Sie sind auf Seite 1von 15

DISKURSO

DISKURSO
Latin Discursus
a. Paraan ng pagpapahayag, pasulat man o pasalita b. Nangangahulugan din ng pakikipagtalastasan c. Ang pormal at patuluyang pagsasagawa ng isang mahusay na usapan d. Interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon

Tumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalastasan gayun din naman sa malalim na pagtingin sa mga ideyang inilalahad.

Milrood 2002

Mahalaga Na:

Maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi maging sa kulturang nakapaloob dito; Mahusay maghinuha ng mga impormasyon (kilos + salita) Kritikal na pang-unawa sa pag-unawa ng mga mensahe Isaalang-alang ang sumusunod na dimensyon: 4K (konteksto, kognisyon, komunikasyon,kakayahan)

1. K O N T E K S T O

DELL HYMES
S (setting at scene) lugar ng komunikasyon P (participants) mga kasangkot sa komunikasyon E (ends) ang layunin sa komunikasyon A (act sequence) pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari; mga gampaning pangwika na nakapaloob sa komunikasyon K (keys) ang tungo o pangkalahatang tono at pamamaraan ng pagsasalita I (instrumentalities) mga kagamitan sa paghahatid ng mensahe o istilo na ginagamit sa pag-uusap (verbal at diverbal) N (norms) mga pamantayang kultural; kaangkupan at kaakmaan ng usapan sa isang sitwasyon G (genre) uri ng pananalitang nakalahad sa sitwasyon

2. KOGNISYON
Tumutukoy sa wasto at angkop na pang-unawa sa mensahe ng mga nag-uusap Bahagi nito ang oryentasyong kultural ng mga taong naguusap Kailangan ang mataas na level ng pang-unawa tungo sa higit na karunungan

3. KOMUNIKASYON
Tumutukoy sa verbal at di-verbal na komunikasyon sa paghihinuha ng mga impormasyon

URI NG DI-VERBAL: DI Proximics o Proksimiks Chronemics o Kronemiks Oculesics o Okulesiks Haptics o Haptiks Kinesics o Kinesiks Objectics o Objektiks Vocalics o Vokaliks Olfactorics Colorics Pictics Iconics

4. KAKAYAHAN
Lahat ng tao ay may kakayahan sa 4 na makrong kasanayan at dapat linangin para sa higit na masaklaw na interaksyon

Kaantasan ng Salita
A. Formal (pamimitagan, malumanay na tinig,malinaw,katumpakan,
pag-iwas sa mararahas na salita sa pakikipag-usap)

- mga salitang istandard dahil sa itoy kinikilala, tinatanggap, ginagamit ng karamihang nakapag-aral sa wika.

1. Pambansa
mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing sumisirkula sa buong kapuluan at lahat ng paaralan.

2. Pampanitikan
- mga salitang matatayog, malalalim, mabibigat, makukulay at sadyang mataas ang uri.

B. Di-Formal o Imformal Di1. Lalawiganin


- mga salitang kilala lamang sa pook ng pinanggalingan nito, dulot ng makarehiyunal na kaugalian ng tao.

2. Kolokyal
- mga pang-araw-araw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar bagamat may anyong repinado depende sa nagsasalita

3. Balbal
- tinatawag sa Ingles na slang. Tinatawag ding salitang kanto, mga gay lingo o sward speak.

Wika ang tagapagpahayag ng mga ideya, sakali mang hindi mapangalagaan and identidad nito, tiyak na mawawalan din ng saysay ang mga ideyang nakapaloob dito.

Noah Webster

KAPANGYARIHAN
1. Ang wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan 2. Ang wika ay humuhubog ng saloobin 3. Ang wika ay nagdudulot ng polarisasyon 4. Ang kapangyarihan ng wika ay siya ring kapangyarihan ng kulturang nakapaloob dito.

Proyekto sa Filipino:
A. Patalastas sa dyaryo
Gumupit ng limang (5) makukulay na larawan ng komersyal o advertisment sa mga pahayagan. Idikit ang bawat isa sa bond paper at tukuyin ang mga natatagong kahulugan ng bawat isa.

B. Tula, Awitin, Editoryal


Maghanap ng dalawa (2) alinman sa tula, awitin, at editoryal at idikit sa bond paper. Sa ibaba bawat isa, ipaliwanag ang kahulugan nito.

Das könnte Ihnen auch gefallen