Sie sind auf Seite 1von 8

SINAUNANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA 1.

SINAUNANG KOMUNISMO - tribu o pamayanan - sama-samang namumuhay (communal living) - kumikilos ang bawat isa para sa kapakanan ng lahat - lumaki ang kanilang produksyon - magkaroon ng surplus - nagbigay daan sa pang-aalipin para lalong lumaki ang produksyon Halimbawa: China - commune Israel - kibbutz 2. PYUDALISMO - pangkasunduang relasyon ng mga miyembro ng upper-class ng Medieval Europe - pinagkalooban ng lupa ang isang tao kapalit ng serbisyo, pollitical o military - nagsimula sa panahon ng kaguluhan (sinakop ng Barbarians ang Europa) - dito nagsimula ang gitnang panahon o middle ages - umunlad ito sa gitna ng ika-11 na siglo hanggang kalagitnaan ng ika-13 na siglo - nabuo ang mga manors Katangian: - laganap sa mga komunidad na agricultural ang ekonomiya - binubuo ng isang istruktura Feudal Lord - namumuno sa mga manors Basalyo - nabibigyan ng lupa o fief Serf - mga tagabungkal at tagapagyaman ng lupa - ginagamit ang sistemang manorial kung saan ang may-ari ng lupa ang namamahala sa mga karapatan ng mga taong nagtatrabaho para sa kanya - naglalayong maglunsad ng isang malakas na organisasyong pang-militar upang mabigyan ng proteksyon ang bawat isa. Obligasyon ng Basalyo sa Feudal Lord: - magbigay ng serbisyo military sa oras na kailangan - pagpaplano at pamamahala ng mga gawain sa loob ng manor - pinansyal na obligasyon sa oras na kailangan ng feudal lord ang tulong - tagapagpatupad ng batas - Hukom Dahilan ng Pagbagsak ng Pyudalismo: 1. Paglaganap ng pera at mga kabayanan 2. Hindi na gaanong mahalaga ang lupa 3. Paglaganap ng kapitalismo 4. Paglaganap ng pulbura * Bubonic Plague (1348) 3/5 ng populasyon ng Inglatera ay nawala Hapon - Daimyo = feudal lord Samurai = basalyo

3. CASIQUISMO - pagpapahiram ng nagmamay-ari ng lupa sa mga tenants o kasama - Casique ang tawag sa nagmamay-ari ng lupa - sistemang ekonomika, pulitikal at sosyal kung saan may sariling pamamalakad at pamahalaang lokal - nagsimula sa panahon ng mga aborigines - malalaking clan o pamilya ang pumili ng mga lugar upang maging kanila - naging karaniwan sa mga bansang Asyano gaya ng India, Japan, China at dito sa Pilipinas Casiquismo sa Pilipinas - laganap ito bago dumating ang Kastila - mayaman at maimpluwensya ang nagmamay-ari ng lupa. Siya ay mapagmahal sa kayamanan at katayuan sa buhay. - nagtagal ito dahil sa sunud-sunuran ang mga tenants Katungkulan ng Isang Casique: - tinitignan niya ang kapakanang pangkabuhayan at ispiritwal ng mga nasasakupan - tagasingil ng buwis - tagapamahala ng katarungan - tagapamagitan Mga Sistema sa Paggamit ng Lupa: a) Sisteman Inquilino - pagpapahiram ng lupa sa mga tenants o kasama - nagbabayad ng renta (cash o in kind) b) Sistemang Kasama (tenant) - magkasosyo ang casique at kasama sa pagsasaka May dalawang pamamaraan ng pagsososyo: 1) Hati sa gastos para sa materyales. Hati rin sila sa ani. 2) Sa tenant ang lahat ng gastos sa materyales. Hati sila sa ani at ang hatian ay: 2/3 sa tenant 1/3 sa may-ari ng lupa o casique c) Tenant-Servant System - ang tenant ay namumuhay kasama ang landlord - libre ang board at lodging - itinatakda ng may-ari ng lupa ang hatian sa ani d) Clearing System - ginagamit sa mga di pa nabubungkal na lupa - walang upa o renta pag di pa nalilinis - 50% ang upa kapag nabungkal at nakapag-ani na - tataas ng 50% ang upa kapag tumaas ang ani Mga Di-Kabutihan ng Casiquismo - Sistemang Usuriya - pagpapautang na magpapataw ng mataas na interes tulad ng a.) takipan - pagpapataw ng 100% interes

b.) talindua - pagpapataw ng 50% interes c.) terciahan - pagpapataw ng 33% o 1/3 interes - Paternalismo - lubusang pakikipaggasahan ng mga magsasaka sa mga casique na nagbubunga ng katamaran - libreng serbisyo ng mga magsasaka sa mga casique - pang-aabuso sa mga karapatan ng mga magsasaka Pagbagsak ng Casiquismo - pagdating ng mga Amerikano - pagkakaroon ng edukasyon ang mga tao 4. MERKANTELISMO - isang teoryang pampulitika na pinairal sa Europa noong 16-18 na siglo upang pamahalaan ng gobyerno ang pagpapayaman ng ekonomiya ng bansa - layunin nitong matamo ang kapangyarihan at kasikatan - hinango ito sa Doktrina ng Merkantil - "ang bansa ay magiging mayaman sa pamamagitan ng pagkamal ng maraming ginto at pilak" (ginamit itong batayan ng kayamanan at kapangyarihan ng isang bansa) - tinagurian itong "nationalism through commerce" - isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagluluwas ng produkto at pananakop ng mga maliit na bansa upang kontrolin ang kanilang ekonomiya. - Pransya at Inglatera ang mga naunang gumamit nito - lumaganap noong ika-16-18 na siglo - hindi na ito umiiral ngayon 7 na Bagay na Binibigyang-Diin ng Merkantelismo: 1. Mahahalagang metal o bakal ang batayan ng yaman ng bansa 2. Ang bansang walang minahan ay maaaring magkaroon sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan 3. Magpanatili ng balance of trade 4. Malaking populasyon pagkukunan ng paggawa, pamilihan, sundalo 5. Luho sa inaangkat na produkto ay binabawasan 6. Pagpapabrika hindi pinahihintulutan ito sa mga kolonya para bumili sa mga nananakop na mga bansa (mother country) 7. Pagpapahalaga sa pagtitipid at pagtangkilik ng sariling produkto 5. PASISMO Ang Pasismo ay isang sistemang ekonomikal kung saan ang isang diktador ang humahawak sa lahat ng industriya. Ito ay isang pulitikal na pagtanaw sa buhay. KASAYSAYAN Ang salitang facism ay nagmuka sa salitang fasces o mga lumang simbolo ng kapangyarihan ng mga Romano. Benito Mussolino ang nagpaumpisa ng katawagang fascism noong 1919

Napoleon I ang nagsimula ng makabagong fascism nang diktahan niya ang Pransya noong 1800s. Sa Italy, ang Fascist Party ang nangako ng mga pagbabagong pang-ekonomiya at pambansa kayat nahikayat nila ang hari nito nag awing punong ministro si Mussolini noong 1922. Si BENITO MUSSOLINO ay tinawag na Il Duce (ang pinuno), at kanyang binuwag ang mga partido sa Italy at itinira lamang ang Fascist Party. Sa Alemanya, ang Fascist Party na tinatawag na NATIONAL SOCIALIST GERMAN WORKERS PARTY o NAZI PARTY ang namuno noong mga panahon ng paghihirap matapos ang World War I. Adolf Hitler - ang pinuno ng mga Nazis, ang naging pinuno ng pamahalaan at kanyang binuwag ang konstitusyon at ginawang fascist state ang Alemanya Mga Katangian: Ang fascism ay: 1. Isang anyo ng pamahalaan na karaniwang pinamumunuan ng isang diktador. 2. Napapaloob dito ang buong pamamahala ng pamahalaan sa mga gawing pampulitika, pangekonomiya, pangkultura, panrelihiyon at panlipunan. 3. Pinahihintulutan ang mga industriya na mapasapribado ngunit nasa ilalim ng pamahalaan. 4. Napapaloon din dito ang masidhing patriotism, maladigmaang patakaran at persecution ng mga minoridad. 5. Ang pamahalaan ay mahigpit na pinamamahalaan ang mga industriya upang makasiguro na tinutugunan nito ang mga pangangailangan ng bansa. 6. Hindi pinahihintulutan ng pamahalaan ang pag-aangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa 7. Ipinagbabawal ng pamahalaan ang mga welga at mga unyon ng paggawa 8. Ang mga korporasyon ay itinatatatag ng pamahalaan na binubuo ng mga manggagawa at mga may-ari 9. Sa pamamagitan ng mga korporasyon itinatakda ng pamahalaan ang mga suweldo, oras at mga production goals 10. Hawak ng pamahalaan ang mga pahayagan, radyo at iba pang pamamaraan ng komunikasyon. 11. Ang anumang paglabag sa pamahalaan ay maaaring magresulta sa pagkakakulong, pagpapakasakit at kamatayan. 12. Ang lahat ng mga bata ay hinihikayat ng pamahalaan na sumali sa mga samahang magtuturo sa kanila ng pag-eehersisyo, pagmamartsa at pagtuturo ng mga paniniwala ng pasismo. 13. Ang National Planning Board ay nagpaplano ng ekonomiya. Mga Kabutihan ng Pasismo: 1. Iginigiit nito ang pagkamakabayan 2. May pagkakapantay-pantay ang mga manggagawa 3. Disiplinado ang mga tao karaniwang mula pa sa pagkabata

4. 5. 6. 7.

Ang produksyon ay pawang nakatuon sa pangangailangan ng bansa. Hindi umaasa ang bansa sa pag-angkat ng mga bagay buhat sa ibang bansa. Hindi maaantala ang produksyon ng mga welga Pinapayagan ang pribadong pagmamay-ari

Mga Kasamaan ng Pasismo: 1. Limitado ang mga karapatan at pati kalayaan ng mga mamamayan. 2. Mala-digmaan ang patakaran ng pamahalaan. 3. Iisa lamang ang partidong pampulitika 4. Walang kalayaang magpahayag 5. Salungat sa komunismo at sa mga liberal na sistema 6. Gumagamit ng marahas na pamamaraan ng pagkuha ng gusto niyang makamit. 7. Walang respeto sa pagiging pribado ng buhay ng tao at pinipilit na sunurin ang patakarang ito. 8. Mataas ang presyo ng produkto. 9. Ang mga minoridad ay pinahihirapan at kung minsan ay pinapatay. 10. May secret police na dumudurog sa oposisyon Mga Bansang Gumagamit ng Pasismo: Italy nagsimula nitong gamitin ang pasismo nang mamuno si Benito Mussolini Alemanya si Adolf Hitler at ang kanyang Nazi Party ang gumawa ng fascist state sa Alemanya Hungarya ang fascist party na Arrow Cross ang namuno noong 1930s Romanya ang samahang fascist na Iron Guard ang naging pinakamalakas na partidong pulitikal Hapon noong 1930, sumikat at lumakas dito ang mga fascists groups Argentina si Juan D. Peron ang nagtatag ng diktadurang pasismo noong 1944 1955 Espanya noong Spanish Civil War (1936-39), sinusuportahan ng isang fascist group, ang Falance Espanola, rebolusyong pinamumunuan ni Francisco Franco. Nanalo siya at naging malapasismo ang kanyang pamahalaan 6. KOMUNISMO (nakabase sa plano) Karl Marx tinaguriang Ama ng Komunismo - sinulat niya ang Das Kapital na tinaguriang bibliya ng komunismo - naisulat din niya ang Communist Manifesto na nagbigay-daan sa paglawak ng komunismo. Kasama niyang sumulat si Friedrich Engel. - Pinalawak niya ang kaisipang ito sa hangaring matamo ang lipunang walang pag-uuri (classless society) sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga manggagawa na tinawag niyang prolitariat Nikolai Lenin lider ng mga Bolshivik, ang nagpasimula ng komunismo sa Rusya. Mao Tse Tung nagpasimula nito sa Tsina - isang sistemang pang-ekonomiya na ang estado ang kumokontrol at nagmamay-ari ng lahat ng industriya at yaman ng bansa - may CENTRAL PLANNING BOARD na nagsasagawa ng pagsagot sa mga suliraning pangekonomiya - ang lahat ng tao ay gagawa at kikilos batay sa kaalaman at kakayahan - sila ay babayaran ayon sa kanilang pangangailangan

- hindi pinapayagan ang pribadong pagmamay-ari - lahat ng gawaing pang-ekonomiya at ang pagpepresyo ng mga produkto ay itinatakda ng pamahalaan - sa kasalukuyan, wala pang bansa ang nakarating sa full communism o absolute communism - unti-unting naglalaho, sanhi ng paghahangad ng tao sa kalayaan Apat na yugto ang pagdadaanan bago maging komunista ang isang bansa: 1. Ang pagbagsak ng kapitalismo at pag-agaw sa pamahalaan 2. Ang diktadorya ng mga manggagawa o prolitariat. Lahat ng gamit sa produksyon ay pagaari at kontrolado ng pamahalaan. 3. Pagtatag ng lipunang sosyalista batay sa prinsipyong mula sa tao, batay sa kakayahan, at batay sa pangangailangan. 4. Lipunang komunista kung saan ang lahat ay sagana sa pangangailangan at ang pamahalaan ay hindi na kailangan, maliban sa mga administrador na namamahala sa mga industriya

Katangian: - Autokrasya pamamahala ng iisang partido at hindi malayang eleksyon - ang tao ay nabubuhay para sa estado at walang kalayaan at karapatang tinatamasa - ang mga lumalaban sa pamahalaan ay ipinatatapon o ipinapapatay - walang kompetisyon dahil sa kontrolado ng pamahalaan ang produksyon ng produkto at serbisyo - lahat ng kapital ay pag-aari ng pamahalaan. Ito rin ang nagbibigay ng trabaho sa mga manggagawa at nagtatakda ng gawain batay sa kakayahan ng manggagawa - nagbibigay ng gantimpala sa mga manggagawang pinakamatulungin at produktibo at kaparusahan o pagpapatapon sa mga hindi gumagawa nang maayos 7. SOSYALISMO (nakabase sa pamilihan) - pinaghalong kapitalismo at komunismo *Estado hawak ang pangunahing industriya *Mamamayan maliliit na industriya ang maaaring hawakan pero may pakialam pa rin ang pamahalaan - sumibol sa Pransya at Britanya noong 1830 - Si Robert Owen ang unang gumamit ng salitang sosyalismo - isang capitalist na dumamay sa mahihirap at kaawa-awang manggagawa - itinatag niya ang sosyalismong utopia UTOPIA hango sa kaisipan ni Thomas More - isang perpektong lipunan - makakamit sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pantay-pantay na pamamahagi sa produksyon ng bansa. - mahalaga ang kooperasyon kaysa kompetisyon - kolektibong pamamaraan ang pagmamay-ari ng yaman sa pagkakaroon ng welfare statenaibigay ng pamahalaan ang kahat ng pangangailangan ng mamamayan - lahat ng tao ay tumatanggap ng pare-parehong benepisyo Karl Marx itinuturing pinakasikat at dakilang sosyalista

8. KAPITALISMO PAANO NABUO: Mid 1700s isang grupo ng ekonomistang Pranses na tinatawag na Physiocrat ay nagpilit sa pamahalaan na itigil ang pakikipag-ugnaan sa ibang bansa. LAISSEZ-FAIRE ay nag-uutos na itigil ang tariffs at iba pang restriksyon sa pakikipagkalakalan. Adam Smith ang bansa ay maaaring magtaas ng kanilang yaman sa pagtatalaga ng free trade. Sinulat niya ang The Wealth of Nations kung saan ipinaliliwanag niya kung paano nangyayari ang Laissez-Faire * Tinanggal na ng British Government ang Merkantelismo at pinalitan ng Kapitalismo noong panahon na iyon Karl Marx nagtanggal ng Laissez-Faire John Maynard Keynes gumawa ng aklat na General Theory of Employment Interest and Money noong 1936 - inalis niya ang paniniwalang ang mga kapitalistang bansa ay walang economic affairs. Itoy dumedepende sa paggasta ng mga mamimili, negosyo at pamahalaan 1940s natapos ang Great Depression na ang malaking gastusin ng military sa World War II ay nabawi Mid-1970s itinaas ang paggastos at kontrol ng ekonomiya Mga Katangian Batay sa Salik: 1. Mamamayan sila ang nagbibigay-impluwensya sa ekonomiya bilang konsumer, mga manggagawa at bilang mamumuhunan. 2. Negosyo sila ang nagdedesisyon kung ano ang gagawin nilang produkto at kung saan gaganapin ang kanilang mga kilusan o gawain. 3. Pamilihan (Market) isang tadhana na ginagamit ng mga ekonomista para sa mga lugar at sitwasyon na kung saan ang mga tao ay bumibili at nagtitinda ng produkto at serbisyo. Supply produkto o serbisyo na inaalok para mabili Demand dami ng produkto o serbisyo na gustong bilhin ng tao *Ang mga presyo ay madalas na nagbabago dahil ang supply at ang demand ay hindi pantay. 4. Kita (Income) nakasalalay ito sa dami ng kasanayan o kagustuhan para sa mga kasanayan na pinahahalagahan ng lipunan. 5. Gobyerno/Pamahalaan pinapayagan nitong magamit ng mga mamamayan ang kanilang mga ari-arian ayon sa kanilang kagustuhan at makapagtrabaho kung saan man nila gusto. MGA KATANGIAN

1. Pribadong Pagmamay-ari ang lahat ng mga karapatang bumili o magmana ng mga mahahalagang bagay na maaaring gamitin sa negosyo. 2. Malayang Pagpasok sa Negosyo o (Free Enterprise) kahit sinuman ang hindi lumalabag sa batas ay maaaring gumamit ng puhunan upang pumasok sa negosyo. 3. Kompetisyon dahil maraming pumapasok sa negosyo, dahilan sa tubo na kikitain dito ay nagkakaroon ng kompetisyon sa pamamagitan ng pagpoprodyus ng mataas na kalidad na produkto sa mababang presyo. 4. Pagtuon sa Tubo ito ang pinakasentro o tuon ng kapitalismo sapagkat ito ang dahilan ng paggamit ng puhunan sa pagpasok sa negosyo at pakikipagkompetisyon. Mga Di-Kabutihan ng Kapitalismo I. Panlipunan i. Eksploytasyon ii. Di Pagkakapantay-pantay II. i. ii. iii. iv. Pang-ekonomiya Sobrang produksyon Pagkawala ng trabaho Matinding kompetisyon Konsentrasyon ng Kapangyarihang Pang-ekonomiya

III. Pampamahalaan i. Kompetisyon sa Publiko at Pribadong Sektor

Das könnte Ihnen auch gefallen