang sa Kanya. Paghahanda sa Luwad Bagamat mabusisi at matagal ang maraming kaparaaanan ng paghuhulma sa isang pirasonmg luwad upang ito ay magamit ng may-ari, ang Panginoon ay handing gawin at iparanas ang mga ito sa ating mga buhay. Una, ang luwad ay nilalagyan ng katamtamang dami ng tubig hanggang sa ito ay lumambot. Kung papaanong ang isang tuyong luwad ay di maaaring mahulma, gayon din naman ang bawat mananampalataya na puno ng kapalaluan sa buhay. Siya ay kailangang palambutin ng tubig na sumisimbolo sa Salita ng Diyos. Ang uri ng tao na mahala sa Akin at nakalulugod ay ang kahabg-habag at mababang loob, sa Aking salita siya ay takot (Isaias 66:2b). Kapag ang puso ng tao ay nagpakumbaba, iyon ang simula ng paggamit ng Diyos sa kanyang buhay. Ating pakatatandaan na araw-araw ang pagpapalambot na nais ng Panginoon para sa atin. Habang patuloy tayong lumalago sa Kanyang Salita, ito ang nagpapabago sa ating mga puso t isip. Matapos palambutin ang luwad, inikot-ikot at hinahalo-halo ito nang maigi. Tinatawag itong kneading time. Kailangang napakalakas na puwersa sa paghahalo upang walang bulang manatili sa luwad. Ang mga bula, na katulad ng ating pagsuway sa kalooban ng Dios, ay nakasisira sa kalidad ng mayayaring

palayok ng ating buhay. Ginagamitan din ng magnet ang pagpapaging-pino ng luwad tiyak na maalis mula rito ang mga metal at katulad na uring mga bagay na nakapaloob dito. Ang mga nakukuha na magnet mula sa ating mga buhay ay ang mga bagay na nakapag-uudyok sa ating magkasala, magmataas o magmalaki sa ating Panginoon at sa ating kapwa. Tinitiyak ng Dios na tayo y magiging sisidlang walang bahid dungis sa Kanyang harapan (Efeso 5:27). Paghuhubog at Paghuhugis Kailangan ding mabilis ang kamay ng magpapalayok sa paghuhlma ng luwad dahil baka ito y tumigas kaagad. Kaya matapos itong halu-haluin, inilalagay na ito sa gulong. Ang gulong na pinaikot-ikot ay maituturing na isang lugar ng maraming pagbabago sa ating mga buhay. Ito ang lugar kung saan nahuhubog sa nais na disenyo ang luwad na dati y walang hugis at ganda. Sa pamamagitan ng mga pagsubok sa buhay at pagtitis, at sa pagkatuto mula sa mga ito, ang sino man ay nagkakaroon ng magandang anyo. Si Apostol Pablo noon ay ilang ulit nang masiraan ng barko, nabugbog, nakulong, binato ng maraming tao at nasaktan dahil sa pangangaral ng Salita ng Dios. Ngunit hindi ito nakapagpahina sa kanyang pananampatalataya. Bagkus, ito ang pinagmulan ng marami niyang karanasan na nagpapatunay ng kabutihan at katapatan ng Panginoon na kanyang pinaglilingkuran. Madalas, sa oras ng sakit at pighati, sa ating buhay, nais natin ng kaagad na kaginhawaan. Hindi natin alam na ang nais ng Panginoon ay ang paglalim ng ating character . Madalas, ang nais natin ay matakasan ang ganitong mga sitwayon, ngunit ang nais naman ng Panginoon ay mapagdaanan at mapagtagumpayan natin ang lahat ng mga ito. Nais nating ang mga ito y matapos kaagad ngunit nais naman Niyang makita na ang testing ay nagampanan ang kabuuan nitong tungkulin - ang tayo y maging mas kaaya-aya sa Kanyang paningin. Sapagkat habang pinaikot ng Magpapalayok ang gulong, kinikinis naman ng mga kamay Niya ang loob ng sisidlan, Matapos makinis ang loob ng palayok, ang panlabas naman ang Kanyang pinakikinis at pinagaganda. Ang ating mga buhay, sakali mang nasa gulong pa, ay hangad ng Panginoon na totohannang mahulma ayon sa Kanyang plano. Ang Magpapalayok ay walang kopyahan ng Kanyang "obra maestra ; ang kanyang paghuhugis sa putik ay nagmumula sa puso at isip nya. Ang disenyo ay kusa Niyang naisasaanyo sa luwad at ito y bukod-tangi. Matapos ang pagbibigay anyo rito, maingat itong patutuyuin ng magpapalayok ngunit hindi sa initan ng araw dahil baka ito ay mabiyak. Ito y inilalagay sa oven o pugon sapagkat kailangan ang tama sa init sa lahat ng sulok ng palayok upang pantay-pantay ang pagkakatuyo nito. Ang Tamang Pananaw Hindi dapat tanggihan, gaano man kasakit, ang bawat hagod ng paghuhugis ng Panginoon sa ating mga luwad na buhay. Sa katunayan ang ating pagpapasakop sa paraan ng Panginoon ay maaaring makahadlang sa ganap at kaaya-ayang pagkakahubog Niya sa ating mga buhay. Ang palayok ba ay makaoagrereklamo sa gumawa sa kanya? Maitatanong bang luwas sa magpapalayok kung ano ang ginagawa nito? Masasabi ban g palayok na hindi sanay ang gumawa sa kanya? (Isaias 45:9). Wala tayong karapatang tanungin ang ating Manlilikha. Kung magtitiwala tayo sa Kanyang dakilang plano at disenyo para sa ating buhay, mas magiging mabilis at maayos an gating pagkakagawa. Di rin tayo nararapat sumuko kapag may mga pagsubok sa ating buhay. Dapat nating isipin na ang mga ito y kailangang daanan upang tayo y maging sisidlang magagamit ng Panginoon sa Kanyang kapurihan. Kung sa mga unang kaparaanan pa lamang ng paghubog ay hindi na nalinis o natanggal ang bula ng luwad, maaaring masira ito sa gulong ng mga pagsubok. Nguinit, ang kagandahan nito, di itinatapon ang napingasang luwad ng ating Magpapalayok, sa halip ito ay muli

Niyang magtiyagang hinuhubog hanggang sa matupad ang Kanyang plano para sa putik na iyon. Paalala Ang ating mga buhay ay mahalaga sa harap ng Dios. Bago pa tayo lalangin ay mayroon na Siyang nakalaang paggamit sa atin. Ninanais ng Diyos na tayo y maging karpat-dapat sa Kanya. Tayo y nililinis Niya, kung kaya di na natin dapat dumihan ang ating buhay. Pinalalambot Niya tayo at hinuhulma, kung kaya, dapat lamang nating naisin na Siya ang manguna sa ating buong puso t isip. At kung sakaling tayo y matapyasan o mabungian habang inihuhugis, matiyaga at matapat ang Panginoon sa paguulit ng mga kaparaanan upang maging tunay tayong palayok ng Kanyang kaluwalhatian. Ngunit nakalulungkot na marami pa ring tumatangging magpahulma at magpagamit sa ating Panginoon ayon sa Kanyang kalooban. Patuloy ang kanilang pagdungis sa luwad. Ang katotohanan, walang kabuluhan ang kanilang buhay kung hindi sila pagagamit ayon sa kaparaanan ng Nagmamay-ari nito. Sapagkat wala tayong magagawa kung wala ang Panginoong Jesus sa atin (Juan 15:5k). Nagkakaroon lamang ng saysay ang lahat sa atin kapag nagamit ito para sa kaluwalhatian ng ating Manlilikha. Kung wala tayo sa kamay Ng Dios, hindi makukumpleto ang isang magandang sisidlang inihanda Niya para sa atin. Nanaisin pa ba nating mawalay sa Kanyang piling? Lalayo pa ba tayo sa mapagmahal na paghuhugis Niya ng ating buhay? Nawa y maging panalangin nating ang nasulat sa Unang Timoteo 2:21: para sa kaluwalhatian Mo, malinis, at ginagamit ayon sa Iyong naisin. Panginoon, gawin mo akong isang sisidlan

Sa gayon magkaroon ng saysay, silbi at kahalagahan ang ating mga buhay sa mundong ito.

ANG SIMBOLO NG KRUS: Reflection for the Feast of the Triumph of the Cross, Year A - September 14, 2008

Nagkaroon ng isang survey noong 2004 tungkol sa mga famous symbols kung gaano ito kakilala ng mga tao. Ito ang lumabas: 94% ang "Olympic Rings", 92% ang McDo, 88% ang Shell, 54% ang Cross, at 36% ang UN symbol. Marahil hindi ganoon ka-accurate ang survey pero may sinasabi na itong malaki tungkol sa ating pananampalataya. Bakit pang-apat lang ito? Bakit naunahan pa ng Shell, ng McDo, o ng Olympic Rings? Siguro dahil mahina o walang dating ito sa tao... Tingnan mo nga naman kasi kung papaanong ginagamit natin ang simbolong ito: basketball player bago i-shoot ang free throw, boksingero bago suntukin ang kaaway, kapag tayo ay naguguglat, panakot sa multo at maligno, bilang "fashion, item ng mga rockista na alam naman nating marami ang walang kinikilalang Diyos, tatoo ng mga kriminal at mamamatay tao. Magtataka pa ba kayo bakit pangapat lang? Ang simbolo ng Krus na sa simula ay simbolo ng pagpapahirap at kamatayan ay binago ni Jesus nang siya ay namatay sa Krus. Ang krus ay naging simbolo ng pag-ibig, sakripisyo, pagpapatawad... kaligtasan! Walang kahulugan ang krus kung walang Kristo na namatay sa krus. Kaya nga ang bawat pagtingin ko sa krus ay dapat magdala sa akin sa pagsamba at pagsampalataya kay Jesus. At ang pagsampalataya ay alam nating nangangahulugan ng pagsunod. Dapat maging katulad din ako ni Kristo na mapagpatawad, mapagtiis... mapagmahal. "May kwento ng isang batang bagsakan ang grade sa Math. Inilipat siya ng kanyang magulang sa isang Catholic School. Laking pagkagulat nila ng makitang tumaas ang grades niya pagkatapos ng isang quarter. Tinanong siya: "Dahilan ba yan sa mga madre? Sa mga teachers? Sa mga kaklase mo?" Ang sagot ng bata: "Hindi! dati kasi hindi ko siniseryoso ang Math. Nang makita ko sa chapel yung taong nakapako sa "plus sign" naisip ko... sa school na ito, seryoso sila dito... they meant bussiness!"Totoo, dapat kapag nakita natin ang krus maisip natin na "it meant bussiness!" Ibig sabihin: Whether I am for Christ or against Christ! Whether I am a good Christian or bad one. Saan ba ako lulugar bilang Kristiyano? Wag lang sana nating dalhin ang krus sa ating mga bulsa o pitaka. Sikapin nating maiukit ito sa ating mga puso ng sa ganon tayo ay maging mga katulad ni Kristo...

The Pope's homily on the role of the Cross in our theology was a good reminder of who are as a people of faith: merciful, loving, and hope-filled. Sin and death don't have the last word in life. It is sad that we don't remember this more often, clergy and laity alike. This homily made me reflect back on an experience I had a few weeks back when I was told a priest in this particular parish preached that Catholics are "Easter people" and not a "Good Friday people." Sorely misguided. On June 5th in Cyprus Pope Benedict celebrated the Votive Mass of the Holy Cross (praying the various votive Masses is a good and noble tradition when there is no specific liturgical memorial that particular day) when he acknowledged the work of devoted priests, brothers, sisters catechists and the lay movements in preaching and teaching the Truth. In the face of difficult and sometimes evil situations the Pope encouraged his congregation (and us) to base their (our) lives on the Cross. For Christians, the cross is not a failure but the symbol --the reality-- of mercy, forgiveness, faith, hope and joy. And it is the goal of priests and religious to conform their lives to their Cross because it is at the foot of the Cross that we know the full power of the Trinity's love for us. Plus, the Pope reminds us that we are not the center of the faith, Christ is: it is His wisdom and salvation we communicate to others, not our own. Here are excerpts from the Pope's homily: Beguiled by the serpent, Adam had foresaken his filial trust in God and sinned by biting into the fruit of the one tree in the garden that was forbidden to him. In consequence of that sin, suffering and death came into the world. The tragic effects of sin, suffering and death were all too evident in the history of Adam's descendants. We see this in our first reading today, with its echoes of the Fall and its prefiguring of Christ's redemption. As a punishment for their sin, the people of Israel, languishing in the desert, were bitten by serpents and could only be saved from death by looking upon the emblem that Moses raised up, foreshadowing the Cross that would put an end to sin and death once and for all. We see clearly that man cannot save himself from the consequences of his sin. He cannot save himself from death. Only God can release him from his moral and physical enslavement. And because he loved the world so much, he sent his only-begotten Son, not to condemn the world - as justice seemed to demand - but so that through him the world might be saved. God's only-begotten Son had to be lifted up just as Moses lifted up the serpent in the desert, so that all who looked upon him with faith might have life.

The wood of the Cross became the vehicle for our redemption, just as the tree from which it was fashioned had occasioned the Fall of our first parents. Suffering and death, which had been a consequence of sin, were to become the very means by which sin was vanquished. The innocent

Lamb was slain on the altar of the Cross, and yet from the immolation of the victim new life burst forth: the power of evil was destroyed by the power of self-sacrificing love. The Cross, then, is something far greater and more mysterious than it at first appears. It is indeed an instrument of torture, suffering and defeat, but at the same time it expresses the complete transformation, the definitive reversal of these evils: that is what makes it the most eloquent symbol of hope that the world has ever seen. It speaks to all who suffer - the oppressed, the sick, the poor, the outcast, the victims of violence - and it offers them hope that God can transform their suffering into joy, their isolation into communion, their death into life. It offers unlimited hope to our fallen world.

That is why the world needs the Cross. The Cross is not just a private symbol of devotion, it is not just a badge of membership of a certain group within society, and in its deepest meaning it has nothing to do with the imposition of a creed or a philosophy by force. It speaks of hope, it speaks of love, it speaks of the victory of non-violence over oppression, it speaks of God raising up the lowly, empowering the weak, conquering division, and overcoming hatred with love. A world without the Cross would be a world without hope, a world in which torture and brutality would go unchecked, the weak would be exploited and greed would have the final word. Man's inhumanity to man would be manifested in ever more horrific ways, and there would be no end to the vicious cycle of violence. Only the Cross puts an end to it. While no earthly power can save us from the consequences of our sins, and no earthly power can defeat injustice at its source, nevertheless the saving intervention of our loving God has

transformed the reality of sin and death into its opposite. That is what we celebrate when we glory in the Cross of our Redeemer. Rightly does Saint Andrew of Crete describe the Cross as "more noble, more precious than anything on earth [...] for in it and through it and for it all the riches of our salvation were stored away and restored to us" (Oratio X; PG 97, 1018-1019). Dear brother priests, dear religious, dear catechists, the message of the Cross has been entrusted to us, so that we can offer hope to the world. When we proclaim Christ crucified we are proclaiming not ourselves, but him. We are not offering our own wisdom to the world, nor are we claiming any merit of our own, but we are acting as channels for his wisdom, his love, his saving merits. We know that we are merely earthenware vessels, and yet, astonishingly, we have been chosen to be heralds of the saving truth that the world needs to hear. Let us never cease to marvel at the extraordinary grace that has been given to us, let us never cease to acknowledge our unworthiness, but at the same time let us always strive to become less unworthy of our noble calling, lest through our faults and failings we weaken the credibility of our witness. In this Year for Priests, let me address a special word to the priests present today, and to those who are preparing for ordination. Reflect on the words spoken to a newly ordained priest as the Bishop presents him with the chalice and paten: "Understand what you do, imitate what you celebrate, and conform your life to the mystery of the Lord's Cross". As we proclaim the Cross of Christ, let us always strive to imitate the selfless love of the one who offered himself for us on the altar of the Cross, the one who is both priest and victim, the one in whose person we speak and act when we exercise the ministry that we have received. As we reflect on our shortcomings, individually and collectively, let us humbly acknowledge that we have merited the punishment that he, the innocent Lamb, suffered on our behalf. And if, in accordance with what we have deserved, we should have some share in Christ's sufferings, let us rejoice because we will enjoy a much greater gladness when his glory is revealed.

Das könnte Ihnen auch gefallen